G A P O 2013- 2014 Florentino Torres High School Marianne Dean A. Morales
G A P O
2013-2014Florentino Torres High School
Marianne Dean A. Morales
IV-Lakandula (4) Gng.Marco
II.Talambuhay ng May-
Akda
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong
manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o
maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-
pampelikula.Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2
Disyembre 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School
noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism
major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man
niya matapos ang kanyang unang taon.Ilan sa mga nobela niya ang:
Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo
sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.
Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa
kanyang mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan
Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo
Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang
kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-
Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at
Star Awards.Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati
Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa
larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-
pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo),
isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng
katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng
pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa
Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa
noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang
Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex
Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng
pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best
screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star
Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best
screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga
maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca
para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra,
unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng
Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga
dramang pang-telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang
Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang
huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa
telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.Pinarangalan si
Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga Sulatin
ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong 10 Marso 2004 habang idinaraos
ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa
Katutubong Wika.Ang mga maiikling kuwento na isinulat ng mga
kababaihang Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-Philippine
Society (Ang Samahang Pinlandes-Pilipino, o FPS), isang hindi-
pampahalaang organisasyon na itinatag noong 1988. Pinatnugutan at
isinalin ni Riitta Vartti, at iba pa, ang Tulikärpänen. Sa Firefly: Writings by
Various Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang
bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi mula sa nobelang
Pilipinong Gapô (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in
Olongapo (Ang Gabi sa Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata,
Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan namang Children's Party
(Handaang Pambata).Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang
akda ni Bautista ay maaaring makabuwag sa hadlang sa palimbagang
pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung
bakit walang nasasagawang pagsasalinwika ay ang paggamit ni Bautista
ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang ang mga
masasalimuot na katayuang panlipunan at pangkaluluwa sa Pilipinas,
isang katangian palagiang ipinagsasawalang-bahala ng mga samahang
pampanitikan
III.Pagpapakilala sa Tauhan
Michael Taylor Jr. – Anak ni Dolores kay Michael
Taylor Sr. na isang kano;Isang sikat na singer sa
Freedom Pad; Galit sa mga kano.
Dolores- Isang Pinay na nangangarap na makapunta
sa Amerika; Ina ni Mike;Nabuntis ni Michael
Taylor Jr.
Michael Taylor Sr.- Kanong tatay ni Mike na
nakabuntis kay Dolores.
Magdalena “Magda”- Matalik na kaibigan ni
Dolores; Kasama ni Mike sa isang bahay.
Modesto “Desto”- Naging kaibigan ni Mike;
Mahilig uminom at pumasok sa bar; Napatay ni
Johnson.
Ali- Isang baklang kumikita tuwing buhay ang
Olongapo; Kaibigan nila Mike at Desto; Niloko at
sinaktan nila Richard Halloway at Igna.
Igna- Pinagkakatiwalaan ni Ali; Kasabwat ni
Richard sa panloloko at pananakit kay Ali.
William Smith- Kano na nakapagasawa ng pinay;
mabait kay Desto.
Irene- Asawa ni William Smith.
Jun-Pamangkin ni Igna na anak ni Alicia sa kano.
Alicia- Kapatid ni Ali;Ina ni Jun;Nakapagasawa ng
kano ngunit di nagtagal.
Richard Halloway- Nanloko kay Igna; Kinasabwat
si Igna.
Steve Taylor- Nanloko at nakabuntis kay Magda;
Napatay ni Mike.
IV. Buod
Sa Olongapo, sikat na sikat ang lugar na buhay na buhay tuwing gabi
dahil sa ingay at malalakas na tawanan ng mga tumatao dito. Isa na rito
ang Freedom Pad na bentang benta sa mga sundalong amerikano dahil
sa aliw na ibinibigay nito tuwing sasapit ang gabi. Sikat sa bar na iyon
ang mang-aawit na si Michael Taylor,Jr. Nakapaskil sa pagpasok pa
lamang ng bar ang malaking larawan ni Mike na nakadikit sa malaking
salamin. Ang mga kinakanta ni Mike ay mga uri ng awiting pampasaya at
pampatama sa mga kano. Hindi naman ito naiintindihan ng mga kano
kaya tuwang tuwa pa rin sila na sumsabay sa musika.
Abot langit ang kaligayahan ng may aring intsik dahil sa dami ng
kostumer nilang mga kano.Bentang benta ang mga beer at ladies drink
na halo lang naman ng mirinda at konting alak. Ang mga babaeng
bayaran ay nakaakbay sa mga sundalong kano. Sige ang tawag ng isang
pinoy sa wayter na rumoronda sa bar subalit hindi siya nito naririnig
dahil kasalukuyan pa nitong pinaglilingkuran ang mga kano. Naiinis ang
pinoy kaya nagsiklab ng away sa bar. Galit nag alit ang instik na may-ari
mg bar dahil natakot ang kaniyang mga parukyanong kano kaya sige ang
pasensya niya sa mga ito. Nagreklamo ang hostess at sinabing huwag ng
magpapasok ng pinoy sa bar dahil puro gulo lang ang inihahatid ng mga
ito.
Ang downtown Olongapo naman ay walang kaibahan sa ibang
lugar ng probinsya. Pagtungtong ng alas singko ay lumalabas na ang mga
taga-aliw sa lansanggan. Ang lugar ay nahahati sa iba’t ibang
teritoryo.Merong lugar na puro black American lang ang pwede meron
din namang puro puti lang. Si Mike ay hindi inaasahang napadpad sa
lugar ng mga itim kaya pinaghahahabol siya ng mga ito. Puti kasi si Mike.
Naanakan ang ina niyang si Dolores ng isang sundalong kano noon.
Nakuha ni Mike ang pisikal niyan katangian kaya marami ang
napagkakakamalan siyang kano kahit na Tagalog ang salita niya.
Nagtatakbo si Mike at nakita siya sa gilid ng iskinita si Modesto at Si Ali.
Tinulungan siya ng mga ito kaya nakaligtas siya. Nang makaalis si Mike,
napag-usapan ni Modesto at ni Ali ang diskriminasyon na nangyayari sa
lipunan nila dahil sa base ng mga kano.
Pag-uwi ni Mike sa bahay ay naabutan niya ang kaibigang si
Magda kasama sa sofa ang isang kano. Ibinarog ni Mike ang pinto
pagpasok niya sa kwarto. Nagalit si Sam kaya iniwan niya si Magda.
Hahabo-habol si Magda sa kano.Kinaumagahan ay nag-usap si Magna at
si Mike. Nagkaroon sila ng sagutan dahil sa nangyari kagabi.
Lalong lumaki ang galit ni Mike sa mga kano.Sinabi naman ni
Magdalena na kailangan na nilang maghiwalay ng tahanan dahil kung
anu-ano ang iniisip sa kanila ng mga tao, pati na rin si Sam. Sinabi ni
Mike na kung may aalis ay si Magdalena daw ito dahil siya naman ang
tunay na nakatira doon mula pa noon. Napunta lang naman dun si
Magda dahil naging kabigan nito ang nanay niyang si Dolores.
Umalis ang barko ng mga sundalo sa daungan.Nawalan ng sigla
ang negosyo sa Olongapo.Ang mga hostess ay nagsimula ng manamlay
at hindi mag-ayos ng sarili. Natuwa ang mga Pilipino dahil sa wakas ay
maibebenta na ng mga hostess ang kanilang mga colored tv na mula
states.at iba pang gamit dahil mauubusan na sila ng kita. Si Magdalena
ay namili muna nag mag pagkaing galing sa states. Niyaya niyang
kumain si Mike subalit tumanggi ito dahil sabi niya ay nabalita daw sa
telebisyon na maraming nagkasakit dahil sa imported na produkto.
Dalawa pa nga daw ang namatay dahil doon. Sinabi din ni Mike na tira
tira lang ang dumadating na produkto sa bansa natin dahil nagsisilbi
lang tayong tapunan ng mga Amerikano. Biglang nakaramdam ng kulo
sa tiyan si Magdalena kaya isinuka niya ang kinain niya. Nagsimula na
ding magbenta ng mga gamit si Magdalena dahil wala na siyang kita.
Tuwang tuwa ang pamilyang Pilipinon nabentahan niya ng TV galing sa
kano.Iniisip nila na kapag galling sa States ang gamit mo, sikat ka. Ayos.
Maagang umalis si Mike sa bar dahil wala din namang gaanong
kostumer.Tinawag siya ni Modesto at niyayang makipag-inuman.May
isang hostess dun ang nagsisilbi sa kano,naging waiter na din dahil
walang empliyado ang napasok dahil karamihan ay naka-leave. Siya ang
kumuha ng order nila Mike at Modesto. Kada utos ng dalawa ay sigeng
tawag din ng isang kano. Nainis si Modesto kaya sinabihan si Rosalie na
mag bihis dahil ilalabas daw siya ni Mike. Nagulat si Mike sa sinabi ng
kaibigan. Nadarama niya na gusto ni Modesto na maghamon ng away
kaya umalis na palabas si Mike at Rosalie.
KInabukasan, sa kabila ng mga patawa ni Mike ay kapansin
pansin na nananamlay pa din ang Freedom Pad. Ang mga empleyado ay
naglaro na lang ng sugal dahil wala silang ginagawa. Sa isip isip ni Mike,
wala ng ngang kita, natalo pa.
Si Ali naman ay na problemado kasi sa kanya iniwan ang
pamangking si Jeffrey na lumaki sa Amerika. Biglang nawala ang kapatid
niyang si Alicia na nabutis ng isang kano, kaya ito tagapag-alaga siya
ngayon ng isang batang kano.Napag-isip isip niya na kailangan niya ng
makahanap ng mapapang-asawa dahil baka lumaking bakla ang
pamangkin. Kailangan kasing makahanap ito ng ideyang lalaki upang
hindi ito lumaking mahina.Pinuntahan ni Ali si Modesto. Pinakiusapan
na baka pwedeng magsama sila kahit alam ni Ali na may pamilya na si
Modesto. Hindi umepek ang paiyak iyak ni Ali kaya sa huli, kinuha niya
na lamang si Modesto bilang ninong ni Jeffrey sa kumpil. Kasama din si
Michael sa pagiging ninong.
Dumating ang araw ng kumpil ni Jeffrey. Pagtapos noon ay
nagtungo sila sa beach. Abalang-abala si Micheal at Modesto sa pag-
aaliw kay Jeffrey. Nakatulala si Ali ng biglang nilapitan siya ng isang kano
nagngangalang Richard Halloway.
Ang araw ng pagdaong ulit ng barko ng US sa Olongapo ay
dumating na. Nabuhayan nanamang muli ang lahat. Kasabay ng mga
umusbong na pangarap ng mga hostess na makahanap ng katambal na
magdadala sa kanila sa lupaing pinapangarap. Pinana ni kupido si Ali kay
Richard. Nalove at first sight daw. Hayun naman si Magdalena at
nakakilala nanaman ng bagong kano na nagngangalang Steve Taylor.
Dinala ni Magda si Steve sa bahay nila ni Michael. Ipinakilala at
sinabi na pareho silang Taylor. Naabutan nila na nagpapraktis ng gitara
si Mike sa tulong ng Jingle Chord Book. Nakinig ang kano at
nagkapalagayan sila ng loob ni Mike. Masaya si Magda dahil sa wakas ay
hindi na naging suplado si Mike sa mga kano. Kinagabihan, nagtatatka si
Mike kung bakit hindi niya aabutan ang kano sa apartment. Iba si Steve
sa mga naunang karelasyon ni Magdalena. May respeto ito at masayang
kasama.
Masayang nag inuman si Modesto at si Mike. Napagkwentuhan
nila ang usad ng mga relasyon ni Ali at ni Richard, Magdalena at Steve.
Masaya silang nag angat ng alak para sa ligaya ng mga kaibigan.Tuwing
dumadalaw daw kasi si Richard kay Ali ay may dala pang bulaklak at
pinapasyal ang pamangkin nitong si Jeffrey,ani ni Modesto. Naging
magkaibigan naman si Mike at Steve, lagi siyang pinapanood ng kano sa
pagpapraktis.
Pumasa sa eksamin ang anak ni Modesto na makapagtrabaho sa
Base. Natatakot siya kung paano sasabihin sa ama. Ayaw kasi ni
Modesto na magtrabaho dun si Jun dahil nga alam niya na ang
patakaran doon.Sinabi ni Jun na natanggap na nga siya. Tinanung nito sa
ama kung ano ang ibigsabihin ng salitang “yardbird”. Nanlamig ang
pakiramdam ni Modesto. Sinabi niya na anga kahulugan nun ay
pataygutom at walang dapat magsabi nun sa anak. Sinagot naman ni Jun
ang ama, sinabi nito na hindi naman siya ang tinatawag na ganoon ni
Johnson kundi ang ama. Natahimik si Modesto, nalaman na ng anak niya
ang pang-aapi sa kanya sa base na araw-araw niyang tinitiis. Ang alam
kasi nila ay matigas ang tatay nila at walnag makakapang-api dito.
Nakaka-ilang alak na si Modesto at kahit sino ay hindi nito
pinapansin pati na si Mike.Noong pumasok siya sa trabaho hindi rin niya
kinakausap ang kaibigan niyang si William Smith. Isa itong kanong
naging sobrang bait kay Modesto. Hindi ito sang-ayon sa patakaran ng
Amerikano. Tunay na kaibigan ang turing ni William kay Modesto.
Sa trabaho, habang nagwewelding si Modesto ay may
tumatawag sa kanya ng yardbird.Hindi niya ito pinapansin dahil baka
ibang kasamahang Pilipino ang tinatawag ni Johnson. Lahat na ng
empleyadon Pilipino ay lumingon kay Johnson liban kay Modesto.
Nagpatuloy ang pagtawag. Napuno si Modesto at sinabing wag na wag
siyang tatawaging yardbird. Nagkainitan ang dalawa. Pumagitna si
William subalit hindi nita ito naawat. Sinapak ni Modesto si Johnson.
Babawi na si Johnson subalit bumanat ulit si Modesto. Umawat na rin
ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Base. Hinampas ng puting kamay
ang tubo sa ulo ni Modesto. Nakita ni William ang lahat ng nangyari sa
kaibigan, sakanya tumatalsik ang dulo kada hampas ng tubo.
Nagluluksa ang lahat. Dumalaw sa burol ni Modesto si Mike.
Inuuyam siya ng mga nakikiramay dahil akala ay kano siya.
Nagpaliwanag siya na kaibigan niya ang namapatay. Si Ali naman ay
hindi man lamang nakadalaw sa burol hanggang pagkalibing ni Modesto
dahil sa sobrang seloso ni Richard.
Handang tumestigo si William dahil alam niya ang nagyari at
may pinagsamahan sila ng kaibigan. Subalit inutos ng pinakamataas sa
barko na gawin na lamang ang idinidikta niya. Pinabalik si William sa US
kahit hindi siya sang-ayon upang mapagtakpan ang kaso laban sa mga
puti. Hindi makatarungan.
Sa bar, bigalang may tumawag sa telepono, hinahanap si Mike.
Nang makarating siya sa telepono ay wala namang nagsasalita. Panay
ang “Hello”’ niya sa linya. Naisip niya ang kaibigang si Ali kaya
pinuntahan niya ito. Saradong sarado ang bahay nila Ali. Sumilip siya sa
bintana ng biglang may narinig siyang tinig ng paghihingalo. Binasag niya
ang bintana. Tumawag ng pulis ang mga kapit-bahay dahil akala
magnanakaw si MIke. Nang makapasok sila sa bahay ay nakalupasay si
Ali at hinang-hina. Sinabi nito na pinagnakawan siya ni Richard. Dala nito
ang kaha de yero.Ginamit lamang siya nito dahil alam na mapera siya.
Umuwi na si Mike. Umaga na ng muli siyang magising. Napansin
niya na may kumakaluskos sa ibaba kay bumanggon na siya. Si
Magdalena pala. Hindi ito pumasok at napansin ni Mike na namumugto
ang mga mata nito. Sa bar, napansin niyang nag iisa sa table si Steve.
Matapos kumanta ay pinuntahan niya ang kaibigan. Sinabi ni Steve na
kaibigan lang talaga ang turing niya ka Magdalena at may pamilya siya
sa Amerika. Kaya lang, masyadong umasa si Magdalena kaya nabuntis
ito dahil hindi nag-iingat. Nagpantig ang tengga ni Mike sa mga
pinagsasabi ni Steve. Kinuha niya ang gitara at hinampas sa ulo ni Steve.
Dumalaw si Magdalena kay Mike. Dinalahan ito ng pagkain.
Homicide ang kaso nito.Huminge ng pabor si Mike na habang
nagpapagaling si Ali ay si Magda muna ang mag-alaga kay Jefferey.
Masaya si Magdalena sa pabor dahil gusto niya na daw maranasan
makitungo sa batang kano upang paghahanda sa paglabas ng anak.
V. Pagsusuri sa Tauhan
Michael Taylor Jr.-Isang folk singer na G.I. Baby na magaling
sumuri ng tama at mali. Siya ay galit sa mga Kano dahil sa
pagiging iresponsable ng mga ito at dahil isa siya sa mga naging
bunga ng pambibiktima ngmga Kano sa mga Pilipina. Makabansa
siya at pinagtatanggol niya ang ating bansa sa kanyang sariling
paraan
Magdalena- Isang mabuting kaibigan kay Dolores. Isa sa mga
babaing nag-ambisyon na makarating saAmerika.Naapektuhan ng
kolonyalismo at dahil dito ay tinatangkilik niya ang mga
produktong Kano
Alipio -Isang bakla na nagkagusto kay Modesto. Siya ang nag-
alaga sa kanyang pamangkin na si Jeffreynang umalis ang kanyang
kapatid na si Alice. Mapagkalinga siya ngunit ang kanyang
kahinaan ay ang maaaringhindi magandang impluwensiya niya sa
kanyang pamangkin dahil sa kanyang kasarian. Kaya nang
dumating si Richard Halloway ay agad siyang nahulog sa bitag
nito
Modesto -Matatag na lalaki dahlil kinakaya niya ang masasakit na
salita ng mga Kano.Ngunit sa kabila ngkatatagan niya ay mahina
pa rin siya dahil ginagawa niyang panlutas ng problema ang alak
Dolores-Isang babaeng nang magutom ay nagbenta na pati ng
katawan. Nabuntis ni Michael Taylor Sr.ngunit di na siya binalikan
nito. Sa kabila nito ay nagpakatatag siya at isinilang si Michael
Taylor Jr.
William Smith - Isang responsableng Kano na pinakasalan ang
isang Pilipina nang mabuntis niya.Palakaibigan siya at hindi
nananapak ng ibang tao. Siya ay piping tumututol sa mga kamalian
ng kanyang mgakalahi.
Johnson -Isang mapanlait at marahas na Kano. Minamaliit niya
ang kakayahan ng mga Pilipino.
Richard Halloway-Palakaibigan na Kano subalit masasabi rin na
minamaliit niay ang kakayahan atkatayuan sa buhay ng mga
Pilipino dahil di siya makapaniwala na mayaman ang amo ni Igna.
Mapagsamantaladin siya dahil ginamit niya ang kahinaan ni Ali
para makuha ang mga kayamanan nito.
Igna -Mabait at mapagmalasakit an katulong ni Ali sa unang
bahagi ngunit nakakapoot na siya ay nasilaw din sa kinang ng pera
sa huli.
Jeffrey - Ang pamangkin ni Ali na lumaki sa ibang bansa. Dahil
dito ay naapektuhan din ng pamumuhaydoon ang kanyang pag-
uugali kaya naging pasaway ito.
Jun- Anak ni Modesto na labis ang pagnanais na makapagtrabaho
sa Base. Siyang dahilan ng pagkapahiya ni Modesto kaya naubusan
ng pagtitimpi.
Steve Taylor-Matuturing na kakaiba sa lahat ng Kano dahil may
pag-aalala at respeto kay Magda kaya nakasundo niya si Mike.
Ngunit sa huli ay manloloko rin pala siya dahil di niya sinabi
kaagad na mayroonsiyang naiwang pamilya at ninais pa niyang
ipalaglag ang bata sa tiyan ni Magda
VI. Pagsusuri sa may akda
Ang akdang tulad ng 'GAPÔ ay isa sa mga halimbawa ng
akda na nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay
na dati'y bulag tayo, dahil sa mga Akdang gaya nito natutoto
tayong gisingin ang ating kamalayan mula sa pagkakatulog ng
ating mga kaisipan, bagay na ayaw nating mangyari simula pa
noong una. Si Lualhati Bautista ay isang halimbawa ng Nobelista
na alagad sa pagtataguyod ng Demokratikong pamumuhay na
dapat na makamit ng mga Pilipino noong una pa lamang. Sa tulong
ng akdang ito naibahagi niya ang mga bagay na kanyang
nalalaman tungkol sa mga kalakalan sa Olangapo, na hindi nating
lubusang nalalaman dito sa mga taga-Maynila. Sa tulong niya
naipahayag niya ang mga bagay na hindi natin nalalaman gaya na
lamang ng ugnayan ng Amerikano-Pilipino sa lugar ng Olongapo.
Sa tulong ng mga tauhang kaniyang nalikha na hango sa tunay na
kanilang karanasan, naipahayag niya ang di makatarungang tingin
ng mga Amerikano sating mga kapwa Pilipino sa lugar ng
Olangapo, ngunit kabaligtaran naman ng mga tingin ng mga
Pilipino roon ang mga Amerikano, para sa kanila ang mga
Amerikano ay tinututing nilang hulog ng langit o di kaya'y Diyos
para sa mga Hostess na gaya sa akdang ito. Ilan lamang yan sa mga
bagay na naisiwalat ni Lualhati Bautista, sa gaya ng akdang ito.
VII. Pagsusuri sa
nilalaman
Ang Akdang 'GAPÔ na nilikha ni Lualhati Bautista ay
naglalaman ng mga bagay na magbubukas sating kamalayan mula
sa pagiging bulag natin sa mga katotohanan. Sa tulong ng akdang
halimbawa nito namumulat ang ating kaisipan ang mga bagay na
hindi natin nauunawaan. Sa akdang ito pinaunawa sa'tin ang mga
bagay na may kinalaman sa ugnayan nating mga Pilipino sa mga
Amerikano. Ang 'GAPÔ ay naglalaman ng mga iba't-ibang
halimbawa ng relasyon natin sa mga Amerikano. Gaya na lamang
ng relasyon ni Dolores na halimbawa ng isang Pilipinang hostess
na nangangarap yumaman at sa pamamagitan ni Michael Taylor,
Sr. Maaring matupad yun. Sa kanilang sitwasyon nagkakaroon ng
ugnayan kung saan satingin ng mga Amerikano na ang mga babae
dito sa Pilipinas ay pawang mga bayaran lamang na nagbebenta ng
kanilang laman, na inaabuso naman ng mga Amerikano.
Isa lamang yan sa mga halimbawa na naisiwalat ni
Lualhati Baustista, marami pa siyang mga bagay na naipahayag
niya sa tulong ng akdang 'GAPÔ, mga bahong mayroon ang mga
Amerikano, mga bagay na akala natin na mabuti lang ang nais ng
mga Amerikano sa'tin ngunit diyan tayo nagkakamali, mga dahilan
kung bakit tayo tinutulungan ng mga Amerikano dahil may mga
bagay silang napapakinabanagan satin kaya nila ginagawa iyon,
mga bagay na hindi pantay na naibibigay sating mga Pilipino sa
ilalim ng kanilang pamamalagi sa'tin gaya na lamang ng usapin
tungkol sa pagkamit ng hustisya,pagtingin sa atin at human rights
na sila mismo ang nagpanukala ngunit hindi nila tahasang
naibibigay sating mga Pilipino, at mga edukasyon na kanilang
itinuro sa'tin ay pawang tungkol lamang sakanilang mga litaratura
at kanilang kultura. Iyan ang mga ideyang nilalaman ng akdang
'GAPÔ, mas lubos niyong mauunawaan ang aking sinasabi kong
ito'y inyong babasahin at uunawin.
VIII. Reaksyon o Puna
Matapos kong mabasa ang nobelang gapo ni Lualhati
Bautista hindi ko maiwasang itanong Ano nga ba ang pinagkaiba
ng kalagayan natin noon sa kalagayan natin ngayon? Kung
pinakikinabangan tayo ng mga Amerikano noon ano pa kaya
ngayon? Ang sakit din kasing isipin minsan na lahat ng talino mo't
pinag-aralan sila pa rin ang nakikinabang.Ngunit napaka ganda ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobelang ito. Sa
nobelang ito ay sana isang araw ay mamulat rin tayo na dapat
maging matalino tayo sa nakapalibot o sa ating paligid dahil hindi
natin alam na ginagamit lang pala tayo ng mga taong ito para sila
ay sumaya o para sila ay pakinabang satin
IX. Konklusyon
Sa pagbasa ko ng Gapo dito ko nalaman o natuklasan ang
nangyayari sa pagitan ng mga Amerikano at ang katulad nating
mga Pilipino ang Gapo ni Lualhati Bautista ay nagbigay kaalaman
sa mga Pilipino ngayun, Dito natin malalaman kung ano ba talaga
ang ginagawa nang mga Amerikano dati sa mga taong Pilipino
noon. Naisawalat lahat ang baho ng mga Amerikano ngunit
nakakalungkot isipin na ang mga Pilipina noon katulad ng nasa
Olongapo ay naging isa lamang sangkap para maging masaya ang
mga amerikano sa loob ng club002E
X. Mensahe o Aral
Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa
bayan.Para sa akin, sa kanilang simpleng pamamaraan,
maituturing na bayani sina Modesto, Mike, Magda dahilinialay nila
ang buhay sa ating bansa. Hindi man sa paraang pagpapakamatay,
sa paraan ng pamumuhay aynaipakita nila ang tunay na ugali ng
Pilipino sa mga pagsubok ng buhay. Batong buhay ka man na sakdal ng
tigas, sa patak ng tubig lamang naagnas.Masasalamin ito sa nagyari kay
Mike na animo napakatatag sa kabila ng mga kaguluhan sa Gapo at
tila balewala na lang sa kanya ito. Nang sumapit ang oras na ang
mga kaibigan naman niya ang nalagay saalanganin, hindi siya
nakapagpigil at bumigay ang matagal nang tinitimping galit.
Parang sa tao, kahit gaanotayo kalakas, lahat tayo ay may
kahinaan. Maaaring mga mahal sa buhay o mga bahay na
mahalaga sa atin