Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG
FILIPINOMorpolohiya Ito ay isang pag-aaral o pagsusuri sa
kahalagahan ng morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito upang
makabuo ng isang salita.
Morpema- ito ay ang pinakamaliit nay unit ng salita na
nagtataglay ng kahulugan. - ito ay hindi isang pantig. Halimbawa:
Masipag [binubuo ng 2 morpema- ma+sipag] [binubuo ng 3 pantig-
ma+si+pag] Anyo ng Morpema 1. Morpemang binubuo ng salitang ugat na
walang panlapi - Matatawag ding malayang morpema dahil nakakatayong
mag-isa: Halimbawa: bata sipag takbo gawa
2. Morpemang binubuo ng panlapi - Nagtataglay ng kahulugan na
matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi nakakatayong
mag-isa. Halimbawa: um- gawi o ginagawa [tumakbo, umalis, humiyaw]
ma- pagkamayroon [masipag, matapang, masungit] ka- kapangkat
[kasama, kabaro, kahati] mala- may hawig [mala-prinsesa, mala-aso,
mala-agila] 3. Morpemang binubuo ng ponema - May kahulugang taglay
na nagsasaad ng kasarian ponemang a at o Halimbawa: Maria- Mario
Doktor- Doktora Mga Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon - Ang
pagkakatulad sa katabing tunog ng isang salita.
Mga Uri ng Asimilasyon a. Parsyal- may pagbabagong nagaganap sa
isang morpema dahil sa impluwensiya ng kasunod na tunog. Halimbawa:
pang+tali = pantali
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG
FILIPINOpang+bili= pambili b. Ganap- may pagbabagong nagaganap sa
ponemang n at m Halimbawa: pang+tali= pantali= panali pang+palo=
pampalo= pamalo 2. Pagkawala ng ponema Halimbawa: tupad+in=
tupadin= tupdin bigay+an= bigayan= bigyan takip+an= takipan= takpan
3. Pagpapalit ng ponema a. d-r Halimbawa: ma+dumi= madumi= marumi
ma+dunong= madunong= marunong b. o-u Halimbawa: biro+an=
biroan=biruan bilog+an= bilogan= bilugan c. h-n Halimbawa:
tawa+han= tawahan= tawanan matuto+han= matutohan= matutuhan 4.
Pagpapalit- diin Halimbawa: linis+an= linisan kain+an= kainan
Reduksyon- nagiging maikli kaysa orihinalHalimbawa: winika ni=
ani hayaan mo= hamo tingnan mo= tamo bakit= bat
Reduplikasyon- pag-uulit ng unag pantig ng salitaHalimbawa:
pamalo= pamamalo hinakit= hinanakit 5. Metatesis Halimbawa:
yakap+in= yinakap= niyakap lamas+in= linamas= nilamas
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO6.
Pagkakaltas- sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng
salita Halimbawa: sunod in= sunodin= sundin takip+an= takipan=
takpan dala+han= dalahan= dalhan 7. Maypalit- may mga ponemang
napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita. Nagaganap ang
pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
dalawang patinig. Halimbawa : ma+dami= madami= marami
bakod+bakudan= bakuran 8. Pagpapaikli ng salita- Pagpapaikli at
pagpapabilis ng pagbigkas ng salita. Halimbawa: hinatay ka= tayka=
teka tayo na= tayna= tena, tana wikain mo= ikamo= kamo wika ko =
ikako= kako Nahahati sa dalawang (2) pangkat ang mga tunog sa
Filipino: 1. Mga tunog na patinig 2. Mga tunog na katinig Sa
katawagang panglinggwistika, ag mga tunog na bumubuo sa wika ay
tinatawag na
ponema. Samakatwid, ang mga tunog na patinig ay tinatawag ding
ponemang patinig; at ang mga tunog na katinig at tinatawag ding
ponemang katinig. Tintawag naming ponemang segmental, ang mga tunog
na patinig at tunog na katinig. Ang mga ponemang katinig ay /a/,
/e/, /i/, /o/, /u/. Iisa lamang ang bigkas sa bawat patinig di
tulad sa Ingles na ang isang patinig ay maaaring magkakaroon ng
ibat- ibang bigkas. Ang mga ponemang patinig ay /b/, /k/, /d/, /g/,
/h/, /l/, /m/, /n/, /ng/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, /y/, at /?/. Ang
simbolong /?/ ay para sa tunog na impit o global naisa ring tunog
na katinig. Mga ponemang malayang nagpapalitan - Ito ay pares na
salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit
hindi nagbabago ng kahulugan. Halimbawa: /e/ at /i/ lalake-lalaki
babae-babai /o/ at /u/ sampo-sampu pito-pitu /r/ at /d/
marami-madami
1.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG
FILIPINOmaramot-madamot 2. Mga pares ng minimal - pares na salita
na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema, at
dahil ditto nagbago ang kahulugan. Haliumbawa: /p/ at/b/ pala-bala
/t/ at /d/ lapat-lapad /k/ at /g/ titik-titig /ng/ at /n/
ngawa-nawa 3. Diptonggo - Magkasamang tunog na patinig at
malapatinig sa isang pantig; Ang diptonggo sa Wikang Filipino
sumusunod: /iw/, /iy/, /ey/, /ay/, /aw/, at /uy/. Halimbawa: giliw
luray ilaw kasoy aliw tunay hikaw aruy 4. Kambal katinig o klaster
- magkasunod na ponemang katinig sa isang patinig. - maaaring
makita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig Halimbawa:
sa unahan kwento drama brasoAng mga Panlapi
sa gitnaeskwela
sa hulihan sandwitsnars beysment
kontrata konklusyon
Isa sa magandang katangian ng Wikang Filipino ay ang pagiging
mayaman nito sa mga panlapi. Nagging madali ang panghihiram ng
salita sa ibang wika dahil sa paglalapi. Maaari ring nakaposisyon
ito sa kabilaan ng salitang ugat; o kayay nasa unahan, gitna at
hulihan ng salita Halimbawa:
kabilaan paaralan palaisdaan
laguhan santinakpan magdinuguan
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOAng mga
panlapi ay maiuuri sa panlaping makangalan, panlaping makauri, at
panlaping
makadiwa.1. Panlaping Makangalan a. an o han - maaaring iba-iba
ang kahulugan na isinasaad ng mga panlaping ito. a) lalagyan ng
marami sa bagy na isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: aklatan,
manukan, bigasan b) pook na ginagampanan ng kilos na isinasaad ng
salitang ugat. Halimbawa: kainan, higaan, aralan c) panahon ng
pagganap o maramihang pagganap ng isinasaad ng salitang ugat.
Halimbawa: pistahan, gapasan, taniman d) gantihan ng kilos.
Halimbawa: pukpukan, sulatan, biruan b. - in o - hin o ina)
Relasyong isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: tiyuhin, amain,
inapo b) Ngalan ng bagay na nagsasaad ng karaniwang gamit ayon sa
salitang ugat. Halimbawa: sigangin, pirutuhin, tinggalin c) Kahugis
ng isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: binalantok, sinampalok,
inubas c. kaa) kasama sa pangkat. Halimbawa: kaguro, kalahi,
kabaryo d. ka- -an a) nagsasaad ng pikagitna ng salitang ugat.
Halimbawa: kalayaan, kanayunan, kabahayan b) nagsasaad ng
kasukdulan ng pangyayari. Halimbawa: kainitan, katanghalian c)
nagsasaad ng gantihan ng kilos. Halimbawa: kwentuhan, kabiruan,
kasulatan e. maga) nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang
ugat. Halimbawa:
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOmaglolo,
magtiya, mag-ina b) ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat
ay nagsasaad ng gawain o hanapbuhay. Halimbawa: magtetela,
magbibigas, maggugulay f. mang/ mam/ mana) nagsasaad ng Gawain o
profesyon. Halimbawa: manggagamot, mandirigma, maggugulay
g. pa- , -an a) nagsasaad ngf ganapan ng kilos na isinasaad ng
salitang ugat. Halimbawa: patahian, pagamutan, pagawaan b)
nagsasaad ng paligsahan ng kilos. Halimbawa: pakinisan, patayugan,
palayuan h. pala- , -an a) nagsasaad ng sistema o pamamaraan.
Halimbawa: palatuldikan, palatitikan, palatunugan i. pang/ pam/
pana) nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang
ugat. Halimbawa: pangkulay, pambabae, panlaro tagaa) nagsasaad ng
gawain na isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa tagaluto,
tagahukay, tagamasid a) nagsasaad ng panahon. Halimbawa: tag- araw,
tag- ulan, tag- lamig l. tala- , - an a) nagsasaad ng pagkakahanay
o pagkakatala. Halimbawa: Talaarawan, talatakdaan, talatinigan
j.
k. tag-
2. Mga Panlaping Makauri a. ma a) nagtataglay ng pagkamayroon.
Halimbawa: maganda, matalino, mayaman b) pagkamarami.
Halimbawa:
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOmatao,
mabunga, mabato b. makaa) nangangahulugan ng katig, kampi o hilig
Halimbawa: makabago, maka-Amerikano, maka- Sharon c. malaa) tulad
ng isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: malasutla, malasebo,
malaporselana d. mapag a) may ugali. Halimbawa: mapagbiro,
mapagtahi- tahi, makapanggawa e. mapang-/ mapam-/ mapana) may
kakayahan. Halimbawa: Mapang- akit, mapamuna, mapanukso f. palaa)
lagging ginagawa Halimbawa: palatawa, paladasal, palabigay
g. - an o - han a) hindi karaniwan ang laki o labis ang dami.
Halimbawa: sugatan, duguan, butuhan h. - in o hin a) madalas
pangyarihan. Halimbawa: antukin, sipunin, sakitin 3. Panlaping
Makadiwa - sa pamamagitan ng panlaping ikinakabit sa mga pandiwa
nakikilala ang focus at aspeto ng pandiwa. Fokus ng Pandiwa Fokus
ang tawag sa relasyong pansematika ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusa. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa. Makikita sa ibaba ang ibat- ibang Fokus ng pandiwa: 1.
Fokus sa aktor o tagaganap kilos - ang simuno o paksa ang gumaganap
ng gawain o kilos. Ang mga panlaping ginagamit sa mga pandiwang
nasa focus actor ng um-, mag-, mang-, maka-, maHalimbawa:
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOa.
Nagbasa ng aklat si Benedict. b. Uminom ng gats si Maris c. Bumili
ng sasakyan si Emil. 2. Fokus sa layon - ang ng pandiwa ang
binibigyang diin sa pangungusap. Ang mga pandiwang gumagamit ng
fokus sa layon ay banghay sa -in o -hin at i- at an Halimbawa: a.
Kinuha ni Manny ang aklat. b. Pinitas ni Amy ang bulaklak. c.
Inawit ni santi ang Lupang Hinirang 3. Fokus ng Ganapan - ang
binibigyang diin sa fokus na ito ay ang lugar o ganapan ng kilos.
Ang mga panlaping ginamit sa fokus sa ganapan ay -an o -han, at -in
o -hin. Halimbawa: a. Kinainan nina Rene at Arnie ang bagong biling
mesa. b. Inakyat ni Rodel ang punong mangga. c. Inupuan ni Mylene
ang karton kaya nasira. 4. Fokus sa Pinaglalaanan o Benefaktiv -
ang binibigyang diin sa fokus na ito ay ang pinaglalaanan ng kilos
o para kanino ang kilos. Ginagamit ang mga panlaping i-, -ipang,
-ipag, sa fokus na ito. Halimbawa: a. Ipinaglaba ni Aling Anita ng
damit si Jordan. b. Ipinagtimpla ni Maximo ng kape si edit. c.
Ibinili ni Jena ng pruts ang kanyang ina. 5. Fokus na Kagamitan o
Instrumental ang gumaganap na simuno sa pangungusap ay ang
kagamitan. Ang panlaping ipangay ginagamit sa fokus na ito.
Halimbawa: a. Ang sandok ay ipinanghalo ni Jhoy ng lugaw. b.
Ipinamunas ng mesa ni Diana ang basing basahan. c. Ipinanguha ni
Alex ng santol ang sungkit. 6. Fokus sa Sanhi o Kosativ - ang
simuno sa pangungusap ay ang dahilan o sanhi. Ang mga panlaping
ginagamit sa fokus sa sanhi ay ika-, ikapang-. Halimbawa: a.
Ikinalungkot niya ang pag-alis ko. b. Ikinagalit ni Rico ang hindi
mo pagdating. c. Ikinatuwa ni Jose ang pagtatapos ko. 7. Fokus sa
Direksyon - binibigyang diin sa pangungusap ay ang direksyon o
tinutunghayan ng kilos. Ginagamit ang panlaping an o han sa fokus
na ito. Halimbawa: a. Pinuntahan nila ang baguio. b. Papasyalan
naming ang Ocean Park sa Hongkong.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOc.
Pinadalhan ni Jose ng imbitasyon si Piolo. Layunin ng tekstong ito
ang magbigay ng ilang batayang estruktura at mga hulwaran ng
organisasyon o pagbuo ng ibat- ibag uri at anyo ng mga karaniwang
kathang sulatin na magagamit ng mga estudyante o maging ng mga
guro. Dalawang (2) uri ng pagsulat: 1. Pormal na pagsulat 2.
Impormal o di pormal na pagsusulat
Pormal na pagsulatMasasabing pormal ang pagsusulat kung: 1.
Pinili ang paksa. 2. May layuning magpaliwanag at magbigay ng mga
dagdag at at bagong impormasyon na magpapaunlad ng kaisipan. 3.
Naaayon sa isang maayos na balangkas. 4. Ang mga impormasyon ay
batay sa isang maingat na pananaliksik. 5. Pili ang mga salitang
ginamit sapagkat angkop sa mga paksang pinili. 6. Gumagamit ng mga
pangungusap na madaling maunawaan. Sapagkat maayos at tama ang
kayarian. 7. Mabisa at tiyak ang paraang ginamit sa pagpapaunlad ng
pinili.
Impormal o Di-Pormal na pagsulatkung ang layunin ng manunulat ay
simpleng maihayag ang sariling saloobin sa paraang natural na
parang nagkukwento na ang ikukwento ay sarilingf karanasan o
karanasan ng ibang tao. Maaaring ang tono ay nagpapatawa o namumuna
kayat maaaring ito ay nagwawasto ng isang pag-uugali o pangangaral.
Hindi nasasaalng-alang sa mga katangiang hinihingi ng isang pormal
na pagsulat.
Pormal man o impormal ang gagawing pagsusulat, ito ay maaaring
gumamit ng apat na anyo ng pagpapahayag: 1. Paglalarawan - Ang
pagpapahayag ay nakatuon at nagbibigay diin sa pagbuo nang malinaw
na larawan ng tiyak na anyo, hugis, kulay, at iba pang mga
katangian ng isang bagay, tao, lugar o kayay isang pangyayari.
Dalawang (2) uri ng paglalarawan: a. Karaniwan o Obhektibong
paglalarawan- layunin ay basta makabuo lamang ng malinaw na larawan
sa isipan ng mambabasa o nakikinig. b. Masining o Subhektibong
paglalarawan- layuning pamukaw ng guni-guni ng mambabasa o
nakikinig. - gumagamit ng tayutay na syang nagpapaganda sa paraan
ng paglalarawan - nagsasaalang- alang sa damdamin at kuru-kuro ng
manunulat. 2. Pagsasalaysay
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG
FILIPINOpangunahing layunin ng pagpapahayag na ito ay maikwento ang
isang pangyayari na maaaring maihango sa mga karanasan, sa mga
narinig, sa mga nabasa, sa mga nakita at iba pa.
3. Paglalahad - layunin nitong magbigay ng impormasyon o
pagpapaliwanag tungkol sa isang bagay o paksa na saklaw ng
karunungan ng tao. Mahalagang bahagi ng Isang Paglalahad A. Simula/
Panimula Maaring ang panimula: 1. Isang tanong 2. Isang pangungusap
na nakakatawag ng pansin. 3. Isang siping pahayag 4. Isang
pagsasalaysay 5. Isang saligang kautusan B. Katawan Sa bahiging ito
ay ibinibigay ang mga impormasyon o detalye na nais ilahad tungkol
sa paksang tinatalakay. C. Wakas Maaaring gawin sa paraang: 1.
Pabuod-mahahalagang impormasyon na binanggit sa pinakakatawan ng
paglalahad. 2. Pag-uulit sa ginamit na panimula. 3. Pagbuod ng
hinuha Ibat- ibang uri ng paglalahad I. Pagbibigay Katuturan
paglilinaw sa kahulugan ng isang salita o lipon ng mga salita upang
lubos na maunawaan.
Dalawang (2) uri ng Pagbibigay Katuturan 1. Katuturang
maanyo/simpleng depinisyon - nasasalig sa isang makatwirang
paghahanay ng mga salita na nagbibigay ng lalong malawak na
kaalaman Tatlong (3) Sangkap: a. salita o pariralang binibigyan ng
katuturan b. kauriang kinabibilangan ng bagay na binibigyang
katuturan c. kaibahan o mga katangiang ikinakaiba sa mga kauri
Panibugho- uri ng damdaming nadarama ng isang tao kung nakikita
niyang ang kanyangminamahal ay nagbibigay ng atensyon sa iba.
Pagsasaling- wika- sining ng paglilipat sa isang wika ng diwa o
mensaheng isinasaad ng orihinalna teksto.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOMga Dapat
Tandaan sa Pagbuo ng Katuturang Maanyo: 1. Iwasan ang pas-uulit ng
salitang binibigyang katuturan. 2. Iwasan ang paggamit ng ay yaong
3. Gumamit na salitang magaan at madaling maunawaan kaysa salitang
binibigyang katuturan. 4. Tiyaking ang kaurian ay may sapat na laki
upang mapaloob ang lahat ng nasasaklaw ng salitang binibigyang
katuturan. 5. Tiyaking ang kaibahang ibinibigay ay talagang
ikinaiiba nito sa kanyang kauri. 2. Sanaysay ng pangkatuturan -
isang mahaba- habang pagpapaliwanag. - makapagpapasigla at
kinawiwilihan sapagkat maaring gawin sa ibat ibang kapaparaanan
tulad ng paglalarawan , pagsasalaysay , paglilista,
pagsusunod-sunod, sanhi at bunga, hambingan o kontras, problema at
solusiyon. II. Ulat ano mang pagbibigay ng mga impormasiyon batay
sa isinasagawang pagbabasa, pakikinig, pagaaral at
pananaliksik.
Tatlong (3) Uri ng Ulat 1. Ulat tungkol sa Pananaliksik -
paglalahad ng mga natuklasan sa imbestigasiyon at masusing pagaaral
tungkol sa isang problema o suliranin. - gumagamit ng pamamaraang
sarbey, pagmamasid, pakikipanayam (interview) o kaya
eksperimentasyon.
2. Ulat ng Tekniko - uri ng ulat ginawa bunga ng isang
isisnasagawang pagaaral o pagsusuring teknikal. 3. Ulat tungkol sa
narinig na panayam o pagbabasa - halimbawa nito ay ang mga na
hinihingi ng mga guro sa mga estudyante kung sila ay pinadalo sa
isang seminar o lektyur tungkol sa isang paksa. Halimbawa: Reaction
paper. Uri ng ulat 1. Paksa 2. Gamit / tungkulin 3. Paraan o istilo
ng pagkasulat 4. Haba 5. May- akda 6. Pormat o anyo
Ayon sa paksatumatalakay sa disiplina o larangang kinauugnayan
ng ulat at akawnting, ekonomiks, bisnes,edukasyon, inhinyera
atbp.
Ayon sa Panahon ng paghahanda (time interval)
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOito ay
inihahanda sa ibat ibang pagkakataon at pangangailangan. karaniwang
may kasamang ilustrasyon upang lalong mailahad ng malinaw ang mga
detalye ng impormasyon; gamitin ang mga talahanayan, graps,
dayagram, flow chart atbp.
Ayon sa Gamit: 2 uri1. Ulat Pangkaalaman (Informational) -
nagbibigay ito ng mga impormasyon kaugnay ng paksa - ang mambabasa
ang nagsusuri at nagbibigay kahulugan sa mga impormasyon.
2. Ulat pampagsusuri (analytic report) - ibinibigay ng manunulat
ang mga impormsyon / datos at pagkatapos ay isinusuri ang mga ito.
- nagbibigay ng mga konklusyon mula sa mga isinusuri ng datos at
kung kinakailangan ay magbibigay diin ng mga rekomendasyon o
mungkahi.
Ayon sa paraan at istilo ng pagkakasulatang isang ulat ay pormal
kung sinusulat para sa isang pormal na okasyon o pangangailangan.
ito ay gumagamit ng mga piling salita na nababatay sa isang maayos
na balangkas. ang ulat ay maaaring maikli o mahaba depende sa
bilang ng pahina nito. Ang ulat na binubuo ng 10 pahina ay inuring
maikli samantalang ang mahigit dito ay tinatawag na mahabang
ulat
Ayon sa haba
Ayon sa kung sino ang sumulat o may- akda1. Pampribado- kung ang
sumulat ay nasa pribadong kalakalan 2. Pampubliko- ang sumulat ay
nasa tanggapang pampamahalaan, institusyong pmpubliko, kolehiyoat
unibersidad at mga kasapi ng mga samahang pampropesyonal.
Ayon sa kayarian o anyoIII. ang pisikal na anyo o kayarian ng
ulat ay nagkakaiba-iba batay sa inaasahang ibubunga at ang
kapormahan o di-kapormahan ng sitwasyon paggamit. Paglalagom/
Pagbubuod Isang uri ng paglalakad na payak sapagkat ito ay isa
lamang pagbabagong- bihis sa akda ng iba. Layunin ng lagom na
matulungan ang mambabasa sa pag- unawa sa kaisipang nakapaloob sa
isang orihinal na teksto kayat ito ay ginagamit ng mga salitang
magagaan kaysa ginagamit ng orihinal.
Ibat- ibang Anyo ng Paglalagom 1. Presi 2. Halaw 3. Tala 4.
Suring-basa 5. Hawig 6. Pagpapakahulugan
Presi
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOisa itong
anyo ng paglalagom na nagpapanatili sa pangunahing kaisipan at
pananaw ng sumulat ng orihinal na teksto. ito ay isang uri ng
paglalagom na ang layunin ay pikliin ang isang tekstong binas na sa
paraang hindi mawawala ang diwa at pananaw ng sumulat ng orihinal
na teksto.
Halaw-
Ibat- ibang Uri ng Halaw 1. Dagli (brief) 2. Balangkas (outline)
3. Buod (summary)
Tala- kalipunan ng mga impormasyon na mula sa ibat- ibang
pinagkukunan. Dapat tandaan kung kukuha ng Tala mula sa narinig
tulad ng lektyur/ panayam o talumpati: 1. Magkaroon ng kagamitan sa
pagtatala. 2. Huwag mag-apura sa pagtatala. 3. Pakinggang mabuti
ang sinasabi ng nagsasalita. 4. Maingat na itala ang mga mahalagang
kaisipang narinig. 5. Pagmasdan ang ekspresyon ng mukha ng
nagsasalita, gayundin pansinin ang pagtaas, pagbaba ng tinig ng
nagsasalita. 6. Gumamit ng sariling pamamaraan sa dagliang pagtala.
Ang Pagkuha ng tala ay may dalawang (2) kagamitan: 1. Para sa
madailang pangangailangan tulad ng paghahanda sa aralin. 2. Para sa
ginagawang pananaliksik.
Pagsusuring- Basalayunin nito ang magtimbang- timbang,
magpahalaga at magpasya tungkol sa anyo ng panitikang binasa tulad
ng nobelo, kwento at iba pa. tinatawag na paraphrasing sa ingles.
May mga pahayag na upang lalong maunawaan ang kailangang igawa ng
hawig. Layunin nitong linawin ang sinasabi ngf isang pahayag. Ang
hawig ay naglalahad ng kahulugan ng orihinal sa higit na malinaw na
paraan samantalang ang presi ay nagpapaikli ng orihinal sa paraang
malinaw at pinanatili ang punto de vista ng may-akda. Ang presi ay
higit na maikli kaysa orihinal samantalang ang hawig ay maaaring
mas mahaba kaysa orihinal Pagbibigay Panuto Isang uri ng paglalahad
na ang layunin ay ipaliwanag kung paano gagawin ang isang bagay at
kung paano magagamit ang bagay.
Hawig-
IV. -
Balangkas na maaaring sundin: 1. Panimula 2. Mga kagamitan/ o
materyales 3. Mga hakbangin sa pag-gawa 4. Pangwakas
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOV.
Paglalahad sa anyo ng Pagsasalaysay anyo ng paglalahad ng sariling
kaisipan at palagay o kuru-kuro ng manunulata tungol sa isang paksa
sa anumang laraga o kaalaman.
Sanaysay
Uri ayon sa Paraan ng pagkakasulat a. Pormal b. Di Pormal
PangangatwiranIto ay isang anyo ng pagpapahayag na ang layunin
ay manghikayat upang mabago ang paniniwala. Upang maging lalong
mabisa ay tinutulungan ng pagpapahayag na pagsasalaysay,
paglalarawan, at paglalahad.
Mga anyo ng Pangangatwiran 1. Pormal - May tonong seryoso,
malalim ang tema ng paksa at sumusunod sa alituntunin ng tamang
pagpapahayag. Halimbawa: a. Debate b. Kasulatang pangkorte c.
Artikulo sa mga Journal d. Tesis e. Disertasyon
2. Impormal - Ito ay ginagamit sa pang araw araw na
pakikipagtalastasan. - Ang tema ay kadalasang magaan at may pagka
personal at madali ng unawain. Halimbawa: a. Karaniwang
pangangatwiran sa pakikisalamuha sa buhay, paaralan, at sa
pamayanan. b. Komersyal sa radyo at telebisyon c. Mga artikulo sa
dyaryo at mga magasin Apat na Salik ng Pangangatwiran 1. Paksa
Dapat mahalaga at makabuluhan, magkaroon ng matibay na konklusyon
at hindi batay lamang sa mga opinyong subhitibo ng mga
indibidwal.
2. Proposisyon - Ito ang bagay na ibig linawin sa
pangangatwiran; ito ang saligan ng pangangatwiran. - Ito ay isang
paghuhusga na maaring kumatig o nagpapasubali. 3. Isyu - Kabuuan ng
pangangatwiran - Ito ay isang bagay na pinagtatalunan 4.
Ebidensya
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOIto ang
mga konkretong piraso ng mga detalye na ginagamit upang ang mga
isyu ay tanggapin bilang makatotohanan o di makatotohanan Iba ang
pruweba sa ebidensya. Ang pruweba ay epekto ng epektibong
paghahanda ng ebidensya.
Tatlong Pinagmulan ng Ebidensya a. Tao b. Dokumento c. Bagay 1.
Ang ebidensya ay maaring ilahad sa pamamagitan ng dalawang uri ng
pangangatwiran: Pag buod o Induktibo Naghahanap ng mga halimbawa at
mga pangyayari; Mula sa mga iniharap na halimbawa at pangyayari ay
bumubuo ng panlahat na simulain. Ginagawa sa paraang nagsisimula sa
bagay ana alam mo na, patungo sa mga bagay na aalamin pa .
Ibat- ibang paraan: a. Paglalahat - Gumagawa ng pagsusuri nang
mga bagay bagay na nakapaloob sa isang kaurian at mula sa
pagsusuring ginawa ng isang konklusyong sasaklaw sa buong kaurian.
b. Pagtutulad - Makabuluhan lamang kung wala nang ibang paraang
magagamit. - Itinuturing na mahina sapagkat ang mga konklusyong
hinango rito ay pansamantala lamang. c. Pagkakaugnay sa sanhi -
Pinagsisikapang matagpuan ang tunay na kadahilanan ng isang
pangyayaring hinango ang konklusyong sa paguugnayan ng mga sanhi.
2. Pasaklaw o Deduktibo - Tinatawag ding silohismo, isang uri ng
pagmamatuwid na binubuo ng isang pangunahing batayan o tinatawag na
major premise sa ingles. Isang pangalawang batayan o minor premise
at isang konklusyon. Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Silohismo: 1.
Tungkol sa anyo: a. Dapat magkaroon ng tatlo at tatlo lamang na
termino. b. Dapat buuin ng tatlo at tatlo lamang na
proposisyon.
2. Tungkol sa nilalaman: a. Ang pang- gitnang termino ay dapat
na maging kalat (distributed) sa isa man lamang sa mga batayan. b.
Ang terminong hindi kalat sa isang batayan ay hindi maaaring maging
kalat sa konklusyon. 3. Tungkol sa uri: a. Walang konklusyong
makukuha kung ang dalawang batayan ay kapwa negatibo.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOb. Kung
ang isang batayan ay negatibo, ang konklusyon ay dapat maging
negatibo. 4. Mga susug: a. Walang konklusyong makukuha kung ang
dalawang batayan ay kapwa particular. b. Kung ang isang batayan ay
patikular ang konklusyon ay particular. Paraan ng Pagbuo ng Teksto:
1. Paglilista o pag-iisa - Nagiging malinaw ang paglalahad ng
teksto kung ang detalye ay malinaw na nakaayos ayon sa bahagi o
mula sa una hanggang huli ayon sa pagkaka-sunodsunod ng mga
pangyayari.
SikolohiyaIsang uri ng siyensya na nakatuon sa pag-aaral sa mga
kaisipan ng tao. Isang maka-agham na pag- aaral ng kilos, gawi, at
reaksyon.
Sangkap ng Katawan ng Indibidwal: a. Aspetong mental o
pangkaisipan - bahaging sentro ng karamihan sa kilos ng tao. b.
Aspetong pisikal - tumtukoy sa kabuuan na siyang nakikita. c.
Aspetong emosyonal - naggiging sanhi ng sinasabing mahigit 80% na
ikinikilos ng tao. d. Aspetong sosyal - nagpapahayag ng
pangangailangan ng tao; pakikisalamuha ng tao sa iba. e. Aspetong
ispiritwal - paniniwala sa mga ibat-iba ring mga terminolohiyang
iniukol sa mga ispiritu, laluluwa, at iba pa; mga paraan na
maaaring isang pwersa na alam ng indibidwal na nasa kanya subalit
hindi niya ito nakikita. 2. Pag-uuri- uri o pagpapangkat- pangkat -
Kasanayan sa pagkilala ng mga bagay na magkakaugnay o
pagpapangkatpangkat ayon sa kanilang katangian. 3. Sanhi at Bunga -
Maraming nagaganap saating kapaligiran na kung minsay nagbibigay sa
ating malaking katanungan. Kung minsay hindi natin ito maipaliwanag
subalit maiiwasan ang paulit- ulit na kaganapan nito kung aalamin
ang pinanggalingan o sanhi at bunga ng mga bagay o pangyayaring
ito. 4. Paghahambing at pagtatambis - Angkop gamitin sa paghahayag
ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay, sa iba at itoy nagiging
malinaw at mabisa kung may tiyak na batayan ng paghahambing.
Halimbawa:
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG
FILIPINOPagkakatulad at pagkakaiba ng sosyolohiya at
antropolihiya
SosyolohiyaIsang siyentipikong pag-aaral ng tao ng kanyang
interaksyong panlipunan sa iba pang tao, sa mga grupong panlipunan
at sa lipunang kanyang kinabibilangan. Agham ng tao, ng kanyang
kilos, mga gawain at produkyong magmula sa pagsipot niya sa mundo.
Kapwa nila sinisikap maunawaan ang paraan ng pamumuhay ng ibat-
ibang lahi. May parehong paksang aralin na magsama at magbuo ng
datos tungkol sa kilos ng tao at sistemang panlipunan.
Antropolohiya Pagkakatulad:
Mga Panandang Pang- ugnay Nababatid na may tatlong bahagi ang
sulatin o teksto: (1) ang pasimula, (2) ang katawan o nilalaman at
(3) wakas. Ang tatlong bahaging ito ay pinag-uugnay ng mga salita,
parirala, at pangungusap. Ipinakikita ng mga pang-uugnay ang
kaugnayan ng tatlong bahaging ito sa isatisa. Tinatawag ang mga
pang-ugnay na ito na lohikal na tagapag-ugnay. Ang mga uri ng ng
pang-ugnay ayon sa mga eksaktong tungkuling ginagampanan ay: 1.
Pamukod/ Eksepesyon - Ginagamit ito sa pagbubuklod o paghihiwalay
gaya ng o, ni, maging, man, maliban, bukod sa, huwag lang.
Halimbawa: Magbiro ka sa lasing huwag lang sa bagong gising.
2. Panubali/ Kondisyon - Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan gaya
ng pag, sakali, kung, kapag, maliban. Halimbawa: Pag umunlad an
gating bansa, ang mga mamamayay uunlad din. 3. Panapos/ Konklusyon
- Nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita- sa lahat
ng ito, sa di kawasa, sa wakas at sa bagay na ito. Halimbawa:
Dumaragasa ang mga dayuhang mangangalakal Nabawasan ang porsyento
ng walang trabaho. Sa lahat ng itoy dapat kumilos ang lahat upang
magpatuloy ang pag-angat ng kabuhayan ng bansa. 4. Paninsay/
Kontrast/ Pagsalungat - Kapag sinalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito tulad ng ngunit, pero,
datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit, kahiman, sa halip. 5.
Pananhi/ Sanhi/ Dahilan - Nagbibigay ito ng dahilan, o katwiran sa
pagkakaganap ng kilos- dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari,
palibhasa kasi, kundangan. Halimbawa: Ang bapor ay hindi nakaalis
sapagkat may malakas na bagyo.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO6.
Panlinaw/ Konklusyon - Ginagamit ito upang maipaliwanag ang bahagi,
o kabuuan ng isang banggitanupat, kung gayon, samakatuwid, alalaon
baga, sa kabilang dako, kaya. Halimbawa: Ang bilihin ngayon ay
napakamahal sa makatuuwid kailangang nating magtipid. 7. Panimbang/
Pandagdag/ Adisyon - Ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang
kaisipan at, saka, pati. Halimbawa: Ang pang- aabuso sa mga batang
babe aka pagpatay rito ay labis na nakakabahala. 8. Pagpapatotoo -
Ngsasaad ng pagpapatunay- sa totoo, sa katunayan. Halimbawa: Sa
totoo lang, hindi lahat ng panalangin ay pakikinggan ng diyos.
Kung= ginagamit ito upang mangahulugan ng kundisyon o pasubali
Kaya= nagbibigay katwiran At= ginagamit upang pagugnayin ang mga
ideya Samakatuwid= nagbibigay linaw Bagaman; sapagkat= naguugnay
upang magbigay katwiran Alalaon baga= nagpapatibay sa mga nauunang
pangungusap Subalit= nagpapakita ng pasalungat Anupat= ginagamit
upang magbigay linaw Kung gayon= nagbibigay linaw Kung= nagsasaad
ng pasubali Sa lahat ng ito= ginagamit bilang panapos Mga Salik ng
Maayos, Tama, at Mabisang Pagsulat 1. Paggamit ng Malalaking titik:
Mga tuntunin Isulat sa malalaking titik ang unang titik ng unang
salita ng mga sumusunod: a. Pangungusap b. Siniping pahayag c.
Taludtod
2. Isulat sa malaking titik ang salita ng lungsod, lalawigan,
bayan, parke, ilog, daan at liwasang-bayan. 3. Isulat sa malaking
titik ang lahat ng mahalagang slita sa pamagat ng mga komposisyon,
kwento, aklat, awit, dula at iba pa. 4. Isulat sa malking titik ang
mga dinadaglat na titulong pampaaralan. 5. Lahat ng mga salitang
dinadaglat at isinusulat sa malalaking titik at ginagamitan ng
tuldok. 6. Ginagamit ang malaking titik sa kabuuan ng isang
parirala kapag ang layunin na nagpapahayag ay magbigay- diin at
tumawag ng pansin sa nasabing salita o parirala.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO7. Isulat
sa malaking titik ang mga pamagat ng aklat, akda at kabanata. 8.
Isulat sa malikng titik ang mga pangngalang pantangi gaya ng mga
sumusunod: a. Ang lahat ng mga pangalang ukol sa diyos. b. Ang mga
tawag sa mga araw at buwan c. Ang titulong tao kasama man o hindi
ang pangalan. d. Ang mga salitang Hilaga, Timog, Silangan at
Kanluran at mga kalaping salita. e. Ang mga bansa at kabansaan. f.
Ang mga salitang pangkamag- anak kung ang mga ito ay ginagamit sa
halip na pangngalan. g. Ang mga una at huling salita sa pahayag na
pambati sa isang liham. h. Ang mga asignaturang pampaaralan.
Paggamit ng Italika (Italics) Ginagamit ang mga salita sa
isinusulat ng pahilig o sinasalungguhitan upang ipakilala ang
pamagat ng magasin, pahayagan, aklat, tula, dula, at mga salitang
banyaga. Halimbawa: Maraming kababaihan ang bumabasa ng Womens
magazine. Pagsulat ng mga Bilang (Numerals) Ginagamit ang titik
kapag ang bilang ay binubuo ng isa o dalawang salita o di kaya kung
bahagi ng tambalang pang- uri. Halimbawa: Si tatang ay walumput
tatlong taon na. Ang balangkas ay isa ring gabay ng manunulat upang
mapanatili ang maayos na pagkakaugnay- ugnay (coherence) Ibat-
ibang Uri ng Balangkas 1. Balangkas sa Paksa 2. Balangkas sa
Pangungusap 3. Balangkas sa Talataan Halimbawa: Balangkas sa paksa:
I. Dula A. Depinisyon B. Pinagmulan ng Dula C. Uri ng Dula 1.
Trahedya 2. Komedya 3. Melodrama D. Mahahalagang sangkap ng Dula 1.
Paksa 2. Tauhan 3. Tagpuan
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO4.
Tanghalan E. Mga Katangian ng Dula 1. Yugtu- yugto 2. Pag-uusapan
sa tanghalan 3. Inihandang tanghalan II. Mga Katutubong Dulang
Pilipino A. Karagatan B. Tibaw C. Karilyo D. Pamanhikan
Balangkas sa Pangungusap: I. Mga mahalagang bagay tungkol sa
dula A. Ano ba ang dula? B. Saan bagsimula ang dula? C. May
dalawang uri ng dula D. May apat na mahalagang sangkap ang dula Ang
mga katutubong dula ng mga Pilipino A. Karagatan B. Tibaw C.
Karilyo D. Pamanhikan
II.
Balangkas sa Talataan: 1. Ang dula ay isang uri ng akdang
tuluyan na nagpapakita ng mga karaniwang pangyayari sa buhay na
ginagampanan ng mga tauhang sadyang inihanda para gumanap sa ibabaw
ng tanghalan.
2. Mga simpleng ritwal sa pang- araw-araw na pangyayari sa buhay
ng matatandang Pilipino ang pinagmulan ng mga dula. Ilang mga
halimbawa ng mga ritwal na ito ay pamanhikan, bayanihan, paglalaro
ng mga binata at dalaga (karagatan) atbp. 3. May ibat- ibang uri ng
dula ayon sa tema nito. Ang trahedya na nagwawakas nang malungkot;
ang komedya na ang tema ay katawa- tawa; at ang melodrama na may
temang romantiko.
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO