PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City College of Arts and Sciences ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS NG MGA KABATAANG PILIPINO Isang pananaliksik na iniharap kay Gng. Jennette Lozano, Bilang bahagi ng pagtupad sa mga kinakailangan sa pag-aaral ng asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (FILIPINO 102) Espinar, Dianna Rose P. Gumarao, Emilyn B. Nebab, Gerome O. Perocho, Mary Jane L. Ursal, Kimberly V. Velarde, Jasmine B.
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS
NG MGA KABATAANG PILIPINO
Isang pananaliksik na iniharap kay Gng. Jennette Lozano, Bilang bahagi ng
pagtupad sa mga kinakailangan sa pag-aaral ng asignaturang
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik
(FILIPINO 102)
Espinar, Dianna Rose P.
Gumarao, Emilyn B.
Nebab, Gerome O.
Perocho, Mary Jane L.
Ursal, Kimberly V.
Velarde, Jasmine B.
Marso 30, 2012
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAMAGAT : ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA GAWI AT KILOS
NG MGA KABATAANG PILIPINO
PASASALAMAT …………………………………………………………………. i
PAGHAHANDOG ………………………………………………………………... ii
KABANATA I
Panimula at Sandigan ng Pag-aaral
Rasyunal ……………………………………………………………. 1 - 3
Layunin …………………………………………………………….. 3 - 4
Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………….. 4 - 5
Saklaw at Delimitasyon ………………………………………….... 5
Pagpapakahulugan sa mga Terminong ginamit …………………… 6
Kaugnay na Literatura …………………………………………...... 7 - 9
Metodolohiya …………………………………………………….... 9 - 10
KABANATA II
Pagtalakay ng mga Suliranin ……………………………………………………. 11 - 20
KABANATA III
Pagbubuod, Konklusyon at Rakomendasyon
Pagbubuod …………………………………………………………. 21
Konklusyon ………………………………………………………… 22 - 23
Rekomendasyon ……………………………………………………. 23 - 24
APENDIKS ………………………………………………………………………... 25 - 26
BIBLIOGRAFI ………………………………………………………………........ 27
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga tumulong, sumuporta at gumabay
sa paggawa ng tesis na ito.
Una, sa ating Poong maykapal, sa kanyang pagkanlong at pag-gabay. Sa kanyang pagbibigay ng
sapat na katalinuhan at kakayahan, maging sa mga pagpapalang aming natatanggap sa lahat ng oras. Kay
Gng. Jennette Lozano, na aming propesora sa asignaturang ito, sa kanyang walang sawang paggabay,
pagtuturo at pagbibigay suhistyon upang maging tama at maayos ang pananaliksik na aming isinagawa.
Kay Dr. Wendeline Sacramento ang Dekana ng Kagawaran ng Sining at Agham na sumuporta at
sumang-ayon sa suliraning ito.
Para sa aming mga magulang na walang sawang sumuporta sa pinansyal at pagbibigay pangaral
sa amin. Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito, kaya
tanggapin po ninyo an gaming taos pusong pasasalamat.
Mga Mananaliksik.
Dianne
Emzs
Rhome
Emjhay
Khim
Jhazs
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
PAGHAHANDOG
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga kapwa mag-aaral upang magbigay ng karagdagang
kaalaman at inspirasyon sa kanilang pag-aaral.
_________________________________
Diana Rose P. Espinar
Inihahandog ko ang tesis na ito sa mga kapwa ko kabataan upang maipabatid ang napapanahong
paksa kung saan sila ay kasangkot.
________________________________
Emilyn B. Gumarao
Inihahandog ko ang tesis na ito sa Panginoon, sa aking mga magulang at mga kapatid na aking
nagging inspirasyon. Inihahandog ko rin ito sa aking mga guro at mga kaibigan sa kanilang walang
sawang pag-suporta.
_______________________________
Gerome O. Nebab
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga ka-grupo, kamag-aral, sa aking mga magulang at
higit sa lahat sa aking sarili.
______________________________
Mary Jane L. Perocho
Inihahandog ko ang tesis na ito sa ating Poong maykapal, sa aking magulang, sa aking mga guro,
mga ka-grupo at kapwa ko kabataan at mga kamag-aaral.
______________________________
Kimberly V. Ursal
Inihahandog ko ang tesis na ito sa aking mga ka-henerasyon upang higit nilang maunawaan ang
salitang “NASYONALISMO” at siyempre handog ko rin ito sa ating Inang Bayan.
______________________________
Jasmine B. Velarde
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
KABANATA 1
Panimula at Sandigan ng Pag-aaral
1.1 Rasyunal
Ang bansang Pilipinas ay maituturing na mayamang bansa kung ang pagbabatayan ay ang mga
likas-yamang taglay nito. Kung susumahin ang maaaring nakapaloob na yaman sa pitong libo, isang
daan at pitong (7,107) pulo kasama ang malalawak na anyong tubig nito ay mapatutunayang hindi aba
ang bansa. Kung titignan rin ang kultura ng Pilipinas ay sadyang mayaman at makulay ito. Ang mga
bagay na ito marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes ang mga dayuhan na ipaisailalim ang
bansa sa kanilang kapangyarihan. Maraming lahi ng dayuhan ang kabilang sa listahan ng mananakop ng
bansa, kabilang dito ang Estados Unidos, Espanya at Hapon.
Ang panahon ng pagkasailalim ng bansa sa kamay ng mga dayuhan noong mga nagdaang siglo
ay maituturing na kolonyal, o ang pananakop sa aspeto ng paraan ng pamumuno at pagpapaunlad ng
sinasakop na bansa. Sa kasalukuyan, bagama’t itinuturing ng malaya ang bansa ay mayroon pa ring
pananakop ang dito ay nagaganap. Ito ay hindi tuwirang pananakop na tinatawag na neo-kolonyalismo.
Sa pag-aaral ng agham-pampulitika, ang neo-kolonyalismo ay patungkol sa pananatili ng kontrol ng
isang dating kolonyalista. Ito ay sa pamamagitan ng mas malumanay at patagong (subtle) pamamaraan
at pagmamanipula sa isang bansa. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng
tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita mula sa negosyo. Pinalalakas pa nito ang
imperyalismo sa usaping pang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at militar na paninindigan ng isang
bansa. Ang mga bansang Estados Unidos at Hapon ay larawan ng neo-kolonyalismo sa mga bansa sa
Asya lalo na sa larangan ng ekonomiya at kultura.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Napakalaki ng epekto ng impluwensiya ng mga dayuhang mananakop sa bansang gaya ng
Pilipinas. Ayon sa ilang mga mananaliksik ay mas nabibigyang pansin ang pag-aaral ng mga bagay mula
sa mga dayuhan. Binigyang diin ito sa pag-aaral ni Boras-Vega (2010), Ang Patakarang Pangwika sa
Pilipinas at mga Pag-aaral Kaugnay Nito, kung saan sinasabing ng dahil sa globalisasyon ay tumataas
ang bilang ng mga bansang nagpapahalaga sa kanilang wika at pagkakakilanlan. Subalit ng dahil sa iba’t
ibang patakaran at tuntunin sa ating bansa ay mas napapahalagahan ang dayuhang wika, ang Ingles, at
kaunting pagpansin naman ang naibibigay sa wikang Filipino. Makikita na sa wika pa lamang ay may
malaking epekto na sa pagkakalianlan ng isang bansa, ano pa kaya kung pati sa pagpili ng mga
produkto ay nabahiran na rin ng maka-dayuhang kaisipan?
Ang kapitalismo ng iba’t ibang produktong dayuhan ay naging laganap lalo pa’t nakasalalay ang
ekonomiya ng bansa sa tulong mula sa mga bansang nagtataglay ng sapat na pinagkukunan. Maging ang
kultura ng mga dayuhan ay madaling naipasok sa industriya ng bansa. At mabilis itong naka-apekto sa
mind setting ng mga Pilipino. Kapansin-pansing sa paglipas ng mga taon mula ng matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama’t masasabing malaya na ang Pilipinas, ay lukob pa rin ito ng
impluwensiya ng Estados Unidos at Hapon. Napapangibabawan ng mga impluwensiya ng kanilang
bansa ang mga bagay na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas. Mas nabigyang pansin
ang mga palabas na gawang dayuhan. Ang mga babasahing gaya ng komiks at mga manga ay mas
tinangkilik. Ang mga awitin mula sa ibang bansa ay mas pinaboran. Maging sa mga ini-idolong artista
ay pumatok ang mga dayuhan. Ayon nga sa libro nina M. N. Francisco and F.M.C. Arriola (1987), “The
History of the Burgis”, nang dahil sa mga impluwensiya ng mga Amerikano ay nagkaroon ng
pagbabago sa pamamaraan ng pagkonsumo ng mga Pilipino, lumaganap ang kolnyal na mentalidad.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan sa bansa gaya ng Estados Unidos, Hapon at Korea ay
nagkakroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga kabataang Pilipino. Nagbabago ang
kanilang mga gawi at mga ikinikilos. Kapansin-pansin ang mga pagbabagong naganap sa mga kabataan
ngayon. Una, kakikitaan ang mga kabataan sa kasalukuyan ng pagkahilig sa mga bagay na ‘instant’ gaya
ng pagkain at marami pang iba. Bukod pa rito ay ang nag-iba na rin ang panlasa ng mga kabataan
pagdating sa pagpili ng mga tatangkiliking pelikula, babasahin at mga awitin. Isa pa ay ang pagkahilig
nila sa mga ‘computer games’ at mga ‘social networking sites’, na pansin na pansin kapag bumisita ka
sa mga computer shop. At ito ay maituturing na dahilan kung bakit tila napababayaan na ang mga larong
likhang Pilipino. Maging ang istilo ng pag-aayos at pananamit ng mga kabataan ay nagbago na,
kakikitaan sila ng pakikiuso o pagsabay sa kung ano ang nasa ‘trend’. Dahil dito ay nakabuo ang mga
mananaliksik na magsasagawa ng isang mahusay at maayos na pananaliksik na may paksang “Ang
Epekto ng Neo-kolonyalsmo sa Gawi at Kilos ng mga Kabataang Pilipino”.
1.2 Layunin
Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang epekto ng neokolonyalismo sa gawi at kilos
ng mga kabataang Pilipino. Naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondent?
1.1 Edad
1.2 Kasarian
2. Anu-ano ang mga epekto ng panggagaya ng mga kabataang Pilipino sa kanilang;
2.1 Pananamit
2.2 Wika
2.3 Mga salitang ginagamit
2.4 Tinatangkilik na mga produkto
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
3. Paano nakakaapekto ang neokolonyalismo sa gawi at kilos ng mga kabataang Pilipino?
3.1 Paggamit ng produkto
3.2 Pagtangkilik ng mga artista at mga mang-aawit
3.3 Pagtangkilik sa mga awit, sayaw at pelikula
3.4 Paraan ng paglilibang
3.5 Paraan ng pagbati
1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral tungkol sa epekto ng neokolonyalismo sa mga kabataang Pilipino ay mahalaga sa
mga:
Mag-aaral
Upang kanilang matukoy at mapagtanto ang mga kaakibat na kilos, gawi, personalidad at pag-
iisip na kanilang nakukuha sa mga impluwensyang dayuhan. Isa pang kadahilanan ay upang
kanila ring malaman ang epekto ng neokolonyalismo sa kultura at pagkakakilanlan ng bansa. Ito
rin ay upang ipabatid ang katuturan ng pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
Administrasyon
Upang kanilang mabatid ang suliraning dulot ng impluwensya ng mga dayuhan sa bansa.
Makatutulong rin ito upang kanilang magawan ng karampatang aksyon at pagsu-sulosyon
ang suliraning naidulot ng neokolonyalismo. Ito rin ay upang kanilang bigyang pansin ang
pagpapahalaga sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa mga kabataang naakupan nito.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
Mga susunod na mananaliksik
Upang sa kanila’y maipabatid na mayroong suliranin na kailangang gawan ng naaayong
pag-kilos. Maaari rin silang mabigyan ng ideya kung ano pa ang mga posibleng pag-aaral na
isagawa na mayroong kaugnayan sa paksa. Ito rin ay upang mapalawak ang posibilidad na
makagawa sila ng kaukulang mga pananaliksik na makatutulong pa sa mga susunod sa
kanila.
1.4 Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Epekto ng Neokolanyalismo sa sa Gawi at Kilos ng mga
Kabataang Pilipino”. Sa pag-aaral na ito ay tutukuyin ang dulot ng impluwensyang dayuhan sa mga
bansang nasasakop nito. Iisa-isahin ang mga panggagaya ng mga kabataan sa impluwensyang dayuhan
sa iba’t-ibang aspeto gaya ng; pananamit, kilos at gawi, istilo ng pag-aayos, mga tinatangkilik na bagay
at iba pang bagay na may kaugnayan dito.
Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa mga mag-aaral sa Unang Taon mula sa Pamantasan ng
Lungsod ng Muntinlupa na kumukuha ng kursong Sikolohiya. Maaaring sila ay nasa edad labinganim
(16) hanggang labingsiyam (19). Kung saan sa ganitong gulang ay mas higit silang apektado sa pang-
iimpluwensya ng mga dayuhan. Sila ay mas madalas kakitaan ng panggagaya. Sila rin ang mas madaling
ma-engganyo sa mga bagay na nauuso at pinasisikat ng mga dayuhang bansa.
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng apatnapung (40) respondente mula sa nabanngit na mga
deskripsyon ng mga taong pokus ng pag-aaral. Ang mga respondente ay kakatawan sa kabuuang bilang
ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kursong Sikolohiya.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
Type C, NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Arts and Sciences
1.5 Pagpapakahulugan sa mga Terminong ginamit
Aba – mahirap, pulubi, hikahos.
Epekto – sanhi at bunga ng isang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Globalisasyon – ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan.
Ideolohiya – mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos.
Impeyalismo – isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
Kapitalismo – isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagbukas
ng komunikasyon.
Kultura – kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang
pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Manga – mga cartoons at komiks mula sa bansang Hapon.
Mind Setting – paniniwala at pagtanggap sa mga bagong pag-uugali, mga pagpipilian at mga
kasangkapan dahil sa mga pinanghahawakang palagay, paraan at notasyon ng isang indibidwal.
Neo-kolonyalismo – di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang
Kincaid, Jamaica. A Small Place. New York : Farrar, Straus and Giroux, 2000. (http://en.wikipedia.org/wiki/A_Small_Place)
Ofrecio, Kimberly, et al. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Korean Trend na Nakakapagpabagsak ng Ekonomiya ng Bansa. Unibersidad ng Santo Tomas : Kolehiyo ng Komersyo, 2009-2010. (http://impluwensyangkoreano.blogspot.com/)
Vega, Sheilee B. 2010. Ang Wikang Filipino Bilang Wikang Panlahat, Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa Tungo sa Pagpaplanong Pangwika. Komisyon sa Wikang Filipino. (http://www.kwf.gov.ph/wp-content/gallery/Ang%20Patakarang%20Pangwika%20sa%20Pilipinas.pdf)