ELEKTRISIDAD Aralin # 1
ELEKTRISIDAD
Aralin # 1
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang lahat ng bagay ay binubuo o yari
sa atom. Metal , kahoy, tubig, hangin at
maging ang ating katawan.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang ATOM ay maliit at di-nakikitang particles na
bumubuo sa lahat ng bagay.Gayun paman maaari nating
ilarawan o ihalintulad ang atom sa ating Solor System.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang Electron (-)ay umiikot sa nucleus na
kung saan naroon ang Proton(+) at Neutron(no
charge).
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang atom ng ilang bagay tulad ng pilak, tingga at
tanso ay maraming mga electrons. Malaya ang mga
ito na nagpapalipat-lipat sa iba pang atoms.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang atom ay magiging positive charge kapag
nabawasan ito ng electrons. Magkakaroon ng
electrons ang atom at muling magiging neutral.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Maraming FREE ELECTRONS ang tanso, pilak
at tingga kaya ang mga ito ay mahusay na
CONDUCTORS o daluyan ng elektrisidad.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Mahigpit na nakakapit ang mga electrons sa atom ng
goma, porselana at salamin. Ang mga ito ay mahusay na
INSULATORS. Ang insulator ay hindi dinadaluyan ng
kuryente.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang Baterya o Generator ay nakakalikha ng maraming electrons sa
isang pole at sa kabila nito ay kakaunti. Kapag pinagdugtong ang
magkabilang pole sa pamamagitan ng kawad, ang negative charge
electrons ay dadaloy sa positive charge na kakaunti ang electrons.
ANO ANG ELEKTRISIDAD?
Ang daloy ng electrons sa kawad o
conductor ay tinatawag na
ELEKTRISIDAD.
MGA UNANG KARANASAN
SA ELEKTRISIDAD
Natuklasan ni THALES ng Miletus na kapag ikinuskos ang AMBER, ito
ay dinidikitan ng mga magagaang na bagay tulad ng mga tuyong
dahon, balahibo at dayami.
MGA UNANG KARANASAN
SA ELEKTRISIDAD
Sinagot ni William Gilbert ang katanungan kung bakit ang amber ay dinidikitan ng mga bagay.
Natuklasan niya na halos lahat nga matitigas na bagay, kapag ito’y ikinuskos, ay dinidikitan ng mga
bagay na magagaang. Aniya, ito ay hindi magnetismo.Pinangalanan niya itong “electric”.sa salitang
griyego ang ELECTRIC ay AMBER. Dito hinango ang salitang Electricity o ELEKTRISIDAD.
MGA UNANG KARANASAN
SA ELEKTRISIDAD
Isang araw, nang kinakatay ni Luigi Galvani ang isang palaka, napuna niya na ang binti
nito ay bumaltak. Ang palaka na kanyang hinihiwa sa pamamagitan ng kutsilyo ay nakabitin
sa isang kawit ng tanso. Pinaniniwalaan niya na ang pagtatag ng binti ng palaka ay dahil sa
elektrisidad.
MGA UNANG KARANASAN
SA ELEKTRISIDAD
Si Alessandro Volta ay nagsagawa rin ng eksperimento. Kumuha sya ng ilang pirasong
tingga at pilak. Pinagsama niya ang mga ito sa pamamagitan ng telang ibinabad sa
solusyong asin sa pagitan ng mga ito. Natuklasan niya na ang kaayusang ito ay nakakalikha
ng elektrisidad.
MGA UNANG KARANASAN
SA ELEKTRISIDAD
Ang natuklasang ito ni Volta ay naging daan sa pagkakaimbento niya ng
“Electic Cell” na tinaguriang “Voltaic Cell” hango sa kanyang pangalan.
Kinilala siyang imbentor ng unang Baterya.
KAYA MO BANG SAGUTIN?
Punan ang mga patlang ng wastong sagot:
1. Ang lahat ng bagay ay yari sa ____________.
2. Ang atom ay nakakatulad ng _____________ system.
3. Kapag nagsama ang ilang atoms, ito ay tinatawag na __________.
4. Ang ______ nagsamang hydrogen at oxygen.
5. Ang umiikot ng bahagi ng atom ay __________.
KAYA MO BANG SAGUTIN?
Punan ang mga patlang ng wastong sagot:
6. Ang ____________ay gitnang bahagi ng atom na kung saan naroon ang proton.
7. Ang electron ay _______charge at ang proton ay positive charge.
8. May mga electrons na malayang nagpapalipat-lipat sa iba pang atoms, ang mga ito ay tinatawag na
________.
9. Mga bagay na dinadaluyan ng ng free electrons ay tinatawag na _____.
10. Kapag hindi dinadaluyan ng free electrons, ito ay _________.
KAYA MO BANG SAGUTIN?
Punan ang mga patlang ng wastong sagot:
11. Ang _________ ay daloy ng electrons sa conductor.
12. Natuklasan ni __________na kapag ikinuskos ang amber, ito ay dinidikitan ng mga
magagaang na balahibo at dayami.
13. Ang salitang electric ay inimbento ni __________.
14. Pinaniniwalaan ni ________ na ang pagtatag ng binti ng palaka ay dahil sa elektrisidad.
15. Si __________ ay kinilalang unang imbentor ng baterya.