Top Banner
Ang Masayang Pamilya ni R. B. Catapang Sabado ng umaga. Nagkayayaan mamasyal sa parke ang pamilya Baet.
26

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Aug 20, 2015

Download

Education

Sherill Dueza
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Ang Masayang Pamilya ni R. B. Catapang

Sabado ng umaga. Nagkayayaan mamasyal sa parke ang pamilya Baet.

Page 2: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Sa parke, natanaw ni Karlo ang palaruan. “Itay, Inay, puwede po ba akong pumunta doon

sa palaruan?” tanong ni Karlo.

Page 3: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

“Oo naman anak, isama mo ang ate Katrina mo,” sagot ni tatay Simon. “Maraming salamat po,” ang sagot ng

magkapatid. At masaya silang naglaro.

Page 4: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Matapos maglaro, niyaya ni Karlo ang kanyang ate Katrina na bumili ng tubig.

Page 5: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Nang maubos na ang tubig sa bote, itinapon ni

Karlo ito sa damuhan. Nakita ito ni Katrina at sinabing “huwag mong

itapon sa damuhan ang bote. Doon mo

itapon sa basurahan.” “Oo nga pala ate, salamat

sa paalala,” ang mabilis na tugon ni Karlo habang

pinupulot ang bote.

Page 6: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Matapos maglaro niyaya sila ng kanilang tatay at nanay na kumain sa Mac-Joe Restaurant. Habang

kumakain masayang nagkuwentuhan ang mag-anak.

Page 7: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

“Itay, Inay, kailan po ba uli tayo mamamasyal?” tanong ni Karlo. “Sa susunod na buwan anak,” sagot ni Mang Simon. At masayang umuwi ang mag-anak.

Page 8: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

1. Ano-anong pampublikong pasilidad ang nabanggit sa kuwento? 2. Paano ginamit ng mag-anak ang mga ito? 3. Sa iyong palagay, nagamit ba nila nang tama ang pampublikong pasilidad? Bakit?

Page 9: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Ang sumusunod na larawan ay mga pampublikong

pasilidad na matatagpuan sa ating pamayanan.

Ano ang mga tuntunin at pamantayan sa wastong

paggamit ng mga ito?

Page 10: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 11: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 12: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 13: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Ano-anong mga tuntunin at pamantayan ang ipinakita sa larawan tungkol sa wastong paggamit ng pampublikong pasilidad sa pamayanan?

Page 14: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Ating Tandaan Ang pagsunod sa mga

tuntunin at pamantayan sa paggamit ng mga

pampublikong kagamitan o pasilidad ay pagpapakita ng

pangangalaga at pagtulong sa ating pamayanan.

Page 15: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 16: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 17: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 18: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 19: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 20: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7
Page 21: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Gabay sa pangkatang gawain: 1. Pangkatin ang klase sa apat. 2. Matapos mabuo ang pangkat, pumili ng lider na siyang mangunguna sa pangkatang gawain. 3. Bawat pangkat ay gagawa ng poster tungkol sa tuntunin sa paggamit ng mga pampublikong pasilidad. 4. Ipapaskil ng lider sa pisara ang ginawang poster. 5. Ipapaliwanag sa buong klase ang ginawang poster.

Page 22: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Magbigay ng tatlong tuntunin na palagi mong sinusunod. Isulat ito sa kuwaderno.

Page 23: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

Tukuyin kung ito ay Tama o Mali at isulat ang sagot sa patlang sa papel.

1. Pagsunod sa pila kapag bumibili ng

pagkain sa kantina.

Page 24: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

2. Pag-iwas sa pamimitas ng mga bulaklak sa parke. 3. Paglalaro sa halamanan sa palaruan.

Page 25: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

4. Pagsusulat sa pader o bakod. 5. Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan.

Page 26: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l7

GINTONG ARAL: Pampublikong pasilidad

ay gamitin, Ito’y atin kaya’t alagaan

natin, Upang patuloy na pag-

unlad ng bayan ay kamtin!