-
8
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga
Peninsula
Zest for Progress Zeal of Partnership
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 5
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Sarsuwela)
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
-
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ronna B. Laranjo at Sarilyn P. Laranjo
Editor/Tagasuri: Michel P. Enero
Tagalapat: Dave D. Cubero
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division
Superintendent
Lourma L. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor-
Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent
Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 5: Sandigan
ng Lahi…Ikarangal Natin (Sarsuwela) Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin
o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools
Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
mailto:[email protected]
-
1
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdng
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa
Kasalukuyan.
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay
tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
o Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela
sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t
ibang rehiyon sa bansa ( F8PU-IIe-f-26 )
o Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa
akdang tinalakay ( F8PD-IIf-g-26 )
o Naipapaliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan,
pananaw,
opinion at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay
(F8PS-IIg-h-28)
Alamin
-
2
Aralin
5 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin
Ang Sarsuwela
Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa denotatibo
at
konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.
Balikan
Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang modyul, sagutan ang mga
sumusunod
na mga tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan? Magbigay ng limang (5) halimbawa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang kasingkahulugan at kasalungat? Magbigay ng limang (5)
halimbawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
-
3
Tuklasin
Gawain A: HANAPIN MO AKO!
Hanapin ang mga salita/pahayag na maiuugnay sa salitang
“Sarsuwela”. Bilugan
ang mga ito at pagkatapos ay isulat sa nakalaang patlang sa
ibaba.
K A T O L I S I S M O A
A O M S O P E R A A P D
E D M T E B H T T N P I
I G N E I K H N A G I Y
M E L O D R A M A G N A
O H O W U Y I O U A P L
P A T U L A A P H R L O
A W I T A T T U G T O G
U K R A O G A R W S R O
B L Y U G T O S Y T S S
C W A L A N G S U G A T
P A N T A N G H A L A N
D E F G A T I L A S A P
D A M D A M I N J K L M
Sagot:
1. _____________________________________
2. _____________________________________ 3.
_____________________________________ 4.
_____________________________________
5. _____________________________________ 6.
_____________________________________
7. _____________________________________ 8.
_____________________________________ 9.
_____________________________________
10._________________________________________
11. ________________________________________
12. ________________________________________
13. ________________________________________
14. ________________________________________
15. ________________________________________
-
4
Suriin
Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong huhubugin ang mga kaalamang
tutulong sa iyo upang higit na maunawaan ang aralin. Dito tinitiyak
na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga
impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon
ka ng mahahalagang ideya tungkol sa Sarsuwela. Inaasahang
magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at Gawain. Halika at
umpisahan na ang masayang paglalakbay sa mundo ng Filipino!
SARSUWELA Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may
kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng
tao tulad ng pag-ibig kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan,
at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o
pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng
mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong
ginagamit dito – patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay
karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay
nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin. Samantala, ang
tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong tauhan. Ang
sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong
seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito’y tawagin o kaya’y
tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan
ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya
nagiging soap operatic. Ang sarsuwela, bagama’t ipinakilala noong
unang panahon ng mga Espanyol, ay lubos na namulaklak noong panahon
ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino
Reyes na kilala sa taguring na Lola Basyangsa kanyang dulang
“Walang Sugat”; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at
Bukas; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto
sa kanyang Anak ng katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang
Patria Amanda; at iba pa. Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang
makilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito
ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang
nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong
panlibangan na lamang ang teatro. Sa kasalukuyan, ang mga dulang
pantanghalan ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang
pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa
pananampalatayang katolisismo at upang talaayin ang mga suliraning
panlipunang nangyayari sa bansa.
SANGGUNIAN: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag,
et.al P254
ALAM MO BA..?
-
5
Mga Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang katangian ng sarsuwela? 2. Bakit hindi na gaanong
kilala ang sarsuwela sa kasalukuyan? 3. Paano naipapakita ng
sarsuwela ang kultura ng mga Pilipino? 4. Bilang isang kabataan na
kabilang sa henerasyong Gen Z, paano mo
maipapakita ang pagtangkilik sa sarsuwela? 5. Kung ikaw ay
lilikha ng isang sarsuwela, anong paksa o tema ang nais mong
bigyang-pansin? Ipaliwanag.
Buod ng “Walang Sugat”
ni Severino Reyes
Nagbuburda si Julia habang nakaharap kay Tenyong. Pagkatapos,
biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na
nadakip ang kanyang ama. Sabi niya na napagkamalan itong isang
tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais ni
Tenyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si
Julia at kanyang ina na si kapitana Puten. Ngunit, ang dalawa ay
walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may
dumating namang manliligaw si Julia, isang mayamang nagngangalang
Miguel. Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay
nagpadala ng liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal
na.Ngunit, ang liham ay hindi nasagot ni Tenyong dahil biglang
nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lamang ni Tenyong na dadalo siya
sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong
kaya labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang magpakasal
kay Miguel. Sa araw mismo ng kasal, dumating si Tenyong sa simbahan
na duguan na anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura
upang makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan nito ay
ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo, ang ama ni Miguel at
Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at
makakasal rin ang kanyang anak. Subalit, biglang bumangon si
Tenyong at nag sigawan ang lahat ng “Walang Sugat! Walang Sugat!”
Nilinlanlang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay
Julia. SANGGUNIAN:
https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-
ni-severino-reyes/
Mga Gabay na Tanong:
1. Kaanu-ano ni Tenyong si Julia? 2. Ano ang nangyari sa ama ni
Tenyong? Makatarungan bang magtanim ng galit
si Tenyong sa sinumang nagpapahirap sa kanyang ama? 3. Tama bang
makialam ang magulang sa usaping puso ng mga anak? Bilang
isang anak, susundin mo ba ang kagustuhan ng iyong magulang?
Patunayan.
Isaisip
BASAHIN AT SURIIN
https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/
-
6
4. Isa-isahin ang tema o paksang nakapaloob sa akda. 5. Sa iyong
opinyon, angkop ba ang pamagat na “Walang Sugat” sa akda?
Pagyamanin Panuto: Batay sa iyong nabasa sa pahina 4 at 5, gamit
ang graphic organizer ay suriin mo kung ano ang papel na
ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga
Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Paalala: Huwag sulatan ang modyul na ito. Maghanda ng sariling
sagutang papel.
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
SARSUWELA
(Walang Sugat)
Kultura ng
mga Pilipino na
mababasa sa
akdang
“Walang Sugat”
1. Anu- ano ang mga papel na ginagampanan ng Sarsuwela sa
pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang
rehiyon sa Pilipinas?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
-
7
Ang Sarsuwela ay … ay isang komedya o melodramang may kasamang
awit at tugtog na
nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao. hango ng mga Espanyol
sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang
diyalogong ginagamit dito – patula at pasalita. may patulang
bahagi na karaniwang diyalogo ng mga pangunahing
tauhan. may tuluyang diyalogo na gamit naman ng mga pantulong na
tauhan. ay binubuo ng tatlong yugto. hango sa tunay na buhay at
kung minsan ay nasosobrahan naman sa
damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic. ay
lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at
Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes. ay humina nang
makilala sa bansa ang bodabil o stage show.
Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalan ito ay patuloy pa
ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang
pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang katolisismo at
upang talakayin ang mga
suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.
Tayahin:
A. Basahing maigi ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.
1. Saan hinango ng mga Espanyol ang sarsuwela?
a. Opera ng Italya c. Opera ng España b. Opera ng Amerika d.
Opera ng Europa
2. Bakit humina ang sarsuwela sa Pilipinas? a. Dumating na ang
radio at telebisyon sa Pilipinas b. Pinagbawal ng mga kastila ang
panonood ng mga sarsuwela c. Mas nakilala ang stage show o bodabil
sa Pilipinas d. Wala nang nanonood ng sarswela
3. Bakit patuloy pa ring ginagawa ang mga dulang pantanghalan sa
bansa? a. Bilang pag-alala sa pagdiriwang na may kinalaman sa
katolisismo b. Bilang pag-alala sa pananakop ng mga Espanyol c.
Bilang pagpapahalaga sa mga panitikang ibinahagi ng mga kastila d.
Bilang pagbibigay parangal sa ating mga ninuno
4. Ano ang nangyari sa teatro nang lumaganap ang bodabil? a. Ang
teatro ay naging purong panlibangan na lamang
b. Ang teatro ay naging purong kantahan na lamang c. Ang teatro
ay naging purong sayawan na lamang d. Ang teatro ay tuluyang
natigil sa Pilipinas
5. Kailan lubos na nakilala ang sarsuwela sa Pilipinas? a. Sa
panahon ng Espanyol b. Sa panahon ng himagsikang Pilipino at
Amerikano c. Sa panahon ng Kastila d. Sa panahon ng Amerikano
-
8
6. Paano napapataas ng sarsuwela ang kamalayan ng mga Pilipino
sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa?
a. Naipapakita ng sarsuwela ang pananampalatayang katolisismo b.
Naibabahagi ng sarsuwela ang mga pangyayari at kulturang
naganap
sa isang rehiyon c. Naipapakita ng sarsuwela ang kaugalian ng
mga Espanyol d. Naibabahagi ng sarsuwela ang kasamaan ng mga
Kastila
7. Sino ang sumulat sa sarsuwelang “Walang Sugat” na kilala sa
tawag na “Lola Basyang?
a. Severindo Reyes c. Sivirino Retes b. Severino Retes d.
Severino Reyes
8. Aling pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino?
a. Pagpapanggap ni Tenyong na sugatan upang maikasal kay Julia
b. Paghihiganti ni Tenyong sa mga kastila nang patayin ang kanyang
ama c. Sumama si Tenyong sa mga kalalakihan sa paglaban sa mga
kastilang
prayle upang mapalaya ang inang bayan d. Lahat sa nabanggit
9. Aling pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang
nagpapakita ng pagmamahal sa magulang?
a. Pagmamano sa magulang b. Pagsuway ni Julia sa kanyang ina c.
Handang magbuwis ng buhay ang anak para sa hustisya ng ama d. Lahat
sa nabanggit
10. Tama bang makialam ang magulang sa usapang pag-aasawa ng mga
anak? a. Oo, dahil anak lamang sila b. Oo, dahil mas alam ng mga
magulang ang ikabubuti ng mga anak c. Hindi, dahil hindi naman sila
ang ikakasal d. Hindi, dahil may karapatan ang anak na pumili ng
taong kanyang
mamahalin ngunit maaaring magbigay gabay at payo ang magulang
11. Tama bang maghiganti sa mga taong nakagawa sa iyo ng
masama?
a. Oo upang maranasan nila ang sakit na iyong naranasan b. Oo
upang makamit ang hustisyang hinahanap c. Hindi dahil hindi ito
katanggap-tanggap sa batas ng tao at batas ng
Diyos d. Hindi dahil baka magpatuloy lamang ang inyong
pag-aawayan
12. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may
katulad na tema o paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng
pagmamahal sa magulang?
a. Ang Probinsiyano c. Fantastica b. Seven Sundays d. Ang
Panday
13. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may
katulad na tema o paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan?
a. Heneral Luna c. Pangako Sa’yo b. Seven Sundays d. Kadenang
Ginto
14. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may
katulad na tema o
paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng pagpapanggap? a.
Impostora c. Pangako Sa’yo b. Seven Sundays d. Kadenang Ginto
15. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang
kakikitaan ng mga kultura at kaugaliang Pilipino?
a. Darna c. Amaya b. Encantadia d. Mulawin
-
9
Karagdagang Gawain Panuto: Pumili ng palabas o programang
pantelibisyon na napanood mo na, na maaaring maiugnay sa akdang
tinalakay. Isulat kung ano-anong kultura at kaugaliang Pilipino ang
ipinapakita ng palabas na napili. Ibigay ang buod sa palabas na
napanood. Punan ang hinihingi ng TV organizer na nasa ibaba.
Buod ng Palabas na Napili
Pamagat ng Palabas na Pinanood
Kultura at Kaugaliang
Pilipino na makikita sa
palabas
-
10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
AKLAT:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 (K to 12); pahina 289 –
294; Alma M.
Dayag, et.al; 2017; Phoenix Publishing House, Inc.
INTERNET/WEBSITES:
https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-
ni-severino-reyes/
TAYAHIN:
1.A 2.C 3.A 4.A 5.D 6.A 7.B 8.B 9.B 10.A 11.4 12.3 13.5 14.1
15.2
https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/