Top Banner
Ang Dula
39

Dula Report

Dec 09, 2015

Download

Documents

dula
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Dula Report

Ang Dula

Page 2: Dula Report

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Page 3: Dula Report

•Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposition na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.

•Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

Page 4: Dula Report

•Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. •Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, "characterisation", at "internal conflict." Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. •Ayon pa rin kay Tiongson, mimesis ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino.

Page 5: Dula Report

Mimesis ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

Page 6: Dula Report

•Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa.

•Ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. 

Page 7: Dula Report

•mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

• Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Page 8: Dula Report

Karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Page 9: Dula Report

KASUNDUAN NG DULA

•KASUNDUAN SA PANAHON•KASUNDUAN SA TAGPUAN •KASUNDUAN SA PANANALITA

Page 10: Dula Report

Kasunduan sa Panahon – kunwa’y naniniwala ang manonood nasa loob ng 2 oras napagtatanghal ay nabuhay siya sa 1 araw, 1 linggo o 1 taon na kasa-kasamang mga tauhang gumaganap.

Page 11: Dula Report

Kasunduan sa Tagpuan- tinatanggap na manonood na ang mga pangyayari’y nagaganap sa loob ng 1 tahanan, o alin mang pook na inilalarawan sa tanghalan bagama’t isang palabas lamang ang nakikita.

Page 12: Dula Report

Kasunduan sa Pananalita – tinatanggap ng mga manonood na may mga pananalitang ginagamit para sa pakikipag-usap sa mga kasamang tauhan at mayroon namang sinasalita ng para sa sarili lamang na ipinaririnig sa mga manonood at kunwari’y hindi narinig ng kasama sa tanghalan.

Page 13: Dula Report

TATLONG BAHAGI NG

DULA •YUGTO•TANGHAL•TAGPO

Page 14: Dula Report

1. YUGTO-ang bahaging ito ay ipinaghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.

Page 15: Dula Report

2.TANGHAL- ang bahaging ito ay ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos bagong tanghalan.

Page 16: Dula Report

3. TAGPO- ito ang paglalabas masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

Page 17: Dula Report

Sangkap ng Dula

Page 18: Dula Report

Simula 1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.2.Tauhan- ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.3.Sulyap sa suliranin- bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.

Page 19: Dula Report

Gitna 4.Saglit na kasiglahan- saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan. 5. Tunggalian- ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, tauhan laban sa mga pagsubok sa buhay at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula.6.Kasukdulan- climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakasukdulan ang tunggalian.

Page 20: Dula Report

Wakas 

7.Kakalasan- ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.8.Kalutasan- sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood. 

Page 21: Dula Report

Elemento ng Dula

Page 22: Dula Report

•Iskrip o nakasulat na dula•Gumaganap o Aktor•Tanghalan•Tagadirehe o Direktor•Manonood

Page 23: Dula Report

Iskrip o nakasulat na dula- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

Page 24: Dula Report

Gumaganap o Aktor- ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.

Page 25: Dula Report

Tanghalan- anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula, tanghalan din ang silid na pinagtatanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

Page 26: Dula Report

Tagadirehe o Direktor- ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

Page 27: Dula Report

Manonood- hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito matuturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

Page 28: Dula Report

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Page 29: Dula Report

Apat na Kombensyon

ng Dula

Page 30: Dula Report

1. Ang Kombensyon sa panahon- naniniwala o kunwa’y naniniwala ang manonood sa loob ng isang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, linggo, buwan o taon, na kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinapanood sa tanghalan.

Page 31: Dula Report

2. Ang Kombensyon sa ika-apat na Dingding- tinatanggap ng manonood na tulad sa isang tanghalan, sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Ang ika-apat na dingding ay bukas kaya namamalas at naririnig niya ang sinasabi at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na kanyang harapan.

Page 32: Dula Report

3. Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika- tinatanggap ng mga manonood na kung ano ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.

Page 33: Dula Report

4.Ang Kombensyon sa Pagsasalita sa Sarili- ang pagsasalita na parang sarili lamang ng tauhan, ay tinanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upang malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal.

Page 34: Dula Report
Page 35: Dula Report

Gomowo Maraming Salamat :*

Page 36: Dula Report
Page 37: Dula Report
Page 38: Dula Report
Page 39: Dula Report