FOREWORD: Ang storyang ito ay i-e-edit ko ng WAGAS sa December 2012. (Pag lumuwag luwag ang oras ko) Alam kong maraming mali at nakalimutang plot (dahil balasubas yung authors, basta na lang magtype, makakalimutin pa, lola na XD) at marami ring typos at grammar errors. Kaya pagtyagaan niyo na ang patae taeng storya na ito sa pansamantala. Promise, sa December 2012 aayusin ko ito. (Kung may pag-asang maayos XDDDD) Diary ng Panget SEASON 1 Written by HaveYouSeenThisGirL (Denny) PROLOGUE Mahirap maging maganda Bawat galaw mo tinitignan nila. Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata. Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago... Hindi mo magawa. Mahirap maging matalino Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo. Lahat gusto mong alamin. Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover. Mahirap maging sikat Lahat sinusundan ka. Kahit saan ka magpunta, andyan sila. Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi. Wala ka ng privacy. Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin. Mahirap maging mayaman Lahat nakadikit sayo. Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo. Lahat gusto magpalibre. Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.
599
Embed
Diary ng Panget SEASON 1 - filwattpadpdf.weebly.com · masikip ang daan since halos lahat ng estudyante ay patungo sa gymnasium kaya naman bigla akong nadanggil ng isang babae. "Err,
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
FOREWORD: Ang storyang ito ay i-e-edit ko ng WAGAS sa December 2012. (Pag lumuwag luwag ang oras ko) Alam
kong maraming mali at nakalimutang plot (dahil balasubas yung authors, basta na lang magtype, makakalimutin pa, lola
na XD) at marami ring typos at grammar errors. Kaya pagtyagaan niyo na ang patae taeng storya na ito sa pansamantala.
Promise, sa December 2012 aayusin ko ito. (Kung may pag-asang maayos XDDDD)
Diary ng Panget SEASON 1
Written by HaveYouSeenThisGirL (Denny)
PROLOGUE
Mahirap maging maganda Bawat galaw mo tinitignan nila. Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata. Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago... Hindi mo magawa.
Mahirap maging matalino Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo. Lahat gusto mong alamin. Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.
Mahirap maging sikat Lahat sinusundan ka. Kahit saan ka magpunta, andyan sila. Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi. Wala ka ng privacy. Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin.
Mahirap maging mayaman Lahat nakadikit sayo. Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo. Lahat gusto magpalibre. Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.
--------------------------- Dear Diary, Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget ako.
-Eya
PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench.
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
// Introduction
*Here we go, come with me There's a world out there that we should see Take my hand, close your eyes With you right here, I'm a rocketeer*
"Oh please, another 5 minutes." yung unang niyayakap ko nilagay ko sa tenga ko at binaon ang mukha ko sa unang
pinapatungan ng ulo ko.
*Let's fly Up, up here we go Up, up here we go Let's fly Up, up here we go, go Where we stop nobody knows, knows*
"Uggh! Five minutes, five minutes lang!" inabot ko yung alarm clock ko sa bedside table ko at pinatay ang alarm nito. Astig ng
alarm clock ko nuh? May ringing tone, napalanunan ko lang yan sa isang raffle draw sa supermarket. :D
Pabalik na sana ako sa mahimbing na tulog ko nang may isang halimaw na kumatok.
"Hoy Rodriguez, second week of June na! Yung bayad mo sa rent! 1week delay ka na ah!" shet, eto nanaman sa singilan ng
rent. Ang kulit naman ng landlord namin, sinabi ko na ngang hindi pa ako makakabayad dahil sa delay rin yung sweldo ko!
"Hoy aba! Rodriguez, alam kong andyan ka pa! Buksan mo 'tong pinto at magbayad ka na ng rent mo!"
Hindi ko sya pinansin at hinayaan ko na lang syang magkakatok at sumigaw sa may pinto ko habang ako naman ay nagbibihis
na ng uniform ko at binuksan ko na ang bintana ko, tumalon ako mula sa second floor. Oops, hindi po ako si superman.
Kinaya kong tumalon mula sa ikalawang palapag dahil sa ang apartment ko ay hindi naman ganun kataasan kahit pa nasa
second floor sya. Saka sanay na akong tumalon dito para tumakas sa singilan. Mala-spiderman ba, patalon talon na lang.
Haay, pasukan nanaman. Shet naman oh, hindi ko alam kung anong meron sa bago kong school. Alam nyo ba kung saan ako
papasok? Sa Willford Academy, sounds sosy right? Well, school talaga kasi sya ng mayayaman. Ang sabi, school sya ng mga
anak ng mga sikat na personalities or mga models sila or actors. Pero wag nyong isipin na mayaman ako, sikat ako at
maganda ako. I'm the total opposite, as in X & Y ang situation.
"All freshmens please proceed to the gymnasium. All freshmens please proceed to the gymnasium." "Sakto lang pala ang dating ko, magsisimula na ang opening ceremony." naglalakad na ako on my way sa gymnasium, medyo
masikip ang daan since halos lahat ng estudyante ay patungo sa gymnasium kaya naman bigla akong nadanggil ng isang
babae. "Err, ano ba! Look where you're going nga!" sabay inirapan ako. I expected this, ini-expect ko na na ganto ang mga estudyante
dito-- mga mapangmata at mapagmataas. Afterall, they are spoiled rich brats.
Sa loob ng gymnasium, nakaupo na ako sa assigned seat ko. May numbers kasi ang bawat upuan at may assigned numbers
na according sa names. Medyo bandang dulo ako since "R" ang start ng surname ko. "And that ends my speech. Now, I would like to present to all of you this year's student council president. Let's give a warm of
applause to Mr. Cross Sandford!"
Nagpalakpakan at nakipalakpak na lang din ako, sa totoo lang nabobored na ako dito sa opening ceremony na 'to. Ang
nakakainis pa, ang landi landi nitong dalwang katabi ko.
"Oh gosh, sabi ko na nga ba si Prince Cross ang student council president natin eh! He's so smart talaga at ang gwapo pa, so
perfect!" "Oo nga eh, oh Prince Cross, marry me!" "Stupid. He'll marry me." "No, he'll not. He'll marry me."
Tae. He'll marry a horse so you two should shut up. Asar oh. Ano 'to anime? Pinagkakaguluhan nila ang isang SC president?
Tinignan ko yung Cross na nagsasalita dun sa unahan, hmm... May itsura, I can't deny na he's handsome. What to expect
diba? Puro models ang nandito sa school na ito so puro magaganda at gwapo talaga dito. Pero he looks arrogant or maybe
it's because he's rich. I think rich people kasi are arrogant, view in life ko eh. "That's all, thank you." another palakpakan nanaman habang bumababa sya ng stage pagkatapos ng speech niyang hindi ko
na inabalang pakinggan. After that may mga speeches echos pa ulit na sobrang boring, natapos yung ceremony after an hour.
Pinapunta na kami sa mga kanya kanyang klase. 1B ako, umupo ako sa pinakasulok sa tabi ng bintana. Walang napansin
sakin, if ever meron man, kinikilatis lang nila ako. Titignan nila ako ng masama, or may pandidiri tapos tatawa sila. O sige na,
sorry naman kung panget ako noh? Sorry ha? Geez.
Dumating na yung teacher namin at katulad ng kinagawian pag first day of class, pupunta kami isa isa sa unahan para
magpakilala na sobrang hate na hate ko.
"Hi. I'm Reah Rodriguez, Eya for short. That's all." tapos na ako sa pagpapakilala at aalis na sana kaso may biglang
nagtanong. "Excuse me," tumigil ako sa paglalakad at tinignan yung babaeng nagsalita, may pandidiri sa mukha nya, "Why are you ugly?" "Ang ganda mo kasi." I smiled at her at bumalik na sa upuan ko. Unang una palang, expect ko ng tatawagin akong pangit na
syang sanay nanaman ako. Pangit naman talaga ako, malapad ang noo, maliit ang ilong na hindi naman matangos pero hindi
sobrang pango, chapped lips, may pimples, dry ang balat, sabog ang buhok at pandakekoy. O diba, panget?
Pero pagbalik ko sa upuan ko, may isa nanamang nagtanong sakin,"How come you're enrolled to this school, I'm pretty sure
you're not a model and if you're not a model then you're not qualified to the school's qualifications." "I don't know either." I just said that to end up the conversation. Actually, model ako pero ayokong sabihin sa kanila kung ano
minomodel ko. Sobrang nakakahiya kasi. As in.
Last period na, Self Motivation Class na. Yes, sa wakas matatapos na ang klase! "Okay guys, before I leave you, I want to give each of you a diary to write on."
After that, commotions followed, "What?! That's so gay, maam." "Baduy." "Urgh. Works." "Geez, what are blogs for?" "Old age much?" "Diary? Ano tayo, elementary?" "Hey, hey. You, sit down. Sssh. Quiet." nagsiayos na sila ng upo at tumahimik, "This diary is your final requirement at the end
of the school year. Without compiling this, I'll mark you a good 70 in your card. Now, we don't want to fail right? So be good,
and write on your diaries." She starts to pass the diaries in each one of us. The diaries are all different by designs. The one I received was a spiral
notebook, with light brown background with leaves, flowers and spring birds on it and also butterflies.
I find it cute and comfortable to write on. I feel excited to fill up this tuloy! I've never touched a diary kasi in my life.
When the bell rings, inayos ko na yung gamit ko tapos sinakbit ang backpack ko sa likod at nagsimula ng maglakad sa
corridor habang hawak hawak ko pa rin ang diary, natutuwa kasi akong buklat buklatin ito tapos inaamoy ko pa yung pages. I
love the smell of notebooks and books kasi eh, habit ko ng amuyin sila lalo na pag luma na ito.
"Excuse me, miss." napatigil ako sa paglalakad at pagaamoy sa notebook ng biglang may humarang sa harapan ko. Isang
nilalang na ubod ng gwapo, napapaligiran ng aurang nakakahumaling, nakakaadik na amoy nya, at yung ngiti nya
nakakapanlaglag ng panty. Napatunganga ako sa kinatatayuan ko dahilan para i-wave nya yung kamay nya sa harapan ko,
"Ah miss, excuse me? Hello?"
I snap back, "Ah! Ano yun?"
Tae. Mukha lang akong tanga kanina sa pagtitig sa kanya. Shet. I almost drooled at him, that's so embarrassing. Lumalandi
ako masyado. >_<
"Pede bang itanong kung anong oras na?"
"Oras na para mahalin mo ako..." wala sa sarili kong sinagot ang tanong nya.
"HA?!"
"Ay gaga. Wala, sabi ko 5.07 na." sabay takbo ko paalis sa sobrang hiya ko. Sinabi ko ba talaga yung mga salitang yun?
OMG.
------------------- Dear Diary, First day ko sa Willford Academy. School ng mga model. Maraming antipatiko. Pero shet lang, kanina sa corridor may nameet
akong nilalang na naguumapaw sa kagwapuhan. Nakakakilig kasi tinanong nya sakin ang oras kaso tae naman, palpak yung
sagot ko. Nakakahiya! Pero ang pogi nya talaga! - Eya ps. anlandi ko ngayon nakakahawa ang kalandian ng mga estudyante dito infairness
---------------------------------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
ENTRY // 1
"Eya, table # 7!"
"Eto na, saglit lang!" sigaw ko sa counter habang nasa loob ako ng staff room at nagtatali ng buhok. Andito ako sa part time ko
ngayon, part time bilang isang waiter sa kilalang restaurant ng tito at tita ko. Part time na walang sweldo. Well, may sweldo
pero ang sweldo ay pinangako nila sakin na sila lahat ang magbabayad ng expenses ko sa school which is actually a little bit
unfair. Scholar kasi ako sa school which means wala ng problema sa tuition ko at allowance, ang babayaran na lang ng tito at
tita ko ay yung mga miscellaneous fees. Pero pumayag na rin ako sa deal na yun since libre na ang lunch at dinner ko dito sa
restaurant nila. Ang pinoproblema ko na lang madalas sa sarili ko ay ang pambayad ko sa rent, bills at unexpected fees such
as medicines since wala naman akong kinikitang pera dito sa part time na 'to. Minsan kumukuha na lang ako ng mga small
work para kumita ng pera, pero hindi po ako nagtutulak ng drugs or nag-aabort whatsoever, matino naman yung mga
kinukuha kong small works. For example, ako yung nagtututor sa anak ng kapitbahay ko everytime may mga tests sila o kaya
ako yung naglalaba ng damit nila.
Wala na akong parents, namatay sila when I was 10 and since then ako na yung nag-alaga sa sarili ko. Wala kasing
kumupkop na kamag-anak sakin dahil ayaw nila ng pabigat, pero dahil sa kapatid ng mama ko si tita hinayaan nila akong
pagtrabahuhin dito sa restaurant nila at sila na ang nagasikaso sa pag-aaral ko. Pero hindi rin ako masaya sa ginawa nilang
pagkupkop sakin, parang hindi rin kasi kamag-anak ang turing nila sakin, parang pabigat lang din. Nakakaasar kumbaga. Tsk.
Pede na akong umiyak, andrama ng buhay ko. Bukas makalawa, nasa MMK na ang storya ko. Ajujuju. De joke lang, di ko
iniyakan mga bagay na tulad nun. Walang mangyayari sa buhay ko kung magda-drama at magpapaka-emo lang ako.
"Hoy Eya, ang tagal mo aba! Kunin mo na yung order nung table number 7!"
"Opo! Opo! Andyan na nga po!" lumabas na ako ng staff room, secretly making faces, kinuha ko na yung notebook at paper na
pagsusulatan ko ng order at nagdiretso na sa table number 7.
Palapit na ako sa table at nakita kong isang lalaking nakatalikod mula sakin at isang babae ang nandun, couples ata.
Maganda yung babae, mahaba ang buhok na kulot na color auburn. Maputi sya, matangos ang ilong, may cleft chin sya tapos
ang pula ng malalaman nyang lips. Color blue ang mga mata nya, absolutely foreign.
"Goodevening maam and sir, may I take your orders please?" nakasmile kong bati sa kanila pagdating ko sa table nila pero
nabigla na lang ako sa nakita ko.
"Wait, you look familiar..." tinuro ako nung guy, sya yung "oras guy", sya yung nagtanong sakin nung isang araw kung anong
oras na pero katangahan naman yung sinagot ko. Shet. Taken na sya? Aaaw. /sad face
Pero taken man sya o hindi, as if naman mapapansin nya ako diba? Sino ba naman papatol sa katulad kong long lost sister ni
Shrek?
"D'you know her, Chad?" pagtatanong nung pretty girl, she has a very melodic voice and an awesome British accent. Wait, his
name is Chad? Oh gosh, so masculine and so handsome. (>_<)/♥
"Err... I don't know..." medyo parang nadisappoint ako sa sinabi nya, he doesn't know which means he doesn't remember me.
Pero drama ko lang yun, expect ko naman na hindi nya na maalala 'tong pagmumukha kong 'to except kung natrauma sya sa
kapangitan ko.
"Ah! I know! I remember, siya yung girl from Willford Academy... Yung kanina, nagstop kasi yung time sa orasan ko and I didn't
know kung anong oras na and I was worried kasi may dinner date tayo then I saw her sa corridor... she's the one I asked for
the time then you," tumingin sya sakin,"You answered me---"
"Ahh! I need to get your orders now, I can't talk to customers. Please give me your orders." natatarantang sabi ko dahil ayaw
kong ituloy yung sasabihin nya. Nakakahiya baka marinig nitong kadate nya, tsaka ayaw ko na rin maalala yung katangahang
sinabi ko that day.
"Oh," he smiled! So cute... "I'll take roasted beet salad."
"Roasted Beet Salad..." I murmur as I jot it down on my notebook, then I look at the girl with her, "How about you, maam?"
"I would want the braised kurobuta pork belly, please."
"Any side dishes?"
"For us, creamed emmer would be fine."
"Okay, drinks?"
"A bottle of red wine and water."
"Okay, one roasted beet salad and a braised kurobuta pork belly for the main course, a creamed emmer for the side dish and
a bottle of red wine and water for drinks." paalis na sana ako nun nung may tinanong ulit sakin si "oras guy".
"Can I ask you one thing, miss?"
"What is it sir?"
"Do you like me?" seryoso nyang sinabi yung mga salitang yun na syang ikinabigla ko pati nung girl na kasama nya.
"Eh?! Sir?! What are you talking about?!"
"Chad!"
"Just answer me miss, do you like me?" he's looking directly in my eyes that got me uneasy.
"I- I need to go sir, we have lots of customer to take care of. Sorry." at nagmadali na akong bumalik sa counter, pinasa ko yung
order nila dun at nagtago ako sa staff room.
"Sheeet. Ano yun?!!" /O___o\
///
KRINGG! KRINGG!!
Tapos na rin ang klase. Ako ang huling lumabas ng classroom kasi ako ang na-assigned na taga linis ng classroom.
Nagkaroon kasi ng botohan ng class officers, at ako ang napagkatuwaan nilang iboto bilang "class maintenance president".
Err. Yeah, right. Oo na lang ako. Eto role ko bilang panget sa school ng magaganda at gwapo, isang hamak na invicible
person.
Nang matapos na akong maglinis, naglakad na ako sa hallway habang nasa kamay ko ang mga libro ko at nagsimula ng
dumayo sa kalawakan ang aking isipan.
Natatandaan ko, dito sa same hallway na 'to ko unang nameet si Chad at dito nya rin tinanong sakin kung anong oras na.
Crush na crush ko talaga sya, ang gwapo nya kasi. Pero after that incident sa restaurant, hindi ko na nakita yung Chad. Ewan,
masyado atang malaki ang campus para pagtagpuin ulit ang mga landas namin. Pero mabuti na itong ganto, sobrang hindi ko
kasi makalimutan yung tinanong nya sakin sa restaurant.
"Do you like me?"
Bakit nya kaya tinanong yun? Siguro gawa rin nung sinagot ko sa kanya dati nung tinanong nya ako ng oras, masyado kasi
akong naging obvious. Pero kasalanan ko ba kung sobrang gwapo nya? Kasalanan ko ba kung nalaglag ang panty ko sa
kagwapuhang taglay nya?
Pero dahil sa na-absorb na ako sa mga thoughts ko, hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng hallway at sa dulo ng
hallway ay may three steps stairs. At dahil nga sa hindi ko namalayang may hagdan, nagdire diretso ako sa paglalakad
dahilan para matapilok ako sa hagdan na yun at magplakta ang mukha ko sa may damuhan. Sa end ng hallway ay ang green
ground ng school kung saan maraming benches at maraming studyanteng nakatambay lalo na ngayon na tapos na ang mga
klase. Nakakahiya kasi nadapa ako sa isang open space at nakita kong madaming tao pero ang maganda dun, walang
nakapansin sa pagkadapa ko.
Lahat sila busy sa mga kani kanilang ginagawa, meron din naman akong nakitang nakatingin sakin pero hindi nila inaksaya
ang oras nila sakin at inismid lang ako. Since panget ako, pagaaksayahan pa ba nila ako ng oras? Yun lang siguro
advantages ko dito, walang may pakelam sakin dito. Walang papansin dito sakin kahit mangulangot ako anytime I want, wala
silang pakelam sakin at hindi nila ako pagaaksayahang tignan o husgahan kahit isang segundo lang dahil nakatatak na sa
isipan nila na isa akong hamak na panget na hindi mamalayan kung paano sa lupalop ng mundo ako nakapasok sa maganda
nilang school. Isa akong invicible person.
Ligtas na sana ako sa kahihiyan at taimtim na akong tumatayo at inaayos ang sarili ko kung hindi ko lang narinig ang isang
mahinang tawa sa likod ko.
"Hahaha! Panget na nga, lampa pa." napatingin ako sa likod ko para lang makita ang isang lalaking tumatawa, ang puti at
pantay na pantay ang mga ngipin nya. Tapos ang pula pa ng mga labi nya at sobrang kissable. Then he has this prominent
and broad cheekbones, developed brows, and chiseled jawlines that is awesomely super musculine. Ang puti at ang kinis ng
mukha nya,there aren't any spot of pimples or blackheads. Ang tangos pa ng ilong niya! Ulam ito, yummy!
"Kung iisa isahin mo sa utak mo ang physical attributes ko baka madefine mo ang salitang perfect. Sige, mauna na ako. May
shooting pa ako para sa Bench. Sa susunod, stop drooling around when you're walking on the hallway para hindi ka
magtagasa dyan at magmukhang malaking tanga." tumawa ulit sya at sabay nilagpasan na ako. Naiwan akong nakatulala
dun. Foreign-ish ang itsura but with a fluent Tagalog accent.
And wait, what the f---- did he just said? Ang yabang! Shet lang.
---- Dear Diary, Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget ako.
-Eya
PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench. ---
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry // Two
"Sige po, alis na ako." sabi ko habang inaayos ko na yung mga gamit ko sa staff room, tapos na kasi shift ko dito sa resto.
"Mabuti pa nga, lumayas ka na." walang modong sabi sakin ng tita ko sabay abot sakin ng sweldo ko para sa gabing ito,
"Oh eto pagkain mo."
Inabot ko iyon ng may pasasalamat at umalis na. Naglalakad na ako pauwi sa bahay ko kung saan nadadaan palagi ako sa
mismong plaza ng syudad namin, medyo nakakatakot na dito dahil alas 11 na ng gabi at pakalat kalat na ang mga adik,
gangs, prostitutes, at kung anu ano pang mga taong hindi katiwa tiwala. Pero medyo sanay na rin ako since laging gantong
oras naman natatapos ang trabaho ko at lagi kong tinatahak ang daan na 'to, kaya nga lagi akong may pepper spray sa bulsa
ko bilang protection sa masasamang loob. Alam nyo yung twilight? Ginaya ko yung advice ng tatay ni Bella sa kanya, baka
kasi effective yung pepper spray. There's no harm in trying naman diba? O sige, ang baduy ko talaga pero ano ba magagawa
ko, free lang 'to dun sa supermarket nung bumili ako ng noodles eh.
"Hahahaha! Nice one dude, that'll be awesome." mula sa hindi kalayuan, narinig ko ang grupo ng mga kalalakihan na
nagtatawanan at naglalakad sa hindi ko alam kung saan papunta.
"Pasindi nga, tol." narinig ko pang sabi nung isa. Hindi ko na sana sila papansinin kung hindi lang nahagip ng mata ko ang
isang pamilyar na mukha.
Kung hindi ako nagkakamali, sya yun. Pero anong ginagawa ng isang tulad nya kasama ang mga taong mukhang mga sigang
ewan? At sa gantong oras pa.
Sabi nga nila mind your own business pero dahil nga isa akong pusang malaki ang kuryusidad sa katawan, patago ko syang
sinundan at ang mga kasama nya. Naglalakad sila papunta sa isang maliit na eskinita na ngayon ko lang natahak, medyo
kinakabahan ako sa ginagawa ko kasi sobrang tago na nitong lugar na narating namin. Tapos marami pang mga nakakatakot
na tao dito, paano na lang kung manganib ako? Hindi ako makakahingi ng tulong kaagad sa gantong tagong lugar. Pero
andito na ako, hindi na ako makakaatras, malayo layo na rin ang nalakad ko tsaka isa pa, baka sa pagbalik ko mas marami pa
akong makasalubong na mapanganib na tao, I just better keep my profile low.
Napansin kong tumigil sila sa tapat ng isang... CLUB?!!!
"HUWAAAAT?!!"
oh... sh!t. Did I just said that out loud? I got everyone's attention now. All eyes on me. Cold sweats falling.
But the worst is... our eyes met, he looked at me, shook his head and turned away as if he doesn't recognize me. Like what
was that?! Wait, okay. I know, pakelam niya pa ba sakin? I'm just his ugly invicible schoolmate, nothing more.
"Hey cutie, want to enjoy the night with me?" I was caught off guard nang may bigla na lang malaking lalaking may
bigoteng mukhang manyak na hindi naliligo ang umakbay sakin.
"No, thank you." I said politely trying to remove his arm around me.
"Dali na, kahit panget yang mukha mo pede ka ng pagtyagaan. Sexy naman yang katawan mo tsaka mukhang
masarap yang unahan mo, pede ka ng hipon. Don't worry, I pay big. Kelangan ko lang pampalipas ng oras." tae ha.
Anlakas nung insulto nya ah?!!
Dahil sa inis ko, tinuhod ko ng malakas ang kanyang maselang bahagi na syang ikinapulupot nya sa kinatatayuan nya sa
sobrang sakit, "Tangena mo kang panget ka!"
"Behlat nga sayo! Bastos mo! Wala ka bang banyo sa inyo? Maligo ka nga, ang baho mo tsong."
Tumalikod na ako para umalis na sana dahil ayaw ko ng sundan pa yung lalaking yun, mapapahamak lang ako sa kanya tsaka
I should really just mind my own business. Pero nabigla na lang ako ng hinigit ako sa kamay nung lalaking tinuhod ko...
"Sandali lang, hindi pa tayo tapos!" paglingon ko sa kanya, kita ko ang galit nyang mukha. Nanggagalaiti ang mga mata
nito. Naramdaman ko rin ang mahigpit na hawak nya sa pulso ko na syang ikinatakot ko.
"A-aray ko, nasasaktan ako. Bitawan mo ako." gusto kong humingi ng tulong pero sa lugar na katulad nito mukhang malabong
makahingi ako ng tulong.
"Iyak ka muna." sabay tawa ng malakas ng lalaking nasa harapan ko, gusto ko na nga sanang umiyak sa takot kung hindi
sya dumating sa tabi namin.
"Maaari mo ng bitawan ang girlfriend ko, alam mo yun?"
"C-Chad..." nabigkas ko ang pangalan nya sa sobrang bigla ko. Akala ko kanina pagkakita nya sakin ay pinagwalang bahala
nya na lang ako... pero hindi pala. Teka, g-girlfriend? O__O
"Girlfriend mo?! Sino?! Itong panget na 'to?! Aba Chad, nagiiba na ata taste mo?!" huh? Kilala sya nitong bigote guy na
hindi naliligo? Madalas ba dito si Chad? Madalas ba sya sa gantong klase ng lugar? Hindi ko ma-gets.
Biglang hinigit ni Chad yung si bigote guy sa t-shirt nito, "Bago mo bitiwan ang salitang 'panget' siguraduhin mong nakita mo
na ang sariling reflection mo sa salamin."
Bawat salita nya ay matigas na animoy may pananakot sa bawat letrang binibitawan nya. Halos hindi ko sya nakilala sa
hitsura nya, hindi yan ang maamo at nakangiting itsurang natatandaan ko nung tinanong nya sakin dati ang oras.
"S-sorry Chad. S-sorry miss." binitawan nya na ako sabay kumaripas na sya ng takbo. Ganun ba katindi ang dinulot ng mga
salita ni Chad sa kanya at sobrang natakot sya? May reputasyon ba dito si Chad? O sadyang napapasarap lang ako sa
pagbabasa ng mga gangster love stories at manga at lumalaki ng ganto ang imagination ko?
"Ikaw," nabigla ako ng tinignan nya ako at hinigit nya ang kamay ko, "Sumama ka sakin!"
"W-wait! Aray!" dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa pulso ko kanina, nakaramdam ako ng hapdi ng hawakan ito ni Chad
para higitin ako.
Napatigil sya at tinanong kung ano daw ang problema, hinigit ko ang kamay ko at sinabing mahapdi ang pulso ko. Wala syang
sinabi pero hinigit nya lang ulit ako pero sa pagkakataong ito sa kamay nya na lang ako hinigit. Gusto kong umangal at
itanong sa kanya kung saan nya ako dadalhin pero masyado akong nastuck sa isiping hawak hawak nya ang kamay ko.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang nahawakan ng isang gwapong nilalang ang kamay ko. (Well, except pag nananching ako sa
simbahan tuwing Our Father ) Gusto kong isiping dito na magsisimula ang love story ng isang panget na katulad ko at isang
prince charming na tulad ni Chad pero ECHOS ko lang 'to, masyado kasi akong nagbabasa at nanunuod ng mga kung anu
anong love story.
"Dyan ka muna saglit." nabalik lang ako sa reality ng maramdaman kong binitawan nya ang kamay ko. Napatingin ako kung
nasan kami, nasa isang maliit na kwarto kami kung saan maririnig ng konti sa baba ang malakas na tugtog at sigawan ng mga
tao na sa tingin ko ay ang kwartong ito ay nasa taas ng nightclub na kanina lang ay nakita ko. Pumasok si Chad sa isang pinto
na nasa kwarto na sa palagay ko ay banyo kaya eto ako ngayon, nakatayong mukhang ewan sa kwartong ito at nililibot ng
mga mata ko ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako.
Ano kaya itong kwarto na ito? Kay Chad ba 'to? Saka bakit nya ako dinala dito?
Hindi kaya....
OMG. Hindi kaya pinaplano nyang...? Ayoko, kahit gwapo si Chad at sexy, I'm still not ready for it. Saka hindi pa ganto kalakas
ang nararamdaman ko kay Chad para gawin ang bagay na yun, crush ko pa lang sya at nadedevelop pa lang. Bakit ganun
kabilis?
"Pasensya na kung pinaghintay kita," biglang lumabas mula sa banyo si Chad at may dalang first aid kit,"Hindi ko alam ang
gamot dyan sa mahapdi kaya dinala ko na 'tong first aid kit, ano ba dapat ilagay dyan?"
Napakamot sya ng ulo, napangiti naman ako, "Naku, hindi na kelangan nyan. Mawawala rin 'to maya maya, bumakat lang kasi
yung kamay nung lalaki kanina kaya medyo mahapdi pag hinawakan. Pero siguradong wala na 'to mamaya, hindi na kelangan
ng kahit anong gamot."
"Ah ganun ba," nilagay nya sa side table yung first aid kit at lumapit sakin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang pulso ko,
"Sana mawala na nga ang sakit nito."
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang lakas at ang bilis. Feeling ko nagha-hyperventilate ako sa abnormal na tibok ng puso ko.
Yung dampi ng labi nya sa pulso ko ay ramdam na ramdam ko. Shet. Ano 'to?!
"A-ah, salamat!" sa sobrang kaba ko nahigit ko na yung kamay ko pabalik sakin.
Katahimikan...
Hindi ko alam gagawin ko...
"Ummm... Thanks nga pala kanina." nakatungo ako habang nagpapasalamat ako, nahihiya kasi ako at hindi ako mapakali.
"Wala yun," wala akong marinig na emosyon sa boses nya at dahil nakayuko ako hindi ko kita ang reaksyon ng mukha nya
kaya naman nabigla na lang ako ng itulak nya ako sa may pader, "Basta ba may kapalit eh."
Seryoso ang boses nya, ang mga mata nya ay parang nanghahamon. Parang may ipinahihiwatig syang hindi kanais nais.
Nakakatakot ang kaharap ko, parang sa isang iglap lang nawala yung "crush" thing ko sa kanya. Isa lang ang pumapasok sa
isip ko ngayon, yun ay kunin ang pepper spray mula sa bulsa ko...
Hindi ko alam kung anong meron, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihing 'may ibang
katauhan' si Chad since hindi ko naman talaga sya kilalang lubusan at ikatlong pagkakataon ko lang sya nakita. Pero sa
tatlong beses na nakasalubong ko sya, iba ibang ugali ang pinakita nya sakin. Naguguluhan ako.
- Eya
ps. hindi kaya bampira si Chad? Iba ang katauhan sa gabi eh... ------------------------------------------------------------------------------------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
ENTRY // THREE
"Wala yun... Basta ba may kapalit." pinned against the wall and locked between his arms & fierce eyes, my hands tremble as I
take my pepper spray in my pocket but he then notices it and stops me from taking it out of my pocket, "What are you taking
out, huh? A knife?"
He pulls out my hand from my pocket to see what I intended to take out,"Uh... Ano 'to? Perfume? Are you planning to spray
this to me so you can escape?"
"It's a bloody pepper spray, seesh!" in my situation, I still manage to roll my eyes heavenwards. Nakakainis kasi eh, hindi nya
ba kayang i-distinguish ang difference ng perfume sa pepper spray?
"Kung maka-ikot ka ng mata dyan, as if that was too obvious! Cheap Perfume bottles & cheap pepper spray bottles don't have
any differences. Pero..." bigla syang tumigil sa pagsasalita at yumuko, hindi ko alam kung anong nasa isip nya, he still has his
arms inbetween me...
Mga ilang segundo lang, napansin kong tumataas baba ang balikat nya at naririnig ko ang mga pigil na tawa...
"Uhh..." hindi ko na alam talaga ang nangyayari, hindi ko na rin alam ang gagawin at sasabihin ko.
Lalo na ng iniangat nya na ang ulo nya at nakita ko ang mukha nyang tawa ng tawa, sobrang lakas ng tawa nya na para bang
hindi nya kayang pigilan ang sarili nya, inalis nya na ang kamay nya sa pagitan ko at pinakawalan na ako sa pagkakasandal
sa pader. Hawak hawak nya na ngayon ang tyan nya at walang humpay na tumatawa. Naglakad sya papunta sa malaking
kama sa loob ng kwarto at ibinagsak ang sarili dun habang tumatawa pa rin.
Naiwan na lang ako sa kinatatayuan ko na nakatulala habang nakataas pa rin ang kanang kamay ko na may hawak na pepper
spray.
"GRABE! HINDI KO NA TALAGA KAYA! HAHAHA! SA TANANG BUHAY KO, NGAYON PA LANG AKO NAKATAGPO NG
BABAENG KATULAD MO! HAHAHA!"
Eh? Katulad ko? Ano ba ang isang tulad ko?
"One second, you saved me. Two seconds, you pulled me. Three seconds, you kissed my wrist. Four seconds, you pinned me
against the wall. Five seconds, you scared me. Six seconds, you're laughing like you're in a straight jacket! What the perk is
wrong with you?!"
"Did I just do that in 6seconds?! HAHAHA!" he continued laughing, not even bothering to look at me. Baliw na ata 'to, ibang
katauhan nanaman ni Chad ang nakikita ko. Ano ba yan, pangatlong beses ko pa lang syang nakikita, iba't ibang
transformation na nakikita ko sa kanya... ano ba sya, pokemon nageevolve?! Grabe! Nakaka-turn off na ewan! >_<
"Idiot! That was a way of saying!"
"O'right, like what you said PepperSpray! HAHAHAHA!"
Hindi ko na matiis ang manatili sa kwartong ito, feeling ko kasi bukas pa sya matatapos tumawa eh.
"I'm leaving, thanks for saving me anyway." I said sarcastically, binuksan ko na ang pinto at nagwalk out na ako. Pagkabukas
ko ng pinto mas lalo kong narinig ang ingay ng tugtog sa baba.
Two ugly mongrels err... I mean two of my classmates surprised me when they passed by the corridor and greeted me with
faces written WHAT-THE-HECK-IS-SHE-DOING-HERE on their faces.
"What is an ugly creature doing in a place like this? Are you even invited?" "Yeah, what are you doing here?" are they supposed to repeat their questions? Srsly.
Sasagot pa lang sana ako ng mula sa likod ko, narinig ko ang boses ni Chad, "PeppersSpray, bakit ka umalis kaagad?!"
"OMG. Chad Jimenez?!" super wide ang mga mata ng dalwang nuno sa harap ko. Lumingon naman ako sa likod ko para
makita syang nakasandal sa pinto at nakangiti na animoy nagpipigil pa rin tumawa. So, hindi pa sya tapos tumawa?
"Oh, hi girls!" kinawayan nya yung dalwang nuno na sobra namang kinilig. Ang landiiiiiiiiiiiii!
"He waved at me!" "Hindi kaya, he waved at me!"
O sige, nagtalo pa sila. Diba nga sabi ni Chad, "hi girls!" may "s" meaning plural, meaning parehas silang kinawayan. Ang
bebo sa grammar eh, ang gana pang magenglish.
Iiwan ko na lang sana sila at magwawalk out na lang ulit pero tinawag nanaman ulit ako ni Chad, "Hey, teka! Aalis ka na
kaagad?! Magwawalk out ka nanaman?!"
"Wait, magkakilala sila ni Chad Jimenez?!" nagsimula ng magbulungan ang mga nuno, bulong na rinig naman. Tss. "Unbelievable. Did she just got out from that door?" "No way! Did they..." "Sh!t! No perking way! Stop it, I don't even want to hear it. It's giving me the creeps!"
Ayoko ng makinig sa kanila, nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad sa corridor papunta sa hagdanan pababa sa bar para
makalabas na dito. Pero nasa may hagdan pa lang ako ng maramdaman kong may humawak sa braso ko, "Wait."
Nilingon ko sya ng may pagka-asar sa mukha, "ANO?!"
"Uuwi ka na ba?"
"So what?" tinanggal ko pagkakahawak nya sa braso ko at tumalikod muli.
"Alam mo ba kung anong oras na?"
This time, napatigil talaga ako sa kinatatayuan ko and my heart starts to flutter. Alam mo ba yung pakiramdam na parang
narinig o naramdaman mo na ang isang bagay, na feeling mo parang nangyari na ito? De ja vu ata ang tawag dun.
Oras na para mahalin mo ako...
"Past one na ng umaga, you can't go home alone. You'll be in trouble pag magisa ka lang lalo na at babae ka pa."
"Don't worry, I won't get rape. Sa panget kong 'to sinong magiinterest."
"Hindi ka naman panget, wag mo i-degrade sarili mo." hinigit nya na lang ang kamay ko at hinila na ako palabas. I was left
speechless. Sinabi nyang hindi ako panget.... Hindi nya ako sinabihang cute o maganda pero sinabihan nya akong 'hindi ako
panget', sobrang nafa-flatter ang puso ko. Yung mga salita nya, nagpapaulit ulit sa isipan ko habang hinihigit nya ako palabas sa matao, maingay at magulong bar.
"Hindi ka naman panget" "Hindi ka naman panget" "Hindi ka naman panget"
"Sakay ka na.""
Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko muli ang boses nya, napatingin ako kung nasaan kami, nasa parang parking lot
kami at nasa tapat ako ng isang itim na Ford na bukas ang pinto sa likod, "E-eh?"
"Sakay ka na. Ihatid na kita papunta sa inyo, pambawi ko man lang sa panjojoke ko sayo kanina."
"Huh? Anong joke?"
"Hindi mo ba nagets? Yung pag-threaten ko kanina sayo, joke lang yun. Tinatakot lang kita pero nadistract ako sa pang-gu-
good time ko sayo nung maglabas ka ng pepper spray! Grabe, ako yung na-good time mo dun ah! Lakas din ng trip mo at may
pepper spray ka sa bulsa! hahaha!"
Ah, joke lang pala yun. Pero hindi nya ba talaga ako tatantanan sa pang-aasar sakin sa pepper spray ko? Ano bang
nakakatawa sa pepper spray?
"Pede ba, tigilan mo na nga ang pagtawa saka hindi naman nakakatawa yung joke mo kung sakali noh." I blunted.
Kinamot nya ulo nya at tumingin sa kanan nya, "Eh kasi naman gusto ko lang gawing example sayo yun."
"Kanina sabi mo joke, ngayon example. Ano ba talaga?!"
"Pede both? hehe. Pero kidding aside, hindi ka kasi dapat nang-iistalk basta basta."
"HUH?! STALK?!" O_O
Shucks. He noticed, could there be anymore as embarrassing as this? But if he already noticed it in the first place, why did he
just ignore me? Ok, this is just **king annoying and embarrassing.
"Bakit? Hindi ba stalking yun? Okay, if it doesn't sound pleasant to you, I'll just call it FOLLOWING."
"What the---"
"HUSH! You can't deny you were following me, I saw you. But the next time you follow someone else, be sure not to get
yourself in trouble. You're lucky I was in the mood to save you from that idiot. Now, get in the car." tinulak nya ako which leads
me no choice kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. Sumunod sya at umupo sa tabi ko, siniksik ko sarili ko sa dulo para
magkaroon ng malaking space sa pagitan namin.
Sinara nya na yung pinto at tinignan ako ng may pagtataka, "Allergy ka ba sa pogi? Ang laki ng space oh, sinisiksik mo sarili
mo dyan sa dulo."
Umismid lang ako, humalumbaba at tumingin sa labas ng bintana, "123 whatever street."
"Huh?"
"Address ko, diba sabi mo hahatid mo ako? Go." walang pakundangan kong sinabi sa kanya. Tutal turned off na din ako sa
kanya, I might as well be rude with him. Asar eh.
"Ah, right." he sounded trouble, "Manong, 123 whatever street."
"Yes, sir."
Nagsimula ng umandar ang kotse. Nagkaroon ng sandaling katahimikan pero maya maya, nagsalita ulit sya.
"Wag mong ipagsasabi ang lugar na yun o lahat ng nakita mo sa gabing ito."
Sa sinabi nyang yun napalingon ako ng hindi oras, "Ha?!"
"Ang lugar na yun ay pagmamay-ari ng mga magulang ko. Yun ay ang hide out ng mga high society."
"Eh? Hide out? Ano kaya criminal? Drug pushers? Bakit may hide out?"
Natawa sya, "Nakakatawa ka talaga. haha!"
Nakaka-offend talaga sya. :|
"Hideout, hideout naming mga high society mula sa camera, paparazzi at public. Oras na lumabas kami sa iskinitang yun,
kelangan na namin magbalat gayo. Kelangan nanaming maging flawless kung ayaw namin masira ang mga career o ang
buhay namin. Konti lang nakakaalam nun at kung may mga taga labas man na makakaalam, tinotorture at tinatakot namin."
Kinilabutan naman ako sa last part na sinabi nya. Tinotorture at tinatakot nila ang mga taga labas na makakaalam so that
means... pati ako? *gulp*
"Pero don't worry," nabigla ako ng lumapit sya sakin at pinat ang ulo ko,"You're under my protection."
Naturn off ako kanina pero ngayon, ON na ulit. And sa tingin ko, nagle-level up yung nararamdaman ko sa kanya. WAIT. ANG
LANDI NUNG SINABI KO. ERASE, ERASE.
"123 Whatever Street, andito na po tayo master." at dun ka lang napagtantong tumigil na pala yung kotse.
"AH THANK YOU!" bumaba agad ako at tumakbo papunta sa gate ng apartment.
"Wait!" napatigil ako pero hindi ako lumingon, "Anong pangalan mo?"
Sinigaw ko ang pangalan ko pero hindi pa rin ako lumilingon, "Eya!"
"Bye Eya, see you again!" hindi pa rin ako lumilingon pero kinaway ko na lang yung kamay ko ng nakatalikod sabay bukas ng
gate ng apartment.
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng kotse, pagkabuhay ng makina at pag-andar nito paalis. Nakangiti akong pumasok
sa gate, patunay na ang landi landi ko. Pangiti ngiti pa ako, shet lang eh kinikilig eh. Bilang isang invisible na estudayante sa
school ko, tinanong ng isang poging pogi kong schoolmate ang name ko diba? Ikaw ba hindi kikiligin?
"WHAT THE f--K?!" nabigla na lang ako sa bumulaga sakin pagbukas ko ng apartment room ko. "ASAN ANG MGA GAMIT
KO?!"
EMPTY. WALANG LAMAN. Walang laman ang apartment room ko!!!!
"Landlord! Yung mga gamit ko ninakaw! HELP!" pasigaw kong takbo sa room ng landlord namin sa baba. Kumatok ako sa
may pinto nya,"Landlord! Landlord!"
Binuksan nya yung pinto, nagaalis ng muta sa inaantok na mata, may bakat pa ng tuyong laway sa gilid ng bibig. EEW.
"Poota Eya, anong kelangan mo? Tulog pa ang Diyos, kumakatok ka na!"
"Eh pagbukas ko ng apartment ko, wala na yung mga gamit ko! Ninakawan akooo!" paiyak kong sabi. Wala na nga akong
gasinong gamit, nanakawan pa ako. Whattalife.
"ULOL. Mukha mo, walang magnanakaw ng mga basura mo. Ayun, tinapon ka dyan sa bakuran. May nakuha na
akong bagong mag-o-occupy dyan sa apartment mo at yung sure na magbabayad regularly. Akin na yang susi na
yan," hinalbot nya yung susi sa kamay ko, "Bahala ka sa buhay mo kung saan ka lilipat. Hindi ko kelangan ng mga
taong hindi kayang magbayad on time."
Sabay sarado nya ng malakas sa pinto sa harapan ko. Parang sinampal ako ni big foot. Gets? Nakakapanlumo. Wala na akong bahay? Saan ako titira? Saaaaaaaaaaan?! Nakakadesperate naman 'tong situation ko.
Pumunta ako sa bakuran ng apartment, at kinolekta yung mga maleta ko.
"THANK YOU HA! THANK YOU SA PAGIIMPAKE NG MGA GAMET KO SA MALETA AH! THANK YOU! AMBAIT NYO!
GRABE!" sarcastic na sigaw ko sa landlord ko. May gana pang i-empake yung gamit ko nuh? Seesh.
Hinila ko na yung maleta ko at nagsimula ng maglakad sa Mars... hindi, joke lang. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero
basta maglalakad na lang ako baka may madaanan akong pedeng matirhan.
---- Dear diary,
I think I'm falling inlike with a handsome guy. Sobrang landi ko, wala tuloy akong bahay pagkatapos.
- Eya.
PS. Magkapigsa sana sa pwet ex-landlord ko. ------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
ENTRY // FOUR
"Auntie, please. Magdo-double time ako dito sa resto, bigyan nyo lang po ako ng matutuluyan."
"Aba Eya, umaabuso ka na ah. Pumayag na nga kaming magbayad sa mga gastusin mo sa school."
"Please na po Auntie, last request ko na 'to. Pinalayas na po ako sa nirerentahan ko, wala na po akong titirhan. Patira na po
dito kahit saglit lang hangga't hindi pa ako nakakahanap ng murang apartment."
"O sige na, sige na. Pero 2weeks lang pedeng tumira dito pagkatapos nun, lumayas ka na."
"Thank you, auntieeee!" sa tuwa ko, niyakap ko si Auntie na dahilan para itulak nya ako.
"Ano ba, dumiretso ka na nga dun sa guestroom. Dun ka na muna. 2weeks lang," tapos tumalikod na si Auntie. Sus!
Nahihiya pa si auntie, may puso rin naman pala sya talaga. Kahit 1/4.
Nagdiretso na ako sa taas ng restaurant, dito rin kasi bahay nila eh. Sa 1st floor ay ang malaking resto tapos sa second floor
ang bahay nina auntie. Hindi naman sila super yaman pero matatawag na rin silang mayaman lalo na at lumalago ang
negosyo nila ngayon.
Iniayos ko na ang mga gamit ko sa guestroom kung saan pansamantalang magiging silid tulugan ko. Nung matapos kong
maayos ang mga gamit ko, kinuha ko na sa backpack ko yung pagkain na dapat kakainin ko pa pero dahil sa pangi-istalk ko
kay Chad, hindi ko na nakain meaning kagabi pa ako hindi nakakakain at gutom na gutom na ako.
Aabsent na muna siguro ako ngayon sa school para makapaghanap ng apartment na mura, try ko na rin icontact si Benjo.
Nakigamit na muna ako ng telepono ng bahay nina auntie.
Ring, ring...
"Oh napatawag ka Eya."
"Benjo, wala bang nagooffer ng modelling job ngayon sa company? I'll take kahit ano, pinalayas na ako sa apartment ko wala
akong gasinong pera pangdown sa kung saka sakaling apartment na makikita ko."
Model ako. Tanda nyo ba na sinabi ko na ang Willford Academy kung saan pumapasok ako ay school ng mga models,
celebrities and high personalities? Na pag wala ka ni isa sa qualifications hindi ka pede pumasok dito? Well, well, well... bukod
sa ako ang isa sa mga nakakuha ng mataas na score sa entrance exam at nakakuha ng scholarship, ay isa rin akong model
kaya naman qualified talaga ako sa school na 'to. Pero kung itatanong nyo ako kung anong iminomodel ko, tatahimik na lang
ako. Basta si Benjo ang nag-alok sakin ng trabahong 'to eh, kaibigan kasi sya ni papa nung bahay pa si papa. Nung nakilala
nya ako nalaman nya ang nangyari kay papa at mama at pati na rin ang sitwasyon kong nagtatrabaho at napasok, inalok nya
na ako ng magandang(kahit papaano) trabaho na may magandang sweldo kaso madalang lang din ang bigay sakin since
panget nga ako. Pili lang ang naimomodel ko na ayaw kong sabihin sa inyo kung ano dahil nakakahiya talaga. NAKAKAHIYA,
caps. Si Benjo na rin nagsuggest sakin na pumasok dito sa Willford, sabi nya kasi oras na grumaduate ako dito marami ang
chances ko na makakuha ng magagandang offer ng trabaho basta lang ikeep ko lang ang pagiging isa sa top students sa
Willford. Haay, sana nga.
"Nako Eya, wala eh. Pasensya ka na ah. Wala pa kasing bagong commercials na nangangailangan ng low budget
models eh."
"Ah ganun ba." medyo nanlumo nanaman ako sa pagsagot. Ang malas ko nuh? Grabe, kakambal ko ata si kamalasan. Tss.
"Pero kung kailangan mo ng pera talaga at matitirhan, mayroon akong alam na trabaho..."
"Teka, hindi ako natanggap ng trabahong illegal ah. Wala akong balak maging drug pusher."
"Tange! Hindi yun. Parang maid slash personal assistant ng isang kilalang model."
"Eh? Maganda sana offer mo kaso hindi ko kayang maging personal assistant lalo na at may schooling ako. Edi ba pag
assistant kelangan halos 24/7 ready? Lalo na at model pa ang boss mo, kelangan kasama lagi sa shootings. Hindi naman ako
pedeng magcutting sa school."
"Don't worry, sa Willford din sya napasok. Ang totoo nga nyan, matutuwa pa ang mga parents nun kapag nalamang
ang magiging personal assistant ng anak nila ay nasa parehas na school lang. Kunin mo na 'tong offer na 'to, 10thou
a month plus weekday bedrooms."
"Wow. 10thousand! Malaki nga pero wait, anong ibig sabihin ng weekday bedrooms?"
"It means sa kanila ka titira every weekdays. Sa ganung paraan, libre ka na sa apartment. Kung poproblemahin mo
naman ang weekends, pede mo na sigurong pakiusapan ang auntie mo na babayaran mo na lang ang weekend stay
mo sa kanila, so what do you think about it?"
"It's brilliant! I'm so taking that opportunity!"
"Good. This is the address..."
///
Papunta na agad ako sa trabahong ibinigay sakin ni Benjo. Ang sabi ay isa sa mga top leading companies daw sa Pinas at
other Asian countries ang may-ari ng bahay na pagtatrabahuhan ko kaya naman hindi na ako magtataka kung malaki ang
sweldong ibibigay sakin at libre na rin ang pabahay every weekdays. Ang kinakakakaba ko lang ay kung anong klaseng tao
ang pagsisilbihan ko, sabi ni Benjo ay pumapasok ito sa kaparehas kong school pero wala syang sinabi kung babae ito o
lalaki. Wish ko lang na sana babae ito pero hindi maarte o spoiled, masyado kasi akong short tempered at natatakot akong
may magawang masama kung hindi ko magugustuhan ang ugali ng pagsisilbihan ko.
“Wooooooooow.” kung pedeng malaglag ang panga ko eh baka nasa lupa na ito dahil sa sobrang laki ng bahay(kung bahay
pa itong matatawag, castle na ata ‘to eh) na nasa tapat ko, chineck ko ulit yung address sa papel ko sa adress na nakalagay
sa plate address nila just to make sure that I landed in the right place. Pero hindi nga ako nagkakamali, dito nga sa malaking
bahay na ito ako magtatrabaho, nagring na lang ako sa doorbell nila.
“This is the Sandford's butler speaking, who is it?”
Wow, English speakingR Dapat ba akong sumagot sa English o Tagalog? Umm.. Tagalog na lang, baka wrong grammaring
pa ako nakakahiya.
“Umm.. Ako po si Reah Rodriguez. Balak ko po sanang mag-apply dun sa personal assistant kung pede pa sya.”
“Oh I see, please enter.” Pagkasabi nya nun automatic na nag-open yung gate, golly wow parang yung mga nakikita ko lang
sa movies ah.
Pumasok na ako pero pagpasok ko may mini-car na nakapark dun sa tapat at nilapitan ako nung driver, "I've received a call from the head butler, you are Ms. Reah Rodriguez right?"
Tumango na lang ako tapos bigla na nya akong inayang sumakay at dinala sa wonderland, hindi joke lang, sa may mismong
bahay. Jusme, nasa ibang daigdig na ata ako. Anlaki! Kelangan pa talaga ng sasakyan para makarating sa mismong bahay!
Ang OA lang ng story na ‘to, sa totoo lang.
Pagbukas pa ng pinto, hindi lang panga ko kundi buong ulo ko na ata ang malalaglag sa nakikita ko. Everything is so shiny
like Edward Cullen under the sun, andami ring katulong at mga bagay na sadyang nakaka-wow. Ang tahimik at palakad lakad
ang mga katulong na mukhang super busy silang lahat.
“This way.” Sinundan ko na lang yung sumalubong sakin, sa tingin ko dadalhin niya ako dun sa may-ari ng bahay.
Nung makarating na kami sa tapat ng isang pinto ay tumigil kami dun at kumatok sya, “Master, someone wants to apply for
the young master’s maid.”
"Let her in."
Binuksan yung pinto at pumasok na ako dun, nginitian ako ng isang lalaki na sa tingin ko ay mga nasa 45+ na. Nakabusiness
suit sya at nakaupo sa isang table sa gitna ng malaking parang library tapos sa likod nya ay isang malaking bintana...
"It's good that there is someone who wants to apply, I just lost the 55th maid I hired. It's a good thing I always have
the ads available."
"Umm... excuse me, nagtatagalog ka?" hindi ko na kasi kaya eh, kanina pa English ng english mga tao dito like hello? Nasa
Pilipinas kaya tayo!
"Hahaha!" napatawa sya, mukha naman syang mabait, "I'm sorry, sanay lang kasi ako eh. Alam mo na kelangang
English speaking for business purposes sa other countries"
"Anyway, saktong sakto ang dating mo hija, kakaretire lang ng pang 55 na personal na katulong na hinire namin."
"Eh? 55th?"
"Hayy. Wawarningan na kita, hindi basta basta ang pagsisilbihan mo. Ang anak ko ay kalhating halimaw kalhating
tao."
Dun sa narinig ko, napalunok ako. Half monster? OMG. Kaya pala ang taas ng sweldo na ibibigay nila, kalhating halimaw pala
ang pagsisilbihan ko!
"Pero don't worry, hindi naman sya nanganggat." tumawa muna ito ng mahina, "Medyo mahirap nga lang syang
intindihin. Pero ang hiling ko lang sana eh ikaw na yung huling mag-aapply, nakakapagod na kasi maghire ng
maghire. May deal akong ibibigay sayo."
"Po? Deal?"
"Kapag tumagal ka ng atleast 6months sa pagiging maid ng anak ko, bibigyan kita ng kahit anong gusto mo. You can
ask for a mansion, a car, a villa or whatsoever. Basta tumagal ka lang ng 6months, so are you gonna take it?"
"Game!" walang hali-halimaw sa taong mukhang pera!
"That's good. You can start now, mamayang 4pm babalik na sya dito. Pansamantalang nasa school pa sya eh. Bukas,
you can also assist him to school. Make sure he eats his lunch at uma-attend sya ng klase nya."
"Umm... may problema lang po..."
"Ano yun?"
"Working student po ako eh. Sa Willford academy din po ako napasok pero by scholar tapos may part time job po ako sa gabi
pero promise ko po, babantayan ko pa rin sya sa school tapos babawasan ko na lang yung araw ng part time job ko para
dumiretso dito at pagsilbihan po ang anak nyo!"
"Talaga? Sa Willford ka din? That's great! Walang problema, pagkatapos ng klase mo at part time mo tsaka ka
dumiretso sa anak ko basta just do your job well and I hope tumagal ka talaga sa kanya."
"Thank you po! Thank you!"
///
4pm.
Kinakabahan na ako, nandito ako sa may entrance ng bahay kahilera ang mga other maids at butlers. Andito kaming lahat
para salubungin ang "young master" na syang pagsisilbihan ko. Kinakabahan talaga ako... kung anu anong image na ang
lumalabas sakin. Sabi ni Mr. Sandford, half monster daw... *gulp* Anong monster kaya ito?
A. Monster na katulad ng sa Alien vs. Predator B. Monster na katulad ni Kokey C. O cookie monster?
Aaaah! ANO BA YAN! MGA PUMPASOK SA ISIP KO!
*Ting! Ting! Ting!*
"The master has arrived." pagkatapos ng tunog ng bell, yung head butler ay nagsalita at pagkasabi nyang yun bumukas ang
pinto at mula sa liwanag sa labas, nakita ko ang young master....
Lahat sila yumuko, lahat ng ulo nakababa... habang ako.... outSTANDING! I mean nagiisa akong nakatayo. Natulala ako sa kinatatayuan ko dahilan para makalimutan kong yumuko. Kabukod tangi akong nakatayo at dahil dun center
It's not a bird, not a plane neither superman... my master is a monster. My master is Cross Sandford, ang student council
president ng school na model ng bench na syang saksi sa pagkadapa ko sa corridor at pinagtawanan ako.
- Eya.
ps. Bakit hindi ko naisip sa umpisa na Sandford ang apelyido nya? >_> -----
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
ENTRY // FIVE
"What the f--k is this?!"
"Aray!" sabi ko pagkabitaw nya ng malakas sa kamay ko as soon as makapasok kami sa office ng dad nya.
Pagkakita nya kasi sakin sa may front door, tinanong nya kung ano daw ginagawa ko sa pamamahay nya at sinabi naman ng
head butler nila na ako nga yung bagong personal maid nya at sa hindi malamang kadahilanan, naging super gloomy ng face
nya at bigla syang lumapit sakin, hinigit ng walang pakundangan ang kamay ko at kinaladkad ako papunta dito sa office ng
tatay nya.
"Oh, Cross anak napadalaw ka sa office ng daddy mo. Kikiss mo ba ako?" tumayo yung daddy nya at lumapit sa kanya
at akmang hahalikan sya sa pisngi pero hinarangan ng palad ni Cross ang labi ng tatay nya at tinulak ito palayo.
"Will you stop fooling around, you old toothless fart?!"
WOAH. Anong tinawag nya sa tatay nya? Walang galang much?
"Ehem." nagseryoso bigla yung tatay nya at bumalik sa likod ng upuan nito at tumalikod samin habang pinagmamasdan ang
view sa labas sa pamamagitan ng malaking bintana, "Cross anak, nagsasawa na ako sa ugali mo ha. Naiintindihan kong
napepressure ka lang sa image mo sa school pero hindi sapat na hindi mo galangin ang mga taong naninilbihan sa
pamamahay na ito."
"Bakit ko sila gagalangin ha? We pay them, we pay their souls and we have the rights to do whatever we want to them.
They're our properties!"
"HOY aba! Sumosobra ka! Hindi mo binibili kaluluwa namin noh! Asa ka pa!" hindi ko na napagilang tumahimik kasi naman
nakaka-offend yung sinabi nya.
"WAG KA NGANG SUMASABAT!" dinuro nya ako na syang ikinaatras ko sa kinatatayuan ko, "F.CK! I'M GOING OUT FOR
AWHILE AND WHEN I COME BACK I WANT HER OUT OF THIS HOUSE!"
"AND YOU!" nabigla ako ng dinuro nanaman nya ako ng daliri nya.
"E-eh? M-me?" tinuro ko ang sarili ko ng kamay ko.
"I DON'T WANT TO SEE YOUR HORRID FACE AGAIN!"
After saying that, nagdire-diretso na sya palabas ng room na may pagbalabag pa ng pinto. Naiwan ako dun na parang
dinaanan ng malakas na hangin. I was shouted at and insulted at the same time, the nerve! Alam kong panget ako pero tama
bang ipamukha? Ugh. Cross Sandford, you really are a monster!
« Cross Sandford's Point Of View »
"Oy, oy oy. What do we have here? Ang millionaire friend natin!" pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa tambayan,
sinalubong na agad ako ni Seven na may akbay effect pa habang hawak hawak sa kabila ang billiard stick nya.
"Peram nga." inagaw ko yung hawak na stick ni Seven at ako ang tumira dun sa bola pero sumala, "Badtrip!"
Hinagis ko na lang yung billiard stick sa billiard board at nagdiretso sa bar counter para kumuha ng maiinom at umupo na sa
may stool.
"May problema?" sinundan ako sa stool ni Eros at kumuha na rin ng maiinom.
Sila ang mga kaibigan ko na hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan basta isang araw na lang nambubugbog ako ng
isang lalaking napulot ko lang sa kalsada tapos hindi ko alam marami pa la itong kasama kaya ayun nabugbog ako ng sobra
pero tinulungan ako ng mga kumag na ito at dinala ako dito sa tambayan na ito para gamutin at pagkatapos nun natagpuan ko
na lang ang sarili kong nagpapabalik balik dito sa tambayan na ito at naging kasama ko na sila sa mga katarantaduhan.
"May gusto ka bang bugbugin?"
"Nambubugbog ka ba ng babae?" sarcastic na sinabi ko.
Nagshot muna sya sa kinuha nyang inumin at tumawa, "Pag sa babae, si Seven ang pedeng tumulong sayo sa
pambubugbog. Nangre-rape yan eh."
"Oy narinig ko yun! Hindi ah! Ginagalang ko mga babae!"pasigaw na sabi ni Seven mula sa billiard board.
"Kaya pala may naghahabol na buntis sayo kahapon, Seven!"pang-aasar ni Memo.
"Oish! Malay ko dun! Protected lagi ako ha!"
"Mga gagu talaga oh." natawa na lang ako ng mahina sabay talikod sa direksyon nila.
"Nagsalita ang hindi."
"Mas gago ka tae ka."
"Suntukan ano??"
"Tsk. Makipagsuntukan ka sa pader. Wala ka ng ginawa sa buhay kundi mambugbog ng mambugbog ng kung sinu sino. Daig
pa ng pirated CD ang paulit ulit na pangyayari sa buhay mo."
"Oy Cross, hindi ako ang pumunta dito ng may problema kaya wag ako ang pag-usapan dito ha!"
"Tsk. Wala akong problema, nababadtrip lang ako sa katulong na binigay sakin ng matandang hukluban na yun."
"Talagang matandang hukluban tawag mo sa tatay mo ah? Haha! Walang galang oh! Anyway, ano bang nirereklamo
mo? Eh diba laging magaganda at sexyng chiks ang nagiging personal maid mo?"
"Wala akong pakelam kung sexy o maganda sila o kung anuman sila! Nakakainis sila, ayoko sa kanila! Bakit kasi kelangan pa
ng personal maid, I can handle myself! Bwisit lang sila! I despise them!""
"Sus, you despise everyone."
"Bingo!"
"Eh ano ba talaga problema sa bagong maid mo?"
"Mukha nya." nagshot ulit ako.
"Pfft!" halos masamid si Eros, "What?!"
"Yung mukha nya problema ko! Mukha syang... urgh. Ang panget tol!"
"Ano ba itsura? Negra ba? Hahaha!"
"Hindi naman, maputi naman kahit papaano pero dry na dry naman yung balat tapos ang lapad ng noo at ang oily ng mukha
at may mga pimples pa! Shet pa pare, parang hindi nagsusuklay ng buhok! Dry na dry pa yung chappy lips nya! Urgh. Just by
looking at her face, I'm already feeling stressed."
"OA mo pre, ayon sa description mo mukha namang hindi sya halimaw. Siguro nga panget pero hindi naman siguro
mukhang nakakadiri or whatsoever, ang taas lang kasi ng taste mo sa babae. Tsaka," hinawakan nya ako sa
balikat,"Katulong nga sya diba? Katulong hindi chix. Tsaka kung ayaw mo edi paltan mo."
"Nasabi ko na sa matandang hukluban at kelangan paguwi ko wala na yung panget na yun."
"Nasabi mo na pala eh, wala ka na palang problema! Eh bakit nababadtrip ka pa dyan?!"
"Ewan ko. Nababadtrip lang talaga ako!" pagkatapos nun, uminom na lang ako ng uminom.
« Eya's Point Of View »
"Nakakauhaw naman." sabi ko habang kinukusot kusot ko ang mata ko at naglalakad papuntang kusina kahit patay na ang
ilaw sa bahay ng mga Sandford. Yung liwanag na lang ng buwan na lumalagpas sa mga sa salamin ng bahay na lang ang
tanging ilaw ko sa paglalakad. Kumuha na ako ng pitsel sa ref at sinalinan ng tubig ang baso ko.
Oo nga pala, hindi ako tinanggal ni Mr. Sandford kahit sinabi nung cookie monster na yun na ayaw nya sakin.
*flashback*
"Hija, don't mind that kid. I'm not firing you so you have to stay here even if he shoos you everyday. We have a deal,
remember?"
"Ah opo, saka winarningan nyo na po ako na kalhating halimaw nga po sya." kahit nakakahurt yung mga sinabi nung halimaw
na yun kanina, hindi pa rin yun sapat na dahilan para umalis ako dito. Kelangan tumagal ako dito kahit 6months man lang!
Gusto kong humiling na tulungan nya akong magkaroon ng career sa NASA na alam kong sobrang mangyari! Pero gusto ko
talagang maging astronaut! Aja! \(*^*)/
Cross Sandford, kung halimaw ka pwes ako... ako si DARNA! Fighting!
*end of flashback*
Kaya ayun, with all of my determinations nagstay ako dito. Infact, nakuha ko na yung ilang gamit ko kanina sa bahay nina
auntie at nilagay sa kwartong nakalaan sakin dito for every weekday stays. Ang kaso yung kwarto ko katabi ng kwarto nung
young monster na yun. Urgh.
"Uhhh..."
"S-sino yan?!" nasa kalagitnaan ako ng paginom ko nang mabigla na lang akong makarinig ng mahinang ungol.
"Uhh... Nakakauhaw..." pagkatapos nun nakarinig na lang ako ng lagabag na para bang may bumagsak.
Hinanap ko kung nasaan at nakita ko na lang sa may sahig na may nakalapag na halimaw, "Uy anong nangyari sayo?"
"Tubig... pengeng tubig..." bigla nyang kinuha yung basong hawak ko at ininom ang laman nun. Ayy shet, baso ko yun ah?!
Ininuman ko yun?! Urgh! Naniniwala pa man din ako sa indirect kiss! Shet!
"A-akin na nga yang baso ko! Mangaagaw!" kinuha ko na yung baso ko at tumayo na, aalis na sana ako pero nilingon ko ulit
sya at tinignan sya sa sahig, "Iiwan ko ba 'to?"
Hindi naman ata tamang iwan ko sya na natutulog sa sahig, afterall trabaho kong alagaan at pagsilbihan sya which means
kelangan dalhin ko sya sa kwarto nya para makatulog sya ng maayos. Eh bakit ba sa sahig sya natutulog?! Ano ba ginawa
nito?
Lumapit ulit ako sa kanya at lumuhod para makuha ang kamay nya at ilagay sa balikat ko para naman maitayo na sya, "Ang
baho mo, amoy alak ka. Iinom inom ka tapos sesenglot senglot ka pala. Ano ba yan."
Sinimulan ko na syang dalhin papunta sa kwarto nya na nasa second floor pa ng bahay, "Bakit ba ang bigat bigat mo? Grabe!
Daig ko pa ang nagpepenetisyon sayo eh!"
"Ang sakit ng balikat ko sayo!" sabi ko habang dahan dahan ko syang inilalagay sa kama nya, "Magdiet ka nga!"
Hindi sya sumasagot, mukhang tulog na ata. Nung naihiga ko na sya sa kama nya at tatayo na sana ako para umalis eh
nabigla na lang ako ng minulat nya ang mata nya at hinawakan ako sa braso, "O-oy!"
"Samahan mo muna ako kahit saglit."
"H-ha? T-teka nga, bitawan mo ako!"" sabi ko habang inaalis ang hawak nya.
"You're so pretty." ngumiti sya na nagpahypnotize sakin, nakakaloko yung mga ngiti nya at idagdag mo pa yung sensation ng
amoy ng alak, feeling ko pati ako malalasing ng hindi oras, "You're very very pretty."
Nanlaki na lang yung mata ko ng dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko, palapit ng palapit ito hanggang sa
ilang distansya na lang ang namamagitan sa mukha namin lalo na sa mga labi namin, napapakit na lang ako sa hindi ko
malamang kadahilanan.
Para bang inaantay ko na lang na magdampi ang mga labi namin but instead....
*ASDFAGDHSBDDGSF!*
----- Dear diary,
Sinabi nyang maganda ako at akala ko hahalikan nya ako. AKALA KO! Pero sabi nga nila wag mong aasahang nasa katinuan
ang taong lasing!
- Eya
ps. hinding hindi ko ilalapit ang mukha ko sa taong lasing, ayaw kong masukahan pang ulit! UGHH!! --------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
ENTRY ---- SIX
AAAAAAAAAAAAHH!! Ambaho baho baho baho baho baho baho baho! Naiinis talaga pag naaalala ko yung kagabi! Argh. Buti
na lang nung umalis ako sa bahay na yun ay tulog pa rin yung halimaw na yun kundi baka nasuntok ko na pagmumukha nun.
Sabihin nyo nga sakin, tama bang sukahan ang mukha ko? Alam ko namang sukang suka sya sa pagmumukha ko pero tama
bang sukahan talaga ako? Ugh! His bad worse worst!
At buti na lang din absent sya sa araw na ito at hindi ko kelangang pagsilbihan sya ngayon sa school. Ayon kasi kay Mr.
Sandford, hindi daw tamang umabsent ako dahil umabsent din ang young monster, may mga katulong naman daw na pedeng
pansamantalang magalaga dun sa Cross na yun, wag ko daw irisk ang studies ko pede naman daw pagkauwi ko na lang
pagsilbihan yun. Ugh. Buti pa talaga si Mr. Sandford mabait, naaawa tuloy ako sa kanya sa pagkakaroon ng autistic na anak.
Tsk, tsk.
"Nakakainis talaga, kung hindi ko lang talaga pangarap maging astronaut baka sinipa ko na pagmumukha nun eh." siguro
mauubos na ang mga grass dito kakatanggal ko. Nandito kasi ako ngayon sa school ground at nakaupo sa may ilalim ng puno
habang inuubos ang mga dahon sa paligid ko dahil sa inis ko. Tapos nagugutom pa ako, lunch na kasi pero nakalimutan ko
naman yung baon kong sandwich. Ayaw ko namang bumili, ang mahal kaya. >.<
"Ugh. Nakakainis!"
"Kawawa naman yung mga grass!"
"Ayy kalabaw mo!" nabigla ako nang sa gilid ko may bigla na lang sumulpot na magandang babae.
"Wala akong kalabaw though..." nilagay nya sa baba nya ang daliri nya na kunway nagiisip, "It would be a nice idea to have
one as a pet."
Uhh...kay... Weirdo. -__-"
"Can I sit beside you?" hindi pa ako nakakasagot nagkusa na syang umupo sa tabi ko sa may ilalim ng puno.
"Why are you irritated? Kanina ko pa kasi napapansin na you're pulling out those weeds and keep on chanting 'nakakainis'."
Sino ba 'to? Basta na lang uupo sa tabi mo at kakausapin ka? Err... pero she looks familiar, hindi ko lang maalala kung saan
ko nakita.
"Wait, nagtatagalog ka right?"
Tumawa sya, "Oops sorry, I'm not really used to speaking tagalog kasi. I'm really shy with my accent kasi when speaking
Tagalog, it sounds a bit off."
"Anong lahi ka ba?"
"I'm half British."
"Wow! British ka pala! Dun ka ba pinanganak o dito?"
"I was born in England and grew up there, I just decided to take college here."
"Eh? Bakit?" ang usyuso ko din nuh? Hindi ko man sya kilala pero I've got this feeling na ang sarap nyang kausapin. Ang
melodic kasi ng boses nya tapos nakakatulala pa yung ganda nya, natotomboy ako ng hindi oras.
"The guy I like studies here." she smiled sadly. May problema kaya? Pero hindi ko naman sya pedeng tanungin pa,
nakakahiya na baka sabihin nito super feeling close ko na, "Teka, why did the topic switch to me? Diba I was the first one to
ask you something. Don't divert the questions."
Natawa na lang ako, "Oo nga pala, ano nga ulit tanong mo?"
"Why were you irritated? And to whom?"
"Ah! Kilala mo ba si Cross Sandford?"
Pagkasabi ko ng pangalan ni Cross parang nabigla sya saglit, "Ah, oo naman. Sino bang hindi makakakilala sa kanya dito?
Sya kaya ang top student at campus hottie."
"Hottie? Err... yeah right. Yun nga, alam mo kasi kagabi---" napatigil ako sa pagsasalita ko, wait? Tama bang sabihin kong
nagtatrabaho ako sa bahay ni Cross? That doesn't sound right... right?
"Hmmm? Anong nangyari?"
"Ah! Wala, wala. Wait, magtatime na pala, aalis na ako. Babye!" kinuha ko na yung mga gamit ko at tumayo.
"W-wait!" nagdire diretso na ako palayo. Kamuntik na akong madulas sa pagsasabing nagtatrabaho ako sa bahay ni Cross.
Pero wait, natanong ko ba yung name nung girl? Ah, nakalimutan ko. Pero she looks very familiar...
Nung matapos yung afternoon class, inayos ko na yung gamit ko.
"OMG! ANDYAN ANG PRINCE SA LABAS!" "Really? What is he doing sa tapat ng room natin?" "Maybe he's waiting for me!" "Oh gosh, you're such an ambisyosang frog!"
Hindi ko alam kung anong pinagkakaguluhan nila sa may pinto ng classroom nila pero wala akong time at wala rin akong
pakelam para makigulo sa kanila, inayos ko na lang ng maigi ang gamit ko at pagkatapos nun nagdiretso na lang ako sa
kabilang pinto para doon lumbas.
"Miss Reah Rodriguez!" napatigil na lang ako sa paglalakad ko ng marinig kong tawagin ang pangalan ko mula sa boses ng
isang lalaki.
Lumingon ako sa kanya, "IKAW!"
Sa bigla ko napasigaw na lang ako, akala ko kasi hindi sya papasok dahil nga wasted na sya kagabi tsaka anong ginagawa
nya sa tapat ng classroom ko? Inintay nya ba ako? Bakit?
"What? The prince knows her?"
"Oh gosh. Inintay pa sya ng prince, what does it mean?" "And how dare her shout like that to our prince?" "Ugh, that ugly trash."
Hindi ko pinansin pinagsasabi nila neither did Cross, nagdire-diretso lang sya sakin at bumulong sakin, "Follow me."
"H-ha? Saan?" hindi na sya sumagot at nagdiretso na sya sa paglalakad. Ako naman, wla akong choice kundi sumunod sa
kanya since I'm his personal maid right? Kahit inis ako sa kanya, I don't forget my job.
Naglalakad kami sa kung saanman papunta without even speaking to each other hanggang sa makarating kami sa tapat ng
student council room, dumiretso sya sa isang table dun at kinuha ang isang bag tapos bumalik sakin na nasa tapat ng pinto,
"Here."
"E-eh?" inabot ko pa rin ito kahit hindi ko gets kung bakit inaabot nya sakin.
Hindi sya sumagot instead may kinuhang lengthwise mula sa bulsa nya at inabot din ito sakin, "I need all of that by tomorrow,
buy it."
"E-EHHHH?!" pero hindi nanaman nya ako pinansin and this time, nalakad na sya palayo, "Wait!"
Hindi nya ako pinakinggan hanggang sa mawala na sya sa paningin ko, naiwan na lang ako sa kinatatayuan ko ng hindi alam
ang gagawin.
----
In the end, nagdiretso ako sa isang bookstore para bilhin lahat ng pinabibili nya. Wow! Just Wow! Ang haba ng listahan!
Punong puno yung cart ko!
Sinimulan ko ng i-collect lahat ng bibilhin. Ito lang naman ang mga nakalagay sa listahan:
1 Cartolina white 1 Cartolina blue 1 Cartolina green 2 Manila paper 3 pentelpen blue
3 pentelpen red 3 pentelpen black 5 scotch tape 1 box of pencil 1 box of hbw pen 1 g-tec pen 2 paintbrush 1 acrylic paint blue 1 acrylic paint green 1 acrylic paint red 100pcs bond paper 1 plastic of colored paper 1 plastic of glossy paper 5 pair of scissors 5 erasers 5 rulers 50ml black toner 50ml colored toner
... and the list goes on.
Grabe. Halos nagrereklamo na nga yung mga nasa likod ko sa pila sa counter dahil antagal tagal ko dito dahil sa dami ng
nireregister na mga gamit na binili ko.
"That'll be 7,893.50 pesos ma'am."
Natulala ako saglit nung marinig ko yung presyo kaya sinilip ko naman yung counter screen para makita kung tama yung
presyo, "Wow. Umabot sa ganun. Wait lang..."
Kumapa ako sa bulsa ko, kinuha ko yung wallet ko at sinilip ko ito, "Patay."
"Ma'am, may problem po ba?" malaking problema... nakalimutan akong bigyan ng pambayad nung halimaw na Cross na
Denny's note; Thanks for reading guys. Sana basahin nyo rin yung mga short stories ko if ever hindi nyo pa nababasa. Sorry
sa slow updates, kelangan ko kasing bumawi sa grades ko ngayon. May make up tests pa ako next week. Argh. Vote kayo ah? Comment din pati. Pede rin kayong mag-fan. Pleaseeeee? <3
Entry --- 8
“Are you calmed down, now?” inabot nya sakin ang isang cup of tea.
Tumango lang ako sa kanya ng tahimik habang inaabot ko ang tea na inaalok nya. Uminom ako pero napaso ang dila ko.
“Ack.”
Tumawa sya ng mahinhin, “Careful, it’s hot.”
Hinipan ko yung tea at uminom ulit, “You know what, you’re beautiful.”
Pagkasabi nya nun sobrang nasamid ako, “Ahem! Ahem! A-are you kidding me?”
“No! You really are beautiful.”
“Nagpa-vision test ka na ba?” hindi nya nagets yung joke ko, kumunot yung noo nya at nagtaka.
“Eh? I don’t have any problems with my eye-sight.”
I just shook my head, “Wala. Joke sana yun. Pero anyway, ano bang sinasabi mong maganda ako? Okay ka lang? Hindi mo
ba nakikita ‘tong mga pimples na ‘to?”
Tinuro ko yung mga pimples ko, tinignan nya tapos tinaas nya yung isa nyang kilay, “Oh? So what’s the matter?”
“Urgh. Ayan oh, andami dami sa noo ko! Para silang fraternity dyan! Dumadami ng dumami at pag may nagquit sa kanila, may
mahigpit na parusa kaya walang nagde-dare na magquit sa kanila! Kaya ayan, parami ng parami!”
“Really?” nanlaki yung mata nya as if nagsabi ako ng sobrang weird na fact! As in naniniwala talaga sya, hindi nya nagets na
joke lang ulit yun! Argh. She’s really a foreigner, ang hirap magjoke sa kanya sa pinoy way. >.<
“Ah wala, joke lang.” I give up, “Pero eto oh, tignan mo pa, bukod sa pimples ko meron pa akong buhaghag na buhok na akala
mo walis tambo tapos andami dami pang splitends!”
Pinakita ko sa kanya ang mga dulo ng buhok, hindi nya pa rin nagegets ang gusto kong iparating.
“Tapos tignan mo pa itong noong ito,” tinuro ko ang noo ko, “Ang lapad lapad oh!”
“Tapos eto, wala din. Flat.” Tinuro ko yung dibdib ko.
“Yung height ko pa oh, parang kindergarten sa liit.” Pinakita ko pa sa kanya gamit ng kamay ko ang height difference namin.
Kumunot yung noo nya at nagcross arms nya, “I don’t get you.”
“I’m the one who don’t get you, you just said I’m beautiful but just look at me, I look obviously ugly!”
“Ahh.” Tinulak nya yung noo ko gamit ang hintuturo nya, napapikit tuloy ako saglit, “You’re beautiful. What are you saying?
You’re not ugly. It’s normal that we have those defects like pimples and splitends but they do fade away right? It’s not like
they’ll stay there forever. What are make overs for?”
“Yeah.” I rolled my eyes, “Yun pedeng imake over pero yung height ko, yung ilong ko, yung noo ko? Operation kelangan dun at
ayaw ko ng ganun, takot ako sa retoke.”
Tumawa naman siya, “Everyone keeps on looking for their defects. It's not like everyone's perfect? We all are ugly and at the
same time beautiful, it's just how we should carry & believe in ourselves."
"Yeah, whatever." yun na lang sinabi ko at ininom ko na lang ang tea ko para matapos na ang usapan. She's speaking like a
miss universe so I can't compete with her. She's completely beautiful, inside out. Wish I could be like her... Pero kahit ilang
bulalakaw pa siguro malaglag, malabong maging katulad ko sya. Kahit malaglag pa ang pluto sa earth.
"Haay!" nagcross-arms sya at nagpout, "I really don't like girls like them. They're really like chickenpoxes, itchy and irritating!"
Tapos humarap sya sakin, "Why did they do that ba?"
"Eh yung Cross na yun kasi ang may kasalanan! Kung hindi nya ako hinintay sa tapat ng classroom ko nung uwian edi sana
hindi ako kinuyog ng mga classmates kong babae!" hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan yung ginawa nya kanina,
na dinaanan lang nya ako at hindi man lang tinulungan. Walang puso! Wala! Wala rin atang bituka yun! Argh.
This time, sya na yung nasamid sa hindi ko malamang dahilan, "Ehem! Ehem!"
"Ayos ka lang?" tinapik tapik ko sya sa likod para mawala yung pagkasamid nya.
"Cross? You mean Cross Sandford?"
"Uhh... yeah?"
Hinawakan nya ako sa balikat, kamuntik na nga matapon yung hawak kong tea, "Are you going out with Cross?"
Nanlaki yung mata ko pero natawa na lang ako pagkatapos, "Ano?! HAHAHA! Parang sinabi mong nangingitlog ang baka!
HAHAHA!"
"But you said he waited for you outside your classroom after your class, it sounded like he's your boyfriend..."
Tinaas ko yung isang kilay ko, "I'm working for him noh." "Eh?!"
Ay! Oo nga pala, hindi nya pedeng malaman. Wait? Anong sasabihin ko? Ah!
"I mean, tumutulong kasi ako sa student council. Parang ako yung mascot ng student council, ako yung gumagawa ng mga
errands nila kaya ayun, inantay nya ako sa classroom para ibigay sakin yung mga lists ng kailangan. But since makikitid ang
utak ng mga classmates ko, they thought we're dating or something like that. Sus, para naman kasing mangyayari yun, ang
kikitid talaga ng utak."
Nagbuntong hininga sya, "Akala ko naman."
Sa reaction nyang yun, nabigla ako at nanlaki ang mata ko, "DON'T TELL ME MAY GUSTO KA SA CROSS NA YUN?!!!!"
Nagblush sya.
"OMG."
"I told you right when we were under the tree na I've decided to study here because the guy I like is studying here as well."
"And that guy is Cross?" sinusubukan kong itago yung pandidiri ko at disbeliefs ko dahil ayaw ko naman syang ma-offend.
Pero sa totoo lang, sino ba magkakagusto dun sa Cross na yun? Oo, gwapo sya pero yung attitude na yun? Sayang 'tong si
British girl, ang ganda pa man din nya tapos magkakagusto sya dun? Eh super opposite ang ugali nila eh! Ang bait bait nitong
si British girl, para ngang anghel eh tapos yung Cross na yun, parang alagad ng nasa ilalim! Argh. Hindi sila bagay! >.<
"You see, Cross is my childhood friend. Eversince we were little, I already like him..."
*KRINGGG!*
"Ah! Lunch time na!" hindi na pala ako pumasok after ng PE, iniskip ko na yung last period namin sa umaga since inatake nga
ako ng mga classmates ko. Dinala na lang ako ni British Girl sa tea club at in-offer-an ako ng tea. Ito kasi club nya eh, kami
lang naman ang andito since may klase pa nga eh. Nagcutting na nga lang din si British girl para i-accompany ako eh.
"Gusto ko sanang sumabay sayo ng lunch ngayon pero kelangan kong umalis eh, hindi ako papasok mamayang hapon eh.
Pero... pede bukas sabay tayong maglunch?"
"Ah eh.." hindi ako makapagsalita ng ayos since ang lapit nya sakin.
"Please? Please?" nakapuppy eyes pa sya at nakapout, a look you can't say 'no'.
"Ah, sige."
"Yey!" hinug nya ako na ikinabigla ko, "Let's meet under the tree where we first met! I'll bring some homemade lunches!"
"Sige, sige."
Tumayo na sya, "Ok! I'll be going now, see you tomorrow!"
Nabigla ako ng yumuko sya at kiniss ang magkabila kong pisngi, "E-eh?"
"That's how you greet and say goodbye in Europe. Byebye sweetie!" ngumiti sya at umalis na kasunod ang bodyguard nya.
Wow. That was soooo British. Wait, ano pala pangalan nya? Err... I don't even know kung alam nya name ko, nai-skip namin
yung introductions. Oh well, name lang naman yun diba?
----
"Now it's him!"
"Kahapon lang si Cross tapos.. argh!"
"I really can't believe it, ano bang meron sa girl na yun? She's soooo ugly."
"Eh tignan mo nga, ang daming pimples!"
"So dry pa ng lips."
Habang palabas ako ng classroom, panay ang tingin at lait sakin ng mga classmate ko sa may pintuan kaya naman pinili ko
na lang lumabas ng kabilang pinto, mamaya hubaran pa nila ako dun pag dumaan ako sa kanila.
"Peppy!" may narinig akong sumigaw mula sa likod ko pero hindi ko nilingon since hindi naman ata ako ang tinatawag. Peppy
daw eh, hindi naman Peppy name ko diba?
"Peppy!" tumawag ulit yun. Sino kaya tinatawag nun? Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad.
"Peppy!" tumawag ulit yun, ang bingi naman ng tinatawag nun. Nakakatatlong tawag na eh hindi pa rin sinasagot.
"Peppy, ang bingi mo naman eh!" nabigla ako ng biglang may humawak sa balikat ko, pagtingin ko nakita ko si Chad.
"Peppy?" tinuro ko yung sarili ko gamit ng daliri ko.
Tumango sya, "Peppy, shortcut sa pepperspray."
Kumunot lang ang noo ko, "That's not my name."
"But I like it that way... Peppy." nabigla na lang ako ng inakbayan nya ako at paulit ulit nyang chinchant yung name, "Peppy!
Peppy! Peppy!" ♪♪♥
"Oh gosh, help me!"
"I think I'm gonna die!"
"this can't be. Sila ba?"
"Look oh, may endearment pa si Chad Jimenez sa kanya tapos inakbayan pa sya!"
"What's with the Peppy thingy?"
"Oh nooo!"
"Can you hear them? They're jealous. You should be happy I'm calling you Peppy, I bet theyre dying to be called Peppy too."
Tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko at naglakad palayo, "Well, sila tawagin mong Peppy. Mas prefer ko Eya."
"Ang snob naman neto. Alam mo ba kung anong oras na?"
Tumigil ako at humarap sa kanya, tinignan ko yung relo ko at tumingin ulit sa kanya, "4:30?"
"EENG!" nagsound effect sya like the wrong buzzer sa mga quizbees, "It's time to pay."
"Ah oo nga pala, pedeng bukas na lang? Wala pa kasi akong pera eh." actually, hindi ko nasingil si CM(CookieMonster slash
Cross) kasi nga bigla na lang nawala kahapon, lumabas tapos ewan ko kung anong oras bumalik ng bahay. Whatever, who
cares? Basta mamaya sisingilin ko sya!
"Downpayment muna."
"Ha?"
"Pede ng downpayment ang 3hrs."
"Ha?"
"Samahan mo ako sa mall for 3hrs!"
"Ha?"
"Diba nagpromise ka kahapon ng isang next time? Hindi ako nakakalimot ng next times."
"Ha?"
"Ha ka naman ng ha eh! Halika na nga lang!" hinigit nya ako sa kamay at hinigit papunta sa kotse nya. Sumakay kami dun at
nagdiretso sa mall.
----- Sa mall.
"Ano sa tingin mo? Itong blue or red?" tinaas taas nya parehas yung dalwang nakahanger na damit. Nandito kami ngayon sa
isang shop ng mga damit na may magandang marka. Sabi nya kasi may magbi-birthday daw eh halos kasingkatawan ko lang
daw yung magbibirthday though mas matangkad sakin. Gusto nya daw na tulungan ko sya sa paghahanap ng ireregalo since
ito daw yung first time nya na magreregalo ng tunay since pag may mga birthday parties daw, inuutusan nya na lang daw
maids nya bumili ng regalo dahil wala syang pake sa ireregalo nya pero ito daw magbibirthday ay iba, gusto nya sya
personally ang bibili ng regalo. Siguro special sa kanya yung magbibirthday, nakakajelly naman... Pero oh well, crush ko lang
naman sya nothing really special kaya hindi naman ako nahuhurt. Jelly lang ng konti.
"Maganda siguro itong blue," tinapat nya sakin yung blue dress pero binaba nya rin pagkatapos at yung red naman ang
tinapat nya sakin, "Pero maganda rin 'tong red. Ugh."
"Itesting mo nga sa loob." binigay nya sakin yung dalwang damit at tinulak ako papasok ng dressing room kahit ayaw ko.
Nung matapos akong isukat yung blue, lumabas ako ng hiyang hiya, sleeveless kasi yung dress eh hindi ako sanay sa
sleeveless, t-shirt girl ako eh.
"Hmm, not bad." nakacross arms sya nun at tinitignan ako mula ulo't paa, nako-conscious tuloy ako, "Try mo naman yung
red."
Wala na akong nagawa kundi bumalik sa dressing room at nagpalit nung red, nung matapos ako, lumabas ulit ako habang
tinataas taas yung harap ng dress, tube kasi eh, "Wag 'to."
Nagtaka sya nung sinabi kong wag yun, "Bakit? I think this red one is better than the blue one."
"Eh kasi naman," hindi ako mapakali habang paulit ulit kong tinataas yung tube sa dibdib ko,"Hindi ba parang may mali sa tahi
dito?"
"Eh? Anong mali?"
"Eh para kasing anytime, malalaglag 'to eh. Mahuhubaran ang magsusuot nito anytime eh."
Tumawa lang sya, "No, it's ok. I'll pick that. Sige, magbihis ka na, I'll just wait sa counter."
Nagbihis na nga ako at inabot sa saleslady na nagiintay sakin sa may tabi ng dressing room yung mga damit na tinry ko,
bumulong ako sa sarili ko habang inaabot ko yung damit, "Ang manyak talaga nun."
"Excuse me, maam?"
"Ah wala," nagwave ako as hand gestures para sabihing nevermind, "Sa tingin mo sinong matinong bibili nyang damit na yan?
Edi ba parang mahuhubaran ka dyan anytime? Parang malalaglag sa dibdib mo eh."
Ngumiti yung saleslady, "It depends din po, ma'am. Di bale po kung malaki yung hinaharap, hindi po sya malalaglag."
Napahiya naman ako nun, nagets ko na siguro kung bakit bibilhin ni Chad yung Dress. May malaking future siguro yung
pagbibigyan nya. Hirap talaga pag flat. T^T
Pagkatapos dun sa damitan, nagdiretso naman kami sa shop ng mga sapatos.
"Ay anak ka ng petrang kabayo!" kamuntik na akong magtagasa sa sahig ng store ng mga sapatos na pinasukan namin dahil
pinatesting sakin ni Chad yung stiletto na napili nya na may mataas na heels. Kapaa ko rin daw kasi yung girl. Anubayan.
"Ok ka lang?" natatawa nyang sabi habang inaalalayan akong makaupo para matanggal na yung stiletto.
"May balak ka bang pilayin yung pagbibigyan mo? Ang taas ng takong nito oh!"
"Mababa pa nga yan eh."
"Ano? Mababa pa 'to? Eh ano pa yung mataas? Dangerous weapon na 'to eh!"
"Haha! Hindi ka kasi sanay."
"Pasensya naman, anak rubber shoes ako eh."
"Oh sige, itesting mo naman ito." lumuhod sya para ipatesting sa akin ang isa nanamang pair ng stiletto.
"Ayoko na, tama na! Maganda na yung isa, yun na lang bilhin mo!" ayoko na talagang magtesting pa ng matataas na uri ng
sapatos, feeling ko nasa line of danger ako pag suot ko yung mga yun.
Tumawa na lang sya at kinuha na rin yung stiletto na tinesting ko kanina, "Sige na nga, eto na nga lang."
Pagkabili nya nung sapatos, sinabi nyang may last stop na lang daw. Sa isang jewelry shop daw, yun na daw yung last na
bibilhin nyang panregalo. Wow lang ha, tatlo tatlo regalo nya? I can't believe it. Ang swerte naman nung girl.
"Sa tingin mo, anong magandang ring ang pedeng iregalo?" here he goes again asking me advices. Eh ano bang alam ko sa
jewelries? It's not like I'm interested with those.
Pero pansin ko sa kanya, habang tumitingin sya sa mga rings sobrang serious yung face nya na para bang pinagiisipan nya
talaga. Sino kaya yung may birthday? Girlfriend nya kaya? Mukha kasing sobrang special sa kanya, ang swerte naman nung
girl na yun. Ang pogi pogi ni Chad, mayaman pa tapos mukhang seryoso pa sa kanya. Haay, hindi ako nabobroken heart since
never naman akong umasa na mapapansin ako ni Chad saka crush lang naman ang meron ako sa kanya. Basta maging
masaya lang si Chad sa taong gusto nya, masaya na rin ako. It's not like hindi na ako pedeng magka-crush sa taong taken
diba? Crush lang naman noh.
Humiwalay muna ako sa kanya at naggala gala sa loob ng store para tumingin din sa ibang mga jewelries sa glasses.
Sobrang liwanag sa loob ng store at sobrang nakakasilaw din yung mga presyo nila. Pero napatigil ako dun sa isang singsing,
sobrang gandd kasi nya. Couple's ring sya or siguro wedding ring na rin since dalwa syang silver ring, yung design ay tig-
kalahating shape ng heart bawat ring so pag pinagtabi mo sila nagiging shape ng isang puso. Ang cute talaga pero ang cute
din ng presyo! (Go to this link to see the ring: http://www.facebook.com/diaryngpanget Check the photo album: "THE RING")
"It seems like I can't find anything good." nabigla naman ako ng biglang marinig ko na sa tabi ko si Chad.
"Tignan mo 'to," tinuro ko sa kanya yung nakita kong ring, "Mukhang maganda nuh?"
Tinignan nya yung tapos nagsmile sya, "Oo nga. This is perfect. I'm going to buy this."
Feeling ko nalaglag ang panga ko, "Ha? Are you kidding me? 2million?!!!"
Tumango lang sya habang nakangiting pinagmamasdan yung ring sa glass.
Hindi nga sya nagbibiro, binili nya nga yung ring. Grabe talaga, iba na talaga pag mayaman, parang barya lang yung milyon
sa kanya. Pagkatapos nun, nag-offer syang kumain sa isang restaurant, libre nya daw so ako naman na hindi marunong
tumanggi sa libre, go na lang!
"Thanks talaga sa pagsama mo ah tsaka sa pagtulong mo sakin sa paghahanap ng mga regalo. Sigurado akong
magugustuhan nya 'tong mga 'to."
"Ah wala yun pero ayoko ng maulit pa 'to, ayokong magsuot ulit nung mga dangerous weapons na mga uri ng sapatos!" Tumawa sya sa sinabi ko, "I don't get you, usually girls like high heels."
"Sorry, hindi ako babae eh." sumubo ako ng pagkain ko.
"Hindi naman, wala ka lang hilig. I can't blame you, I also can't stand looking with girls who wear such heels."
"Eh bakit mo binili para sa kanya yun kung ganun?"
"She likes heels, wala akong magagawa." ngumiti lang sya. Nilabas nya yung binili nyang ring, "Pede ko bang isukat?"
Nung matapos na akong magbanyo at naka-get over na ako ng konti sa kahihiyan, napagdesisyunan ko ng lumabas ng
banyo. Pero pag labas ko at nung pabalik na ako sa table, nakita kong pumasok si Cross sa restaurant kasama ng ilang lalaki,
kaibigan niya siguro . PATAY! Ayaw kong makita nya ako dito, sigurado akong uutusan nya ako or papagalitan or something
like those. Kasama ko si Chad ngayon, schoolmate ko sya, ayaw kong malaman nyang nagtatrabaho ako kay Cross. That's
more embarrassing than farting.
Nagdire-diretso ako sa table namin habang takip takip ng dalwang kamay ko ang side ng mukha ko para hindi nya ako makita
sakali mang lumingon sya sa direksyon ko.
Narinig ko pa ngang sinabi nya, "I think I know that gir---"
"Uy Cross nagugutom na ako kung anu ano pa sinasabi mo, let's eat na! Kuha na tayo ng table!"
Yes, saved ako! Thanks dun sa isa sa mga guy na kasama nya. Pero kelangan ko ng makaalis dito sa resto na 'to bago nya
pa akong mahuli ng tuluyan.
"What happened to you, para kang nakakita ng halimaw." sabi nya pagkabalik ko sa table.
"I have to go." hindi nga sya nagkakamali, nakakita nga ako ng halimaw.
Nabigla naman si Chad, "No! Don't go! I don't really mind your farting, you don't need to be embarrassed and go."
Argh. I do hope he stops reminding me the farting part.
"No, it's not that. Ang akin lang kasi, ansakit talaga ng tyan ko and I think kelangan tapusin ko 'to sa bahay." wala na akong
maisip na palusot kundi yung tyan ko since nasimulan ko na 'tong farting thingy, paninindigan ko na.
"Oh ganun ba, hatid na kita?"
"Wag na, sige I'll be going na." tumayo na ako at maglalakad na sana palabas kaso bigla nya akong hinawakan sa kamay at
pinigilan.
"Wait," lumingon ako sa kanya, "Punta ka next Saturday ah? You see, I'll be proposing to her. Kelangan ko ng support from a
friend."
Nabigla ako pero hindi masyadong naka-react since nagmamadali nga akong makaalis kaya naman ang naisagot ko na lang
ay, "Pag-iisipan ko."
-----
Sa bahay ng master kong halimaw...
"Anong kelangan mo?" pinapunta nya kasi ako sa kwarto nya after dinner. Mayroon kasing telepono sa may kwarto ko para
pag kelangan nya ako, tatawag lang sya dun at tinawagan nya nga ako.
"For a maid, you sure are rude. It's not because you're under my father's power, you won't be fired anymore. I can always
report your ill manners."
Nagmake faces lang ako at sinabi ng sarcastic, "Sorry, young master."
"Ito." may hinagis syang envelope na violet, sinimot ko pa ito sa sahig since hindi ko naman nasambot nung hinigas nya. Ang
nice nya din nuh? Pede namang iabot, hinahagis pa! Argh.
"Ano 'to?"
"Envelope."
Alangan? Alam kong envelope yun, "Ah, akala ko kasi lapis."
"Basahin mo yan mamaya pag labas mo," may hinagis naman syang isang libro and this time halos tumama sa tyan ko pero
buti nasambot ko.
"Aray! Ano naman 'to?"
"Libro."
Argh. Obvious diba? "Ah, akala ko kasi aso."
Nakaka-sarcastic 'tong taong 'to eh.
"Gone For A While, huh?" binasa ko yung title nung libro, "Anong gagawin ko dito?"
"Ewan ko sayo. Hindi naman akin yan, nakita ko dun sa plastic ng mga pinabili ko sayo. Pag may pinabili ako sayo, ayokong
may iba kang binibili na wala sa listahan!"
"Eh kung sipain kaya kita dyan?! Wala ka pa ngang binibigay na pambayad eh!"
"Ilalagay ko na sa bank account mo bukas kaya manahimik ka na! Umalis ka nga dito sa kwarto ko!"
"Antipatiko!" pabulong bulong ko sa sarili ko habang naglalakad na palabas ng kwarto nya.
Palabas na ako nun ng nagsalita ulit sya, "I see, mayroon pa palang nagdedate sa mga panget na katulad mo noh?"
Napalingon ako sa kanya ng hindi oras, naka-sarcastic na smile sya, "Ha?!"
"Kaya rin palang lumandi ng mga panget na babae at makipagdate sa mga restaurants. Akala ko mga magaganda & sexyng
babae lang ang malalandi, akalain mo yun kahit pala panget. Malalandi talaga kayong mga babae."
It means nakita nya talaga ako kanina?
"Anong sabi mo?! Malandi? Ganun tingin mo sa mga babaeng nakikipagdate? Eh ano naman kaya yun? Wala kang
karapatang husgahan ang mga tao."
"Sus, don't speak like some campaigning politician. Oo nga pala, anliit ng boobs mo. Nakakadisappoint, panget ka nga maliit
pa."
Napahawak ako sa dibdib ko, he was pertaining sa pangyayari kanina sa school nung nakita nya ako at hindi man lang
tinulungan. This time namumula na ako sa galit at inis, "Tao ka ba?! Hindi kasi halata!"
Lumabas na ako at nilagapak ang pinto. Nagdire-diretso na ako sa kwarto ko ng inis na inis. Napakawalangya at napaka-
insensitive nya talaga! Hindi sya tao! Hindi!
Pero habang nagwawala ako, napansin ko yung envelope na binigay nya na hawak hawak ko pa rin though gusot gusot na
sya kasi naipit ko na sya sa inis ko, "Ano ba 'to?"
Binuksan ko ito at binasa yung nakalagay.
Please be my guest at my 18th birthday this July 14 8pm at Palace Herm
I'll be waiting.
- Lorraine Keet
Simple lang yung invitation pero halatang sosy yung paper sa texture pa lang nito at sa amoy nito. Pero teka... diba may sinabi
rin si Chad na may mag-e-18th birthday sa Sabado, 8pm at sa Palace Herm? Ha? Ano 'to? Tsaka bakit ako binigyan ng
invitation ni Cross? Lorraine Keet ba yung sinasabi ni Chad?
---- Dear diary,
Una, umutot ako. Pangalawa, hindi tao si Cross. Pangatlo, mag-po-propose si Chad? Wait. Ang gulo eh. Pupunta ba ako?
- Eya ----
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry ---- nine
"Masarap ba?" pinapanuod nya ako habang nginunguya ko yung lunch na prinepare nya.
"Hmmm," pumikit ako para malasahang maigi yung niluto nyang crépes, "Hindi. Hindi sya masarap, sobrang sarap nya!
Grabe! Parang heaven ang lasa!"
Hinampas nya ako ng mahina at pabiro sa balikat, "Now, we're exaggerating."
"Pero totoo ah! Super sarap nito, ngayon lang ako nakatikim ng ganto kasarap na pagkain sa buong buhay ko. I swear!"
"I'm really glad you liked it. If you want, I'll bring you one everyday."
"Nakuu! Nakakahiya naman!"
"C'mon, it's nothing. I really like cooking and I'm willing to cook it for you everyday since I like you very much." nung sinabi nya
yun nagblush ako, "I think you're the only girl here in this school that is true to herself and because of that, I'd really want you
to be my friend."
Napakamot ako ng ulo ko sa hiya, "Sakin okay lang, actually wala naman akong friend dito eh so okay lang sakin maging
friend mo since I think mabait ka naman eh."
"If that's so, pede bestfriend na tayo?"
"Ha?" nabigla ako saglit pero tumango ako at ngumiti, "Sure!"
"Yay!" sa tuwa nya nayakap nya ako, "Teka... Ano nga pala pangalan mo?"
"Eya. Ikaw?"
"Call me Lory."
"Lory?"
"Yup," nagthumbs up sya, "Lory, shortcut for Lorraine."
Lorraine... wait, sounds familiar. Saan ko nga ba narinig? Memory gap. -__-"
"Ah Eya, may plano ka na ba next Saturday?"
"Umm, wala naman." meron pero yung debut ng someone lang naman na hindi ko naman kilala, yung binigay sakin na
invitation kagabi ni Cross. Ewan ko nga bakit ako binigyan eh pero it clearly means na pinapapunta nya ako dun pero like
hello? Do I look like the type of person who likes such events? Sasabihin ko na lang sa kanya na halimbawa nagkasakit ako or
something, basta hindi ako pupunta dun. Pero tanda ko, iniinvite din ako ni Chad sa isang birthday-an. Ewan ko kung iisa lang
yung may birthday na tinutukoy ni Chad at Cross pero kung anuman, wala akong balak pumunta.
"That's good, you see birthday ko kasi next saturday."
"Talaga? Andami atang may birthday next saturday."
"Really? Mga kakilala mo ba? May parties din ba sila sa araw na yun? If ever, wag kang um-attend sa kanila, sa birthday ko
ikaw um-attend ha? Pleaaase. I want my bestfriend to be in my 18th birthday."
"Eh debut din? Well, sige don't worry pupunta ako sa birthday mo pero anong klase bang birthday-an yan? Ayun ba yung mga
sosy type na kelangan magsuot ng sosy dress? Tsaka saan ba yan? Naku, baka hindi ako bagay dun sa place ah."
"Uh yeah, it's something like that. With dresses, champagnes and high class people but don't worry, I'll take care of you. I just
don't want to feel alone on my own birthday."
"Eh? Bakit? Hindi ka ba magiinvite ng friends?"
"I did, no wait, may parents did. They invited their chosen friends for me. You see, I don't really have real friends. Ikaw lang
siguro kaya please, come at my 18th birthday?"
"Well okay, saan ba yan?"
"Sa Herm Palace, near my house."
"Herm Palace? hmm.." parang narinig ko na rin sya kaya naman pinagiisipan kong mabuti kung saan, "Wait, 8pm ba ang
party?"
"Yeah, paano mo nalaman?"
Gets ko na din. Naalala ko na din. Pero... kung iisa lang yung tinutukoy sa invitation na binigay ni Cross at sa sinasabi ni
Chad... it means...
"Lorraine Keet ba whole name mo?"
"Yeah?" nagtataka sya sakin.
"Wait, diba sabi mo kababata mo si Cross?" oo nga pala nuh, ngayon ko lang naalala, kaya siguro may invitation si Cross ng
birthday nya ay siguro nga kasi kababata nya 'to.
Tumango lang si Lorraine sa tanong ko pero nagtataka pa rin sya sakin kung bakit ako nagtatanong ng mga bagay bagay sa
kanya.
"In any case, may kilala ka bang Chad Jimenez?"
Pagkasabi ko nun, namutla sya.
"Ah, wala." hindi sya mapakali, hindi ko maintindihan kung bakit, "Bakit mo natanong?"
Umiling ako, "Wala naman. Akala ko kasi kakilala mo sya," ibig sabihin iba yung sinasabi ni Chad na pagpo-propose-an nya.
Akala ko iisa lang yung tinutukoy ni Cross at ni Chad.
----
"Bakit ba lagi syang iniintay ni Prince Cross?!" "Pero diba remember last time, inignore lang sya?" "Ano ba talagang meron, hindi ko magets." "This is so annoying."
Nagkukumpulan nanaman yung mga classmate kong girls sa may pinto ng room namin pagkatapos ng klase, minsan
tumitingin sila sakin at parang may sinasabi silang masasamang bagay pero wala na akong pakelam, hindi ko sila
pinapakinggan. Sabihin na nila kung anong gusto nilang sabihin, hindi naman ako mamamatay sa mga salita nila eh.
Katulad ng dati, sa kabilang pinto na lang ako lumalabas pero paglabas ko may tumawag sakin.
"Hey you!" lumingon ako at nakita ko si Cross na papalapit sakin. "Anong ginagawa--- hey!" hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko kasi hinawakan nya ako sa braso at hinigit paalis.
"Oy ano ba! Bitawan mo nga ako!" hindi ko kasi alam kung saan nya ako dinadala eh. "Ngayon inuutusan mo akong bitawan ka? Ano ka master ko? Baligtad ata."
Hindi na ako nakaimik. Nagpakaladkad na lang ako sa kanya ng tahimik.
"Oh," bigla nya akong binitawan nung makarating kami sa may student council room.
"Aray ko naman!" halos mapasubsob kasi ako sa sahig nung binitawan nya yung braso ko, buti na lang hindi ako nawalan ng
balance. Napaka-harsh nya talaga.
"Nakakainis ka ha, masyado ka ng pa-VIP. Kelangan pa kitang puntahan sa classroom mo para lang utusan ka. Ano bang
number mo para tatawagan na lang kita pag kelangan kita?"
"Number?"
"Oo, cellphone number. Alangan namang lagi kitang pupuntahan sa classroom mo para lang utusan ka. Hindi ata tama yun?
Vip ka na masyado."
"Wala akong cellphone eh."
"Pulubi ka ba?!"
Nakakainis talaga sya. Ang sakit nyang magsalita ah. Sya ng mayaman! Sya na!
"Oo eh! Pasensya na ha!" sarcastic na sabi ko, "Eh ano ba ipapagawa mo MASTER?!"
"Dalhin mo lahat ng mga yan papunta dun sa kotse sa parking lot, may appointment pa ako sa bench."
Tinuro nya sakin yung mga gamit na ipapadala nya, "Lahat ng yan?! Seryoso ka ba?!"
2 bag na malaki at 3 plastic bag na maraming laman lang naman ang ipapadala nya sakin. Sa tingin nyo, mabubuhat ng isang
44kg na tao ang ganun kadaming gamit?!! Not to mention na pagod na ako sa daming pinaggawa samin ngayon sa klase.
"Kelan ba ako nagjoke?!" tapos tumalikod na sya nun, "Bilisan mo, sumunod ka sakin."
Kinuha ko na yung mga gamit nya. Yung dalwang bag nakasakbit sa magkabilang balikat ko, tapos binuhat ko na yung tatlong
plastics. Nagsimula na akong maglakad habang sinusundan sya, halos lumuhod na ako sa sahig sa sobrang bigat ng mga
dala ko.
"W-wait lang! Dahan dahan ka lang naman sa paglalakad!" ang bilis nya kasing maglakad eh hindi ko mahabol, ang dami ko
kayang dala nuh!
"Ambagal mo, bilisan mo nga!" sinabi nya yun ng hindi lumilingon.
Sinimangutan at binehlatan ko lang sya. Walangya! Anong tingin nya sakin, si Hulk?! Argh!
After 1232132412434678987654323456789876543213456789 years, nakarating din kami sa parking lot. Someone please call
911, mamamatay na ata ako sa pagod.
"Anong itsura yan?!" pagtatanong nya paglingon nya sakin at nakitang, nakalupagi na ako sa sahig at yung kamay ko
nakapatong na sa isang bag at nakabaon na yung mukha ko sa may braso ko. Hingal na hingal na ako. "Tumayo ka nga dyan,
mukha kang tanga. Marami pa tayong gagawin."
Tinaas ko ang ulo ko, may mga nakaharang ng buhok sa mukha ko at may ilang buhok na nakadikit na rin sa mukha since
pawis na pawis na ako, "Tao ka ba?!"
"Oo. Ano ba, tumayo ka na nga dyan at ilagay mo na yang mga gamit sa likod ng kotse!"
Pagod na tumayo ako at yumuko para abutin ulit yung mga gamit, "Tao ka pala, hindi halata."
"May sinasabi ka?!"
Nginitian ko lang sya ng sarcastic, "Wala."
Nilagay ko na yung mga gamit sa baul ng kotse tapos sumakay na ako sa loob since sabi nya, sumakay na din daw ako kasi
nga daw kasama ako sa shooting nya sa bench.
Habang nasa kotse, kinuha nya lang yung laptop nya at binuksan nya. Nagsuot sya ng salamin na kinabigla ko.
"Nagsasalamin ka?" hindi nya ako pinansin, nakatingin lang sya sa screen ng laptop nya at busy sa pagkakalikot dun.
Inulit ko yung tanong ko, "Nagsasalamin ka?"
Hindi nya ulit ako pinansin. Baka hindi nya ako narinig? Kaya naman nilaksan ko ang boses ko, "NAGSASALAMIN KA?!"
This time, lumingon sya, inalis nya yung salamin nya at inis yung itsura nya, "ANO KA BA?! SIRANG PLAKA?! OBVIOUS
NAMAN NA NAGSASALAMIN AKO AH?! HINDI BA SALAMIN TAWAG DITO?! WAG KA NGANG MAINGAY, MANAHIMIK KA
NA LANG DYAN!"
Pagkasabi nya nun, sinuot nya na ulit yung salamin nya at binalik yung tingin nya sa laptop nya. Ako naman, nagmake faces
lang at piniling tumahimik na nga lang. Menopause sya eh mabuti ng wag ng guluhin.
Wala akong magawa kaya pasimple akong sumisilip sa ginagawa nya sa laptop.
Nasa skype sya, nakikipagchat ata. Ewan ko kung kanino, Memo Clarkson ang pangalan na nakalagay eh.
Memo: Pupunta ka ba sa birthday nya? Cross: Ewan ko. Ayaw kong sirain birthday nya. Memo: Sa tingin mo hindi masisira birthday nya pag hindi ka pumunta? Eh isa ka sa mga inaasahan nyang dadating eh. Pag
hindi ka pumunta, masisira lang din ang birthday nya, malulungkot yun. Cross: Hindi naman kasi nya maintindihan eh.
"Birthday? Nino? Ni Lorraine ba?" sa sobrang pagkausisa ko, napatanong tuloy ako. Nakalimutan kong i-zip yung mouth ko
kaya naman bigla nyang sinarhan yung laptop nya at galit na tumingin sakin.
"Who told you to peek?! Don't you know how to mind your own business?!"
Sobrang galit na galit yung itsura nya kaya naman napaatras ako at napasandal na talaga sa may dulo ng kotse, sa may
bintana, "S-sorry."
"Kung ayaw mong mapasama, alamin mo kung ano ka lang. You should know how to mind your own business." hindi nya na
ulit binuksan yung laptop nya at tumingin na lang sa bintana habang nakahalumbaba.
I kept silent habang nakatungo at pinaglalaruan ang kamay ko. I was threatened. Siguro this time, hindi ko na rin sya masisisi
kung bakit sya nagalit, kasalanan ko naman eh... Hindi nga naman dapat ako tumitingin sa chat ng iba.
Pero nakaka-curious talaga eh, si Lorraine pinaguusapan nila diba? Hindi ko lang masyadong nagets usapan nila. Hindi na kami nagimikan after nun hanggang sa makarating na kami dun sa isang building, dun ata sa company ng bench.
Pinadala nya ulit sa akin yung mga gamit hanggang 5th floor, buti na lang may elevator kundi sasapakin ko talaga 'tong Cross
na 'to.
"Cross, late ka nanaman!" pambungad samin nung isang lalaki dun pagkapasok namin.
"So?" masungit na sagot ni Cross habang dire diretsong pumapasok na sa room.
Nakatingin lang lahat sa kanya, tahimik lang. Iba talaga nagagawa ng masungit nyang presence.
"What?! Akala ko ba late na ako, eh anong tinutunga tunganga nyo dyan?"
"A-ah! Yeah!" nagkagulo na ulit ang mga tao, tapos may lumapit ng mga tao sa kanya, para make up-an sya at binibigyan ng
damit na isusuot.
Ako naman nakatayo dun sa isang sulok, walang napansin, hindi ko tuloy alam gagawin ko kaya naman tinawag ko
sya,"Cross--- este, master! Saan ko lalagay 'tong mga 'to?"
"Sa tingin mo?!" yun lang yung sinabi nya tapos hindi nya na ulit ako pinansin.
Sa tingin ko?! Eh kung sa tingin ko sa basurahan dapat ilagay 'tong mga 'to?! Argh. Antipatiko talaga.
In the end, sa isang sulok ko na lang nilagay yung mga gamit nya at dun na lang din ako nagstay habang pinapanuod sila sa
mga ginagawa nila. Wala naman napansin sakin eh kaya mabuti pang dun na ako sa sulok para hindi ako magmukhang
tanga. Nung matapos syang ayusan at nung nakapagbihis na sya, jumoin na sya sa partner nyang model.
Isang poloshirt at isang pair of jeans ang minomodel nya habang yung girl eh isang skirt at t-shirt. Pinapanuod ko lang sila
pero sa totoo lang, iaadmit ko, ang hot tignan ni Cross kasi naka-unbutton yung first three buttons ng shirt nya. Ang angas ng
dating nya, ang cool nya. Model material talaga.
Ang sarap nyang tignan, nakakahumaling kasi yung itsura nya habang nagmomodel. Kahit nakakainis yung attitude nya, kung
titignan mo lang naman itsura nya ay okay naman talaga. Napakagwapo nya, sobrang kisig. Iba yung dating nya eh, para
bang... umm. pano ko ba ieexplain? Basta, iba yung pagkagwapo nya, na para bang once na tignan mo ang hirap ng alisin ng
mga mata mo. Ang gwapo nya lang talaga, basta wag lang sya magsasalita kasi pag once na nagsalita sya, nakakawala na ng
mood. Menopause baby ata kasi eh kaya sobrang sungit.
♪♪ Easy come, easy go That's just how you live, oh Take, take, take it all, But you never give Should of known you was trouble from the first kiss, Why were they open? ♪♪
Nabigla na lang ang lahat ng may tumunog. Malapit sakin, nanggagaling sa loob ng bag. Kaya naman lahat sila tumingin
sakin, ako naman naka- "i-dont-know" face.
"CAN YOU TURN THAT OFF?! HINDI MO BA ALAM NA BAWAL ANG CELLPHONE SA SHOOTING?!" nabigla ako ng
sinigawan ako nung photographer. Sobrang lakas ng sigaw nya na feeling ko naalingawngaw sa buong room yung boses nya.
Sobrang tahimik lang, lahat nakatingin sakin.
♪♪ Gave you all I had
And you tossed it in the trash You tossed it in the trash, you did To give me all your love is all I ever asked, Cause what you don't understand is I’d catch a grenade for ya (yeah, yeah, yeah) Throw my hand on a blade for ya (yeah, yeah, yeah) I’d jump in front of a train for ya (yeah, yeah , yeah) You know I'd do anything for ya (yeah, yeah, yeah) Oh, oh ♪♪
Rinig na rinig pa rin ang pagtugtog mula sa bag.
"ANO TUTUNGANGA KA LANG DYAN?! HINDI MO BA PAPATAYIN YAN?!"
"A-ah! O-opo!" lumuhod agad ako para buksan yung bag at hanapin yung cellphone, nung nakita ko yun, tinignan ko lang.
Never pa ako nakahawak ng cellphone kaya hindi ko alam kung papaano papatayin yun.
♪♪ I would go through all this pain, Take a bullet straight through my brain, Yes, I would die for ya baby; But you won't do the same ♪♪
"ANO TITIGAN MO LANG YAN?! PATAYIN MO NA!"
Nasa kamay ko lang yung cellphone, hindi ko talaga alam gagawin ko, hindi ko alam kung paano patayin yun, "Eh... a-ano
kasi... ano..."
♪♪ No, no, no, no Black, black, black and blue beat me till I'm numb Tell the devil I said “hey” when you get back to where you're from Mad woman, bad woman, That's just what you are, yeah, You’ll smile in my face then rip the breaks out my car Gave you all I had And you tossed it in the trash ♪♪
"ANO?! PAPATAYIN MO O KAKALADKARIN KITA PALABAS?!" nagbubulungan na yung mga tao dun habang nakatingin
sakin. Sobrang nahihiya na talaga ako. Never pa akong nasigawan ng ganto sa maraming tao, mukha talaga akong tanga.
Hindi ko alam gagawin ko...
♪♪ You tossed it in the trash, yes you did To give me all your love is all I ever asked Cause what you don't understand is
I’d catch a grenade for ya (yeah, yeah, yeah) Throw my hand on a blade for ya (yeah, yeah, yeah) I’d jump in front of a train for ya (yeah, yeah , yeah) You know I'd do anything for ya (yeah, yeah, yeah) Oh, oh I would go through all this pain, Take a bullet straight through my brain, Yes, I would die for ya baby; But you won't do the same ♪♪
"ARE YOU SOME KIND OF DEAF?!" lumalapit na sakin yung photographer para siguro kaladkarin na ako palabas, paano ba
kasi patayin 'tong lintik na cellphone na 'to?! Malay ko ba naman kasi sa ganto, malay ko ba sa mga cellphones! Tsaka hindi
naman akin 'to eh!
"IF YOU WON'T TURN THAT OFF, YOU BETTER GET OUT!" hinawakan nya na ako sa wrist ko ng mahigpit at hihilahin na
sana ako palabas kaso biglang may pumigil sa kanya, tinanggal ni Cross ang pagkakahawak nung photographer sa wrist ko at
kinuha nya yung cellphone at hinagis sa floor. Tumigil yung sound pero nagkahiwa-hiwalay yung parts nung cellphone.
Maririnig mong nabigla yung mga tao sa ginawa nya pero tumahimik din agad sila.
"Contented? Now, let's finish this. I have lots of things to do after this." napanganga lang yung photographer sa kanya pero
nacompose nya agad sarili nya at sumigaw sa crew na ready na daw ulit.
Inignore na lang ulit nila ako, pero mabuti na yun kesa ako yung center of attention at pinapahiya. Grabe talaga, maiiyak na
sana ako kanina sa sobrang kahihiyan. Feeling ko ayaw ko na ngang bumalik sa lugar na 'to, isipin nyo na lang, kitang kita ng
mga tao dito kung papaano ako sinagawan ng photographer kanina at kung papaano ako naging isang malaking tanga sa
harap nila.
Yumuko na lang ako at pinulot yung mga parts ng cellphone, sinubukan kong ayusin yung mga yun. Medyo nahirapan ako
since hindi ko naman alam kung paano pagkakabit kabitin yun pero sa huli, naayos ko din naman kahit papaano. Ewan ko
lang kung gumagana since hindi ko alam kung papaano i-o-on yun. Napaka-ignorante ko talaga sa technologies. Haay, hirap
talagang maging mahirap.
Nung matapos na yung shooting, bumalik na ulit kami sa kotse ng walang imikan. Mukhang pagod na nga sya eh, 4hrs din
kasi mahigit inabot yung picture-an na yun dahil may mga inayos pa sila sa computer na hindi ko nagets kung ano. Nakaalis
na kami mga 7pm kaya naman pagkaupong pagkaupo nya sa van eh nakapikit na sya.
Tinignan ko syang matulog, halatang halata sa itsura nya na pagod sya. Yung ginawa nya kanina, ewan ko kung para iligtas
ako sa kahihiyan kanina or talagang naaasar lang sya sa kadramahan nung photographer nila. Ewan, hindi ko sya magets at
hindi ko siguro sya magegets kahit kelan.
"Thank you," sinabi ko na lang sa kanya habang natutulog sya, whether he actually wanted to help me or not, nagpapasalamat
na rin ako kasi niligtas nya ako sa kahihiyan.
"For what?"
"H-ha?! Gising ka pala!" akala ko tulog sya, nakapikit lang pala sya!
"Anong thank you? Anong pinagsasabi mo?!" nagsasalita sya pero hindi nya minumulat yung mga mata nya, pagod nga siguro
talaga sya.
"A-ah... yung kanina, yung pagliligtas mo sakin dun sa kahihiyan."
"Niligtas? Hah!" ngumiti pa sya ng sarcastic, "In your face. Feeling ka? I just did that 'coz you guys were so annoying pulling
out such dramas."
Sabi ko nga eh, he's not the type of guy who would play like some knight in shining armor. He only do things for his own sake,
what a self centered guy.
"Well, okay. Sorry nagthank you ako." sarcastic din akong sumagot sa kanya, "Sa totoo lang, ikaw naman may kasalanan nun.
Ikaw dapat sinigawan eh. Cellphone mo yun eh! Hindi mo ini-o-off yung phone mo."
"Kasalanan ko? Kasalanan nung tumawag. Wag ka ngang maingay, iniistorbo mo pamamahinga ko eh."
Self-centered talaga. Kasalanan pa daw nung tumawag? Tss. Nanahimik na lang din ako dahil wala rin naman syang sense
kausap.
Nung nakarating na kami sa bahay ng mga Sandford eh nagdire-diretso sya sa kwarto nya, sumunod din naman ako dahil
ilalagay ko yung mga gamit nya sa loob ng kwarto nya.
"Bahala ka na sa kung saan mo ilalagay yung mga gamit ko," nagdire-diretso sya sa kama nya, hinubad nya yung shirt nya
kaya nakita ko tuloy syang half naked, hinagis nya yung shirt nya sa sahig at humiga agad dun sa kama nya at nagkumot.
Nakapikit na nga agad sya eh. Pagod na pagod talaga.
Nagcontinue na lang ako sa pagaayos nung mga gamit nya. Nilagay ko dun sa isang tabi yung mga dala dala kong gamit nya
at umalis na ako.
----
"Peppy!"
"Ay asawa mong duling!" nabigla naman ako kasi habang naglalakad ako sa corridor may bigla na lang sumundot sa tagiliran
ko, napa-isod tuloy ako sa gilid.
"HAHAHA! May kiliti ka?" tinutukoy nya yung tagiliran ko, kung may kiliti daw ako dun since nabigla nga ako nung tinusok nya
ako dun ng daliri nya.
"Meron pero hindi ako nakiliti, nagitla ako sayo. Tama ba namang manggitla ka na lang bigla bigla? Para kang kabute eh,
biglang nasulpot."
"HAHAHA! Nakita kasi kitang naglalakad dito eh. Alam mo ba kung anong oras na?"
"Wala ka bang relo?" Tumingin ako sa wristwatch ko, "4.16 na."
"Ah, maaga pa pala."
"Bakit ka ba tanong ng tanong ng oras? Nung una kitang makita, tinanong mo din ako ng oras." I just really find it weird, ano
bang meron sa kanya at sa oras? Time conscious ba sya?
"Tama! First time tayong nagkausap nun, sabi mo pa nga oras na para mahalin kita! HAHAHA!"
Namula ako nun kasi naalala nya pa pala yun, "Sira ka ba! Hindi ah! Wala akong sinabing ganun!"
"Suuus! Deny ka pa, crush mo ako nuh?" nangaasar na sya nun.
"Hindi ah! Hindi kita crush!" obvious bang nagdedeny ako? Argh. Nakakahiya. Bakit ba kasi naalala nya pa yun?!
"Weh, sa gwapo kong 'to?" nilagay nya yung kamay nya sa ilalim ng baba nya na nakapogi sign.
"Oo, gwapo ka pero hindi kita crush. May iba akong crush!"echeng ko lang yun, wala naman akong ibang crush eh kundi sya
lang. Pero syempre ayaw kong malaman nya yun, nakakahiya kasi, hindi naman ako maganda para magconfess sa kanya.
Kaya yun na lang nasabi ko na may iba akong crush.
"Weh? Sino?"
Eh sino nga ba?
"Secret! O sige, uuwi na ako! Babye na ah!"
"Uuwi ka na kaagad? Maaga pa oh."
"Oo, uuwi na ako. Hindi na maaga sakin, gabi na. PM na eh hindi na AM."
"Naman oh. Pero wait, pupunta ka ba sa Saturday?"
Dun sa birthday ni Lory?
"Yeah."
"Great! Sige, kita ulit tayo bukas. I need your help."
"Eh? Help?" tanong ko pero nagwave goodbye na sya eh at tumakbo na palayo. Anong help kelangan nya mula sakin? Err...
--------- Dear diary,
Kelangan ko na ng bagong baterya sa relo ko. Nagstop na sa paggalaw yung kamay eh. Paano na lang pag tinanong ulit ako
ni Chad ng oras? Wala akong masasagot.
-Eya
ps. wag na wag magte-thank you kay Cookie Monster, wala siyang sense kausap ever! -------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Denny's note: wee! finally ayos na rin wattpad! seesh. 'coz of that error thingy, I actually lost interest sa pagupdate ng 11ways.
But I'll try, sabi nga nila-- "AJA!" :"3 Super thank you po sa lahat ng nagmemessage sakin sa facebook, super thank you po sa mga heart whelming messages
nyo. Actually, I don't see you guys as FC or whatsuverucallitguys kaya don't be shy na makipagcommunicate sakin
everywhere you find me. (eg. watty, fb, tumblr, e-mail,chat) I love you readers! :"3
ENTRY --- TEN
"Argh. Anak ng tagyawat yan oh." pagrereklamo ko sa harap ng salamin sa banyo sa kwarto ko sa bahay ng mga Sandford,
may kanya kanya kasing banyo ang bawat kwarto, "Hindi pa nawawala 'tong isa, meron nanaman? Haller? Nagsesex ba
kayong mga pimples at dumadami kayo ng ganyan? I mean, grabe lang kayo magreproduct ha!"
Para talaga akong tanga, kinakausap ko sarili ko at mga pimples ko. Hindi naman talaga ako dati worried kung may mga
pimples sa mukha pero kasi, napansin ko lang sya kanina nung naghihilamos ako ng mukha, natitigan ko ng matagal yung
mukha ko, alam ko panget na ako pero nung tinitigan ko itsura ko sa salamin ng matagal saka ko lang narealize na
napakapanget ko talaga. Nakakadiri yung mukha ko, I mean puro pimples. Sa age ko normal lang magkapimples pero bakit
ganun, yung mga tao sa school, bakit parang hindi sila nagkakapimples, ka-age ko lang din naman sila diba?!!!
"Tapos ano ba 'tong buhok na 'to," sinubukan kong ibrush yung buhok ko pero sobrang ganit kaya naman natanggal yung
dalwang ngipin nung suklay, "Palibhasa once a day lang ako magsuklay."
Walang biro, pag papasok lang ako nagsusuklay at pagkatapos nun, wala na mukha na akong bruha, gulo gulo na buhok ko,
minsan tinatali ko na nga lang para mas mukhang matino. Tamad kasi ako magsuklay, magugulo din lang naman diba? So
why bother. XD
"Ah. Hopeless, panget na kung panget." mabilis na inayos ko na lang ang sarili ko at uniform, lumabas na ako ng kwarto pero
paglabas ko napansin kong lumalabas din ng kwarto si cookie monster. Naka-uniform sya, buti na nga lang hindi super tamad
'tong monster na 'to hindi sya kagaya nung ibang mayayaman na may tagabihis pa, taga-suklay, taga-lagay ng sapatos. Buti
na lang may pagkukusa sya kasi kung ako pa gagawa ng mga bagay na yun para sa kanya, aba naman, ano sya baby?
Nagkatinginan lang kami pero wag nyo ng asahang nagngitian kami o nag-good morning sa isa't isa, malabo yun. Pero binati
naman nya ako kahit papaano, a morning greeting in Cross' way.
"ANO?! ANONG TINITINGIN TINGIN MO?!" masungit na sigaw nya.
"Masama na bang tumingin, ano ka ba display sa museum na para matignan kelangan magbayad ng entrace? Excuse me
ha."
"I'd really want to stab you with a knife." panggigigil nya.
"Edi gawin mo, mumultuhin kita pagkatapos at hindi ko patatahimikin ang buhay mo hanggang sa mabaliw ka. " I said half
angry, half sarcastic.
"Tss. Nakakaasar ka ha! Hoy, umakto ka ngang personal maid ko hindi yang para kang hindi nagtatrabaho, tandaan mo
binabayaran kita."
"Ng tatay mo kamo, hindi mo naman pera yun."
"Aba! Sumasagot ka pa! Eto!" bigla nyang hinagis sakin yung bag nya buti na lang naabot ko, "Dalhin mo yan sa classroom
ko."
Bigla na syang tumalikod, gusto ko sanang umangal pero utos yun eh kaya kelangan ko na lang sundin. Pero nakakaasar
lang, nakakotse naman sya papuntang school ah bakit hindi na lang sya ang magdala? Sakin nya pa pinadala 'tong mabigat
nyang bag eh naglalakad lang naman ako papuntang school! Asaaar!
Pagod na pagod na akong nakarating sa school, tagaktak na ang pawis ko umagang umaga pa lang. Ikaw ba naman
magbuhat ng dalwang bag hindi ka kaya mapagod? Buti na lang hindi pa time, may mga 5minutes pa naman bago magbell
kaya naman nagdiretso agad ako sa classroom ng halimaw na yun para ibigay ang bag nya.
"Excuse me, do you need something?" hinarangan ako ng dalwang mataray na babae pagkarating ko sa pinto ng classroom
nila. Tinitignan pa nila ako mula ulo hanggang paa, para bang minamata nila ako. Err, sige na, kayo ng maganda. Tss.
"Ah, may iaabot sana ako kay Cross."
*SLAP!*
Bigla akong sinampal nung isang babae sa pisngi, hindi ko alam kung bakit, "How dare you?! How dare you call Prince Cross
Sandford by name? Gosh. How uneducated!"
Ganun?! Sinampal nila ako kasi tinawag ko si Cross ng Cross lang? Eh ano ba si Cross, prinsipe ng Pilipinas para tawaging
Prince Cross? Okay lang sila, baliw ba sila? Psychos.
"Hoy kamatis, tantanan mo nga ako sa english mo. Saka sino kaya mas uneducated satin? Ikaw 'tong nanampal ng tao ng
basta basta at dahil lang sa mababa at hindi considerable na dahilan!"
"What did you just call Riri?! A what? A kamatis? OMG."nilagay nya pa yung likod ng palad nya sa tapat ng noo nya at
umaaktong hihimatayin, talagang may maarte accent pa sya dun sa "kamatis" part. Grabe, sasaksakin ko 'tong mga 'to sa
kaartehan eh.
"Eh ano?! Mukha naman kayong mga kamatis sa kapal ng blush on nyo!"
"Aba! Look who's talking, a dirt bag."
Pigilan nyo ako, hahambalusin ko 'tong mga 'to. Pigilan nyo ako.
"Tignan mo sina Riri at Femme, may ina-abuse nanaman ata dun sa may pinto. Sino ba yun mukhang hindi taga klase
natin." sa may loob ng classroom, narinig kong may nagsalitang isang lalaki, napatingin ako sa kanila, marami silang grupo
ng lalaki mga lima ata, yung dalwa nakaupo properly sa seats nila tapos yung tatlo nakaupo sa may table habang nakapalibot
sila in circle, parang naguusap usap ata sila. Pero nakuha ng attention ko yung guy na nakaupo sa table sa may left na
nakapamulsa at tinatanggal ang headset nya, tumingin sya sa direksyon ko at nagmeet yung eyes namin, emotionless lang
yung mata nya.
Tumayo ito at lumapit samin, bigla namang lumapit yung dalwang kamatis sa kanya at humawak sa braso nya.
"Prince Cross, help us! She's bullying us." "Oo nga! She even slapped me in the face eventhough I did nothing."
"HA?! Abnoy ba kayo? Ano mga sinasabi nyo? Sinampal ko kayo? E kayo nga 'tong nananampal. Ay grabe, ewan ko sa inyo.
Pero oh," bigla kong inabot yung bag ni Cross, "Bag mo!"
"What?" nabigla yung dalwang kamatis, dahil na rin siguro sa nakita nilang nasa akin yung bag ni Cross at inabot ko 'to sa
kanya. Naku, baka madiscover pa nila na nagtatrabaho ako sa kanya, lalo na akong ginulo ng dalwang kamatis na 'to. By the
looks of them, mukha silang obsessed fan nitong si Cross.
Para makaiwas sa trouble, tumalikod na agad ako para makaalis na saka malelate na rin ako pag hindi pa ako umalis. Malapit
ng magbell.
Pero maglalakad pa lang ako paalis ng biglang may humawak sa braso ko at hinila ako papasok ng classroom, si Cross yung
humila sakin, hinarap nya ako sa mga kaklase nya.
"Listen guys, I want you to remember this. This girl," hinila nya pa ako ng konti para makita ako ng mga tao sa classroom nya,
hindi ko alam kung anong gusto nyang gawin, nagtataka talaga ako sa biglang paghila nya, "...is my girlfriend."
Nag-HUWAAT? HUWOOOW! WOAH! REALLY? NO WAY! OMEEEGASH! ang mga tao dun, samu't sari yung mga
commotions na meron dun. Ako, hindi ko kaagad nagets yung sinabi nya. Para bang tumigil yung paglo-loading ng utak ko,
para bang biglang nagsyntax error yung utak ko.
Hindi nya binitawan ang hawak nya sa braso ko at imbes, hinila nya na ako palabas ng classroom ko, "O-oy! Ano yung sinabi
ko?! Sira ka ba? Abnoy ka ba? Ulol ka ba?!"
Nung nasa corridor na kami sa tapat ng ibang classroom, saka nya lang malakas na binitawan ang pagkakahawak sa braso
ko at lumapit sa tenga ko na ikinabigla ko, bumulong sya sa isang malalim at mainit na boses, "Asa."
Ha? "I only said that para bulabugin ka lalo ng fans ko. That's to make your life miserable in this school! MWAHAHAHA." >:D
Tumalikod na siya at bumalik sa classroom niya. WHAT DAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA?! Leshe ka Cross Sandford!
Itaga mo yan sa bato, halimaaaaw kaaaaa!!!
---- "Eyaaaaaaaaaa!" nabigla naman ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod ko, naglalakad kasi ako papunta
sa mga benches ng school nun.
Paglingon ko, nakita kong papalapit sakin si Lory.
"Lory, ikaw pala!"
Parang nagtatampo yung face nya tapos kagat kagat nya yung lower lips nya, nakacross arms pa sya, "Hindi mo sinabi sakin."
"Ang alin?"
"Na boyfriend mo si Cross!"
Kamuntik na akong malaglag sa kinatatayuan ko sa pagkabigla sa sinabi nya, paano nakarating kay Lory yun? Kanina lang
umaga yun ah at lunch time pa lang ngayon! Grabe! Asar, kanina pa nga angsama sama ng mga tingin ng mga tao sakin sa
school especially the girls! If looks could kill baka nasa kabaong na ako!
"Hindi ko boyfriend yun!"
"Wag kang mag-alala Eya, okay lang naman sakin eh. Hindi ako magagalit sayo pero syempre hindi ko madedeny na
nasasaktan ako kasi bestfriend ko pa ang girlfriend ng taong gusto ko pero wala na akong magagawa... I guess I'll just be
happy for you guys." bigla nya akong niyakap.
Inalis ko pagkakayakap nya at hinawakan sya sa balikat, "Wait Lory, hindi ko talaga sya boyfriend! Kung anuman yung narinig
mo, hindi totoo yun."
"Pero si Cross daw mismo nag-announce sa may classroom nya, kasama ka pa nga daw eh."
"Argh," naiinis na ako, "Ewan ko kung bakit nya sinabi yun pero isa lang nasa isip kong dahilan,"
"Ha?"
"You see, ginawa nya lang ata yun para kuyugin ako ng mga obsessed psycho fans nya. More like that, I think. Hindi ko talaga
sure ang motive nya pero I'm sure it's something bad or against me. Believe me, hindi ko talaga boyfriend yun, sa tingin mo
yung masungit na halimaw na yun papatol sa panget na tulad ko? Eh maarte pa yun sakin eh kaya paanong magiging
boyfriend ko yun!"
"Eh?" naguguluhan si Lory, kahit din naman ako naguguluhan,"Then if that's the case, what's with you guys? I mean, are you
friends or what?"
"Friends?" feeling ko masusuka ako sa thought na yun, "Asa pa naman. Sige, sasabihin ko na sayo ang totoo pero please
keep this a secret. Atin lang 'to ha."
Lumapit ako sa tenga nya, tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko at bumulong ako sa kanya, "I'm his personal maid."
"WHAT?!" tinakpan ko kaagad ang bibig nya nung sumigaw sya ng malakas.
"Ssh! Wag kang maingay." nakapagdecide na akong sabihin sa kanya para makuntento na sya na hindi totoong boyfriend ko
si Cross since ayokong may isipin syang against sakin kasi nga diba gusto nya si Cross? Kahit hindi ko magets kung anong
nagustuhan nya sa isang halimaw na yun. Tsaka I think there's no harm in telling Lory naman eh, I think I can trust her, afterall
she's my knight in shining skirt. :3
"You are his--- what?"
Inulit ko ulit sa mahinang boses, "personal maid." "Bakit?"
Kinuwento ko sa kanya yung details at nagets nya rin naman sa huli. Medyo naging mahaba haba rin yung kwento ko kasi
andami nyang tanong kaya naman nagdiretso na kami sa may benches at kumain na rin ng lunches na pinrepare nya habang
nagkwekwentuhan kami.
"It must be really great to be his personal maid," she said dreamily, "If I am to be his personal maid, I'll be the happiest person
in this world."
"I swear to you, you're out of your mind if you say such things. Mas prefer ko pang sumabak sa gyera kesa magtrabaho sa
Cross na yun."
"Is he that spoiled?"
"He's very very annoying. He's always hitting a nerve."
"Oh, but you're working with him. Why won't you quit then? Is the need really that bad? I can pay your rents if you
want."nakwento ko rin kasi sa kanya yung sa bagay na wala akong matitirhan kaya ako nagtatrabaho sa bahay ng mga
Sandford.
"Ay naku, wag na Lory, nakakahiya naman kung babayaran mo rent ko," kinaway kaway ko pa ang kamay ko as a sign of NO,
"Tsaka hindi lang rin kasi rent ang habol ko, I mean, diba nasabi ko sayo yung about sa six month thingy? Yung pag tumagal
ako sa pagseserve kay Cross ng 6months pinromise sakin ni Mr. Sandford na igagrant nya ako ng isang wish?"
"Uh huh, are you wishing for something?"
"Well yeah..." ginalaw galaw ko yung pagkain ko gamit ang tinidor, "I want to be an astronaut, if I'll last 6months I'll ask Mr.
Sandford to help me with this dream. I mean, a poor girl like me can never reach that dream without a help from someone
who's high in society."
"You've got a big dream right there." ngumiti sya sakin.
"Yun nga eh, sana matupad."
Tumahimik na kami parehas nun pagkatapos. Pero maya-maya, umimik si Lory, "Excited na ako sa birthday ko this Saturday,
sa tingin mo pupunta si Cross?"
Thursday na nga pala ngayon, malapit na pala birthday nya. Wala pa akong panregalo, hindi pa dumadating sweldo ko.
Anuuubayan. T^T
"Pag hindi dumating si Cross, iiyak ako." seryoso at malungkot nyang sinabi.
Bigla ko tuloy naalala yung part kung saan nasa kotse kami tapos may kachat syang someone named Memo Clarkson.
Memo: Pupunta ka ba sa birthday nya?
Cross: Ewan ko. Ayaw kong sirain birthday nya.
Memo: Sa tingin mo hindi masisira birthday nya pag hindi ka pumunta? Eh isa ka sa mga inaasahan nyang dadating eh. Pag
hindi ka pumunta, masisira lang din ang birthday nya, malulungkot yun.
Cross: Hindi naman kasi nya maintindihan eh.
Hindi ko magets masyado yung usapan eh pero I'm pretty sure, they were talking about Lory's birthday at nagdadalwang isip
si Cross kung pupunta sya o hindi. Bakit naman kaya?
"Don't worry, I assure you pupunta yun. Magkababata naman kayo diba? A childhood friend should not miss an important date
like your debut." ini-encourage ko sya sa kabila ng mga nabasa ko sa chat na yun.
---
Ang weird ng araw ko kahapon, bukod sa paguwi ko sa bahay ng mga Sandford ay wala si Cross na dapat ay susuntukin ko
sa mga pinagsasabi nya kahapon ng umaga sa classroom nya eh wala rin si Chad, feeling ko nga naghahallucinate ako
kahapon eh. Feeling ko may naririnig akong may tumatawag ng "Peppy, peppy, peppy~~♪♪" sa hallway kahit wala naman,
nasanay na ata yung tenga ko na sa tuwing uwian sa may hallway eh may lalapit sakin at tatawagin akong Peppy. Kaya nga
super weird eh, wala kasi sya kahapon. Hindi ko sya nakita. Tae, nasasanay ako sa presence nya at sa mga habits nya.
"Accdg to my research, may lahing manananggal daw ang family nya." narinig kong bulong ng isa sa mga classmates ko
pagpasok ko ng classroom, kahit hindi naman sila magbanggit ng name halata namang ako pinaguusapan nila kasi
sinusundan nila ako ng tingin hanggang sa pagupo ko sa upuan ko.
"Ooh. Really? Grabe nakakatakot."
"Kaya nga eh, tapos alam nyo ba, naresearch ko rin na ang great grandmother nya ay isa sa mga pinakapowerful na
mangkukulam. Legendary nga eh."talaga lang ha? Saan naman nila naresearch yan? Sa google? Psh. Mga abnormal
talaga.
"Well, halata naman sa face nya ang pagkakaroon ng lahing paranormal."
"ssh! Ano ka ba wag kang maingay baka marinig ka nyan, kulamin ka pa." wag maingay? Eh rinig na rinig kaya. Kulamin
ko talaga kayo eh, lagyan ko ng kabayo bibig nyo eh. Tsk.
"Grabe, ano kayang magic formula ginamit nya para sabihin ni Prince Cross na girlfriend nya yang mangkukulam na
yan?" walangyang Cross yan, dahil sa pinagsasabi nya ayan tuloy nagiging mangkukulam ako ng hindi oras sa buong
campus. Asan kaya yun kagabi?! Hindi ko tuloy nagulpi. Tsk.
Sinubsob ko na lang ulo ko sa table ko dahil naiirita na ako sa mga pinagsasabi nilang sobrang absurd. Magic formula?
Witches? Monsters? Ano sila, elementary?
"What? What is he doing here?" "Don't tell me he's also after her?" "Nah uh!"
Ewan ko kung anong commotion ang biglang sumulpot basta ako nakasubsob pa rin ang ulo ko sa table ko at wala ng
pakelam sa nangyayari sa classroom.
"Goodmorning sleepyhead!" biglang may humila sa kamay ko kaya naman napaangat ako at pagtingin ko nakita ko ang
nakangiting mukha ni Chad.
"C-chad! Anong ginagawa mo dito?"
"Kyaaa! She just called him sa first name!" "What is with that girl?!" "Just how many princes here in this school would she want to put under her control?!"
Ano ba yan, ganun na ba kabigdeal sa kanila kung magtawag ako ng isang tao by first name?! Seesh. Edi tawagin din nila si
Chad at Cross sa first name, hindi naman kasi kelangan talagang lagyan ng "Prince" eh, like hellooo.... democratic country
tayo at hindi tayo nasa monarchy kaya hindi nageexist ang prince at princess okay?!!
"Let's go, Peppy!"
"H-ha? Teka lang Chad!" napatayo ako sa upuan ko kasi bigla nya akong hinila, tawag ako ng tawag sa kanya at tinatanong
kung saan ako dadalhin, nagdidiretso lang kasi sya sakin sa paghila hanggang palabas ng classroom at pati na rin sa
corridors.
"Wait lang Chad! Saan ba tayo pupunta?" lumingon sya sakin at ngumiti pero tuloy tuloy pa rin sya sa paghila sakin.
"Basta, I need your help diba?"
"Ha? Anong basta? Anong help? Magtitime na!" speaking of, nagbell na bigla, "Ayan nagbell na! Ano ba, balik na tayo sa mga
classrooms natin malelate tayo!"
"Edi magcutting na tayo!"
"Ha? Abnoy ka ba? Cutting? Hoy, hindi ako marunong nun!"
"Edi tuturuan kita!" tawa pa sya ng tawa nun pagkasabi nya. Uwaaa. Ano bang plano ni Chad?
---- "Sakay ka na," nakarating kami sa parking lot ng school at pinagbuksan nya ako ng pinto.
Hindi ako sumakay at tinignan lang sya, "Eh?"
"Dali na," tinulak nya ako papasok pero yung tulak na marahan lang.
Napasakay na lang din ako at umipod ako sa gilid kasi sumakay na rin sya at sinarhan ang pinto tapos kinausap nya yung
driver sa unahan, "Dun tayo sa UnderConstruction."
Biglang umandar na yung kotse, tinanong ko naman sya,"Underconstruction?"
"Remember the club kung saan binalak mo akong spray-an ng pepperyspray?"
Namula ako dun, "Can you explain a place without having to tell any weird stories."
Tumawa lang sya, "Haha! But it's really funny to remember that story, lagi ka ba talagang may pepperspray?"
Tumango lang ako, "I learned it from Twilight."
Mas lalong lumakas yung tawa nya ngayon, nakahawak pa nga sya sa tyan nya, bakit ba ang hilig nitong pagtawanan ako?! "I never thought you're a fan of such weird vampire romance."
"Hey, Twilight's not weird!"
"Oh really?" bigla nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko na syang kinabigla ko, "You shouldn't be reading such, who
knows what reality it brings?"
Bigla nyang hinawakan ang buhok ko at inamoy ito, natatangang naeewan ako sa ginagawa nya, his face is dead serious.
"Uy ano ba, okay ka lang? Ano pinagsasabi mo?" tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa buhok ko.
Bigla nyang ifinixed yung mga mata nya sa mata ko, "Want to hear the truth?"
"What truth?"
"The truth why I actually pulled you out from your class and brought you here in my car?"
"H-ha?" bigla lumakas yung tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan, natatakot ako sa boses ni Chad, sobrang serious na
hindi mo maintindihan.
"And do you also want to hear what really lies in the club UnderConstruction?" ewan ko, pero padagdag ng padagdag ang
kaba sa dibdib ko. Nakakasuspense ang boses ni Chad pati na rin ang tingin nya sa mga mata ko,ngayon ko lang napansin na
he has such scary eyes.
"Chad, come on now. Jinojoke time mo nanaman ako nuh?" iniisip ko na baka isa nanaman 'to sa mga pranks nya since lagi
nya naman akong pinagkakatuwaan.
Tumawa sya pero yung mahina at sarcastic, "Joke? I like to joke around but right now, I'm not in the mood. I'm kind of excited."
"Excited?" feeling ko pinagpapawisan ako ng malamig, bigla nya kasi akong tinulak kaya naman napahiga yung upper body ko
sa upuan ng kotse habang nakayukod sya sakin at nasa magkabilang ulo ko ang mga kamay nya. Palapit ng palapit ang
mukha nya.
"I should actually do this until we arrive at UnderConstruction but because I can't wait anymore, I'll do it now."
"H-ha? Do what? Oy Chad, susuntukin talaga pag hindi ka tumigil." and I'm not kidding, pag tumagal pa 'tong nangyayari,
susuntukin ko talaga sa mukha si Chad. I swear.
"Punch me? You don't have such strengths against me." bigla nyang hinawakan yung dalwang kamay ko ng isang kamay nya,
"Humans are weaklings and you are a human, humans can't do nothing against creatures like me."
WHAT?! CREATURES LIKE HIM? HOY ANO BA 'TO AUTHOR?! JOKE BA 'TO? KINAKABAHAN AKO. SHET. FANTASY BA
ANG GENRE NITO?!
"Don't worry, Peppy. I'll make this fast so it won't hurt. I just have to kill my thirst," bigla nyang hinawakan ng free hand nya
yung baba ko at iniharap ang ulo ko sa left side tapos dahan dahan nyang binababa ang ulo nya at nung konting distance na
lang sya sa leeg ko, nagsalita sya, "I'm a vampire."
Naramdaman ko ang mainit na hininga nya sa leeg ko and by what he just said, nagtaasan lahat ng balahibo ko at feeling ko
namanhid ako sa kinatatayuan ko. Sinara ko na lang ang mata ko dahil kung bampira sya, his action only means that he's
about to bite me.
~~CHU! ♥
EH?!!!!
"Gotcha!" umalis sya sa pagkakayukod sakin at bumalik sa pagkakaupo nya at tawa sya ng tawa habang hawak hawak ang
tyan.
Nabigla ako sa ginawa nya, naiwan tuloy akong nakahiga pa rin ang upper body at hawak hawak ang leeg ko. Naramdaman
ko lang kasing dinampi nya yung labi nya nun tapos tumawa na sya pagkatapos. Medyo matagal tagal din bago ko nagets
yung situation.
Bigla akong umayos ng upo at sinuntok sya sa balikat pero hindi malakas, "NAPAKA MO TALAGA! LAGI MO NA LANG AKO
PINAGLALARUAN! NAKAKAINIS KA HA! ITIGIL MO YUNG KOTSE, BABABA NA AKO! NAKAKAASAR KA!"
Asar talaga ako, kita sa mata ko na asar ako. Magkasalubong kasi pati ang kilay ko at nakasimangot ako. Asar na asar talaga
ako. Hindi ito ang unang beses na pinagloloko nya ako. Sabi ko na nga ba, isa nanaman 'to sa prank nya. Pinagcutting nya
ako para lang asarin?! Aba. Hindi na nakakatuwa ha.
Tumigil sya sa pagtawa, "Uy, joke lang naman yun eh. Galit ka?"
"Joke? Ilang beses mo na ba ginawa yan sakin? Wala ka bang ibang pedeng mapagkatuwaan? Tumatanggap naman ako ng
joke pero yung hindi katulad ng mga jokes mo eh, masyadong nakakaasar yung jokes mo. Itigil mo yung kotse, babalik na ako
sa school. Namiss ko yung klase ko sa araw na 'to para lang sa joke mo? Ayos ka ah!"
"Hala, sorry Peppy. Wag ka namang mapikon oh. Wala naman akong masamang intensyon eh, saka sana masanay ka na
lang talaga sakin. Ganto lang talaga ako magjoke. Please Peppy, wag ka ng magalit."
Hindi ko pinansin mga sinabi nya, "Itigil mo kotse, bababa ako!"
"Ayoko."
"Ayaw mo?" tumango sya, "Edi okay, bababa ako kahit nagalaw ang kotse."
Seryoso ako sa sinasabi ko, infact hawak ko na nga yung bukasan ng kotse eh at ready na akong buksan yun pero pinigilan
nya ako.
"WAIT! SIGE NA. ITITIGIL KO NA KOTSE." inutusan nya nga ang driver nya na itigil ang kotse at pagkatigil na pagkatigil ng
kotse, binuksan ko kaagad ang pinto at bumaba na.
Bumaba rin sya, naglakad ako at sinundan nya ako, "Peppy! Sorry nanaman oh!"
"Che!" dire diretso pa rin ako sa paglalakad at hindi sya nililingon.
"Peppy," bigla nya akong naabot at hinawakan sa kamay, hinarap sa kanya at hinawakan ako sa balikat, "please don't be
angry, I need you..."
He needs me? O.O
"You're my bestfriend."
Nice one!
----- Dear diary,
I can still feel Chad's lips on my neck. Argh. And since when did I become everyone's bestfriend? Una, si Lory and now I'm also Chad's bestfriend? WTF.
- Eya
ps. what the perk is wrong with the author, I mean Chad for making such vampire pranks?! That wasn't even funnehhh. =__=
"You're my bestfriend." napataas ang kilay ko ng hindi oras.
"Bestfriend? Paano naman tayo naging magbestfriend?" I mean, ni hindi nga kami ganung kaclose eh though lagi nya lang
akong pinagdidiskitahan ng mga jokes nyang hindi nakakatawa.
"Eh kasi sabi ko eh."
"Eh? Ano ka anak ng presidente? Ikaw may sinabi pero ako wala, kaya hindi tayo magbestfriend okay?" wala sanang
problema eh, tatanggapin ko sana yung bestfriendship na inooffer nya kaso nga lang inis ako sa kanya ngayon. Sa tingin mo,
kung ikaw nasa posisyon ko, makikipagbestfriend ka ba sa taong lagi kang ginagagu sa mga jokes nya? Nah uh!
"Iiyak ako pag hindi ka pumayag maging bestfriend ko."
"Iiyak?" halos matawa ako sa sinabi nya pero pinigilan ko tawa ko, "Kalalaki mong tao and as if, yang isang katulad mo iiyak
dahil sa ganung bagay? Lokohin mo lelang mo."
"Iiyak talaga ko."
"Edi umiyak ka." tinalikuran ko na sya pero maya maya lang ng konti narinig ko ng may humihikbi sa likod ko.
Umiiyak talaga sya?! Lumingon ulit ako sa kanya at nakitang umiiyak talaga sya, may tumutulong mga luha eh.
"O-oy, bakit ka umiiyak?" ang badeng naman nitong si Chad oh, seryoso talaga sya nung sinabi nyang iiyak sya pag hindi ako
pumayag dun sa bestfriendship.
"Ayaw mo kasing pumayag eh."
"Hala! Ano, eh... ano ba yan... tumahan ka na nga." ayaw ko talaga sa lahat ay yung nakakakita ng taong naiyak lalo na pag
kasalanan ko, para bang natatakot at naguguilty ako somehow kahit ang babaw lang ng kasalanan na ginawa ko para
mapaiyak yung tao.
"Pumayag ka na kasi sa bestfriendship. huhu. Tatahan lang ako pag pumayag ka."
Argh. Parang batang bading naman eh. Anubayan.
"O sige na, sige na! Tumahan ka na lang!"
Pagkasabi nya nun bigla syang ngumiti agad, "Walang bawian."
"Yeah, yeah."
"Buti na lang may eyedrops ako, effective talaga kahit kelan." pinakita nya pa yung eyedrops sakin habang nakangiti sya ng
mapanloko.
"Ibig sabihin, nagpepeke pekean ka lang ng luha kanina?!"
"Obvious." tawa nanaman sya ng tawa.
"Nakakaasar ka talaga."
Lumapit sya sakin at inakbayan ako, "Masanay ka na kasi sakin, ganto lang ako. So ano Peppy, bestfriends na talaga tayo
ah?"
"Bakit ba gusto mo akong maging bestfriend?!"
"Close kasi kayo ni Lory." ngumiti sya na sobrang saya.
"Kilala mo si Lory?"
"Yep," kinurot nya yung pisngi ko, "She's the girl na pagbibigyan ko nung ring na binili natin nung isang araw."
Medyo nabigla ako kasi... "Eh bakit ganun, sabi ni Lory dati nung tinanong ko sya kung may kilala syang Chad, sabi nya---"
"Talaga? Tinanong mo ako sa kanya? Anong sabi nya? Anong sabi nya?" excited na tanong ni Chad, parang sobrang saya
nya pag tungkol lahat kay Lory. Pero nung tinanong ko kasi si Lory, ang tanda ko negative yung response nya sakin...
*flashback*
"In any case, may kilala ka bang Chad Jimenez?"
Pagkasabi ko nun, namutla sya.
"Ah, wala." hindi sya mapakali, hindi ko maintindihan kung bakit, "Bakit mo natanong?"
Umiling ako, "Wala naman. Akala ko kasi kakilala mo sya,"
*end of flashback*
Wala daw syang kilalang Chad Jimenez pero... hindi ko magets. Kung sabihin ko kaya kay Chad at itanong kung bakit ganun
response ni Lory? Pero, hindi kaya mao-offend o madidisappoint si Chad pag nalaman nyang ganun yung response ni Lory?
Ah, hindi ko alam gagawin ko.
"Peppy? Hello?!!" nabalik lang ako sa isipan ng ikaway ni Chad yung kamay nya sa harap ng mukha ko, "Bakit bigla kang
natulala dyan?"
"Ah wala, nakatulog lang ako." ay, tanga, ano bang excuse yun?
"Ahaha. Nakatulog ka ng nakatayo at nakamulat? haha! Ang weird mo talaga, anyway... ano yung sinabi ni Lory tungkol sakin?
May sinabi ba sya? May sinabi ba sya? Ha? Ha?"
Sa itsura ni Chad na super excited at parang sobrang saya, parang hindi ko ata kayang idisappoint sya... if I lie, it wouldn't hurt
anyone right? I don't want to disappoint him with that very happy face...
"Ah, sabi nga nya kakilala ka daw nya. Mabait ka nga daw eh."
"Weee! Mabait ako? mwahaha. I'm an angel." nagpogi sign pa sya.
"Sabi ko mabait, hindi angel." =.=
"Parehas din yun!"
"Ewan ko sayo, humanap ka ng kausap mo. Babalik na talaga ako sa klase."
"Peppy wag mo akong iwan, wala akong makakausap."
"Humanap ka nga sabi!"
"Wala namang ibang tao pedeng makausap eh."
"Edi kumausap ka ng puno, problema ba yun."
"Peppy naman eh! Dali na, bigay mo lang sakin ang araw mo ngayon, ibibili ko sayo yung official illustrated guide book ng
twilight, yung bagong labas sa national bookstore."
Napatigil ako sa kinatatayuan ko, feeling ko nakarinig ako ng isang malaking magandang opportunity kaya naman automatic
akong napabalik sa harap nya at kung pedeng kumintab ang mga mata ko eh kumintab na sila.
"Talaga? Talaga?"
"Yep, basta lang ibibigay mo sakin ang araw mo ngayon."
"Aye aye captain!" sumalute pa ako sa kanya.
----
Syempre, nagmake sure muna ako na tutupad sya sa usapan kaya sabi ko dumaan muna kami sa national bookstore para
bilihin yung illustrated guide book ng twilight. Nung bagong bagong labas pa lang kasi yun dito sa bookstore, sobrang
pinaglalawayan ko na kaso ang mahal naman kasi eh 995php. Wala akong pera at hindi ko naman nanaising aksayahin ang
pera para lang sa libro. Yung twilight nga kaya ko lang nabasa kasi yung sa library kasi sa school ko before Willford Academy,
meron dung twilight saga kaya naman lagi akong napunta dun at binabasa yun.
"Adik na adik ka talaga sa vampire story na 'to ah?" sabi nya habang kinukuha nya sa shelf yung book.
"Syempre, maganda eh."
"Ewan ko talaga sa inyo, hindi ko magets kayong mga babae. This one's just so gay."
"Gay your face! Bilhin mo na lang kasi!"
----
Nung nabili nanamin yung book, masayang masaya akong lumabas ng bookstore. Pero syempre katulad din ng promise ko,
ibibigay ko sa kanya yung araw ko ngayon. Sabi nya kasi kelangan nya ng certain help ko.
"Anong bang help ang kelangan mo?"
"Simple lang naman sana pero kelangan dun na lang tayo sa UnderConstruction para walang masyadong tao. Nahihiya kasi
ako pag may makakakita sakin." kahit hindi ko pa rin alam yung request nya eh sumama na lang ako sa kanya sa
UnderConstruction.
Pagdating namin dun eh walang tao.
"Wow, I remember nung unang dating ko dito sobrang daming tao pero bakit ngayon parang deserted ata sya?"
"Sarado kami pag umaga. 10pm ang bukas nito." explain nya habang naglalakad kami papasok, sumusunod lang ako sa
kanya.
"Wow, talaga? Para kayong vampires, sa gabi nabubuhay."
"Uff! Stop it with the vampire thing! Bukang bibig mo na yang mga bampira Peppy, adik na adik ka talaga sa Twilight!"
"Okay fine, hindi na. Pero cute naman Twilight diba?"
"Haay," nilagay nya yung kamay nya sa mukha nya at umiling iling, "Kung sinuman sumulat ng twilight, wag syang
magpapakita sakin baka masapak ko lang, grabeng influence ginagawa nya sa readers."
"Ha? May sinasabi ka ba?" narinig ko kasi syang nagmurmur sa sarili nya pero hindi ko narinig ng malinaw.
"Wala, wala, sumunod ka na lang sakin sa taas." umakyat kami papuntang second floor tapos dumiretso kami sa isang kwarto.
Yun yung kwarto kung saan nya ako dinala dati, yung tinangka ko syang gamitan ng pepperspray.
"Remember this room? Dito nauso ang pepperspray."
Sinamungatan ko sya kasi alam ko inaasar nya ako, "Iispray-an talaga kita pag hindi ka tumigil ng pangaasar."
"Ang pikon mo talaga Peppy, joke lang yun."
"Tama na nga 'tong mga jokes na 'to, so andito na tayo sa UnderConstruction, ano ba talaga help na kelangan mo?!"
Bigla na rin sumerious yung face nya, "Haay. The thing is, bukas na yung birthday ni Lory, bukas na ako magpopropose pero
hindi pa ako ready!"
"So?"
"Help me!"
"Ha?! Anong help you? Anong malay ko dyan? Wala nga akong idea kung paano kita matutulungan eh."
"Please help me Peppy, never akong lumapit sa babae, never akong nag-ask sa babae, at never akong nanligaw, wala akong
experience when it comes to girls kaya wala akong idea kung papaano magpopropose."
"Ikaw? Walang experience? Weh?" I have this "that's-so-unbelievable-face". Isang katulad ni Chad? Walang experience? Ikaw,
maniniwala ka ba? Hindi diba? Hindi.
"Wala. Promise. Well, may naging flings ako though hindi naman ako lumapit sa kanila, sila lumalapit sakin tsaka I can't call
them experience. What I mean sa experience eh yung experience sa taong gusto ko talaga. Syempre, iba si Lory, ayokong
gamitin sa kanya yung experiences ko sa mga naging flings ko. Ayaw kong ihilera sya sa flings ko, she's someone important.
Pero sobrang nafufrustrated talaga ako, I don't really have any idea."
"Ano ka ba naman, girlfriend mo sya tapos wala ka man lang idea kung papaano magpopropose sa kanya."
"That's the problem, she's not even my girlfriend!"
"Eh? Hindi mo girlfriend eh kung ganun, bakit ang lakas ng loob mong magpropose?" eh ang alam ko pag magpo-propose ka
sa isang tao, siguradong in a relationship na kayo nung taong yun diba?
"Eh mahal ko eh!"
"Aray ko naman," kamuntik na akong mawalan ng balance sa pagkakatayo ko, "Hindi naman ata sapat na dahilan yun? Hindi
ka ba natatakot na ireject ka nya sa oras na magpropose ka? Ni wala kayong commitment eh, nililigawan mo ba?"
"Hinde."
"Hindi mo girlfriend, hindi mo rin nililigawan tapos magpopropose ka! Okay ka lang?!"
"Saka na yun, pag fiance ko na sya saka ko sya liligawan!"
"Baliktad ka eh! Una muna yung panliligaw bago ang proposal!"
"Wala akong pakelam! Basta tulungan mo na lang ako sa pagpopropose ko tapos pag ini-accept nya na yung proposal ko,
tulungan mo naman ako sa panliligaw na sinasabi mong yan o kung anuman yun!"
"O sige bahala ka kung anong gusto mo!" hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya, kung gusto nyang magpropose muna bago
manligaw edi bahala sya. I'm 100% sure na irereject lang sya ni Lory pero hindi na ako nakipagtalo, sigurado naman kasing
magrereason out lang sya palagi at sa huli yung gusto nya lang rin naman ang masusunod, so why bother to argue diba?
"Okay, makinig ka sa plan ko."
"What plan?"
"Plan ko para sa birthday nya bukas!"
"Nye! May pa-plan plan ka pa! O sige, makikinig ako. Ano ba plan mo?" grabe ah, pinlanado nya talaga? It shows that he
really likes Lory. Pero hindi ako sure kung gusto sya ni Lory, afterall Lory said that she likes Cross and she even denied na
kilala nya si Chad. Sabihin ko ba 'to kay Chad?
Nah, ayokong makigulo. Tatahimik na lang ako since wala rin naman akong naiintindihan sa sitwasyon na 'to. I'll just stick my
nose out of their business. Tsaka kung sasabihin ko rin naman kay Chad yun, makikinig ba sya sakin? Baka isipin nya lang
gumagawa ako ng kwento. Mas tama talagang tumahimik na lang ako.
"Masquerade kasi ang theme ng debut nya."
"Talaga? Yung may mga mask?" hindi ko alam. haha. Eh wala naman kasing nakalagay sa invitation tsaka hindi nabanggit
sakin ni Lory, nalimutan nya atang sabihin sakin dahil sa excitement.
"Yeah. Ang balak ko sana pag nagstart na yung midnight dance, may uutusan akong magpatay ng ilaw sa buong palace at sa
pagkapatay ng ilaw na yun, kukunin ko kaagad ang kamay ni Lory at itatakbo sya sa likod ng garden sa palace at dun ako
magpopropose sa kanya."
"Eh teka, bakit kelangan mo pang ipapatay ang ilaw? Hindi mo ba pedeng kunin mo na lang sya ng hindi pinapatay yung ilaw,
I mean you can ask her naman na pumunta sa garden. May pa-patay patay ka pa ng ilaw effect. Anong drama naman yun?"
pero kasi sa totoo lang, nakokornihan ako dun sa blackout effect nya eh. Masyadong clichè, masyado ng gamit sa mga love
stories diba?
"Eh hindi mo kasi gets, para nga may kidnap effect! Magkakagulo yung mga tao kasi nawala yung celebrant, iisipin nila may
kumidnap sa kanya pero ang totoo, nagpopropose ako sa kanya. Tapos pag nagyes sya sa proposal ko, babalik kami sa loob
ng palace at makikita kami ng mga nagkakagulong tao at iaannounce namin na magfiance na kami. Yung kaba ng mga guests
sa party ay mapapaltan ng tuwa sa magiging announcement namin. Diba ang sweet?"
"Eh?" ngumiti ako ng pilit, "Ah, oo. Sabi mo eh."
Sige, oo na lang tayo kahit sa totoo lang, ang baduy.
"Now, here's the plan, gusto ko na ibigay mo 'to kay Lory bilang gift." may inabot sya saking necklace, "may transmitter yan
kaya kelangan ibigay mo kaagad sa kanya yan pagkarating mo at pilitin mo syang isuot yan sa mismong birthday nya, hindi
naman sya tatanggi sayo since bestfriend ka naman nya."
"Eh?" tinanggap ko yung necklace at pinagmasdan ito, "May transmitter?"
"Oo, since papatayin nga yung ilaw syempre hindi ko makikita si Lory lalo na at puro pa nakamaskara mga tao dun kaya nga
kelangan suot nya yang transmitter. Kaya please Peppy, help me. Ikaw lang alam kong makakatulong sakin kasi alam kong
hindi ka nya tatanggihan pag nagrequest ka sa kanya na suotin kaagad 'to. Tsaka isa pa, ikaw lang kasi mapagkakatiwalaan
ko sa mga bagay na 'to."
"Mapagkakatiwalaan? Ako? Okay ka lang? Hindi ako katiwa-tiwala."
"Alam ko pede kang mapagkatiwalaan, Peppy. Kaya please?"
Sino ba makakareject ng request ng isang taong nakapuppy eyes at super duper uber ever cute?
"Fine." nilagay ko na sa bulsa ko yung necklace bago pa mawala, "I'll do it."
"Thank you Peppy!" nabigla na lang ako ng niyakap nya ako. Feeling ko namula akong ewan, niyakap nya ako... niyakap nya
ako... uwaaa. Para akong tanga, kinikilig ako. Para talagang tanga, para talagang tanga. (please repeat, 10x)
"Bakit parang namumula ka ata Peppy?" tanong nya pagkabitaw nya sakin, obvious ba eh syempre kinikilig ako sayo kaya ako
namumula! argh!
"May lagnat ka ba?" hinawakan nya yung noo ko gamit ang likod ng palad nya, "Wala naman. Bakit ang pula mo?"
"Ah wala! Allergy lang."
"Ha? Allergy? Pero ngayon ka lang namula ah? Ibig sabihin may something na naka-allergy sayo ngayon ngayon lang? Saan
ka allergic?"
Saan ba? Wala naman ako allergy eh, palusot ko lang.
"Ah eh... allergy? Umm. Allergic ako sa yakap."
"Ah talaga? Oo nga nuh, nung niyakap kita namula ka."
"Oo nga eh, may allergy talaga ako dun kaya hindi ako masyadong nayakap sa tao. Achuu!"nagfake ako ng bahing, "Infact,
binabahing na tuloy ako. Achuu!"
"Hala, gusto mo tissue? Sorry ah, hindi ko alam."
"Ah wag na, mawawala na rin 'to maya maya. Saglit lang naman 'tong allergy ko mga 5minutes lang wala na 'to." tapos
bumulong ako, "Hindi na kelangan ng tissue, hindi naman talaga tunay allergy ko."
"Ha? Ano yung last na sinabi mo? May binulong ka eh."
"Ah wala yun, prayers lang yun."
"Prayers?"
"Nagpray lang ako na mawala na agad allergy ko. It always work kasi pag nagpepray ako, talagang nawawala sya kahit wala
pang 5minutes."
"Woah! Really?" ano ba yan, hindi lang pala ako ang nabibiktima sa mga kalokohan ni Chad, pati rin pala sya kaya kong
biktimahin sa mga kasinungalingan ko. Tama ba namang maniwala sa mga pinasasabi ko? Wala namang nageexist na allergy
sa yakap eh, imbento ko lang na palusot yun eh.
----
Hindi ko alam kung bakit inabot ako hanggang gabi sa UnderConstruction. Yun lang naman talagang pagbibigay ng necklace
ang help na hinihingi nya sakin eh kaya dapat nakaalis na agad ako pero dahil sabi nya daw may deal kami na ibibigay ko
buong araw ko kapalit nung book na binili nya sakin, kelangan daw magstay ako dun kahit hanggang 7 man lang daw.
Oo, nagstay nga ako hanggang 7pm.
Wala naman kami masyadong ginawa. Naglaro lang kami sa ps3 nya, straight 3hrs kaming nagone on one battle sa
streetfighter. Wala kasing gustong magpatalo samin kaya ayun, tumagal ng ganun yung paglalaro namin. Pagkatapos nun,
nanuod kami ng movie, horror, pinanuod namin yung Texas Chainsaw Massacre, eh walandyo naman kalalaking tao mas
takot pa sakin. Tawa nga ako ng tawa kasi tinatakpan nya ng unan ang mukha nya, just think how gay he was! hahaha. Nasa
kwarto lang na yun kami the whole day, nakaupo kaming parehas sa kama dun habang nakaharap lang sa harap ng tv sa
tapat ng kama. Nagdadala sya nga mga makakain kaya nga andaming kalat sa kama at sa sahig ng kwarto. Nung matapos
yung horror film, nagyaya naman syang maglaro ulit but this time card games naman. Natalo ako kaya pinitik nya ako sa noo.
"Ansakit nun ah!" sabi ko habang hawak ko yung noo ka na pinitik nya eh.
"Bleh! Sa susunod kasi galingan mo!"
"Wala ng susunod, almost 7 na oh, aalis na ako. Baka hinahanap na ako samin," ang totoo naalala kong may part time pa ako
sa resto nina auntie, baka magalit sakin yun.
"Kumain ka muna bago ka umalis!"
"Ah salamat na lang, pero kelangan ko na talagang umuwi."
"Ganun ba, sige hahatid na lang kita sa kotse, tawagan ko lang driver ko."
Kukunin nya sana yung phone nya para tawagan yung driver nya pero pinigilan ko sya, "Ah wag na, wag na."
"Eh bakit?"
"Eh basta wag na."
"pero I insist."
"Wag na sayang sa gasolina."
"Sus, parang gasolina lang eh."
"Wag na sabi, wag kang magsayang ng gas maraming nagugutom!" "Ha? Anong konek ng gas sa taong nagugutom?" "Ah basta wag na! Wag mo na akong ihatid. Maglalakad lang naman ako eh, malapit lang."
"Edi sama na lang ako! Samahan kita sa paglalakad mo papunta sa inyo atleast sa ganto maihahatid kita."
"Ha?"
"Dali na! Wala namang gasolinang gagamitin pag naglalakad diba? Kaya sige na sasama na ako."
---
Wala na rin akong nagawa kundi hayaan na lang syang samahan ako sa paglalakad pauwi sa resto nina auntie. Sinabi ko na
rin sa kanya na lumipat ako, pero hindi ko sinabing dahil pinalayas ako sa apartment ko dati, basta sinabi kong lumipat lang
ako sa bahay ng auntie ko na isang restaurant kung saan nagtatrabaho ako.
"Ah, tama! Natatandaan ko nga, nakita kita dun dati sa restaurant! Ikaw pa nga yung nagserve sa table namin ni Lory eh."
"Eh? Kelan yun?" wala akong maalala, memory gap. "Ang malilimutin mo naman. Basta dati, tanda ko ikaw yung nagserve sa table namin."
Sinubukan kong halughugin sa utak ko yung memory na yun at nagtagumpay naman ako after ilang minutes, "Ah oo nga
tanda ko na! Now that I remember it, ngayon ko lang naisip kung bakit parang familiar mukha ni Lory, sya pala yung kasama
mo dati. Nagdedate ba kayo nung time na yun?"
"Siguro." he blushes. What? Nagbablush sya? Awww. Ang kyoooot. "Bakit siguro? Hindi ka sure?"
"Eh kasi ewan... basta ewan ko. Yun kasi yung first time na nagkita ulit kami after many years, bagong dating lang kasi sya
nung araw na yun mula sa England. Basta, yun. Date or whatever, basta yun na yun."
"Oh sige na nga sabi mo eh. hehe."
"Bakit ka natawa? Bakit ka nakangiti?"
"Ah, wala." ang kyooot mo kasi pag nagbablush hindi ko mapigilang ngumiti. :"3
"Brr." bigla akong nilamig, humangin kasi ng malakas eh, wala pa man din akong jacket since naka-uniform lang ako kasi nga
diba hinila lang ako ni Chad sa classroom kaya ayan hanggang ngayon nakauniform lang ako. Eh short sleeves at short skirt
lang ang uniform namin, obvious na lalamigin ako sa gabi pag humangin.
"Nilalamig ka?"
"Ah hindi," pero kahit yun ang sinabi ko hinubad pa rin nya yung jacket nya at ipinatong 'to sa balikat ko, "Uy, sabi ko hindi
naman ako nilalamig."
"Weh, nagtitindigan na nga yang mga balahibo mo sa braso sa lamig eh. Lokohin mo lelang mo."
"Aba! Line ko yang lokohin mo lelang mo ah!" "Pa-arbor! hahaha!"
-----
Nung nasa resto na ako nina auntie at tapos na akong magtrabaho, nagdiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Nakita ko
pang nakasabit yung jacket ni Chad sa upuan ko sa may study table, tumayo ako sa pagkakahiga ko at kinuha yun.
Inamoy ko sya, andun yung amoy ng pabango ni Chad. Sabihin nyo ng malandi ako pero kinikilig talaga ako sa pangyayari
kanina. Isipin nyo na lang, diba sa mga love stories lang nangyayari yun? Tsaka sa mga magagandang babae lang pero...
isang panget na katulad ko nagkaroon ng nakakakilig na experience na ganun?
Alam ko walang kwenta ang kiligin ako sa ganto dahil alam ko naman sa sarili ko na iba ang gusto ni Chad, magpopropose na
nga yung tao eh.
Pero so what? Pede naman akong magkagusto sa isang tao ng palihim ah? I'm not even Cinderella to dream na
magugustuhan ni Chad, kahit ba ganung mahirap at inaapi si Cinderella wala namang dinescribe yung author sa kanya na
panget sya eh samantalang ako, panget ako dipende na lang kung papadalhan ako ng author ng story na 'to ng isang fairy
godmother na magpapaganda sakin. Well, hindi naman ako aasa talagang masusuklian 'to, okay na sakin 'to kahit unrequited
pa sya.
"HOY EYA TELEPONO!"
Ay anak naman ng petrang kabayo oh. Alam mo yung nagdadrama ko to the highest level tapos biglang madidistract ka ng
ibang tao?! Nasira yung moment ko eh.
"Ayan na!" binalik ko na yung jacket sa pagkakasabit sa upuan at bumaba na para sagutin yung telepono.
"Wag mo ngang ipamimigay ang number ng restaurant! Wag kang magtelebabad pati!" huh? wala naman akong
pinagbibigyan ng telephone number eh. Ni hindi ko nga saulo number nitong restaurant eh.
Inabot ko na lang yung telepono, pagkatapos nun umalis na si auntie, "Hello sin---"
Hindi pa nga ako tapos magsalita bigla na lang may sumigaw sa kabilang linya, "HOY! ASAN KA? MAY TRABAHO KA PA HA!
ANONG KLASE KANG PERSONAL MAID H---"
"krrr.ssherqwiqwhriu.ashdgashg." hindi ko sya pinatapos magsalita kasi nagpanggap ako gamit yung boses ko na kunwari
parang nasisira yung line, "May bomba may bomba! weeewoooweewooo! BOOM!"
Pagkasabi ko ng BOOM, binagsak ko kaagad yung telepono.
Wala pang 1minute, nagring ulit yung telepono. Sinagot ko 'to pero nung marinig kong sisigaw pa lang ulit si Cross, nagsalita
agad ako.
"To infinity and beyond!" at binaba ko ulit yung telepono.
"Auntie pag may naghanap sakin sa telepono makikisabi patay na ako!"
-----------
Dear diary,
Alam ko hindi tama yung inasal ko kay Cross pero kasalanan ko bang malimutang may trabaho pa pala ako sa kanya? Kung
pupunta ako sa ganung oras pagkatawag nya edi lalo akong nalintikan dun? Rinig pa lang sa boses nya sa telepono kung
paano sya mainis halatang hindi dapat ako magpakita sa kanya sa oras na yun. Sa monday na lang ako magpapakita sa
kanya since wala akong trabaho sa kanya pag saturday at sunday, atleast sa monday baka limot nya ng nagcutting din ako sa
trabaho. XD
- Eya
------------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Denny's note: Yay! In this chapter/entry featured po sina Momoxhien Clarkson (Momo) dito at pati ang name ni Sync
Mnemosyne! Characters po sila ng story ko na "Voiceless" Hope you guys would have the time to read it! Thank you! <3
Entry --- twelve
< Cookie Monster aka Cross' POV >
"Bwahaha! Talaga pare? Ginanun ka ng personal maid mo? Bwahaha! The best!" pagkakwento ko ng pagkabadtrip ko sa
ginawang pagsagot sakin nung panget na yun sa telepono, wala ng ginawa si Seven kundi tumawa ng tumawa. Sabi ko na
nga ba hindi na dapat ako nagkekwento dito kay Seven eh, walang kwenta kasing kausap.
"To infinity and beyond!!!" tumayo pa sya sa couch and tinaas pa ang kanang kamay habang yung isa ay nakahawak sa
bewang na para bang ginagaya si buzz lightyear ng toy story.
Sinuntok ko nga yung binti nya kaya napaupo agad sya, "Aray pre! Wag naman pikon!"
"Magtigil ka kasi mukha kang tanga."
"Eh nakakatawa naman kasi talaga yang bagong maid mo eh!" nakitawa rin si Trey kay Seven. Halos kumpleto kami ngayong
magbabarkada dito sa tambayan. 7 kasi kami sa barkadahan.
Ako, Cross Sandford --- pinakagwapo. bwahaha.
Si Seven Astute --- pinakasira ulo pero pinakahabulin samin. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng magnet nya sa mga babae
eh para naman syang sira ulong hindi mo magets ang ugali.
Si Trey Dinaro --- na ngayon lang ulit nagpakita kasi laging busy sa taekwando club at panliligaw sa isang babaeng ang
pangalan ay Sena, ata na ngayon ay girlfriend nya na. Sya pinakamabait samin at pinakamatino samin. Hindi ko nga alam
bakit nya kami pinagtatyagaan eh puro kami mga sira ulo eh.
Si Eros Magdayo--- pinakabasagulero samin, pinakamatanda rin samin. Dapat college na yan eh kasi repeat ng repeat, ayun
nasa highschool pa rin. Hindi kasi napasok palagi eh. Pero these days, ang weird nya ha, simula ng makilala nya yung Eris girl
na yun sa school nya talagang nagsisipag na syang pumasok at talagang nagaaral!
Si Memo Clarkson--- ang family nya may-ari nitong club-tambayan namin, apparently he knows everything about us at pati na
rin sa lahat ng tao sa paligid nya. He loves manipulating people.
Saturn Ignacio--- He's just a Cassanova who's stupid enough not to notice Gael's feeling for her. Lahat kasi halos alam ng may
gusto sa kanya si Gabriella pero sya, isip nya pa rin na parang magkapatid lang talaga sila. Abnormal talaga.
Sabi ko sa inyo, halos kumpleto kami kaso wala si Sync.
Si Sync Mnemosyne naman ay isang sikat na singer ng bandang Syntax Error. Hindi ko na ata nakitang nakumpleto ang
barkadahan sa club, puro kasi kami busy at may kanya kanya kaming pinagaaksayahan ng oras. Pero masaya siguro kahit
minsan may get together kami, nakakamiss din kasi ang kumpletong barkada.
"Ewan ko nga sa inyo. Hindi kayo makausap ng matino." tumayo na lang ako at kumuha ng maiinom sa bar counter.
"Oy, ngayon birthday ni Lory ah? Wala ka bang balak mag-ayos para mamayang gabi? Wag mong sabihing magiinom ka
lang?" inagaw ni Memo sakin yung baso na sinalinan ko ng alak.
"Tss. Bakit ang damot mo?!"
"Gagu. Um-attend ka sa birthday ni Lory! Baka umiyak yun pag hindi ka pumunta!"
"Kapag pumunta ako, may makakawawa."
"Sino? Si Chad?"
"Sino pa ba? Alam mo namang patay na patay kay Lory yun. Mabuti ng hindi ako pumunta para hindi na maguluhan si Lory."
"Edi ba may napagusapan na tayo na yung maid mong yun ang gagawin mong girlfriend."
"Wow. Si Infinity and beyond ang gagawin mong girlfriend, Cross?!" nabigla naman ako ng sumingit nanaman si Seven sa
usapan. Para talagang aso 'to oh, napakachismosong ewan.
"Oo, the uglier the better." si Memo ang sumagot para sakin.
"Huh? Hindi ko gets?" kahit ako nung una, katulad ni Seven hindi ko rin nagets idea ni Memo.
"Kasi kelangan ni Cross mapatunayan kay Lory na may iba syang gusto para tumigil na si Lory sa paghahabol sa kanya, isa
lang paraan dun kelangan maghanap sya ng girlfriend."
"Eh bakit kelangan panget?"
"Eh sa tingin mo kung magandang babae ang gigirlfriend-in ko, iisipin kaya ni Lory na may gusto ako dun? Syempre iisipin
lang ni Lory na hindi ko sineseryoso yun, na fling lang yun." ako na nag-explain kay Seven, "Pero kung panget naman ang
ipapakilala kong girlfriend, iisipin ni Lory na inlove ako sa girlfriend ko."
"Eh? Ang labo. Hindi ko gets, men."
"Eh kasi nga pag panget, hindi mo naman ifi-flirt o ifi-fling diba? Alam ng lahat na hindi ko type ang mga panget at pihikan ako
sa babae, pero kung gigirlfriend-in ko ang isang babaeng hinding hindi ko type, iisipin talaga ng mga tao na inlove ako sa
taong yun at hindi basta fling yun. Sa ganung paraan, susuko na si Lory sa feelings nya para sakin."
"Eh bakit ayaw mo kay Lory?"
"Manuod ka na lang ng 'the grudge' o maglaro ka na lang ng playstation." tinalikuran ko na si Seven kasi andami dami nyang
tanong, naiirita na ako.
----------
2pm na nun, na-convince ako ni Memo na pumunta sa birthday ni Lory kasama yung panget na maid ko. Ano nga pangalan
nun? Reah ba? Ewan ko, I don't really care.
Tatawagan ko sana yung panget na yun pero naalala ko kung anong kawalangyaan ang ginawa nya kagabi, to infinity and
beyond pala ha? Makikita mo kung anong infinity and beyond, lagot ka saking panget ka.
Since sigurado akong hindi ko sya matatawagan, nagdiretso ako sa address nya. Sa isang restaurant daw eh, ayun sa nakuha
kong info.
Pumasok ako dun sa restaurant at sinalubong ako ng isang babaeng mga nasa 40 na siguro.
"Sir, we're close po pag saturday."
"Nah, hindi ako pumunta dito para kumain. I'm looking for someone named Reah.." hindi ko na matuloy kasi hindi ko maalala
yung surname pero siguro naman kung dito sya nakatira, alam na nila kung sinong Reah tinutukoy ko.
"Ah si Reah ba kamo, wala sya dito eh,lumabas. Anong kelangan nila sa batang yun?"
"Asan sya?"
"Eh ano po muna kelangan nila?"
"Sabihin mo kung nasaan," kinuha ko yung wallet ko at nagabot ng 5thousand dun sa babae, ayokong magexplain pa kasi,
gusto ko na lang malaman kung asan agad. Nababanas na kasi ako dito eh.
"A-ah!" nabigla yung babae pero tinanggap nya yung pera, "Dyan sa may sementeryo malapit sa simbahang malaki. May
dinadalaw eh. Pabalik na siguro yun, kanina pa lumabas yun. Kung gusto mo magintay ka muna dito."
"Ah hindi na, makikisabi sa kanya na pagdating nya magdiretso sa bahay ng mga Sandford dahil kung hindi malilintikan talaga
sya." umalis na ako nun dahil wala akong balak maghintay, wala sa bokabularyo ko ang pagiintay sa taong mga walang
kwenta.
----
< Eya's POV >
"Naku kang bata ka! Pumunta ka dun sa Sandford whatever kung anuman yun!" pagkarating na pagkarating ko sa restaurant,
sinabi sakin ni auntie yung nangyari kanina habang wala ako. May isang lalaki daw na naghahanap sakin tapos super galante
daw na binigyan daw nya si auntie ng 5thou para lang makuha ng info kung asan ako.
"Ayoko auntie! Wala naman akong trabaho dun pag weekends eh!"
"Wala akong pakelam, pumunta ka dun kundi malilintikan ka sakin!" ang kulit ni auntie, basta kasi sa pera madaling masilaw.
Amp.
"Eh tita---Aray!" bigla nya akong kinurot sa tenga.
"Pumunta ka pag hindi ka pumunta lago---"
"Opo! Opo! Pupunta na apo ako, bitawan nyo na po tenga ko!" napapaangat ako sa kinatatayuan ko sa sakit ng kurot eh.
Sa huli, wala na lang talaga akong nagawa kundi pumunta sa bahay ng halimaw na yun. Argh.
"Hoy halimaw na nagbalot gayong isda! Hindi ka na nakakatuwa ah!" sa sobrang inis ko talaga sa kanya, sumugod ako sa
bahay nya at kinuha ko yung fire extinguisher sa may hallway ng bahay nila at sinipa ko yung pinto ng kwarto nya, nakita kong
nabigla sya sa ginawa ko.
"H-hoy! Anong ginagawa mo sa fire extinguisher!" natatakot na parang ewan nyang sinasabi.
I've gone nuts and laughed like crazy, "I'M GONNA EXTINGUISH MONSTERS LIKE YOU IN THIS WORLD!
BWAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Finire ko na yung fire extinguisher sa kanya, "Noooooooooooooo!"
"Yes! BWAHAHAHAHA!" nawawala na ako sa sarili ko at tumatawa ng sobrang evil habang ini-extinguish ko sya. Lumiit sya
ng lumiit at wala pang isang minuto eh nagpoof out na sya. And this is the end of this story, and I live happily ever after!
Tulugan na!
Pero syempre joke lang lahat ng yun. Imagination ko lang yun na sana matupad.
Ang nangyari talaga eh pumunta ako sa bahay ng mga Sandford at nakacross arms na pumasok sa kwarto ni CM(Cookie
Monster), nakabusangot ang mukha ko sa inis.
"Sino ka sa tingin mo para sagutin mo ako ng ganun kagabi sa telepono ha?!"
Ako po si Darna. "Eh sino ka naman kaya sa tingin mo para papuntahin ako dito sa bahay mo kahit Sabado ha?!"
"Bayad ang araw na 'to sa pagskip mo ng trabaho mo kahapon! Baka nakakalimutan mong pati Friday may trabaho ka dito!"
Nagmake faces na lang ako. Sige na, talo na ako.
"Oh!" nabigla ako ng may hinagis sya saking paperbag, buti nasambot ko. Medyo malaki ito eh at mabigat.
"Ano 'to?" nagtatakang tinignan ko ang laman nun, meron dung damit na color black tapos meron ding box ng sapatos dun sa
loob ng paperbag.
"Edi damit at sapatos! Tanga ka ba? Anong sa tingin mo yan."
Nginitian ko sya ng naaasar, "Ehe. Alam ko. Ibig kong sabihin, para saan 'to? Anong gagawin ko dito?"
"Suot mo yan para sa party mamaya."
"Party ni Lory?" nabigla sya sakin sa sinabi ko.
"Kilala mo si Lory?"
"Oo, bestfriend ko. May angal ka?"
Parang namutla syang ewan tapos nilayo nya yung tingin nya,"Ah wala, wala. Sige bumalik ka na sa kwarto mo. Tatawagin na
lang kita pag may kelangan ako. Kelangan bihis ka na bago mag-eight."
Yun lang yun sinabi nya, lumabas na lang ako. Ano kaya problema nun? Namutla? Baka may lagnat.... weh, yun lalagnatin?
Nah, hindi tinatablan mga halimaw ng lagnat... baka may sapi lang yun.
Nagdiretso na lang talaga ako sa kwarto ko sa bahay ng mga Sandford. Tinignan ko kung anong laman nung paperbag.
Nilabas ko yung black dress at tinapat sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, sleeveless 'to at mahaba. Buti na lang hindi
maigsi, nakakahiya kasi, ang panget ng legs ko ang dry masyado. Tapos tinignan ko rin yung sapatos, silver sya at hindi
naman masyadong kataasan yung heels, buti na lang kasi kung hindi baka mamatay ako dahil lang sa takong.
Meron pa dun sa loob ng paperbag eh, isang mask na may tali, kinuha ko ito. Isa syang Venetian mask na pang-mata, silver
ang design nito na puro swirls tapos sa gilid nito sa right ay may naka-attach na isang white feather na manipis. Sinukat ko
sya at tumingin sa salamin, nakakatuwa naman. Ang kyoot kasi nung mask. Buti na lang masquerade ang theme, atleast pag
ganto hindi ako manliliit dun kasi nakatakip yung mukha ko! bwahaha.
----
8pm, Herm Palace.
Nakarating na kami ni Cross sa birthday party ni Lory. Ewan ko, may sapi nga ata talaga si Cross kasi habang nasa byahe
kami wala syang imik at hindi nagtataray. As in, para syang anghel kanina sa tahimik. Nanibago nga ako, hindi kaya may
kumidnap sa totoong Cross? Para kasing hindi sya eh.
Nung pagpasok namin dun sa palace, grabe... sobrang laki at nakakalula. Red yellow or something yung kulay ng paligid,
tapos sobrang elegante pa ng dating ng mga tao dun. Bongga lang talaga ha. Pero wala akong makilala sa kanila kasi puro
sila nakamaskara. :|
"Asan kaya si Lory?" sabi ko sa sarili ko habang nagpapalinga linga sa paligid, nagbabakasakaling makita ko sya.
"Wag ka ng umasang makikita mo yun hangga't hindi pa nagmi-midnight."
"Eh?!"
"Ang alam ko kaya masquerade ang theme nito eh dahil sa gusto ni Lory na magpakita pagpatak ng 12am, hindi pa kasi
ngayon ang birthday nya. Bukas pa. Kaya sa palagay ko, nasa paligid lang sya pero walang nakakaalam kung sino sya at
kung anong suot nya."
"Waaaa. Talaga?" pero hindi nya na ako pinansin dahil nagdirediretso na sya sa paglalakad. "Uy! Wait! Teka lang!" sa sobrang bilis nya sa paglalakad at sa hindi ako sanay maglakad sa sapatos na may heels kahit
mababa lang, hindi ko nagawang mahabol si Cross. Nawala sya at ngayon, nagiisa ako sa malaking palace na ito na walang
kakilala.
Paano na ba yan? Kung katulad nga ng sinabi ni Cross ang mangyayari, edi malabo bang mabigay ko 'tong kwintas na
pinabibigay ni Chad sakin? Ohno. Ayokong sirain ang proposal plan ni Chad. Shet naman oh. Kelangan mahanap ko si Lory
before the clock strikes at 12am.
"Excuse me, ikaw ba si Lory?" "Ah, ano ba!" "Oops, sorry."
"Excuse me, ikaw ba si Lory?" "Nope." "Ah, okay. Sorry."
Halos lahat na ata ng tao, natanong ko. Nakakapagod magikot, minsan ata feeling ko paulit ulit na yung mga taong
natatanungan ko kaya siguro yung iba naiinis na sakin pero okay lang, it's not like marerecognize nila ako sa mask ko.
Medyo napapagod na ako kaya naman nagstop muna ako dun sa may buffet table para kumuha ng inumin. Nagrest muna ako
dun ng ilang minutes, ansakit rin kasi sa paa nung heels ah.
"Does your feet hurt?" nabigla ako nang may lumapit saking lalaki na syempre hindi ko kilala kasi nga diba nakamask lahat ng
tao, remember?
Tumango lang ako at ngumiwi, "Oo eh, hindi kasi ako sanay."
"Wow, strange. Usually girls like high heels and they're pretty used to it."
"Well, hindi naman lahat. Actually, ngayon lang ako magsusuot ng sapatos na may heels. Rubber shoes girl kasi ako.
hehehe." tumawa rin sya sa sinabi ko.
"Haha! You're funny and different but you're quite interesting."
"Different? Ako? Hindi po ako martian."
"Ahahaha! No, that's not what I meant. But anyway, ako nga pala si Memo, Memo Clarkson. And you are?"
Memo? Memo Clarkson? Saan ko nga ba narinig yan... nabasa ko ata yung name na yun eh... pero saan nga? Umm... Hindi
ko maalala. Memory gap again. :|
"My name's Eya. Nice to meet you."
"Nice meeting you too, Eya." bigla nyang inabot yung kamay ko at hinalikan nya ito na ikinabigla ko, "What a pretty name, you
must be a beautiful person."
"AHAHA! Jinojoke mo ba ako? Ako maganda? Nah!" palibhasa kasi nakamaskara ako kaya hindi nya makita pagmumukha ko!
Ahaha.
"Don't say it like that, don't say you're not pretty. Girls are created to be beautiful creatures." wow, what a charmer naman 'tong
isang ito.
"Ahaha. Believe me, magbabago isip mo kapag tinanggal ko maskara ko."
"Eya my dear, don't judge yourself with just physical aspects. I believe that you're not ugly no matter what Cross says. Para
sakin, lahat ng babae maganda."
Nabigla ako sa sinabi nya, "Wait, kilala mo si Cross? Tsaka, paano mo nalamang connected ako kay Cross?"
Ngumiti lang sya, "I know everything, Reah Rodriguez."
"What?! Alam mo rin real name ko?" hindi na sya sumagot nun, ngumiti lang sya at tumalikod na.
Pero bago sya maglakad paalis eh tumigil sya at lumingon ulit, "Lory's dress is a violet tube gown with butterfly designs in it.
Her mask is also color violet."
"Wait!" pero naglakad na sya palayo, hahabulin ko sana kaso natabunan na sya ng maraming tao at nalito na agad ako kung
sino at nasaan sya dahil sa dami ng nakamaskara.
Nakakapagtaka, bakit alam nya ang pangalan ko? Bakit alam nya ring hinahanap ko si Lory? Tsaka alam nya kung anong suot
ni Lory? Sino naman kaya yun? Memo daw eh. Sino ba sya? Ninja ba sya? Eh?
Sumakit yung ulo kakaisip kung sino yung Memo na yun, sobrang napipiga yung utak ko. Atsaka pagod na pagod na talaga
ako at nagugutom na kaya kumuha na ako ng pagkain at umupo sa isang vacant table.
Kumakain ako ng may biglang tumabi sakin, "Miss, pede pashare ng table?"
Isang babae na mahaba ang buhok na kulot, nakablue gown sya.
"Sure." pagkasabi ko nun nilapag nya na yung mga pagkain nya sa table, andami ng nakalagay sa plato nya. By the way, tatlo
ang plato nya, tatlong platong puno.
"Ah miss, tanong lang... Iyo bang lahat yan?"
"Ah eto bang mga pagkain?" tinuro nya yung mga plato, "Ah oo, diet ako ngayon eh."
"Ano?! Diet?! Pero tatlong plato na yan ah." O.O
"Ahahaha! Oo, promise, diet ako. Usually kasi nakakalimang plato ako eh. Alam ko weird pakinggan pero abnormal lang kasi
talaga ang digestion system ko eh. Ano pala pangalan mo, miss?"
"Ah, ako si Eya."
Tinanggal nya yung mask nya at feeling ko natomboy agad ako, ang ganda nya eh, ang haba ng pilik mata nya tapos bilog na
bilog yung mga mata nya, bagay pa sa kanya yung bangs nya. Ang cute din ng cheekbones nya pati na rin dimples nya, "Hi
Eya, ako nga pala si Momo!"
"Wow. Ang ganda mo naman."
"Waaa. Don't say it like that, magbublush ako ng hindi oras. Ahihi." ang kulit nya, hinawakan nya yung dalwa nyang pisngi at
nagshake ng ulo.
"Ahaha. Pero maganda ka naman talaga eh."
"Sus. Kung maganda ako eh bakit hindi ako napapansin ni Syncbabes?! That guy!!! Hmp!"
"Sinong Syncbabes?"
"Ah, siya yung sikat na singer ng bandang Syntax Error! Sya yung taong mahal ko na kahit anong effort ang gawin ko ini-
ignore lang ako. My love, it hurts so much. Ajujuju. "
Araykupo. Inlove ata siya sa isang sikat na person.
Pero masyado akong natuwa sa pakikipagusap kay Momo, sa totoo lang naging friends na kami in a short time. Nalaman ko
ring sa same school lang pala kami napasok, nasa senior nga lang sya. Sabi nya pede daw kami magkita anytime sa school
after nitong party. Sobrang bait nya at friendly, akalain nyo yun, hindi lang pala talaga mga halimaw ang meron sa Willford
Academy, may mga anghel din naman pala... kaso rare lang.
Hindi ko na namalayan ang oras, naghiwalay kami ni Momo ng mga 5minutes na lang bago mag12. Nung mapagtanto ko ang
oras, sobrang nataranta ako at nagmadaling hanapin si Lory. Ang sabi nung Memo, basta daw nakaviolet tube na dress si
Lory na may butterflies.
Paikot ikot na ako dun sa palace and atlast, nakita ko rin sya!
Tumakbo ako papunta sa kanya habang hawak ko yung kwintas sa kamay ko kaso bago ako makarating biglang namatay ang
ilaw at sa pagkabigla ko at dahil na rin sa dilim, naapakan ko yung damit ko at nadapa ako. Sa pagkadapa ko nabitawan ko
yung necklace at hindi ko alam kung saan sa sahig nalaglag.
Narinig ko ang sigawan at pagkataranta ng mga tao nung mamatay ang ilaw, ako sobrang natataranta na rin kasi hindi ko
alam kung saan ko hahanapin yung necklace. Habang naglalakad ako sa dilim biglang may dumanggil sakin na para bang
may tumakbo sa harapan ko, dalwang tao yung bumunggo sakin.
Isa lang ibig sabihin nun, siguradong si Chad yun. Umaksyon na sya at ngayon tumatakbo na sya kasama ang taong hinigit
nya papunta sa garden ng palace. Pero teka... diba nga nabitawan ko yung necklace? Paano nya nahanap si Lory? Eh?
"Hala. Bakit namatay ang ilaw, wala 'to sa plano ko." lalo akong nataranta at nabigla nang marinig ko sa tabi ko ang boses ni
Lory, sigurado akong boses nya yun. Hinawakan ko kaagad ang kamay ng nasa tabi ko, "Aaah! Sino ka!"
"Lory? Ikaw ba yan? Si Eya 'to." pagtatanong ko sa dilim habang hawak ko ang kamay nya.
"Eya?" nung ma-assure kong si Lory nga ang hawak ko ay hinigit ko na sya palabas ng hall ng palace.
"Lory, sumama ka sakin! Bilis!" kelangan dalhin ko kaagad si Lory sa garden ng palace kasi mali yung nadalang tao ni Chad!
Kung sinuman nadala nya, mali talaga! Kasi kasama ko si Lory! Sa tingin ko nung nalaglag yung necklace, siguro may
nakatapak nun or baka kung sino yung malapit dun sa necklace yun yung nadetect ni Chad sa transmitter,kaya ayun inakala
nyang yun na si Lory. Patay ako, ano ba 'tong gulong ginawa ko. Baka magalit sakin si Chad. >.<
"Wait, Eya! Saan tayo pupunta?"
"Bilis!" hawak ko ang kamay nya habang yung isa kong kamay ay nakahawak sa damit ko habang natakbo para hindi ako
madapa. Nangangapa lang ako sa dilim pero sigurado akong dire diretso lang ang daan ng garden, nung hinahanap ko kasi si
Lory kanina napasilip ako sa daan papuntang garden pero hindi ako dumiretso dun kanina.
----
< Cross' POV >
Alam ko na kung sino si Lory, nakaviolet na dress. Pero wala akong intensyon na magpakilala sa kanya, baka makita lang ako
ni Chad at magkagulo pa dito. Ayoko sirain ang birthday ni lory. Pero asan na kaya yung bastardong yun? Baka andyan dyan
lang, hirap kasi sa party na 'to wala kang makilala puro nakamaskara. Potaena.
*CLICK!*
Huh? Namatay ilaw?
*Crick*
Nung humakbang ako pagkamatay ng ilaw, bigla akong parang may natapakan, yuyuko sana ako para tignan o pulutin kung
anuman yun kasi hindi ko makita sa dilim pero bago pa man ako makayuko biglang may humawak sa kamay ko at may
humila.
Aangal sana ako nang marinig kong magsalita yung humila sakin,"Sssh! Wag kang maingay, just run with me and trust me."
Eh? Si Chad ba 'to? Boses nya eh. Pero sa paghigit nya, napatakbo na lang din ako. May kelangan ba sya sakin? Importante
ba? Baka tungkol kay Lory? May nangyari kayang masama nung biglang nagkablack out? Mabuti pang sumama na lang ako.
Binitawan nya lang ako nung makarating na kami sa garden ng palace, buti na lang kasi parang ang gay ata nung kanina,
hawak hawak nya pa yung kamay ko. Yuck.
Magsasalita na sana ako kasi mas nauna sya kaya pinili ko na lang manahimik.
"Makinig ka munang mabuti, sana patapusin mo muna ako bago ka magsalita. Gusto kong marinig mo muna lahat ng gusto
kong sabihin."
Eh? Oh sige, shoot lang. Makikinig ako tsaka tinatamad rin naman ako magsalita, ayaw kong magaksaya ng laway sa walang
kwentang taong 'to. Tumayo na lang ako dun at nagcross arms at inantay na lang ang mga salitang sasabihin nya.
"Alam ko, may iba kang mahal." eh? ano bang gustong iparating nitong si Chad?
"Pero hindi ka naman nya mahal eh, wala syang kwentang tao."ako? Sino ba mahal ko? Wala naman akong mahal ah. Ano ba
problema nitong si Chad? Nakadrugs ba 'to?
"Ako, mahal kita."
WHAT THE F---CENSORED--K. Is he gay?!
-------------
< Eya's POV >
Nakarating na kami sa garden at nasorpresa kaming parehas ni Lory sa nakita namin.
Si Chad ay nakatalikod kay Cross na nakacross arms na hindi mo na maintindihan ang itsura nito, parang nasusukang
naaasar na hindi na talaga maintindihan ang expression ng mukha ni Cross.
"Mahal na mahal kita, please.... marry me." at ang nakatalikod na si Chad ay humarap kay Cross, nilabas pa ni Chad ang box
na may lamang singsing.
"Seriously, are you gay?"
---------- Dear diary,
Waaaaaaa! Wala na akong maintindihan. Kasalanan ko kung bakit nakapagpropose si Chad kay Cross ng hindi oras tapos
nakita pa ni Lory! Ano na lang iisipin ni Lory! Baka magalit pa sakin si Chad! Tapos si Cross, hindi ba pedeng ihagis na lang
sya pabalik sa Mars? Uwaaaa!
- Eya
ps. nakakadepress 'tong gabi na ito -------------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- thirteen
< Chad Jimenez’s Point Of View >
It’s almost midnight and I can see that the transmitter is moving, I don’t know if Miss Pepper Spray has given it to Lory. I have
enough trust with Peppy, I know she’ll be able to give it on time.
Tik.Tok.Tik.Tok.
Lights off. It’s already midnight, time to steal my Cinderella.
I ran off to where my transmitter leads me, hindi ko na iniintindi yung mga taong nababangga ko.
“Here you are!” hinawakan ko kamay nyaR uhhR bakit ata parang lumaki kamay ni Lory? It must be my imagination, “Come
with me, trust me.”
I said that with all my sincerity para hindi sya matakot at sumigaw at para na rin magtiwala syang sumama sakin, I know she’ll
recognize my voice naman eh kaya I’m not worried that she'll be afraid.
Tumakbo kami hanggang sa garden ng palace sa likod, she quietly follows me as I hold her handR. which has quite gotten
big? Well, I don’t really care if it’s big or not, it’ll always be the hand I’ll kiss and hold forever.
I let go of her hand upon entering the garden, I can feel butterflies in my stomach --- that’s so gay I know pero sabi nila, when
you’re inlove everything turns pink.
“Makinig ka munang mabuti, sana patapusin mo muna ako magsalita . Gusto kong marinig mo muna lahat ng gusto kong
sabihin.“ I said that ‘coz I don’t want to get interrupted kasi as soon as ma-interrupt ako baka mabulol bulol na ako at hindi na
ulit ako makapagsalita, I want her to listen only.
This is my first time doing this to a girl. Lory is the only girl I fell inlove with, the only and will only be.
“I know this makes no sense but,” since proposal is not even needed between us dahil arranged marriage kami ng parents
namin since mga bata pa kami still I want it to be atleast formal and I would want us to experience such thing like this
proposal.
Kinuha ko na yung ring box mula sa bulsa ng tuxedo ko at hinarap ko sya, “Will you marry me?”
Pero pag harap ko, para akong nanigas sa kinatatayuan koR
Imbis na magandang dilag ang nasa harap ko ay isang bakulaw na nakacross arms at may grossed out na expression, “Are
you gay?”
Nothing could have been worst if only Lory hasn't seen a thing butR
“Chad! I’m sorry!” I heard Peppy’s voice from our side and when I turn to her, I saw Lory with her with a very shocked
expression.
Nabitawan ko yung ring box and it fell on the floor, my emotions flushed in complete disarray. I don’t know what I feel right
now, disappointment? Anger? Sadness? Astonishment? It’s all f.cking together.
“Chaaaaaad!” napasigaw sina Peppy at Lory pagkasuntok ko kay Cross, I punched him in the face and because he didn't
expect that he fell right on the floor holding his jaw, there’s blood on his lower lip.
“Cross, are you okay?!” Lory hurriedly and worriedly went to Cross’ side.
“Like what the f.ck was that for?!” I ignore Cross and watch how worried Lory is for Cross.
Why in all person must it be Cross that I’ve proposed to?!
“I can’t f.cking believe this.” umalis na ako, hinawakan ko yung kamay ni Peppy.
“Chad!” she said surprised and a bit afraid.
I ignore and pull her with me but before leaving the place, I stop to greet Lory for the last time,“Yeah, happy birthday.”
“Wait Chad!” Peppy protests but I only ignore her and pull her with me as I walk away.
- - -
< Eya’s POV >
“Yeah, happy birthday.” Pagkagreet nya kay Lory ng hindi man lang nililingon ito ay hinigit nya na ulit ako.
“Wait Chad!” hindi ko alam kung bakit nya ako hinihigit at sinasama sa kung saanman basta palabas ng garden. Hindi nya ako
pinapansin basta hinihigit nya lang ako.
“Chad! Teka lang, Chad!” hindi nya talaga ako pinapansin, hinihila ko yung kamay ko pero ang higpit ng hawak nya sakin hindi
ko man lang matanggal ang kamay ko.
“Chad! Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?!” natatakot na talaga ako kasi nakalabas na kami ng palace. Naglalakad na kami
sa kadiliman ng kalsada, hirap na hirap na nga akong maglakad kasi nakaheels ako tapos ang haba pa ng damit ko tapos ang
bilis bilis nya pa maglakad.
“WILL YOU PLEASE SHUT UP?!” nabigla ako ng sumigaw sya pero dahil inis na rin ako hindi ako nagpatalo sa sigaw nya.
“Eh excuse me eh, I’ll shut up kung hindi sana ako nahihirapan maglakad sa heels na ‘to noh?! Ikaw kaya maglakad ng
nakaheels tapos ang bilis bilis mo pa maglakad ewan ko na lang kung shu-shut up ka!”
Bigla syang tumigil sa sinabi ko, binitawan ang kamay ko at humarap sakin at lumuhod.
“O-oy!” nabigla ako ng bigla nyang hinawakan ang paa ko at tinanggal ang sapatos ko sa parehas na paa at pagkatanggal nya
nun hinagis nya na lang sa tabi yun at hinigit na ulit ako.
“Teka! Hoy teka! Bakit mo tinanggal yung sapatos ko at tinapon mo pa?!!!”
Tumigil ulit sya, “You said you’ll shut up! Tinanggal ko na yung sapatos mo na may heels, hindi na siguro mahirap maglakad
noh? KAYA SHUT THE F.CK UP AND WALK OBEDIENTLY."
Natameme na lang ako, nakakatakot kasi yung pagkakasigaw ni Chad. Sumunod na nga lang ako sa pagkakahila nya kahit
naglalakad ako ng nakayapak lang. Uwaaa. Ano bang gulo 'to. Saan ba ako dadalhin ni Chad?
3 Possibilities na pagdadalhan sakin ni Chad:
1. Sa Ilog Pasig --- itatali nya ako at ilalagay sa loob ng sako tapos itatapon sa river
2. Sa tindahan ng karne --- ipapa-chop chop nya ako at ipagbebenta ang karne ko
3. Sa gubat --- itotorture nya ako at sasaksakin hanggang sa mamatay ako tapos ipapakain nya ako sa mga intoxicated
rabbits
HUWAAAA. Lord, help me. huhuhu. T^T
Pero hindi naman nya siguro gagawin sakin yun kahit galit sya diba?
"Uy Chad!" "Chad, uy!" "Oy kamusta Chad?!"
Habang nakatungo at nagdadasal ako habang higit higit ako ni Chad, napatingala na lang ako nang makarinig ng mga taong
tumatawag sa pangalan nya na wari'y binabati sya pero hindi nya pinapansin ang mga ito.
Ah, andito kami sa UnderConstruction?
Kitang kita ko sa labas nito ang maraming nakatambay na tao, mapalalaki mapababae. May naninigarilyo, may nagiinom,
meron nga rin atang nagdudrugs--- basta halo halo ang ginagawa.
Sa labas pa lang rinig mo na ang tugtog mula sa loob ng Underconstruction.
♪♪~ Eh eh eh Baby, you're looking fire hot I have you open all night like an iHop I take you home baby let you keep me company You gimme some of you, I give you some of me ~♪♪
Now Playing: Carry Out by Timbaland ft. Justine Timberlake
♪♪~ You look good, baby must taste heavenly I'm pretty sure that you got your own recipe So pick it up, pick it up, yeah I like you I just can't get enough I got to drive through ~♪♪
Upon entering UnderConstruction, mas lalong lumakas yung music tapos medyo masakit sa mata yung ilaw, sobrang dilim
kasi sa club tapos yung ilaw nanggagaling lang sa mga lights sa taas na pagalaw galaw, I don't even know what party people
call them. Basta ilaw na may iba't ibang color, may blue, may red, may yellow--- basta iba iba kaya nga masakit sa mata eh
hindi kasi ako sanay eh.
Tapos halo halo pa ang amoy --- mas umaalingawngaw ang amoy ng alak.
~♪♪ Cause it's me, you, you, me, me, you all night Have it your, way, foreplay Before I feed your appetite
Let me get my ticket baby, let me get in line I can tell the way you like, baby, supersize Hold on, you got yours, let me get mine I aint leavin until they turn over the closed sign
Check it ~♪♪
Lakad lang ng lakad si Chad at basta na lang ako hinihigit, he doesn't mind kung may nababangga ba sya o wala... sabagay
sino bang makakapagreklamo sa kanya eh family nya may-ari nito diba?
~♪♪ Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until you hear me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until it's lights out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out ~♪♪
"Sir Jimenez!" masiglang bati ng bartender sa kanya nung mareach namin yung bar counter, naghahagis hagis pa sya nun ng
bottles, ang cool nga ng effects kasi may lavalights sa mesa ng counter. All blue kumbaga ang light effects.
Nilapit lang ni Chad ang mukha nya dun sa bartender without even letting go of my hand,"Tequila, vodka--- anything strong.
Bring them all in my room."
~♪♪ Number one, I take two number threes That's a whole lotta you and a side of me Now is it full of myself to want you full of me And if its room for dessert then I want a piece
Baby get my order right, no errors Imma touch you on the right areas I can feed you, you can feed me Girl deliver that to me, come see me ~♪♪
Nabigla ako sa inorder ni Chad, may balak ba syang maglasing? Pero hindi na lang ako umimik baka masigawan nya ulit ako
eh. Pagkatapos nyang umorder, hinigit nanaman nya ako.
Bigla kaming umakyat sa second floor tapos pumasok kami sa same old room. Saka nya lang ako binitawan, half closed lang
yung door dahil siguro inaantay nya yung mga drinks na inorder nya.
Walang imik imik na nagdiretso sya ng banyo ng kwarto, naiwan tuloy ako sa kwarto malapit sa pinto na nakatayo at parang
ewan na hindi alam ang gagawin. Bakit nya ba ako dinala dito? Dito nya ba ako iso-slaughter? AAHH. ERASE ERASE ang
mga bad at nakakatakot na imaginations! Mabait si Chad! Mabait si Chad! Mabait si Chad!
~♪♪ Cause it's me, you, you, me, me, you all night Have it your, way, foreplay Before I feed you appetite Do you like it well done, cause I do it well Cause I'm well seasoned if you couldn't tell ~♪♪
*tok tok*
"Ito na po yung inorder na drinks ni Sir Jimenez." pumasok na yung bartender kanina sa kwarto na may dalang table na de-
gulong at meron dung mga iba't ibang klaseng bote ng inumin tapos may dalwang baso. WAIT, dalwang baso?!
"Sige po." umalis na yung bartender. WAaa. Bakit dalwang baso?!
"ARGGGGGGGGGGH!" nabigla ako nang mula sa banyo ay narinig ko ang galit na sigaw ni Chad at parang may nalaglag na
mga gamit. Anong nangyayari sa kanya sa loob ng banyo? Ahhh. Ako ay natatakot, promise.
"UGGGGGGGGGGH!!!!" narinig ko nanaman ang sigaw nya. This time nagdecide na akong lumapit sa pinto ng banyo at
kumatok na ako.
"Chad! Ayos ka lang ba dyan?!"
Walang sumagot. Tapos maya maya ng konti narinig kong nagbukas ang gripo, medyo ilang segundo bago namatay yung
gripo. Pagkatapos nun nabigla ako ng bumukas yung pinto, inilabas nito ang isang Chad na basang basa ng tubig mula ulo
hanggang half ng t-shirt nya, niremove nya na ata yung jacket ng tuxedo nya.
~♪♪ Now let me walk into your body until you hear me out And turn me on, my baby, dont you cut me out ~♪♪
Tumutulo sa dulo ng mga buhok nya ang tubig, basang basa din ang mukha nya.... opo, tawagin nyo na akong manyak pero
ang masasabi ko lang po... ang HOT nya.
"Yeah, ayos lang ako. So why don't we start drinking?" ngumiti lang sya pero hindi ako sure sa ngiti nyang yun, bigla nya
akong hinila muli at pinaupo sa kama, tumabi sya sakin.
"D'you drink?"
"Ah oo," simpleng sagot ko. Ano ba namang klaseng tanong yun diba? D'you drink? But of course! Lahat naman ng tao
nainom diba? Edi namatay ka kung hindi ka iinom diba? Nakakamatay kaya ang uhaw, naturally kelangan mo ng tubig para
mabuhay sa mundo.
~♪♪ Say Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until you hear me out
Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until it's lights out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out ~♪♪
"Good." yun lang yun sinabi nya tapos binuksan nya na yung isang bottle ng hindi ko alam kung ano... pero alak yun diba?
Nagsalin sya sa baso tapos inabot nya sakin, inabot ko pero, "Alak 'to diba?"
"Yup."
Binalik ko sa kanya yung baso, "Ayoko."
"Sabi mo umiinom ka."
"Yeah pero tubig lang or juice or coke. Pero alak hindi."
Natawa sya ng konti, "Ah, I understand."
Pero nakita kong dinagdagan nya pa yung laman ng baso na inabot nya sakin kanina, "Pero diba may kasalanan ka sakin?"
"H-ha? Naku Chad! Sorry talaga! Sorry sorry 1million times! Hindi ko naman---"
"Sshhh... just recompensate with this," inalok nya nanaman yung baso ng alak.
"Pero Chad..." nagdadalwang isip talaga ako, hindi ako marunong uminom... never akong uminom ng alak... as in NEVER.
~♪♪ What's your name? What's your number?
I'm glad I came Can you take my order?
What's your name? Girl, what's your number? I'm glad I came Can you take my order? ~♪♪
"Now, you don't want me to get angry, do you?"
Umiling ako at no choice na kinuha ko yung baso.
"That's my girl," tapos kinuha nya pa yung isang baso at nagsalin din dun ng alak, "Now, let's have a toast for my proposal
failure!"
Tinaas nya yung baso nya pero ayoko itaas yung baso ko kasi toast for his proposal failure? Naguguilty ako. Pero hinawakan
nya yung kamay ko at pinilit itoast yung baso ko sa baso nya. Aaaah! Nakakaguilty. >.<
Naiinis ako sa sarili ko at sa katangahan ko, sinira ko ang proposal ni Chad!!!! >.<
Sa inis ko sa sarili ko at sa pagkaguilty ko ng sobra, ininom ko na lang agad at basta yung alak sa baso ko, dire diretso ko
syang ininom, walang tigil kahit may nararamdaman akong masakit sa lalamunan. Diniretso ko sya hangga't hindi nauubos
yung laman ng baso.
Matapos maubos yung laman ng baso, naipatong ko sa mesa yung walang laman na baso at napayuko ako. Feeling ko may
sudden earthquake or something kasi umiikot yung paligid ko tapos parang sobrang naiinitan ako.
"Chad... ang init... may sunog ba?" hirap na sabi ko, sobrang feeling ko pinagpapawisan ako na hindi ko maintindihan. Ang init
talaga.
"Wala naman pero tama ka nga, ang init." nakita kong naglagay ulit sa baso nya si Chad ng panibago tapos sinalinan nya ulit
yung baso ko, "Inom ka pa!"
~♪♪ Come over here (what's your name?) Come closer (what's your number?) Over here (I'm glad I came) A little closer (can you take my order?) Come over here (what's your name?) Come closer (what's your number?)
Over here (I'm glad I came) A little closer (can you take my order?) ~♪♪
Ininom ko ulit yun kasi sobrang naiinitan ako akala ko mawawala init na nararamdaman ko kung iinom ako pero pagkaubos ko
nun, mas lalo akong nahilo and this time parang nadagdagan yung init at parang wala na akong maintindihan... para bang
nagbubuhol na yung isipan ko.
"C-chad! Ang init! Aircon--- aircon!" feeling ko nasa loob ako ng oven, ewan ko... hindi ko maintindihan kung anong klaseng init
ang nararamdaman ko sa katawan ko. Nasisinok na rin ako.
"Mainit nga eh! Inom pa tayo baka lumamig! hiks!" naglagay nanaman ulit sya sa mga baso namin. Uminom ulit kami.
"Chad mainit pa rin! hiks!"
"Oo nga eh! hiks! B-bakit ganun?" tinanggal nya yung shirt nya, "Ang init talaga! Pero inom pa rin tayo!"
Naglagay ulit sya sa mga baso namin, uminom ulit kami.
~♪♪ Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until you hear me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until it's lights out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out ~♪♪
"Hindi ko na kaya, sobrang init! hiks!" tinanggal ko yung maskara ko at pati na rin ang damit ko, hinagis ko na lang ito sa
sahig, "Aaah! Yan mas malamig!"
"Hahaha! Paanong hindi lalamig, wala kang damit eh! hahaha!"
"Oo nga eh! hahaha!" ewan ko, natatawang ewan na ako na parang nababaliw na ewan na nawawala sa sarili.
~♪♪ Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until you hear me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out Take my order cause your body like a Carry out Let me walk into your body until it's lights out Turn me on, my baby dont you Cut me out Turn me on, my baby dont you Cut me out ~♪♪
"Naiinitan talaga ako, malamig ba labi mo?" ang sumunod nun hinalikan nya ako. Humalik din ako sa kanya. Tinulak nya ako
pahiga sa kama, naghahalikan pa rin kami. Hindi nya na ako kilala, hindi ko na sya kilala, hindi na namin kilala ang mga sarili
namin.
------ Dear diary,
Sino na lang ang nakakaalam kung ano at hanggang saan ang nangyari samin ni Chad sa gabing 'yon.
- Eya
-----------------------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- fourteen.one
"Hmm..."
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko dahil medyo naalimpungatan na ako. Medyo napapapikit pa ulit ang mata ko dahil
sa pagtama ng sikat ng araw sakin. Nilagay ko ang braso ko sa noo ko para maharangan ang pagtama ng sikat ng araw sa
mukha ko.
"Ughhh." bakit ganun? Parang ang sakit ng ulo ko? Humarap ako sa gilid ng kama ko para makita kung anong oras na, "10 na
pala."
Okay lang naman na tanghali na gising ko since Sunday naman at wala akong trabaho sa resto o kayna Cross.
"Ang sakit sakit talaga ng ulo ko." sabi ko habang pinipilit bumangon sa kama ko.
Nung nakatayo ako sa wakas kahit medyo masakit ulo ko eh nagdiretso ako sa banyo para maghilamos, nasa may baba pa
yung banyo eh.
Nagbasa muna ako ng mukha para mawala yung antok at sakit ng ulo ko. Pagkatapos nun kinuha ko na yung toothbrush ko at
nilagyan ito ng toothpaste at sabay nagbrush na sa ngipin ko, sobrang sakit ng ulo ko nakapikit tuloy ako sa pagtotoothbrush.
Pero pagmulat ko ng mata ko at nakita ko ang reflection ko sa sarili ko sa salamin, napatigil ako sa pagtotoothbrush at----
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"
Joke lang. Hindi ako sumigaw, nagtotoothbrush nga ako diba? May laman bibig ko so paano ako makakasigaw?
Napatigil lang ako sa pagtotoothbrush at napadura agad sa lababo.
"Kaninong damit ito?!" hawak hawak ko yung damit at tinitignan maigi. Isang malaking black shirt sya na dahil sa laki umabot
sya hanggang tuhod ko. "Bakit ito suot ko? Asan na yung gown? Teka ano bang nangyari kagabi?!"
"Hoy Eya!" biglang kumatok si auntie sa banyo, "Sino ba kausap mo dyan?"
"Ah wala po, yung toothbrush po!" nakita kaya nina auntie na panglalaking shirt ang suot ko? Tsaka anong oras na ba ako
umuwi kagabi? Tsaka paano ako nakauwi?
"Toothbrush? Anak ka naman ng! Bahala ka nga dyan. Nababaliw na ata 'to." yun na lang yung sinabi ni auntie at hindi na ulit
sya kumatok.
Tumingin ulit ako sa salamin tapos sa damit na suot ko, inamoy ko ito ---- amoy pabango ng lalaki! AAAAH. Kanino ba 'to?!
Bakit ito suot ko?!
Bakit wala akong maalala kagabi?! Nauntog ba ako sa pader kaya wala akong maalala at ganto kasakit ang ulo ko?
AH TAMA. May naaalala ako kahit papaano...
"Nakita ko na nun si Lory eh, bibigay ko na sana yung necklace then BOOM, namatay yung ilaw nadapa ako at nalaglag yung
necklace tapos---- sh.t! Nagpropose si Chad kay Cross tapos nakita pa yung ni Lory!" nalagay ko yung kamay ko sa mukha
ko, "Tapos... tapos... tapos... urgh. Ang sakit talaga ng ulo ko, hindi ko maalala ng ayos..."
Pagkatapos kong maghilamos, lumabas na ako ng banyo at nagpalit na agad ng damit ko kasi kinikilabutan talaga ako pag
nakikita ko yung shirt na suot suot ko na hindi ko alam kung kanino at hindi ko alam kung papaanong naging suot ko yun.
Bumaba na ako ng kwarto at nakita kong nagbabasa ng dyaryo si auntie, wala naman kasi syang magawa since sarado ang
resto.
"Auntie,"
"OH?!" mataray at walang lingon likod na tanong ni auntie. Menopause na talaga nuh?
"Pede bang magtanong?"
"Nagtatanong ka na diba?" osigena auntie, ikaw na pilisopa.
"Hehe," napakamot na lang ako ng ulo, "Kagabi paano ako nakauwi dito?"
"Tingin mo? Baka lumipad ka." sarcastic na sabi ni auntie.
Tinaas ko yung kamay ko at iniimagine na sinasaksak ko ang likod ni auntie habang inis na inis ako, pede naman kasi
sumagot ng maayos diba? Argh.
"Auntie naman eh... yung seryoso po."
"Aba malay ko! Ngayon nga lang kita nakita eh! Himbing na hambing kami sa tulog ng uncle mo kagabi ni hindi namin
namalayan na nakauwi ka na eh."
"Ay ganun po ba?"
"Oo! Oo! Kaya lumayas ka na sa harapan ko at ako'y nababanas lamang sa iyo."
Bago ako umalis binehlatan ko muna sya sa likod, napakataray kasi eh. =.=
Nagtimpla na lang ako ng milo at kumain ng konting tinapay at pagkatapos nun lumabas na ako para bumili sa pharmacy ng
gamot para sa masakit na ulo. Para kasing nabibiyak yung ulo ko eh.
Naglalakad lang ako papuntang pharmacy since hindi naman kalayuan yun. Habang naglalakad kinuha ko yung wallet ko para
icheck kung may dala akong pera, tama meron akong 50pesos pa!
"ARF! ARFF!"
"Ay asong kalabaw!" nabigla ako ng tahulan ako nung asong gala sa may kalsada. Hindi naman sya mukhang pulgasin, infact
may breed yung aso, kung hindi ako nagkakamali isang Beagle 'tong asong 'to. Pero nagdiretso na ako sa paglalakad at
inignore na lang yun since hindi naman ako fan ng mga aso saka antipatiko sya ah! Tinahulan nya ako kahit wala akong
ginagawa!
"ARF! ARF! ARF!" napalingon ako dun sa aso, nakatingin sakin at tinatahulan talaga ako.
"GRRRR. ARF! ARF! GRRR." omg. nakakatakot yung aso, bukod sa tinatahulan ako parang galit ito at ang sama ng tingin
sakin.
Dahan dahan akong naglalakad palayo habang sinasabing, "Good doggie, good doggie."
"GRRR. ARF! ARF!" ayaw nya talaga akong tigilan sa pagtahol, kinakabahan na ako sa asong ito. Wala pang tao sa paligid,
HELP! Uwaaaa.
"Dyan ka lang ha! Wag kang lalapit sakin!"
"ARF! ARF!" palakas ng palakas yung tahol nya sakin tapos naglalakad sya palapit sakin.
"Nakakaintindi ka ba ng tagalog? O sige tatranslate ko sayo sa english, stay there ok? Don't come near me."
"ARF! ARF!" tahol pa rin sya ng tahol at palapit ng palapit sakin.
"Ano ba! Natagalog ko na at na-english sayo, hindi ka naman korean diba? Kung sakali wala akong alam na korean,
saranghae na lang doggie! Saranghae!" takot na takot na talaga ako dun sa aso, galit na galit yung expression nung aso at
parang anytime susunggaban na ako eh.
"ARF! ARF!" tumakbo sya palapit sakin, nanigas ako sa kinatatayuan ko at napalagay na lang yung kamay ko sa mukha ko at
pumikit na lang ako sa takot.
"Shawtie! Stop it!" napamulat ako at tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakatakip sa mukha ko nang may marinig akong
boses ng lalaki na sumigaw na para bang may pinapagalitan.
Nakita ko yung aso, imbis na sugudin ako eh lumampas lang sakin at paglingon ko sa likod nakita kong pinuntahan nito ang
isang lalaki, amo nya ata?
"Bad Shawtie, bad." sabi nya pagkaluhod nya at hinawak hawakan yung ulo ng aso nya. Tuwang tuwa yung aso, amo nya
siguro?
Tumingin sakin yung lalaki, "Wag kang magwawallet na pusa ang design, ayaw ni Shawtie sa mga pusa eh like any other
dogs."
Napatingin agad ako sa coin purse ko na nilabas ko kanina, ay oo nga! Pusa nga pala design nito!
"Buti na lang dumating ako in time kundi baka nalapa ka na ni Shawtie." "Oo nga, thank you ah. Sobrang kinabahan ko, akala ko magiging living adobo ako in no time eh."
"Haha. Wala yun, basta sa susunod wag ka ng magdadala sa labas ng mga animal designed na gamit especially pag pusa,
who knows baka maka-encounter mo nanaman si Shawtie." napatingin ako dun sa aso, ansama ng tingin sakin at mukhang
gusto talaga akong lapain kung wala lang siguro itong amo nya. Yikes!
"Ahehe. Oo nga eh."
Bigla syang lumapit sakin tapos may inabot syang paper bag, "Para sayo."
"Ha? Ano 'to?"
"Hindi ka naman panget eh, kelangan mo lang talagang matutong ayusin ang sarili mo. Tandaan mo, hindi man talaga
mahalaga ang physical aspects pero hindi rin natin maikakaila na sa mundong ito, bago mapansin ng tao ang magandang
kalooban mo yung panlabas mo muna ang titignan nila." tumalikod na sya sakin, "Sige Eya, kamusta mo na lang ako kay
Cross!"
Naglakad na sya palayo sakin pero nabigla ako ng sabihin nya yung pangalan ko, kilala nya ako? Pati si Cross?
"Wait! Sino ka?!"
"Ako si Memo pero hindi na mahalaga ang pagkatao ko dahil sa storyang ito, hindi ako kasali."
"Ha?!" Memo? Hindi ba sya yung kagabi? Yung nagsabi sakin kung anong kulay at design ng damit ni Lory?
"Sabihin na nating, nakiki-epal lang ako sa storya ng mga kabarkada ko." naglakad na talaga sya palayo habang ang isang
kamay ay kumakaway at ang isa ay nakapamulsa, nakasunod lang sa kanya yung aso nya.
Naiwan ako dun na nagtataka talaga. Sino ba sya? Tsaka wait, ano ba 'tong binigay nya sakin?
"Panghilamos ng mukha? Facial scrub? Toner? Cream? Papel?" tinignan ko yung papel at binasa nakasulat, "Para hindi
dumami at lumaki ang pimples mo, iwasan mong kumain ng mga pagkain na maraming sugar lalo na ang chocolates. Eat lots
of vegetables and fruits, wash your face twice or thrice a day. Exercise is a must. Drink lots of water."
"Huh? Dermatologist ba sya? But anyway, ang bait nya para bigyan ako ng free stuff tsaka tips--- I really need these things
since lumalala na yung pimples ko pero dahil sa mahal ng mga gamot wala naman akong mapambili, hanggang ponds lang
ako pero hindi naman sya effective. By the looks of these medicines mukhang mamahalin. Baka dermatologist nga talaga
sya?" tinignan ko pa yung laman nung paper bag, "Lotion? Lip balm? Woah. Bakit nya ako binibigyan ng mga 'to? Fairy
godfather ba sya?"
---
Umuwi na ako sa resto after kung makabali ng gamot. Ininom ko kaagad yun pagkauwi at isinantabi sa desk ko sa kwarto
yung paperbag mula dun sa lalaking ang name ay Memo, matanong nga kay Cross bukas kung kakilala nya yun.
Speaking of the devil, nakita ko yung paperbag sa tabi ng kama ko na may nakalagay na dress--- yun yung dress na sinuot ko
kagabi na pahiram(?) sakin ni Cross. Mabuti pa labhan ko na at ng maisaoli ko na sa kanya bukas.
Wait. Asan yung sapatos? Kinalkal ko yung paperbag pero wala dun. Asaaaan?
--- flashback
“Chad! Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?!” natatakot na talaga ako kasi nakalabas na kami ng palace. Naglalakad na kami
sa kadiliman ng kalsada, hirap na hirap na nga akong maglakad kasi nakaheels ako tapos ang haba pa ng damit ko tapos ang
bilis bilis nya pa maglakad.
“WILL YOU PLEASE SHUT UP?!” nabigla ako ng sumigaw sya pero dahil inis na rin ako hindi ako nagpatalo sa sigaw nya.
“Eh excuse me eh, I’ll shut up kung hindi sana ako nahihirapan maglakad sa heels na ‘to noh?! Ikaw kaya maglakad ng
nakaheels tapos ang bilis bilis mo pa maglakad ewan ko na lang kung shu-shut up ka!”
Bigla syang tumigil sa sinabi ko, binitawan ang kamay ko at humarap sakin at lumuhod.
“O-oy!” nabigla ako ng bigla nyang hinawakan ang paa ko at tinanggal ang sapatos ko sa parehas na paa at pagkatanggal nya
nun hinagis nya na lang sa tabi yun at hinigit na ulit ako.
*end of flashback*
Oo tama! Naalala ko na! Nagalit ata sakin si Chad nun kasi nga kasalanan ko kung bakit nasira yung proposal nya kay Lory!
Tapos hinigit nya ako, tapos---- argh. Ang sakit ng ulo ko, ang hirap alalahanin.
Hindi kaya sa galit ni Chad, hinampas nya ulo ko sa pader kaya naman ganto kasakit ang ulo ko at hirap akong umalala ng
mga pangyayari kagabi?
---sudden flashback
"Naiinitan talaga ako, malamig ba labi mo?"
OHSHEETS. Tama ba yung naaalala ko? Bakit biglang may scene na ganun ang sumulpot sa isip ko? Yun ba yung nangyari?
Tama ba ang naaalala ko? O.O
"Hala..." napahawak ako sa labi ko at nabulong sa sarili ko, "Naghalikan kami ni Chad? Nakaunderwears lang ako,
nakatopless sya... humiga kami sa kama tapos... tapos... bakit hindi ko maalala yung sumunod na nangyari?!!!"
Napatingin agad ako dun sa basket ng marumihan ng damit ko sa may malapit sa pinto ng kwarto ko, "Ibig sabihin kay Chad
yung shirt na yun? Wait, ang gulo! Wala akong maintindihan. Ano bang nangyari samin?"
Nahawakan ko ang katawan ko, "Umabot ba kami hanggang DUN?"
----
Monday. Pasukan nanaman.
Medyo inaantok pa akong naglalakad sa may hallway papunta sa classroom ko. Nagya-yawn pa nga ako sa antok eh, para
tuloy akong living zombie dito sa hallway.
"Goodmorning!" nabigla ako nang mula sa likod ko ay may yumakap sakin, "Peppy!"
Isa lang tumatawag sakin ng ganun at feeling ko nawala yung zombie spirit ko at parang nabuhayan ako ng dugo at bigla ulit
nawala yung dugo ko, kinilabutan ako at may nagflashback bigla sa isipan ko.
"Naiinitan talaga ako, malamig ba labi mo?" "Naiinitan talaga ako, malamig ba labi mo?" "Naiinitan talaga ako, malamig ba labi mo?"
"AAAAAAHHHHHHH!" kinilabutan ako sa naaalala ko at dahil dun napasigaw ako at tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa
likod ko at tumakbo ng mabilis palayo sa kanya.
"Peppy! Teka lang Peppy!" naririnig kong tawag nya sakin pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo ng mabilis. Takbo lang ako ng
takbo kahit hindi ko alam kung saan ako napunta, basta makalayo lang ako sa kanya kahit saan na lang ako napapatakbo.
*BOOOGSH!*
Napatigil lang ako sa pagtakbo nang sa biglang liko ko ay may nakabangga ako, natumba tuloy ako sa sahig.
"HOY IKAW! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!" galit at masungit na sabi ni Cross. Si Cross yung nakabangga ko.
"A-ah! O-oo! S-sorry!" I said stammering pero hindi ako nakatingin sa kanya habang tumatayo ako, tumitingin ako as likod at
sinisiguradong hindi ako nasundan ni Chad.
"Anong problema mo? Bakit namumutla ka? Para kang nakakita ng halimaw."
"Ah oo, nakita kita eh."
"WHAT?!"
"Ah wala wala, sabi ko may humahabol kasing white lady sakin kanina. Kilala mo si Sadako? Ayun, nakita ko sa c.r. ng girls."
joke lang yun syempre pero napansin kong namutla yung mukha ni Cross.
"AHAHAHA! Takot ka ba sa multo Cross?!! AHAHAHA!" I can't believe this, ang masungit, mataray at halimaw na si Cross ay
takot sa multo?! HAHAHA. Ang laking joke nito promise! Sasakit ang tyan ko dito. XD
"H-hindi ah!" inis at mapride nyang sabi. Sus, deny pa sya eh halata namang takot sya.
"Ah talaga lang ha?" tinaasan ko sya ng kilay, "Gusto mo ipakilala ko sayo si Mary."
"Sinong Mary?!"
"Narinig mo na ba yung balita na pag alas otso daw ng gabi dito sa may school pag wala ng tao at patay na lahat ng ilaw, sa
may room mismo ng student council, meron daw babaeng nakaputi at duguan na may hawak na kandila ang umiiyak? Sabi
nila, narape daw sya sa loob ng room ng studentcouncil kaya naman hindi matahimik ang kaluluwa nya at kaya lagi syang
umiiyak dun pag alas otso. At ang sabi nila, Mary daw ang pangalan."
"T-talaga?" parang namumutla na si Cross sa sinabi ko. Ang totoo nun, gawa gawa ko lang yun at sinadya kong ilagay sa
studentcouncil room ang setting since alam kong madalas sya dun after ng class kasi nga president sya ng student council
diba? mwahaha. Halimaw sya tapos multo lang pala kinatatakutan nya? What the heck.
"Yup!" pinatong ko kamay ko sa balikat nya, "Gusto mo bang ipakilala kita kay Mary? Close kami nun."
Nginitian ko pa sya ng parang nananakot. Nawala na ata lahat ng dugo nya kasi sobrang putla nya na.
Tinabig nya yung kamay ko sa balikat nya at nagdiretso na sa paglalakad para iwan ako,"Tigilan mo nga ako sa kalokohan
mo!"
Natatawa na lang ako habang nakatalikod sya sakin at patuloy na naglalakad palayo.
Pero hindi pa sya nakakalayo ay tumigil sya sa paglalakad kaya naman napatigil din ako sa pagtawa, "Pagkatapos ng klase
mo, samahan mo ako sa studentcouncil room may kelangan pa akong tapusin para sa incoming school festival. Patay ka
sakin pag hindi ka pumunta! Dapat pumunta ka bilang personal maid ko, trabaho mo yun!"
Walang lingon lingon nyang sinabi yun tapos nagdiretso na talaga sya paalis. Ako naman natulala saglit tapos nung magets ko
na mga sinabi nya, napahagalpak na lang ako.
HAHAHA! ANG DUWAG! NAGPAPASAMA SA STUDENTCOUNCIL ROOM! NANIWALA NGA SA GAWA GAWA KONG
STORY. BWAHAHA. ISANG HALIMAW NA DUWAG SA MUMU, SAAN KA PA?! Edi kay Cross na! HAHAHAHA.
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry 14.2
< Cross’ POV >
“Sige president, aalis na ako ah.” Pagpapaalam ng huling kasama ko dito sa student council room, ang secretary ng student
council. Magse-seven na kasi eh kaya sabi nya uuwi na sya dahil may curfew sya, tapos yung iba naman matagal ng umalis
kasi may kanya kanya silang dahilan --- merong may clubbings, merong may mga afterclass, merong may dadalawin sa
ospital, merong natataeng nagl-LBM, merong namatayan ng ibon at kung anu ano pang mga dahilan na ewan ko pa ba kung
totoo. =.=
Argh. Gusto ko na rin umalis pero bilang president ng student council hindi pedeng umalis na agad ako hangga’t hindi ko
natatapos ang mga ‘to. Hindi ko naman pedeng sa bahay na lang tapusin ‘to since nandito lahat ng gamit para sa pagtatapos
ng program plan para sa school festival, hindi ko naman pedeng iuwi lahat ng materials dahil sobrang dami nila, hassle lang.
Pero tae naman, asan na ba yung panget na katulong na yun? Gugulpihin ko yun eh. Sinabi ng pagkatapos ng klase nya
dumiretso sya dito para gawin ‘tong mga trabahong ‘to, binabayaran sya tapos naglalakwatsa lang sya. Who does she think
she is eh?!
She’ll be dead meat pag nakita ko sya, binoboycot nya ako ha? Makikita nya. As for the meantime, kelangan ko ng magconcentrate dito sa mga ginagawa ko.
“So ang section II-B, gusto gumawa ng maid café. Meron silang budget na 20,000. Sino nga ulit representative nila?” hinanap
ko yung mga list ng representatives ng klase sa makalat na long table, “Argh. Napakakalat dito, asan ba yung listahan na
yun?!”
“Psst.”
Teka. May sumitsit ba?
“Ah that’s just my imagination,” pinikit ko mata ko at shinake ko ng konti ang ulo ko para alisin sa utak ko yung imagination na
may sumitsit. Pinagpatuloy ko na lang yung paghahanap ng listahan sa table, “Halo halo na dito ang mga papel eh, wala ng
main---“
“Psst.”
Lumingon lingon ako, “Sino yan? Is someone there?”
Walang sumagot. Ah, imagination ko lang talaga yun. Mabuti pang tapusin ko na ‘tong mga ‘to para makauwi na talaga ako
bago mag-alas otso.
“Psst.”
(O.o) (o.O) /(O.O)\
“S-sino yan?!! Kung ako pinagloloko mo, g-gugulpihin kita!” pananakot ko sa kabila ng panginginig ng boses ko.
*CLICK!*
“Brownout?!” biglang namatay yung ilaw, feeling ko magpapanic na ako kasi sobrang dilim taposR
“Psst.”
Tapos may sumisitsit nanaman ulit! Ayoko na! Natatakot na talaga ako, pero wala pa namang eight o'clock ah? Masyadong
napaaga sa appointment si Mary, diba sabi ni panget tuwing alas otso daw yun nagpapakita? Pero wala pa namang eight eh!
Seven pa nga lang eh! Masyado syang advance ng 1hr, masyado syang excited! Aaaahhh! Nababading na ako sa takot. >.<
"Shet!" nabigla ako nang biglang nakarinig ako ng malakas na pagkakasarado ng pinto tapos ilang saglit lang sa loob ng
madilim na student council room bigla na lang may umilaw at sa tapat ng ilaw na yun ay isang mukha na hindi ko masyadong
nakita pero sigurado akong nakakatakot ito dahil may mga nakaharang na buhok. Biglang nawala kaagad yung ilaw kaya hindi
ko alam kung imagination ko lang ba yun o hindi pero dahil dun, sobrang nanginginig na yung tuhod ko sa takot, nabitawan ko
na nga yung mga hawak kong papel at nalaglag na sila sa sahig. Wala pang ilang segundo, may umilaw nanaman at sa tapat
ulit nito ay may mukha nanaman pero katulad nung una eh namatay agad ang ilaw pero this time, mukhang mas malapit sya
sakin. Mukhang nagte-teleport ito palapit sakin time by time.
Gusto kong sumigaw sa takot pero walang lumalabas sa bibig ko, para bang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagtitindigan
ang balahibo ko sa katawan, pati na yung sa kili kili at yung sa baba---alam nyo na kung saan. (hindi, joke lang XD) Tae,
nakakapagjoke pa ako sa isip ko ng gantong oras, syet lang--- maiihi ata ako sa pantalon ko sa sobrang takot.
Sa ikatlong pagkakataon biglang, bumukas ulit yung ilaw at may mukha nanaman sa tapat nito but this time, nasa malapit ko
na ito, as in konti na lang yung distance.
"Boo!" sinabi nya yun sa sobrang hina pero nakakatakot na boses.
"G-go a-away!!" pagtataboy ko dito kasi naglalakad sya palapit sakin.
"Mommy!!!!" natatakot na talaga ako habang palapit sya ng palapit sakin, I need my mommy!!! T^T
Pero... naputol yung takot ko kasi...
"Ayyy----!!! Anak ng---!" biglang sabi nung multo tapos para syang nadulas at dahil malapit sya sakin, natumba sya sakin at
nagkauntugan ang mga ulo namin. Ang lakas ng pagkakauntog kaya naman pagkatapos nun, napahiga kaming parehas at
nawalan na ako ng malay.
< Eya's POV >
Sobrang pagpipigil na ng tawa ang ginagawa ko habang palapit ako kay Cross, tinatakot ko kasi sya, pinatay ko yung ilaw dito
at sinarhan ko yung pinto tapos nagdala ako ng flashlight at nilagay ko sa unahan ng mukha ko yung ilang parte ng buhok ko.
Bubuksan ko paminsan minsan yung flashlight sa tapat ng mukha ko habang palapit sa kanya para takutin sya at sa tingin ko
effective. Ngayong naglalakad na ako palapit sa kanya eh halata kong takot na takot na sya.
Pede na akong mamatay sa kakatawa. :"3
Pero nung malapit na ako sa kanya, may bigla akong naapakan na papel at dahil sa pagkaapak ko dun, dumulas ako at
nauntog ako sa ulo ni Cross. Nawalan ako ng malay pagkatapos nun sa lakas ng impact ng pagkakauntog namin sa isa't isa.
"Hmm...Arghh...Asan ako?" sabi ni Cross pagkagising nya.
"Gagu. Anong line yan? Nasa movie ka ba? Nasa fiction ka ba? Edi nandito tayo sa school, tsong wala kang amnesia kaya
wag kang dumali ng "asan ako" line."
Nauna akong nagkamalay kay Cross. Dinala ko sya sa may pader at naupo ako sa tabi nya at sumandal sa pader habang
inantay syang magising kanina.
"Teka... asan si Mary?!" talagang naniniwala sya dun?! =.= "May regla sya ngayon, hindi makakarating." =.= "Ha? Nireregla ba mga multo?" "Oo, sini-circumsize nga rin sila eh." =.= "Ah, talaga?"
Nasapo ko yung ulo ko, "Bopols ka ba o bopols ka lang talaga? Bakit ka ba nagpapaniwala sa mga sinasabi ko?! Hindi totoo
mga sinasabi ko. Ni hindi nga totoo si Mary eh!"
"Totoo si Mary! Nakita ko sya kanina! Bakit ngayon ka lang kasi dumating?! Anong oras na ba?!" "Walang Mary, okay? Gawa gawa ko lang yun." "Eh paano yung nakita ko kanina? Paano mo papaliwanag yun? Totoo si Mary! Tara ng umalis dito!" "Relax! Ako lang yun kanina, tinatakot lang kita. Kung makikita mo lang mukha mo kanina, grabe! Laughtreeeep! bwahahaha!"
"ANO?! IKAW YUN?!" galit na tanong nya. "Yup. Ayaw mo pa kasing umamin na takot ka sa multo eh, caught in the act ka tuloy!"
"GRRRR! THIS IS ANNOYING! YOU'RE FIRED!" sigaw nya sakin. Woah. Nagalit talaga sya? But it was just for the sake of
fun. O.O
Ganun ba talaga kalaki yung impact ng pananakot ko sa kanya?
"You can't fire me." calm na sagot ko since ang pede lang makapagfire sakin eh ang dad nya. "YES I CAN. I'M GONNA TELL DAD RIGHT AWAY AND I'LL CONVINCE HIM TO FIRE YOU AND IM GONNA FIND A NEW
ONE!" bigla syang tumayo, "IM SO F.CKING OUT OF HERE."
With the help of the moonlight na tumatagos sa konting parte ng student council room, nakita kong nagdire diretso sya sa
pinto at sinubukan nyang buksan ito, "Huh?! Bakit ayaw magbukas?! F.ck! Open you f.cking beep beep censored beep
censored!
Minumura, sinisipa at ginugulpi nya yung kawawang pintuan pero ayaw nitong magbukas.
"It's no use, nakalock na yan." Humarap sya sakin, "What d'you mean locked?!!" "Simple english you don't understand?! Ano ba sa tingin mo ang meaning ng lock? Siguro open? Siguro pedeng buksan?
Tsong, common sense, COMMON SENSE. Ayyy, baka wala ka nun, sorry ngayon ko lang naisip, wala ka ata nun." nakakainis
eh, masyado kasi syang ma-agitate sa kawawang nakalock na pintuan.
"Shut the beep censored beep up! Bakit nakalock 'to?! Pakana mo rin ba 'to?! I swear I'm gonna sue you after this!" "Hoy! Sue mo mukha mo! Ang babaw mo ha, hindi ko kasalanan kung nakalock yan! Nagising na rin ako na nakalock na yan!
Sino ba gustong malock sa isang room kasama ang isang katulad mo? Baliw lang may gusto!" "Eh bakit nakalock ha?!!! Explain mo nga!" "Aba malay ko nga, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Nagising na lang ako na nakalock na yan! Malay ko dyan, baka nalock na
ng janitors or ng guards since sasarhan na nila school, akala siguro nila wala ng tao kasi sarado na yung pinto tapos patay na
rin yung lights! Ewan ko! Ano ba malay ko!" "Argh! This is your so beep censored beep beep censored fault!" kanina pa sya mura ng mura ah. Napapasarap sya sa
pagmumura ah. =.=
"I'm gonna call someone for help." nilabas nya yung cellphone nya mula sa bulsa nya, "Sh.t! Bakit ngayon ba nalobat?! Oh
sht. oh sht!"
"Hoy!" bigla nya akong tinawag.
"Oh?!" "Akin na cellphone mo." paguutos nya. "Wala ako nun." "Anak ng! Pulubi ka talaga! Dukha, mahirap, hampas lupa." "Oo na! Alam ko mahirap ako, hindi kelangan sabihin lahat ng synonyms at other terms nito. Kasalanan ko ba kung wala
akong cellphone? Ikaw nga may cellphone, lobat naman, anong sense? Tapon mo na yang cellphone mo."
"Makasalita 'to, upakan kita dyan eh! Grr!" nilift nya yung right hand nya na kunwari susuntukin ako pero that was just for
demonstration ng inis nya. Hindi nya naman siguro talaga ako sasaktan kahit pa sabihing monster sya.
"Tsk. No choice kundi magovernight dito at magantay na may magbukas nito bukas ng maaga." naglakad sya sa kabilang side
ko, kung ako nasa right corner andun naman sya sa left corner, basta malayo sakin. Umupo sya at sumandal sa pader, bakas
pa sa mukha nya yung pagkaiyamot. Hindi ko na lang sya pinansin at tumulala na lang sa kawalan.
No choice na lang talaga kundi magstay dito overnight kasama yang halimaw na yan. Tae, karma ko ata 'to sa panloloko sa
kanya kanina. Patay lang talaga ako kina auntie kasi bukod sa hindi ako uuwi, wala pa ako sa resto para sa part time
mamaya. Pakshet lang. Ay sorry sa badword, nahawa na ako kay Cross. =.=
Matagal tagal din na katahimikan ang namagitan samin nang biglang...
"Narinig mo ba yun?" medyo nagulat ako nang magsalita si Cross. "Ha? Ang alin?" sinubukan kong tignan sya sa kabilang dulo kaso hindi ko makita since hindi sya maabot ng liwang ng buwan.
"Ayun! Narinig mo ba? Baka ikaw nanaman yan ah, sasakalin kita pag pinagtitripan mo nanaman ako!!!" "Oy, wala akong ginagawa ah! Nanahamik ako. Inaano kita dyan." "Hindi talaga ikaw y-yun?" "Ang alin?" "Yung sumisitsit?" "Ha? Sumisitsit?" "Wala ka bang naririnig?"
"psst."
"AAHHHHHHHHH!" parehas kaming sumigaw at parehas kaming napatayo at nagkabungguan kami sa gitna pero this time
hindi naman kami nawalan ng malay. Parehas lang kaming tumakbo sa takot, napaupo kaming parehas, magkatabi habang
parehas kaming nakahawak sa laylayan ng uniform ng bawat isa dahil sa takot,
"Narinig m-mo yun?" nanginginig pang tanong ni Cross. "O-oo! Promise h-hindi na ako yun." nanginginig din ako sa takot. "S-sya na ba yun?" "E-ewan ko!"
Parehas kaming takot na takot, nakaupo lang kami dun, hawak hawak ang laylayan ng bawat isa. Siksik na nga kami sa isa't
isa kahit ang lawak lawak ng space dahil sa sobrang takot namin. Pagkatapos ng huling sitsit ay wala na kaming narinig pero
natatakot pa rin kami, tumagal kami ng nakaganun siguro sa loob ng 1oras o mahigit.
Since wala na kaming naririnig medyo kumalma na ako.
"Wala na siguro sya, baka natulog na inantok na." "Tingin mo?" "Siguro. Ewan ko! Pero basta wag natin isipin yung kung anuman yun! Mabuti pa magdaldalan na lang tayo ng kahit ano basta
malibang man lang natin mga isip natin sa kung anu ano! Kasi kung tatahimik lang tayo ng ganto baka mamaya may marinig
nanaman tayong hindi kanais nais!" "Eh anong paguusapan natin?" "Kahit ano! Kahit katangahan basta kahit ano!" "Wala akong maisip, ikaw na magisip ng topic!"
"Hmmm..." sinubukan kong magisip ng pedeng pagusapan namin,"Ah! Tama naalala ko, may kilala ka bang Memo?"
"Memo? Memo Clarkson?" "Ewan ko apelyido pero basta Memo, kilala ka kasi nya eh." "Ah kaibigan ko yun, bakit mo natanong?" nagtataka nyang sabi, sa tono ng boses nya para bang hindi sya makapaniwala at
may sobrang pagtataka sya na kilala ko yung Memo na yan. "Wala lang... natanong ko lang." ayaw ko ng mag-go on sa details na nakilala ko yun sa debut ni lory tapos binigyan ako ng
mga kung anu anong echos. Importante eh nalaman kong kaibigan pala yun ni Cross pero... bakit kaya kilala ako nung Memo
na yun? Hmm. Walang sense kung itatanong ko kay Cross since mukhang wala naman syang alam, infact nagtataka pa nga
yung tono ng boses nya kasi nakilala ko yung kaibigan nyang yun.
"Ah." yun lang yung sinabi nya, anobayan, ang effort nyang makipagusap ah. =.= "O ikaw na magisip ng topic!" "Bakit ako?" =.= "Alangan ako?! Ako na nga unang nagbigay eh! Ikaw naman!"
"O sige, ilan pusa nyo sa bahay?" "Wow. Ang interesting naman ng topic mo, nakakagana, ang lively pede na akong magpamisa. Tse, wala kaming pusa." =.= "Wala kang pake, wala akong maisip na topic eh. O sya, ikaw naman ulit."
"O sige na nga, diba magkababata kayo ni Lory?" "Oo." "One man, one word ka ba? Ang tipid mong sumagot eh!" "Wala kang pakelam! O sige its my turn na!" "Pero hindi pa ako tapos---!" marami pa akong gustong itanong about sa kanila ni Lory eh. =.= "Shut up. Turn ko na." pagpipilit nya, para bang ayaw nya nung topic, iniiwasan nya ba ang pagusapan ang tungkol kay Lory?
Hmm... "Nakapanty ka ba?"
Nabigla ako sa tanong nya kaya sinapak ko sya.
"Aray! Bakit mo ako sinapak! Potaena mo naman!" "Eh ano ba naman kasing tanong yan?! Maggawa ka naman ng topic na mahusay! Yung may sense! Yung matino at hindi
nakakadiri na questions! At wag din yung mga pangelementary na topic!"
"Tss. Ang arte. O sige, teka magiisip ako..." nagisip sya ng konti, "Bakit nga pala kilala mo si Chad? Nung debut ni Lory, nakita
ko hinigit ka nya paalis eh."
Feeling ko nagblush ako nun, pag naaalala ko si Chad-- may iba na agad na napasok sa isip ko.
"Naiinitan talaga ako, malamig ba labi mo?"
Ah, lagi na lang nagfaflashback yun tuwing maririnig ko pangalan ni Chad. >.<
"Oh ano na? Hindi ka na sumagot?" "A-ah! Si Chad ba? Ah nakilala ko lang sya dito. Nakasalubong ko sa hallway, nagkausap kami saglit tapos yun naging
magkaibigan na kami." "Ah." <--- napakaboring na kausap. =.=
"O sige na, ako na ulit magiisip ng topic." ang bilis naman magchange ng topic nuh? napakareproductive nya kasing kausap,
over, "So ayun nga, bakit parang hindi ko ata nakikitang close kayo ni Lory? I mean hindi kayo laging nagkakausap sa
school..."
"Change the topic." "Bakit?" "Basta!" "Eh bakit nga?!" "Just change the fcking topic, okay?!!" "Okay, okay." pagsurrender ko since nagagalit nanaman sya, sumisigaw nanaman eh, "Teka... ano bang topic... hmm...Paano
mo ba malalaman kung nakuha na yung virginity?"
Ay shet. Ano ba yun natanong ko. Biglaan.
"Ano bang tanong yan?!" "Ah wala, wala! Sige papaltan ko na!" napapahiya talaga ako, sa lahat lahat ng lalabas sa bibig ko, iyon pa yung natanong ko!
>.< "Wag na, sige sasagutin ko tanong mo. Malalaman mo pag hindi ka na virgin eh pag sa unang gabing ginawa nyo yun eh may
dugo sa bedsheet nyo. Tapos sobrang sakit ng pagkababae mo. Yun lang alam ko since hindi naman nawawalan ng virginity
ang mga lalake eh." "Ah ganun ba..." "Bakit hindi ka na ba virgin?" parang nangaasar na sabi nya.
"Tse! Ikaw na magtatanong!" hindi na nga ba ako virgin? Uwaaa. hindi ko alam. >.<
"Sus. O sige ako na, teka... hmm... paano ka nakapasok sa school na 'to? Eh as far as I'm concerned para lang 'to sa mga
models&popular students, yung may mga career lang sa media ang pedeng pumasok dito... Eh ang panget panget mo tapos
dukha ka pa, so paano nakapasok ang busabos na tulad mo?"
Wow. Todo sa lait?
"Scholar ako tapos for the requirement, model ako." =.=
Bigla syang tumawa sa sagot ko, "BWAHAHAHAHA!!!!!!!!!!! BWAHAHAHA!!!! The best joke na narinig ko sa buong buhay ko!
BWAHAHAHA!"
"Sige tawa ka lang, mamatay ka kakatawa dyan." =.= "Pero di nga? Ano naman minomodel mo?! I can't believe it, yang mukhang yan may minomodel?!" grabe ha, lait master ba
sya? Palibhasa kasi may itsura sya kaya ganan na lang sya makalait, pare parehas talaga silang mayayaman. =.=
"Wala ka ng pake dun. Ako na magtatanong. "Teka, ano nga minomodel mo? hahaha!"
Sasagot pa lang ako kaso naputol ako sa sasabihin ko at pati sya, naputol sa tawa nya kasi bigla na lang...
"GRRRRRRRRRRRRR."
hindi ko kinaya, sobrang natawa ako sa narinig ko. It's my time na pagtawanan naman sya ngayon. Bigla ba naman kasing
tumunog ng malakas yung tyan nya.
"Wag ka ngang tumawa! Sa gutom na ako eh! Anong oras na kaya ni hindi pa tayo kumakain!" "Palibhasa kasi tyan ng mayaman ka, hindi sanay magutom. Oh teka," may kinuha ako sa bulsa ko at inabot sa kanya, "Ayan
oh, yan lang meron ako pagtyagaan mo na. Pampalipas gutom din yan." "Ano 'to?" pagtatakang inobserbahan nya yung inabot ko sa kanya. "Boy bawang. Tigpipiso sa kanto. Masarap yan lalo na pag gutom ka." "Nakakain ba 'to?!" "Ang arte mo! Pag gutom, hindi na nagrereklamo! Wag kang magalala wala yang lason, hindi ka mamamatay dyan! Kainin mo
na!"
Binuksan nya nga iyon at tumikim ng isa. Pinagmasdan kong nguyain nya yun ng may pagtataka na para bang tinitikman at
inoobserbahan talaga ang lasa nun, para bang panibago talaga sa panlasa nya. Mayayaman talaga oh, abnoy sa boy
bawang. =.=
"Oh ano? Namatay ka ba? Nalason ka ba?" sarcastic na tanong ko. "Pede na." tapos sumubo ulit sya, at sumubo pa ulit, at ng isa pa ulit, at inulit pa.... hanggang sa maubos nya.
"Masarap noh?" "Hindi."
"Deny ka pa, naubos mo oh. Ni hindi mo man lang ako binigyan." "Hindi ka naman humingi." selfish talaga, hindi man lang iniisip ang iba. =.= "Akin naman yun eh. Tss. Magagawa ko inubos mo na eh. Buti na lang meron pa ako." nilabas ko ulit ang isa pang boy
bawang.
Kung pedeng kuminang yung mata nya eh kuminang na ito sa tuwa. Mukhang takam pa sya sa boybawang.
"Penge!" biglang sabi nya. "Oy, inubos mo nga yung isang balot tapos hihingi ka pa. Maawa ka naman sakin hindi pa rin ako nakain nuh." "Anla! I want more!" parang batang sabi nya.
"O sige na nga, akin na kamay mo.." "Huh?" "Akin na kamay mo," hinigit ko kamay nya, "dyan ko lalagyan ng boybawang sa palad mo."
"Sarap na sarap ka sa boybawang ah?" hindi sya umimik at kumain lang sya.
Pagkatapos ng boybawang session namin, nagusap lang ulit kami ng konti kaso sa bandang huli naubusan kami ng topic kaya
tumahimik na lang kami. Sa katahimikan, hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.
----
"Ha? Anong ginagawa nyong mga bata dito?!" naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagsasalita
ng isang manong, janitor ata ng school na maagang nadating sa school para buksan ang mga rooms.
Denny's note: may new story ako entitled "I met a jerk whose name is Seven." <--- pabasa po please & thank you! ahyeah, plug time: may new public twitter account ako, follow if you want! :3 @diarynidenny http://twitter.com/diarynidenny
Entry --- 15
"Sorry talaga kung bigla akong nawala sa birthday mo, hinila kasi ako ni Chad paalis eh..." pag-eexplain ko kay Lory habang
kumakain kami under the same tree where we first talked, lunch time kasi namin ngayon eh and diba nga since bestfriend
kami dapat sabay kaming kakain ng lunches? She prepared me some good japanese foods, ang sarap nga eh kahit hindi ako
mahilig sa mga half cooked cuisines --- Lory would become a very good house wife someday. :"3
"Speaking of that, I haven't understood yet the occurrence of that night. I mean... you pulled me papunta sa garden then I saw
Chad proposed to Cross tapos he got angry and punched Cross and after that he just pulled you away with him. It was really
confusing..."
"Ah, yun ba. Let me explain... alam mo kasi," I stop halfway since nagdadalwang isip talaga ako kung sasabihin ko ba sa
kanya yung proposal thingy or not...
"What?" "Emm... You see, magpopropose dapat sayo si Chad that night, it just so happen that he pulled the wrong hand since 'twas too
dark due to the blackout. Sayo dapat sya magtatapat Lory, hindi kay Cross."
As soon as I said that, she got startled but not for long, nacompose nya agad yung sarili nya at yumuko sya, "He gotta be
kidding me."
"No, seryoso sayo si Chad! Eventhough I don't know a thing between you guys, I assure you na mahal ka ni Chad--- kitang
kita sa actions nya. Yung proposal, 'twas a sincere & sweet one only if it did not end in a disaster."
"You think so?" iniangat nya yung ulo nya na nakayuko kanina, she gave me an unexplainable cunning smile.
I nod.
"I don't like him, Eya. Magkakilala ba kayo?" "Ha? Oo." "Well, please help me. Tell him bad things about me, give him reasons for a turn off. Do something that will surely make him
dislike me. All ways there could be, please Eya... I don't like him." medyo nabigla ako kasi hinigit nya na yung sleeve ng blouse
ko tapos sobrang nagmamakaawa na sya. "H-ha? P-pero..." ayaw kong pumayag kasi... mahal sya ni Chad diba? Kahit ba may gusto ako kay Chad, ayaw ko namang
ilayo sya sa taong mahal nya... I mean, ayaw ko syang makitang masaktan at ayaw kong ako yung maging dahilan nun pero
anong gagawin ko, ina-ask ako ni Lory na gumawa ng paraan para ayawan sya ni Chad. "Please Eya!" "Pero bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya directly, I mean sabihin mo sa kanya na hindi mo sya gusto?" ayun lang yung
nicest way na naiisip ko, yung ireject nya na lang maayos ang nararamdaman ni Chad kesa gumawa ako ng mga paraan para
idislike ni Chad si Lory.
"It won't work." "Ha? What do you mean it wont work?" "Basta Eya! Promise me! Promise me that you'll help me to be disliked by Chad! And one more thing," she really look
desperate, "Help me to get Cross' attention. Help me to be liked by him."
She raised her little finger, "Pinky promise me please?"
Hindi ko alam kung bakit ikinabit ko ang little finger ko sa pinky nya, "Pinky promise."
----
Naglalakad ako sa hallway since tapos na ang klase ko. Wala ng masyadong tao sa hallway kasi late na akong lumabas ng
classroom since ako yung everyday cleaner ng classroom. My two-horned classmates assigned me to be the everyday
cleaner and since it's a unanimous decision, wala na akong nagawa.
"Ah!" napasabi ko nang biglang may mga kamay na nagtakip ng mata ko, napatigil ako at hinawakan yung kamay. Malalaki ito
pero malambot, sa laki ng kamay sigurado akong hindi ito pambabae.
"S-sino 'to?!" sinusubukan kong tanggalin yung kamay sa mata ko pero hindi ko matanggal.
"Hulaan mo kung sino." narinig ko pa lang yung boses nya hindi ko na kelangan hulaan pa kung sino. Sanay na ako sa boses
nya, kilala ko na 'to.
"C-chad!"
Tinanggal nya yung pagkakatakip sa mata ko, "Tama ka dyan, Peppy!"
Hindi na ako lumingon sa kanya pagkatanggal nya ng kamay nya sa mga mata ko, kumaripas na agad ako ng takbo.
"H-huh? Wait Peppy! Bakit ka tumatakbo?!" oo, tumakbo ako at hinahabol nya ako ngayon. Bakit ako tumakbo? Kasi tuwing
malapit sya sakin, tuwing andyan lang yung presence nya 1meter away from me, nagfaflashback automatically lahat ng
naaalala ko that night...
"Naiinitan talaga ako, malamig ba ang labi mo?"
Ah. Lagi na lang nagrereplay yung last scene na yun. Lagi na lang! Aaaaaahhhh!!!!
"Wait Peppy! Ano ba! Bakit mo ako tinatakbuhan!" hindi ko sya nililingon, takbo pa rin ako ng takbo, I'm running as fast as I
can na akala mo ba hinahabol ako ng aso.
"Peppy naman eh! Wait lang!" naririnig ko pang sigaw nya habang hinahabol ako.
"Teka lang kasi sabi!" napatigil ako sa pagtakbo ng mahawakan nya yung braso ko at hinila ako ng malakas para mapatigil
ako sa pagtakbo. Naabutan nya agad ako kahit full speed na ako.
Tatanggalin ko pa lang sana ang pagkakahawak nya sa braso ko nang...
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!*
Nabigla na lang ako sa nakakabinging whistle mula sa isang taong nakatayo at nakapameywang sa dulo ng hallway.
"THE TWO OF YOU, IN MY OFFICE! NOW!" uh-oh. Sya ang terror disciplinary teacher namin. Bawal sumigaw at tumakbo sa
hallway, pede naman kaso wag ka nga lang magpapahuli sa terror disciplinary teacher na 'to. At sa lahat ng malas, ako na ata
ang pinakamalas kasi nahuli pa kami nitong terror na 'to. =.=
Lalapit na sana samin si teacher kaso bigla na lang...
"Takboooo!!!" dahil sa hawak pa ni Chad ang kamay ko bigla syang sumigaw nun at hinigit ako palayo kay teacher na ngayon
ay hinahabol kami at sinisipulan ng whistle nya na nakasabit sa leeg nya.
"Stop!!! Stop!!! BEEEEEEEEEEEEP!!!"
"Bilis Peppy, hindi dapat tayo magpahuli!"
"T-teka lang Chad! Mas lalo tayong mapapagalitan nito!" sabi ko habang tumatakbo na rin kasi no choice naman ako kundi
tumakbo kasi nga hila hila nya ako sa kamay.
"Okay lang yan, bukas limot na tayo ni teacher. Trust me, malilimutin pa yan sa lola ko eh! hahaha!" tawang tawang sabi ni
Chad. Sa itsura nya, mukhang masaya talaga sya--- wala ba syang naaalala? I mean kung makalapit sya sakin parang walang
nangyari, parang yung dating pakikitungo nya pa rin sakin--- yung makulit. I mean diba dapat magalit sya sakin since nasira ko
nga yung proposal nya kay Lory? O kaya naman hindi nya na ako papansinin or magiging awkward sya sakin dahil dun sa
gabing yun sa UnderConstruction?
Kasi ako ganun nararamdaman ko, I really feel awkward with him. Pero siguro sa kanya, wala lang yung nangyari--- wala
namang nawala sa kanya eh. :|
Siguro, pinaglalaruan at pinagtitripan lang ako ni Chad. Since kakaiba ako dito sa school na 'to, panget at mahirap, kapansin
pansin ako sa mga katulad ni Chad--- kapansin pansin akong pagkatuwaan at paglaruan. Nag-eenjoy siguro syang pagtripan
ang katulad kong panget at mahirap. Nakakalungkot namang isipin kung ganun...
"Pwew! Grabe! Buti nakatakas tayo!" nakarating na kami sa likod ng building ng mga seniors, sumandal si Chad sa pader
habang hinihingal, nakahawak pa rin sya sa kamay ko. Nakatayo lang ako at nakayuko dun habang hinihingal din.
"Grabe ang bilis din tumakbo ni teacher nuh? hahaha!" tawa sya ng tawa kahit hinihingal pa pero hindi ko sya pinapansin,
hindi ako umiimik. Naiiyak ako eh, shet ang arte ko may naiiyak thingy pa akong nalalaman. Pero nakakasakit naman kasi
talaga yung thoughts na pinaglaruan lang ako ni Chad, I thought hindi sya katulad ng mga mayayaman dito, akala ko pa man
din good friend talaga sya kahit mahilig syang mantrip. Pero all this time, wala lang talaga syang intensyon kundi pagtrip-an at
pagtrip-an ako, pati ba naman yung pagkababae ko nagawa nyang pagtrip-an? Kahit wala akong maalala sa nangyari, alam
ko dun din naman kahahantungan nung nangyari nung gabing yun diba? I mean paggising ko nasa resto na ako at iba na
yung suot ko which means nahubaran na ako at may nangyari talaga... Alam ko naman na kasalanan ko yung pagkabigo ng
proposal nya eh pero hindi naman siguro sapat yung gawin nya sakin yun diba?
"Peppy? May problema ba?" nakayuko pa din ako nun, umalis sya sa pagkakasandal nya at binitawan ang pagkakahawak sa
kamay ko at lumapit sya sakin, niyuyuko nya ang ulo nya at sinusubukang makita ang mukha ko na nahaharangan ng buhok
since nakayuko nga ako. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya para hindi nya makita ang expression ng mukha ko...
"Umiiyak ka ba, Peppy? Anong meron? Anong problema?" worried na tanong nya. Oo, umiiyak ako, ewan ko ba.. sa sobrang
lungkot ko ata sa mga thoughts na napasok sa isip ko eh kusa na lang tumulo yung mga luha ko...
Shinake ko lang yung ulo ko to say "there's nothing" habang kinukusot ang mata ko para matanggal yung mga luha at
mapigilan ang pagtulo ng mga ito.
"Anong meron Peppy?" hinawi nya yung mga buhok na nakaharang sa mukha ko.
Ngayon kitang kita nya na yung mukha kong umiiyak, alam ko mukhang halimaw na mukha ko sa panget. Sabi kasi nila mas
pumapanget daw ang tao pag naiyak. T^T
Tinakip ko yung knuckles ko sa mata ko para tumigil at wag ng lumabas sa mga mata ko yung mga luha pero kahit anong
gawin ko, tumutulo sila. Napapahikbi na ako, taas baba na yung balikat ko.
Hinawakan nya yung mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko at sinusubukan nyang tanggalin yun, "Hey Peppy, what's
going on? Why are you crying all of a sudden?"
Hindi ko pa rin tinatanggal ang knuckles ko sa mga mata ko kahit pinipilit nyang mahigit palayo ang kamay ko sa mga mata
ko, hindi ko sinagot yung tanong nya, umiling lang ako.
"Pepperspray naman eh! Sagutin mo naman ako ng maayos, ang hirap ng bigla na lang may iiyak sa harapan mo tapos ayaw
sabihin kung anong problema!" nasa tono ng boses nya yung pagkainis at pag-aalala.
"S-sorry nasira ko yung proposal mo... s-sorry... Pero Chad, hindi ko maalala ng maayos yung nangyari nung gabing yun...
anong nangyari?" nangangatal kong sabi, kahit pangit ako at mahirap ako, babae at tao pa rin ako... may mga bagay na
pinapahalagahan pa din ako. Gusto ko pa man din na yung bagay na yun ay mapunta sa taong papakasalan ko balang araw.
Eh paano na lang ngayon? Wala na. Wala na...
Pasensya na kung nagiinarte ako pero kahit panget naman ako, pede naman akong maginarte diba? Especially sa mga bagay
na tulad nito. Ibang usapan na kasi eh.
"Eya, kalimutan mo na lang yun," napatigil ako sa paghikbi ng marinig ko yung sinabi nya, "Isang pagkakamali lang yun."
Kalimutan ko na lang? Isang pagkakamali lang yun? Ibig sabihin may nangyari nga? Na umabot kami hanggang dun? Pero
anong sabi nya? Kalimutan ko na lang?
Isang malaking pagkakamali lang yun...
Ano yun, joke? Parang hinagisan ako ng malaking bato sa sinabi nyang yun.
"Tahan ka na, nalasing tayo, normal lang yun pero wag kang magalala,wala akong kinuha sayo. Walang nangyari. Hindi ko
kayang gawin yun sa bestfriend ko." naramdaman ko na lang na hinalikan nya ako sa ulo at tumalikod na sya sakin at
naglakad palayo.
Napahawak ako sa ulo ko na hinalikan nya, sa sinabi at ginawa nya parang lahat ng bumabagabag sakin ay nawala sa isang
iglap. Wala naman palang nangyari samin... buti na lang.
"Hindi ko kayang gawin yun sa bestfriend ko."
Natutuwa ako kasi kaibigan nga talaga ang turing sakin ni Chad, hindi nya ako tinuturing na laruan o hindi nya ako
pinagtitripan. Habang hawak ko ang ulo ko na hinalikan nya, feeling ko nararamdaman ko pa yung labi nya sa ulo ko at dahil
dun, lumalakas ang tibok ng puso ko.
"Sya nga pala Peppy," bigla syang lumingon sakin, nakangiti sya. May sakit ba ako? Pabilis kasi ng pabilis ang tibok ng puso
ko, normal ba 'to? Hindi ba ako nagkakaroon ng heart attack?
Dugdugdugdugdugdugdugdug.
Tinaas nya yung left hand nya at may pinakita sya, sa ring finger(4th finger beside the pinky) merong nakasuot na ring dun,
yung same ring na binili nya dati nung magkasama kami sa mall, "Alam mo ba kung bakit sa 4th finger sinusuot ang
engagement ring? Sabi kasi nila na there's a vein in this finger leading to the heart. Don't worry, she said yes."
Pagkasabi nya nun, nakangiti syang tumalikod at nagwave goodbye na. Naiwan ako dun, nakahawak pa rin sa ulo ko habang
ang isang kamay ay sa dibdib ko naman, rinig na rinig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko. Pero nakatayo ako dun na
may tatlong bagay na hindi naiintindihan.
--------------------------------
Dear diary,
I'm really glad to know na walang nangyari. Pero may tatlong bagay na hindi ko maintindihan.
Una, sinabi sakin ni Lory na gumawa ako ng paraan para madislike sya ni Chad at tulungan ko daw syang magustuhan ni
Cross.
Pangalawa, suot na ni Chad ang engagement ring and he said na nag-"yes" daw si Lory. Edi ba sabi sakin ni Lory ayaw nya
daw kay Chad? Tsaka, may suot ba si Lory na engagement ring kanina? Hindi ko ata napansin...
Pangatlo, ano ba 'tong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi kaya may sakit ako sa puso?
- Eya
-------
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 16
"Oh tapos na 'tong mga flowers na crepe papers." sabi ko habang inaabot ko yung plastics na mga ginawa kong flowers out of
crepe papers kay Cross.
Tinignan nya ilan sa mga ginawa ko, "Okay na yan."
Syempre ok na yan at pag sinabi nyang hindi, ibabato ko talaga sa kanya yang mga yan. Tanda nyo dati nung nagpabili sya
sakin ng sandamukal na school supplies? Ito pala ang silbi nun, para sa decoration plan pala ng school festival. Pinaghati
hatian ng members ng student council ang mga gawain, at para sa behalf ni Cross, ako lahat ang gumagawa. Napakatamad
talaga, porket may katulong sya ayaw nya ng gumawa! Grr. Napakatamad!
"O sige, gawin mo naman yung head banner. Sulatan mo ng malaking WELCOME TO WILLFORD ACADEMY, gusto ko
maganda yung lettering." paguutos nya ulit. Pasalamat lang talaga sya at binabayaran ako ng magulang nya, nakuu! Kung
hindi lang, hinagpas ko na lahat ng 'to sa mukha nya, promise!
Bumalik na ako sa pwesto ko, sa isang sulok ng kwarto nya kung saan nakakalat ang lahat ng mga materials. Dito nya ako
pinagtatrabaho sa loob ng kwarto nya para daw macontrol nya mga katangahan ko! Talagang 'katangahan' talaga ang term na
ginamit nya, eh sino kaya mas engot samin? Ugh!
Gawa lang ako ng gawa dun, minsan sinisilip ko kung anong ginagawa nya, nasa harap sya ng computer -- parang may
binabasa eh pero hindi ko makita kung ano. Mukhang hooked na hooked sya sa binabasa nya. Mahilig ba syang magbasa?
Hmm. Sa bagay kahit monster sya, genius sya pero takot sa multo! BWAHAHA. Grabe hindi ako makaget over pag naaalala
kong takot sya sa multo. :"""""DDDD
"Pff." nabigla ako ng marinig ko sya, napatingin ako sa kanya, nakahawak sya sa bibig nya habang nakatingin sya sa screen
nya, nakita kong nakaclose yung fist nya at mahina nyang pinupukpok iyon sa mesa nya... it's like nagpipigil sya ng tawa or
something?
Teka... Natatawa si Cross? Saan? Sa binabasa nya? Waa. Ano kaya binabasa nya? Baka porn fiction? Nah, anong comedy sa
porn? Hmm... Malamang hindi yan horror, asa ka pa dyan sa duwag na yan. Hmm... Romance kaya? I mean yung Romantic
Comedy? Pff! HAHA! Si Cross magbabasa ng Romance? Nah, malabo. Walang sweetbones yan. Hmm... Baka fantasy? Weh,
magbabasa ba yan ng unicorns and fairies? Well, may mga panlalaki din namang fantasy pero mukhang hindi si Cross yung
type ng guy na maniniwala sa mga magic powers and echos. Eh kung pure comedy lang talaga yung binabasa nya? I mean
comic fiction? Hmm... Naku-curious talaga ako kung anong binabasa nya...
Makalapit nga!
Dahan dahan akong lumapit sa likod nya at nung makarating nga ako ng hindi nya napapansin, sinilip ko yung screen nya..
www.wattpad.com
Yun yung site kung asan sya. Tinignan ko kung anong title... "Diary ng panget" tapos written by HaveYouSeenThisGirL(wow,
hightech sa pagpaplug ang author XD)
"Pff!" narinig ko nanaman ang pagpipigil nya ng tawa.
"Bakit mo pinipigilan tawa mo? Pede ka namang tumawa ng malakas eh kung natatawa ka talaga? Nahihiya ka ba kasi may
tao dito kaya ayaw mong tumawa ng malakas? Wala namang masama kung tatawa ka diba?" pagtatakang sabi ko.
Nabigla sya sa biglang pagsasalita ko sa tabi nya, "O-OY! Anong ginagawa mo dito?! Hindi ba dapat nagtatrabaho ka dun sa
sulok na yun?! Bumalik ka nga dun sa trabaho mo and mind your own business!"
"Eee! Gusto ko lang naman makita kung anong binabasa mo, ano ba yan? Diary ng Panget ang title? Ang panget naman ng
title nyan, tungkol ba saan yan? Mukhang maganda ah, pabasa naman! Hindi ko akalaing mahilig ka rin palang magbasa ng
mga fictions!"
Tinulak nya lang ako palayo, "Dun ka nga! Wag ka na ngang makigulo dito, wala ka ng pakelam kung anong binabasa ko."
"Napakadamot mo talaga! Parang titignan lang! Anong genre ba yan?" "Wala ka na dun!" "Wee. Romance yan nuh? Ayieee. Dalaga na sya, lumalandi na!" pang-aasar ko sa kanya. "Dalaga mo mukha mo! Gusto mong masuntok? Tapusin mo na nga yung trabaho mo dun!" "Suplado ka talagang talandi ka!" sa pagkasabi ko nun, kinuha nya yung eraser na nakapatong sa table nya at ibinato nya
sakin yan pero nakailag ako kayo binehlatan ko sya at bumalik na ako sa ginagawa ko.
Mga ilang oras na ang nakalipas hindi pa ako tapos sa mga pinagagawa nya nang mapansin kong tumayo na sya sa
computer pero hindi nya ito pinatay, humiga na lang sya sa kama nya at binuksan yung flatscreen na tv nya sa harap nya at
nanuod.... hulaan nyo pinapanuod nya..
Bigyan ko kayo ng 3choices:
1. Harry Potter 2. Twilight 3. Spongebob
Tentenetenten!
"Uwaaaa! Nanunuod ka ng twilight?!!!!" napatayo agad ako sa pwesto ko at naglakad palapit sa tv--- ah hindi pala malapit sa
tv, dun mismo sa tapat ng tv, as in wala pang 1m lang yung layo ko sa big screen which means nakaharang ang likod ko sa
kanya kaya wala syang makikita sa tv.
"Hoy! Umalis ka nga dyan sa harap ng tv, hindi ko makita!" naramdaman kong nasa tabi ko na sya at tinutulak ako paalis sa
harap ng tv, "Sabi ng tapusin mo na yung mga pinagagawa ko!"
"Pero," nagdesperate eyes ako, "Twilight! Gusto kong manuod ng Twilight!" T_______T
"Ano ka sinuswerte? Gawin mo yung pinagagawa ko! Dali!" tinulak tulak nya pa ako palayo sa tv. "Mabuti pa ilipat ko na ito."
"Uwaaaaaaaaa!" inagaw ko sa kanya yung remote kasi ililipat nya na sana.
"Hoy! Remote ko yan! Ibalik mo sakin!" sinubukan nyang agawin sakin yung remote pero ini-ilag ko ito.
"Ayoko! Wag mong ilipat!"
"Aba! Kung maka-asta ka ah, iyo ba 'tong tv? Hoy katulong ka lang!"
"Wala akong pakelam. Basta wag mo syang ilipat, isa akong die hard fan ng twilight!"
"Sabi ng ibigay mo yang remote!" kinuha nya yung braso ko at sinubukan kunin sa kamay ko yung remote ko pero
nagmamatigas ako at hinihigpitan ko talaga ang hawak ko sa kamay ko para hindi nya makuha pero since lalaki sya, in the
end nagawa nyang makuha sa kamay ko ang remote.
Tapos nilipat nya.
"Uwaaa. Yung twilight, bakit mo nilipat!" T_______T
"Shut up. Tapusin mo na yung trabaho mo!" tinalikuran nya na ako at bumalik na sya sa higaan nya para sumalampak dun.
Ngayon naman Harry Potter pinapanuod nya. Eh gusto ko yung Twilight eh. T___T
Depress na bumalik na lang ako sa trabaho ko. As in depress na depress na para bang may mga lumalabas ng dark aura sa
paligid ko, at feeling ko may batong nakapatong sa likod ko. Uwaa. Twilight of my life, isang beses ko lang napanuod yun sa
sine, as in talagang pinagipunan ko yun para mapanuod lang. Kahit gipit ako sa pera, inuna ko pang mapanuod yun sa sine---
kinuha ko pa sa sweldo ko sa part time yung pambayad sa sine na yun. At ngayong showing na sa tv, gusto kong mapanuod
ulit pero dahil napaka-antipatiko nitong Cross na 'to, hindi ko tuloy mapanuod. Nakakadepress talaga.
"Oh gabing madilim..." I start chanting in a very gloomy voice, "Oh gabing malamig... Oh babaeng matangkad, babaeng
maputi, babaeng mahaba ang itim na buhok... dugo sa bawat damit na kulay puti... Ang tanging hiling ko, ikay tumabi sa aking
master mamayang gabi. Mula sa ilalim ng kama nya, ikaw ay gumapang papunta sa higaan nya, tabihan mo sya, yakapin mo
sya, ipahid mo ang mga dugo sa pisngi nya at bulungan mo sya ng mga salitang kakila kilabot..."
"H-hoy! Anong pinagsasabi mo!!!" bigla akong sinigawan ni Cross.
Tinignan ko lang sya sa isang depressed at gloomyng expression, "Kinakausap ko lang si Mary sa hangin, tinatawag ko lang
sya... Ayaw ko kasing mapag-isa ka sa gabing ito aking master."
Bigla nya akong binato ng unan, "H-hoy! Magtigil ka nga!"
Halatang takot na takot na sya.
"Master... sinong nasa likod mo?"
"H-ha?" nanginginig na tanong nya.
Tinuro ko yung likod nya, "Ayan oh, nakatingin sayo... Umiiyak pa nga eh..."
"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" tumayo agad sya na parang bading sa kama nya at tumakbo palapit sakin, "Asan?! Asan?!"
Pagtatanong nya na nakatago sa likod ko at nakatakip ang mga mata ng unan.
"BWAHAHAHAHA! Duwag! Bading! Bading!"
Tinanggal nya ang unan na nakatakip sa mata nya at dun nya lang narealize na pinagtitripan ko nanaman sya, inihampas nya
lang yung unan sakin, "Bading mo mukha mo! Sipain kita dyan eh!"
"Duwag ka lang! Duwag! Badinggerzyyyyyyyyyy!!" pang-aasar ko pa.
Bigla nya akong hinigit sa kwelyo, "Anong sinabi mo?"
"Ba-ding." I mouthed.
"Ulitin mo pa, hahalikan kita! Makita mo kung sinong bading!" napatigil nga ako sa sinabi nya.
"On second thought, nakakadiri pala. Hindi kita hahalikan, gugulpihin na lang kita. Yuck eh. Ang panget mo eh." biglang bawi
nya sa sinabi nya kanina.
Kung makalait talaga. =_="
"Thank you ha? Ikaw na gwapo, ikaw na!" sarcastic na sabi ko.
"Syempre, gwapo ako." aba't hindi sya nakakaintindi ng "sarcastic" eh noh? Ang yabang talaga. He's very full of himself!!!
"Oo na, gwapo ka pero aanhin mo naman kagwapuhan kung babading bading diba?" ngumiti ako ng nakakaloko. Akala nya
sya lang marunong manlait? Pwes, ako din. Now that I know kung anong weakness nya eh. MWAHAHA. <--- evil laugh.
"Argh!" inis na sabi nya, binitawan nya ang hawak nya sa kwelyo ko at pumunta sya sa isang drawer at naglabas ng mga
gamit at ibinagsak sa pwesto ko, "Gawin mo pa 'tong mga 'to! Lahat ng yan, gusto ko before 6am tapos na lahat ng yan!"
"You gotta be kidding me?! Eh bundok ata ng gawain 'tong mga 'to eh?!!!" as in super dami ng mga gamit na nilapag nya dun
tapos what does he mean by before 6am dapat tapos na 'tong mga 'to? Ibig bang sabihin na 'to na may possibility na umabot
ako hanggang umaga sa trabaho na 'to?! Pero may pasok pa ako bukas! Uwaaa. May quiz pa nga ako sa geometry bukas eh!
Uwaaa. Hindi pa ako nag-aaral tapos kelangan ko pang tapusin 'tong mga 'to.
"Oo, lahat yan kelangan tapusin mo. Kaya sige mang-asar ka pa, dadagdagan ko pa yan." tumahimik na nga lang ako at
ginawa na lang yung mga pinapagawa nya. Maiiyak ako sa dami. T___T
Almost midnight na pero hindi pa ako nangangalahati sa mga ginagawa kong mga banners at designs na gawa sa crepe
papers. Yung halimaw kong master, ayun tulog na, iniwang bukas nga yung tv at computer eh, mga mayayaman talaga
walang pakundangan sa pagaaksaya ng kuryente palibhasa kasi may pambayad sila kahit magkano pa electricity bills nila.
=__=
Hmm... Diba hindi nya pinatay yung computer nya? Ooh. Matignan nga kung ano yung binabasa nya, nakucurious talaga ako
kung anu yun eh...
Tahimik akong pumunta sa computer nya at nakita kong naiwan ito sa isang page, dun pa rin sa wattpad.com at diary ng
panget pa rin yung nakalagay sa taas. Tinry kong basahin isang page, marunong naman akong gumamit ng computer kahit
wala ako nito since meron kaming computer class sa school. Binasa ko ng binasa yung story, siguro mga 10pages ang
nabasa ko...
---teka, romance ba 'to?
Wait. Romance?
Huh? Nagbabasa ng romance si Cross?
Pff.
WAHAHAHA. Ang bading bading talaga. Una, takot sa mga ghosts tapos ngayon nagbabasa ng romance? BWAHAHAHA. I
never thought I'll see this side of Cross Sandford. Ibenta ko kaya 'tong information na 'to sa school? Sa popularity at
magandang reputation ni Cross, malaking gossip ito at baka yumaman ako sa magiging benta ko! mwahaha. Pede ko rin
irecord ang mga ginagawa ni Cross dito sa bahay tapos ibebenta ko sa mga fangirls, pede na siguro 1000php sa isang
3minute video clip ng natutulog na si Cross--- sa daming fangirls nya sigurado ako bebenta ako ng husto. mwahaha. Hindi,
joke lang, hindi ako ganung kasamang tao. XD
Gusto ko sanang patayin yung computer nya since nanghihinayang akong iwan itong bukas magdamag at masayang ang
kuryente pero nung papatayin ko na, nakita kong sa bar sa baba ng computer nya, merong nakabukas na chatbox ng skype at
nakasulat dun yung name ni Lory.
Since curious ako, binuksan ko.
Lory Keet: what's the matter Cross? Y can't u like me? Cross Sandford: please lory, don't start again with this topic. Lory Keet: U know how much I like u. Cross Sandford: You're getting married anyway.
Tinignan ko kung meron pang kasunod pero... wala na eh, hindi na nagreply si Lory.
"You're getting married anyway."
Si Chad ba tinutukoy nya? So may alam sya tungkol dun? Well, hindi na ako magtataka, magkababata naman sila ni Lory
diba? Pero teka... alam nya din feeling ni Lory tungkol sa kanya? Ayaw nya kay Lory dahil ba sa alam nyang ikakasal na ito?
O ayaw nya kay Lory dahil sa ayaw nya lang talaga dito? Tsaka teka... kung totoo yung sinabi ni Chad na nakapagpropose na
talaga sya kay Lory at nag-"yes" ito sa kanya at enganged na sila... eh bakit ganun, bakit parang walang pakelam si Lory?
Teka. Teka. Ang gulo, kayo ba nagets nyo? Ako hindi eh. Anlabo anuh? Patayin na lang natin author? Walang maintindihan eh.
---- < Cross' POV >
Medyo naalimpungatan ako dahil sa kelangan kong magbanyo. Pumasok ako sa c.r. ng kwarto ko at pagbalik ko sa kama ko,
napatingin ako sa bedside table ko at sa orasan dun, mga 3.16am na. Hindi nakapatay ang ilaw since nagtatrabaho pa nga si
panget.. wait speaking of panget...
Tumingin ako sa direksyon kung saan sya nagtatrabaho...
Ay anak ka naman talaga ng! Nakahiga na sya sa sahig habang may hawak na mga papel, nakatulog na sya!
Hmm...
Nawala yung antok ko. May pumasok na evil plan sa utak ko.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung pentelpen na nakakalat sa sahig malapit sa kanya dahil sa ginagamit nya ata ito
kanina, binuksan ko ito at lumapit sa mukha nya.
Doodle. Doodle. Doodle.
Dahan dahan akong nagsusulat sa mukha nya ng kung anu ano. Ang himbing ng tulog nya na hindi man lang sya nagigising
sa pagsusulat ko sa mukha nya, nagpipigil na nga lang ako ng tawa. Punong puno na ng drawing ang mukha nya, meron pa
nga syang mustache doodle eh!
Kinuha ko yung phone ko at pinicture-an sya! Nakakatawa talaga yung itsura nya! ahaha! Nag-enjoy ako sa pagdodrawing sa
mukha nya. :"""D ----
< Eya's POV >
"Hmmmm!" pag-iinat ko as soon as magising ako. "Huh?"
Nabigla ako ng pag-angat ko ay may nalaglag na kumot... wait? Nakatulog ako dito sa sahig? Teka... bakit may kumot ako?
Hindi kaya... kinumutan nya ako? Ah, malabo malabo.
Pero what if...? Awww. May puso rin naman sya kahit papaano eh.
Tumayo na ako at tiniklop ng maayos yung kumot na binigay nya at nakangiting ipinatong ito sa kama nya, niligpit ko na rin ng
maayos ang kama nya na hinigaan nya. Wala na sya, siguro pumasok na sya... Sa totoo lang, natouch ako sa ginawa nyang
paglalagay sakin ng kumot, hindi ko inaasahan ang kabaitan ng isang monster na tulad nya...
Wait. Pumasok na sya? Teka! Anong oras na ba?!!!!
Tumingin ako sa bedside clock...
10am!!!! O________________O
OHEMGEE. Late na ako, as in capital LATE.
Bakit hindi nya ako ginising? T___T
No choice. Aabsent na lang ako.
-------------- Dear diary, Matatouch na talaga sana ako sa ginawa ni Cross sa paglalagay nya ng kumot sakin pero... AAAAAAAAAAAAAH! Nakakainis, ang hirap tanggalin ng mga pentelpen marks sa mukha ko! UGHHHH! Ano sya, si jiglypuff
ng pokemon?! Sinusulatan ang mga mukha ng mga natutulog?! Halimaw na takot sa multo na nagbabasa ng romance na isip
bata! Grrr. >(\__/)<
- Eya -----
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com Entry --- 17
Since late na ako, hindi na ako pumasok. Wala rin naman sense kung papasok pa ako, baka mapagalitan po ako ng adviser
namin.
"Ano naman kaya gagawin ko?" lumabas ako at naggagala gala sa may park. Buti na lang natanggal ko lahat ng doodles ng
pentelpen sa mukha ko, grabe feeling ko mabubura na yung mukha ko kakatanggal ng mga doodles! Ang gagu naman nung
Cross na yun! Wala talagang magawa sa buhay!
Lakad lang ako ng lakad sa park pero maya maya nabigla na lang ako ng may nakasalubong akong kakilala.
"Benjo!" "Uy Eya, ikaw pala! Kamusta na hija?" kung natatandaan nyo nabanggit ko si Benjo. Sya yung friend ni papa bago mamatay
ito, sya yung nagsuggest sakin na pumasok sa school na 'to at sya rin tumulong para makapasa ako sa "modelling
requirement" ng school. Sabi nya kasi sakin, mas mapapadali ko daw matupad ang pangarap ko kung gagraduate ako sa
school na 'to kasi tinitingala talaga sa bansa itong school at maraming nagbibigay ng opportunities dito. Kaya naman pumasok
ako dito kasi diba nga, gusto kong maging astronaut? Eh kung sa tabi tabing school ako papasok parang 10 lightyears ang
chances ko para makapuntang ibang bansa kung saan pwede makapag-apply sa magagandang laboratories. *sigh* Pero
kung dito ako graduate baka sakaling magka-chance ako maging astronaut.
"Ayos lang naman po." "Eh ang school mo? Hindi ka ba nahihirapan makisama sa mga kaklase mo?" "Well... medyo po dahil alam nyo naman po mga mayayaman, mga snob pero wag po kayong mag-alala, may kaibigan
nanaman po ako. Tsaka thankful na lang po talaga ako kasi nakapasok ako sa isang elite school." "I'm glad to hear that, nga pala buti nagkasalubong tayo, naalala ko tuloy na may bago pa lang offer ng advertisement mula sa
isang low budget company... gusto mo bang i-take ulit ito? 1000php ang ibabayad." "Wow! Sige po, kukunin ko po. Anong product po ba yan?" "Diet pills eh. Kelangan nila ng flat na tyan, since low budget sila ang kinuha nilang model na lang eh yung anak ng trabahador
sa company nila, maganda daw kasi pero since may tyan ito ng konti, kelangan nilang kumuha pa ng tao na flat talaga tyan
and I know pede ka dun, bale yung tyan mo lang makikita." "Ah sige po! Kukunin ko na talaga, buti na lang hindi pa ako nadadagdagan ng taba! haha! Mukhang malaki na yung 1000php
since saglit lang naman pala nila itetake ng video tyan ko eh." ah opo, ibubunyag ko na sa inyo ang minomodel ko...
ito nga po minomodel ko, mga bagay na kung saan hindi nakikita ang mukha ko! Nagmomodel ako sa mga low budget
companies na hindi afford magbayad ng mga models. Ang kadalasan sa mga minomodel ko eh, toothbrush(kung saan
kinukuhanan lang yung mapuputi at pantay kong ngipin), diet products (tyan ko ang model), deodorant (buti na lang maputi
kili-kili ko), at napkin (don't worry hindi ako nag-e-expose, yung parang likod lang ng butt ko pinapakita pero may suot naman
akong shorts nuh!) at insect sprays (may takip ako palagi sa mukha since "spray" nga minomodel ko eh). Sabi ko sa inyo,
model ako.... model na walang mukha. XD
Pero sapat na rin 'tong mga ini-ooffer sakin ni Benjo na mga pagmomodel ng kung anu anong bagay atleast kumikita ako ng
konting pera tapos nakatulong pa ito para makapasa ako sa requirement ng Willford Academy.
----
6pm. Kalalabas ko lang sa building na pinagmodel-an ko ng diet pills. Mga 20minutes lang naman sya, mas matagal pa nga
yung pinag-intay ko eh. Nakailang take kasi sila tapos hindi sila makapagdecide kung kukunan nila ng photo yung tyan ko o
yung tyan na lang talaga ng model tapos ipo-photo shop nila but in the end pinili nila yung tyan ko para mas natural daw, kasi
pagphotoshop baka daw mamaya sumablay pa mahalata pa ng mga taong bumibili ng product na photoshop yung model
picture. Alam ko masyadong weird ang modelling career ko kaya nga hindi ko na lang sinasabi kahit kanino, nakakahiya eh.
>_<
"Peppy?" nabigla na lang ako kasi paglabas ko ng building, saktong nasa tapat ko si Chad. Naglalakad sya nun eh tapos
napatigil sya ng makita nya ako, may nakasubo pa nga syang lollipop eh habang naka-uniform pa sya ng school.
"Chad!"
"Galing ka ba dyan?" tinuro nya yung building gamit ang lollipop nya.
Tumango lang ako na medyo nahihiya. Naku, baka malaman nya kung anung ginawa ko sa loob. Ayokong malaman nya ang
tungkol sa modelling career ko, anlakas pa man din nyang mang-asar. >__<
"Diba yan yung company ng *** diet pills?" "Ah yeah." "Eh anong ginawa mo dyan?" "Ah, wala. May kakilala lang ako dyan kaya pumasok ako. Actually pauwi na ako eh kaya bye!" tumalikod na ako nun pero
bigla nya akong hinawakan sa balikat at iniharap ulit sa kanya. "Teka lang Peppy! Uuwi ka na kaagad? Ni hindi nga kita nakita sa school eh, hindi ka ba pumasok? Hindi ka naka-uniform eh." "Ah oo, umm..." teka ano ba sasabihin ko kung bakit hindi ako pumasok? Hindi ko naman pedeng sabihin na dahil napuyat
ako kakatrabaho dun sa mga pinagawa ni Cross, ayaw ko ring malaman nyang nagtatrabaho ako dun. "Sumakit kasi ulo ko
kanina pero ngayon hindi na pero nakapagdecide ako na wag na lang pumasok." "Ah ganun ba, tara?" "Ha? Saan?" "Sa kabilang daigdig." "HAAAA?!" "Jooooke!" tatawa tawa nya pang sabi. "Saan nga kasi?"
"Sa puso mo." :"3
*WAPAK!*
"Aray naman peppy! Bakit mo ako sinapak!" sabi nya habang hinahawakan yung ulo nya. "Eh kasi naman, magtino ka nga!" pero uuyy, kinilig ang lola nya. Pasensya na, malandi eh. :"3 "Eeee. Kilig ka naman." pang-aasar nito. "Wag ka nga! Seryoso kasi, saan nga? Kung wala naman tayong pupuntahan, sya uuwi na talaga ako." opo, kinikilig talaga
ako pero ayoko sabihin, ikakasal ka nanaman saka isa pa alam ko namang inaasar mo lang ako. Lagi ka namang ganyan,
tinitrip mo lang ako palagi. Nakakakilig na nakakabrokenheart. Sana kasi kasing ganda na lang ako ni Lory pero malas eh,
pwet lang nya kamukha ko. =___=
"Sige na nga, seryoso na. Tara sa jollibee!" bakit magdedate tayo? 'de joke lang, ang ilusyunada ko talaga. =__= "Ha? Ikaw na lang, wala akong pera." actually may 1000 ako since kakasweldo ko lang dun sa kaninang pagmomodel ko pero
ayaw ko namang gastusin yun since mamaya may free supper naman ako sa restaurant kina auntie. Ayaw kong mag-aksaya
ng pera. Maraming nagugutom sa mundo. =__=
"Dali na! Nagugutom ako eh, magmeryenda muna tayo kahit sundae lang at fries!" "Ikaw na nga lang, hindi pa ako nagugutom eh." "Dali na Peppy, libre kita promise! Samahan mo lang ako, wala akong kasamang magmeryenda eh!"
--- In the end, napapayag nya din ako. Makakatanggi pa ba ako? Libre eh.
Andito na kami sa jollibee ngayon eh, medyo maraming tao. Pumila na kami para umorder. Habang nakapila kami eh
tumitingin kami sa mga pedeng pagpilian sa mga screenboards sa taas.
"Anong gusto mo peppy?" "Uhmm... magsusundae lang ako." "Yun lang?" "Oo. Hindi naman ako gutom eh." "Sigurado ka? Hala! Mag-order ka rin ng burger at fries!" "Eeee! Hindi na, sundae lang." "Dali na, ako naman magbabayad eh." "Eh ayoko nga eh, sundae lang talaga gusto ko." "Bahala ko, mag-oorder pa rin ako ng burger at fries para sayo." "Ang kulet mo naman eh." pag-give up ko. =__= "Hmm... Ano kaya o-order-in ko?" nagiisip nyang sabi, "Ah! Gusto ko ng happy meal!" "Eh? Okay ka lang?" nabigla naman ako sa sinabi nya, happy meal? Edi ba pambata lang yun? Waaa. Another side of him
nanaman ba ito? Yung isip batang side? Minsan hindi ko na talaga maintindihan 'tong si Chad, pa-iba iba yung ugali nya. May
times na seryoso sya, may times na nakakatakot at may times na ang kulit kulit na parang bata. Ang hirap nya talagang
intindihin, mahirap pa sa geometry class ko eh.
----
Nung naka-order na kami, nagpunta kami sa second floor kasi wala ng pwesto sa first floor.
"Teka... nakalimutan natin humingi ng ketchup." biglang sabi ni Chad pagkapatong namin ng trey namin sa lamesa. "Ah, oo nga nuh." "Wait, dyan ka lang, kukuha ako sa baba." "O sige." tapos umalis na sya para humingi ng ketchup sa baba. Ako naman, naupo na at nagpalingon lingon sa paligid. Ayaw
ko munang galawin yung pagkain hangga't wala pa si Chad.
"Manang" nabigla ako nang may isang batang umupo sa harapan ko, sa may table namin. Isang cute na bata na medyo
singkit. Tinititigan nya akong maigi.
"Excuse me, anong tawag mo sakin?" nakangiting tanong ko.
"Manang," straight na sabi nung bata. Medyo naasar ako dun eh pero hindi ko pinahalata dun sa bata, syempre bata kaya
kelangan smile ka lang sa kanya.
"17 pa lang ako, bata."
"So?" mataray na sabi nung bata. Aba! Antipatikong ito, kebata bata pa lang, antipatiko na!
"Emm... wala lang." nakapilit pa rin ako ng ngiti. Patience lang, bata eh... =__=
"Manang," Uupakan ko na 'tong chanak na 'to eh! "Akin na lang yang happy meal mo."
Tinuro nya yung box ng happy meal.
"H-ha?"
"Bingi mo manang, magpahearing aid ka na. Sabi ko kamo AKIN NA LANG YUNG HAPPY MEAL MO!" talagang sumigaw pa
sya sa harap ko with matching kamay pa na nakacover sa may lips nya para ma-emphasize yung paglakas nya ng boses.
"Naku! Hindi pede, hindi akin yan eh." eh kay Chad yun eh.
"Akin na lang manang! Dali na! Spongebob laman nyan na toy diba? Gusto ko ng toy! Akin na lang manang!"
"Yoh! Andito ka lang pala!" biglang may tumawag dun sa bata at may lumapit dito. Isang babaeng naka-uniform, mukhang
highschool student.
"Naku miss, excuse me sa batang 'to ah. Inistorbo ka ba nya?" pagsosorry nung babae habang hinihigit nya sa kamay yung
bata para bumaba sa upuan.
"Ate! Gusto ko yung toy! Gusto ko yung toy!"
"Naku Yoh, hindi pede. Hindi atin yun. Tara na Yoh," hinihigit nya na yung bata paalis, "sorry talaga miss sa istorbo."
"Naku wala yun," pagngiti ko dun sa babae.
Naglakad na sila pababa pero bago bumaba yung bata, lumingon pa sya sakin at binehlatan ako, "Andamot mo. Mukha kang
spongebob na naging tao!!!"
"Yoh! Ano ba!" pinagalitan sya nung babae tapos humarap ito sakin, "Nakuuuu. Sorry talaga, pagpasensyahan mo na 'tong
batang 'to. Tara na Yoh, naku ka talagang bata ka."
"Ate naman eh, gusto ko ng toy!" "O sige na sige na, ibibili na kita. Wag ka ng makulit." pagtatalo nila habang bumababa sila ng stairs.
Sakto namang nakabalik si Chad, "Here's the ketchup! Pasensya na kung medyo napatagal, andami kasing tao hindi ako
makasingit sa counter."
"Ah wala yun." grabe, hindi ko lang masabi na may bata kaninang gustong umagaw ng happy meal nya. Naalala ko tuloy sa
batang yun si Cross, parang mini version. =___=
"Kain na tayo." bigla nyang binuksan yung burger nya tapos yung taas na tinapay ay tinanggal nya tapos nilagyan nya ng
ketchup yung ibabaw ng burger tapos nilagyan nya ng ilang fries tsaka nya tinakpan ulit ito nung tinapay.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Masarap kasi ang burger pag maraming ketchup at may fries!" sabi nya sabay kagat sa burger nyang umaapaw ng fries.
"Eh?" nawe-weirduhan kong sabi. Ngayon lang kasi ako nakakita ng burger na may ketchup tapos fries, "Anong lasa?"
"Masarap! Try mo dali!" tinry ko yung ginawa nya tapos tinikman yung burger ko, "Oh kamusta lasa?"
"Hmm! Ansarap nga!"
Marami pa syang tinurong mga weirdong paraan ng pagkain. Tinuruan nya din akong magsawsaw ng fries sa sunday at coke.
Waaa. Pero masasarap naman sila kahit medyo weirdo yung paraan ng pagkain.
"Woooow! Si spongebob!" tuwang tuwa nyang sabi habang binubuksan yung laruan ng happy meal nya, grabe ang cute nya
para syang bata. :"""3
"Ilalagay ko 'to sa mga action figure na collections ko."
"Eh? Considered bang action figure si spongebob?" "Oo naman! Idol ko si spongebob eh." "And here you go teasing me about my twilight mania tapos maka-spongebob ka pala." =___= "Mas cool naman kasi spongebob. Nakakatuwa. Ang kukulit nila."
Puro kulitan lang yung usapan namin hanggang sa napunta sa seryosong usapan... kay Lory.
"Nakapagpropose ka na ba talaga?" pagtatanong ko. "Oo, yung araw after ng debut ni Lory. Nagdinner kami. Dun ako nagpropose sa kanya." "And she said yes?" parang nag-aalangan kong tanong. "Yeah." masayang sabi ni Chad with matching thumbs up. "Ah congrats," sinubukan kong ngumiti kahit medyo naguguluhan talaga ako... bakit parang walang nababanggit sakin si Lory
at diba si Lory na rin mismo ang nagsabi sakin na ayaw nya kay Chad? Ahhhh. Napaka-complicated, dumudugo utak ko.
>___>
"Pero Peppy..." "Ha? Ano yun?" medyo nabigla ako kasi sobrang nabaon ako sa aking mga isipin. "I want to ask a favor from you." ohno. Here we go again with the favors, nung nag-ask sya sakin na tulungan sya sa proposal
thingy nya as a favor ay pumalpak ako tapos ngayon another favor nanaman? What if pumalpak ulit ako dito? Uwaaa. Pero
ayoko naman syang tanggihan... when it comes to him, napapa-oo na lang ako sa mga bagay bagay kahit ayaw ko.
Nakakamesmerize kasi sya... shet. Ang landi ko talaga, may "mesmerize" pa akong nalalaman. >_<
"A-ano yun?"
"As you can see, engaged na nga kami pero I'm not really confident..." "Ha?" "Diba sabi mo dati dapat bago magpropose ang isang tao dapat close sila nung pagpo-propose-an nila, dapat may close
relationship sila like boyfriend-girlfriend commitments o kaya yung ligawan factor?" "Uh huh?" medyo naguguluhan kong sabi.
"Favor... Gusto kong tulungan mo akong ligawan si Lory." "Sure." confident na sabi ko, "Yun lang pala---wait. WHAT?!" "Gusto ko kasi ligawan si Lory but I don't know where or how to start. Maybe you can help me peppy?"
"Ah eh... okay." yun na lang nasabi ko. "Yehey! Thank you Peppy! You're really my bestfriend!" shet naman oh. Yung bestfriend kong si Lory ang sabi sakin, tulungan
ko daw syang magustuhan sya ni Cross at madislike sya ni Chad while ito namang bestfriend kong si Chad, gusto tulungan ko
syang manligaw kay Lory. GURABEEEEH. Hindi ko na alam gagawin ko, parehas pa akong um-oo sa kanila, parehas kong
hindi matanggihan. Eh paano na tuloy yan? =____=
----
"Ah! Ang sarap ng kain ko! Busog, ikaw ba Peppy nabusog ka?" naglalakad na kami palabas ng jollibee, medyo ahead si
Chad sa paglalakad kasi tumigil ako dahil napansin kong natanggal yung sintas ng sapatos ko kaya naman yumuko ako para
ayusin yung sintas ko.
"Cha---!" sisigaw pa sana ako para tawagin si Chad para intayin ako kasi aayusin ko yung sintas ko nang biglang...
"HMMMMM!!!!"
Hindi ako makaimik kasi may biglang nagtakip ng bibig ko at ipinasok ako sa isang van na nakapark dun. Teka... ANONG
NANGYAYARI?!!
--------
Dear diary,
Teka. Kinikidnap ba ako? Pero bakit? Hindi ako mayaman! Sino 'tong mga taong 'to? Anong kelangan nila sakin? Ibebenta ba
nila ang mga laman loob ko? Uwaaa. Someone help me!!! Ayoko pang mawalan ng organs, bata pa po ako, wag nyo pong
sirain ang kinabukasan ko baka sakaling gumanda pa ako sa near future at magkalovelife ako at yumaman. T____T
- Eya
ps. wag nyo akong tanungin kung paano ako nakakapagsulat ng diary entry kahit kinidnap na ako. abnormal yung story eh
parang yung author. =___=
---
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
entry --- 18.1
"Hoy mga panget na kutong lupang mga spiders! Bakit ako nakatali dito sa upuan na 'to?! Tsaka asan ba ako?! At sino ba
kayo, mga ninja ba kayo kaya nakatakip mga mukha nyo? O talagang panget lang kayo kaya tinatakpan nyo mukha nyo? Wag
na kayong mahiya sakin, panget din naman ako eh."
"Boss, bubugbugin ko na 'to, ang ingay eh!" "Wag ka nga! Gusto mong malagutan tayo pag sinaktan natin sya! At ikaw namang babae ka," tinuro ako nung boss daw nila
na mukhang gangster na baboy, "Manihimik ka nga!"
"At sino ka naman para utusan ako?! Palamunin mo ba ako? Ha?! Ha?!" truth be told, natatakot ako sa kanila kasi may mga
baril at kutsilyo sila pero kung mamamatay lang din naman ako ngayon, mabuti pang lait laitin ko na sila at asarin. Atleast hindi
ako mamamatay ng walang ginagawa. =__=
"Boss, itape na nga natin bunganga nyan." suggestion ng isa sa kanila. "Eh asan tape?" "Teka lang boss, hanapin ko lang," nagkalkal yung isa dun sa mga drawers na makalat, nasa parang bodega kasi kame eh.
"Boss, may tape ba tayo?" napakamot na sabi nung isa nang walang mahanap na tape. "Mga bopols! Tape lang hindi nyo pa magawang makabili!"
"Ang cheap nyo. Tape lang hindi nyo pa afford? Grabe ha, mas dukha pa ba kayo sakin?" "PWEDE BA MANAHIMIK KA NA LANG!" medyo nabingi ako sa pagsigaw nya.
"Tsong, hindi ako bingi, wag kang sumigaw."
"Argh. I don't even know why the heck you became his fiancé! Aside from being ugly, you're such a loudmouth!" "Wow. Kidnapper na walang pambiling tape, nag-eenglish. Nosebleed! Pero... teka! Anong fiancé?!!! Fiancé nino? Waaaa.
Baka hindi kaya nagkakamali kayo ng nakidnap? Single po ako. Single and ready to mingle---este, wala po akong karelasyon
para maging fiancé ng kung sino. Nagkakamali po kayo ng nakidnap, paalisin nyo na po ako dito." O__O
"Wehhhh. Hindi kami naniniwala sayo. Nakita ka lang namin na kasama nya kanina eh!" "Huh?"
"Matagal ka nanaming minamanmanan, lagi ka naming nakikitang kasama nya kaya sure kami na ikaw nga ang sinasabing
fiancé ng young boss ng mga Jimenez."
Napaisip ako bigla tapos lumingon lingon ako sa paligid, "Joke 'to diba? I mean nasa gag show ba ako? Asan yung mga
hidden cameras?"
*BAM!*
"Aray! Bakit mo naman ako sinapok!" "Eh gaga ka pala eh, gag show mo mukha mo." "Eh bakit? Hindi ba joke 'to? Kung anu ano kasing pinagsasabi nyo, para kayong nandun sa mga tv show sa mga dramas pag
may nakikidnap. Yung mga goons kumbaga." "Gaga. Hindi 'to joke. Kinidnap ka namin para matakot namin ang grupo ng mga Jimenez at pag natakot namin sila,
katatakutan na ang aming grupo. Diba mga boys?" "Tama boss!" "BWAHAHAHA." at nagtawanan na sila na parang mga kontrabida sa palabas. WOOHOO. Best Goons sila. Bagay sa mga
mukha nila. :""3
"Pero teka, seryoso tayo---" "BAKIT?! TINGIN MO HINDI KAMI SERYOSO?!" "Hindi." straight na sagot ko sa kanila, "Pero di nga, ano bang pinagsasabi nyong fiancé? Sinong Jimenez?" wala kasi akong
matandaang kakilala na Jimenez eh... "Pede ba wag mo ng ideny na ikaw ang fiancé ni Chad Jimenez! Nakita ka lang namin kanina na kasama nya eh!"
"HAAAAAA? Fiancé ni Chad? Wow. In my dreams." 0___0 "Anong in your dreams?!" "Hindi naman ako fiancé nun eh. Mga abnormal ba kayo, tingin nyo papatulan ako nun sa itsura kong 'to?" "Alam mo may point ka," ay sumang-ayon talaga =__= "Baka nga nagkamali kami pero bakit ka laging kasama nya kung
ganun?!"
"Eh kasi bestfriend ko sya, okay? Masaya ka na? Kaya palayasin mo na ako dito, anong oras na ba? May part time pa ako sa
resto! Naku, malilintikan ako sa auntie ko nito!" "hoy, hoy. Wala akong pakelam kung may part time ka. Okay na rin kahit hindi ikaw yung fiancé, malaman lang na bestfriend
ka nya eh pede ka na ring hostage." "Eh?! Baliw na ba talaga kayo? Tsaka ano ba kelangan nyo kay Chad?" "Well kung bestfriend mo sya, dapat alam mo na sya lang naman ang future president ng UnderConstruction." "Teka... diba club yun?" ang alam ko yun yung club na pagmemay-ari ni Chad eh. "Tanga!" ay natanga pa nga. >_< "Hindi lang sya club, ang UnderConstruction ang pinakakilala at pinakakinatatakutan na
mafia group sa loob at labas ng bansa! Napakapowerful nila dahil connected sila sa isang kilalang Mafia family sa Italy."
"What?!" O___O
Hindi ko akalaing soon-to-be mafia leader pala si Chad? O__o Joke ba 'to? Joke 'to diba? =___="
"Kung mapapaluhod namin ang future leader ng UnderConstruction, siguradong titingalain talaga ang grupo namin!
Siguradong undercontrol na namin ang Underconstruction pag nangyari yun. At lahat ng yun ay dahil sayo!"
"Gags. Wag mo akong idamay. Saka pede ba lubayan nyo na lang si Chad."
---
"Chad Jimenez..." nakangising sabi nung baboy na gangster habang nakatingin sakin at hawak ang telepono. Tinawagan nya
kasi para sabihing kinidnap nya ako. Odiba? Parang yung mga nasa tv lang. =___=
"Hindi mo ako kilala pero----ay pota!" biglang sigaw nung baboy na gangster. "Oh, anong problema mo? Bakit ka nagmumura dyan?" nagtatakang tanong ko. "Eh tengene nitong Chad na 'to, nung sinabi kong hindi nya ako kilala biglang ini-end yung call."
Natawa ako dun sa sinabi nya, "bwahaha! Hindi daw sya nakikipagusap sa strangers kaya siguro binaba! HAHAHAHA!"
"Tatawagan ko ulit! Walangyang yun!" sa lahat ng kidnappers na palpak, sila na ang pinakapalpak. Imbis na matakot ako,
"Teka, ano nga pangalan mo?" tinakpan nya yung phone nya tapos tinanong pangalan ko.
"Bebang."
"Ah ok," tumango tango nyang sabi saka bumalik ulit sa linya, "Ayun, nasa akin ang bestfriend mong si Bebang, kung ayaw
mong--- anak ka ng pooooottttt!"
"Binabaan nanaman ako ng telepono!" "See? He's not interested kung kinidnap bestfriend nya. Kaya pakawalan mo na ako." dahil hindi naman Bebang pangalan ko.
mwahahaah. :D "Saka, hindi naman talaga nya ako bestfriend--- actually, stalker nya ako--- ako yung sunod ng sunod sa
kanya at dahil na rin siguro sa awa, pinayagan nya na akong maging bestfriend. Trust me guys, wala syang interest sakin
kahit patayin nyo po ako dahil isa lang akong dakilang obsessed stalker nya."
"Ay ganun? Tsss. Nagaksaya lang kami ng oras. Sige lumayas ka na nga dito!" tinanggal na nila yung tali sa mga kamay ko at
pinalayas na nga nila ako. WOOHOOO. I'm free... anubayun, mga uto uto, wala bang IQ yung mga yun? Gurabeeh lang.
=___=
---
Hindi na ako nakapasok sa part time ko sa resto, napagalitan pa ako ni auntie. Tss, all thanks to those bunch of kidnappers, o
kung kidnapper nga ba silang matatawag. =___=
Kaya naman nagdiretso na ako sa bahay ng mga Sandford para naman magtrabaho bilang maid ng isang halimaw. =___=
Nakaka-BV(BadVibes) 'tong araw na 'to.
"hoy haliparot na lalaki!" sabi ko pagkapasok ko ng kwarto nya, gusto ko syang sigawan dahil sa ginawa nya kagabi sa
pagsusulat sa mukha ko. Akala nya ba madaling magbura ng pentelpen sa mukha?!!! >__< "Anong tinawag mo sakin?!" inis na sabi nya habang nakahiga sya sa kama at nakapatong yung kanang braso nya sa noo
nya. Magulo yung pagkakahiga nya sa kama tapos naka-uniform pa sya.
"Oy, anong problema mo? Bakit ganyan ka?" medyo weird kasi eh, bukod sa inis yung mukha nya eh para bang mukhang
natataeng hindi maintindihan yung mukha nya. Yun bang expression ng mukha na parang may nararamdamang hindi
maganda.
"Wala. Wala." tumalikod lang sya sakin, humarap sya sa kabilang side ng higaan. "Umalis ka na lang!"
Medyo nawi-weirduhan talaga ako sa kanya kaya lumapit ako tapos hinawakan ko yung noo nya na bigla nyang tinampal
paalis, "May lagnat ka ah?!"
"Eh ano?!"
"Wowwwww. Nilalagnat din pala mga katulad mo? Akalain mo yun." amazed na amazed na sabi ko. I mean, ngayon ko lang
makikitang nilalagnat ang isang tulad ni Cross. :D
"Anong ibig mong sabihin ha?!" grabe naman 'to, may sakit na't lahat nagtataray pa rin. Saan ba 'to nagmana? Sa
mangkukulam ata ai.
"Wala naman. Naku, mabuti pang ikuha na kita ng thermometer para masukat natin yang lagnat mo tapos kukuha na rin ako
ng gamot, kumain ka na ba?" kahit naman inis ako kay Cross, hindi pedeng pabayaan ko na lang sya since may obligasyon
din naman ako sa kanya bilang katulong. Marunong din naman akong rumespeto sa trabaho ko kahit hindi karespe-respeto
yung pinagtatrabahuhan ko. =__=
-----
"Oh eto, galing sa kusina, sabi ko may lagnat ka eh kaya yung isa sa mga taga luto dun pinaggawa ka ng mainit na soup.
Bagong luto. Kumain ka muna tapos saka mo inumin ito," tinuro ko yung capsule na nasa trey sa tabi ng baso. Ang taas ng
lagnat nya, sinukat ko kasi sa thermometer, mag-fo.forty °c ang lagnat nya.
Sinunod naman nya yung ginawa ko, kinain nya yung soup tapos ininom nya yung capsule tapos humiga na sya pagkatapos.
But by the looks of him, mukha na talaga syang nagdedeliryo tapos nabigla pa ako ng bigla syang tumayo at nagdiretso sa
banyo ng kwarto nya at sumuka. Sinundan ko sya dun para mahimasmasan ko sya sa likod para hindi maging masakit yung
pagsuka nya.
"Ano ba yan, nasusuka ka pa. Ano ka ba buntis? Magpa-ospital ka na kaya." "Buntis mo mukha mo." matamlay na sabi nya habang pinupunasan na yung bibig nya matapos nyang mai-umumog ang bibig
nya. "Tsaka hindi ko kelangan magpa-ospital, magpapahinga lang ako dito tapos wala na 'to bukas."
Babalik na sana sya sa higaan nya pero nakakailang lakad pa lang sya eh natumba na sya pero buti na lang naalalayan ko
kaagad. Nanghihina talaga sya, ang init nga ng katawan nya eh nakakapaso.
"Tingin ko dapat magpa-ospital ka na, baka magoverheat ka sa taas ng lagnat mo eh." "H-hindi na sabi eh!" inis na sabi nya. "Okay fine. Edi hindi." napakasungit talaga kahit may sakit na't lahat. =__=
Inalalayan ko na lang sya papuntang higaan nya. Kitang kita ko kung papaano syang pinagpapawisan, basa na nga yung
uniform nya eh dahil siguro sa pagsuka nya kanina at dahil na rin sa pawis nya. Para ng naligo yung buhok nya kasi basang
basa ito sa pawis.
Pinagmasdan ko sya... ang hot nyang tignan sa nilalagnat at pawisan nyang itsura habang nakapikit. Ay syet, ano ba 'to,
abnormal na ba ako? Sa lahat ng pagnanasaan ko, isang monster pa! Erase, erase, delete, delete. >___<
Pero aside sa pagkamanyak ko, anong gagawin ko sa kanya? Hindi naman pedeng matulog sya ng pawisan at amoy suka
sya diba?
"Kaya mo bang maghubad?" tanong ko sa kanya na kinabigla nya, napamulat agad sya ng mata eh.
"HA?! ANONG HUBAD PINAGSASABI MO?!" "I mean magbubad ng shirt at magpalit dahil tignan mo itsura mo, amoyin mo pati! Matutulog ka ng nakaganyan?!!" wag nyo
pong isiping nimamanyak ko sya, concern lang po talaga ako kasi kelangan nya talagang magpalit, hindi makakabuti sa kanya
ang matulog ng pawisan at amoy suka. >_<
"Sa tingin mo may lakas pa akong magpalit?!" matamlay pero mataray na sabi nito. Hinang hina talaga sya.
"No choice, ako na maghuhubad sayo." lumapit ako sa kanya para i-unbutton na ang uniform nya.
"H-HOY! ANONG GINAGAWA MO?!" sabi nya sa nananamlay na boses at sinusubukan nyang alisin ang kamay ko pero hindi
nya magawa dahil nananamlay talaga sya, wala na syang lakas, "Wag mo akong rape-in!"
"Gagu. Rape mo mukha mo!" wala nga sabi akong balak na manyakin sya, ok? Concern citizen lang po ako. =____="
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
entry --- 18.2
"No choice, ako na maghuhubad sayo."
"H-hoy! Anong ginagawa mo?!!" pagkabigla nya ng lumapit ako sa kanya at sinubukan tanggalin ang mga butones ng uniform
nya, sinusubukan nyang tanggalin ang kamay ko pero masyado syang nananamlay sa sakit nya kaya hindi nya matagal, "Wag
mo akong rape-in!"
"Gagu! Rape mo mukha mo!" napaka-green minded talaga nya. Sya na nga tinutulungan kong magpalit ng nakakadiring
pinaghalong suka at pawis na uniform nya tapos ako pa sasabihan nyang nangrerape. Bubugbugin ko 'tong isang 'to eh.
=___=
"Eh ano sa tingin mo ginagawa mo? Hindi ba rape yan?! Hoy virgin pa ako at wala akong interest na mawalan ng virginity sa
panget na katulad nito."
Sinapak ko ito sa sinabi nya, "Pede ba manahimik ka na lang? Promise, wala akong gagawin sayo. Wala rin akong interest na
kuhanan ka ng virginity noh! Ayoko malahin ng halimaw!"
"Anong sabi mo?!" argh. bakit ba kahit may sakit na sya't lahat napakasungit, napakataray at napakamapanlait nya? As in,
inborn na ba sa kanya yang mga ugaling yan?
"Alam mo, bahala ka na sa buhay mo! Napaka-arte mo!" binitawan ko na yung polo nya na nabuksan ko lang ang first two
buttons. "Dyan ka na. Tawagin mo na lang ako kung may kelangan ka!"
Lumabas na ako ng kwarto nya. Mukhang hindi nya naman kelangan ng tulong, mabuti pang magpunta na lang ako sa kwarto
ko para makapag-aral pa since may irerecover pa akong test na dapat ay kinuha ko ngayong araw na 'to but since umabsent
ako eh kelangan irecover ko sya tomorrow.
Nag-aral ako dun ng nag-aral hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng mag-beep
yung telepono sa kwarto ko, yun yung connected telephone sa kwarto ni Cross, ginagamit nya yun para tawagan ako pag may
kelangan sya.
"Ano naman kaya kelangan nun sa gantong oras?" napatingin kasi ako sa bedside clock, mga 2:40am na, I rub my eyes bago
ko sagutin yung phone, "Oh anong---?!"
Naputol na lang ako sa pagsasalita ko ng marining ko syang nauubo ubo at parang hirap magsalita, "H-hindi ako makatulog..."
"So?" yun ang feel kong sabihin sa antok pero naawa naman ako sa tono ng boses nya kasi parang hirap na hirap sya, ubo pa
sya ng ubo.
"O sige, pupunta na ako dyan." yun na lang nasabi ko at ibinaba ko na yung phone at parang zombieng naglakad papunta sa
kwarto nya, antok na antok pa kasi ako. Kagabi pa ako puyat. =___=
"P-patayin mo nga yung aircon, nilalamig ako eh." yun yung unang utos nya as soon as nakapasok ako sa kwarto nya.
Sinunod ko na.
"Napatay ko na." "Niloloko mo ba ako? Ang lamig lamig pa eh!" "Eh patay na nga sabi eh, baka gusto mo ikaw patayin ko para hindi ka na lamigin?!" naaasar kong sabi. Sinabi na kasing
pinatay ko na yung aircon, ang kulit kulit pa. Pag ganto pa man ding naistorbo ako sa tulog, madaling uminit ang ulo ko. =__=
"Kuha mo akong tubig!" utos nanaman nya habang umuubo ubo. Inabot ko lang sa kanya yung tubig na nakapatong sa
sidetable nya.
"Oh." umupo naman sya sa pagkakahiga nya para makainom. Ang sama ng tunog ng ubo nya, hinipo ko yung noo nya na
kinabigla nya, "H-hoy! Wag mo akong manyakin!"
"Wag ka nga! Hindi kita minamanyak, tintignan ko lang kung gaano pa kataas lagnat mo!" tumahimik na lang sya,
pinakiramdaman ko ang temperature ng noo nya, "Ah grabe! Ang taas ng lagnat mo! Ang init init ng body temperature mo,
magpa-ospital ka na kaya? Tatawagan ko na yung driver para mapahatid ka sa ospital!"
Tumalikod na ako nun para lumabas at matawag yung driver ng bigla nya akong hinawakan sa kamay at pinigilan, "Wag!"
Nagtaka ako sa sinabi nya, napaharap ako sa kanya, hirap na hirap yung expression nya tapos paubo ubo pa sya, tagaktak
nga sya ng pawis and come to think of it, nilalamig pa daw sya nan eh pawisan na sya! Iba na talaga 'tong sakit nito, ang taas
ng lagnat eh. =___=
"Bakit naman? Kelangan mo ng magpa-ospital sa lagay mong yan, feeling ko mamamatay ka ng hindi oras eh." =___= "Wag nga sabi eh! Mas prefer ko pang mamatay kesa magpaospital." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya, "Alam mo hindi bad idea yan eh kaso nga lang pag nadeds ka baka ako
malagutan, sabihin pinabayaan kita kaya hindi pede, tatawagin ko na yung driver para madala ka sa hospital kaya bitawan mo
na kamay ko."
"Ayaw." parang bata nyang sabi na mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Nakatungo sya.
"Ano ba problema mo? Bakit ba ayaw mong magpa-ospital?!"
"Eh ayoko eh!" "Eh bakit nga?!" "Eh basta ayaw ko!" "Pag sinabi mo sakin kung bakit ayaw mo promise hindi ko na sasabihin sa driver na ipadala ka sa ospital." "Promise?" tumingin sya sakin na parang batang nag-aassure na tutuparin ko yung promise ko. Awww. Bakit parang feeling ko
nakukyutan ako sa kanya? Yung itsura nya parang isang maamong puppy, parang nawala lahat yung monster aura nya. Sana
pala lagi syang may sakit, ang cute nya eh. :"3
"Promise." Huminga sya ng malalim bago magsalita, "Ayaw kong magpaospital kasi...."
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
entry --- 18.3 [promise. ito na yung last part para sa entry---18 XD]
"Ayaw kong magpa-ospital kasi..." "Kasi?" grabe naman eh, pabitin effect pa 'tong Cross na 'to eh. =_=
He shakes his head, "Ah, wala wala. Nevermind. Sige tumawag ka na ng driver. Magpapaospital na lang ako."
Sudden change of mind? Huh?
"Wait. Teka... bakit nga ayaw mo magpa-ospital?" "Hindi mo ba narinig sinabi ko kanina? Sabi ko diba, tumawag ka na ng driver at magpapaospital na lang ako!" binitawan nya
yung kamay ko at humiga na ulit at nagtalukbong ng kumot.
He's really a mongoloid. Napakaweird, shillyshally much? =___=
----
Ganun na nga yung nangyari, nagpa-ospital na nga si Cross. Nung una nga nabigla yung mga tao dun sa bahay nila, as in
parang may grand commotion about sa pagpapa-ospital ni Cross--- na para bang bago yun? Err... Pag tinatanong ko naman
kung anong meron, iniignore lang nila ako. Ayy? Anong meron kaya sa pagpapa-ospital ni Cross? Ano bang meron?
Nakakaasar ah, naku-curious ako. =___=
Medyo sleepy pa ako dahil hindi nanaman ako nakatulog ng ayos, bangag na ako sa tulog nito. Pero no choice ako kundi
gumising pa rin ng maaga dahil may pasok pa ako. Nakapagsuot na ako ng uniform at paalis na sana ako nang biglang
nakasalubong ko si Mr. Sandford, ang tatay ni Cross.
"Ah goodmorning po!" "Goodmorning din hija!" nakangiting bati nito sakin, magkaibang magkaiba sila ni Cross, hindi masungit at mataray si Mr.
Sandford --- baka naman nagmana si Cross sa nanay nya? Ewan ko lang din, hindi ko naman nakikita nanay nya eh. "Ah, hija.
I've got a favor to ask." "Ah ano po iyon?" kahit hindi nanaman sya mag-ask ng favor, obligatory naman na gawin ko yung iuutos nya diba since
binabayaran naman nila ako dito? Ang bait talaga nitong si Mr. Sandford, wayyyy different kay Cross. "Umm... You see, na-ospital si Cross and he's confined there for 2days. Can you skip class for 2days to accompany him? You
know, my son Cross has a phobia with hospitals and I don't even know why. When he was 8 he got confined to the hospital but
eversince he got out of that hospital, he doesn't want to go back anymore to any hospitals that's why whenever he's sick, we
just contact our family doctor to visit him here. But last night was different, he actually asked to go the hospital.. but I'm 100%
sure that he's scared to death, the doctors told me that he wasn't able to sleep last night 'coz of his great fear for something...
and this fear is not helping him with his health. That's why I'm asking you if you can skip class and be his companion for 2days
& a night." "Ah, sure po." yun na lang yung nasabi ko. Kahit ayaw kong umabsent sa school dahil kahapon pa rin akong umabsent eh
wala na lang akong nagawa kundi sumang-ayon, bukod sa fact na hindi naman ako pedeng tumanggi kasi binabayaran nila
ako eh may isa pa akong pakay, gusto kong malaman kung ano ba kinatatakutan nitong Cross na 'to sa hospitals. Sobrang
naku-curious ako. >___<
"Salamat hija. Sumama ka na sakin, didiretso na rin naman ako dun sa hospital eh para dalawin ang anak ko." wow. kahit
busy na tao si Mr. Sandford, may time syang bisitahin yung anak nyang may sakit, kadalasan kasi yung mga magulang na
busy walang time para bisitahin mga anak nila. Kakaiba talaga si Mr. Sandford, saludo ako!
----
Nakarating kami sa hospital kung saan naka-confine si Cross, 3rd floor sya eh, sa isang private room. Naunang pumasok si
Mr. Sandford, nanunuod ng tv nun si Cross, hindi ko alam kung anong pinapanuod nya kasi hindi ko kita sa kinatatayuan ko.
Nasa taas kasi yung tv.
"What are you doing here old man---- WAIT! WHAT IS SHE DOING HERE AS WELL?!!" pagsigaw nito samin pagpasok
namin. Pinanganak ba talaga si Cross na may galit sa mundo?
"Cross, she'll accompany you for your whole stay here in the hospital." "And why so?" irritated na sabi ni Cross. Tumahimik na lang ako, bahala na silang magtalo ng tatay nya, wala na akong lakas
pang umimik at makipagsagutan dyan sa Cross na yan kasi puyat na puyat na talaga ako.
"So you wouldn't be afraid anymore. We all know that you have such fear with the hospitals." "A-anong fear pinagsasabi nyo?! I don't need anyone to accompany me! J-just leave me alone!" pinapagalitan nya kami but
he's stammering while he's speaking. "No. The doctor said that last night, you weren't able to sleep because of whatever you have for the hospital at sabi nya, it's
not good for your health. It'll worsen your health lang daw, so I think the best solution for it is to have Ms. Reah to accompany
you." he's pertaining to me, whole name ko yung Reah, dun galing yung nickname ko na Eya. "Ayoko! H-hindi sabi ako takot sa kung anuman eh! Wag nyo nga akong ituring na bata!" paano ba syang hindi ituturing na
bata eh para syang bata kung umakto? Nagmamaktol pa sya. Geez. "I don't want to get your condition worse kaya mabuti pa Cross, makinig ka na lang sakin. It's already decided, Ms. Rodriguez
will nurse you." tapos lumabas na si Mr. Sandford.
"Yuck. Ms. Rodriguez will nurse you... yuck. Nurse him? Pedeng ibang term naman gamitin nya diba? Yuck talaga." "Hoy ikaw! Anong binubulong mo dyan?!" "Wala! Wala ka ng pakelam dun." naglakad na ako papunta sa upuan sa tabi ng bed nya at umupo dun. "Anong ginagawa mo?!" mataray pang sabi nito. "Edi umuupo, sa tingin mo? Mukha ba akong lumilipad sa paningin mo?" pagpapakasarcastic ko. Argh. Nababadtrip talaga
palagi sa Cross na 'to, sumasakit na nga ulo ko sa puyat, sumasakit pa ulo ko sa nakakasurang Cross na 'to. "Wag kang tumabi sakin!" paguutos nito. "Bakit? Dahil ba mahahawa ako sa sakit mo?" concern ba sya?
"HINDI! Dahil mahahawa ako sa kapangitan mo!" sisipain ko na talaga 'tong Cross na 'to, pigilan nyo ako. Pigilan nyo ako. Tss.
Akala ko pa man din kaya nya ako pinapaalis sa tabi nya kasi worried sya na makahawa sya ng sakit nya, ayun pala ayaw nya
mahawa sa kapangitan ko. Napaka-antipatiko talaga! =___=
"Napaka-arte mo ha! Pasensya naman ha, pangit ako. Wag kang mag-alala hindi ako contagious!"
"Siguraduhin mo lang! Ayokong maging kasing panget mo. Mabuti pa talupan mo nga ako ng mansanas!"
Nakita ko yung mga prutas na nakalagay sa isang malaking bowl na nakapatong sa sidetable nya, imbis na mansanas ang
kinuha ko ay yung saging ang inabot ko sa kanya, "Ayan. Kainin mo."
"Oh ano 'to?! Sabi ko mansanas diba hindi saging!" "Wag kang maarte, magsaging ka na lang, madali yang kainin, kaya mong talupan sa kamay yan." "Ayoko nito. Gusto ko mansanas! Talupan mo ako ng mansanas!" "Yan na lang sabi kainin mo, tutal mukha ka namang unggoy bagay yan sayo!" "Anong sabi mo?! Ihagis ko 'tong saging sayo eh! Pede ba talupan mo na lang ako ng mansanas!" daig pa nito ang batang
nagkakatantrums kaya pinagtalop ko na nga lang sya ng mansanas para tumigil na ang pagkaligalig nito.
"Ikaw tatalupan ko ng buhay dyan eh." pabulong kong sabi habang tinatalupan yung mansanas. "Anong sabi mo?!" "Wala sabi ko, kelan pa natutong kumain ang unggoy ng mansanas!" "Nangaasar ka ba?!" "Hindi obvious?! Oh eto mansanas mo, isaksak mo sa bunganga mo ng matahimik ka na lang!"
"Ikaw ang manahimik!" sabay tanggap nya sa mansanas at kinain ito. Isip bata. =__=
Napatingin ako sa pinapanuod nya, "Ano ba yang pinapanuod mo, gossip girl? Are you gay?" "Gay mo mukha mo! Wala akong mapanuod eh kaya yan na lang pinanuod ko." "Sus palusot ka pa." "Manahimik ka na lang pede?"
Nanahimik na nga lang din ako kasi nakakapagod makipagtalo. Mga bandang 6pm yun ng may dumating syang mga bisita. Tatlong lalaki at isang babae.
"Wow. So ikaw pala yung maid na sinasabi ni Cross!" tuwang tuwang sabi nung isang lalaki, "Ako nga pala si Seven!"
"Ah hello." yun lang sinabi ko. Medyo naweweirduhan ako sa kanya eh, feeling ko napakaplayful ng ugali nya, para bang
kagaya sya ni Cross na may multipersonality.
"Lagi kang nakekwento samin ni Cross." lumapit naman sakin yung isang lalaking matangkad, mukhang sya yung
pinakamabait sa kanila--- sya lang kasi yung may maamong mukha sa kanila, "Ako nga pala si Trey. Tapos ito girlfriend kong
si Sena."
Nag-hi sakin yung girl. Bagay silang dalwa. :"3
Teka, kinukwento ako ni Cross? Weh?
"Oo nga eh, crush ka ata ni Cross!" pagkasabi nun nung Seven, binato sya ng unan ni Cross.
"Ulol! Ako magkakacrush sa panget na yan?!"
"Hey Cross, don't say that to a girl! Napakabad mo! Matuto ka naman magrespect sa babae!" pinagalitan sya nung girlfriend
nung Trey, yung si Sena.
"Wala akong pakelam. Respect nyo mukha nyo."
"Hoy Cross, wag mo sagutin ng ganyan girlfriend ko. Bugbugin kita dyan kahit may sakit ka." pagtatanggol ni Trey para kay
Sena. "Mabuti pa nga Babe, bugbugin mo na yan." pagbibiro nila.
Nag-asaran, naglokohan at nagtawanan sila.
"Guys, yosi lang ako saglit ah. Balik ako." pagpapaalam ni Memo. Oo nga pala, andun din sya. Pero most of the time kasi
tahimik sya at hindi kami nakakapagusap. Pero bago sya lumabas, tumingin sya sakin, "Tara. Sama ka?"
"Ha?" yun lang yung nareact ko pero hinigit nya na lang ako sa kamay at nagdire-diretso na kami palabas ng hospital.
"Uy, teka. Bakit mo ako sinama dito sa labas?" nasa may grounds na kami ng hospital habang nagsisindi sya ng sigarilyo.
"Ginagamit mo yung mga binigay ko sayo?" ayy, don't tell me hinigit nya ako papunta dito para kamustahin yung mga binagay
nya sakin? "Ah, oo. Bakit?" "Good. Nakikita ko nga improvements mo, nawawala na ang mga pimples mo. Medyo konti na lang sila, continue mo lang ang
paggamit sa mga gamot na yun. Kelangan kuminis ang mukha mo." eh? Ano ba sya dermatologist ko? "Ah... okay?" "Ginagamit mo rin ba yung lip balm?" umiling lang ako bilang sagot, tapos bigla syang nagalit, "Gamiting mo yun! Tignan mo
andaming chaps sa labi mo! Dry na dry! Teka lang..."
May kinuha sya sa backpack nya, "Dapat gumagamit ka nito."
Nabigla ako ng lumapit sya sakin at nilalagyan ng lipgloss ang labi ko, "O-oy teka lang! Bakit may lipgloss ka? Bading ka ba?"
*WAPAK!*
"Aray! Bakit mo ako sinapok!" T___T "Hindi ako bading! Naiwan ito nung kalandian ko sa mga gamit ko." wow, what a term, kalandian? Sino naman kaya yun?
Girlfriend nya ba? Eh bakit kalandian ang term nya? Ah ewan, "Iyo na lang 'to. Bagay sa labi mo, ayan oh, makintab kintab na!
Sa susunod gamitin mo yung lipbalm na binigay ko sayo tapos patungan mo nitong gloss."
"Teka nga, bakit ka ba concern sa itsura ko?" hindi ko kasi magets eh. Alam nyo yung parang pinapaganda nya ako? "Isipin mo na lang na ikaw si Cinderella at ako ang fairy godfather mo." Nandiri ako sa sinabi nya, "Alam mo para ka talagang bading, fairy godfather? Okay ka lang?"
Sinapok nanaman nya ako. Nakakadalwa na sya ah. T____T
"Tss. Yung Aly talagang yun, kung anu anong kabaklaan ang tinuturo sakin. Sabi ko na nga ba hindi bagay sakin ang mga
gantong terms, bakit ba ako nakikinig sa kanya!" naiinis nyang sabi.
"Sinong Aly?" "Ah wala. Isang babaeng hindi ko malandi landi." =___= "Girlfriend mo?" "Diba nga sabi ko hindi ko malandi landi? So paano ko magiging girlfriend?!" asar na asar na sabi nya. Woah. Sige na nga,
hindi ko na sya kukulitin tungkol sa Aly na yun. Parang bitter kasi sya dun sa Aly eh. Baka brokenhearted 'tong isang 'to?
hahaha. XD
"O sige na nga. Pero kung fairy godfather nga kita," medyo napatigil ako sa pagsasalita kasi natatawa talaga ako dun sa term. "Wag ka ngang tumawa, wag na nga natin gamitin yung term na yun. Kung gusto mo lang itanong sakin kung bakit ko
ginagawa 'to ay dahil sa gusto ko kayo magkatuluyan ni Cross."
Yung mata ko pede ng matanggal sa sinabi nya, "ANO?! OKAY KA LANG? PINAGSASABI MO?" "Ah wala, nevermind." tapos may binulong sya na hindi ko naintindihan, "Sabi ko na nga ba, ayaw talaga nila sa isa't isa. Mas
nakakathrill 'to, I think I'm gonna enjoy this."
"Anong sabi mo?" "Wala. Wala. Ok, nevermind na lang talaga yung sinabi ko kanina. Gusto lang talaga kita gumanda ng husto para mapansin ka
ng taong gusto mo," taong gusto ko? Isa lang naman taong gusto ko eh, si Chad yun ang kaso he's already taken, "Iniisip mo
bang walang sense kung magpapaganda ka pa kasi taken na yung taong gusto mo?"
"Mind reader ka ba?" nasambit ko na lang, kasi nasabi nya talaga yung nasa utak ko eh. "Sort of." he grinned, "But anyway, sundin mo lang talaga mga pinapayo ko sayo. Gumamit ka din nung mga lotions na binigay
ko sayo para mawala pagkadry ng balat mo. Alam mo kasi Eya, hindi ka naman panget eh, konting cure lang sa mga defects
mo eh maganda ka na. Mawala lang yang mga pimples at pagkadry ng balat mo eh mukhang tao ka na talaga," so meaning
hindi ako mukhang tao, ganun? "Tapos magsuklay suklay ka nga. Tanggalin mo nga yang ponytail mo. Please lang, mas
bagay nakalugay sayo pero dapat suklayan mo palagi!"
Tinanggal nya yung ponytail ko. Nagreklamo naman ako, "Anla, mas gusto ko nakaponytail, ang init init eh!" "Wag ka ng maarte. Mas bagay sayo nakalugay. Basta tara na nga sa taas," binato na nya yung sigarilyo sa sahig at inapakan
ito at niyaya nya na akong bumalik sa room ni Cross. Dun nya lang tinapos yung usapan sa fairy godfather thingy. Argh. Hindi
ko nagets talaga yung reason nya kung bakit nya ako tinutulungan. Pero sige na nga, baka nga sakaling magmukha akong tao
kung susundin ko mga payo nya, I think he brings no harm naman eh.
Bago kami tuluyang makapasok sa room ni Cross, may sinabi sya sakin.
"Alam mo ba kung bakit takot si Cross sa hospital?" Nakuha nya attention ko, kanina ko pa kasi gustong malaman kung bakit ba takot 'tong si Cross sa hospital eh. "Bakit?" "Nung naconfine kasi sya dati sa ospital nung 8yrs old sya, dumalaw ako sa kanya at kinuwento ko sa kanya na sa lahat ng
ospital, may multo. Kung anu anong kwentong nakakatakot sa may ospital ang kinuwento ko sa kanya, sobrang natakot si
Cross at naniwala sa mga sinasabi ko. Alam mo sigurong takot sa multo si Cross diba? Kaya ayun, ayaw na ayaw nya sa mga
ospital lalo na sa gabi kasi iniisip nya yung mga kwento ko sa kanya dati." "Waaa. Ikaw pala salarin kaya ayaw nya sa ospital!" Tumawa lang sya, "Hahaha! Oo eh, wag kang maingay sa kanila ah baka pagalitan ako. haha. Yan kasing si Cross, kung
titignan mo sa panlabas na anyo parang walang kinatatakutan na para bang isang halimaw pero ang totoo nyan, sa loob loob
nya marami syang kinatatakutan at para syang isang bata kesa sa isang halimaw. Let's say na inside him, he's actually
fragile." "Wooow." na-amazed ako kay Memo, "Andami mong alam kay Cross noh?" "Syempre, kababata ko yan eh." "Teka... magkababata kayo, does that mean kilala mo rin si Lory?" may gusto lang din akong malaman tungkol kina Cross at
Lory, gusto kong malaman kung anong meron sa kanilang dalwa, yun bang kung bakit patay na patay si lory kay Cross but si
Cross parang hindi nya pinapansin si Lory. "Yeah sure. But let's not talk about her, mabuti pang bantayan mo na lang si Cross mamayang gabi, kawawa naman yun baka
hindi nanaman makatulog." yun na lang yung sinabi nya at pumasok na kami ng kwarto ni Cross. Hindi man lang nya ako
binigyan ng chance makapagtanong tungkol kina Lory at Cross. Emff.
---
11pm na. Pinatay ko na ilaw sa hospital room ni Cross.
"B-bakit mo pinatay yung ilaw?!" biglang tanong ni Cross.
Hindi muna agad ako sumagot kasi inaayos ko yung kumot ko, sa may sofa dun sa sulok ako matutulog since iisa lang ang
bed dito. Buti na lang nga malaki yung room na kinuha nila at merong sofa na pede kong higaan.
"Eh syempre, matutulog na kaya tayo, anong gusto mo nakabukas ang ilaw? Hindi ako makatulog ng nakabukas ang ilaw
nuh."
"Ayoko! Buksan mo ilaw!" "Bakit?" "Basta buksan mo!" "Ayoko!" "Sino ba amo dito?! Ako o ikaw?!"
Lumapit lang ako sa kanya at binuksan ang lampshade sa bedside table nya, "Ayan, may ilaw ka na sa tabi mo, hindi na
kelangang bukas ang ilaw ng buong kwarto, hindi ako makakatulog! Parang awa mo na dalwang gabi na ako hindi
nakakatulog ng ayos dahil sayo!"
Naiinis na talaga ako. Kelangan ko ng tulog. =___=
Tumahimik naman sya ng buksan ko yung lampshade. Medyo dim sa room kasi maliit lang yung lampshade pero sa tingin ko,
makakatulog pa rin naman ako kahit may konting ilaw.
"Hoy bakit, bakit dyan ka matutulog?" Nakahiga na ako dun sa sofa at nagtalukbong na ng kumot, "Saan mo gustong matulog ako? Alangang sa sahig? Syempre
dito ako sa sofa. Manahimik ka na nga lang at matulog ka na, pede ba? Please lang?"
Tumahimik naman ulit sya pero after ilang minutes, nagsalita nanaman sya, "Narinig mo yun?"
"Ang alin?" iyamot na sabi ko habang nakapikit na.
"Yung footsteps!"
"Ano ba! Mga nurses lang yun na pabalik balik sa mga ibang kwarto ng pasyente o sa mga wards!"
"Ah ganun ba?" parang narelax na sabi nya. Don't tell me, iniisip nyang multo yung mga footsteps? Grabe lang ha. Laki talaga
ng takot nya sa mga multo. =___=
"Panget..." ano ba?! Hindi nya ba talaga ako papatulugin? Bigla nanaman kasi syang nagsalita after some minutes of silence. "Ano?!!!" I grunted. "Bakit ang tahimik?"
"Eh syempre gabi na! Tulog na mga pasyente! Anong gusto mo maingay dito sa gantong oras na parang may nagpaparty?
Alam mo, matulog ka na lang." nakakainis talaga. Ang kulit nya. >___>
"Hindi ako makatulog." sabi nya pero hindi ko na lang sya pinansin. Pinili ko na lang manahimik para magtigil na sya sa
pagsasalita. Magpapanggap na lang akong tulog na.
"Panget..." hindi ako umiiimik. Tulog po ako! Tulog! "Huy panget..." lalala. tulog ako, wag mo akong tawagin. "Panget... tulog ka na ba?" oo tulog na ako kaya wag mo akong kulitin!
"Tulog na nga ata." buti naman at naisip mo ring tulog na ako, kaya ngayon pede ka ng tumahimik, "Ah hindi ako makatulog.
Nakakainis kasi yung Memo na yun, pag tuwing naaalala ko kwento nya natatakot ako!"
Kinakausap nya ba sarili nya? Mababaliw na ata 'tong si Cross sa takot eh.
"Ayoko na. Sobrang tahimik. Nakakatakot naman dito! Dapat kasi sa bahay na lang talaga at hindi na lang ako nagpa-hospital.
Akala ko pa man din mawawala na sa isip ko yung mga kwento ni Memo pero yun pala hindi pa. Nakakainis naman eh! Bakit
ba kasi ang laki ng takot ko sa mga multo! Para naman akong bata eh! Napakaduwag ko! Nakakainis!" iritang irita ang boses
ni Cross. Kinakausap nya ang sarili nya at naiinis sya. "Hindi ako makatulog. Bakit ganun..."
Desperado na yung boses ni Cross. Naawa naman ako sa kanya. Para bang hindi ako sanay na naririnig syang ganto, sanay
kasi ako na galit sa mundo ang ugali nya pero ngayon para bang paiyak na sya eh... Para bang bata syang takot na takot.
"Cross..." "Gising ka pa?!" parang nabigla nyang sabi. "Oo." "N-narinig mo lahat ng sinabi ko?!" parang hindi nya makapaniwalang sabi. "Oo." "Argh! Eh bakit hindi ka naimik! Nagmukha tuloy akong tanga dito!" inis na sabi nya. "Mukha ka naman talagang tanga."
"ANO?!!!" "Pero alam mo wag kang matakot, hindi naman totoo mga multo pero kung totoo man sila hindi ka naman nila sasaktan eh.
Spirits lang sila nuh. Baka sila pa nga matakot sa pagmumukha mo at katarayan mo eh." "Anong sabi mo?!" Napatawa ako sa inis nya, "Joke lang. Ito naman. Pero magrelax ka lang kasi, matulog ka na, wala namang multo dito eh." "Hindi ako makarelax eh." he sighed. "Natatakot talaga ako..."
WOW. In-admit nya talagang natatakot sya w/o any hesitations. Siguro, takot na takot na talaga sya.
"Haay," narinig kong nagbuntong hininga sya at ang sumunod na ginawa nya ay hindi ko inaasahan, "Eya, please?"
Napa-upo agad ako sa pagkakahiga ko at sabay tanggal ng nakatalukbong na kumot sa mukha ko, "Teka, anong sinabi mo?"
"Bingi! Hindi ko na uulitin!"
"Hindi ah?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Ok fine. PLEASE!" he bits his lip. He's really embarrassed about this.
"Ano ulit?" ansarap nyang asarin. mwahaha.
"PLEASE!" impit na sigaw nya.
Ok na yun PLEASE, pero kung tama pagkakarinig ko kanina... binanggit nya pangalan ko diba? I mean lagi nya kasi akong
tinatawag sa nickname na "panget" eh pero kanina, sinabi nya yung "Eya"... I don't know kung bakit pero tuwang tuwa akong
marinig mula sa bibig nya yun. It's like something new para sakin, yung pagbanggit nya sa pangalan ko at sa salitang PLEASE
ay parang bagay na alam kong once in a blue moon lang mangyayari kaya naman nasorpresa talaga ako sa mga sinabi nya.
"O sige na sige na." tumayo na ako sa sofa at lumapit sa kanya, nakapameywang ako sa harap nya, "Teka... saan ako hihiga
dito? Kasya ba tayo sa kama?"
"O-oo naman noh! Hindi naman ako baboy!" "Relax lang! Hindi mo kelangang sumigaw! Anong oras na oh, tulog na mga tao dito noh. Wala ka sa bahay mo kaya hindi
pedeng sumigaw ka basta basta sa gantong oras."
"Eh nakakainis ka kasi eh." he hisses as he shy away. Shy and embarrassed monster like him does really exist, huh?
"Geez." napakamot na lang tuloy ako ng ulo. "Move a little."
Umisod naman sya ng konti at nagkaroon kahit papaano ng space, dun ako humiga kahit yung half ng body ko feeling ko
anytime malalaglag. Nung nakahiga na ako, humiga na rin sya.
Silence.
Hindi ako makatulog, nakatingin lang ako sa kisame. Silence...
Tumingin ako sa kanan ko para masilip kong tulog na sya kaso...
"AHHH!" bigla akong nahulog sa kama dahil sa bigla ko, paglingon ko kasi sa kanya ay saktong lumingon sya. Nabigla tuloy
ako ng hindi oras.
"Araykupo." sabi ko habang bumabalik ng higa sa kama.
"Antanga mo naman para malaglag sa kama!" sinabi nya yun pero nakatingin lang sya sa kisame. "Sorry naman ha, 50:50 kasi ako sa kamang 'to eh noh!" ano ba magagawa ko eh single bed lang 'to! "Oh." naramdaman kong umipod sya, napatingin ulit ako sa kanya pero nakafix lang talaga sa kisame ang tingin nya. Ini-
occupy ko naman yung space na binigay nya kaya naman medyo comfortable na ang higa ko.
Emm... Silence ulit? Err. Tama lang talaga ang silence nito kasi diba matutulog nanaman kami eh? Alangan naman magingay
kami... pero ang awkward kasi eh. Ewan ko, nawala tuloy yung antok ko, hindi tuloy ako makatulog! Argh.
"Wala kang kuto noh?" nabigla ako nang magsalita sya. "Ha?! Ano ba namang tanong yan! Wala noh!" "Buti naman. Ayoko mahawaan ng kuto eh." "Napaka-arte mo talaga at napaka-antipatiko mo, ikaw na nga 'tong nag-ask ng favor na tabihan ka tapos ang gana mo pang
maginarte." "Hindi ako nagiinarte! Ayaw ko lang talaga magkakuto! Kadiri yun!" "Ewan ko sayo, ikaw pinakamaarteng lalakeng nakilala ko." "Ikaw naman pinakapanget na babaeng nakilala ko!"
Aba't! Antipatikoooooooooo! Hindi ba sya pedeng maging mabait sakin kahit ngayon lang? I mean tinabihan ko naman sya
ah? Kinocomfort ko naman sya ngayon sa fear nya ah? Ano na lang ba yung magpakabait sya sakin kahit ngayon lang diba?
Argh. Wala na talagang pag-asa 'tong si Cross. Napaka-cookie monster ever. =___=
Hindi na nga lang ako umimik.
"Hoy..." tinatawag nya ako pero pinikit ko lang yung mata ko at nagpanggap na tulog. "Hoy..."
Lalalala! Tulog na ako. Lalalala.
"Hoy..." naramdaman kong inaalog nya ako sa braso na parang ginigising nya ako, "Uy! Uy!"
"Zzzzzzzzzz!" nagfalse snore ako.
Mas lalo tuloy nyang nilaksan ang pag-alog sa braso ko, "Uy gumising ka nga!"
"Ano nanaman?!" pinansin ko na nga sya kasi mukhang hindi nya ako titigilan eh. Ano nanaman problema nya. =____=
"Eh sino ba kasi may sabi sayong matulog ka kaagad?!" asar na sabi nya. "Eh bakit? Bawal ba akong matulog?" naaasar ko nanamang sabi. "Eh basta! Wag ka munang matulog hangga't hindi pa ako nakakatulog! Dapat mauna akong makatulog sayo!" "Ganun? O sya matulog ka na! Bilisan mo, inaantok na ako eh!" pinikit nya yung mga mata nya pagkasabi ko nun pero after
ilang second minulat nya na ulit yun, "Oh bakit?!"
"Hindi ako makatulog." plain na sabi nya. "Argggh!" naihilamos ko yung kamay ko sa mukha ko, "Suntukin na lang kaya kita ng makatulog ka kaagad?!" "Gusto mong masapak?!" "Ah! Matulog ka na lang kasi!" "Eh hindi nga ako makatulog eh!" "Eh ano ba kasi problema mo?! Bakit hindi ka makatulog?!" asar na asar na talaga ako. Ang nakakainis pa, gustong gusto ko
ng sumigaw sa kanya at the top of my voice pero hindi ko magawa kasi nga nasa ospital kami at tulog na mga tao sa paligid.
Kaya naman impit na impit ang mga galit naming boses.
Pero hindi na sya umimik, nilagay nya yung braso nya sa mukha nya at tinakip nya 'to sa mga mata nya... Nakaganun lang
sya at hindi talaga naimik. Tulog na ba sya?
*sniff*
Teka... suminghot ba sya? Teka... Umiiyak ba sya?
Mula sa medyo madilim na kwarto, sinubukan kong tignan ng maigi ang mukha nya...
at nabigla na lang ako ng makita kong may mga tumutulo ng mga luha sa pisngi nya....
Cookiemonster is crying?
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 19.2
"Wait Cross, umiiyak ka ba?"
Hindi nya ako sinasagot, patuloy lang sa pagtulo ang mga luha nya. Oy, hindi ako nagpaiyak dito ah. >___<
"Cross? Uy Cross.." umangat ako ng konti sa pagkakahiga at hinarap sya, hinawakan ko yung braso nyang nakatakip sa mga
mata nya at pinilit tanggalin ito, "Cross an--"
"Ma!"hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil nabigla ako ng umangat sya at niyakap ako. Ibinaon nya ang mukha nya sa
kaliwang balikat ko at nararamdaman kong nababasa ito ng luha nya.
"Ma, natatakot ako." gusto kong mainis dahil tinatawag nya akong mama nya. Anong tingin nya sakin? Ganun kagurang para
maging sugar mommy? Grr.
Pero ayaw ko namang maging insensitive kaya pinigilan ko na lang ang inis ko. Ngayon ko lang nakita sa gantong state si
Cross, ganun ba talaga ang takot nya sa mga multo?
"Ma, wag mo akong iwan. Dito ka lang ma!"
"Umm.. Cross, dito lang ako hindi kita iiwan but you see..hindi ako ang nanay mo eh." I tried my best to sound as sincere as I
can. Kahit inis ako sa kanya dahil sa ugali nya ay hindi ko pa rin mapigilan na maawa sa kanya. He's trembling with fear.
"S-sorry.." parang natauhan nyang sabi sabay alis sa pagkakayakap sakin at bumalik na ulit sa pagkakahiga nya pero this
time nakaside sya ng higa, nakatalikod sakin. Wala na akong nagawa kundi bumalik na lang din ulit sa pagkakahiga pero as
soon as I lay myself to bed ay pinagmasdan ko sya, pinagmasdan ko ang likod nya. Hindi ko pa nakikita ang nanay niya at
mukhang hindi ito umuuwi sa bahay nila Cross, ewan ko kung asan ito pero I'm sure miss na miss na ito ni Cross.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot, I miss my mom... I miss my family. Wala na sila, si papa at mama they were
murdered right before my eyes tapos si ate, nagkasakit sya at namatay 5yrs ago. Nakakarelate tuloy ako kay Cross ngayon,
well except for the ghost part. Parehas kaming nangungulila...
"Here we go... Come with me..." sinubukan kong kumanta. "There's a world out there that we should see Take my hand, close your eyes With you right here, I'm a rocketeer."
(watch video to here Eya's voice, video's not mine for imaginary purpose only ---> Link: http://youtu.be/9NEAiaAL76I Please do listen to that 'coz that's an acapella version and there's no rap in there)
Ito yung laging kinakanta sakin ni ate dati sa tuwing nagkakanightmares ako sa gabi at umiiyak akong pumapasok sa kwarto
nya para tumabi sa kanya sa pagtulog.
"Let's fly Up, up here we go, go Up, up here we go, go Let's fly Up, up here we go, go Where we stop nobody knows, knows
Where we goin' we don't need roads, roads And where we stop nobody knows, knows To the stars if you really want it Got, got a jetpack with your name on it Above the clouds in the atmosphere, phere Just say the words and we outta here, outta here Hold my hand if you feeling scared, scared We flying up, up outta here."
Gustong gusto kong kinakanta nya 'to sakin kasi pag naririnig ko 'to, narerelax ako at nawawala na yung takot at nerbyos ko.
Tumatahan ako sa kantang ito.
"Here we go, come with me There's a world out there that we should see Take my hand, close your eyes With you right here, I'm a rocketeer,
Let's fly Up, up here we go, go Up, up here we go, go
Let's fly Up, up here we go, go, Where we stop nobody knows, knows ."
Pag kinakanta 'to ni ate, nakakatulog ako ng mahimbing. This song is my favorite lullaby.
"Here we go, come with me There's a world out there that we should see Take my hand, close your eyes With you right here, I'm a rocketeer"
Patapos na ako sa pagkanta ng biglang humarap sakin si Cross, nakapikit na sya at sa tingin ko ay nahihimbing na sya sa
tulog.
"Where we stop nobody knows..."
Pinagmasdan ko sya habang natutulog, mukha syang anghel...
Dugdug.
Wait. What was that?
Dugdug.
Ah! Wala, wala! Tumalikod na lang ako sa natutulog na Cross habang hawak hawak ko ang dibdib ko. Ano 'tong malakas na 'to sa dibdib ko?
Normal ba 'to? Nagkakaheart attack ba ako? Kelangan ko bang lumabas para magpatingin sa mga doctor?!
Dugdug.
Ahh! Ayoko nito, ang lakas lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Nakakatakot parang nakakamatay ata 'tong nararamdaman ko!
Mabuti pang magpatingin ako!
--- Dahil hindi ako mapakali sa nararamdaman ko sa puso ko ay lumabas ako sa kwarto ni Cross, making sure hindi sya
magigising. Nagpunta ako sa pinakamalapit ward ng mga nurses. May isang lalaki at dalwang babae dun.
"Excuse me po," "Oh bakit ka pa gising miss? May nangyari bang kung ano?" tanong sakin nung lalaki na may hawak na papel na nakalagay
sa isang maliit na board.
"Umm.. Masama po kasi yung pakiramdam ko," "Panong masama?" "Feeling ko po may abnormality sa may chest ko, napaka irregular po ng heartbeat ko. Pede nyo po bang icheck? Natatakot
po kasi akong baka inaatake ako sa puso." natatakot talaga ako na baka yun nga yung case ko since may history kami ng
heart attacks sa family, yung kinamatay nga ni ate ay dahil sa isang heart attack eh. Natatakot ako na baka may weak heart
din ako.
"Ah, o sige. Upo ka dito," umupo ako dun sa upuan sa loob ng ward nila, "Leslie, check mo yung heart nya, irregular daw eh."
Lumapit sakin yung isang nurse na babae dun na sa tingin ko ay nasa 20's pa lang, may dala syang stethoscope, "Hi, ako si
Leslie. Irregular heartbeat mo? In what way?"
"Sobrang bilis po na parang sumisikip yung dibdib ko.. Natatakot po ako kasi may history po kasi sa family namin ang mga
heart attacks."
"Ah ganun ba, sige tatry kong pakinggan ang tibok ng puso mo." pinasok nya sa t-shirt ko yung stethoscope at pinakinggan
nya ito.
After ilang seconds, nakangiti nyang tinanggal yung stethoscope, "Miss, may nangyari bang maganda?"
Inisip ko yung nangyari kanina. "Nothing in particular naman po..."
"May nakita ka bang maganda? O kabigha bighani?"
Naalala ko kaagad yung natutulog na mukha ni Cross na parang anghel. Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko.
"O-opo!"
Ngiting ngiti yung nurse, "Lalaki ba ang huling kasama mo?"
"Ah opo, paano nyo po nalaman?"
Hindi na ata mawawala sa mukha nung nurse yung ngiti nya, "Your heart rate is faster than the normal heartbeat but I assure
you that you're physically safe... Just take care of your emotional health..."
"Po?" hindi ko nagets sinabi nung nurse, english kasi eh. XD
"Nainlove ka na ba?"
Nanlaki yung mata ko parang ganto ---> =__= pero syempre joke lang, lumaki ng parang ganto --> O__O
"Hindi po.. Ata... Ewan po..." teka, yung kay Chad? Love ba yun o great infatuation? Ay hindi ko alam. >_<
"Ahaha. Relax lang, it's not a heart attack..." "Eh ano po?"
"Diba pag natatakot, ninenerbyos at naeexcite ka ay bumibilis ang puso mo na parang ganyan?" "Ah opo," ngayon ko lang napagtanto nang sinabi nya yun. "It's somewhere inbetween those." "Eh? Ang alin po?" "Yang tibok ng puso mo." magtatanong pa lang sana ulit ako kaso pinapaalis na ako ni nurse Leslie, "O sige na miss, balik ka
na sa room mo at matulog ka na. Dont worry, it's something normal."
Napakamot na lang ako sa ulo habang pabalik sa kwarto ni Cross.
Hindi na ako nahiga sa tabi nya kasi tulog nanaman sya kaya naman nagdiretso na lang ako dun sa couch.
Sinubukan kong makatulog pero hindi ako makatulog, pabaling baling na ako sa sofa. >__< Nagpapabalik balik sa isipan ko yung sinabi nung nurse kanina.
""Diba pag natatakot, ninenerbyos at naeexcite ka ay bumibilis ang puso mo na parang ganyan?" "Ah, opo." "It's somewhere inbetween those." "Eh? Ang alin po?" "Yang tibok ng puso mo."
Ano naman daw yun? Nakakamongoloid, hindi ko nagets. =___= Buti na lang medyo nagiislow down na yung heart rate ko.
----
TIKTILAOK.
Joke lang, walang mga manok. Nasa ospital nga kami tapos paano magkakamanok. =___= Nagising lang ako sa tumatamang sunlight sa mukha ko, binaling baling ko ang mukha ko hanggang sa dahan dahan kong
naimulat ang mga mata ko. Tapos pinikit ko ulit. Inaantok pa talaga ako, ang bigat bigat ng mga mata sa antok.
"Are you going to tell me how you stopped the van?" I know that line, it's very familiar sakin. "Yeah. Um... I had an adrenaline rush. It's very common. You can Google it." teka, teka... kilala ko yang mga boses na yan!
Alam ko yang mga lines na yan!
Agad agad nawala ang antok ko at bumangon agad ako sa kama ko para tignan sa taas kung saan nakasabit ang tv kung ano
ang pinapanood ni Cross.
"Uwaaaa! Twilight!!!!!!!!!!!! Pinapalabas ulit nila sa HBO?!! Uwaaaa. Wag mo ililipat Cross, please wag!" parang tanga ako dun
na nakastuck yung mga mata sa screen. Sorry, obsessed eh.
"Oo na, hindi ko na ililipat. Wag ka na lang maingay." sabi nya habang inaayos yung pagkain na nakapatong sa table nya na
nakapatong sa bed nya.
"Ok ok! Thank you Cross!" masayang masayang sabi ko sabay umupo ako sa kama nya, at parang puppy na nanunuod ng
twilight.
"Wala ka bang balak maghilamos?" tanong nya. Umiling lang ako ng walang lingon lingon o salita sa kanya. Concentrated ako
masyado sa panunuod eh. "May muta ka pa oh, meron pang panis na laway dyan sa gilid ng labi mo. Maghilamos ka nga." hindi ko sya pinansin, umiling
lang ako sa kanya. Ayoko magpaistorbo eh, wala pa man din commercials sa HBO. Makakapagintay naman ang paghihilamos
eh.
"Yuck. Atleast suklayin mo man lang buhok mo, gulo gulo oh, daig mo pa si medusa." pagrereklamo pa nya. Hindi ko lang ulit
sya pinansin at for the third time, umiling lang ulit ako sa kanya. Nakakaintindi ba sya ng hindi pedeng istorbohin?!
"My monkey man!" sabi ni Rosaline as Emmett catches the ball. They are characters from twilight. Ito yung fave part ko, yung
nagbebaseball sila. Ang awesome lang talaga ng part na ito, type na type ko pa yung background music, Blackhole ng Muse.
"Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka pa nag-aalmusal?" pangiistorbo nanaman ni Cross.
Hindi ko lang sya pinansin at iniling lang ulit ulo ko.
"Bahala ka nga dyan." pagkasabi nya nun, narinig ko ang kalansing ng mga takip at kutsara. Bigla bigla, nakaamoy ako ng
amoy ng fried rice tapos hotdog at itlog. Hmmm... May amoy pa ng sabaw ng sinigang... Hmm.... Ang bango bango... Bigla ata
akong nakaramdam ng gutom...
Pero mamaya na ako kakain, tatapusin ko muna 'tong twilight, wala 'tong commercials eh. Pero...
"Guruuuuu."
"Ano yun?" tanong ni Cross ng biglang tumunog yung tyan ko.
Hawak hawak ko lang yung tyan ko at napangiwi sa kanya, "Tyan ko. Gutom ata." "Eh bakit hindi ka muna kasi bumili ng makakain mo?" "Ayoko. Mamaya na pagkatapos nitong twilight." "Nye? Eh tumutunog na yang tyan mo sa gutom, inuuna mo pa yang twilight. Abnoy ka ba?" "E kasi wala namang commercials yan eh! Ayaw kong mamiss out ang twilight!" "Alam mo, abnormal ka talaga! O eto, hatian mo na lang ako kung ayaw mo pang bumili ng makakain." bigla nyang nilapit
sakin yung table na nakapatong sa bed. Napatingin lang ako sa kanya, "O ano? Ano pang tinitingin tingin mo? Ayan na
kutsara oh!"
Inabot nya sakin yung kutsara, kinuha ko naman ito pero tinitigan ko pa rin sya, "Cross, ok ka lang? Bakit ang bait mo ata?"
Tinignan nya ako ng masama tapos inagaw nya sakin ulit yung kutsara, "Kung ayaw mo, wag mo!"
"Ah wala akong sinabi ah! Penge!" kinuha ko ulit sa kanya yung kutsara. "Ang arte mo, dalian mo sumubo ka na lang!" ginawa ko naman yung sinabi nya at sumubo ako ng fried rice na may itlog,
hotdog at green peas. "Halinghinan tayo!" tapos kinuha nya sakin yung kutsara habang ngumunguya pa ako, kumuha naman sya ng rice nya at
sumubo din... with the same spoon.
Ganun lang kami. Halinghinan, share lang sa food. Teka... iisa lang ginagamit naming spoon diba? Not to mention na
halinghinan kami sa pagsubo dun... wait lang...
Dear diary,
Maniniwala ba ako sa indirect kiss? Eew. Kay Cross? Indirect kiss kay Cookie monster? Eeew.
- Eya
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 20
Fuufuu.
Isosceles trapezoid ABCD has diagonals AC and BD . If AC = 5x + 13 and BD = 11x – 5, what is the value of x? a. 28 b. 3 c. 10 and 3/4 d. ½
(Author's note: kinuha ko lang sya sa isang elementary book, isipin nyo na lang mahirap yung tanong. :D)
Fuufuu.
Sasakit ulo ko sa mga questions. What is the value of x? Sa totoo lang, ano ba value nyang X na yan sa buhay ko? Sa buhay
ng powerpuff girls may value yan dahil mula sila sa CHEMICAL X pero sakin sa buhay ko walang value yang X-x na yan! Ni
wala nga akong X-boyfriend ni hindi nga rin ako nanunuod ng mga XXX eh! So anong value sakin yang X na yan? WALA as in
WALANG WALANG value sa buhay ko yan! Maipambibili ko ba ng candy yan?
Manong manong, pabili nga pong limang pisong X ng boybawang. =___=
Grr. Bakit kasi nageexist pa yang Geometry, Algebra at kung anu ano pang uri ng Mathematics yan! Sino ba kasi nag-imbento
nyan at ng mapatay at mamurder ko na!
Pero kung iisipin... patay na sila. Di bale, ido-double dead ko sila! Kung hindi siguro dahil sa kanila, walang mga studyanteng
“Tapos na ako sa research work ko. Sabay na tayong bumalik sa mga rooms natin.
“Ah ok!” inayos na namin yung mga gamit namin sa table, kinuha ko yung ballpen at testpaper ko tapos binalik nya na sa shelf
yung librong kinuha nya at pinulot nya na sa table ang notebook at ballpen nya. Umalis na kami pagkatapos. Sabay kaming
naglakad sa corridor pabalik sa mga classrooms namin. Iisa lang naman ang way sa mga classroom namin eh, yung section
ko nga lang eh yung unang madadaanan.
“Diba scholar ka?” biglang sabi nya habang naglalakad kami sa corridor, “How come naging scholar ka kung hirap na hirap ka
sa geometry?”
Napakamot ako ng ulo, “Eh kasi kahit scholar naman ako at nakakuha ako ng mataas na score sa entrance exam hindi ibig
sabihin nun magaling na ako sa lahat, syempre may weakness din ako at yun ay ang Math. Nagawa ko nga lang makakuha
ng mataas na grade dun kasi sobrang nag-aral ka na halos 24/7 ang pagpupuyat ko matandaan lang yung mga nakakalokang
formulas.”
“Ayaw mo talaga sa math noh?” natatawa nyang sabi.
“Medyo,” nagbehlat ako, “Ang hirap kasi eh. Hindi ko makuha yung reason ng mga isosceles churvas na yan. Tsaka yang
mysterious X na yan, parang finding mickey yang X na yan eh!”
“HAHAHA! Finding mickey! More like blues clues!” tawa sya ng tawa.
Napatawa na lang din ako sa sinabi nya, “Hindi! Hindi! Parang Dora yang X na yan, imbis na 'where's the map, where's the
map?' eh.. 'where's the X, where's the X'?” kinanta ko pa talaga sya sa tono ng katulad sa Dora.
Tawa kami ng tawa sa X na yun, mukha lang kaming tanga sa corridor. Kung anu anong hirit ang pinagsasabi namin tungkol
sa unwanted X na yan.
“Nga pala, maiba tayo, bakit bigla kang nawala nung isang araw?” pagtatanong nya. “Aling isang araw?” “Yung pagkatapos nating magjollibee, pagkalabas natin. Kwento ako ng kwento, paglingon ko isang bading na pala katabi ko.
Bigla ka na lang nawala! Gusto sana kita tawagan kaso wala naman akong number mo eh.” “Ah, wala akong cellphone atsaka...” napatigil ako, naalala ko yung pangyayari nung mga panahong yun, ng bigla akong
kidnapin... err... kung matatawag bang kidnap yun. Parang laro laro lang eh. Mabuti pang wag na ikwento, nakakaloka lang
kasi yung pangyayaring yun. Parang joke lang ba. =___=
“Atsaka?” “Emm... Ayun, bigla kasing sumakit tyan ko kaya nagmadali akong maghanap ng banyo, dahil sa super emergency na yung
tyan ko nakalimutan na kitang tawagin...” anobangpalusot 'to. !(>___>)!
“Ah ganun ba, pero alam mo ang weird...” “Bakit?”
“Kasi nung araw na yun, meron tumawag sakin... mga kidnappers daw sila...” “Ah talaga?” napalunok ako ng laway ko nun ng marinig ko yung sinabi nya. “Haha! Oo, pero wrong number ata sila, sabi daw kasi nila may kinidnap silang Bebang eh wala naman akong kilalang
Bebang! Hahaha!” “He... he... he...” pilit na tawa ko sa sinabi nya. Hindi ako makatawa ng ayos kasi... ako naman yung kinidnap na yun. Mabuti
pang wag ko na lang sabihin kay Chad, hindi rin naman yan maniniwala eh tsaka tapos na naman yun, walang sense kung
sasabihin ko pa. =__=
*toot toot *
“Ah, wait may nagtext,” kinuha nya yung phone nya mula sa bulsa nya, “Ah si Lory!”
Tuwang tuwa yung expression ng mukha nya as soon as malaman nyang si Lory ang nagtext pero nalungkot agad ito at
sinarhan nya na yung phone nya at binalik sa bulsa nya.
“Bakit? Anong nangyari?” pagtatanong ko. “Wala naman.. Yayain ko sana syang sumabay sakin maglunch kaso ayaw nya... tinanggihan nya offer ko...” “Ah ganun ba...” yun lang yung nasabi ko.
Pagkatapos nun, hindi na kami ulit nag-imikan. Para bang nawala na yung mood ni Chad, down na down sya. Emm... Ano ba
pede kong gawin? Sinubukan kong silipin ang mukha nya pero nalulungkot lang akong makitang malungkot sya, para bang
nakakahawa yung kalungkutan nya. Hindi ako sanay na ganto si Chad, sanay ako dun sa makulit at lively na Chad... Haay,
ano ba pede kong gawin?
-sudden flashback - "As you can see, engaged na nga kami pero I'm not really confident..." "Ha?" "Diba sabi mo dati dapat bago magpropose ang isang tao dapat close sila nung pagpo-propose-an nila, dapat may close
relationship sila like boyfriend-girlfriend commitments o kaya yung ligawan factor?" "Uh huh?"
“Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.” “Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.” “Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.”
Oh tama na replay. Gets ko na.
“Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.” “Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.” “Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.”
Sinabi na ngang tama na ang replay!
“Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.” “Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.”
Tama na author, OA na. KSP ka na. =___=
“Oh eto na classroom mo diba?” nabalik lang ako sa mundo ng magsalita si Chad. Napatingin ako sa tapat ko, classroom ko
na nga.
“Ah oo!”
“O sige, bye.” matamlay na sabi nya at nagdiretso na sa paglalakad sa corridor papuntang classroom nya.
“Wait Chad!” hindi kalakasang sabi ko pero sapat lang para marinig nya.
Tumigil sya at lumingon sakin, “Sabay tayo sa lunch! Sa may canteen!”
“Huh? Ah, ok.”
Nginitian ko lang sya at pumasok na ako sa classroom ko. TAMA!
“Favor, gusto kong tulungan mo akong manligaw kay Lory.”
TAMA! TAMA! Tutulungan ko sya kay Lory! Kahit sinasabi ni Chad na engage na sila, may feeling kasi akong merong hindi
tama sa relationship nila. Gusto ko magka-ayos sila sa kung anumang relationship meron sila, gusto ko maging masaya si
Chad at Lory. Tutulungan kong mainlove si Lory kay Chad!
- - -
< Lory's POV >
“Eya!” I felt excited upon seeing her, I really like her because she's the nicest girl I've met in this academy. Such a pity 'coz
we're not in the same class.
I really like Eya the first time I saw her. She caught my attention 'coz... well to be honest, she's really different from all the
people in this campus. I must say she's not one of those with cranberry's err... I mean make-ups on their faces. She's so
simple and I like it, I like how simple she can be. She's not covered with anything, she's very transparent in a very positive
way. I'm kinda fed up talking with people who only mind eating with golden spoon.
The day I saw her being bullied by those chickenpoxes, I had this urge to be at her aid. When I saw her crying, I wanted to hug
her tightly. D'you get me people? I mean, if I'm a guy I could have possibly fell inlove with her. She might not have the aspects
of a gorgeous lady but there's something about her that keeps you wanting to stay by her side.
“Lory? Hey Lory?”
“Oh!” I did not notice that I am already engrossed with my thoughts.
“Okay ka lang, mukhang lalim ng iniisip mo ah?”
I wave my hands as I smile, “No, no, it's nothing--- wait. What's he doing here?!”
I am very much displeased to see Chad with her. I don't like him, not even a bit.
“Ah, si Chad ba,” Eya smiles as she presents Chad at her back, “Sabay na syang kakain satin. Hindi mo sinabi sakin na
engange na pala kayo, Lory.”
When he sat in front of me I just watch him savagely.
“Emm...” he coughs, “You see... she invited me. I didn't know that... that you're with her...”
Liar.
“Ah! Wala naman sigurong masama diba? Mag-fiance naman kayo diba?” she said innocently. And how come she knows
about the engagement thingy? It must've been Chad who said it to her! Argh. How many times should I say to him to lie low
this engangement issue!
“Ah yeah.” my unwillingness to continue the conversation is obvious in my voice.
“Uhh... yun, kain na tayo! Magkwento naman kayo sakin ng tungkol sa inyo, nakakatuwa naman kasi yung dalwang bestfriend
ko ay enganged.” Eya's very enthusiastic with this. So that's it, they're also bestfriends. No wonder she knows about the
engagement issue. But she promised me! She promised me she'll make Chad get a turn off of me but what is she doing? No,
this isn't right. I don't like Chad.
“Please excuse me, I think I just lost my appetite.” I raise up and walk away.
“Lory!” I ignore her calls and speed up my pace.
I just said “yes” to Chad 'coz it was a must. I'm a victim of arranged marriage.
< Eya's POV >
“Lory!” sinubukan kong tawagin sya pero umalis na sya.
“Hala. Bakit umalis na yun?”
“Baka nagalit.”
“Eh?” nabigla naman ako sa sinabi ni Chad.
“Sabi ko naman sayo hindi magandang idea ito eh. Tinext nya na ako na ayaw nyang sumabay sakin.” nagbuntong hininga
lang si Chad after he said that.
“Wait. Wait. Bakit? Ano bang meron sa inyo? Edi ba enganged na naman kayo? Bakit parang may mali? Nag-away ba kayo?”
Umiling lang sya, “Hindi. Ayaw nya lang sakin.”
“Eh?” ang gulo ha. May mga bagay talagang mas mahirap intindihin kesa sa mga math problems. =___=
“Naniniwala ka ba sa love at first sight?” naghalumbaba sya sa may table at tumingin sakin.
“Eh?! Bakit mo naman natanong?!”
Hindi nya ako sinagot, “Eh naniniwala ka ba sa hate at first sight?”
“Ano?”
Pero binalikan nya lang din ng tanong ang tanong ko sa tanong nya.
“Eh sa arranged marriage, naniniwala ka ba?”
“Teka nga! Ano ba yang mga tanong mo?”
“Aaah.” tinakluban nya ang mukha nya sa table, “If we only met in a different situation maybe she won't hate me this much.”
“Teka Chad, wag kang mag-english hindi ko naiintindihan eh.” bakit kasi ang hilig nilang mag-english. Hindi naman sa hindi ko
naiintindihan, ang problema lang nababaduyan akong pakinggan eh. Pero sabagay, bagay naman sa kanilang mag-english,
mga foreign looking naman sila eh samantalang ako pag nag-english... ehem... ehem... I look like some trying hard eating
some isaw in the kantOHW.. XD
“Thing is,” mula sa pagkakabaon ng mukha nya sa braso nyang nakapatong sa table eh tumingin sya sakin, “I fell inlove with
her at first sight when our parents announced our arranged marriage... and 'coz of that, she never stopped hating me...”
I fainted. Bow.
< Chad's POV >
“Peppy? Peppy? Hey?!” tinatry kong gisingin sya kasi bigla na lang syang nawalan ng malay. Waaa. Anong nangyari sa
kanya? Hindi kaya napa-english ako masyado at hindi kinaya ng ilong nya kaya sya hinimatay?!
Dinala ko na lang sya sa clinic. Gusto ko sanang hintayin sya kaso sabi nung nurse sa clinic nung tapos na yung lunch time,
bumalik na daw ako sa classroom ko. Kaya no choice ako kundi bumalik na lang. Medyo worried lang ako kasi bigla syang
hinimatay. Sabi daw nung nurse dahil daw sa strong fatigue... come to think of it 2days syang nawala. Ano naman kaya
ginawa nya kaya napagod sya ng ganyan?
“Oh sorry,” pagkalabas ko kasi ng clinic bigla akong may nabunggo, nakatungo kasi ako sa pagiisip kaya hindi ko napansin
yung pumasok.
“Look where you're going idiot!” aba, antipatikong 'to. Sino ba 'to?!
Nabigla na lang ako ng pag-angat ko ng ulo ko nakita ko si Cross, medyo pale yung mukha nya pero kita pa rin ang pagka-
antipatiko sa mukha nya, “Ikaw?!”
“What?! Don't even dare to propose to me again, you gay.”
“WHAT DID YOU CALL ME?!” hinawakan ko sya sa kwelyo sa inis ko.
Ngumiti lang sya ng mapang-asar, “Gay.”
“Gago ka pala eh!” susuntukin ko na sana sya kaso bigla biglang dumating si Lory sa pinto ng clinic at pinigilan ako.
“Chad! Stop it!” napa-stop halfway ang kamay ko sa pagsuntok sa mukha ni Cross, napatingin ako kay Lory at binitawan ko
ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Cross.
“Hey, what's going on here?!” biglang napansin na kami ng nurse sa clinic at nilapitan kami sa may pinto. “Nagbell na, hindi ba
dapat bumabalik na kayo sa mga classrooms nyo?!”
“Come with me!” dinanggil ko lang si Cross ng malakas sa gilid nya sa braso at hinila si Lory sa kamay nya paalis sa clinic na
yun.
“Chad! Let go of my hand!” kanina nya pa sinasabi yan habang hila hila ko syang naglalakad sa corridor. Hindi ko sya
pinapansin, patuloy lang ang paghigit ko sa kanya.
“Where are we going?! Let go of my hand!!” irritated na yung boses nya.
Nung makarating na kami sa likod ng building ng mga seniors, tinulak ko sya sa isang pader dun at hinalikan ng marahas.
“Mmmm!” pinipilit nyang itulak ako habang hinahalikan ko sya pero inipit ko na sya sa pader at ayoko syang pakawalan.
“Ahh, ahh!” habol hininga sya as soon as pakawalan ko ang mga labi namin. “I hate you! Why did you do that?!”
Susuntukin nya pa lang sana ako sa chest ko ng mahawakan ko ang wrist ng kamay nya, “Please fall inlove with me 'til I'm
still nice with you.”
I was begging her and at the same time threatening her.
< Eya's POV >
“Hmmm..” medyo naalimpungatan na ako pero hindi ko pa magawang buksan ang mga mata ko... inaantok pa ako eh...
Niyakap ko na lang yung unan sa tabi ko dahil gusto ko pang matulog, pinatong ko pa ang paa ko dito... Sanay kasi akong
may kayakap na unan pag natutulog tapos niyayakap ko din ito ng paa ko.
Pero teka... hindi ba masyadong strange na sobrang haba ata ng unan ko? Tsaka teka... bakit parang ang tigas naman nitong
unan ko?
Mapisil nga.
Pisil. Pisil.
Teka... Hindi naman sa matigas sya pero hindi rin sobrang lambot... malaman eh... anong unan ba 'to?
Maamoy nga.
Sniff. Sniff.
Mabango ha... Pero hindi amoy downy... Ano kayang ginamit na panlaba dito? Hmm... Sniff. Sniff. Ang bango talaga... ang
sarap amuyin...
Niyakap ko pa ito ng mahigpit at dahil sa sobrang antok, nakatulog ulit ako.
Zzzz. Zzz.
Maya maya ng konti, nagising ulit ako pero hindi ko muna minulat ang mga mata ko. Ninanamnam ko pa yung antok ko eh...
pero nung magdecide na akong buksan mga mata ko...
(O__-) <--- opens left eye (-__O) <--- closes left eye and opens right eye (O___O) <--- both eyes. (-___-) <--- closes again.
“Mukha ba akong unan?! Tss. Kadiri, tulo laway. Basa na yung uniform ko sayo.”
“AHHHHHHHHH!!!!!”
Dear diary,
Uwaaa. Bakit nasa clinic ako? Tsaka higit sa lahat, bakit katabi ko yang Cross na yan? Nakakahiya... tulo laway ako. >___<
Pero kung kanina ko pa pala syang ginagawang unan, bakit hindi man lang nya sinabi o kaya gisingin man lang ako!! Inantay
nya pa akong magising! Ano ba kasi ginagawa nya sa tabi ko?!!! >___<
- Eya
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Maingay si Denny: Dinededicate ko ito sa birthday girl! Weee. Happy happy birthday! Subukan ko ulit magupdate bukas(may28)... pero pag hindi, promise sa may 29 na! :P
Entry 21
“AHHHHH! MMM---!!!” hindi na ako nakasigaw ng ayos ng takpan nya ang bibig ko.
“Sssh! Ano ka ba! Will you stop screaming! Nakakabingi saka makakaistorbo ka ng ibang klase! Buti wala yung nurse, isipin
nun baliw ka!”
Tinanggal ko yung pagkakatakip nya sa bibig ko, “Anong baliw ako?! Baka ikaw! Anong ginagawa mo sa tabi ko!”
"Masama pakiramdam ko, bakit may problema ka?!" masungit na sabi nito.
"Oo! Kung masama pakiramdam mo edi dun ka sa kabilang kama! Bakit dito ka pa nakikishare sa kama ko!"
"Eh sa gusto ko eh! Bakit?! Iyo ba 'tong kama na 'to?! Ikaw ba bumili nito ha?! Ha?!"
"Wala akong sinabing akin 'tong kama pero wag kang mahiga dito, kita mo ng may nakahiga na eh! Dun ka sa ibang higaan,
andami daming vacant eh!" nakakainis sya. Ano bang problema nya?!
"Eh gusto ko dito eh!" "Eh occupied na nga eh!" "Wala akong pakelam!"
"Tss! Bahala ka nga dyan! Makaalis na!" tumayo na ako sa higaan at aalis na ako, tutal nakapamahinga na ako.
"Oy saan ka pupunta?!" sigaw nya.
"Sa Africa, maghahanap ng mga tigreng lalapa sayo!" dire diretso na akong palabas ng pinto ng clinic nang...
*thud!*
"Ah!" biglang may naramdaman akong tumamang malambot na bagay sa ulo ko, paglingon ko nakita ko ang isang unan sa
sahig. At since kami lang dalwa ang nasa clinic, 100% sure ako kung sinong balasubas itong naghagis sakin ng unan. Pinulot
ko yung unan sa sahig at hinagis with full force pabalik sa kanya yung unan, making sure na sapul sa mukha nya yung unan,
"Nakakainis ka ah! Eto sayo!"
"Who d'you think you are para hagisan ako ng unan?!" inis na sabi nya habang pumulot ng dalwang unan para ihagis sakin
pero parehas kong nailagan at agad akong kumuha ng mga unan sa malapit na higaan sakin at ibinato ito sa kanya.
Batuhan kami ng batuhan ng mga unan, walang magpatalo ni magpaawat samin. Asar na asar na ako sa kanya at mukhang
ganun din sya sakin.
"Asar ka!" inihagis nya sakin yung unan pero... Pakiramdam ko may ibang natamaan sa likod ko, sa may pinto ng clinic.
"THE 2 OF YOU, GET OUT OF HERE THIS INSTANCE!" paglingon ko, nakita ko yung nurse na namumula sa galit habang
hawak hawak yung isang unan na hinagis ni Cross.
---
"Kasalanan mo yun!" "Hindi! Kasalanan mo!"
Kanina pa kami nagsisihan dito.
"Makabalik na nga sa klase!" inis na sabi ko.
"Babalik ka pa?! Eh anong oras na! 5minutes na lang tutunog na yung bell!" tinignan ko sa wristwatch ko kung tama yung
sinabi nyang oras.
"Oo nga noh," pagsang ayon ko, "Pero babalik pa rin ako sa classroom. Kukunin ko pa gamit ko."
Tinalikuran ko na sya at naglakad na papunta sa classroom ko.
Sakto namang nagbell na ng makarating ako sa classroom. Naglalabasan na sila at papasok naman ako. Pumunta na ako sa
upuan ko para kunin ang bag ko, ng masakbit ko na 'to eh lalabas na sana ako nang marinig ko ang isa sa mga kaklase ko.
"Waa! Andyan daw si prince Cross sa labas ng classroom natin!" teka? Anong ginagawa ni Cross sa labas ng classroom ko? "Bakit daw?! Yiee!" "Ang sabi nya inaantay nya daw girlfriend nya! Ang sweet!" "Waa! May girlfriend si prince Cross sa klase natin?! Sino?!"
Huh? May gf syang kaklase ko? Waw. Sino naman kaya?
"Hoy panget!" nabigla ako ng mapansin nila ako, "Anong tinatayo tayo mo dyan?! Nage-eavesdrop ka ba sa usapan namin?!"
"Baka naman interested sya kay prince Cross, sis?" "Eew. Don't tell me iniisip nyang sya inaantay ni prince Cross? How kapal naman!"
Tinalikuran ko na sila at hindi pinatulan, walang sense kung papatulan ko mga octopus face tsaka ok lang sila? Asa pa
namang pagnasaan ko yung Cross na yun, kanila na! Isaksak na nila sa mga baga at bituka nila!
Lumabas na lang ako sa kabilang pinto kasi yung isang pinto ay crowded ng mga classmates kong babae, andun kasi ata si
Cross. Buti na lang talaga dalwa pinto ng classroom, sa magkabilang dulo.
"Oy girlfriend!" napalingon ako ng marinig ko ang sigaw ni Cross. Nakita kong umaalis sya dun sa crowd ng mga babae at
Lingon sa likod. Lingon lingon. Wala namang tao? Huh?
"Oh tara na?" "Eh?!"
"Omg. Sya ang girlfriend ni Cross?!" narinig kong sabi nung classmate ko, yung nagtaray sakin kanina. "That's so unbelievable!" "Paanong!"
Murmur. Murmur. Kung anu ano na mga pinagbubulungan nila, puro mga hindi makapaniwala.
"Tara na!" nauna ng naglakad si Cross. Sumunod ako sa likod nya kahit medyo naguguluhan.
"Anong girlfriend pinagsasabi mo?!" nagawa ko ring itanong nung nakalayo na kami sa classroom ko.
"Bakit, may angal ka?!" humarap sya sakin ng nakapamulsa at nakakunot na noo.
"Oo! May angal ako!" "Ang kapal mo namang umangal, pasalamat ka nga girlfriend kita eh andami dami dyan na gusto akong maging girlfriend eh!" "Ang yabang neto! Wala akong pakelam, wag mo nga akong matawag tawag na girlfriend!"
"Girlfriend." pangaasar nya.
"Ano ba!" "Manahimik ka na nga, tara ng umuwi! Andyan na driver ko!" "Bye!" liliko na sana ako para mag-iba ng exit. "Oy!" "Ano?!" "Sakay na! Saan ka pa pupunta?!!" "Hindi ako sasabay sayo!" "At bakit?!" "Pakelam mo?!" "May pakelam ako! Ako master mo, sumakay ka na! Baka mamaya sa kung saang lupalop ka pa pumunta, baka takasan mo
pa trabaho mo!" "Wag kang mag-alala! Didiretso din agad ako sa bahay mo! Hindi ako tatakas sa trabaho!" "Eh yun naman pala eh! Didiretso ka na rin pala sa bahay bakit hindi ka pa sumabay?! Ang arte arte mo!" "Nakakapika ka na ah. Hindi naman kasi agad ako didiretso noh?! May trabaho pa ako sa restaurant ng auntie ko hanggang
10pm! excuse ma lang ha! Kaya aalis na ako!" tinalikuran ko na sya. Nakakainis. =___=
"Sama ako!" napalingon ako ng hindi oras sa kanya. Feeling ko nasa rooftop na yung kilay ko dahil talagang napataas ang
kilay ko sa sinabi nya. "Anong sama ka?!" "Sama ako." inulit nya lang ang sinabi nya. "Mukha mo! Dyan ka na nga!" tinakbuhan ko na lang sya sa pagkairita ko.
---
Pagkadating ko sa restaurant nina auntie, nagdiretso agad ako sa kwarto ko para magpalit ng uniform ng restaurant. Simpleng
t-shirt lang naman ito at skirt. Oo, naka-skirt. =___=
Pumunta ako sa may table sa kwarto ko kung saan may maliit na salamin at nagsuklay ng buhok kasi sobrang gulo na. Ganto
ba kagulo buhok ko buong araw? Ibig sabihin humarap ako kay Chad ng ganto kagulo ang buhok? Waaa.
Teka? Bakit ba ako concern kung anong itsura ko, it doesn't change the fact naman na panget ako eh. Kahit magsuklay pa
ako. =___=
Pero sige, magsusuklay na nga din ako atleast magmukha naman akong presentable.
*thud*
Pagkapatong ko ng suklay sa table at aalis na sana ako ay may nadanggil akong bote sa may table at nalaglag ito. Nang
makita ko kung ano ito...
"Ah, yung lotion na bigay ni fairy godfather..." natawa ako sa pagka-alala sa sinabi ni Memo, pinulot ko yung lotion, "Hmm...
Sayang naman kung hindi ko gagamitin yung mga binigay nya. Nag-effort pa man din sya na bigyan ako nitong mga
echebureches na 'to. Yung mga pang-facial lang ang ginagamit ko sa kanya, pero sabagay effective sya ah... medyo nagto-
tone down na yung mga pimples ko. Wala na masyado sa pisngi, puro na lang sa noo ko... ang hirap talagang maging
teenager... bakit kasi nung hindi na lang ako baby nagkapimples atleast nung baby ako wala akong pakelam sa itsura ko..."
=___="
Tinignan ko LEGS ko, waaaaw LEGS. Ang dry. :| Tinignan ko yung lotion ng hawak ko. Balik tingin sa legs. Tingin ulit sa lotion.
"Game!" sumalampak ako sa kama ko at since may time pa naman ako bago magsimula ang turn ko sa resto ay naisipan
kong maglagay ng lotion, nakakahiya naman kasi na nakaskirt ako tapos ang dry dry ng legs ko.
Ugh. Kelan ba ako nagsimulang maconscious sa katawan ko?
HOW TO APPLY BODY LOTION. Peppy's way!
1. Buksan ang takip ng lotion. (Obvious?!) 2. Sarhan ulit yung takip. (Nakalimutan na dapat alugin muna yung bottle. :D) 3. Buksan ulit. Tapos sarhan ulit. Repeat chorus 10x. Hindi joke lang. =__= 4. Edi bukas na diba? (Ang kulit. =_=) Amoyin ang lotion. Mmm. Mabango ba? Pag hindi, panis na yan itapon na. 5. Pag naamoy na, itapat ang bottle sa legs at pisilin ang bote habang sinusulat mo ang pangalan ng crush mo sa balat mo. C-
H-A-D. Tapos drawing-an mo din ng heart. <3 (O diba ang landi lang?) 6. Pag nakapagscribbles na sa balat gamit ang lotion, it's time na gurihan ito gamit ang palad mo! Ispread mo lang yung lotion
sa buong balat ng legs mo. Reminders, hanggang singit please para hindi maitim. 7. Pag naipahid na sa buong balat/katawan ang lotion, ipinapaalala lang po na sarhan ang takip. Maraming salamat po.
- END OF PEPPY'S BODY LOTION COMMERCIAL - (Pasensya na po, walang sense of professionalism ang author. XD Sana may natutunan kayo, ganyan maglotion si author Denny parang eng eng lang. XD)
Tapos na ako sa paglolotion, hmmm! Ang bango talaga nung lotion! Kapit sa katawan! Owell, makababa na baka mag-alburoto na si auntie.
"Oh yan, mabuti andyan ka na. Kunin mo yung order nung bagong dating. Table number 7." "Ok po." pagka-utos nun ni auntie kinuha ko na yung handy dandy notebook ko at ballpen sabay nagdiretso na ako dun sa
table number 7.
Nakatakip ng menu yung mukha nung customer sa table 7, magisa lang sya dun, isang lalaki ito. Nakashirt and jeans lang
sya.
"Goodevening sir, may I take your order now?" "Just a minute." "Ok sir..." parang familiar yung boses... hmmm... nah, malabo. Hindi naman siguro.
"Ok, I've decided," bigla nyang binaba yung menu sa table, "Can I order you?"
"Ikaw?!" muntik na akong mapasigaw pero nakapagpigil ako, "Anong ginagawa mo dito?!"
"Oh! What a coincidence, dito ka pala nagtatrabaho?" "Nanadya ka talaga noh? Wala ka bang magawa sa buhay mo? Bumalik ka na nga sa bahay mo!" nakakainis talaga 'tong
Cross na 'to. Bubugbugin ko na 'to, alam ko namang hindi coincidence 'to eh, sinadya nya talagang pumunta dito ewan ko
lang kung bakit! Pero malamang para mang-trip, wala talagang magawa sa buhay 'tong isang 'to. =_="
"Bakit?! Bawal na ba akong kumain dito? Isusumbong kita sa manager mo. Wala kang galang sa customers." tatayo na sana
sya dun para siguro magsumbong sa manager namin which is si auntie lang din.
Pinigilan ko sya at pinaupo ulit, "Hep! Dyan ka lang! Sige na, sige na! Umorder ka na!"
"Naka-order na ako." "Ano?!" nababad vibes talaga ako sa isang 'to. "Ikaw." "Ha?!" "Ikaw order ko." "Baka gusto mong ma-out of order ng hindi oras?!" humigpit yung hawak ko sa ballpen ko, konti na lang mababali na 'tong
ballpen ko.
"Relax. Wala akong interest na order-in isang kagaya mo, baka sikmurain ako ng hindi oras eh. Kukunin ko yung special menu
of the night." sinulat ko yung order nya habang inis na inis pa rin. Mapupunit na nga ata yung papel sa sobrang diin ng
pagsusulat ko eh.
"Tapos?!" "Tapos na." "Coming!" padabog kong sabi at tinalikuran na sya para bumalik na sa may kusina. Nilagay ko dun yung order nya, "Oh eto sa
table 7, yung special menu daw."
Saglit pa lang ang nakakalipas ng bigla akong tawagin ni auntie, "Oy Eya." "Po auntie?" aalis na sana ako ng counter para kumuha ng next order ng bigla akong tinawag ni auntie. "Ibigay mo na kay Kaye yang table 3." kinuha nya sakin yung handy dandy notebook ko at inilapag sa counter table tapos
tinawag nya si Kaye na isa sa mga waitress din dun, "Kaye, ikaw na dun sa table 3."
"Ok po." pagsunod ni Kaye.
"Ikaw Eya, i-occupy mo yung table 7." "Po? Eh kakakuha ko lang po ng order nun eh." "Ibig kong sabihin, pumunta ka dun sa table 7. I-accompany mo yung customer dun." "Eh ano po?!" Tinulak lang ako ni auntie, "Dali na. Binayaran nya tayo ng 10thou para lang i-accompany mo sya. Dont worry may share ka
dun sa 10thou, dumiretso ka na dun sa table 7!"
Wala na akong nagawa kundi pumunta sa table ng cookiemonster na yan! Grr. Si auntie naman kasi, hindi naman ako kasali
sa menu eh! Nasilayan lang ng pera, binenta na sariling kamag-anak! =__=
"Wow. Ang bilis dumating ng order ko!" pangaasar nyang sabi pagkaupo ko sa tapat nya. Nakabusangot ang pagmumukha ko,"Hoy, abnormality ka talaga noh?! Ano naman ang gusto mo at pati ako ini-order mo?!!" "Wala lang, gutom lang ako. Gusto ko lang itry na kumain ng human flesh," tapos kinuha nya yung fork and knife nya at
umaktong iislice ang braso kong nakapatong sa table, iniiwas ko kaagad ito.
"Abnormal ka talaga!" "Haha! Tinatry ko lang gayahin yung mga werewolves sa twilight! Diba nangangain ng human flesh ang mga werewolves?
Hahaha!" teka... Tumatawa si CM?! As in. . Tumatawa ang masungit na halimaw na gaya nya? At nagsasalita din sya ng
bagay na tungkol sa twilight?!
Wait a minute kapeng mainit... Si Cross ba talaga 'tong nasa harap ko? He looks so lively! Ngayon ko lang sya nakitang
tumawa! Before, ni ngiti hindi ko nasisilayan sa kanya kasi laging galit o masungit ang mukha nya pero ngayon... Tumatawa
sya!
"Hala... Makapagpamisa bukas.." I blurted out. "Ha?" napatigil naman sya sa pagtawa at nagtaka sa sinabi ko. "Hindi ko akalaing capable ka palang tumawa." "Ang tagal naman ng order," iniiwas nya ang tingin nya, bakit kaya? Napahiya siguro, iniiwas pati topic eh.
"Ano bang klaseng restaurant 'to, ang bagal!" nagsungit nanaman sya! Grabe lang sa moodswings ah! Mas prefer kong
tumatawa sya pero honestly mas sanay ako sa masungit na attitude nya. Hindi kasi bagay kay Cross yung hyperactive na
attitude ng tulad kay Chad! Iimagine nyo na lang si Cross na nakangiti tapos tinatawag akong ~peppy peppy!~ with matching
jolly whistles pa. Yuck. Unimaginable, censored! Syntax error. Cannot be! Haha. Hindi talaga bagay. Parang end of the world
lang kung iimaginin! XD
"Hoy anong nginingiti ngiti mo dyan? Feeling mo ang ganda ganda mo pag nakangiti. Lumayas ka nga sa harap ko, sinira mo
gabi ko!"
Sinimangutan ko sya, "Ikaw 'tong nagpapunta sakin dito. Sino ba gustong umupo sa harap mo!"
Tumayo na ako para umalis.
"Oy saan ka pupunta?! Bayad ka na!" "Eh kung bugbugin kaya kita dyan! Ikaw 'tong nagpapalayas sakin!" "Heh manahimik ka! Umupo ka!"
Padabog akong umupo habang dumadating na yung order nya.
"Here's your order sir." inilapag na ni Kaye ang pagkain ni Cross sa lamesa at nang paalis na sya ay bumulong pa sya sakin.
"Oy neng, yummy yang boyfriend mo ah!" hahampasin ko sana sya kaso nakaalis na agad sya.
"Gusto mo?" pangaalok nya sa plato nya, hindi pa ako nakakasagot ng magsalita na ulit sya, "Bumili kang iyo!"
Hindi na lang ako umimik at pumikit na lang at hinilot hilot ang gilid ng noo ko. Nagpipigil lang ako ng inis dahil hindi ako
pedeng magwala dito sa resto ni auntie, baka patalsikin ako ng hindi oras.
"Hmm! Ang bango bango!" nung sinabi nya yun, nagsimula akong marealize kung gaano nga kabango yung kinakain nya.
Argh. Bigla akong nakaramdam ng gutom!
"Mukhang masarap hmm!" hiniwa nya yung karne tapos isinubo nyo, "Hmm! So tasty!"
Feeling ko sinasadya nya yung actions nya, kaya ganyan sya makaasta kasi gusto nyang inggitin ako at ang masasabi ko
lang, effective ang ginagawa nya kasi naglalaway na talaga ako sa gutom. Come to think of it, hindi pala ako nakapaglunch
kasi bigla akong hinimatay kaninang lunch break.
*Guruuu~*
To make things worst, tumunog pa yung tyan ko loud enough para marinig ni Cross.
"Gutom ka?" kinagat ko ang labi ko at tumango sa tanong nya. "Gusto mo?" inalok nya sakin ang isang tinidor na may piece ng karne. I nod once again sa tanong nya. "Say aaah~~"
"Eh?!" napaatras ang ulo ko ng umakto syang susubuan ako ng tinidor nyang may piece ng karne.
"Ayaw mo?" "Gusto." pag-amin ko kasi gutom na gutom na talaga ako. "O sya, say aaah." "Pedeng ako na lang magsubo sa sarili ko?" "Ang arte mo, ikaw na nga ang nanghihingi dyan, bahala ka sa buhay mo. Magutom ka dyan." tapos kinontinue nya yung
pagkain nya. Desperadong pinanuod ko naman ang pagkain nya.. Uwaa. Nakakagutom talaga, tapos special menu of the
night pa man din yung inorder nya w/c means na yun yung pinakamasarap na pagkain sa gabing ito. Tutulo na talaga laway ko
sa gutom... T_T
"Sige na, magpapasubo na." pag-give up ko, hindi ko na talaga matiis ang gutom. Since 7am pang walang laman ang tyan ko,
bukod sa hindi ako naglunch eh hindi ako nagrerecess kaya yung kinain kong almusal na isang pirasong pandesal lang ang
naging laman ng tyan ko sa araw na 'to. Masisisi nyo ba ako kung ganto ako kagutom? T_T
"O sige," humiwa sya sa karne, "pumikit ka."
"Ha?!"
--- < Cross' POV >
"ha?!" "Basta pumikit ka, gusto ko nakapikit ka habang sinusubuan kita." "Bakit pipikit pa?!" "Ayaw mo? Edi wag!" "O sige na sige na!" pagbabago ng isip nya. Gutom na gutom talaga sya ah. Mehehe. May evil idea ako! >:D
"O sige, pikit ka lang ah." binilisan kong buksan yung hot sauce sa lagayan ng sauce at binabaran ng napakaraming hot sauce
yung karneng hiniwa ko, "O sige, say aaah."
Hindi nya sinabing 'aaah' pero binuksan nya lang bibig nya at sinubo yung karneng inabot ko.
Pinamasdan ko syang nguyain ang pagkaing binigay ko sa kanya. Nung una dahan dahan nyang nginunguya at mukhang
hindi nya pa nalalasahan ng maigi yung hot sauce tapos maya maya ng konti, pabago na ng pabago ang reaksyon ng mukha
nya at unti unti ng namumula ang mukha nya.
"Aahh!" bigla nyang inabot yung baso ko na may lamang tubig at binottoms up ito, "Ah! Ah! Tubig! Tubig pa!"
Kinuha naman nya yung isang bote dun sa lamesa kaso...
"Wait that's vine---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nakainom na sya at.
"PWEEEE!" urgh. Tama bang idura sakin yung ininom nya! Ugh!
"Yuck. Suka!" tapos bigla nyang tinakpan ang bibig nya na para bang nasusuka kaya binalik nya yung bote ng vinegar sa table
at tumakbo papunta sa taas ng restaurant. Sinundan ko naman sya, buti na lang busy ang mga tao dito sa restaurant at
walang nakapansin sakin ng umakyat ako ng hagdan.
Pumasok sya sa isang banyo dun at sumubsob sa toilet bowl at nagsuka dun.
"Tss. Kadiri!" hinihingal na tinignan nya ako ng masama at sabay sumuka ulit.
Nung matapos na sya ay finlush nya yung bowl tapos nagmumog at naghilamos sa lababo.
Habang ginagawa nya yun ay nagpalibot libot ang tingin ko sa banyo, may nakaagaw ng pansin ko, may maliit na lagayan dun
na nakapatong sa taas ng washing machine, may tubig ito tapos may nakalutang dun na... Underwear?
"Oy," "Ano?!" iritang sabi nya habang nagpupunas ng mukha nya ng towel. "Bakit nakababad dito ang underwear mo?" bigla syang lumapit sakin at tinulak ako palabas ng banyo.
< Eya's POV >
"Bakit nakababad dito ang underwear mo?" pagkasabi nya nun, nagmadali akong itulak sya palabas ng banyo. Tss! Sa lahat
ng makikita nya yun pang underwear kong tinagusan! >_<
Lumabas na rin naman ako pagkatapos.
"Tama na dito sa restaurant! Halika sa labas!" hinigit ko sya sa kwelyo nya.
"O-oy!" pagangal nya pero hindi ko sya pinakinggan at tuloy tuloy ko lang syang hinigit sa kwelyo.
"Manahimik ka na lang!" galit na sabi ko. Tumahimik naman sya.
"Teka bakit dinala mo ako dito sa labas?!"
"Para suntukin kang sira ulo ka!" hinigit ko sya sa kwelyo palapit sa mukha ko at sinikmuraan ko sya.
"Aray!" nagcurve ball sya sa sakit sa sahig.
"Are you crazy?! Bakit mo ginawa yun?!"
"Crazy mo mukha mo, wag mo akong ma-english english dyan! Papatayin mo ba ako dun sa pinakain mo sakin na puro hot
sauce?! Nakainom tuloy ako ng vinegar ng hindi oras! Hah! Hah!" napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang nakaramdam ako
This cookiemonster will kill me in no time. I'm highly allergic to spicy foods. =__=
- Eya
ps. pag ako namatay, dadalawin ko 'tong si Cross. Sakto, dalawa na kami ni Mary na mananakot sa kanya!
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 22 <Cross' Pov>
"Hah! Hah!" "O-oy anong nangyayari sayo!" natataranta na ako sa nagiging reaksyon nya. Nawala na tuloy yung sakit ng pagkakasuntok
nya sa tyan ko ng dahil sa taranta. "W-wala! Hah! Just let me breathe for--hah! A second!" umupo lang sya sa pavement ng kalsada habang hawak hawak nya
yung dibdib nya. Pulang pula na yung mukha nya at pinagpapawisan na sya.
"Sure ka? Mukhang mamatay ka na!" bigla nya akong tinignan ng masama.
"Una kitang dadalawin! Isasama ko si Mary sakin! Hindi kita papatahimikin, tignan mo!" she threatens me inbetween hard
breathings. Tapos may bigla syang kinuha sa nakasabit sa leeg nya na nakapasok sa blouse nya, nung makuha nya ay
nilagay nya sa bibig nya at nagtake ng 3 deep breathes. Inhaler ata though it's kinda small for its size.
"May asthma ka?" "Not for 2yrs!" inis na sabi nya,"Ngayon na lang ako inatake ng asthma ko, good thing lagi kong dala 'to! Buti na lang girlscout
ako! Sa susunod bago ka gumawa ng mga katangahan sa buhay, isipin mo muna mga possible outcomes! Alam mo bang
kamuntik na akong mamatay kanina kung wala akong inhaler na dala?! Buti asthma lang at hindi heart attack!"
Tumayo na sya mula sa pavement at umalis na at iniwan ako dito mag-isa na medyo nabingi sa mga sinabi nya.
Teka! Bakit nya ako sinisisi? Ano ba ginawa ko! I dont remember doing anything to cause her an asthma attack! Well, I did a
prank though... Pero as far as Im concern hindi naman nakaka-cause ng asthma ang spicy foods! Ang OA nya lang, tsaka
anong heart attack pinagsasabi nya? Heart attack nya mukha nya!
--
< Eya's POV >
"But Ms. Rodriguez..."
I've had enough! Last night if it wasnt for the inhaler, dead meat na ako. I'm not kidding nor exaggerating, I have anaphylaxis
allergy -- asthma and some hives are it's minor attacks but if it gets severe, it'll cause me a heart attack and I told you, my
sister died because of a heart attack 'coz she's allergic to flowers and when I was little I asked her one time to bring me to a
flower garden because I badly want to see the said butterflies in that garden. And she granted me that favor and the next day,
she got a heart attack that led her to her death.
Anaphylaxis allergy isn't just an ordinary allergy. It's fatal once mistreated.
And it runs in the blood, I have one too but the last attack I had was 2yrs ago due to drinking aspirin. Then the anaphylaxis
shock last night actually scared the hell out of me, I thought I was gonna die for a moment there... lucky I have my inhaler as a
necklace. Sabi kasi ni ate, I should always bring an inhaler with me and because I always forget it, sinabi sakin ni ate na yung
maliliit na inhaler na lang bilhin ko at gawin ko na lang kwintas ito.
I'm really angry sa ginawa ni Cross. You don't play with such deadly pranks! I've had it, I'm quitting this job as his maid no
matter how much they pay me. I don't have anything do to with him anymore! Once a monster, always a monster.
"Sorry Mr. Sandford, I can't take him anymore." "Not again," hinilot hilot ni Mr. Sandford ang noo nya, "and there I thought na ikaw na yung perfect maid para sa kanya since
ikaw lang nakatagal ng 1month sa batang yun. Ano nanaman ba ginawa nung batang yun? Maybe you can give him another
chance? Please Ms. Rodriguez, I was seeing improvements with his attitude since you became his maid."
"Improvements? What improvements? Sorry to say this Mr. Sandford, but I think he doesn't need a maid, you should be
looking for a psychiatrist for him. I'm afraid he's not normal." honest na sabi ko, kahit pa ma-offend si Mr. Sandford wala na
akong pakelam, I'm quitting naman na eh.
"I know, he's very abnormal. Wait no, he's autistic." I nag-agree sakin? Tinawag pang autistic. Cool father! XD
"Pero hindi ko na talaga alam gagawin ko Ms. Rodriguez, wala na akong mahanap na matinong personal maid nya. Ikaw lang
talaga nakatagal ng 1month. Ikaw lang yung may willpower na magtagal sa kanya," willpower? Wala. Walang wala akong
ganun pagdating sa halimaw na yan. "Kaya please, wag ka ng mag-quit, give him a chance. Last chance."
"No, ayoko na talaga." "Pero paano na lang yung 6month deal natin?"
Oo nga pala. Sabi nya nung unang pasok ko dito na pag tumagal ako kahit 6months man lang eh igagrant nya ako ng kahit
anong gusto ko. At alam ko na yung iwiwish ko eh, yung tulungan nya ako sa dream kong maging astronaut . Naku naman.
Now I'm torn between quitting or not.
"Ayeee. Hindi na yan magqu-quit... ayee.." bigla akong inasar ni mr. Sandford, napansin ata ang pagsi-shillyshally ko.
Nagbig sigh na lang ako, "Fine. Sige, last na talaga. Last na." "Yes! Pagsasabihan ko ulit yung abnormal kong anak na yun para naman hindi ka masyadong mahirapan. Salamat ulit ms.
Rodriguez!"
Lumabas na lang ako sa study room ni Mr. Sandford na nanlulumo. Kung hindi lang talaga ako determined maging astronaut,
matagal na akong wala dito sa pamamahay ng CM na yun. >_<
Bumalik na lang ako sa kwarto ko dito sa bahay ng mga Sandford. In the end, dito pa rin bagsak ko. Tss.
---
10:30pm 11.00pm 11.30pm
O sige wala pa din yung hinayupak na master ko. Asan naman kayang lupalop nakarating yun? Kanina pa hindi nauwi ah.
Baka na-abduct na ng mga aliens, pinapabalik na sya sa planeta nya. Mabuti na nga kung ganun para matahimik ang buhay
ko.
Mabuti pang makatulog na. Zzzz.
"Hmm..." naalimpungatan ako dahil sa uhaw. Tumingin ako sa orasan sa bedside table, 2.16am na.
Tumayo ako sa kama at nagpuntang kusina para kumuha ng tubig.
*thud*
Nung binubuksan ko yung ref, may narinig akong parang may bumagsak. Lumingon lingon ako pero wala namang tao.
Shinrug ko lang yung shoulder ko at inisip na imagination ko lang yung narinig ko. Kinuha ko na yung pitsel at nilagyan ng
tubig ang baso ko.
Iinumin ko na sana ng biglang may umagaw.
"H-hey!" paglingon ko sa tabi ko nakita ko si Cross, sya yung umagaw sa baso ko at uminom dito ng dire diretso. Pagkainom
nya nun nabitawan nya yung baso at bumagsak sya.
"O-oy! Anong meron sayo?!" pagkataranta ko. Hindi sya sumasagot, medyo may naamoy akong maalisangsang. Inamoy ko
sya, amoy alak. "Ay anak ka naman ng! Lasing nanaman 'tong syokoy na 'to? Tss."
"Uggh.." yun lang yung sinasabi nya. No choice ako kundi alalayan sya sa balikat ko para makatayo, alangan iwan kong
natutulog sa malamig na sahig ng kusina?
"Ang bigat bigat mo. Ang baboy mo!" "A-anong baboy ako? *Hiks* H-hindi ako baboy, hindi mo ba kita 'tong abs ko!" pagewang gewang na kami tapos sa
kalasingan nya pa kung anu ano pa pinagsasabi nya, tapos tinaas nya pa yung shirt nya at pinakita yung... abs nya. =__=
Pero waaaaw abs! Meron nga sya. Tae. Namamanyak ako ng hindi oras. Anubanaman kasi 'tong lalakeng 'to, tama bang
magpakita ng abs? Kahit sinong babae, kahinaan ang abs noh kahit hindi ako ganun kalande may effect pa rin sakin ang abs.
=__=
"Ibaba mo nga yang shirt mo! Oo na sige na hindi ka na baboy! Ibaba mo lang yang shirt mo!" kung ayaw mong marape. =_=
"Hahaha! *Hiks* Ikaw ba, may abs ka din? Patingin nga ako?" "O-oy! A-ano ba!" bigla nya kasing tinataas yung shirt ko, tinulak ko na nga sya agad sa kama nya pagkataas nya ng shirt ko.
Kamuntik ng makita ang pangloob ko! >_< Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong higitin at dahil sa higit nya napahiga ako sa tabi nya. Not another bed scene with
him again! >__>
"Oy ano ba!" tinutulak ko sya kasi nakayakap sya sa braso ko. "Patingin muna ng abs mo!" tapos pinipilit nyang itaas ang shirt ko. "Wala akong abs! Teka nga! Ano ba oy!" Ako magkaka-abs? What the. this is madness, no this is sparta. >_> "Eh hindi ako naniniwala *hiks*, patingin muna!" tinataas nya pa rin yung shirt ko ako naman pilit ko itong binababa, "Andamot
mo bakit ayaw mo ipakita!" "Eh wala nga sabi akong abs! Ano ka bang lasenggong panget ka! Bitawan mo nga ako!" "Ako laseng? Hindi ah *hiks*. Tapos panget ako? Hindi rin ah, baka ikaw! hahaha! *hiks*" "Ugali mo panget! Bitawan mo nga ako! Sisipain na kita!" "Crush mo naman ako eh diba? Pogi ko kasi tapos may abs pa ako, inggit ka wala kang abs. *hiks*" ano ba pinagsasabi
nitong lasing na 'to? "Crush mo mukha mo! Sino magkakacrush sayo? Mga abnormal lang na katulad mo!" "Sus, deny ka pa. Bagay naman tayo eh. I'm handsome and you're pretty," pretty? sino? Yung paa ko? Ha?
Pero hindi pa ako nakaka-angal ng nilalapit nya na yung mukha nya sa mukha ko at ilang inches na lang maglalapat na yung
mga labi namin. WAIT.
Dejavu ba 'to?
Parang nangyari na 'to ah. At parang alam ko na susunod na mangyayari ah.
FLASHBACK
Nalasing rin sya nun. Mga bandang gantong oras din. Uminom din ako ng tubig. Natagpuan ko din sya sa kusina at dinala sa
kwarto nya.
Hindi sya sumasagot, mukhang tulog na ata. Nung naihiga ko na sya sa kama nya at tatayo na sana ako para umalis eh
nabigla na lang ako ng minulat nya ang mata nya at hinawakan ako sa braso, "O-oy!" "Samahan mo muna ako kahit saglit." "H-ha? T-teka nga, bitawan mo ako!"" sabi ko habang inaalis ang hawak nya. "You're so pretty." ngumiti sya na nagpahypnotize sakin, nakakaloko yung mga ngiti nya at idagdag mo pa yung sensation ng
amoy ng alak, feeling ko pati ako malalasing ng hindi oras, "You're very very pretty."
Nanlaki na lang yung mata ko ng dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko, palapit ng palapit ito hanggang sa
ilang distansya na lang ang namamagitan sa mukha namin lalo na sa mga labi namin, napapakit na lang ako sa hindi ko
malamang kadahilanan.
Para bang inaantay ko na lang na magdampi ang mga labi namin but instead....
HE VOMITTED IN MY FACE.
*end of flashback*
"KYAAAA!"
*boogsh*
Opo. Sinuntok ko sya sa mukha bago pa man sya makalapit ng tuluyan sa mukha ko. Ayaw kong masukahan ulit. =__=
"Wow! *hiks* Lakas mong sumuntok, anak ka siguro ni manny pacquiao? Hahaha! *hiks*" anak ng lasing 'to oh, hindi man
lang umaray sa suntok ko? Tumatawa pa?
"Layu layuan mo ako! Matulog ka na nga!" tumayo na talaga ako sa kama para makaalis na talaga pero nung naglalakad na
ako papunta sa pintuan ng kwarto nya bigla akong napatigil ng may sinabi sya out of the blue.
"I love you."
Parang may bombang sumabog. Totoo ba yung narinig ko? Ano daw? Haylabyu? Ano? Ano? O__O
Lumingon ako sa kanya in a slow motion way dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Pero...
Pigilan nyo ako. Sasapakin ko talaga 'tong isang 'to.
"I love you spongebob! I love you, i love you." yakap yakap nya yung isang unan na spongebob dun --- hindi, hindi nya
lang yakap yakap, hinahalikan nya pa. Sabi ko na nga eh, asa pa naman ako.
Dear diary,
Wala na bang aabno kay Cross? Lasing o hindi, tulog o gising --- autistic pa rin. =_=
- Eya
ps. kawawang spongebob, rape victim ng hindi oras. :|
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 23
“Oy bilhin mo nga ito!” “Yung scotch tape wag mong kakalimutan!” “Oy teka lang, ito pa, dagdag mo 'to sa listahan!” “Wala na rin tayong red paint!”
Seesh. Andami naman nila pinapabili, buti na lang nagbibigay sila ng pambayad. =__= 4 days na lang kasi School Festival na kaya masyado ng busy para sa preparations, each class kasi eh required na gumawa
ng kani-kaniyang gimik, eh yung sa class namin nakapagdecide na horror house gagawin namin sa classroom kaya naman
sobrang matrabaho at maraming materials na needed. At dahil sa madaming materials ang kelangan, nagmistulang errand girl
nila ako. Utos dito, utos dyan, bilhin mo 'to, bilhin mo yan, dalhin mo 'to, dalhin mo yan. Tss. Palibhasa mga mayayaman, ayaw
napapagod. =___=
“Ano ba 'tong mga bibilhin ko?” sinimulan ko ng basahin yung nakasulat sa mahabang listahan habang naglalakad ako.
Waaaw. Ang dami dami talaga, lagpas 50items ata 'to. =___=
“White cartolina, 5 pa--- ay!” napaurong ako ng bigla akong may makabunggo, hindi kasi ako natingin sa dinadaanan ko.
“Sorry miss--!” sabay pa kami nagsorry.
“Waaa! Lory ikaw pala!” “Eya! Naku, sorry hindi kita napansin, I was reading this.” pinakita nya sakin ang isang listahan. “Wow. Lalabas ka din para bumili ng materials.” “Yup.” “Yay! Sabay na tayo! San ka ba bibili? Sa national?” “Yeah, there. What can you say about hanging out for a wee bit after buying the needed materials?” “Pede rin! Hehe!” hindi naman siguro rush 'tong mga materials kaya pede muna akong tumambay tambay kasama si Lory.
- - -
National Bookstore.
“Waa. Bakit ganyan kadami?” ehem. Natatawa ako sa accent ni Lory pero pinipigilan kong wag tumawa kasi ayokong
mapahiya sya, I know nagii-strive syang matutong magsalita ng diretsong tagalog kaya ayoko syang ideprive sa pagtawa ko
kahit tawang tawa na ako. XD
“Ewan ko ba sa mga classmates ko, gagawa ata ng isang planeta kaya ganto karami pinabibili.” “What's your class' program?” “Ah, haunted house. Sa inyo?” “Maid Café.” “Wow. You mean yung parang sa anime? Yung magbibihis kayo ng cute maid outfits?” “Yup. That's it, kind embarrassing though..” “Anong embarrassing ka dyan! I want to see you! Nakaka-excite, for sure bagay sayo yung cosplay outfit na yun at siguradong
maraming magiging customer mo!” naiimagine ko pa lang si Lory in maid cosplay, nabibighani na ako. Sa puti at kinis ba
naman nya, kahit ata plastic lang ng basurahan ang suot nya, ang ganda ganda nya pa rin!
“Oh c'mon, don't flatter me that much. It embarrasses me more.” nagbablush na sabi nya, “Wait. Speaking of maid thingy,
kamusta na pala yung work mo with Cross?”
Yeah. Remember? Si Lory lang nakakaalam na nagwowork ako kina Cross bilang katulong.
“Ayun. Badterp.” “What? Badterp?” “Ayy, badtrip pala.” hindi nga pala ako pedeng magtagalog slang kay Lory, hindi nya magegets. “Ah, why so?” “Emm... Alam mo na, hindi ko matagalan ugali ni Cross.” “Talaga? Pero mabait naman sya ah?” comment ni Lory as she picks up a bundle of paper sa shelf na nasa tapat namin. “Mabait? Saang banda? Sa pwet? Pede na rin.” “Haha! I didn't actually get the joke but somehow it makes me wanna laugh! Ahaha!” “Wala yun, haha! Sabi ko lang kasi na hindi ako bilib na mabait si Cross.” “Bakit naman? Sakin mabait sya.” “Talaga? Paanong mabait?” O___O “Mabait... as in kind.” “Lory naman eh, hindi ko sinabing english-in mo sakin.” =___=
“Haha! Sorry. I mean... I dunno how to explain it... I mean, he's always gentle to me... he never shouted neither got angry with
me... ayun... yun yung mabait.” “Really? Hindi ka ba nya sinisimangutan?” “Nope. But hindi nya rin ako nginingitian, usual expression nya.” “Well sabagay, yung ngiti dun sa Cross na yun parang kasalanan eh.” “Haha! Yeah, well he's just like that... he's lonely.” “Lonely? Anong lonely dun? PMS kamo.” “No trust me, aside from being spoiled he's really lonely and he lacks attention.” “Alam ko na yan, KSP sya, autistic yun eh.” “No, no! You don't get me,” binagsak ni Lory sa basket na nakalagay sa floor yung mga kinuha nyang gamit at humarap sakin,
“...he lost his mother!”
“Edi hanapin nya---” napatigil ako sa pagsasalita ko ng marealize ko kung ano yung kasasabi lang ni Lory, “What?! He lost his
mother? As in...”
Ayoko na sana ituloy yung sunod na mga salita kaya naman si Lory na ang tumapos ng sentence ko.
“Yes, his mother died a long time ago. He saw how her mother died, he saw it with his own eyes.” “Hala,” napatakip ako ng bibig ko, “Talaga?”
“He grew up without a mother, he only met her mother once. She even died in front of him. So don't accuse him of his attitude,
instead of that just understand him 'coz he's really suffering from a very painful past. He's a very lonely guy.”
Parang na-guilty naman ako sa mga sinabi ko tungkol kay Cross. I know the feeling of seeing your parents die in front of you,
it also happened to me... Masakit yun. Promise, kahit gaano pa ka-kulangot sa pader ni Cross o kahit gaano man ka-monster
ang attitude nya, hindi ko na sya aawayin o tatawaging MONSTER, iintindihin ko na lang sya. Ngayon naiintindihan ko na
kung bakit autistic sya.
“Sabi mo namatay mom nya sa harapan nya? Paano ba namatay ang nanay nya?” “Gunshot.” pagkasabi nun ni Lory, nabagsak ko yung kinukuha kong glue, pinulot ko ito kaso pag-angat ko tumama ulo ko sa
may shelf nito at dahil dun naglaglagan yung mga gamit na nakapatong dun. Nagtinginan tuloy yung mga tao sakin.
“Hala,” sabi ko habang pinupulot at binabalik sa lagayan yung mga nalaglag, tinulungan naman ako ni Lory.
“Are you ok?” “Yeah, yeah.” wala sa sarili kong sabi habang nilalagay ko na yung last piece ng glue na nalaglag sa lagayan na nakapatong
sa shelf.
“Sorry, sorry.” pag-e-excuse ko sa mga tao at staff dun na nakatingin sa parte namin. “Tara na Eya, nakuha mo na ba lahat ng kelangan mo?” “Yeah.”
Nagpunta na kami sa counter para magbayad ng mga pinamili namin. Pagkatapos namin mabayaran lahat ng yun, sinabi ni
Lory na ihabilin daw muna namin yung mga gamit sa habilinan ng national dahil gusto daw muna maggala ni Lory before
going back sa school.
“Ok, know what my plan is for today?” lumingon sya ng nakangiti sakin habang hila hila nya ako. “Eh? Ano?” pagtatanong ko habang sumusunod sa paghila nya. “Today is my beauty treatment day, it should be after school but since I'm already out of the school and you're here with me, Im
gonna grab the chance!” teka... ano daw? Beauty treatment day? O_O
Eh paano kung walang kang “beauty”, anong ite-treat sayo? Haha. Inapi ang sarili. Ang baliw eh. XD
- - -
“Goodafternoon maam Lory!” pumasok kami sa isang skin treatment center sa loob ng mall. Wow, pagkapasok pa lang ni Lory
binati na agad sya nung isang babae(?) dun, mukhang suki dito si Lory ah. Hindi na ako magtataka, sa ganda ba naman ng
balat ni Lory kitang kita na alagang alaga ito. Iba talaga pag mayaman. >_<
“Hi, I would want to take the usual but for two.” “For two?” nagtakang tanong na sabi nung babae(question mark). “Yeah. For me and for her,” tinuro nya ako.
“Teka, for me?” tinuro ko rin yung sarili ko na nagtataka. “Teka, wala akong pambayad!” “Don't worry Eya, my treat.” waaaw.
“Ma'am, ambait nyo naman po talaga, you even give beauty treatments sa mga katulong nyo.”
ANO DAW SABI NITONG BAKLITANG 'TO?! =___=
“Hey! She's not my maid! How dare you call my bestfriend like that, baklita kang bruha ka!” “Bestfriend mo po? Ohno. I'm really sorry maam as a compensation, I'll give our best offer to her for free!” natatarantang
nagsorry ito at tinawag ang mga trabahador nya, “Guys, occupy these gorgeous ladies here!”
Nagwink sakin si Lory, “Okay ba ang pronunciation ko sa baklitang bruha?” “Ahaha!” natawa ako sa sinabi nya, actually hindi bagay sa kanya magtaray sa tagalog, nababasag ng accent nya eh, “Saan
mo natutunan yang salitang kalye ha? Haha!” “Just heard it from my maldita classmates!” “Maldita? Haha! Pati yun natutunan mo na din! Ikaw talaga!”
- - -
Gusto nyo pa ba malaman pinaggagawa sakin dun sa loob? Waa. Wag na iexplain sa inyo. Wala, minurder lang nila yung
balat ko... I mean, minassage nila at kung anu anong echos ang ginawa nila pero sa totoo lang, ansarap ng feeling... alam nyo
yung parang ang lambot at ang dulas ng balat nyo? Yun yung feeling ko pag hinahawakn ko yung kamay ko eh, parang niliha!
Natanggal yung mga dead skin! XD
“The usual cut,” sabi ni Lory pagkaupo nya sa may upuan sa salon, oo pumasok naman kami ngayon sa salon! Talagang
beauty treatment day nga ito ni Lory! At sinasama nya ako, libre daw lahat! Uwaaa. Bakit ang swerte ko at bestfriend ko sya?
Haha! Matagal tagal na rin akong hindi nakakapunta sa parlor ah, huling punta ko dito nung grade 6 pa ata ako... nung mga
nakaraan kasi, ako na lang naggugupit sa buhok ko pag nahaba na, kaya nga hindi pantay pantay buhok ko eh! Hahaha. Ang
mahal kasi magpagupit, nagtitipid ako sa pera. :”3
“Sayo miss?” tanong naman sakin nung maggugupit sakin pagkatapos tuyuin yung buhok ko, shinampoo at nilagyan ng kung
anong etc pa kasi 'tong buhok ko kanina eh.
“Ah, pantayin nyo na lang po yung buhok ko. Hanggang dito,” tinuro ko yung leeg ko, gusto ko kasi maikli para pangmatagalan
na yung gupit para hindi humaba agad.
“Okay,” gugupitin na sana yung buhok ko ng biglang pinigilan ito ni Lory.
“No wait, I don't want that haircut for her! I want you to add hair extension for her! Color her hair into light brown! Put some
bangs as well! Then,” nilagay ni Lory yung kamay nya sa baba nya as if pinagmamasdan akong mabuti, “After the extensions,
it'll be cute if you curl it. Then... hmmm... Yeah, fix her eyebrows as well. That's all.”
Tapos nagbasa na ulit ng magazine si Lory habang sinimulan ng gupitan sya. Ako naman hindi na nakaimik sa gustong ayos
ni Lory para sakin since sya naman magbabayad. Owell, may tiwala naman ako sa taste ni Lory.
- - -
After 1234567890 hours.
“What can you say to my creation, ms. Lory?” “Marvelous! Eya, you're almost unrecognisable!”
True.
Humaba yung buhok ko, naging kulot at kulay brown. May bangs din ako, natakpan yung malapad kong noo. Numipis at
naging maayos yung makapal at makalat kong eyebrows. I love my haircut! O___O
Natatakpan yung pimples ko sa noo dahil sa bangs. WOOHOO. Okay 'tong haircut na 'to! :D
“Do you like it?” tanong ni Lory sakin habang kinukuha nya yung piece ng pizza nya. Andito kasi kami sa pizzahut, umorder
sya ng isang malaking pizza for the two of us. Nakakahiya na nga sa kanya eh, sya lahat nagbayad. Sabi nya date daw namin
'to, tapos sya daw boyfriend ko kaya treat nya daw lahat. Uwaaa. Pero nahihiya pa rin ako sa kanya, ang bait bait nya sakin.
>___<
“Yup! Ngayon lang ako nagkahairstyle ng ganto!” pag-amin ko. “Ahehe! You look fine with it, I was right, brown hair color suits you. Mamaya, let's go to the comfort room, I'll put make ups on
you.” “Waaa. Make up? Nakuu! Wag na! Hindi ako mahilig dun!” “C'mon Eya, trust me. I like putting make ups to other people. Pleaaaaseee?”
“O sige na nga.” pagpayag ko, it's the least I can do sa mga nilibre nya sakin. Kung masaya sya sa pagmemake up ng mga
tao, then fine. Hindi naman siguro ako mamatay sa make up kahit ayaw ko sa mga ganun. =__=
“Ah! That's right, I've heard there's gonna be a ball for the ending ceremony of the school's festival. Are you coming?” “Bah, no.” alam ko na yung tungkol dun sa ball, pwe. Hindi ako mahilig sa mga ganung parties na nakagown, sayawan and the
such. Ang tanging party na pinuntahan ko lang ay yung debut ni Lory at bad experience pa yun. =__=
“No! You should come Eya! C'mon!” “Hindi ako mahilig sa ganun saka wala akong isusuot dun nuh.” “If that's your problem, leave it to me. I'll take care of your gown and I'll do your make up! Trust me!” “Wag na Lory, I won't come.” “You will.” “No.” “Yes.” “No.” “Yes.” “No.” “Yes!”
“Fine.” I sighed. Wala eh, mapilit. =__=
“Yey!” She hugs me from the opposite table, “One of my classmate told me that there's a legend behind the school festival's
ball.” “Legend? Neverheard.” “The ball's always in a masquerade theme,” nanaman? Maskara nanaman? “And they said that no one takes off the mask until
midnight, they dance with lots of anonymous people and when the clock strikes at midnight, people will have to remove their
masks and whoever is your last partner will become someone very special in your life. Legend says that lots of them end up as
couples. Isn't that a sweet legend?”
“Yaakk. Ang korni. Sino naman nagkwento sayo nyan? Kwentong barbero naman eh.” “Kwentong barbero? What does that mean?” “Kwentong barbero means hindi makatotohanan, gawa gawa lang. Parang yung kwento ni Denny, yung author nito,
napakabarbero.” “Ah really? But I think it's somewhat fantastic if it'll happen to me or maybe to you as well.” “Nah, I don't believe in such.”
“Ako naniniwala. I want it to be Cross.” oh here she goes again. Baliw na baliw talaga sya kay Cross noh? Sa ganda nyang
yan dapat hindi sya naghahabol sa lalaki eh. =__=
“Oh before I forget!” “Ano yun?”
“I have a plan!” “What plan? Of what?” “Plan to get myself closer to Cross!” “Haaaa?” feeling ko abnormal din 'tong si Lory eh. =__= “Here's the plan...”
- - -
“Weee. Look! You're so gorgeous!” humarap ako sa salamin ng banyo pagkasabi nya nun.
WOW MAKE-UP. WOW TAO. WOW....
Waaaw. Tao na ako! O____O
“What can you say?” nakangiting inakbayan ako ni Lory. “No comment.” hindi ko pa rin makapaniwalang sabi habang tinitignan ko reflection ko sa salamin. Smooth&clear skin, new
hairstyle and color plus make-up that conceals the imperfections in my face....
Teka lang, papabinyag lang ako... pinanganak na ata ang taong version ni Eya. O__O
- - -
Matapos namin maggala pa ng konti sa mall, bumalik na kami sa national para kunin ang mga gamit namin at nagtaxi na
pabalik ng Willford. Pagpasok ko ng classroom para ibigay ang mga nabili kong gamit...
“Eto na yung mga pinabili nyo...” nilapag ko sa sahig ito. “Ah thank you miss,” sabi ng isa kong kaklase, “teka asan na yung panget na Eya na yun? Bakit inutusan ka nya? Talagang
yun! Tss. Walang pakinabang.”
“Ha? Anong pinagsasabi nyo, sinong uutusan ko? Ako si Eya.” “Miss, kaanu-ano mo ba yun? Pag nakita mo nga, pakibatukan, wala na ngang pakinabang dito tumatakas pa at inuutos pa sa
iba ang gawain nya.” “Eh? Ako nga si Eya!” naiinis na ako sa kanila ah. “Miss, sige na. Wag mo ng ipagtanggol yung panget na yun, salamat na lang sa pagdadala nitong mga kelangang gamit.”
“Pero...” hindi na nila ako pinansin at tinalikuran na. Napakamot na lang ako ng ulo.
“Ummm... Anong pede kong gawin?” pagtatanong ko sa class organizer namin nung medyo nabored na ako kakapanuod sa
kanila, wala kasi silang pinaggagawa sakin simula ng pagdating ko dito. “Miss, salamat pero hindi ka taga-klase namin.” “Eh? Taga dito ako sa klase na 'to.” “Never seen you before.” walang lingon lingong sabi nito sakin. “Tss.” nainis ako kaya lumabas na lang ako ng classroom, dala dala ang bag ko. Makauwi na nga lang, hindi naman nila ako
pinapansin o pinaggagawa ng kahit ano. =___=
“Miss, miss,” napatigil ako ng makita ko si Chad na naglalakad palapit sakin, medyo pawisan ito tapos tinuro nya yung kamay
nya, “Anong oras na?”
“E-eh? Ano,” nataranta kong tinignan ang wristwatch ko, “4:54.”
“Ah sige, thank you.” biglang nilagpasan nya lang ako.
Nagtaka ako pero lumingon agad ako at tinawag sya, “Wait Chad!”
Tumigil sya sa paglalakad at lumingon sakin ng may pagtataka, “Kilala mo ako? Atsaka may kelangan ka miss?”
“Oo kilala kita. Teka, hindi mo ako kilala?”
Napakamot sya, “Hindi eh. Sino ka ba?”
Dear diary,
WEH. Sige lahat sila hindi na ako kilala. Hindi naman ako pokemon para mag-evolve ng husto at hindi na nila makilala. OA ng
mga tao.=__=
- Eya
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry 24
“Hindi mo ba ako kilala?”
Kumunot yung noo ni Chad, “Hindi, sino ka ba?”
“Halloooo. Ako 'to si Eya.”
Yung mata nya naging ganto → ~_~ then ganto → O___O
“Joke ka ba?” “Hindi, tao ako.” “I mean, you got to be kidding! Seriously speaking, ikaw yan Eya?” lumapit sya sakin tapos umikot ikot sa akin tapos bumalik
sa harap ko at hinawakan ako sa balikat with wide eyes.
“Oo nga. Ang kulit nyong mga tao, kanina pa kayong ayaw maniwalang ako si Eya. Nakakabadterp na.” =__= “Geez Eya, anong nangyari sayo? Sinong alien ang nag-abduct sayo?” “Huh? Pinagsasasabi mo? Alien? Abduction?” “Eh kasi Eya parang hindi ikaw! Paano humaba yang buhok po at naging kulot pa? Tapos brown pa! The last time I saw you,
maikli at black pa yang buhok mo.” “Ah hehe!” napakamot ako ng ulo, “Kanina kasi kasama ko si Lory tapos ayun, dinala nya ako sa salon at ayan... new
hairstyle, bagay ba?”
“Oo Peppy! Bagay na bagay! Para kang pikachu na naging raichu!” “Haaa? Ano ako pokemon?” “Haha! Pede na rin! Peppermon! HAHAHA!” “Ang korni, tama na. Baka mamatay ka sa kakornihan, Chad.” =___= “Ito naman hindi majoke,” pagtapik nya sa balikat ko habang natatawa pa rin, “Pero seryoso Peppy, bagay sayo halos hindi na
nga kita nakilala eh!” “Salamat!”
“Ay Peppy, gusto mo pala sumama?” “Saan?” “Sa puso ko?”
“Ha?” “Joke lang! HAHAHAHA!” tawa sya ng tawa sa joke nyang hindi nakakatawa. Hawak hawak nya na nga yung tyan nya, hindi
naman sya masyadong masaya nan?
“Hinga naman. Mamamatay ka na sa tawa.” “Wala lang Peppy, naaalala ko lang yung first encounter natin. Remember, oras na para mahalin kita?”
Bigla akong namula nang maalala ko yun.
“Ha? May sinabi akong ganun?” pagkukunwari ko. “Oo kaya! Dumaan ako dito, nagkasalubong tayo tinanong ko oras sayo tapos yun yung sinagot mo. Natuwa nga ako sa
sinagot mo eh, sabi ko sa sarili ko dati 'ayos sa banat ah'.” “Weh? May sinabi akong ganun? Wala ah, lakas imagination mo.” “Oo kaya may sinabi kang ganun!” “Wala kaya!” “Oo kaya!” “Baka sa panaginip mo lang yun!” “Hmm... baka nga,” sabi nya habang nagiisip, “Well anyway, sama ka nga?” “Saan nga?” “Sa puso ko nga.” “Seryoso.” =___= “Hindi joke lang! HAHA. Occupied na puso ko eh, ang bagal mong dumating eh! HAHAHA!” nung sinabi nya nun ewan ko pero
ewan ko... as in ewan ko, talagang ewan ko pero parang nagskip ng isang beat ang heart ko. Occupied na puso nya? Oo
syempre, andun na si Lory. Pero sinabi nya na ang bagal kong dumating? Kung sakaling binilisan ko at mas napaaga ako
kesa kay Lory, may possibilities kaya? * shakes head* LABO. LABO. Pinagiisip ko puro kalandian. =_=
“Pero kidding aside, sama ka sakin sa may hom.ed room? Nagpapractice kasi magbake ng mga cookies and cakes para sa
incoming festival.” “Waaaaw. Talaga? Ano ba plano nyo sa festival?” “Ah simpleng sweets shop lang yung amin, hindi naman matrabaho. Pero assigned ako sa cooking department.” “Nagluluto ka?” O__O “Sama ka na lang! Dali!” hindi pa nga ako sumasang ayon sa pagsama sa kanya eh hinigit nya na ako sa kamay at tumakbo
na kami papunta sa hom.ed room.
- - -
Sa loob ng home-ed room.
“Uy Chad! Buti nakabalik ka na agad!” bati agad sa kanya ng isang lalaki dun, siguro classmate nya. Apat lang silang andun
eh, dalwang lalaki, dalwang babae.
“Ehehe. Kamusta na ba yang cookies? Masarap ba?” lumapit sya dun habang hila hila nya ako sa kamay.
“Try mo.” “Sige,” kinuha nya yung isang cookie dun at kinagat, “Hmm! Pede na! Masarap na! Improving ah Zed!” “HAHA! Dapat lang, kanina pa tayo luto ng luto dito eh! Teka, girlfriend mo?” usisa nito. “Ay hindi po hindi! Kaibigan lang ako.” sagot ko kaagad. “Ah ito,” umakbay bigla sakin si Chad, “Bestfriend ko. Ganda noh?” “Oo pare eh, pede paligaw?” pabiro nitong sabi na nagpapula tuloy sakin. “HAHA! Bawal pre, hindi ako papayag na ligawan ng isang playboy na tulad mo bestfriend ko. Baka gusto mong masaktan ng
hindi oras?” “HAHA! Ito naman joke lang! O sige na nga, alis na ako ah. Kaw na bahala dito, tapusin mo na yung cake na binebake mo.” “Oo, oo. Uuwi na rin ba kayo Alice at Katelyn?” pagtatanong nya dun sa dalwa pang babae dun na nagliligpit na ng mga gamit
nila. “Ah oo, tapos na kami eh. Yung cake mo, malapit na siguro syang mabake. Tignan tignan mo na lang yung oven. Pag tapos
ka na at satisfied ka na dun sa cake mo, pede mong iuwi yun or bahala ka na kung anong gusto mong gawin. Makakauwi ka
na rin after.” “O sige sure. Bye guys!”
“Bye Chad!” they said in chorus pagkalabas ng room.
“Okay, let's check kung tapos na 'to.” lumapit si Chad sa oven at tinignan ito. Ako naman, naggala gala sa loob ng room, may mga cooking materials na nakakalat pa sa table tapos meron pa ngang flour
na nagkalat sa table. Meron din dung recipe book kaya naman chineck ko ito pero habang nageenjoy ako sa pagtingin tingin
dun sa book, hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Chad at dala dala nya na yung cake.
“Waaaaw. Luto na?” sinara ko na yung book at hinarap yung cake. “Pedeng tikman? Mukhang masarap.” “Hala sorry peppy, gusto ko rin sana ipatikim sayo kaso naplano ko na kasing ibigay ito kay Lory mamaya.” “Ah naku, wala yun. Sige bigay mo sa kanya. Kaya pala heart shape, ayeee.” “Ahaha. Oo eh, sya kasi nasa isip ko nung ginagawa ko ito. Wait, gusto mo igawa din kita?” “Naku wag na. Salamat na lang.” “Hindi dali na gagawa ako ngayon.” “Ngayon? Wag na Chad, anong oras na!” “Don't worry may alam akong pedeng gawin in less than 15minutes.” “Ano yun?” “Mahilig ka ba sa marshmallows?” “Yup. Why?” “Okay, standby ka lang dyan. Marshmallow cupcakes coming right up!” masigla nyang sabi as he prepares the things he
needs, hinubad nya muna yung singsing nya at inilagay sa may isantabi para siguro hindi marumihan sa gagawin nyang
pagluluto. “Buti na lang mayroon silang iniwan na cupcakes dito, pede ko na 'tong gamitin. Peppy, nakakain ka na ba ng
sheeps?” “Ha? Hindi. Bakit?” O__O “Papakainin kita ngayon ng sheeps na gawa sa marshmallows! Ahaha!” “Nyaaa. O sige, papanuorin muna kita.” “O sige sige, ito na sisimulan ko na ah?” nagsimula na nga syang maggawa ng sinasabi nyang cupcake na sheep. Kumuha
sya ng marshmallows at sinumalang ilagay on top of the cupcake habang inaayos nya ito in a shape of a sheep tapos may
mga kung anu ano pa syang nilalagay. Nakakatuwa nga eh, seryosong seryoso sya dun sa pagaayos ng cupcake, kina-
career.
“O ayan, tapos na ang first cupcake!” pinakita nya sakin yung una nyang natapos. “Uwaaawwww!” amazed na amazed ako nang iabot nya ito sakin, “Sheep nga! AHAHA. Ang kuyuuut naman nito!” tapos
sinubukan kong kumagat, “Uwaaaa! Ang sarap din! Gurabeee! Ang galing mo Chad!” Napangiti sya tapos nagsimula ulit ng bago, “Gagawin ko sa lahat ng natirang cupcakes dito since lima na lang naman sila at
para na rin meron akong pabaon sayo pag-uwi. Token of gratitude man lang sa pagsama mo sakin dito at sa pagiging
bestfriend ko.”
Hindi na ako naka-angal sa kanya. Pinanuod ko lang syang gawin yung mga cupcakes. At ng matapos na yun, nilagay nya sa
isang box at inabot sakin. Umalis na rin naman kami habang dala dala nya rin yung box ng cake na niluto nya para kay Lory.
Sabay kaming naglalakad sa corridor pauwi.
“Edi magkikita kayo mamaya para mabigay mo sa kanya yang cake?” pagtatanong ko sa kanya. “Hindi sa magkikita kami, pupunta ako sa bahay nya.” “Uwaw. Lagi ka bang napunta sa bahay nya?” “Ehe,” napakamot sya, “Medyo. Pero lagi naman syang wala eh.” “Ay ganun ba? Sayang naman.” “Well, hindi sa wala sya pero I know tinataguan nya lang ako. Haay.” “Waa. Hindi naman siguro!” “Oo, ganun yun. Ayaw talaga sakin ni Lory, hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh. Minsan naiinis na ako at nawawalan na
ako ng patience.”
Tumigil ako sa paglalakad at dahil dun napatigil din sya, “Abnormal ka ba? Diba mahal mo sya?”
Tumango sya sa tanong ko, “Kung mahal mo sya bakit ka nawawalan ng patience?” “Eh kasi habol ako ng habol sa kanya, layo naman sya ng layo. It's hard when your finish line is running away from you.” “Ano ba! Wag kang mag-english dumudugo ilong ko!” “HAHAHA! Sorry naman!” “Pero kidding aside Chad, don't give up on her please? I'm rooting for you guys.” “Salamat Peppy. Pero sabihin mo sakin, is it even possible to reach someone who's also reaching another someone?” “Bilisan mo ang takbo para maabutan mo sya pero kung hindi mo mabibilisan, subukan mong sumigaw at tawagin ang
pangalan nya baka sakaling lumingon sya at tumigil. Try all the possibilities Chad, don't give up on her.”
Ngumiti sya sakin, “Thank you Peppy. I'll take that advice. Sige, bye bye! Ingat ka sa pag-uwi!” “Ganun din sayo!” kumaway kaway ako sa kanya habang tumakbo siya sa opposite side ng kalsada.
Hayy. Ano ba yung mga sinabi ko parang labas sa ilong, I mean geez... crush ko yung tao pero binubugaw ko sa ibang tao.
Baliw. Pero di bale na, mas gugustuhin kong si Chad at Lory magkatuluyan kesa naman habu-habulin ni Lory yung si Cross.
Wala akong tiwala kay Cross para kay Lory eh, autistic yun eh paano makaka-handle ng isang matinong relationship yun?
=__=
- - - Nung matapos na ako sa part time ko sa resto nina auntie, dumiretso na agad ako sa bahay ng mga Sandford. Dala dala ko
pa rin yung box ng marshmallow cupcakes since wala akong tiwala sa ref nina auntie, baka kasi mamaya kainin nila 'to eh.
Kilala ko na yung mga yun, mga glutton yung mga yun eh. =___=
Tinanong ko naman dun sa isang maid sa bahay ng mga Sandford kung pepwedeng iwan muna sa ref ng bahay yung
cupcakes ko, sabi naman nito ay “go ahead” lang daw. Sabagay sino ba naman makekelam ng cupcakes ko dito diba? Sa
dami dami ng pagkain nila eh.
Pero isa pang nakakainis, kamuntik na akong hindi papasukin sa bahay ng mga Sandford kasi hindi ako nakilala ng mga
katrabaho ko dun. Tss. Nakakainis na rin 'tong make over na ginawa sakin ni Lory ah, mukha ko pa rin naman 'to ah? Nabago
lang yung buhok tapos nakamake up lang. Pero lahat sila hindi na ako makilala. =___=
/beep beep
Tumunog na yung phone sa kwarto ko na connected sa kwarto ni Cross, it only means na may kelangan na sya sakin.
“Oh?” ang galang kong sumagot noh? HAHA. Ako ang maid na walang galang, ayos lang naman sa tatay ni Cross eh tsaka
wala akong pakelam kung hindi sang-ayon si Cross sa attitude ko kasi mas hindi ako sang-ayon sa attitude nya! “Pumunta ka dito sa kwarto ko, linisin mo nga 'tong kalat ko dito.” “Fine, whatever.” tapos binaba ko na yung telepono at nagdiretso na sa kwarto nya. Walang katok katok na pumasok ako.
Ang kalat ng kwarto. Puro cartolina, papel, crumpled papers, papel, papel at kung anu anong etcs ang nasa sahig ng kwarto
nya. Nagsimula na akong pulutin lahat ng papel na nakakalat dun.
Sya naman busyng busy sa table nya, ni hindi nga ako nililingon eh. Nilapitan ko nga sa studytable nya at tinignan kung anong
ginagawa...
“Ano yan?” nakita kong parang may dinodrawing sya pero pagkatanong na pagkatanong ko, tinago nya agad ito ng kamay
nya.
“Pede ba, mind your own business---wait, panget ikaw ba yan?” “Wow, nakilala mo ako?” sya lang sa araw na 'to ang hindi nagtanong sakin kung 'sino ako'. Sya lang ang nakakilala sakin sa
lahat ng taong kakilala ko na nakasalubong ko pagkatapos ng make-over na 'to. (O.O)
“Bakit naman hindi kita makikilala? Naglagay ka lang naman ng wig at painting sa mukha mo.” “Ay bobo. Hindi 'to wig, hindi rin painting tawag dito sa nakalagay sa mukha ko!” “Whatever. Panget ka pa din. Walang pinagbago.” “So? Walang nagtatanong ng opinion mo?” nakakapika eh, kung wala lang din syang sasabihing maganda pede namang wag
na lang syang umimik eh diba? “I live in a democratic country, I can say whatever I feel like saying. And yeah, hindi talaga bagay sayo. Panget at panget ka pa
rin, feel mo siguro napakaganda mo nuh? Asa dude, ASA.”
Kinuha ko yung isang magazine malapit sa table at finold ko ito paikot at sinimulan ko syang pukpukin sa ulo, sa balikat at sa
kung saan saang parte, “Napaka mo ah! Nakaka-offend ka na ha! Wala na bang lalabas dyan sa bibig mo kundi mga
mapanlait na salita?!”
“Hey---ouch! Hey, stop it!” “Stop mo mukha mo! Yang bibig mo dapat inii-stop, you're way over the limit! Nakakasakit ka na ng damdamin ng tao! Hindi ka
na nakakatuwa, masyado kang matapobre kang autistic na halimaw ka!” pinapalo at pinapalo ko pa rin sya ng magazine na
hawak ko.
“Ouch! Cut -ouch- it out! Hey--!” dahil sa urong sya ng urong kahit nakaupo sya sa upuan nagkaroon ng tendency na mahulog
sya sa upuan nya at nagdive sa may sahig.
“Hala, okay ka lang?!” nataranta naman ako sa pagkahulog nya. Masakit rin siguro yun, kasi pabaliktad ang pagkakataob nya
sa upuan. “Argh! Are you out of your mind?! Are you trying to kill me?! Ipapakulong kita eh!” naasar nitong sabi habang tumatayo sa
pagkakahulog nya. “Ikaw kasi eh, pedeng hindi ka na lang magcomment eh! Lagi na lang kasing panlalait nalabas dyan sa bibig mo, nakakaasar
na! Alam ko panget ako pero hindi naman kelangan ipamukha yun diba? Palibhasa kasi hindi mo problema mukha mo eh kaya
ganyan ka! Sana maging palaka ka! Yung palakang may sampung tentacles sampung buntot tapos punong puno ng tigyawat
at kuluguyo sa mukha at katawan! Tapos yung mag-amoy imburnal ka rin sana! Sana maging panget na panget na palaka ka!
Napakamanlalait mo! Ansama sama ng ugali mo!”
Oo, inis na inis ako sa kanya. Syempre hindi ko matatanggi sa sarili ko na kahit papaano nagandahan ako sa make over ko,
isang beses lang 'to nangyari sa buhay ko. Kahit sino naman sigurong babae pag naayusan sya diba matutuwa sya sa itsura
nya diba? Ganun pakiramdam ko at sabihin pang tuwang tuwa ako sa new hairstyle ko at ngayon lang ako namake-up-an ng
matino sa buong buhay ko. Sinabi pa nga ni Chad na bagay sakin tapos 'tong autistic na halimaw na 'to, lalait laitin lang ako?
OA na kung OA pero asar na asar talaga ako sa kanya. Ni hindi nya nga ako tinatawag sa pangalan ko eh lagi na lang
“panget” ang tawag nya sakin! Tanggap ko sa sarili kong panget ako pero syempre, nasasaktan din naman ako pag tinatawag
akong ganun lalo na pag sobra na at masyado ng offensive ang mga sinasabi.
“Magpapa-party ako pag naging palaka ka na!” tinalikuran ko na sya at lalabas na sana ako kaso napatigil ako nang may
marinig akong sinabi sya. Medyo mahina ito pero kahit papaano narinig ko.
Napalingon ako sa kanya ng sinabi nya yun, "Ano kamo?" "Ang bingi mo? Linisin mo nga ilong mo!" inis na sabi nito. "Anong ilong? Baka tenga." =_= "Ganun na din yun! Umalis ka na nga dito, bumalik ka na lang mamayang bandang 11pm para linisin 'tong kalat ko. Alis! Dali,
alis na!" "Fine, ito na aalis na!" kunwaring naiinis ko ding sabi habang palabas na ng kwarto nya.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto nya at pagkasara ko ng pinto, automatic na napasandal ako sa pinto ng kwarto nya
habang hawak na hawak ko yung dibdib ko. Ewan ko ang bilis bilis nito.
"Oo na nga, maganda ka na. Bagay sayo."
Ewan ko. Napapangiti ako pag nagpeplay back sya sa isipan ko. Ayaw kong ngumiti pero nagkukusa yung mga labi ko eh,
para bang may sariling utak. Maya maya pede ng mapilas yung labi ko sa sobrang pag ngiti. Ewan ko ba, iba rin siguro pag
yung isang tulad ni Cross ang magsasabi sayo ng ganung bagay. I mean iba rin kasi kung sa isang tao na lagi kang nilalait at
sinasabihan ng panget ang tanging makakarecognize sayo at sasabihan ka pa ng maganda in a very unexpected time.
Cross knows how to make someone smile din naman pala kahit once in a blue moon lang mangyari. At----
"AYYYY!" naputol ako sa pagiisip ko ng bigla na lang magbukas yung pinto na sinasandalan ko at dahil nga sa nakasandal
ako napabagsak tuloy ako sa biglang pagbubukas nito. "Oh? ANDITO KA PA?! Diba sinabi ko ng umalis ka na!" "Aray ko!" sabi ko habang tumatayo at hinihimas ang nabagsak kong pwet, ang sakit eh biglaan kasi, "Istorbo ka naman!
Kumatok ka nga muna bago buksan ang pinto!"
"Bakit ako kakatok eh lalabas ako? Tumabi ka nga dyan sa daanan!" tinulak nya lang ako at naglakad na paalis. Binehlatan ko
lang sya mula sa likod.
Haay. May pag-asa pa bang tumino ugali nitong si Cross? I don't despise this monster anymore especially ngayong alam ko
na kung ano talaga dahilan kung bakit ganto attitude nya. I do want to help him from that loneliness, parehas rin lang naman
kaming namatayan ng mahalaga sa buhay sa harap namin eh.
Kaya siguro talaga ganun dati si Cross ng ma-ospital sya, I remember him crying and calling for his mother. Haay, nalulungkot
ako para sa kanya. He looks like a tough monster on the outside when the truth is, he's just fragile like anyone else.
< Cross' Point Of View > "Oh? ANDITO KA PA?! Diba sinabi ko ng umalis ka na!" nabigla ako kasi pagbukas ko ng pinto andito pa 'tong panget na 'to at
bakit nakasandal pa sya sa pinto ko?! Buti nga nalaglag tuloy sya! bwahaha. "Aray ko! Istorbo ka naman! Kumatok ka nga muna bago buksan ang pinto!" "Bakit ako kakatok eh lalabas ako? Tumabi ka nga dyan sa daanan!" tinulak ko sya kasi harang sya sa daan at umalis na ako.
Nagdiretso ako sa kusina at binuksan ang ref.
"Asar yung panget na yun ah, ansakit ng pagpukpok nya sakin ng magazine. Pagnagkafracture ako in any of my bones,
ipapakulong ko talaga yun."
"Oo na nga, maganda ka na. Bagay sayo."
Brrr! Why did I even say such a thing? Kinikilabutan ako. Brr!
"Tss. Ano ba pede makain dito na pedeng pampatanggal ng kilabot sa katawan." i try scanning the fridge and I saw a box
there, "Hmm, what's this?"
I pull it out of the fridge and place it on the table, ini-open ko sya at nakita ko ang apat na piece ng marshmallow cupcakes na
may sheep figures. Nice ah, mukhang masarap.
Makakain nga.
"AAAHHHH." "Noooo!!!!" nabigla ako ng biglang may sumigaw. Sino pa ba? Edi yung panget na yun, "Wag mong kainin yan!" "Wala na," sabi ko habang ngumunguya ng parteng nakagat ko na bago nya pa man ako napigilan, "Nakagat ko na eh." "Uwaaa!" lumapit sya sakin at kinuha yung hawak hawak kong cupcake na may kagat na , "Bakit mo kinagat?!!!! Sino
nagbigay sayo ng permission?!" "Anong permission? Nasa ref yan ng bahay ko, amin yan! Permission ka dyan! Hindi naman iyo yan!" "Akin 'to! Pinalagay ko lang 'to!" kagat kagat nya yung lower lip nya na parang naiinis na naasar na nalulungkot. "Sorry, finders keepers losers weepers." kumuha ulit ako ng another cupcake na nakapatong dun sa table at kinagatan ko yun. "Uwaaaa! Wag sabi!" inagaw nya ulit sa kamay yung cupcake na nakagatan ko na, "Kinagatan mo nanaman! Tama na!
Pakelamero ka talaga!"
Bigla nyang binalik sa box yung mga cupcakes at kinuha ito pero syempre kinuha ko rin ito, bale nag-aagawan kami dun sa
box ng cupcake, "Hoy saan mo 'to dadalhin!"
"Ilalayo ko sayo magnanakaw ka!" "Ikaw ang magnanakaw! Amin yan! Nasa ref ng bahay ko!" "Akin nga 'to pinahabilin ko lang tanong mo pa dun sa isang katulong na kausap ko kanina!" "Wala akong pakelam, basta nasa ref ng bahay ko akin!" "Akin sabi!" "Akin!" "Akin nga! Bitawan mo nga!" "Ikaw ang bumitaw!" hila-agawan ang ginagawa namin. "Wag ka ngang glutton!" "Anong glutton?! Ikaw nga dyan wag kang greedy! Akin na yan, amin naman yan!" "Akin sabi 'to!"
*DOINK*
Wag nyo ng itanong kung ano yung DOINK na yun. =_=
"Ayan! Tignan mo nangyari! Uwaaa!" lumuhod sya para pulutin yung mga na-squashed na cupcakes. Sa sobrang
pagaagawan kasi namin nasira yung box at tumalsik sa floor yung mga cupcakes and because of the great impact,
nasquashed sya.
"Laki ng problema mo. Sayang tuloy yung cupcakes! Geez, makahanap na nga lang ng maibang makakain," humarap ulit ako
sa ref at binuksan ito para maghanap ng ibang makakain, "Ano ba meron dito? Hmm..."
"HOY!" bigla nyang sinara yung ref at pagtingin ko sa kanya, galit yung mukha nya. "Bakit mo sinara yung ref?! Ano ba problema mo?!" "WALA AKONG PROBLEMA! IKAW MERON! DAHIL SAYO NASIRA YUNG CUPCAKES KO!" "Laki talaga ng problema mo, pede naman bumili ng bago! Saka isa pa, hindi naman iyo yun!" "Akin nga sabi yun! ATSAKA HINDI NA MAKAKABILI NG BAGO NUN! PERSONALLY MADE YUN! Special sakin yun tapos
gaganunin mo! Isa pa nga lang nakakain ko dun tapos ikaw kinagatan mo pa at sinira mo pa!" "Hoy anong sinira ko? Ikaw nakipag-agawan dyan, kung hindi mo hinila yung box edi hindi yun masisira at malalaglag sa
sahig!" "NAPAKA MO TALAGA!" bigla nyang kinuha yung walis malapit sa ref at bigla akong sinimulang hampasin.
"H-HOY! KANINA MAGAZINE NGAYON WALIS NAMAN! HOY MASAKIT YAN HOY!" sabi ko habang umiilag ilag sa
paghahampas nya sakin ng walis. "Wala akong pakelam! Dapat sayo pinapalo!" "ANO BA! PAPATAYIN MO BA AKO!" "Pede din! Halika dito! Wag kang umilag!"
"Paanong hindi ako iilag?! Baliw ka ba?!" pero pagurong ko may nadanggil akong parang stick, pagtingin ko isang dustpan!
Tama! Kinuha ko ito at pinanlaban ko sa walis nya, "Sige, palag!"
"Aba, hinahamon ako? Eto!" sabay hampas nya ng walis, pinangsangga ko naman ang dustpan ko at hinampas din sya na
nadipensahan naman nya ng walis na hawak nya.
Parang kaming nageespadahan dito gamit ang walis at dustpan.
"Etooo sayoooo!" "Etoooo rin sayooo!" sabay kaming naghampas ng mga armas namin kaya naman nag-clash sa gitna ang dustpan at walis
namin. Nagtutulakan kami gamit ang nag-clash na armas namin, patigasan at patibayan habang magkalapit ang mukha
namin.
"Die you ugly monster!" "Die you ugly creature!"
"GRRRRRR." "GRRRRRR."
*CLAP CLAP CLAP*
Parehas kaming nabigla nang makarinig kami ng isang palakpak. Nilingon namin sabay ang pinanggagalingan nito.
"Nice show kids!" taena yung matandang huklubang tatay ko pala. =__=
"A-ah, Mr. Sandford!" binaba kaagad ni panget ang hawak nyang walis.
"That's you, Eya? Right? HAHA. Tama nga narinig ko sa mga maids na I might not be able to recognize you." "Yup, ako po."
Umayos na rin ako at hinagis sa isang tabi yung dustpan at nilagpasan na si matandang hukluban, "Tss."
"Son, my dear," narinig kong tawag nya pagkalampas ko sa kanya, "The more you hate, the more you love?"
"WHAT?!" naiinis na hinarap ko sya.
Tumawa lang sya at nagkibit balikat sabay naglakad na rin palayo, "Who knows. HAHAHA. Someday marerealize din ng mga
batang 'to kung gaano sila kacute together. HAHAHAHA!"
"H-HOY MATANDANG HUKLUBAN KA! ANONG PINAGSASABI MO!" inis na sigaw ko pero hindi nya lang ako pinansin at
patuloy na naglakad palayo habang tawa pa rin ng tawa.
*BOOGSH*
"Aray!" habang naiinis pa rin akong tinignan yung matandang hukluban na naglalakad palayo eh bigla na lang may sumapok
sa ulo ko mula sa likod. Paglingon ko tumatakbo na sa taas ng hagdan si panget.
WALANGYANG YUN. NAKASAPOK PA NGA. TSSS! MGA BWISEEEET! grrrrrrrrrrrrr!
end of part 1
...to be continued
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 25.2
< Eya's POV >
Minsan hindi mo maintindihan si Cross, mababadtrip ka-matutuwa-mababadtrip ka sa kanya. Pero mas mababadtrip ka sa
kanya kesa matutuwa. =_=
/beep beep
Tumunog yung phone na nakakabit sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Cross. Yung phone pag tinatawagan nya ako pag may
kelangan sya.
Ano?! Ano nanaman kelangan nya? Tss. Siguro papalinis nya na yung kwarto nya.
"Oh?!" "Uy..." "Anong uy?!" pero nakakapagtaka, malumanay ang boses nya ngayon hindi katulad ng nakagawian na nakasigaw sya palagi. "Uy..." "Ano ngang UY?! Hindi uy pangalan ko!" nakakabadterp eh, uy ng uy. Uy-uyin ko fes nya eh. =__=
"Hindi ko naman kasi alam. Akala ko lang eh. Tapos ikaw kasi. Dapat kasi hindi ganun. Kung hindi mo lang kasi ginanun."
paputol putol nyang sabi. "Ha? Ano sinasabi mo?" "Ang slow mo!" "Anong ang slow ko?! Eh anlabo mo magsalita! Ano ba yang mga pinagsasabi mo?!" "Tss! Ang hirap kasi pag bobo kausap!" nagbago yung tono nya, naging same old Cross' bossy tone nanaman. Tss. Ano ba
problema nito?! =_= "Ikaw ang bobo! Magsasalita ka lang hindi mo pa nililinaw! Sino ba makakaintindi dun sa putol putol mong sinabi!" "Tss! Ambobo bobo mo! Nagso-sorry ako! Ambobo!"
Ah, nagsosorry pala naman eh. Matutuwa na sana ako kasi marunong sya magsorry pero...
"Magsosorry ka na nga lang, sinasabihan mo pa akong bobo!" "Eh bobo ka naman talaga eh!" "Baka gusto mong hampasin ulit kita?!" "Sige, hindi kita uurungan." "Tss. Kung wala ka lang ding matinong magagawa o sasabihin o kung wala ka lang din ipapagawa, ibaba ko na 'to! Wag mo
akong kausapin, bobo!" "Aba bobo ka r---!" hindi ko na sya pinatapos at binaba ko na yung telepono. Sinipa ko pa nga yung dingding eh dahil katabing
kwarto ko lang sya. Nakakainis eh, pag kausap ko yun hindi maiiwasang mahighblood ako.
/beep beep
Tumunog nanaman. Hindi ko na sinagot, inignore ko at nagdiretso na lang sa kama ko. Makatulog na lang. Bahala sya sa
buhay nya. Wala naman syang iuutos na matino eh. =__=
Zzzzz.
"Hmm... Ano ba, nakikiliti ako..." sinampal ko yun kamay ng humahawak sa binti ko habang sarap na sarap pa ako sa tulog ko.
"Ano ba," medyo naiinis na ako kasi humawak nanaman ulit ito. Pero teka, may humahawak sa binti ko? O__O
Sa bigla ko, nagising ako ng hindi oras.
"AHHH! ANONG GINAGAWA MO DITO!!" nabigla ako at napaupo sa pagkakahiga ko at kinuha ang kumot ko nang makita ko
kung sino ang nasa loob ng kwarto ko at humahawak sa binti ko kanina.
"WHY? This is my house, I can go wherever I want." It's Cross and he's smiling slyly which is giving me a bad feeling. "Oy, wala akong pakelam. Lumabas ka dito sa kwarto! Shuuuu! Shupi shupi!" "Shupi? HAHA. No can do." bigla nyang pinatong tuhod nya sa may kama ko at lumalapit sakin tapos hinawakan nya
nanaman yung binti ko eh nakashort lang ako na pantulog kaya bale yung balat talaga ng binti ko nahahawakan nya.
"Ano ba! Wag mo nga akong hawakan!" tinampal ko ulit yung kamay nya pero mas lalo syang lumapit pressing me against the
headboard.
Tinutulak ko sya sa dibdib nya para mapalayo sakin kasi sobrang lapit nya na, yun para bang trapped na ako sa kama, "Ano
ba! Lumayas ka nga sa harap ko!"
"Ayoko nga. Alam mo ba kahit panget pinapatulan ko?" napatigil ako sa pagtulak sa dibdib nya nang sabihin nya yun. "Ano ba pinagsasabi mo! Baliw ka ba! Umalis ka nga!" "Ayoko nga. I've been dying to do this," bigla nyang nilalapit pababa yung mukha nya sa mukha ko.
Don't tell me... O__O
Uwaaaa.
"Nooo!" sinuntok suntok ko sya sa dibdib pero nahawakan nya lang ang kamay ko at konting konti na lang magdidikit na yung
mga labi namin.
"HOOOOY!" napatigil si Cross at nabigla naman ako nang biglang may sumigaw mula sa may bintana sa gilid.
Si Chad... O_O
"Wag mo syang halikan!" nakapameywang nitong sabi sabay pumasok sa kwarto ko mula sa bintana. Lumapit sya sa amin at
hinawakan si Cross sa kamay at nilayo sakin.
"Hoy ano ba! Wag kang pakelamero!" galit na sabi ni Cross. "You can't kiss her!" waaaa. You're such a savior Chad. Ayokong mahalikan ng halimaw na iyan! >_<
"At bakit?! Sino ka para sabihin sakin yun? Bitawan mo nga ako!" "You can't kiss her 'coz," nagtaka ako kasi biglang hinila ni Chad si Cross sa beywang palapit sa kanya, "Coz it should be me
that you're kissing."
-------------
"UWAAAAAAAAAAAAA!" napasigaw ako nang hindi oras at napabangon sa kama ko. Tumingin tingin ako sa paligid ko,
"Syeet. Panaginip lang pala. Nakakatakot yun ah."
Hawak hawak ko pa dibdib ko kasi ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil sa panaginip slash nightmare na yun. Isipin nyo na
lang, naghalikan dalwang lalaki sa harap mo? Eeeeeeeeeeew. Ayoko na, ayoko ng isipin! Nandidiri ako! Eeek.
Mabuti pa makatayo na at makapaghilamos na.
Teka.
Pag tayo ko kasi at tumingin ako sa sidetable ko para kunin ang headband at panali ko para panghilamos ng mukha eh
napansin kong may nakapatong na bagay sa table. Isang papel na pinapatungan ng isang cellphone? Teka... cellphone 'to ni
Cross diba? Paano napunta sa sidetable ko, teka lang baka nanaginip pa ulit ako? *sampal sampal ng mukha* Hindi naman
panaginip? Weird.
Inangat ko yung cellphone para makuha yung papel sa ilalim nito, may maikling note dun kaya binasa ko.
"Iyo na lang cellphone ko, wala akong cupcake eh. Sorry."
HAAAAAAAAAAAAAA? Akin na lang cellphone nya? O___O
Dear diary,
Wow. Sa susunod pala gagawa ako ng paraan para may masira si Cross na bagay na pagme-may ari ko para bigyan nya ulit
ako ng cellphone o siguro sa susunod, ipad naman. I mean parang sa cupcake lang, cellphone na kaagad kapalit? Waaaaw.
Talaga? Akin na lang 'to?
Pero teka... kelan sya nakapasok sa kwarto ko? =__=
Anlabo talaga nun oh. Pedeng simpleng matinong sorry lang, hindi naman kelangan ng cellphone pa eh. Palibhasa mayaman.
Owell, apology accepted. :D
- Eya
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Special Entry < Cross' Point Of View >
“Pede pumasok?” tinignan ko sya ng masama pagkabukas nya ng pintuan ng kwarto ko. “Nakapasok ka na eh, may magagawa pa? Hindi man lang marunong kumatok, tanda tanda mo na hindi mo pa rin alam ang
good manners and right conduct!” “Aysus! Nagsalita ang meron nun!” nagdire-diretso sya sa kama ko at tumalon pahiga, “Hoy Cross,”
hukluban na 'to, I don't even know why he's my father. =___=
“Son,” nandiri ako sa seryoso nyang boses. “Son? Son-son-in ko mukha mo eh. Tigilan mo nga ako,” naiinis na tinigilan ko ang dinodrawing ko sa study table ko at hinarap
sya, “Ano ba kelangan mo?!”
“Kelangan ko pera, pautang naman.” “Gagu!” “BWAHAHA. Joke lang! Marami akong pera, 'di ko kelangan mangutang sayo! Tsaka pera ko rin naman ginagamit mo!
Bwahaha!” “Nagpunta ka lang ba dito sa kwarto ko para mang-asar?” nakakaasar talaga 'tong matandang hukluban na 'to. Feeling bagets
eh, sarap batukan. Why can't he act sa age nya? =__=
“Hindi naman, seryoso na,” kinuha nya yung unan ko at niyakap ito habang dumapa sa higaan ko ng nakaharap sakin, “Bakit
pala kayo nagaaway ni Ms. Rodriguez kanina?”
“Sinong Rodriguez?” “Gagong 'to oh, si Reah!” “Sinong Reah?” “Tss. Lord, help. Bakit abnormalin 'tong anak ko?” “Isa pa, sisipain na kita palabas!” badtrip na tatay 'to oh. Eh sino ba yang Reah Rodriguez na yan?! Narinig ko na pero hindi ko
maalala kung saan ko narinig, sa dami kong mga isiping importante wala na akong pakelam tandaan ang mga pangalan ng
taong hindi importante. =__=
“Yung personal maid mo, abnormal!” “Ah!!!” bigla akong natauhan, “Si panget!” “Panget? Hindi naman panget si Reah ah.” “Bakit ka ba Reah ng Reah? Eya yun.” “Tangeks, Reah yun!” “Eya sabi!” “Reah nga! Aba!” “Ewan ko sayo, maghanap ka kausap mo!” “O sige na, Reah o Eya ganun na din yun. Pero hindi naman sya panget diba? Lalo na ngayon, nabigla nga ako nang makita
ko kanina, hindi ko halos nakilala. Bumublooming yung bata ah.” “So? What's the big deal?” “Ayeee. Pakunwari pa yan, aminin! Nagagandahan ka noh? Ako nagagandahan ako kay Reah sa bago nyang look.” “Edi ligawan mo! Laki ng problema mo, lubayan mo nga ako marami pa akong tatapusin dito!”
“Eto naman, selos ka kaagad. Syempre papaubaya ko na sayo si Reah kaya wag ka na dyang mainis.” “Ano ba pinagsasabi mong matandang hukluban ka?!” “BWAHAHA. Seryoso na nga, so bakit nga kayo nagaaway kanina? Nakita ko na lang kasi nageespadahan na kayo ng broom
and dustpan eh. Pagkarating ko kasi nireport kayo sakin ng isang maid at dali dali akong nagpunta sa kitchen to watch your
marvelous duel. Hahaha!” “Mukha mo.” “Gwapo. HAHAHA! C'mon son, pag kinuwento mo sakin yung nangyari promise aalis na ako.” “Geez. Fine, nasira ko lang yung cupcake nya hindi ko kasi alam na kanya eh nakalagay kasi sa ref ng bahay eh! Ewan ko ba
dun, parang cupcake lang ginagawang big deal. Tss.”
“Ah ganun ba, eh baka naman special kasi yung cupcake na yun?”
“Sus special? Edi bumili sya ng bago, dami dami dyan eh.” “Cross, you don't really know the value of having something “special” noh? That's what you get from being spoiled too much.
Sabihin mo nga sakin, alam mo ba meaning ng special?” “Anong tingin mo sakin bobo?” “Oo. Sige nga, explain mo nga sakin meaning nun!” “For example, if a thing/person is special, its being such in an exceptional degree, particularly valued.” “Nosebleed naman ang description mo. Masyadong formal, words with such nonsense meaning.” “Anong nonsense? Sipain kaya kita dyan, tignan mo pa sa dictionary!" “Ayy sus! Wala ka talagang alam na bata ka! Special lang hindi mo pa kayang idefine with your own words! Tss!” “O sige nga, idefine mo nga sakin ang special in your own words!”
“Ahem ahem, makinig ka... Ang special...” bigla syang tumayo sa pagkakahiga sa kama at lumapit sya sakin at binuksan ang
drawer ng study table ko at kinuha dun ang picture frame ni mommy na matagal ko ng itinatago dun.
“Teka! Paano mo nalamang tinatago ko picture ni mommy dito!” Hindi nya ako sinagot at seryosong tinitigan nya lang ang picture ni mommy, “Cross, special means when you know that there
is something or someone that is irreplaceable and you take it with all care so just not to lose or break it.”
Huminga sya ng malalim at humigpit ang hawak nya sa picture ni mommy, “And having someone special is when you're not
living only for yourself but also for the living existence of that person.”
Then tinignan nya ako ng sobrang seryoso, yung tingin na kahit kelan hindi ko pa nakita sa kanya, for once in my life ngayon
ko lang naramdaman that he can also sound like a father, “Having a special thing or someone only means being unselfish 'coz
you actually start to care even with the little details.”
“Kaya Cross, kung sinira mo yung special thing ni Reah... you should really repent to your childish act. To you it might just be
some ordinary cupcake but to her, it's a very important cupcake. Don't say that that cupcake is petty and not such a big deal.
When you don't know the story behind something, you won't really realize the real value of it.”
Tapos binalik nya na sa loob ng drawer yung picture frame at tinapik ako sa braso at bumulong sa tenga ko, “Do you want to
lose her?”
Dug. Dug. Dug.
What was that?! What did just my heart do? No. That's not it. No, no and no.
“I repeat, do you want to lose her?”
Dug. Dug. Dug.
“I'll fire her tomorrow.”
When he said that, I don't know what has got into me and I just actually pushed him hard that caused him to fall to the ground,
“Don't even---”
Hindi ko matuloy yung sasabihin ko.
“dare?” ngumiti sya pagkatuloy nya ng naputol kong sentence, “That's my son!”
Tumayo na sya at pinatong ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko, bumalik na ulit yung abnormal mood nya, “Of course,
why would I fire someone special to my son? I'm not that cruel y'know? HAHAHA!”
“Anong pinagsasabi mo!” itutulak ko ulit sana sya kaso nakaiwas sya at palabas na sya ng pinto pero bago sya tuluyang
lumabas eh may sinabi pa sya. “Mag-sorry ka! Wag mong pairalin ang pride mo! Pag nawala sayo si special, promise ko sayo hindi mo makakain ang pride!
Wag kang isip bata, matanda ka na! Hukluban ka na rin!”
“Gago! Lumabas ka na nga!”
“HAHAHA! Kabataan nga naman! Haay, tumatanda na talaga ako!” tawa pa sya ng tawa bago tuluyang lumabas.
Pinagpatuloy ko na lang yung dinodrawing ko, para kasi 'to sa festival eh, gumagawa ako ng draft poster.
Drawing, drawing, drawing---
Teka! Bakit naging kamukha na nung panget na yun 'tong drawing ko?! Argh! Hindi dapat kulot buhok nitong girl! Ohshit! Erase
erase! Asan ba yang pambura?!
“Ughhhh!!!” ginusot ko yung papel na dinodrawing ko at inuuntog ang ulo ko sa table at nilagay ko kamay ko sa ulo ko.
“Asaaar! Asar!”
Ano ba kasi pinagsasabi ng matandang yun! Tsss. Kung anu ano tuloy napasok sa isipan ko!!! Grrr. >____<
“Mag-sorry ka! Wag mong pairalin ang pride mo! Pag nawala sayo si special, promise ko sayo hindi mo makakain ang pride.”
Special? Sino?! Yung panget na yun?! Special child pede pa! Arrrghhh. Ayoko na nga. Makatulog na nga! Bukas ko na lang itutuloy 'tong poster na 'to! Tsss. Bwisit na matandang yun, sinira
concentration ko! Grr.
Humiga na ako sa kama ko at pinikit na ang mga mata ko. Ilang saglit pa lang ako nakakapikit ng...
“Mag-sorry ka! Wag mong pairalin ang pride mo! Pag nawala sayo si special, promise ko sayo hindi mo makakain ang pride.” “Mag-sorry ka! Wag mong pairalin ang pride mo! Pag nawala sayo si special, promise ko sayo hindi mo makakain ang pride.” “Mag-sorry ka! Wag mong pairalin ang pride mo! Pag nawala sayo si special, promise ko sayo hindi mo makakain ang pride.”
Potaena. Bakit ba ayaw akong lubayan ng matandang yan?! Daig nya pa ang kunsensya kung makapangulit sa utak! Ni hindi
nga ako tinatablan ng kunsensya kahit kinukulit ako nito pero yung matandang yan, sagad talaga sa buto ang kapangyarihan.
Natalo nya pa kunsensya ko.
“Mag-sorry ka! Wag mong pairalin ang pride mo! Pag nawala sayo si special, promise ko sayo hindi mo makakain ang pride.”
Oo na! Taena. Magsosorry na nga. =___=
Kinuha ko yung phone na nakasabit sa dingding ko na malapit lang sa kama ko at priness ko yung number sa kwarto ni Eya.
/beep beep
“Oh?!” tss. Hindi talaga alam gumalang nitong babaeng 'to. =__= “Uy...” tae, anobayan. Bakit sa lahat ng sasabihin ay “uy” pa? Tae lang. =__= “Anong uy?” malay ko din, sa yan ang unang lumabas sa bibig ko eh. =___= “Uy...” tae, wala akong masabi. =__= "Ano ngang UY?! Hindi uy pangalan ko!" alam ko hindi ako tanga. =__=
Tsss. Ano ba 'to, hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi naman ako marunong magsorry eh, kelan ba ako huling
nagsorry? Ni hindi ko nga matandaan kung nakapagsorry na ba ako dati eh. Tss. Hindi naman kasi uso yan sa vocabulary ko,
taenang matandang hukluban kasi yun. Kung wala sana syang sinabi, hindi ako nababagabag ng ganto. E bakit nga ba ako
nababagabag? Ewan ko ba! Tae. =__=
O sige na, eto na sorry speech ko. =__=
"Hindi ko naman kasi alam. “ na iyo pala yung cupcake sa fridge. ”Akala ko lang eh.” na nagloloko ka na iyo yun eh. “ Tapos ikaw kasi.” galit ka kaagad, bigla mo na lang hinalbot, “Dapat kasi hindi ganun.” dapat kasi malumanay mo lang ini-explain para hindi agad ako nairita. “Kung hindi mo lang kasi ginanun." kung hindi mo lang hinigit harshly edi sana hindi nasira yung cupcake. =___=
"Ha? Ano sinasabi mo?" tae. Sa haba ng sinabi ko hindi nya nagets? Bwisit! =___=
"Ang slow mo!" "Anong ang slow ko?! Eh anlabo mo magsalita! Ano ba yang mga pinagsasabi mo?!" anong malabo sa sinabi ko? Bobo nito
oh. =__= "Tss! Ang hirap kasi pag bobo kausap!" badtrip talaga. Nag-effort pa ako magsorry tapos hindi ka pa naintindihan, ambobo
talaga. =___=
"Ikaw ang bobo! Magsasalita ka lang hindi mo pa nililinaw! Sino ba makakaintindi dun sa putol putol mong sinabi!" "Tss! Ambobo bobo mo! Nagso-sorry ako! Ambobo!" "Magsosorry ka na nga lang, sinasabihan mo pa akong bobo!" "Eh bobo ka naman talaga eh!" "Baka gusto mong hampasin ulit kita?!" "Sige, hindi kita uurungan." "Tss. Kung wala ka lang ding matinong magagawa o sasabihin o kung wala ka lang din ipapagawa, ibaba ko na 'to! Wag mo
akong kausapin, bobo!"
"Aba bobo ka r---!" ay gaga. Binabaan ako ng telepono. =__=
Ay teka. Nagsosorry ako diba? Bakit ginanun ko yung tao. Tss. Mali mali Cross! Ambobo ko rin eh. Sino nga ba naman ang
taong nagsosorry na minumura yung kausap? Bobo mo talaga Cross. =__=
Sige isa pa, dial ulit.
/beep beep
Ayy tae. Hindi sinasagot. =___=
Anlahoy! Bwisit. Kung ayaw nyang sagutin edi wag. Magsosorry na nga, ayaw pa. =__= Mabuti pang matulog na lang! Wala na akong pakelam sa kanya! Bahala sya sa buhay nya! Tsss.
Zzzzzzzzzzzzz.
“Ayaw ko na dito! Mabuti pang makapagquit na! Bahala ka sa buhay mo, halimaw ka! Walang makakatagal talaga sayo! Wala
ka talagang kwentang tao! Sa ugali mong yan, mabuhay kang magisa mo! Ikaw na ata pinakamasamang nilalang na nakilala
ko sa buong buhay ko! Sana maging palaka with 8 tentacles na may kulugo and everything sa buong katawan mo!”
*POOF! *
“KOKAK! KOKAK!” wait?! What happened bakit ako naging palaka?! O___O “Ayan! Bagay sayo! Tama lang yan! Maging palaka ka! Walang walang hahalik sayo kahit kelan, manigas ka! Maging palaka
ka forever!” - - -
“UWAAAAAAA!!! hah! Hah!” hinahapong sinapo ko ang dibdib ko pagkabangon ko. Syet. Panaginip lang pala. Tae. Akala ko
totoo na! Parang totoo!
Ahhh! Sheeeet talaga! Pati ba hanggang panaginip?!! Nakuha ko na lang yung unan ko at sinapok sapok ko ulo ko nun. >___< Paano ba ako magsosorry? Tsss. Bibili na lang kayo ako ng bagong cupcake? Eee. Saan naman ako bibili ng cupcake sa
gantong oras?
Tinignan ko yung orasan sa bedside table, eh alas 3 pa lang eh! =___= Pero napatingin din ako dun sa tabi ng orasan ko sa bedside table, yung cellphone ko... teka lang, nice idea. Tama! Siguro
naman pag nasilaw na yun ng isang cellphone, hindi na yun magagalit. Aba, sino ba tatanggi sa grasya? Tsaka hindi ko
nanaman kelangan 'tong cellphone na 'to, nakakasawa na bibili na lang ako ng bago. Ibibigay ko na lang sa kanya since wala
naman yung cellphone at in this way, pag may kelangan ako sa school hindi ko na sya kelangan hanapin, isang dial lang.
Tama, tama. Good idea, Cross. Matalino ka talaga.
Kinuha ko na yung cellphone ko tapos pumilas ako ng maliit na papel at nagsulat ng,
“Iyo na cellphone ko, wala akong cupcake eh. Sorry.”
Pagkatapos kong maisulat yun, lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa kwarto nya. Hindi na ako kumatok kasi ayaw
kong magising sya, ayaw kong makita nya akong gumagawa ng gantong katangahan. Nakakahiya. =___= Pinatong ko kaagad sa side table nya yung note at cellphone, aalis na sana ako ng mapatingin ako sa kanya. Tsss. Ano ba
naman matulog 'to. Ang likot, ang gulo gulo. =___= Bukas pa yun bintana nya tapos nasa sahig na yung kumot nya! Tatanga tanga talaga oh, eh paano kung sipunin sya? Tsss.
Hindi talaga marunong mag-isip. Bobo kahit kelan. =___=
Pinulot ko na yung kumot nya na nalaglag na sa sahig at kinumot ito sa kanya, kadiri talaga 'tong babaeng 'to tulo laway pa at
nahagok pa. =___=
Pagkalagay ko ng kumot nya, dumiretso ako sa bintana nya at sinarhan ito.
“Sorry.” mahinang sabi ko habang napakamot ako sa ulo ko at pagkatapos nun lumabas na ako ng kwarto nya.
Dug. Dug. Dug.
Antok lang siguro 'to, makatulog na nga lang ulit. Atleast ngayon malinis na konsensya ko makakatulog na ako. =___=
Diary, Si Eya? Hindi sya special. Period. Makapagpacheck up mamaya sa doctor, nababadtrip ako dito sa puso ko eh, it's fluttering too much. Hindi ko maintindihan
kung bakit, abnormal masyado ang movements nya. =___= - Cross
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com Entry --- 26.1 < Eya's POV >
“Ang lakas naman ng ulan...” napasabi ko na lang habang nakaangat ang kanang kamay ko at pinapakiramdaman sa palad ko
ang sunod sunod na patak ng ulan. Uwian na eh kaso naman, paano ako uuwi sa ganto kalakas na ulan? Wala pa man din
akong payong. Bakit kasi basta basta na lang uulan, wala man lang “hi” or “hello” bago bumagsak. Anlaking epal nyang ulan
na yan. =___=
“Tignan mo pare, ang ganda nitong singsing oh. Mukhang mamahalin.” “Oo nga pero ano naman gagawin mo dyan?” “Well, ibibigay ko na lang dun sa girlfriend ko.” “Yuck ka pare, napulot na singsing lang ibibigay mo sa girlfriend mo? Ang cheap mo pare, dami dami nyong pera tapos
napulot na singsing lang? Tss.” “Ulol. Wala naman akong pakelam dun sa babaeng yun eh, nakipagpustahan lang ako kina Bryan! Virgin pa kasi yun! Eh
pahard to get! Siguro pag binigay ko 'to, bibigay din yun! Ayoko ngang pagkagastusan yun, tama na sa virginity nya 'tong
napulot kong singsing.” “HAHA! Nice ka talaga pare.”
Napalingon ako ng marinig ko yung mga lalaking dumaan sa likod ko sa hallway na naguusap ng kabalastugan. Nabigla na
lang ako nang makita kung sino yung walangyang lalaking yun, kakilala ko pala. Hindi sa kakilala ko talaga pero nakita ko na.
Sya yung si Zed, yung classmate ni Chad na nameet ko nung isang araw sa Home-ed room. Tsss. Ansama ng sinabi nya,
kawawa naman yung girlfriend nya. Ugh. Ipapalunok ko sa kanya yung singsing eh! Tss. Ano ba yung singsing na yun? Hindi
ko nakita, sayang. =___=
Tsss. Akala ko pinakaworst na si Cross, may mas worse pa pala sa kanya. Napakasama nung Zed na yun, karmahin sana
sya. Kung kakilala ko lang sana yung girlfriend nya, nabalaan ko na yun. =___=
Tss. Pero sabi nga nila, mind your own business na lang nga. =___=
“C-Chad?” nabigla na lang ako ng makita ko si Chad sa open air na basang basa na parang tangang naghahanap ng kung
ano sa may schoolyard.
“Chad!!!” tinry kong tawagin sya pero hindi ako narinig.
“Oy Chad!!!!” nilaksan ko pa sigaw ko, nilagay ko na nga dalwang kamay ko sa gilid ng bibig ko for emphasis pero hindi nya pa
rin ako narinig. Bengengot.
“Chaaaaaaaaaaaaad!!!” ay sa wakas napatingin din!
Pero kumaway lang sya tapos hindi na ulit ako pinansin at nagpatuloy sa paghahanap nya. Ano ba hinahanap nya? Tsaka
ganun ba ka-urgent? Ang lakas lakas ng ulan, hindi nya ba pedeng ipagmamaya yang hinahanap nya?
Gusto kong lapitan si Chad kaso.... mababasa ako. =___=
Eh si Chad... basang basa na. =___=
Ako nakatayo lang dito. Pinapanuod syang mabasa. =___=
Susugod at lalapit sa kanya o tatayo at manunuod lang sa kanya? =___= Tatayo at manunuod lang sa kanya o susugod at lalapit sa kanya? =___= Ayy tae, pinagbaliktad ko lang tanong ko. =___=
Ano ba gagawin ko? Can't decide. =___=
Meenee meeenee maini moooo.
“Bahala na nga si batman!” tumakbo ako habang tinatakpan ko ng kamay ko ang ulo ko na alam kong senseless lang din kasi,
basa pa din naman ako kahit tinatakpan ko ng kamay ko ang ulo ko. =__=
“Peppy! Anong ginagawa mo dito?!” nabiglang tanong ni Chad habang nakaupo pa rin sa damuhan. “Bakit ako tinatanong mo nyan? Ako dapat magtatanong sayo kung anong ginagawa mo dito eh ulan ng ulan?!” “Ah wala, wala,” pagtataboy nya sakin habang nakayuko pa rin at nagpapatuloy sa paghahanap, “Bumalik ka na dun,
magkakasakit ka lang dito.” “Lahuy, babalik pa ako eh basa na ako! Ano ba kasi yang hinahanap mo?” lumuhod ako sa tabi nya, “Tulungan na kita.”
“Wag na, wag na.” busy pa rin sya sa paghahanap. “Dali na kasi ano ba yun,” binuklat buklat ko yung mga dahon dun kahit hindi ko pa alam kung ano hinahanap ko. “Singsing.” “Anong singsing?” sinubukan ko rin maghanap ng singsing sa damuhan. “Yung engagement ring namin ni Lory, asan na ba kasi yun.”
“ANOOO?! Nawala mo?!” napatigil ako sa paghahanap at niyanig sya sa balikat nya, “Bakit mo winala ang ganun
kaimportanteng bagay? Baliw ka ba?!”
“Hindi! Hindi ko sya gustong iwala Peppy. Ewan ko ba, kanina ko nga lang napansin na wala na yung singsing sa kamay ko
eh. Hindi ko matandaan kung nalaglag ba oh kung ano...” “Eh hinubad mo ba yun?” “Hindi... ata?” “Anong ata?! Ano ba!”
“Ewan ko... hindi ko sure eh, hindi ko matandaan na hinubad ko yung singsing eh... Lagi ko kasing suot suot yun dahil ayaw
ko ngang mawala sya dahil pinakaiingatan ko yun. Pero ngayon nawala sya ng hindi ko alam kung bakit...” napakamot na lang
sa ulo si Chad sa inis.
“Ayy naku ka naman Chad oh! Ang isang sobrang special na bagay na tulad nun hindi winawala.” “Eh hindi ko naman talaga gusto iwala eh, naiinis nga ako sa sarili ko eh... wait!”
“Ano yun?!” nabigla kasi ako nang biglang pinalo ni Chad ang forehead nya with his palm. “If I remember it right, yesterday sa home ed room nung naggawa ako ng cupcakes diba hinubad ko yung ring para hindi
madumihan?”
“Oh no.” pagkasabi nun ni Chad parang may pumasok agad sa isipan ko, “Hindi kaya...”
Hindi ko na nagawang i-explain kay Chad kung ano ang nasa isipan ko kasi napatayo na agad ako para habulin si Zed.
Diba nasa home-ed room sya kahapon? I know una syang umalis pero paano kung kaninang umaga, nagpunta sya dun tapos
nakita nya? And to say na narinig ko pa kaninang sinasabi nya sa isang kaibigan nya na may napulot daw syang ring. It might
be possible. Kelangan ko habulin yung Zed na yun! Baka masave ko pa rin yung girlfriend nya sa nakakadiring plano nitong
walangyang Zed na 'to. =___=
Teka... takbo ako ng takbo, asan na ba yun? Ang bilis naman nawala nun, kanina lang naglalakad lang yun sa hallway sa likod
ko tapos ngayon hindi ko na makita. Brrr. Ang lamig lamig pa man din kasi nabasa na ako ng ulan. Psh. =__=
“Oh ayan na pala sina Bryan eh.” napalingon ako kasi narinig ko sa may di kalayuan sa likod ko yung pamilyar na boses ni
Zed. Tumalikod ako at dumiretso ng konti hanggang sa marating ko yung unang likuan malapit sa hagdan ng mga seniors.
Nakita ko si Zed at yung kasama nya kanina na nagiintay sa hagdan habang pababa yung dalwa pang lalaki na kakilala ata
nya.
“Hoy!!!” sigaw ko habang medyo hingal pa sa pagtakbo ko sa paghahanap sa kanya at dahil na rin sa lamig.
Napatingin naman silang sabay sabay sakin.
“Tayo ba kausap nun?” nagtataka pang sabi nung isa pagkababa ng hagdan. “Ewan, hoy daw eh. Sino ba satin may pangalan na hoy?” “Hindi ako, Bryan name ko.” “Lalo naman ako, malayo sa Kent ang Hoy noh.”
“Anoba!” nasapo ko na lang ang noo ko sa katangahan ng mga 'to. =___=
“Teka...” narinig kong sabi nung Zed sabay turo sakin, “Diba ikaw yung bestfriend ni Chad?!”
“Ay thank you Lord!” akala ko kasi mas worse pa utak nila sa iniisip ko. Kahit papaano naman pala kaya nyang makaalala ng
tao. =__=
“Oo ako nga! Ibalik mo sakin yung singsing!” lumapit ako sa kanila at inilahad ang palad ko sa harap nya. “Anong singsing?” painosenteng tanong nito. “Yung singsing na napulot mo!” “Napulot? Wala ah.” napansin kong siniko nya pa yung katabi nya na kausap nya kanina.
“Wag ka ng magkunwari narinig kita kanina! Akin na yung singsing! Hindi sayo yun, kay Chad yun!”
He heaves a sigh and grabs something from his pocket, “O sige na nga. Eto na yung singsing.”
“Madali ka naman pala kausap eh,” nilahad ko yung palad ko habang iniintay na ilagay nya sa palad ko yung singsing pero...
Bigla silang tumakbo at ako naman, “HOOOY! SAGLIT! SAN KA PUPUNTA?! HOOOY!”
Hinabol ko sila syempre. Hindi pedeng makatakas yung hayop na yun! Magnanakaw oh! Unbelievable, ang yayaman na nila
nagagawa pa nilang kunin yung bagay na hindi sa kanila! Tss. I think they're just doing it for the sake of fun. Ibang klase talaga
mag-enjoy mga mayayaman, hindi nakakatuwa yung way of fun nila. =___=
Para akong tangang habol ng habol sa kanila na paminsan minsan ay may kasama pang sigaw. Mapapaos ako sa kanila ng
hindi oras. Tsss.
“Dito mga pare, dali! HAHAHA!” tumakbo sila dun sa may old gym. Siguro magtatago siguro sila dun, akala siguro nila hindi ko
sila mahahabol at makikitang nagtatago dun. Akala lang nila yun, nasa likod lang nila ako nuh. Patay talaga sila sakin pag
nahabol ko sila, pagsasapakin ko sila ng tigiisa. =___=
“Oy akin na yan!” sabi ko pagkapasok ko ng old gym pero nagtaka ako kasi si Zed lang nakita ko na nasa gitna ng gym at
nakangiti ng nakakaloko. “Teka... Asan na yung mga kasama mo?”
“Looking for us?” medyo nabigla naman ako nang magsalita sila mula sa likod ko at yung isa dun sa kasama nila nasa malapit
sa pinto at sinarhan ito, nilock nya pa ito.
“H-hoy! Bakit mo nilock?!” medyo kinabahan kong tanong dun sa nagsara ng pinto. “Wala lang, for fun.” nakangising sabi nito. “H-hoy! Anong for fun pinagsasabi mo! FUNFUN-in ko yang mukha mo eh!”
“HAHAHA! Nice one din 'to ah, palaban ba 'to pre?” “Aba malay ko, hindi ko naman kilala yan eh. Nakita ko lang kahapon eh. Maganda diba?” “Oo eh. Nice.”
Thank you. Matutuwa na sana ako kasi sinabihan akong maganda pero HINDI AKO NATUTUWA kasi galing sa mga tulad nila
yung papuring yun. =__=
“Oy ikaw! Ibalik mo na sakin yung singsing para makaalis na ako!” lalapitan ko na sana yung Zed para kunin yung singsing
kaso biglang hinawakan ako nung dalwa nyang kasama sa braso.
“H-hoy bitawan nyo nga ako! Don't touch me, noli me tangere please! Shuuu shuuu!”
“H-hoy! Pinagsasasabi mo?! Bitawan nyo nga ako!” sinusubukan kong umalis sa hawak nila kaso ano ba laban ko? Bukod sa
babae ako, dalwa pa silang nakahawak sa magkabila ko?
Biglang lumapit sakin si Zed at hinaplos yung pisngi ko tapos may binulong, “Sige babalik ko yung singsing pero may
kapalit.”
Ay shettt. Wala akong pera, magkano ba nila ibebenta sakin yung singsing? Ano gusto nila kapalit? Gusto nila yung cellphone
na lang na binigay ni Cross sakin? Yun lang yung mamahaling hawak ko eh na pedeng kapalit nung singsing. =___=
End of entry 26's part 1.
... to be continued
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com Entry 26.2
“Sige ibabalik ko yung singsing pero may kapalit.” “Anong kapalit?” “Alam mo na.” “Bobo ka ba? Itatanong ko ba kung alam ko na? Utak men, utak.” “Haha! Lakas mamilosopo nito Zed! Enjoy talaga!” tatawa tawang sabi nung isa sa nakahawak sakin.
Sinubukan kong tanggalin hawak nila sakin pero hindi ko talaga magawa, “Bitawan nyo nga ako! Anong enjoy? Sipain ko kayo
eh!”
“Asus! Tapang men! Tapang! Sige nga sipain mo kami? May magagawa ka ba?!” pangaasar nung isa sakin.
Sinubukan ko nga silang sipain sa paa pero nakakailag lang sila, “Wag kayong umilag! Tsss!”
“Hahaha! Makulit din 'to ah!”
“Wag ka na kasing pumalag para wala ng gulo diba? Saglit lang naman 'to eh tapos bibigay ko na sayo yung singsing, o diba
para quits?” “Anong quits?! Quits mo mukha mo!” sa inis ko at sya ang nasa harapan ko at sya lang ang kayang abutin ng paa ko ay sinipa
ko sya sa....
Opo, sa harap po. Opo, dun po sa baba. Opo, yun na nga pong sensitive part nya. Opo, yun na nga pong iniisip nyo ang
sinipa ko sa kanya.
“ARAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYY!”
Nagtatatalon talon sya sa sakit habang hawak hawak nya yung parteng sinipa ko.
“Oh ano? Buhay ka pa?” pangaasar kong tanong.
“Hala! Pare, ok ka lang?” nagaalalang tanong nung isa nyang kaibigan.
“A-anong okay? M-meron bang okay na sinipa sa * toot*?” hirap na hirap nyang sabi, “Eh kung mabaog ako?! Tss! Walangya
kang babae ka!”
Bigla nya akong sinunggaban at sinabunutan, “A-aray! H-hoy wag mo a-akong sabunutan! Masira hair extensions ko!” “Dapat ka lang sabunutan! Pag ako talaga nabaog! Grrr!” “Aray! Aray! Bitawan mo buhok ko bakla ka! Bading!”
“Ha? Parang may narinig akong ingay?” Biglang may narinig kaming nagsalita sa labas.
“Patay. May tao.” mahina pero kinakabahang sabi nila.
“May tao ba sa loob?” teka... kilala ko yung boses na yun!
“Cro----!! Hmmmm!” hindi ko na natuloy pagsigaw ko kasi biglang tinakpan ni Zed ang bibig ko, “HMMMM!!!!”
“Manahimik ka!” he hisses.
“Teka, bakit nakalock?” narinig ko kinakalampag yung pinto baka sinusubukan nyang buksan, “May tao ba? Hoooy?”
“MEOOOOOOOOOOWW! MEOOOOW!” bigla syang ngumiyaw na parang pusa. “Zed, ano ba ginagawa mo!” naiinis na bulong ng kasama nya. “Manahimik ka lang, baka magwork. MEOOOOW!”
Para namang kakagat si Cross sa katangahan mo. <--- sabi ko sa isipan ko, hindi ako makasalita eh. =__=
“MEOOOOW!”
“Ah pusa?” narinig kong bulong ni Cross, ay wag mong sabihing....
“MEOOOOOW.”
“Ah pusa lang pala. Nalock siguro sa loob, pabayaan ko na dyan. Baka nakapasok sa isang bintana. Owell, akala ko may
narinig akong nagsasalita sa loob kanina. Pusa lang pala.” tapos tumigil na yung pagkalampag ng pinto at katahimikan na
mula sa labas ang sumunod.
Wag mong sabihing....
UMALIS NA SYA AT NANIWALANG PUSA TALAGA YUNG NASA LOOB?! AMBOBO TALAGA KAHIT KELAN NUN OH, HINDI
AKO MAKAPANIWALANG STUDENT COUNCIL PRESIDENT SYA. Asan ba utak nya, nasa paa nya? I swear, sya na pinaka-
abnormal sa lahat ng nameet ko. =_____=
“Pwew. Kamuntik na tayo.” sabay tanggal nya ng kamay nya sa bibig ko. “Tss. Pasalamat kayo bobo yun.” =___= “Oo nga eh, sobra.”
“Mabuti pa Zed, simulan na natin bago pa may dumating na iba. Tsaka ayos rin siguro kung tatakpan natin bibig nitong isang
'to baka mamaya may dumaan nanaman at may makarinig satin.”
“H-hoy! Ano ba pinaplano nyo? Bakit tatakpan nyo pa bibig ko? Pakawalan nyo nga ako! Argh!”
“May tape ba kayo?” inignore lang nila pagsigaw ko at busy sila sa paghahanap ng ipantatakip sa bibig ko.
“Try mo 'tong panyo.” may inabot yung isa kay Zed na panyo. “Ah pede na 'to,”
Lumapit sya sakin para ilagay yung panyo sa bibig ko pero syempre nagsisigaw ako, “HOOOY! ANO BA! ANO BA GAGAWIN
NYO! PAKAWALAN NYO AKO ANO BA!! HMMMM!!!!”
“PEPPY?!!!” this time si Chad naman narinig ko sa labas. Pero hindi ko magawang makasigaw kasi natakpan na nila bibig
natin.
“Shet pare, anobayan. May panibago nanamang dumating at nakarinig. Anong gagawin natin?” “Madali lang pare, edi gagawin ko ulit yung katulad ng kanina. Baka effective rin.”
“MEOOOOOOWWWW!” tae, yan nanaman sya. Naku lang, please lang Chad sana wag kang tatanga tanga katulad ni Cross.
Please lang. >____<
“Pusa? No, hindi ako pede magkamali I just heard Peppy's voice! Peppy! Andyan ka ba? Shet bakit nakalock?!!” nagsimulang
kumalampag ng malakas yung pinto ng gym.
Nagpanic na rin 'tong mga 'to kasi hindi kumagat si Chad sa MEOW MEOW plan nila.
“Shet pare, paano yan?” “Hayaan nyo, hindi yan makakapasok. Nakalock eh.” “Eh kahit na pare, eh paano kung masira nya? Tandaan mo old gym na 'to, matagal ng hindi ginagamit. Tignan mo nga puro
alikabok na, sigurado mahuna na yang pinto.”
Tarantang taranta na sila. At ako naman nagpapasalamat na kay Lord kasi atlast may dumaan ding tao na nakaranig saking
sigaw at hindi bobo.
* TUUUUGSH *
Biglang nagbukas yung pinto with great force at nakita ko si Chad na may hawak na malaking kahoy na siguro ipinantulak nya
dun sa pinto ng maraming beses para masira yung pagkakalock nito.
“HMMMM!!!” sigaw ko kaso nakalimutan kong may panyo pala sa bibig ko kaya imbis na “Chad” ang masigaw ko isang
malakas na “HMMM” ang lumabas sa bibig ko. Badtreeep na panyo. =___=
“Shet pare! Ano gagawin natin?!” panic panic mode na sila. Lagot kayo, awooo. “Ano pa? Marami naman tayo, bugbugin na natin yan!” ay shet, binitawan nila ako at sinugod nila si Chad.
Ayy shet. Not fair, apat sila isa lang si Chad?
Pero naalala nyo ba nung nakidnap ako dati, sabi sakin ng kidnappers anak daw ng leading mafia group si Chad. At sa tingin
ko totoo yun kasi daig ko pa nanunuod ng action film dito eh, carry on lang ni Chad yung apat na sabay sabay na sumusugod
sa kanya. Kaya naman ako umupo na lang dun sa isang tabi not to mention naka-indian seat pa.
“WOOO! GO CHAD! GOOO!” may palakpak pang kasabay habang nagchi-cheer ako kay Chad, wala bang popcorn? Sarap
lang manuod eh. Carry on lang talaga ni Chad. Suntok dito, ilag dyan, suntok pa ulit, upper cut, lower cut, converse cut,
hamehamewave, flying kick, laser sword at etc.
“Umalis na kayo! Wag nyong ipapakita mga mukha nyo ulit sakin!” pinapalayas na ni Chad yung mga apat na goons este
studyante. “Ay teka Chad,” sabi ko pagkatayo ko sa pagkakaupo ko, “Wag mo muna syang paalisin, nasa kanya yung singsing mo!”
“Ah talaga?” dinampot nya sa lupa yung Zed sa pamamagitan ng paghigit sa kwelyo nito, “Asan na yung singsing ko, ibalik
mo!”
Nangangatal na kinuha ni Zed yung singsing sa bulsa nya at inabot ito kay Chad, “E-eto...”
Kinuha ito ni Chad at binitawan nya na si Zed, “Umalis na kayo! Dali kung ayaw nyo pang mas masaktan!”
“T-tara na mga pare!” para silang mga asong takot na takot na tumakbo palayo pero nung nasa tapat na sila ng pinto lumingon
pa samin si Zed at binantaan ba naman kami, “M-magbabayad kayo!”
Ay chos! Parang sa telenovela lang eh noh? Lakas din ng loob nitong Zed na 'to.
Kumuha ako sa bulsa ko ng piso at inihagis sa kanya, “Oh ayan, bayad na, shuuu na! Shuuupi!”
“Grrr!” at galit na umalis sila.
Kapal talaga. May “magbabayad kayo” pang nalalaman. Ano feeling nya nasa telenovela sya? Chos nya ha! =___=
Pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko inaasahan, bigla akong nilapitan ni Chad at niyakap, “Ayos ka lang ba Peppy?”
“H-ha? O-oo. A-ayos lang ako.” ay tae bakit ako nabubulol? Siguro dahil lang 'to sa lamig, parehas pa kasi kaming basa ng
ulan eh. >___<
“Sigurado ka ba? Wala ba silang ginawa sayo?” hinawakan nya ako sa pisngi ko at worried na worried na tinanong.
“Ah o-oo, w-wala naman. Right on time ka lang.” “Pwew. Buti na lang sinundan kita at may nagsabi saking may nakakita sayong may hinahabol kang apat na lalaki at dito ka sa
direksyong ito tumakbo. E bakit mo ba sila hinahabol?” “Eh kasi nga narinig kong sila may hawak nung singsing mo!” “Hindi mo na sana sila hinabol, sana sinabi mo na lang sakin at ako na bahala dun. Tignan mo natrouble ka pa.” “Eh kasi nagalala lang talaga ako na baka ipamigay lang nung Zed na yun yung singsing mo kaya nagmadali akong puntahan
sya at hindi ko na nagawang i-explain sayo.” “Pero hindi mo na dapat ginawa para sakin yun Peppy, problema ko nanaman yung singsing eh. Hindi mo naman problema
yun eh.”
“Pero kasi nagpapabasa ka sa ulan mahanap lang yung singsing... syempre,” napayuko ako, “As a bestfriend, gusto kitang
matulungan alam ko naman kung gaano kaspecial sayo yun eh.”
“Ikaw talaga Peppy,” napakamot sya sa ulo, “Hindi ako nagkamali na piliin ka bilang bestfriend. Nabasa ka na rin tuloy, hey
peppy, tara sa UnderConstruction? Para makapagpatuyo na tayo tapos laro tayong playstation. What can you say?”
“Sure thing!”
End of enty 26.2
Rto be continued
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry 26.3
Underconstruction. “Teka lang, try mo ito,” sabay abot sakin ni Chad ng isang malaking t-shirt na pink na may smiley face sa gitna.
“Iyo ba 'to?” nakita ko kasing kinuha nya sa cabinet nya sa kwarto sa underconstruction. “Ah oo.” “Bakit pink? Bading ka ba?” Tumawa lang sya sa tanong ko, ”Hahaha! Akin yan pero isang beses ko pa lang sinuot yan. Regalo sakin yan ng mommy ko
eh, yung mommy ko kasi gusto babae ang anak kaya nung birthday ko nakalimutang lalaki pala ako at ayan binili sakin, color
pink! HAHAHA. Pero syempre dahil mahal ko mommy ko, sinuot ko yan sa araw ng birthday ko. Hahaha!”
“Waaa! Talaga? Ang kulit naman ng mommy mo! Ahaha! Pero okay lang ba na isuot ko ito? Regalo 'to ng mommy mo eh.” “Naku wala yun, suot mo lang yan. Yan lang naman matinong pede kong ipasuot sayo eh, yung iba sobrang laki na,
magmumukha ka ng super hanger.” “Well, ok.” nagdiretso na ako sa banyo ng kwarto pero syempre naka-lock noh! I'm still not forgetting my almost-losing-my-
virginity-experience dito nuh. SWEAR, NO BEERS, NO ALCOHOLS OR WHATSOEVER pag tutungtong dito. =__=
Nagpunas ako dun gamit isang towel na binigay sakin ni Chad at nagpalit na ng loose shirt na binigay nya sakin. Medyo above
the knee sya pero tama lang naman ang kaso lang... ang fly ng pakiramdam sa ilalim, naka-undies lang ako eh kasi nga diba
basa yung uniform ko na kasalukuyang sinasampay ko dito sa sampayan ng banyo sa may gilid. Seesh. Pero no choice, hindi
na lang ako masyadong maglilikot para hindi magkaroon ng appearance ang undie ko. =___=
“Chad, tapos na ak---- AHHHHH!” pagkabukas ko ng pinto ng banyo, nasarhan ko kaagad ulit ito ng malakas. Paano ba
naman kasi pagkabukas ko ng pinto, nakita ko na lang may nakasakbit na towel sa balikat nya tapos nakapagpalit na sya sa
puting short tapos... hubad sya! Wala syang pang-itaas! HE'S TOPLESS!
“OH-EM-GEE.” I said under my breath habang hawak hawak ko yung pisngi ko at nakasandal sa nakasaradong pinto ng
banyo. Feeling ko my cheeks are burning hot. Kita nyo yun? Nakita nyo ba yung abs nya? OH-EM lang talaga! Ilang layers
este pack yun? O__O
Ayy shet ano ba iniisip ko! Erase erase ang abs sa utak! >___<
“Teka,” bigla ko kasing naramdaman na parang may mainit under my nose kaya hinawakan ko ito at naramdaman kong basa
at ng tignan ko yung daliri ko, “Ayy shet, nosebleed!” >___<
“Peppy? Ok ka lang ba? Bakit bigla kang sumigaw at sinarhan ang pinto?”
Ayy isa pa 'tong shet, kumakatok sya sa pinto. Hindi pede, hindi ako pede magpakita ng may nosebleed. Ayy shet lang talaga.
>__<
“A-ahh! W-wala Chad! Lalabas na ako, s-saglit lang!” nagmadali dali akong nagpunta sa may wash basin at hinugas agad
agad yung tumulong dugo sa ilong ko tapos kumuha ako ng cotton balls dun sa may cabinet at sinuksok sa ilong ko habang
nakatingala.
“Peppy, bakit ang tagal mo sigurado ka bang okay ka lang dyan?”
“Ah oo Chad!” para akong ngongo magsalita kasi nakatingala ako tapos may nakasuksok pang cottonballs sa ilong ko. “Saglit
na lang!”
Inintay ko ng konti para tumigil yung pagtulo ng dugo saka ko lang tinanggal ang cottonballs at binuksan na ang pinto.
“Ok na Cha---” pero pagbukas ko ng pinto, bakit ba nakatopless pa rin sya?!
“Ok na ba? Ano ba ginawa mo Peppy?” “Chad!” napatakip ako ng ilong ko kasi nararamdaman ko nanamang bumabalik ang fluids sa ilong ko, “Pede ba maglagay ka
ng shirt o kung anuman?”
“Huh? AHHH!” parang bigla nyang nagets kung anong nangyayari sakin kaya naman kumuha agad sya ng t-shirt sa cabinet
nya at naglagay nun, “HAHAHA! Ayan na, sorry Peppy! Haha! Sanay kasi akong hindi naglalagay ng t-shirt pagkaligo.”
“Eh hindi ka naman naligo eh! Nabasa ka lang ng ulan!” nakatakip pa rin ako ng ilong baka kasi anytime tumulo yung dugo sa
ilong ko eh. “haha! That's the same! Sorry about that, hindi ko alam na conservative ka pala! Hahaha!” “Pasensya naman ha!” “Nasilaw ka ba sa abs ko?” tatawa tawa pa nitong sabi. Kinuha ko na lang tuloy yung unan sa may kama at inihagis sa kanya.
“Napaka mo!” “Aba? Binabato mo ako ng unan?” nakangiting sabi nito tapos pinulot nya yung unan na binato ko sa kanya at binato nya rin
ito sakin, “Eto sayo!”
“Uwaaaa!” nasapul ako sa mukha, “Napaka mo talaga! Ito rin sayo!”
Pinulot ko yung unan na inihagis nya sakin at kumuha pa ng isang unan bale dalwang unan ang inihagis ko sa kanya.
Nailagan nyang parehas, dinampot nya yung dalwang unan pero syempre kumuha rin ulit ako ng panibagong unan at
naghagisan kami.
“Lagot ka sakin, andito na akoooo!" lumapit sya sakin para sapakin ng unan pero syempre tumakbo ako. “Uwaaaa!!!! Layoooo! Shuuuuupiii!” umakyat na ako sa higaan para makatakbo sa kanya, paikot ikot kami dun sa kama
habang habol habol nya ako ng unan para sapukin.
“MWAHAHA! Ito na ako!”
“UWAAAAAAAA!!!” para kaming mga batang naghahabu-habulan sa kwarto.
“Gotcha!” parehas kaming nakatayo above the bed habang hawak hawak nya ako sa bewang mula sa likod.
“HAHAHAHA! EEEKKKK!! Layuan mo ako!” “Ayawko!!! HAHA! Eto sayo!” hinampas hampas nya ako ng unan pero hindi naman masakit kasi malambot lang yun pero
syempre andun pa rin yung kakulitan. “Uwaaa uwaaa! Andaya!!! hahaha!” natatawa na lang ako habang hinahampas nya ako ng unan, lumuhod din ako para
kumuha ng unan at hinampas hampas din sya, “Kala mo ikaw lang ah! Ito rin sayo! BAM! UWAA! BABAM!”
- - - “UWAAAA!” sabay naming sabi pagkabagsak ng sabay sa kama na sobrang pagod na pagod. “Nakakapagod!” hinihingal ko pang sabi. “Oo nga eh. Ikaw kasi!” “Anong ako, ikaw kaya nanghabol dyan! Ahaha!” “Ahaha! Peppy,” “Hmmm?” lumingon ako sa gilid para matignan sya na nakatingin sa kisame. “Yung t-shirt, ibaba mo ng konti, kita panty mo.”
“Uwaaaa!” pagkasabing pagkasabi nya nun hinigit ko kaagad yung t-shirt ko pababa, medyo tumaas kasi yung laylayan kaya
kita ng konti yung panty ko. >___<
“haha! Don't worry, hindi ko nakita ng matagal! Ahaha!” Kinuha ko tuloy yung unan na hinihigaan ko at tinakip sa mukha ko, “Why do I always end up embarrassing myself in front of
you?!” “Hahaha! What's there to be embarrassed about? Bestfriends naman tayo ah? Dapat walang malisya satin.” tinanggal nya ang
pagkakatakip ng unan sa mukha ko.
“Eeee.... sabi mo eh...” “Ahaha!” ini-unan nya ang kanang kamay nya at tinaas ang kaliwang kamay nya showing his ring, “Salamat ulit Peppy ah?
Thanks sa effort mo sa pagbabalik nitong ring ko. Sobrang natakot talaga ako, akala ko nawala ko na sya.”
Tinignan ko sya at nakita ko kung papaano nya tignan ng may pagmamahal yung singsing na nakasuot sa daliri nya, “Wala
yun...”
Katahimikan.
"Peppy, panget ba ako?" "Ha? Hindi ah!" sa gwapo mo, nosebleed nga ako eh. "Am I not that charming nor attractive?" "Ano ba pinagsasasabi mo Chad! Gwapo ka kaya! Crush nga kita eh!" napahawak ako sa bibig ko, ay shet napadulas ako. "Talaga?" binaba nya ang nakataas nyang kamay at nakangiting humarap sa side ko.
Yumuko ako at marahang tumungo habang nakatakip pa rin ang bibig ko ng kamay ko. Feeling ko tuloy namumula ako.
"Thanks Peppy for appreciating me. Sana ikaw na lang si Lory,ah hindi pala, sana noon pa kita nakilala bago ko pa nakilala si
Lory."
Napatingin ako sa sinabi nya at nakita kong seryoso syang nakatingin sakin. Yumuko lang ulit ako, "Pero kahit na mas nauna
mo akong nakilala, siguradong hindi mo naman ako magugustuhan."
"Bakit naman?" "Beefsteak ka, cornbeef lang ako." "Eh? Bakit nagkabeefsteak at cornbeef?" "Eh kasi...Hinahangaan ka, mayaman ka pa, marami nagkakagusto sayo. Kumbaga high quality ka parang beefsteak. Tapos
ako? Hamak na low quality na cornbeef lang ako,mahirap ako tapos ampanget panget ko pa. Sino ba naman magtatyaga sa
mukha ko?" "Panget? Sino? Ikaw? How dare you judge yourself like that?" "Bakit, totoo naman ah? Dami kong pimples, dry ang balat ko, ang laki ng forehead ko--" "Problema sayo wala kang tiwala sa sarili mo. Iba iba naman tingin ng tao eh, iba iba ang description natin ng panget. Pedeng
sayo, tingin mo sa sarili mo ay panget at pede naman sakin na tingin ko sayo ay maganda." "May problema ka sa paningin." "Haha! Hindi ah. Truth be told, I really think you're pretty attractive. I dont know, there's something in you that I always want to
see...maybe your smile? I don't know, your mere presence makes me smile even in my worst moment. Your witty attitude has
been like a magnet that keeps me wanting to be at your side."
"Then why don't you fall inlove with me?" it must've been his flattery that I can't take this overflowing feelings anymore and I
end up blurting such absurd suggestion.
Pareho lang kaming nashock sa sinabi ko na walang nakagawang magsalita after.
"I'm sorry..."
Bakit parang nakaramdam ako ng malaking disappointment? Umasa ba ako? Bakit ako umasa? Ayy Eya, anong pinairal?
Katangahan!
"I'm happy when I'm with you... And I'm hurting when I'm with Lory..." "Pero sya ang mahal mo diba?" ugh. Why am I even asking such obvious question? Pero hindi ko kasi sya maintindihan, bakit
hinahabol nya ang isang taong sinasaktan lang sya?
"Alam mo ba kung bakit may mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig?"
Hindi ako umimik sa tanong nya, "Kasi may mga taong umaasang sila yung lead sa isang love story na kung saan marami
silang paghihirap na mararanasan sa pag-ibig nila at sa huli kahit gaano man kadaming pagsubok, malalagpasan nila yun at
magkakaroon sila ng happy ending sa taong mahal nila. Unfortunately, konti lang ang nagigising mula sa bulag na pag-asa na
'to. Kung sa fiction o telenovela, pag sinabi sa plot o sa script na magkakatuluyan sila, kahit pa umulan na ng bulalakaw,
maging square man ang mundo o sumulpot man ang mga chupacabra, sila at sila pa rin magkakatuluyan pero sa tunay na
buhay, walang script, walang plot... Hindi mo malalaman kung nasa lead role ka ba o dakilang extra ka lang. Masaklap pa nga
baka kontrabida pa role mo."
"Ganyan mo ba talaga kamahal si Lory? Na kahit extra ka lang sa kanya, hinahabol habol mo pa rin sya?" "Wala namang masamang umasa diba?" "Hindi ka ba masasaktan?" "Siguro," napakamot sya, "Pero wala rin namang masama na masaktan diba? Afterall, it takes pain to feel that you're alive." "Sabagay," nalulungkot ako, "So ano ng plano mo?" "Ewan ko din Peppy... I did a wrong move.." "Eh?" "I threatened her, sabi ko sa kanya if she wont fall inlove with me I'll force her. I thought threatening her would help her realise
my feelings for her pero ang tanga ko, I just worsen the situation!" tinakpan nya yung mga mata nya ng mga braso nya, "Now
she hates me more than ever! Napaka epic fail ko. Alam mo ba yung feeling na pagmemay ari mo nga yung taong mahal mo
pero hindi ka masaya kasi alam mo sa sarili mo na illegal ang pagmemay ari mo sa kanya? Tama nga sya, ano bang sense ng
pagpopropose ko sa kanya? Eh she doesnt have any options but to say yes kasi arranged marriage naman kami! I thought
she would have atleast seen my sincere efforts for her pero ikinainis nya lang lalo 'to."
"Chad... Please don't cry?" malungkot na sabi ko habang pinagmamasdang dire diretsong umaagos yung luha nya sa pisngi
nya, "Please?"
"Sorry Peppy, you have to see me in this desperate state. Pero hindi ko na talaga mapigilan, minsan lang talaga pag
naghahabol ka kelangan mong tumigil at magpahinga. Nakakapagod eh, naiiyak ako sa pagod. Shit, now I look so gay!"
sinubukan nyang tumawa pero pumiyok lang sya.
"Take a rest Chad, you can always resume the race when you feel ready again." it took me all the courage to grab him and pull
him near to me, almost hugging him.
"Peppy," he keeps crying underneath and I feel his breath as he speaks, quite shaken.
"Hmm?" "Ano ba ang meron si Cross na wala ako?"
Ah, right. Si Cross lang naman ang malaking epal sa lovestory ng dalwang bestfriend ko.
"Anong meron sya na wala ka? Let me think...hmm. Autistic personality..." "Huh?" "Autistic si Cross kaya wag kang maiinggit dun, siguro nakyutan lang si Lory sa unique attitude ni Cross. Pero I assure you,
you're better than him you just have to prove it to Lory. Basta no matter how many times she pushes you away, dont give up
on her. Malay mo ikaw pala naman talaga ang bida sa storya nyo ni Lory diba? Sabi mo nga walang masamang umasa, wala
ring masamang masaktan."
"Peppy, alam mo hindi ako nagsisising pinili kitang maging bestfriend. You know how to feel others. Kung oras lang talagang
mahalin kita, minahal na talaga kita." magsasalita pa lang sana ako kaso napansin kong nakapikit na sya. He fell asleep in my
arms.
Di bale ng hindi dumating yun oras na mahalin mo ako Chad, mahalaga ay dumating yung oras na mahalin ka ng taong mahal
mo. Alam ko naman na sa kwento mo, hindi ako ang bida... Extra lang ako. Hindi masamang umasa pero sa sitwasyong ito,
mas pipiliin kong wag na lang umasa hindi dahil sa natatakot akong masaktan kundi dahil sa ayaw kong masira yung
friendship natin. I value it more than this stupid heart that is beating abnormally.
I brush his hair away from his face and wipe his tears on his cheek, I watch how he's slumbered to his dreams. Just like an
angel wrapped in a cornbeef's arm. Haay, hindi ko magets kung bakit ang katulad ni Chad na almost perfect ay hindi masaya?
Hindi rin siguro masarap sa pakiramdam na hinahangaan at gusto ka ng maraming tao habang yung kaisa isahang taong
gusto mong mapansin ka ay hindi ka mapansin pansin. Ano ba ang ayaw ni Lory kay Chad? At si Lory naman, ano ba
nagustuhan nya kay Cross? Andami naman kasing bulag sa mundo. Tapos mali mali pa yang si kuya Cupid kung magpana,
duduling duling eh. Kelangan na ata ng salamin ni kuya Cupid. =_=
Mabuti pa sigurong umuwi na ako.
Maingat kong inialis si Chad sa braso ko at dahan dahang umalis ng kama, kinuha ko na yung mga gamit ko kahit basa pa,
nagsuot na ako ng sapatos at bago lumabas, I gave him one last look.
"Minsan lang ako magkagusto sa isang tao at sa minsang yun, nabigo pa ako." marahan kong dinampi ang labi ko sa noo nya
at tumalikod na, "Sana lang mapansin ka na ni Lory."
At lumabas na ako ng tuluyan sa kwartong yun. Humingi ako ng payong sa bartender sa baba at lumabas na.
Nagdiretso na ako sa bahay ng mga Sandford dahil wala akong part time sa resto nina auntie ngayon, may pinuntahan kasi
sila kaya sarado ang resto.
Nagdiretso agad ako sa banyo para sa mga katulong para makaligo at makapagpalit na ng matinong damit. Matapos kong
maligo ay nagdiretso na ako sa kwarto ko, binagsak ko ang katawan ko sa kama pero nung tumingin ako sa may bedside
table ko, may nakita akong plastic dun. Nagtaka ako kasi wala naman akong natatandaan na nilagay na plastic dun eh.
Umangat kaagad ako sa pagkakahiga ko at inusisa yung plastic.
May maliit na box dun sa plastic, binuksan ko ito at nabigla ako nang makita ko kung anong laman nito.
CUPCAKES NA MAY MARSHMALLOWS ON TOP!
"Pero... Paano nagkaganto sa kwarto ko?"
Ewan, a sudden thought came up and I just felt like smiling.
Dear diary,
Akala ko pangiinis lang kayang gawin ng halimaw na yun, pero hindi pala.. Ngayong malungkot ako sino ba namang
magaakalang isang halimaw na kagaya ni Cross ang makakapagpagaan ng loob ko sa gantong oras? Kahit sa maliit na
gesture na 'to, hindi na mawala mawala ang ngiti ko. Autistic talaga yun oh, hindi mo mahulaan ang ugali.
- Eya
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com Entry 27
"Mama, papa, alam nyo ba lumalandi na ang anak nyo, dati wala akong kiber sa itsurahin ko pero ngayon nagsisimula na
akong maconscious. Iba rin pala mama at papa pag may mga gwapo at magagandang nilalang sa paligid mo, talaga namang
nakakababa ng self esteem. Yun bang hindi mo maiwasang icompare ang sarili mo sa kanila. Pero nakakatuwa kasi may mga
naging kaibigan naman ako sa Willford Academy kahit mga mapangmataas ang mga tao dun. Nakilala ko si Lory na baluktot
ang dila sa tagalog pero kahit ganun mabait sya at hindi mapangmata at sobrang ganda nya, imported eh made from UK, ako
made in UKay UKay. Haha! But kidding aside, she's a great friend though bulag lang sya sa pagibig. Ayy speaking of pagibig,
brokenhearted po pala ang anak nyo. Haha! Hindi naman totally BH na kelangan ng maglaslas, medyo malungkot lang ako
kasi yung gusto ko w/c happens to be my bestfriend din,si bestfriend #2 ay may gusto kay bestfriend#1 na si Lory. Pero buti na
lang hanggang pagka-like pa lang ako kay bestfriend#2, buti hindi ako umabot dun sa sinasabi nilang 'love', sabi kasi nila pag
dun ka daw nabigo mas masakit at mas malungkot daw. Hmm... Pero ini-erase ko na yung pagkacrush ko kay Chad, wala
naman ako pagasa dun eh, cornbeef lang nga ako eh. Masaya na lang rin ako na maging magkaibigan lang kami. At may isa
pa akong nakilala sa Willford," iniayos ko yung pagkakalagay ng bulaklak sa puntod nina mama at papa, humangin kasi ng
malakas eh, "Cross ang pangalan nya pero mas trip kong tawagin syang CM o cookie monster kasi ugaling monster sya...
Nagtatrabaho ako sa kanya kasi malaki pasweldo sa kanila at libre pa ang weekday stays, andami ko na ngang naiipon na
pera simula ng magtrabaho ako sa mga Sandford eh. Pero ang problema lang, abnormal si CM, autistic sya. Ewan, nakakainis
sya, napaka-antipatiko at napakamapangmata nya! Walang araw na hindi ako nahahighblood sa kanya! Tss! Pero... Minsan
din naman, may good side sya.. Marunong din naman syang magsorry, truth is binigyan nya ako ng cellphone! Hightech na
talaga magsorry mga mayayaman ngayon! Haha! Sana sa susunod, laptop naman! Hahaha! Pero kidding aside, natuwa rin
ako ng makakita ako ng mga cupcakes sa kwarto ko. Kahit hindi sila yung same cupcakes, atleast nageffort syang paltan
showing how sorry he was. And that really made me smile, napapaisip tuloy ako na kahit halimaw may puso rin pala. Pero
weird din sya kasi mama at papa, aakalain nyo ba na ang isang monster takot sa mga mumu? Grabe lang! Tawa ako ng tawa
ng malaman ko yan! It was the gayest thing i've ever heard! Ahaha!"
"Ah talaga?"
"Oo! Isang beses nga takot na takot sya ng ikwento ko sa kanya si Mary! Ahaha!" "Ganon?" "Oo oo! Ahaha! Grabe nga eh ka--" napatigil ako sa pagpupunas ko ng luha sa mata ko kakatawa nang marealise ko na may
kausap pala ako. Imposible namang sina mama at papa ang nagsalita... "Oh ano nabato ka na dyan?!" Turn around tingala sa taas--- slow motion way. "O-oy!" pagkaway ko ng nakangiwi kay Cross. "Oy oy-in mo mukha mo." straight face na sabi nito. "Kanina ka pa ba dyan?" nakangiwi ko pa ring tanong pagkatayo ko. "Ang daldal mo, andami dami mong sinasabi. Para kang autistic dyan, kinakausap sarili." lakas ng loob nyang sabihan akong
autistic. =__=" "Pake mo? E ano ba ginagawa mo dito sa sementeryo? Iniistalk mo siguro ako noh?!" "Thesaurus ka din noh?!" "Ha?" hindi ko nagets, anong kinalaman ng thesaurus? =_= "Ang kapal mo eh!" "Ay bobs. Dictionary yun, hindi thesaurus! Hoy hoy, sabihin mo nga sakin, paano ka naging student council president kung
ganyan ka kabobo?!" "Hoy sinong tinatawag mong bobo, baka gusto mong masapak?" "O ano," tinaas ko yung sleeves ng shirt ko at ready to fight na, "Sapakan?! Game ako!" Magsasapakan pa lang kami nang walang sabi sabing bumuhos nanaman ng malakas ang ulan. Nataranta kami at parehas
na sumilong sa may puntod dun na may bubong, hindi ko alam ang tawag sa kanila eh pero yung mga puntod na may parang
maliit na bahay. "Ayy, basa yung damit ko," pinagpag pagpag ko yung damit ko pagkapasok. Hindi naman ako super nabasa pero nabasa pa
rin kahit papaano. "Argh! Bakit naman biglang umulan," inis na pinagpag ni Cross ang nabasa nyang buhok. "Panget mo kasi!" pangaasar ko. "Ano naman kinalaman nun," asar na nilingon nya ako, "at mas panget ka!" "Tss. Dumating ka lang minalas na ako." umupo ako dun sa may semento dun. "Tss! Kaw nga ang malas dyan," pabulong na sabi nito in gritted teeth habang kinukuha ang cellphone sa bulsa, nagdial sya at
nilagay sa tapat ng tenga, "Shet! Walang signal! Paano ako makakapagpasundo! Shet oh!" "Edi tumakbo ka pauwi, problema ba yun?" napapakamot kong sabi. "Ikaw kaya dyan! Lakas lakas ng ulan eh kung mamatay ako sa lamig ha?!" "Sus! Kung mamamatay ka edi mamamatay ka." pero tama nga sya. Sobrang lakas ng ulan, kumikidlat at kumukulog pa nga
eh tapos hindi naman kalapitan bahay nila Cross sa sementeryo. "Manahimik ka nga! Sisipain kita dyan eh!" edi tumahimik na lang ako, "Tss! Nasa dulo pa tayo, ang layo ng labasan para
makasakay man lang sa taxi o jeep o trike! Asar!" Malaki kasi 'tong sementeryo and unfortunately, halos nasa dulo na kami. Pag minalas malas ka nga naman. =_= "Malas! Malas! Malas!" sinipa nya yung mabatong pader dun kaso napalakas ata kaya naman napatalon sya sakit,
"Arayku!arayku!" "Umupo ka nga at wag kang tatanga tanga." naiinis kong sabi, ako kasi naliliyo sa kanya sa palakad lakad nya. Sinimangutan nya ako pero umupo rin naman sya pero dun sa kabilang dulo. Excuse me, wala naman akong virus para
layuan noh? =___= "Eh bakit ka ba nandito?" tanong ko out of the blue. "Bakit?! Bawal ba ako pumuntang sementeryo? Iyo ba 'to ha?!" Ang angas naman nitong autistic na 'to. =_= "Nagtatanong lang naman, kasi ang isang tulad mong matatakutin sa multo, pumunta sa sementeryo not to mention na
magisa ka pa. Waw lang." "Sinong takot sa multo ha?!" napaka indenial eh, "Wala namang multo dito at kung meron man, andito naman si mama...so
there's nothing to be afraid of." Nakatungo sya at nilalaro ang lupa gamit ang daliri nya, he sounds a bit sad. Wait. Sabi nya andito mama nya edi ba patay na yun? "Cross, hindi kaya death anniversary din ng mama mo ngayon?" "Din? Patay na mama mo?" "Patay na parents ko, ngayon ang death anniversary nila." "Ah kung ganun, yung puntod na kausap mo kanina eh ang sa parents mo?" "Yup... Eh yung sa mama mo?"
"Hindi kalayuan dun sa parents mo.." "Ahh.." Wala ng nagsalita pagkatapos. Nagkaroon ng long and awkward silence. Ang tanging ingay lang na meron ay nanggagaling
sa malalakas na patak ng ulan. "Panget, anong feeling ng magkaroon ng nanay?" "Ha?" hindi ko kaagad nasagot ang tanong nya kasi nabigla ako sa bigla nyang pagsasalita na sumira sa katahimikang
namamagitan samin. "I grew up w/o a mom kaya I dont know how it feels like to have one. I saw my mom only once when I was five, I spent a day
with her and it was the first and last time that I had much fun in my life. That day made me wonder how fun it could be to grow
up with a mom or just be w/ a mom atleast a week or more than a day."
"Wait. Sabi mo, you grew up w/o a mom pero nakita at nakasama mo sya isang beses nung 5yrs old ka? Teka lang, teka, hindi
ko magets." "Sabi nila my mom died upon giving birth to me.. But she also died from a gunshot." "Ehhh? Anu yun parang karne ng baboy, double dead?!" "Bobo mo talaga! Wag ka na nga!" "Sinong bobo?! Ikaw 'tong malabong magexplain eh!" "Tss!" "Tss!" Nagtalikuran ulit kami at wala ulit imikan. Heavy raindrops na lang ulit maririnig.
"Achung!" "Bless you.." tugon ko sa biglang pagbahing nya. Uff. Hindi na ako magtataka kung nagsneeze sya kasi lumalamig na talaga, bukod sa nabasa kami eh lumalakas ng lumalakas
ang tira ng hangin na talaga namang giginawin ka. Niyakap ko na lang ang mga binti ko at pinatong ang baba ko sa aking
tuhod. Ang laaamig eh. (>=<)
*Boogsh!*
Biglang may tumama sa ulo ko, nainis kong hinarap si Cross by the thought na hinagisan nya ako sa ulo, "Ano ba proble--!"
Napatigil ako sa pagsigaw ko nang mahawakan ko sa lupa at makita kung ano yung hinagis ni Cross, "O-oy teka! Bakit
naghubad ka ng t-shirt at hinagis mo pa?! H-hoy! Hindi ako interesado sa strip show!" "Abnoy! Strip show mo mukha mo! Ikaw na nga dyan inaabutan ng damit eh." >_> "Aanhin ko 'to?!" naiiritang tanong ko. "Kainin mo!" "Sipain kaya kita dyan!" "Tss. Wala akong jacket, yan na lang tutal hindi naman masyadong nabasa shirt ko compared sayo. Ipampatong mo kung
nilalamig ka." he said as he shy away. "Pero paano ka?" im starting to feel a great awe towards him w/ his unexplainable gentleness, "Eh wala kang damit, topless
ka." "Wag ka na lang mamboso." =_= "Hindi kita bobosohan. Hindi ako interesado."=_= Tumalikod na ulit ako sa kanya at sinuot yung shirt na inabot nyo.
"Salamat..." sincere na sabi ko. Same old him, hindi sya nagrespond kahit 'you're welcome' man lang. Well, Cross will be
Cross. It feels a little better than before, may warmth na nabibigay sakin ang shirt ni Cross. Humalumbaba ako sa tuhod ko and I
watch the gloomy sky again, by the looks of it a sight of sunlight would be nowhere near now. Tss. Rain rain go away. =_=
"Achuu." "Bless you." sabi ko sa muling pagbahing nya.
"Achuu!" pero bumahing ulit sya. "Achuu!" at nasundan nanaman ulit, kinuha nya ang panyo nya sa bulsa nya para bumahing ulit doon, "Achuu!" His consecutive sneezing got me alarmed, "Oy ok ka lang ba? Gusto mo ibalik ko na shirt mo?" "Wag na, wag na." he waves his hands as a sign of refusal. "Pero nilalamig ka, ito na oh, ibabalik ko na sayo." huhubarin ko na sana yung shirt nya pero nagalit sya. "Ang kulit ng lahi mo! Sabi ng wag na nga!" "Abnormal ka ba? Anong wag na?! Eh nangangatal ka na dyan sa lamig dahil topless ka! Kunin mo na 'tong shirt mo at hindi
ka naman cold proof!" pinilit kong ibalik ito sa kanya and in the end nagawa ko namang ipasuot ulit sa kanya. Ayokong
mamatay yan sa lamig, makulong pa ako, sabihin nila nimurder ko yan. =_= Now, parehas na kaming nangangatal sa lamig at ang pusanggalang ulan hindi man lang humihina o tumitila. =_=
"According to my Physics teacher, when you're cold, stuck in a place and you've got nothing w/ you to warm you but you've got
a living creature, either animal or human, beside you... The best thing to do is give it a hug 'coz nothing is warmer than a hug." I dont like the flow of the topic, I have a hint of where it's going... "So yeah," he continues w/ his head bowed down to the floor, "Can I propose a body heat procedure?" "WHAAAT?! MUKHA MO!" todo refuse ko sa proposal nya. Dibale na lang mangatal sa lamig kesa magbody heat procedure.
(+_+//)
"Tss. Nagsusuggest lang," nanlalantang sabi ni Cross habang sumisinga sya sa panyo nya.
Tinalikuran ko na ulit sya and silence filled us again.
Joke. Anong silence?! Eh achuu ng achuu si Cross eh. =_=
Slow motion ko syang nilingon at pinagmasdan, nakabaon ang mukha nya sa kanyang mga braso na nakapatong sa kanyang
tuhod. Time after time he sneezes and take a blow of his runny nose. He's also shaking... By the looks of it, mas nangangatal
pa sya sakin sa lamig.
Mabait na konsensya: mamatay yan sa lamig, hala sige ka. Do something! Afterall, sinubukan ka nyang bigyan ng warmth
kanina by handing his shirt.
Autistic na konsensya: BODY HEAT! BODY HEAT! BODY HEAT! BODY HEAT!
Pinukpok ko yung ulo ko, nakakabadterp na konsensya yan oh. =_=
Nangaasar na konsensya: BODY HEAT! BODY HEAT! BODY HEAT! BODY HEAT!
Tae. Wala na bang other choice?! Argh. Lumapit ako sa tabi nya at niyakap sya mula sa likod, i can feel na nabigla sya sa ginawa ko. I whisper to him in a very
embarrassed tone, "This is just a compensation from before."
Dear diary, I dont know why my heart's beating this fast, maybe because of embarrassment? Maybe, just maybe. -Eya
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 28.1
"This is just a compensation from before." we stayed there feeling each other's warmth, neither of us were talking. Still and
stiff.
True, this body heat procedure works... But may side effects ba? Ang lakas ng tibok ng puso ko, it's like exploding or
something. New year ba? Ang ingay ng puso ko eh. =_=
"Thank you," nabigla ako sa sinabi nya kahit pa medyo bingot ang boses nya kasi may sipon sya eh malinaw na malinaw pa
rin ang pagkakarinig ko sa pagpapasalamat nya. O.O
"Salamat din..." syempre, gusto ko din naman magpasalamat sa kanya.
"Para saan?" "Para san? Edi dun sa shirt kanina." "Edi ba nagthank you ka na kanina?!" "Ayaw mo nun, double?" "Yoko, hindi naman makakain ang thank you." =_=
"Abnormal ka talaga." "Sino? Baka ikaw."
Weird. Nagtatalo kami katulad ng dati but this time, walang sigawan o taasan ng boses. Ang calm lang namin, nakadantay na
nga ako sa likod nya eh, there's a very peaceful aura inside and the raindrops became music to the ears.
Inaantok na ako... The warmth, my head next to his back, the serenity...
(Now Playing: Rocketeer by Far East Movement)
"Here we go, come with me,"
Is he singing?
"There's a world out there that we should see..."
Ewan. Hinihila na ako ng antok o tulog na ba ako and I'm just dreaming that he's singing?
"Take my hand," napapikit na ako ng tuluyan, "Close your eyes.."
"with you right here..." wala na akong narinig, a total silence and darkness ate me. A song lulled me to sleep.
---
Willford.
"Lory! Wag na kasi!" "What are you so agitated about?! Before you were pretty fine with the idea! And now... you're in the contrary!" "Eh kasi..." bakit nga ba kontrang kontra ako sa idea?
Idea? Let me give you a flashback. Tanda nyo nung nakasama ko si Lory para mamili ng things for the school festival tapos
sinama nya na rin ako sa beauty treatments nya? Diba kumain kami ng pizza pagkatapos? Tapos may binulong sya sakin
diba? Sabi nya may idea sya para mapalapit kay Cross.
Well, ito lang naman idea nya... Ifa-flashback ko sa inyo ang sinabi nya.
"One day, help me to get trapped in a room with Cross. In that way we will be all alone and I'll grab the chance to talk to him
and plead him with my feelings."
Opo, yan yung sinabi nya nun. At syempre, um-oo na lang ako. What can I do diba? Kung yun gusto nya eh, edi go lang. Pero
nagbago ang ihip ng hangin... ayaw ko na, hindi na ako sang-ayon sa idea. Ewan ko kung bakit pero bigla bigla, nagkaroon
ako ng matinding pag-ayaw sa idea na matrap sina Lory at Cross sa iisang room.
Iniisip ko kasi si Chad, naaalala ko yung mga sinabi nya nung araw na nagpunta kami sa Underconstruction... Nung araw na
sinabi nya yung mga hinanakit nya kay Lory. Tae! Simula nung araw na yun, nakapagdecide na akong KELANGAN
MAGKATULUYAN 'TONG DALWANG BESTFRIEND KO AT KUNG KELANGANG PATAYIN ANG HADLANG, GAGAWIN KO.
Uunahin ko na si Cookie Monster! Mwahaha.
"What? Kasi??!" nagsisimula ng mainis si Lory, hindi ko naman sya masisisi eh. Um-oo na kasi ako dati sa plan nya tapos
magbaback out ako ngayon. Eh kasi naman eh. Chad - Lory loveteam dapat! Sasakalin ko yang Cross na yan eh, napaka-
epal talaga sa mundo. Kontrabidang yun! Tss. >__>
"Eh kasi... diba engange ka na? Tigilan mo na si Cross, hindi ka naman gusto nun... saka walang kwenta yun. Si Chad, Lory
mahal na mahal ka nun. Bakit hindi mo sya pansinin?"
Nabigla sya sa sinabi ko, "What?! Are you pushing me with that bastard?! No way! Nah uh! Never!" "Ano ba Lory! Bakit ba galit na galit ka kay Chad? Ano ba ginawa nya sayo? Wala naman diba?! Eh ano naman kung arranged
marriage kayo, bakit sya ba nagdecide nun? Hindi naman diba?! Walang kasalanan si Chad, natutunan ka lang nyang mahalin
kaya sana bigyan mo naman sya ng chance! You can't hate a person on the first sight! Chad's a good person, Lory chance
lang. Kahit chance lang ibigay mo sa kanya..." hindi ko na napigilan sarili ko and all these words flew out of my big mouth.
Wala na, nasabi ko na, no backing out. =___=
"Geez! I want to hate you right now for telling me all these Eya but... argh. I just can't hate my bestfriend. But whatever you
say, I won't like that guy. Cross is the one who's meant for me!"
Ang kulit ng lahi nya. >(Z_Z)<
"Anak ng! Cross ka ng Cross! Wag ka ngang bulag Lory! Bakit ka ba habol ng habol dun sa lalaking hindi ka man lang
magawang lingunin?! Magkababata nga kayo pero wala rin naman difference ang treatment nya sayo! Gusto mo bang
tanggalin ko yang mga eyeballs mo at pupunasan ko para naman matauhan ka na at hindi ka na magbulag bulagan dyan sa
hinahabol mong pag-ibig?!!" naiinis na talaga ako. Cross here, Cross there, Cross everywhere ang bibig ni Lory! =__=
"This is so annoying!" kinuha ni Lory yung bag nya at nilabas ang isang singsing sa may pencil case nya tapos kinuha nya ang
palad ko at ipinatong dun yung singsing, "Here. You marry Chad if you want. I can do my plan on my own."
Tinalikuran nya na ako pagkatapos, na-dumbfounded naman ako sa ginawa at sinabi nya. Tinignan ko yung singsing sa palad
ko, ito yung engagement ring nila! Uwaaa. Ano na gagawin ko? What if gumawa ng paraan si Lory at makulong nga silang dalwa ni Cross sa loob ng isang room?!
Just think of the possibilities na pedeng mangyari sa isang babae at isang lalaki sa isang room na hindi mabubuksan:
a. maguusap b. magjajack en poy c. magsasabunutan d. magkakainan ng meat ng isa't isa e. maglalandian f. maglalaro g. matutulog h. censored
Ay shet. Hindi kasali yung letter H. Uwaaa. Pero paano kung paglabas nila ng room, buntis na si Lory? I mean,
magkaunawaan na sila at magkatuluyan sila? Paano na si Chad?
Paano na lang ako?
Huh? Paano na lang ako? Ano daw sinabi ko? ?__?
...to be continued
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry 28.2
< Cross' POV >
First day pa lang ng school festival andami na agad tao, andami na agad trabaho. Bwiset. Bakit ba ako ang naging student
council president ng mga highschool. =__=
"Yo!" napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Oh! Anong ginagawa nyo dito?!" nagtatakang tanong ko sa mga may sayad kong mga kaibigan namely Seven, Trey and
Memo. (Author na mukhang singit este sumisingit: Hey, there's Trey! Read 11Ways to forget your ex-boyfriend! Pati na rin ang
sequel na Let Me Tell You, Allen. o sige, mabuhay ang plug! :D)
"Bakit?! Bawal ba?" ngising ngising sabi ni Seven.
"Oo, bawal. Hindi nyo ba nakita yung signboard sa labas," tinuro ko yung signboard sa malapit na gate, "NO ANIMALS
ALLOWED."
"WEH! O sya itapon ka na namin sa labas, mauna ka na! Pinaka-animal ka naman samin eh." tatawa tawang sabi ni Trey.
"Asan pala si Sync? Atsaka nakita mo ba kapatid ko?" palinga lingang tanong ni Memo.
"Aba malay ko! Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao ha?!"
"Hindi naman, mukha ka lang matandang nagme-menopause." sa sinabing yun ni Memo, nagtawanan yung tatlong abnormal
na 'to.
"Ulitin mo sinabi mo?! Baka gusto mong mabugbog?!"
"Chillax bro! HAHAHA! Nga pala, bakit mag-isa ka? Asan pala yung personal maid mo?"
"Oo nga," nagsecond the motion si Seven, "Ano nga pangalan nun... Bea? Keah? Maria? Ano nga?"
"Eya! Punasan mo nga yang utak mo, kinakalawang na eh." napipika kong sabi. "Atsaka malay ko kung asan yun! Wag nyo na
nga akong kulitin, madami pa akong gagawin! Maiwan ko na kayo!"
Tinalikuran ko na sila at nagpahabol sigaw pa sila, "WHAT HOSTILITY!"
Tss. So what if I'm hostile? Who cares. They should know better than anyone that I'm born this way. (NP: Born this way by lady
gaga! JOKE. XD)
"Cross!"
"WHAT?!" inis na sigaw ko ng mula sa likod ko ay may tumawag sakin. Isang lalaki na hingal na hingal.
"H-help!"
"Help? MUKHA MO! Maghanap ka ng pulis dun ka humingi ng help help na yan! I don't even know you, back off freakin'
creature!" tinalikuran ko na ulit sya kaso bigla nya akong hinawakan sa braso na sadya namang kinaiinisan ko. "I SAID BACK
OFF! DONT TOU---!"
"Lory's in trouble." hindi ko na nagawang ituloy ang pagsigaw ko sa sinabi nya.
"WHAT?!"
"Lory's in trouble!"
"Wala akong sinabing ulitin mo yung sinabi mo! Anong ibig mong sabihin na she's in trouble?!"
"Nasa panganib sya!"
*WANK!*
"Ulul! Alam ko tagalog nun!" sinapak ko sya sa inis ko, "Anong trouble?! Anong nangyari kay Lory?!"
"Aray," hinimas nya yung ulong nyang sinapak ko, "Ano eh... may mga kumidnap sa kanya."
"HA?! KIDNAP?! SAAN?! ASAN SYA?!" hinigit ko sya sa kanyang kwelyo that he almost choke.
"I-ituturo k-ko sayo, ibaba m-mo muna ako." tinanggal ko naman pagkakahawak ko sa kwelyo nya and then he led me to
where Lory is.
Sinundan ko sya sa pagtakbo nya, medyo malayo layo na natatakbo namin.
"Asan ba?! Malayo pa ba? Malapit na tayo sa dulo ng Willford Academy ah?!" wala na ngang mga tao sa paligid eh, kasi
andito na kami halos sa dulo ng Willford kung saan wala halos napunta kasi tambakan lang dito ng mga old school stuff.
"Malapit na!" tumakbo takbo pa kami ng konti hanggang tumigil kami sa tapat ng isang old cabin.
"Dito ba?"
"Oo."
Binuksan ko na yung pinto para makita si Lory na nasa may sahig habang nakatali at may takip sa bibig. But weird, asan yung
mga kidnappers?
"LORY!" papasok pa lang sana ako ng cabin ng bigla akong tinulak papasok nung lalaking nagdala dito sakin at nung
pagkatulak nya sakin bigla nya ring hinalbot ang cellphone ko sa may bulsa ng uniform ko.
"WHAT THE F---?!" lilingon pa lang sana ako para sugudin sya kaso pagkalingon ko, biglang nagsara yung pinto, "HEY!
HEY!!!"
Kinatok, sinipa. sinuntok, tinulak at lahat lahat na ginawa ko para mabuksan yung pinto but it seems like it's lock from the
outside, ayaw mabuksan kahit anong gawin ko.
"HMMM!!!" nalipat ang atensyon ko nang marinig ko ang pag-ungol ni Lory.
"Lory!" pinuntahan ko kaagad sya at tinanggal ang tape sa bibig nito.
"Cross, I'm so afraid!" niyakap nya ako as soon as matanggal ko ang mga ropes na nakatali sa kanya.
"Sssh. Everything's gonna be alright." I pat her back habang umiiyak sya. Who could have done this? And for what reasons?
"Lory, yun bang lalaki kanina na tumulak sakin ang naglock din sayo dito?"
"Y-yeah." she said stammering, "I was just walking in the hallway then he told me that you're in trouble and he led me here and
trapped me."
"So he did the same to you? That trickster! Tss! D'you know him personally?"
"Nope, not even familiar. A total stranger, I'll say."
"Sht, just sht. Pag nakalabas tayo dito, he'll be dead meat. I swear! He even took my phone, now how would we get out of this
cabin?! Argh! Not to mention that it's very rare for someone to passby here, in this very isolated part of the academy. How
could we scream for help? Damn!"
"Relax Cross, there's nothing we can do for the moment. Let's just wait for someone to come at our aid. When people starts
noticing our long absence they'll start searching for us. But maybe we'll have to stay here for the meantime, maybe tomorrow
someone will be able to find us here." a minute before, she was trembling and now... how can she be so relaxed? "As long as
I'm with you, I won't have to worry being trapped here for a day."
"Well, I guess you're right. It's not like we're gonna die here." umupo na lang ako sa tabi nya.
xxx-xxx
< Eya's POV >
6pm.
"Eya." naglalakad na ako sa hallway, pauwi na ako kasi may trabaho pa ako sa resto pero napatigil ako nang mula sa likod ko
ay may tumawag sakin.
"Uy Memo!" si fairy godfather pala! "Anong ginagawa mo dito?"
"Long time no see, Eya!" he pats my head, "Wala lang, nakikibisita lang sa school festival nyo. And checking out how my little
Cinderella here is improving. And I must say that you've changed quite a lot! O sya pengeng bente."
Tinitigan ko lang yung nilahad nyang palad, "Aanhin mo bente?"
"Ano ba nararating ng bente pesos? Edi...Ipangko-cornetto ko!"
Tinitigan ko sya, "Shame on you. Korni."
"HAHAHA! Sorry, I just had this joke from a girl and it's tickling me all day."
"Waaaw. From a girl? Ayeeee. Gelpren mo noh?"
He shrieks, "Girlfriend?! No way!"
"Ayeeeeeeeee. Deny-ness ka pa dyan! Asus!" pinalo ko pa yung braso nya.
"Aly's not my girlfriend."=___=
"Wow. Aly pala name nya? Ayeeee. Aly aly aly!" pangaasar ko sa kanya kaya binatukan nya naman ako.
"WAg ka nga!"
"Tss. Pikon naman nito. Makauwi na nga."
"Teka! Teka!"
"O ano pa kelangan mo?"
"Alam mo ba kung nasaan si Cross?"
"Hindi. Malay ko dun, hindi ako hanapan ng nawawalang abnormal."
"Eh kasi... nakita ko sya kanina, may kumausap sa kanyang lalaki tapos tumakbo sila pagkatapos. Parang narinig ko ata na
may nakidnap..."
"HUWAAAAAT?!" O___O
"Oo, si Lory ata yun kung hindi ako nagkakamali ng pagkakadinig."
"OMG. Si Lory nakidnap? ASAN ASAN?!"
"Anong asan?! E kaya nga kita tinatanong, malamang hindi ko rin alam kung nasaan!"
"Tawagan mo!"
Kinuha nya yung phone nya sa bulsa nya at nagdial, "I'm calling Cross."
Pero weird...
*here we go, come with me...*
"Ay sheett," bigla kong kinuha yung cellphone sa bulsa ko at nakita ang "Memo calling..." sa screen.
"O bakit nasa iyo cellphone ni Cross?"
"E binigay nya sakin 'to eh. Wala ka ba nung isa nyang number?"
"Wala eh. Edi kung cellphone nya yan baka andyan din yung isa nyang number. Check mo nga."
"Okay, wait." tinry kong i-scan yung phonebook. Oy, marunong na ako gumamit KAHIT PAPAANO nuh. Pinagaralan ko ng
konti para hindi ako parang bobo. =__=
"Ok, ito ata. My number#2 ang pangalan eh."
"Baka yan na nga, try calling that." sinubukan ko naman yung sinabi nya. Tumawag ako pero ring lang ng ring... walang
nasagot.
"Wala naman nasagot eh."
"Pero may nagri-ring?"
"Yup."
"Hmm... Bakit kaya? Subukan kaya nating tawagan ng tawagan at magbaka-sakali tayong masundan yung ring tone. Tingin
mo?"
"That's impossible! Eh paano kung nasa malayo silang lugar edi hindi rin natin maririnig yung ringing tone!"
"Hmm..." nilagay nya kamay nya sa baba nya, "I think I saw them passed this way. Halika."
Naglakad lakad kami, medyo malayo yung nalakad namin, "Teka, nakita mo silang dumaan dito? Eh parang nasundan mo na
sila nito sa layo ng nalakad natin eh! Sigurado ka ba talagang hindi mo alam kung asan sila?!"
He smiles, nakakapangduda talaga ngiti nito. =__=
"Of course I don't know where they might be. Try mo ulit i-call." sinunod ko na lang sya sa kabila ng pagdududa.
*Here we go, come with me...*
"Hear that?" tumango ako nang marinig ko umalingawngaw ang isang ringing tone na rocketeer pa rin? Kung phone nga yon
ni Cross, grabe naman sa adik nya sa rocketeer... Gaya gaya sya ng favorite song ah, nauna akong favorite yun! =__= "We're
getting close, just keep it ringing."
Naglalakad kami at pinakikinggang mabuti kung asan nanggagaling yung ringing tone habang nasa tenga ko pa ring yung
cellphone na nagpapa-ring.
*with you right here I'm a rocketeer! So let's flyyyy*
"Here it is!" nakita namin ang tumutunog na cellphone ni Cross sa may basurahan.
"Bakit nasa basurahan 'to?" pinulot ko yung cellphone, sayang naman eh kung nakatapon lang sa basurahan. =__= "Baka yung kidnapper nagtapon nyan." "Bakit itatapon dito?!" nanlaki yung mata ko pero nanliit din agad, "Teka.. kanina pa ako nakakahalata sayo oh, you've got
some weird conclusions up there ha. Nagawa mo pang maituro ako palapit sa cellphone. You're hiding something."
Wala akong tiwala dito kay Memo eh. May pakiramdam akong alam nya yung nangyayari pero ayaw nyang sabihin at gusto
nyang ako yung makaalam. Ewan ko lang kung bakit. Weird na misteryoso 'tong si Memo eh, parang kabute lang pasulpot
sulpot. =__=
"C'mon," he pats my head, "hanapin na lang natin sila, sabi ng instict ko malapit lang sila dito."
Sabi ng instict nya? Eh konting lakad lang naman napatapat na kami sa isang cabin tapos sabi nya pa, "Sa tingin ko, andito
sila sa cabin na 'to. Yun ang sabi sakin ng instinct ko."
Anak ng instinct yan oh. =___=
"O sige na sabi na nga ng instinct mo," um-oo na lang ako sa kanya habang naglalakad palapit sa cabin para makitang may
lock dun, "Uy, naka-lock oh? Baka walang tao? Kakatukin ko na."
Pero bago ako makakatok, pinigilan ako ni Memo at bumulong, "Baliw ka ba? Kung gagawa ka ng ingay edi mahuhuli tayo ng
kidnappers! Mabuti pa, mag-spy muna tayo."
"Eh?" "I mean, pakinggan muna natin mula sa mga pader yung pinaguusapan nila."
Ginawa ko yung sinabi nya at dinikit namin yung mga tenga namin sa pader ng cabin at nagsimulang makinig sa usapan mula
sa loob.
"I love you, Cross..." teka... si Lory 'to ah? Teka... nagco-confess ba sya? Teka... anak ng teka... akala ko ba kidnapping eh
bakit may gantong scene?
"Lory, I told you already that I see you only as a sister. You know that we've been friends since we were little, now you don't
want to break that friendship do you?" mukha namang walang kidnapping na nagaganap eh, ang calm calm lang ng aura mula
sa loob eh saka mukhang silang dalwa lang ang nasa loob... teka, sila lang dalwa nasa loob?
*FLASHLIGHT!* este... *LIGHTBULB!*
Biglang may nasindihang alaala sa isipan ko. Hindi kaya, ito yung plano ni Lory? HUWAAA. No! Hindi pede! Hindi sila pede
ma-stuck sa iisang lugar ni Cross!
"O---!!!!!" sisigaw pa lang sana ako kaso tinakpan bigla ni Memo yung bibig ko, "HMMM!!!" "Ano ba, wag kang maingay!" bulong sakin ni Memo. Eh wala namang kidnappers eh kahit magingay pa ako! Kaso hindi ko
matanggal ang pagkakatakip ni Memo sa bibig ko.
"Ano yun?!" narinig naman yung boses ni Cross mula sa loob. "Alin?" si Lory naman. "Yung boses. May parang nagsalita kaso saglit lang." AKO YUN CROSS! AKOOOO! Gusto kong isigaw kaso 'tong isdang
Memo na 'to, ayaw tanggalin ang kamay sa bibig ko. =___= "W-wala akong narinig." bingi ka ba Lory? May narinig ka! Meron! Meron! =__= "Meron eh! Oyyy! May tao ba dyan sa labas?!" biglang nagsisigaw si Cross.
OO! MAY TAO SA LABASSSSSSSSS!!!!
"MEOOOOW." huh? Bakit biglang ngumiyaw si Memo? Don't tell me, mauulit nanaman 'tong scene na 'to... =___=
"MEOOOOOWWW."
"Ayy, pusa lang pala. Kala ko may tao na sa labas." biglang parang nadisappoint na sabi ni Cross.
Ayy shett. Sabi ko na eh, may pakiramdam na akong magiging dejavu lang lahat eh. Napaka-abnormalities talaga nitong
Cross na 'to. Alam nya ba yung difference ng MEOW ng hayop sa MEOW ng tao? Guraaabeee lang. >(ò____ò)<
"Wag kang maingay. Let's hear them out." bulong sakin ni Memo at sabay tanggal ng kamay sa bibig ko. Tinignan ko sya ng may pagtataka sa mukha kaya naman sinabi nya, "I know this is Lory's plan but wanna know the outcome?
Kung oo, just keep your mouth shut and your ears open."
"H-how did you know?" paano nya nalaman na plano 'to ni Lory? O.O
"If I tell you, I'll lose all my knowledge so I better not." napakamisteryoso naman nitong Memo na 'to, "Saka isa pa, extra lang
naman ako sa story na 'to so I shouldn't bother explaining." (Sabi ni author: basahin nyo na lang ang future story ni Memo. BWAHAHAHA. O sige, exit na ulit ang epal na author)
"Psh. Sabi mo eh." =__=
"Cross, why won't you fall inlove with me?" ayan nanaman. Nagsimula na ulit sila sa topic na yun. Nag-eavesdrop na ulit kami,
pinagkit nanaman yung tenga namin sa may pader at nagsimulang makinig.
"You're my friend, that's why." "So what if we're friends? Can't we be more than that?" "We can but..." "But what?!" para akong nakikinig ng radioserye dito. mehehe. >:D
"But..." ang bagal naman mag-but nitong si Cross, nabibitin ako masyado sa susunod na linya, "But... I'm already in a
relationship." "With whom?!" waaaaa. kanino nga? May girlfriend si Cross?! O___O
"...with Eya."
TANTANANTANTAN!!! FIREWORKS!!!! Pengeng fireworks at ipapasabog ko sa bibig nitong cross na 'to! Anong sabi nya?
He's with a relationship with me?!!!
Dear diary,
Sabi ni Cross, he's with a relationship with me daw? Suntok gusto nya? Kahit sa kabilang buhay, never mangyayari yun. Di
bale ng "widowed" ang status ko kesa in a relationship with that monster. Pero baka naman ibang Eya, marami naman
sigurong Eya sa earth diba? Pero.... UWAAAAA. =___=
- Eya
...to be continued.
Diary ng Panget
written by HaveYouSeenThisGirL
property of haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Entry --- 29.1
"Cross, why won't you fall inlove with me?" umupo ako sa tabi nya. Napakakulit naman nitong si Lory oh, kanina pa kami
natrap dito at kanina nya pa ako kinukulit sa confession nya. Asar na nga ako eh, kung hindi ko lang kababata 'to baka
nasapak ko na 'to ng pabalik balik eh. =__=
"You're my friend, that's why." "So what if we're friends? Can't we be more than that?" napakapersistent nya, kahit anong gawin kong reject sa kanya...
talagang ayaw nya akong tigilan. Ano ba magagawa ko? Eh hanggang kababata lang naman talaga tingin ko kay Lory, she's
just like an 'ate' to me. =___="
"We can but..." "But what?!" but what nga? Ano nga ba... Kelangan kong magisip ng magandang palusot na talagang lulusot. =__=
"But..."
Brain: ...loading ...1% ....10% ....50%
....100% ....loading complete
"But... I'm already in a relationship." "With whom?!"
"...with Eya." hoy wag kaagad kayo mag-react! Akala nyo ba gusto ko din ipalusot yung pangalan nung panget na yun?! Hoy
hoy, naalala ko lang yung plano ni Memo! Oo, si Memo may plano nito sabi nya sakin dati para daw iwasan at tigilan na ako ni
Lory kelangan daw may ipakilala ako kay lory na girlfriend ko pero yung girlfriend ko dapat OUT OF MY TYPE para
mapatunayan ko kay Lory na INLOVE KUNO ako dun sa girlfriend ko and sa paraan na 'to, siguradong tatantanan na ako ni
Lory at marerealize nya na na wala syang pag-asa sakin. At yung "panget" lang naman na yun ang sinuggest sakin ni Memo.
=___="
"HAHAHA!" teka, bakit natawa si Lory? Hindi ito ang reaksyon na hinihintay ko sa kanya. =___=
"Ano ba Cross, stop kidding with me. You actually got me there! Good thing I actually remember that Eya told me the
'girlfriend-boyfriend' thingy was just one your scams. What a badboy you are! hahaha!"
Ayy paksheett na panget yun, kelan nya sinabi yun kay Lory? Buseeeet. =___=
"Lory, ewan ko kung anong sinabi sayo ni Eya pero totoo talagang may relasyon kami... siguro nga ini-announce ko dati sa
classroom ko na kami ni Eya for the sake of fun pero kung dati joke-joke lang yun, ngayon totoo na... Hindi na biruan yung
relasyon namin... pero hindi lang namin masyadong pinapakita sa school dahil ayaw kong kuyugin si Eya nga mga baliw na
babae dyan sa tabi tabi..."
"No... it's not true Cross!" pagpipilit ni Lory. Shettt naman oh, paano ko ba 'to mapapaniwala. =___=
"Alam mo ba yung pag lagi mong kasama yung tao, unti unti kang nadedevelop sa kanya... na yun bang gusto mo syang
laging nasa tabi mo?" gusto ko syang laging nasa tabi ko para may taga bitbit ako ng mabibigat kong gamit.
"Yun bang... lagi syang nasa isip mo?" lagi syang nasa isip ko at iniisip kong binubugbog ko sya, nilalagay sa sako at
itinatapon sa ilog pasig.
"Yun bang... hanggang sa panaginip sinusundan ka nya?" shettt.. pag naman ako ay binabangungot, taena. =__=
"Yun bang... gusto mo syang yakapin?" oo gusto ko syang ipayakap sa isang polar bear at uutusan ko yung polar bear na wag
bibitawan ang pagkakayakap sa kanya para dalhin na sa kasulok sulukan ng north pole!
"At yung bang... gusto mo syang makasama habang buhay." wag na! papakamatay na lang ako kung sya lang din
makakasama ko habang buhay. =___=
"Lory, mahal ko na sya eh... kaya hindi ko talaga pedeng tanggapin ang pagmamahal mo. May nago-occupy na dito sa puso
ko." mamaya, ipaalala nyo naman saking toothbrush-in ng maigi ang dila ko kasi hindi ko makain yung mga sinabi ko.
Nakakasuka. Geez, for the sake of not hurting my childhood friend kung anu anong nakakadiring nakakasukang mga salita
ang lumalabas sa bibig ko. Kinikilabutan ako sa sarili ko. =___="
"I don't believe you! Liar!" nabigla naman ako sa biglang pagsigaw at pagtayo nya, kagat nya yung lower lip nya na para ata
pigilan ang pag-iyak nya. "I don't believe you! Sinungaling ka!"
Naglakad na sya papunta sa pinto at... teka, ano yung susi na kinukuha nya sa bulsa nya?
Teka... susi ba yun sa cabin? Paano sya nagkasusi? O___O
"I don't believe you Cross!" pagkasabi nya nun bigla nyang binuksan yung pinto gamit ang susi at pagkabukas na pagkabukas
ng pinto...
*BOOOOOOOOOOOGSH*
Tumaob sa lupa ang kakambal ni Shrek... yung Eya na yun. At sa likod ni Eya ay si Memo... teka... anong ginagawa ng mga
'to sa labas ng cabin?
Teka... narinig ba nila usapan namin? Teka... narinig ba nila lahat ng sinabi ko? O_____O
"Eya!" nabigla din naman si Lory sa pagkakita kay panget.
"Ehe--ehe... ehe..." napapakamot ng ulong tumayo si Eya, "H-hi?"
"If you guys are lying to me or really are into a relationship... Well, either ways hurt me!" tapos tumakbo na si Lory palabas ng
cabin. Naiwan ako, si panget at si Memo dun.
"I guess I'd be going! TEEHEE!" nagpeace sign muna si Memo sabay kumaripas na agad ng takbo.
Ang natira na lang ay ako... at ang panget na 'to na nakatayo dun na parang tuod.
"HOY IKAW! ANONG TINATAYO TAYO MO DYAN?! BAKA GUSTO MO NA RING UMALIS?!" mukhang natauhan naman sya
sa pagsigaw ko kaya nagbago yung expression ng mukha nya, naiinis na expression.
"AH GANUN?! O SIGE AALIS NA TALAGA AKO, MAIWAN KA NA DYAN! ILALOCK NA RIN KITA DYAN PARA POREEEBER
KA NG NAKAKULONG DITO! AMAGIN SANA ANG BUNGO MO DITO!" lalabas na sana sya at sasarhan na sana ang pinto
ng tumakbo ako para pigilan sya at lumabas na din ng cabin na yun habang tinaluk sya paalis sa pinto.
"ABNORMAL KA BA?! BAKIT MO AKO IKUKULONG DUN? GUSTO MONG MAKULONG HAAA?!!!" "MAS ABNORMAL KA! SINO MAY SABING WE'RE IN A RELATIONSHIP?! HOOYYY! MUKHA MOOO!" "HOOY!! MUKHA MO DIN! AKALA MO BA GINUSTO KONG SABIHIN YUN? KUNG ALAM MO LANG NA SUKANG SUKA NA
AKO NUNG SINASABI KO YUN KAY LORY KANINA NOH!" "EH KUNG GANUN BAKIT MO SINABI HA?! HA?!" tinulak nya ako sa dibdib kaya tinulak ko din sya sa balikat nya.
"EH WALA NA AKONG CHOICE EH! TSAKA SI MEMO MAY PLANO NUN! SABI NYA SAKIN PARA TIGILAN NA AKO NI
LORY KELANGAN KONG MAGPANGGAP NA MAY GIRLFRIEND NA AKO!" "EH BAKIT AKO SINABI MO HA?! DAMI DAMI DYANG BABAE! KADERDER KA!" tinulak nya ulit ako.
Tinulak ko din sya, "ANG ARTE MO! FEELING KA! PASALAMAT KA NGA IKAW PINILI KONG GIRLFRIEND EH! SIPAIN KITA
DYAN EH! ALAM KO NAMANG PINAGNANASAAN MO AKO!" "AH GANUN?! DAPAT PA AKONG MAGPASALAMAT SAYO?! ANONG TINGIN MO SA SARILI MO? OVERFLOWING KA SA
KAGWAPUHAN? ASANESS KA! MUKHA MONG YAN PAGNANASAAN KO? OO PINAGNANASAAN KONG INGUDNGOD
SA LUPA YANG MUKHA MO!" "ABA! ABA! GUSTO MO AWAY?!" "HINDI! GUSTO KO GULO! ANO, PAPALAG KA HA? PAPALAG?!" tinaas taas nya ang magkabilang sleeves ng blouse nya at
naghahamon ng suntukan.
"Ayoko na, nakakapagod na ang araw na 'to," nag-give up na ako, wala na akong lakas para makipagtalo kahit kanino... bukod
sa mga confession ni Lory at sa mga pagiisip ko ng idea para ireject sya ng maayos eh hindi pa ako nagmemeryenda mula
kanina kasi nga diba nalock kami... pagod na pagod pa ako kasi andami kong ginawa para sa school festival na 'to.
"Bahala ka sa buhay mo, pasensya naman kung ginamit kita..." nilagpasan ko na lang sya, "Wala na akong matinong paraan
para ireject ng maayos si Lory..."
"Waaaaaaaait!" tumigil naman ako sa pagsigaw nya pero hindi ako lumilingon. "Pede ka bang magsalita ng hindi sumisigaw?!" stressed out na sabi ko. Pagod na talaga ako para makipagtalo, nahihilo na
ako sa pagod at gutom. =___=
"Teka lang kasi," lumapit sya sa at pumunta sa harapan ko with eyes wide open, "Ayaw mo ba kay Lory?"
"Anong tanong naman yan? Hindi sa ayaw ko sa kanya, hanggang kaibigan lang tingin ko sa kanya." =___=
Yung ngiti nya biglang lumaki tapos pinat nya ako sa balikat na agad ko namang tinanggal dahil sa pandidiring hinahawakan
nya ako.
"GOOD, GOOD MY FRIEND!" ang sama ng ngiti nya, parang kontrabidang ngiti, "Akala ko kontrabida ka sa love story ng
dalwa kong bestfriend ngunit mukhang nagkamali ako sa aking hinala..."
Anong kontrabida sa love story ng dalwa nyang bestfriend? Anong pinagsasabi nitong panget na 'to? =__=
"Akala ko kelangan pa kitang imassacre pero hindi pala... mukhang pede kang sidekick ko!" "Sidekick saan? Sidekick ko mukha mo eh." =__= "Tangeks! Sidekick ko sa pagtulong sakin na mabuo ang Chad-Lory loveteam!" "Ha? Abnormal ka ba? Ano pinagsasabi mo?" =___= "Chos! Slow mo talaga. Diba hinahabol habol ka ni Lory pero ayaw mo sa kanya?" tumango naman ako sa tanong nya, "Pwes,
para tigilan ka na nya sa paghahabol nya sayo, may alam akong paraan! Easy lang, tulungan mo lang ako na paglapitin sina
Chad at Lory! You know kasi na si Chad ay dead na dead kay Lory but thing is, ayaw sa kanya ni Lory dahil nga patay na
patay sya sayo! Pero we need to take some action about this, kelangan gumawa tayo ng paraan na madistract si Lory sayo at
mapansin nya naman si Chad!!"
Sabi ko na eh, matalino ako eh. I'm really a genius... biglang may lightbulb na sumindi sa aking utak dahil sa mga sinabi ng
panget na 'to. Mukhang matatapos na rin siguro ang problema ko sa paghahabol sakin ni Lory. Medyo magiging nakakasuka
lang talaga pero sa tingin ko magiging effective talaga 'tong plano ko. bwahaha. *evil laugh with thunder sfx*
...to be continued
Entry --- 29.2
"Boo!"
"UWAAAAAAAAAAAAAAA!" nagsitakbuhan yung mga tinakot ko. Second day pa lang ng school festival eh hassle na
agad, paano kasi ako ang "White lady" ng haunted house ng aming klase. Ito kasi gusto ng mga kaklase ko, yung
haunted house daw! At dahil walang gustong pumanget at maglagay ng "scary costumes" ang mga maarte kong mga
kaklaseng babae eh ako ang pinagtulakan nilang magsuot nitong mabanas na white hospital gown tapos kinelangan
ko pang magsuot ng mga makakapal na polbo at lipstick at mga japekeng(fake) bloodstains sa mukha at katawan.
Jusko! Bukod sa pawisan na ako sa init eh pagod na pagod na ako kakatayo. Yung eardrums ko pa mababasag na sa
OA at mga duwag na sigaw ng mga costumer na napasok dito. Epic ba masyado ang white lady cosplay ko at takot na
takot sila? =____=
"Hoy sige, tapos ka na. Pede ka ng umuwi, may magsa-sub na sayo."
"Haay, sa wakas! Hallelujah!" lumabas na agad ako ng classroom at kinuha na ang gamit ko sa locker ko para
makapagpalit. Imagine-in nyo na lang, naglakad ako papunta sa locker ko na mukhang white lady. Tapos may festival
pa meaning maraming tao, pinagtitinginan tuloy ako.. daig ko pa artista nito. =___=
*Here we go, come with me...*
"Ay tokwa ka!" nabigla naman ako ng tumunog yung cellphone "KO" sa locker ko. Hanggang ngayon naiilang pa rin
akong sabihing cellphone "ko" ang cellphone ni Cross. Ang abnormal naman kasi nung isang yun, magsosorry na lang
akalain nyo cellphone ang ibigay? Magpaapi kayo ako dun everyday para yumaman ako ng hindi oras? :D
*Let's flyyy, up up here go...*
"Oo na nga, oo na, ayan na sasagutin na kita manahimik ka na," sabi ko habang inaabot sa loob ng bag ko yung
cellphone kong ngumangawa nonstop.
My number#2 calling...
Hindi ko pa rin napapaltan name nya dito, hindi ko naman kasi hilig kalikutin itong cellphone eh pero siguro papaltan ko
na 'to mamaya. Tatanong ko sa kanya kung papaano paltan, hindi ko pa rin kasi masyadong gamay gumamit ng
cellphone. Sorry naman kung masyadong taong gubat. >@____@<
"Oy?" hindi uso "hello" sakin.
"Oy asan ka?!" at obvious na hindi rin uso "hello" sa kanya.
"Bakit?!" may iuutos nanaman ito for sure. /=__=/
"Pumunta ka dito sa may ground floor malapit sa may central statue ng academy, ngayon na! Bilisan mo!"
"Teka lang, mga 5minutes andyan na ako. Magpapalit lang ako."
"WAG KA NG MAGPALIT! PUMUNTA KA KAAGAD DITO! NGAYON DIN! MAY SAPAK KA SAKIN PAG PINAG-ANTAY
MO AKO NG ISANG MINUTO!"
*eng-eng-eng-eng*
Nag-end line na, pagkatapos nyang sumigaw sabay end call?! Bastusing bata yun ah! Ayaw nyang magbihis muna
ako? Now na talaga? O sige, pwes pupunta agad ako dun kahit naka white lady costume pa ako! =___=
Nung nasa malapit na ako ng Central statue ng academy, nakita ko sya nakatayo sa may isang booth doon habang
paulit ulit na tumitingin sa orasan nya.
MWAHAHAHA. May evil plan ako!
Naglakad ako carefully palapit sa kanya sa may likod nya para hindi nya ako mapansin at kinalabit ko sya...
"Cross..."
"ATLAST! ANONG ORAS NA SA TINGIN M---"
"Boo!"
"UWAAAAAAAAAAAAAAAA!" sa sobrang takot at pagkabigla nya eh napaupo sya sa sahig at napasigaw sya ng
malakas catching a lot of people's attention.
Tawa naman ako ng tawa sa reaction nya, hawak hawak ko na ang tyan ko kakatawa, "AHAHAHA! Anong oras na?
Oras na para makita mo ang itsura mo kung gaano ka natakot! AHAHAHA! HOMAYGAAAD, mamamatay ako
kakatawa sayo. BWAHAHAHAH!"
"Hoy babae ka!" mukhang nakabawi na sya sa takot at hinila nya ako palayo sa mga tao, "Ano sa tingin mo yang suot
mo ha?!"
"Eh excuse me ha, diba sabi ko sayo magpapalit muna ako pero hindi mo ako pinagpalit kaya naman mamatay ka sa
takot!" =___=
"Tss! Halika nga! Hindi pedeng ganyan ang ayos mo pag nagpakasal tayo!" bigla nya akong hinigit pabalik dun sa
pinagaantayan nya kanina.
"H-hoy, a-anong magpakasal ang pinagsasabi mo ha?!!!" Pakasal? Kanino? Sa kanya? Saan? Dito? Kelan? Ngayon?
PAKSHETT. Sino may sabi? Yung author? MAMATAY NA!
"Manahimik ka na lang at sumunod! Diba sabi mo kahapon partners in crime tayo? Ayan oh, gumagawa ako ng plano
para maging successful ang Lory-Chad loveteam na sinasabi mo! Ayoko na rin namang habul habulin ng kababata ko
noh!"
Natatanga pa rin ako sa kanya habang kinakaladkad nya ako sa wrist ko pabalik dun sa may booth, "Teka, plano?
Anong plano?"
"Eto!" bigla nya akong binitawan sa tapat ng isang MARRIAGE BOOTH.
"Eto plano mo?! Magpakasal?! NO WAAAYYY!"
"Wag ka ngang maarte, akala mo ba gusto ko din 'to?! Ito sabi sakin ni Memo na effective plan daw! Sabi nya gagawa
sya ng paraan para mapapunta dito si Lory by exactly 6pm para masaksahin nya yung gagawin nating KASAL-
KASALAN."
"Eh kung sakalin kaya kita? Wala ka bang matinong plano? Asan ba yang isdang Memo na yan, kung anu anong
sinasuggest na plano nun!" >___>
"Ano ba! Ito na lang yung pinaka-effective na plano para mapa-ayaw si Lory sakin, ayaw ko rin sanang pumayag sa
plano ni Memo pero pinagisipan ko 'tong mabuti at napagtanto kong tama nga si Memo, oras na makita tayo ni Lory sa
marriage booth iisipin nya na seryoso na talaga tayo sa RELATIONSHIP KUNO natin! Wag ka ng maarte ha?! Ngayon
lang naman saka KUNWARI LANG NAMAN, hindi naman 'to totoong kasalan. Saka yuck din ha, hindi ko rin
pinangarap na mapakasalan ka, this is just for the sake of a friend kaya um-oo ka na lang! Gusto mo rin naman
tulungan ang mga bestfriend mo diba? Kaya wag ka ng mag-inarte."
OO NA. BAHALA NA SI BATMAN. KASALAN NA KUNG KASALAN. ANAK NG PENGUIN YAN OH. =___=
"O sige, PAYN! GO NA LANG NG GO. Mag-aalas sais na! Bilisan na natin ng matapos na!"
"Wag kang excited, 20minutes pa bago mag 6!"
"Hindi ako excited, abno! Anong gusto mong gawin natin sa pagiintay ng 20minutes? Tutunganga?"
"Tss. Ewan, pero siguro dapat ayus ayusin mo yang itsura mo. Magpalit ka nga muna! Kahit fake na kasal ayokong
multo yung bride noh! Tss."
"Tss! Sipain kita dyan! Hmph!" inis na sabi ko habang nagpipigil lang akong suntukin sya. =___=
"Hi! Excuse me, magsi-sign up ba kayo sa marriage booth?" nabigla naman kami ng biglang sumingit sa usapan namin
yung isang girl from the marriage booth.
"A-ah, o-oo." sabay pa kami ni Cross at parahes pang nautal. Yuck, gaya gaya sya sa sinasabi ko. =__=
"Cool! Kasi malapit na kaming magsara eh bale kayo na ang last couple," yuck, couple? Brr. Nagtitindigan ang mga
patay na buhok ko, "Ay meron kaming special 'do' para sa inyo."
"Special do?" tae, sabay nanaman kami nitong halimaw na 'to. Gaya gaya talaga sya eh noh? Sigurado paglaki nito
buwaya. =__=
"Yup! We offer the last couple," pede wag nyang mamention mention yung 'couple'? "our special "do" which means,
aayusan namin kayo na para talagang groom and bride! teehee!"
"WHAAAATTT?!" Sisipain ko na sya, echo ba sya? Gaya gaya ng sinasabi ko. =___=
xxx-xxx
No choice na kami, dahil sa kelangan pa naming magantay ng 20minutes ay pinilit na kami ng class ng marriage booth
na maayusan ng "GROOM&BRIDE"-like image. pinaghiwalay kami sa dalwang tent, ako kasama ko yung mga girls ng
class ng marriage booth tapos sya kasama nya yung mga guys ng class ng marriage booth. Pinasuotan ako ng mga
babaeng ito ng white gown pero hindi mahaba mga above the knee sya tapos nilagyan nila ako ng belo ng pangkasal
na may tiara comb para kumapit sa buhok ko na ipunusod nila into a ball. Tapos pinasuot nila ako ng silver stiletto na
hindi naman super kataasan, juskopo for the sake of my bestfriends' lovelife, pinapasok ko ang isang bagay na tulad
na ito. =___= Minake up make up-an pa nila ako. Haruusmee, tulong! Feeling ko, judgement day yun bang ie-
electricute na ako later. =__=
TANTANTANAN TANTANTANAN TARANTANTATAN.... tantanan nyo akong background song kayo! Kaderder kasi may
maigsing red carpet pa sila tapos may confetti pa silang hinahagis na halos makain ko na, jusko andaming audience...
Kelangan ko ba talaga maglakad dito sa japeke na altar na 'to na may hawak hawak na roses? Oo, may binigay rin sila
saking roses. Eek. Nandun yung BROOM este groom-kuno ko sa may altar-altar-an, nakatalikod... pero nakabihis din
sya, nakablack suit. Kaderder. Ansarap ingudngod sa face nya yung mga thorns ng flowers. =__=
Ayan, nangyari yung mga echeng chedeng chuchu blahblah na ceremony kuno, kung anu ano sinabi halos makatulog
na ako sa antok kahit mga 5minutes lang naman nagsalita yung si father peke, tapos yun... ito na nga yung ayaw kong
part...
""Do you Cross Sandford, take Reah Rodriguez to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish,
through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall
live?" tumingin muna sakin si Cross, hindi mo maipinta yung mukha nya. HOY ANG KAPAL NITO, FEELING NYA
PINILIT KO SYA DITO? PAREHAS LANG KAMING VICTIM OF KADERDERNESS DITO NOH! KAYA WAG SYANG
UMAKTONG NIRAPE KO AT NABUNTIS AT PILIT NA IPINAKASAL. =__=
"I-- I d-do."
"Do you Reah Rodriguez, take Cross Sandford to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish,
through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall
live?"
I DON'T AND WILL NEVER EVER DO! ITAGA NYO SA WATERMELON, PEKSMAN MAMATAY MAN SI BATMAN.
X___X
Tumingin muna ako sa kanya, hindi ako makasagot ng bigla syang bumulong sakin, "Andyan na si Lory, parating na..
say the words... say you do, bilis para marinig nya. Say it loud and clear."
Lilingon na sana ako when he hisses, "Wag kang lilingon, mahahalata. Sabihin mo na lang, dali."
PAYN.
"I do..."
Pagkasabi ko nun, may sinabi si Pader(father) na kung anong eklat echos at nagpalitan kami ng "singsing" kuno na
gawa lang sa plastic na yung kinakalawang na mumurahin lang tapos may design pa ng isang boy and girl. Yung
pambata ba, yung mumurahin, tinda nila yun eh pinabili samin ang halaga lang naman ay 20pesos kaya yun kasi
compulsary eh. =__= (A/N: Check Diary ng Panget's fb page to see the imaginary picture of the ring & also
Cross&Eya's wedding dress. LOL)
"You may now kiss the bride!" pagkatapos magsuotan ng rings, biglang ini-announce yun ni pader.
Alam ko may gantong portion pero... nasa-shock pa rin ako... Kiss the bride? Ampotek, kiss my ass. =__=
Pero... teka... bakit pumipikit 'tong si CM? Bakit sya yumuyuko palapit sakin? Teka lang... O-OY, T-TEKA LANG! Teka
bakit hindi rin ako maka-angal? Bakit parang napipipi na ako? Bakit kahit gusto ko syang itulak ay hindi ko magawa,
bakit parang nabato na ako?
Teka lang! Wag mong sabihing may intensyon talaga syang halikan ako? Teka lang! Alam ko roleplay lang 'to pero...
teka! Sana hindi na kasali yung kiss! Tekaaaa! Pababa na ng pababa ang mukha ni Cross sa mukha ko, teka lang!
Slow down! Slow motion! Tekaaa lang!!!
1
2
3
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya napapikit na lang ako... at sa pagpikit ko naramdaman kong dumampi ang labi
nya...
Dear diary,
Ang isang halimaw, naging asa-asawa ko... Nagkaroon kami ng pekeng marriage ring... At hinalikan nya ako, dumampi
ang mga labi nya...
sa ilong ko. Oo, pagpikit ko ng mga mata ko akala ko hahalikan nya na ako pero dinampi nya lang ang mga labi nya sa
dulo ng ilong ko. At bumulong sya, "Act lang yan, buti nakatalikod ka kay Lory... mula sa view nya akala nya hinalikan
kita sa labi... At sa kasalukuyan eh tumatakbo na sya palayo... May epekto sa kanya ang ginawa natin, I hope hindi na
sya maghabol pa sakin..."
Oo, parang nabitin ako... parang nasabi ko sa sarili ko, "Bakit sa dulo ng ilong lang? Bakit hindi nya diniretso?" Ayy
shett. Ano ba nangyayari sakin? Nagiging autistic na rin ba ako tulad nitong CM na 'to? >___<
-Eya
Entry 30.1
[Lory's POV]
(A/N: ayoko sa lahat POV ni Lory, nosebleed masyado. hahaha XD)
"You are cordially invited to SAN GOKU & CHICHIRI's wedding. We will be waiting for your dear presence in Willford's
Central Statue at the nearest marriage booth of class D. 6pm sharp. Your presence is a must."
Wow, I'm invited to someone's wedding? Who could this be? Err... Doesn't it sound weird? I mean the names... San
goku? Chichiri? Aren't they like, from dragonball? Owell, I need to wind up a little from yesterday's heartbreaking event
so I might as well waste my time with this marriage thingy, it might be fun... afterall, I got nothing to do 'coz our maid
cafè shop's already closed and I don't want to go home yet... Hmm... Well, I'll go.
*wedding bells* *wedding songs*
OOOH. I can hear them already, wow! Even if it's a fake marriage, it sounds like cool 'coz there are audience and a red
carpet to match the wedding song of TANTANTATAN. And hey, there's the bride with her white above the knee gown...
wait, I can't see her properly maybe I'd adjust a little to where I'm standing.
*Adjust adjust*
:O
I swear, I regret adjusting myself. I see Eya walking with roses in her hand and is about to be at her groom's side,
which happens to be my beloved Cross. OHNO.
I don't get it, was Eya arguing with me last time because she actually likes Cross? Has she fallen to him? Has she?
And has he? I can't... I don't want to watch this... Was it them who sent me this fu.cked up invitation? How dare them!
I don't want to watch but... my body just kept still to where I am, stoned like some statue.
I watch how the ceremony advances... phrases, exchange of vows, wedding rings and finally... the most awaited kiss
of every wedding ceremonies...
I must be stupid to keep my eyes fix to Cross bending his head towards Eya and... I don't see them do it 'coz I have the
back view but it's clearly obvious that they did it...
I can't take this anymore, I better escape from here... watching them has no sense! I better run, maybe this is just a
dream and tomorrow I'll wake up and everything's fine again. This is not true, this is so not true. My bestfriend and the
guy I like can't betray me like this... they just can't but they just did. :'(
Why am I crying? Geez. Stupid tears, I have to rub them to clear my phase... everything's blurry with tears in my eyes!
And this stupid blurriness got me bumping into someone I can't recognize and won't even care to recognize 'coz I just
stay there lying on the floor, crying my heart out... Stupid heartache. :''((
xxx-xxx
[Chad's POV]
Lalala. Ayy shett ang gay ko, narinig ata ako ng readers? SSHHH. Wala kayong narinig, hindi ako nakanta. hahaha!
Joke lang, namiss nyo ako noh mga kids? HAHAHA. Hindi nyo naman kasi ako napapansin, andyan lang ako palagi sa
likuran nyo, nagmamasid ng taimtim at tinatabihan kayo sa pagtulog nyo at hinahaplos ang inyong mga buhok gamit
ang mga kamay kong duguan at binubulungan kayo na, "Susunod ka na... awooo."
HAHAHAHA. Pero syempre hindi horror 'tong story na 'to kaya joke lang yun. :D
Back to business, harusmee, buti tapos na ako sa mga niluluto kong cakes and cupcakes... gusto nyo? Bili kayo, mura
lang ang bayad--- pagmamahal nyo. Ayeee, kinikilig ang echeng nya. :"3
Maayos na kami ni Zed kahit ginulpi ko sya nung isang isang isang(hindi ko na tanda kung kelan) araw, ganto naman
kaming mga lalaki eh, bugbugan lang ang katapat tapos mamaya magkaayos na. Walang taniman ng sama ng loob
samin basta wag lang uulitin, sabi pati sa kanya wag na wag gagalawin ang bestfriend kong si Peppy. Minsan na nga
lang akong magkabestfriend, aawayin pa nila, baka gusto nilang makatikim ng kamao ng isang tagapagmana ng
leading mafia group ha? *angas* haha, hindi daw bagay sakin maging maangas. Napaka-fail kong tagapagmana ng
mafia group nina dad. =__="
Pauwi na sana ako na may dala dalang konting cupcakes na gawa ko para sa cake shop ng klase namin, wala lang
gusto ko lang maguwi para naman sa pinaghirapan ko. Buong araw din akong nagluto ng nagluto noh, don't get me
wrong... I'm straight and I just love cooking, ayoko kasing ako yung ipagluluto ng magiging asawa ko gusto ko ako
yung magluluto para sa kanya. Gusto kong busugin sa pagmamahal ang taong papakasalan ko... oo alam nyo na kung
sino, sino pa ba? Si Lory my loves... Psh. Bakit ba ako baliw na baliw sa babaeng baliw na 'to na hinahabol habol yung
baliw na Cross na yun? Pare parehas lang kaming baliw eh noh? Tss. =__=
*Flashback muna tayo*
12yrs old pa lang kami nun eh, ang bata bata pa namin nun ng una ko syang nakita at una akong natutong lumandi...
hahaha! Watta term. =_=
"Ayan, anak andito na tayo." bumaba kami sa isang malaking bahay. Sabi nina mama at papa may mahalaga daw
kaming pupuntahan kaya kelangan daw magayos ako ng sarili ko kaya naman nagpajaporms(pumorma) ako ng
maayos. Maypa-gel gel pa akong nalalaman sa buhok ko pero don't get me wrong, hindi mala san goku ang buhok ko
na pag may bumagsak na butiki ay mamamatay... normal lang yung ayos ng pagkakagel sa buhok ko. Pogi na kasi
ako kaya hindi na kelangan ng maraming effort para magayos. Swabeng swabeee!! :D
"Asan po ba tayo?" pangungulit ko kay Mama na hawak hawak ako sa kamay habang papasok na kami ng gate nung
malaking bahay.
"Andito tayo sa bahay ng family friend, may malaking event ngayon anak kaya behave ok? Be a good boy."
"Oh-kayyy." at pumasok na nga kami, pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay sinalubong kami ng isang manong
na may bigote na siyang nakipag-hug kina mama at papa. Pagpasok naman namin sa may dining room nila na
sadyang malaki ay may isang mahabang table dun na pede ata ang sampung tao at may mga nakahanda na dung
pagkain, wowww. Nagugutom tuloy ako sa sight ng mga pagkaing nakahanda.
"Here you are kumare and kumpadre!" may isang blonde woman dun na nag-aayos ng table, todo make up ito at
nakaayos na maigi parang si mama lang. Pero may accent sya sa pagsasalita nya ng "kumare" at "kumpadre"---
halatang hindi noypi. (pinoy)
"Oh here's your cute and handsome little son," si makapal na make up na corn hair ay nilapitan ako at pinanggigilan
ang pisngi ko. Psh! Mukha bang marshmallow pisngi ko para lamutakin? Err. >__<
"What's your name hijo?"
"Chad po."
"Nice to meet you Chad, you're really cute!"
"Where's Lorraine?" pagtatanong nung bigote man(yung guy na sumalubong samin sa pinto) na asawa ata nitong si
cornflakes(si blonde hair).
"Ah, she's in her room... uhh yeah Chad dear... you want to play?" nagnod lang ako sa tanong nya, "Good, you can go
to Lory's room and play with her."
"Hey that's a good idea!" biglang pagsangayon nina mama at papa pati na rin ni mr. bigote.
"Atleast they'd get to know each other well so in the future they won't have any problems." nangingisi ngisi pang sabi ni
Dad habang sinisiko si Mr. bigote. Tapos nagbungisngis naman sina mama at si cornflakes.
"Go upstairs Chad, her room's at the first door upon turning left." tinulak tulak nila ako na umakyat na. Psh. Wala na
akong nagawa kundi umakyat at naglakad hanggang sa nagturn left ako at nakita ang first door.
Nakasarado yung pinto at dahil tinatamad akong kumatok eh binuksan ko na lang yung pinto basta basta, hindi naman
naka-lock eh.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sakin ang isang bata na kasing edad ko lang siguro... Nakalapag sya sa sahig
habang may hawak na dalwang manika, pagkapasok na pagkapasok ko ay umangat ang tingin nya sakin at
nagsalubong yung mga mata namin... Blue yung mata nya! She's so cute!!!! Parang kamukha nya lang yung mga
manikang hawak nya! Yikes! O__O
"Sino ka?!" inis na tanong nito tapos sa bigla ko binato nya sakin yung manika nya na tumama sa mukha ko, "Ikaw ba
yung batang ipapakasal sakin? Ang pangit pangit mo! Umalis ka sa kwarto ko! I hate youuu! Alisss!!!"
Ipapakasal? Pero bago ko pa madigest yung mga sinabi nya eh binato nanaman nya ako ng isa nya pang manika.
Hindi pa sya nakuntento kasi kinuha nya pa yung dollhouse nya at sa tingin ko ihahagis nya rin ito sakin kaya naman
tumakbo agad ako palabas at sinarhan yung pinto!
Yikes! Kamuntik na ako dun! Pero... bakit ang ganda ganda nya? Ang cute cute nung mga blue eyes nya!!! Eeek. Bakit
ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?
Bumaba agad ako ng hagdan at pumunta kayna Mommy at daddy na currently nakikipagchikahan kayna Cornflakes at
Mr. bigote.
"MOMMY MOMMY!!!"
"Oh ano yun anak?" nabigla sila sa pagsigaw ko papunta sa kanila, "Anong nangyari? Bakit hinihingal ka?"
"Did something happen between you and Lorraine?" ah, Lorraine siguro ang pangalan ni blue eyes? Eek. Ang ganda
ng name nya bagay sa kanya! ♥____♥
"Mommy, mommy," hinihingal pa rin ako habang hawak hawak ko yung dibdib ko,"Yung puso ko... mommy... yung
puso ko..."
"Ano? Anong meron sa puso mo?!!" nagsisimula na silang magpanic sa sinasabi ko habang hinihingal pa rin ako.
Lumunok muna ako para makahinga ng ayos, "Mommy, yung puso ko! Yung puso ko nalaglag!"
"HA?????!" hindi muna nila nagets yung sinabi ko.
"Mommy tara na sa hospital! Mamamatay na ata ako! Naghahyperventilate na ata ako!"
Pero yung panic sa mukha nila ay unti unting nawala at napaltan ng mga tawa, "HAHAHA! Love at first sight?"
"PEDE! PEDENG PEDE!" nag-apir-an sila. Ha? Anong nangyayari? Hindi pa sila nagaalala sa kalusugan ko? Hello?
Mamamatay na ako dito, emergency SOS na po please? Yung puso ko nalalaglag, lalabas na ata sa dibdib ko. >__<
"Mommy!" hinigit ko laylayan ng damit nya, "Tara na sa doctor please!"
Tumawa pa rin sila at humarap sakin si daddy at ginulo ang buhok ko, "Don't worry son! Normal lang yan, that's what
you call LOVE!"
"I can hear wedding bells!" at nagsitawanan pa ulit sila leaving me confused as heck. =__=
*end of flashback*
At yun yung nangyari... Nung una hindi ko nagets mga pinagsasasabi nila hanggang sa kinalaunan naintindihan ko rin
na kaya pala kami pumunta ng araw na yun doon sa bahay nina Lory ay dahil sa gusto nilang pagusapan ang 'kasalan'
between me and Lory. Dahil nga sa mafia ang pamilya ko at ang pamilya naman nina Lory ang producer ng
top&leading guns in Europe ay napagdesisyunan nilang, ipakasal kaming dalwa ni Lory para maging isa na lang ang
company at para mas lumakas daw parehas ang family namin. Wala naman akong angal eh kasi nalove at first sight
nga ako pero si Lory... naintindihan ko na rin kung bakit nya ako hinagisan ng manika dati, kasi ayaw nya sakin hindi
sya sang-ayon sa arranged marriage thingy... pero dahil sa mapilit ang parents namin eh hindi na naka-angal si Lory, I
tried to be nice with her at ganun din sya pero ramdam mo talaga na ayaw nya sakin.. She even decided to go back sa
London para DAW mag-aral... pero if I know, para lang makatakas sakin. T___T May isa pa akong kinaiinisan nung
mga bata kami... may kalaro sya, ang pangalan ay BUCHOY este CROSS... err, ayaw sakin makipaglaro noon ni Lory
kasi gusto nya dun sa buchoy na yun makipaglaro... bweset. At nalaman ko din na crush na crush na rin pala ni Lory si
Cross noon kaya nga ayaw nyang magpakasal sakin noon pa man. Buseeet, buseeet. T_T
*BOINK*
"Oh, sorry!" sa kaka-fly back ko sa nakaraan ay hindi na ako nakatingin sa dinadaanan ko at hindi ko na namalayan na
may tumatakbo pala sa harapan ko na hindi rin nakatingin sa dinadaanan nya kaya naman, nagsalpukan kami.
Hindi ako natinag at nakatayo pa rin ako pero yung bumangga sakin napaupo sya, sa lakas siguro ng pagkakabunggo
sakin...
Pero nabigla ako ng makita ko kung sino ang nakalupasay sa may sahig at patuloy na umiiyak... "L-lory?"
Iniangat nya ang ulo nya sakin, nakita kong mula sa mga magaganda nyang asul na mata ay naglalabasan ang mga
luha, "C-Chad?"
"Uy bakit ka umiiyak?" lumuhod agad ako para lapitan sya at hawakan sa pisngi, pinunasan ko ng hinlalaki ko ang
magkabila nyang pisngi na basang basa na ng luha, "Sinong may gawa? Gugulpihin ko."
"Wala! Walang may gawa. Umalis ka na lang please."
"Ayoko nga." nakakainis naman eh, gusto kong umaktong HOT-KNIGHT-IN-SHING-ARMOR nya kaso naman
pinapalayas nya ako. Unfair. T_T
"Umalis ka na lang kasi eh!" inis na tinulak nya ako kaya napaurong naman ako pero lumapit lang uli ako sa kanya at
hinawakan sya sa kamay nya.
"Halika, tumayo ka dyan... Harang ka sa daan." I'm not trying to be harsh or insensitive pero harang naman talaga
kami sa daan eh. =__=
"Ayoko! Iwanan mo na nga lang sabi ako!" tapos hinigit nya yung kamay nyang hawak ko.
Tss. Ang tigas naman ng ulo nitong babaeng ito, kung hindi ko lang 'to mahal eh pinukpok ko na sa ulo ito. Ang tigas
tigas eh. =__=
Tumayo ako, iniisip kung papaano mapapaalis ito sa daan, "Hindi ka aalis dyan?"
"HINDI! Kaya umalis ka na! Leave me alone" humahagulgol pa dyan sya. Juskopo, gusto ko syang patahanin pero
paano ko sya papatahanin kung harang kami sa daan diba? Hindi naman pedeng magdrama scene kami dito sa gitna
ng daan lalo na't pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan, kung sa koreanovela pede yung nagdadrama sa may
gitna ng kalsada kahit may mga truck na pedeng sumagasa sayo anytime pero sa tunay na buhay na tulad nito ay
hindi uso ang dramahan sa gitna ng daanan ng mga tao. =__=
"Kung hindi ka aalis dyan, ako na lang ang mag-aalis sayo," lumuhod ako sa kanya at hinawakan sya sa may mga binti
at sa kanyang likod, binuhat ko sya in a way na parang 'bagong kasal'. Napi-picture nyo yung image? GOOD. :D
"H-HEY!" nagpupumiglas sya habang buhat buhat ko sya, "GET ME DOWN YOU BASTARD!"
"Get you down? Sige gusto mo bitawan na kita like right now? Yun nga lang, get ready ka lang masikat mabagsak sa
semento, baka mabasag bungo mo."
"EEK! NO!"
"Ayun naman pala eh, behave ka lang dyan at ibaba rin kita ng ayos pag nandun na tayo sa lugar na hindi tayo
nagiging harang." hindi na lang sya nagsalita habang buhat buhat ko sya at dinadala sa isang parte ng school na
walang masyadong tao. IUUWI KO NA 'TO SAMEN! Joke lang. XD
xxx-xxx
Eya's POV
"Bakit may popcorn ka pang dala?!" pagsita ko kay Cross.
"Eh masama ba? This will be quite a show, wag ka na nga lang maingay! Mabuti pang manuod at makinig na lang
tayo!"
"Eh paano mo nalamang andito sila?"
"Eh ano pa ba, information from Memo! Alam mo naman yun, may pagka-fishy ang personality! Andaming alam!"
"Oo nga eh, akalain mo yan? Sinakto nya rin ang labas ni Chad sa cake shop ng class nila at sinakto nya ring sa iisang
daan lang maglalakad si Chad at tatakbo si Lory!"
"Let's just hope na magwork out itong idea ni Memo."
"Siguro naman magwo-work out yun, basta kelangan lang ni Chad na ilabas yung nararamdaman nya at icomfort nya
ng maayos si Lory para mapansin din sya ni Lory sa wakas! Penge ngang popcorn!" sabay agaw ko dun sa popcorn
box ni Cross.
"Hoy akin yan!" inagaw nya pabalik yung popcorn.
"Andamot mo! Magtae ka sana!"
"Manahimik ka nga! Mahuli pa tayo dito ng hindi oras eh!"
Geez. Para kaming spies dito. =___=
entry---30.2
[Eya's POV]
"Tara, dalian mo!" mga 1minute pagkatakbo palayo ni Lory ay hinigit ako ni Cross
sa kamay, basta basta lang kami umalis ng marriage booth na sadyang nagpataka sa
mga tao dun. May humabol pa nga samin at sinabing "teka lang hindi pa tapos ang
kasal" pero hindi yun pinansin ni Cross at dali dali akong hinihigit sa hindi ko
alam kung saan. May narinig pa nga akong pahabol mula sa mga studyante dung
nakikinood ng fake ceremony, "Sus, excited masyado sa honeymoon."
HONEYMOON?! Kaderder lang ha. (~ç___ç)~
"Hoy abnormal! Bitawan mo nga kamay ko!" hinigit ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya at tumigil sa pagtakbo.
"Anoba bilisan mo ma-a-out of sight si Lory eh!"
"Ano hinahabol mo si Lory?! Saka teka lang ha, kung makakaladkad ka sakin para akong aso? Excuse me ha, tignan
mo naman kaya suot ko? Nakatakong akong sapatos! Ipukpok ko sayo 'to eh," sabi ko habang tinatanggal ang suot
kong de-takong na sapatos. Jusko ang sakit sa paa lalo na ng hinigit higit nya ako kanina na parang aso. ,(=_=),
"Oo! Kelangan natin makita ang next events na gagawin nya, tawagan mo na rin si
Chad!"
"Tawagan ko si Chad? Bakit naman?" <(~.^)>
"Bobo mo talaga noh! Eto na nga yung chance para mapansin ni Lory si Chad! Accdg to Memo palabas na si Chad in
this moment at may chances na magkasalubong sila ni Lory pero if ever hindi, tawagan mo sya para sure tayo. Sabi
kasi ni Memo, ang only way sa puso ng babae na hindi ka mapansin pansin ay i-comfort sya sa oras na nasasaktan
sya. Ayun yung best time para maipakita at maiparamdam mo sa kanya na mahalaga talaga sya sa puso mo." oh
ayan, accdg to Memo nanaman... si Memo ba writer nitong story na 'to o si Haveyouseenthisgirl? Sya na lahat
nagplano ng twists and turns dito eh. _| ̄|o
"O sige, teka lang... yung cellphone," kapa kapa sa bulsa... ayy... naka-wedding dress nga pala ako so bale wala
akong bulsa, "Eh... yung gamit ko naiwan natin dun sa marriage booth." v(*A*)v
"Tangengot naman nito oh! Para saan pa at binigyan kita ng cellphone? You're useless!"
"Hoy useless your face! Bakit?! Ikaw ba nasa iyo cellphone mo ngayon?" kumapa sya sa bulsa nya.
"Wala..." ('x')
"Ikaw din naman pala eh! Kapal kapal mong sabihing useless ako saka isa pa, may number ka ba naman ni Chad
kung sakaling may cellphone ka ngang dala?!" >(x-x)<
"Wala din, ayan masaya ka na?! Bakit wala ka bang number ng bestfriend mo?! Diba sabi mo bestfriend mo yun?!
Dapat may number ka!"
"Wala! Wala akong number nun, eh hindi naman ako mahilig gumamit ng cellphone eh."
"Tss!" >_<
"Tss!" >_<
"Eek! No!" narinig namin ang impit na sigaw ni Lory. Nagkatinginan kami ni Cross at nagmadaling lumapit sa
pinanggagalingan ng boses ni Lory. Syempre patago kaming pumunta dun sa place.
Sa likod ng isang booth, nakita namin si Chad na buhat buhat si Lory, "Ayun naman pala eh, behave ka lang at ibaba
rin kita ng ayos pag andun na tayo sa lugar na walang harang."
Buhat buhat ni Chad si Lory habang naglalakad sila sa isang hallway na wala ng masyadong tao, sumunod naman
kaming dalwa ni Cross. Para nga kaming tangang dalawa eh, alam nyo yung parang mga ninja na nagtatago sa every
bush na madadaanan? Tapos minsan pa-tiptoe pa kaming naglalakad para lang hindi mahuli. Ewan ko ba dito
kay Cross, nakahigit higit ng isang studyanteng nagbebenta ng Popcorn at bumili at sinabihan nya pa yung estudyante
na bukas na daw bayad at naiwan nya nga rin kasi sa marriage booth yung mga gamit nya including his wallet. Kapal
din ng mukha ng isang 'to eh, saka aanhin nya popcorn? Oo. malamang kakainin nya pero... at a time like this? Ano
sya manunuod ng sine? =_=
"Bakit may popcorn ka pang dala?" pagsita ko kay Cross habang nasa likod kami ng isang bush na hindi kalayuan sa
likod nina Chad at Lory na kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga benches malapit sa hallway na wala na masyadong
dumadaan na tao kasi nga nagsi-uwian na yung ibang estudyante. Bale halos nasa Central part na ng school ang
majority ng estudyante.
"Eh masama ba? This will be quite a show, wag ka na nga lang maingay! Mabuti pang manuod at makinig na lang
tayo!"
"Eh paano mo nalamang andito sila?"
"Eh ano pa ba, information from Memo! Alam mo naman yun, may pagka-fishy ang personality! Andaming alam!"
"Oo nga eh, akalain mo yan? Sinakto nya rin ang labas ni Chad sa cake shop ng class nila at sinakto nya ring sa iisang
daan lang maglalakad si Chad at tatakbo si Lory!"
"Let's just hope na magwork out itong idea ni Memo."
"Siguro naman magwo-work out yun, basta kelangan lang ni Chad na ilabas yung nararamdaman nya at icomfort nya
ng maayos si Lory para mapansin din sya ni Lory sa wakas! Penge ngang popcorn!" sabay agaw ko dun sa popcorn
box ni Cross.
"Hoy akin yan!" inagaw nya pabalik yung popcorn.
"Andamot mo! Magtae ka sana!"
"Manahimik ka nga! Mahuli pa tayo dito ng hindi oras eh!" para kaming mga spies dito! Sana lang talaga itong plano ni
Memo magwork out... pero sabagay, yung isdang Memo na yun napakafishy talaga... andaming alam sa mundo na
para bang kung anong gusto nya ayun dapat mangyayari... as in, parang kaya nyang magcontrol at magmanipulate ng
mga pangyayari diba? Ang fishy fishy talaga ng character nun. Hmmm. (--.)??
xxx-xx
"Bakit ka umiiyak? Ano ba nangyari?" nagsimula ng magtanong si Chad, kelangan tasahan ko tenga ko para marinig
ko ng ayos ang usapan. (ʘ‿ʘ)
"It's none of your business!" pagtataray nya kay Chad. Does she really hate him to the bones? (ಠ_ಠ)
"Yes it is!" persistent si Chad. Go Chad, go bestfriend! You can do it! Kahit gaano ka nya ipush down, don't give up!
The feeling's always greater than the pain, prove it! ヽ(´▽')/
"How so?!" ( ̄ヘ ̄ )
"Eh... you're my fiance eh..."
"Stop f.ucking with me ok?! I just said 'yes' to that f.ucking proposal because 'twas like I can do anything about it!
Whatever I do, I'd have to marry you! But atleast before marrying someone I don't like," tumungo si Lory at nanlumo
yung boses nya, pero ouch yun ha? 'Before marrying someone she doesn't like' yun pa talaga sinabi nya, paano
naman si Chad? T_T "I wish I'd get the chance to be loved back by the real person that I like."
Eh kung si Chad na lang kasi mahalin mo, mamahalin ka naman nya pabalik eh! Ang tao bakit parang ewan?
Nagpapakapagod maghabol sa taong tinatakbuhan naman sila pero yung taong naghahabol sa kanila ay tinatakbuhan
naman nila? Jusko, buti hindi ako tao. ┐('~';)┌
"It's Cross, isn't it?" tumango lang si Lory habang tumutulo pa rin ang mga luha nito.
"Patay ka, pinaiyak mo!" pabulong na pangaasar ko with serious expression kay Cross with matching index finger pa.
:D
"Leche! Manahimik ka nga!" binato nya ako ng popcorn. Leche din sya. (¬_¬)
"Anong ginawa nya sayo? Sya ba nagpaiyak sayo?"
Hindi umimik si Lory sa mga tanong ni Chad.
"Lory, please..." hinawakan bigla ni Chad ang mga balikat ni Lory at tumungo ito, "Please confide everything to me.
Please forget your hatred to me even just this once. Don't you know how hard it is to see the girl you love crying and
you have the urge to wipe her tears away but she just won't let you to?"
"Please Lory, you can treat me like a tissue right now. Go ahead, feel free to use me to wipe your tears or even blow
your nose, I don't care if you throw me in the thrashcan after using me. What matter is I'd be useful to you... So please,
I beg you... Confide everything to me, use me... I'd be your tissue paper..."
Napanganga ako sa mga sinabi ni Chad at sa tingin ko ay ganun din si Cross kaya hindi man lang nya namalayan na
nakakuha na ako ng popcorn sa kanya. Award winning ka, Chad. You deserve a clap. *Iyak* (ಥ_ಥ)
"I saw them," after some minutes of silence ay pare-parehas kaming nagitla sa pagsasalita ni Lory, "I saw them in the
marriage booth..."
Yikes! Kami na ata tinutukoy ni Lory. (e.e)
"Who?"
"Cross and my bestfriend, Eya."
"Marriage booth?!" O_O
"Yeah, I did not see that one coming. Cross told me that he's in a relationship with Eya but I never believed it. I thought
it was just some sort of scam and the likes but what I saw awhile ago has proven me that they're really in a
relationship. Even it was just a fake marriage, the kiss would not deny it all."
"They kissed?!" (ʘ___ʘ)
"Yes, I had the back view but I'm certain that it was a kiss." kiss in the nose po! Geez. Bakit pag naaalala ko yung 'kiss'
eh nangangatal ako at feeling ko naghi-heat up ako? Ayy pakshett na isipan 'to oh. _|¯¯|O
"So yeah... I don't want to narrate anymore.. There, you heard it. So tell me... can you do something to ease the
pain?!" naging hysterical nanaman si Lory, sinisigawan nya na si Chad, "If not, just go away! Get out of my face!"
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Chad, he hugs Lory that surprises her as well kaya napatigil sya
sa pagsigaw, "If only hugging you like this will take away your pain... I'd be more than willing to hug you whenever you
are sad, whenever you are hurt, whenever you are crying... until whenever you need me. "
Ewan ko, kinikilig ako sa mga sinabi ni Chad. Alam nyo yung feeling na para kang nanunuod ng telenovela sa harap
mo? Oo, yun yung feeling! Kaya naman sa kilig ko, hindi ko na namamalayan na hinihigit ko na pala ang sleeve ng
damit ni Cross!
"Hoy ano ba, yung damit ko!" he hisses as he removes my hand from his sleeve.
"Eeeeeee! Ano ba, ang sweet sweet ni Chad eh!" >___<
"Psh." yun lang sinabi ni Cross at kumain na lang ng popcorn. Heartless, emotionless autistic monster. =__=
"Let me go, Chad... Let go... please let go..." nung una tinutulak ni Lory si Chad pero yung tulak nya pahina ng pahina
hanggang sa dumantay na lang yung mga kamay nya sa dibdib ni Chad at umiyak dun.
"Even if you hurt me a lot of times, ignore me everyday, push me away... I'd never let you go, I'd hold on... Hindi ako
nagpakatanga hanggang sa point na 'to Lory para lang bumitaw sa huli... Don't hate me, I don't remember doing
anything for you to despise me this much... If falling inlove with you is the reason you're pushing me away this much, I
won't ask apology... Falling inlove is no one's fault... The only thing I'm sorry for is we met in a very unpleasant
situation, our parent's were very crude to set us up in an arranged marriage... I know it's hard for you, I know you
wouldn't prefer being dictated when it comes to the guy you'll marry... Don't worry, I have annulled the engangement..."
Hindi lang si Lory ang natigagal sa sinabi ni Chad... Pati ako at si Cross... yung isusubo pa nga lang ni Cross na
popcorn sa bibig nya ay nalaglag dahil sa pagkabigla...
Kinancel nya na yung engangement? HANU DAW? JOKE BA SYA? (ʘ_______ʘ)
Entry --- 30.3
"Don't worry, I have annulled the engangement..."
HUWAAAA. Hindeeeeeeeeee! ((~( OoO)~))
Silence... silence... Hindi din nakaimik si Lory, nabigla din sa sinabi ni Chad...
"AAaack!!" mahinang sabi ni Cross kasi sinasakal ko na sya pero hindi naman mahigpit pero sinasakal ko pa rin sya.
:D
"Anoba!" mahinang pagsita nya sa pagalis ng kamay ko sa leeg nya.
"Huy abnormal kid, hindi ako makapaniwala... bakit ini-annul ni Chad yung engangement? Bakitttt???" (。_。)
"Malay ko, kung makasakal ka kala mo ikaw nagbabayad ng insurance ko." >(#`皿´)<
"You annulled the engangement?" sa wakas nagawa ring makapagsalita ni Lory mula sa shock!
"Ehh..." ayan na ie-explain na ni Chad yung real deal, kung bakit nya ini-annul and the details... Wide open na ang