-
Ministry of Health, Labour and Welfare Hello Work
Bersyon ng Hulyo 2020
タガログ語 / Tagalog
Checklist ng Hello Work para sa mga Dayuhan
Ito ay isang paunawa mula sa pamahalaan ng Hapon. Mahalaga ito,
kaya siguraduhing alamin ang mga sumusunod.
Mga dapat alamin P Alamin kung paano ka mag reresign (o
nag-resign) sa kumpanya.
① Depende kung paano ka mag-reresign (o nag-resign) sa kumpanya,
dapat sundin
ng kumpanya ang iba't ibang patakaran. Alam mo ba ito?
1
② Kung ikaw ay may anumang alalahanin, kumunsulta sa opisyal ng
gobyerno. 2
③ Kung nag-resign ka sa kumpanya, maaaring kailangan mong gawin
kaagad ang
mga pamamaraan kaagad. Alam mo ba ito?
3
Pumunta sa Hello Work
④ Ang Hello Work ay kung saan tutulungan ka ng mga opisyal ng
gobyerno na
humanap ng bagong trabaho. Alam mo ba ito?
5
⑤ Kung naubusan ka ng trabaho o hindi ka makahanap ng trabaho
pagkatapos mag-
resign sa kumpanya, maaari kang makatanggap ng pera mula sa
“Employment Insurance” upang makahanap ng bagong trabaho nang hindi
nag-aalala sa iyong pamumuhay. Alam mo ba ito?
6
⑥ Ang mga taong hindi kaagad makakapagtrabaho ay maaaring
makatanggap ng
pera mula sa “Employment Insurance” pagkatapos nilang
makapagtrabaho. Alam mo ba ito?
9
Humanap ng bagong trabaho
⑦ Depende sa iyong katayuan sa paninirahan, ang trabaho na
maaari mong gawin ay
naiiba. Alam mo ba ito?
12
⑧ Humanap ng kumpanya na nais mong pagtrabahuan sa Hello Work.
13
⑨ Mag-apply sa kumpanya na nais mong pagtrabahuan at tumanggap
ng panayam. 15
⑩ Kapag napagpasyahan na ang trabaho nang maaga, maaaring
makakuha ng pera
mula sa “Employment Insurance.”
16
Kapag napagpasyahan na na ikaw ay hired, mangyaring gawin ang
mga pamamaraan.
⑪ Mangyaring kumpirmahin ang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa
bagong
kumpanya.
17
⑫ Mangyaring gawin ang mga pamamaraan para sa katayuan sa
paninirahan. 17
⑬ Kapag magsisimula na sa trabaho, kailangan gawin ang iba pang
pamamaraan.
Alam mo ba ito?
19
~Para sa mga nagbabalak mag-resign sa kumpanya/nag-resign sa
kumpanya at
naghahanap ng trabaho~
STEP
1
STEP
4
STEP
2
STEP
3
-
1
Hindi ka dapat tratuhin ng iyong kumpanya ng mas masahol pa
kaysa sa Hapon dahil ikaw ay isang dayuhan.
Hindi ka mapipigilan mag-resign nang walang dahilan ng kumpanya.
Dapat nilang sundin ang parehong patakaran ng kung nais nilang
mag-resign ang isang Hapon, kung nais ng kumpanya na mag-resign
ka.
Lagdaan ang iyong resignation notice pagkatapos mong makasundo
ang kumpanya sa “bakit ka mag-reresign sa kumpanya?”
Kapag inutos na “mag-resign sa kumpanya”
Kung walang malinaw na dahilan kung bakit ikaw ay pinapa-resign,
hindi ka maaaring utusan ng kumpanya na mag-resign sa kumpanya.
Gayundin, hindi ka maaaring utusan ng kumpanya na “mag-resign sa
kumpanya” sa susunod na panahon.
⚫ Sa panahon at 30 araw pagkatapos magpahinga dahil sa injury sa
trabaho o sakit ⚫ Sa panahon at 30 araw pagakatapos ng leave bago
at pagkatapos ng panganganak
Sasabihin sa iyo ng kumpanyang nag utos na ipapa-resign ka ng 30
araw o higit pa bago ang araw ng pag-resign. Kung kulang ang 30
araw, babayaran ka ng ganung halaga ng pera.
Kapag natapos ang kontrata
Dapat sabihin ng kumpanya na “hindi mag-rerenew ng kontrata” 30
araw bago matapos ang kontrata, kapag hindi i-rerenew ang kontrata
pagkatapos matapos ng kontrata sa isang taong nakakontrata ng 3
beses o higit pa o nagtatrabaho ng 1 taon o higit pa.
Ang mga nagpapatuloy na magtrabaho sa parehong lugar kahit
natapos na ang kontrata ay i-rerenew ang kontrata. Dapat i-renew ng
kumpanya ang kontrata sa isang taong nakakontrata ng maraming beses
at patuloy na nagtatrabaho sa kumpanya kung walang rason.
1
2
1
2
Alamin kung paano ka mag-reresign (o nag-resign) sa
kumpanya. 1
① Depende kung paano ka mag reresign (o nag-resign) sa kumpanya,
dapat sundin ng kumpanya ang iba't ibang patakaran. Alam mo ba
ito?
-
2
Kapag mag-reresign ka ng iyong sarili
⚫ Sabihin sa kumpanya at sa mga tao sa itaas na “nais kong
mag-resign sa kumpanya” hanggang sa araw na napagpasyahan (2 linggo
bago kung hindi napagpasyahan) sa ilalim ng “Mga patakaran sa
pagtatrabaho (patakaran ng kumpanya).”
⚫ Para sa mga nagtatrabaho sa tiyak na panahon sa kontrata,
hindi maaaring mag-resign sa gitna ng kontrata. Kumunsulta sa
kumpanya kung mayroong espesyal na dahilan.
⚫ Kung inutusan ka ng kumpanya na "mag-resign sa kumpanya,"
ngunit hindi mo naiintindihan ang mga patakaran ng kumpanya, o kung
nagtrabaho ka ngunit hindi nakatanggap ng sweldo, kumunsulta muna
sa pambansang “Panukulan ng Konsultasyon para sa mga Dayuhang
Manggagawa” o Labour Standards Inspection Office. Kung ang kumpanya
ay naubusan ng pera at nalugi, mayroong sistema kung saan
magbabayad ang gobyerno sa ngalan ng kumpanya ang bahagi ng sweldo
na hindi nabayaran.
⚫ Maaari kang kumunsulta tungkol sa mga sumusunod sa Labour
Standards Inspection Office.
⚫ Mga kondisyon sa pagtatrabaho (pangako kapag nagtrabaho tulad
ng sweldo, oras ng pagtatrabaho, nilalaman ng trabaho, atbp.)
⚫ Paano makakakuha ng “leave allowance (*1)?”
⚫ Paano gagamitin ang “taunang bayad na leave (*2)?” ⚫ Mga
patakaran na dapat sundin ng kumpanya kung nais mag-resign ng
empleyado na mag-resign.
*1 Responsibilidad ng kumpanya na bayaran ka ng pera kapag
sinabi nito sa iyo na “kumuha ka ng day off.”
*2 Kung gagamitin mo ito kapag nais mong kumuha ng day off sa
kumpanya, ito ay isang day off na makakatanggap ka
ng sweldo kahit hindi pumasok.
Kapag nais mong kumunsulta tungkol sa kondisyon sa
pagtatrabaho
https://www.check-roudou.mhlw.go.jp/soudan/foreigner_eng.html
② Kung ikaw ay may anumang alalahanin, kumunsulta sa opisyal ng
gobyerno.
-
3
Kung mag-reresign ka sa kumpanya, tandaan ang mga sumusunod.
Abiso sa Immigration Bureau (Regional Immigration Services
Bureau)
Kung ang iyong katayuan sa paninirahan ay ang nasa ❷ at ❹ ng
p12~ (mga taong ang katayuan sa paninirahan ay natutukoy depende
kung ano ang nilalaman ng trabaho), ipaalam sa Immigration Bureau
sa pamamagitan ng “abiso tungkol sa kaakibat na institusyon” sa
loob ng 14 araw mula sa pag-resign sa kumpanya.
Mga pamamaraan sa Employment Insurance
Kapag ikaw ay sakop ng “Employment Insurance,” maaaring
makatanggap ng pera para sa paghahanap ng trabaho. Kumunsulta sa
Hello Work. (p6 para sa mga detalye)
Mga pamamaraan sa Health Insurance
Kapag nagtrabaho sa kumpanya na sakop ng Health Insurance Kung
mag-reresign ka sa kumpanya, mawawalan ka ng kwalipikasyon para sa
Health Insurance ng kumpanya na iyong dating pinasukan. Mangyaring
ibalik ang iyong “Health Insurance Certificate (Insurance
Certificate)” sa tao sa kumpanya. Kung ikaw ay hindi na kwalipikado
para sa Health Insurance ng kumpanya, kailangan mong mag-enroll sa
pambansang Health Insurance sa munisipalidad kung saan ka nakatira.
Mangyaring magtanong sa tanggapan ng munisipalidad kung saan ka
nakatira.
Gayundin, sa kasong involuntary unemployment (kung nawalan ng
trabaho dahil sa pagkalugi o pagpapaalis, atbp.), maaaring
mabawasan ang insurance premiums (buwis) kapag nag-apply.
Mangyaring kumunsulta sa tanggapan ng munisipalidad kung saan ka
nakatira.
Bilang karagdagan, kung ang panahon na ikaw ay nakaseguro ng
Health Insurance (panahon na nagtrabaho sa kumpanya kung saan
nag-resign ka) ay 2 buwan o higit pa na magkasunod, maaari kang
magpatuloy na mag-enroll sa Health Insurance ng parehong kumpanya
tulad ng dati (sistema ng boluntaryong pagpapatuloy na nakaseguro).
Sa kasong iyon, dapat mong gawin ang mga pamamaraan sa loob ng 21
araw mula sa araw na nag-resign sa kumpanya. Mangyaring tanungin
ang tagaseguro ng Health Insurance kung saan ikaw ay dating
naka-enroll tungkol sa paano gawin ang mga pamamaraan (malalaman mo
sino ang tagaseguro kapag tinanong mo ang kumpanya).
Website at leaflet ng National Health Insurance Association
(sistema ng boluntaryong pagpapatuloy na nakaseguro)
https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g3/cat320/sb3180/
https://www.kyoukaikenpo.or.jp/g3/cat320/sb3180/1979-62524/
1
③ Kung nag-resign ka sa kumpanya, maaaring kailangan mong gawin
kaagad ang mga
pamamaraan kaagad. Alam mo ba ito?
-
4
Kapag enrolled sa pambansang Health Insurance ng munisipalidad
kung saan ka nakatira (hindi ang Health Insurance ng kumpanya)
Kahit mag-resign sa kumpanya, magpapatuloy kang enrolled sa
parehong Health Insurance tulad ng dati. Walang kinakailangan na
pamamaraan.
Pamamaraan ng pensiyon
Kapag nagtrabaho sa kumpanya na sakop ng Employees’ Pension
Insurance Kung mag-reresign ka sa kumpanya, mawawalan ka ng
kwalipikasyon para sa Employees’ Pension Insurance ng kumpanya na
iyong dating pinasukan. Ang mga mas bata pa sa 60 taong gulang ay
napapasok sa bagong “Pambansang Pensiyon.” Mag-apply sa tanggapan
ng munisipalidad kung saan ka nakatira.
Kapag enrolled sa pambansang pensiyon ng munisipalidad kung saan
ka nakatira (hindi sa kumpanya) Mananatiling pareho kahit
mag-resign ka sa kumpanya. Walang kinakailangan na pamamaraan.
Website at leaflet ng Japan Pension Service (pamamaraan kapag
lumipat o nag-resign sa trabaho)
https://www.nenkin.go.jp/service/kokunen/kanyu/
20121003.html
https://www.nenkin.go.jp/service/pamphlet/
seido-shikumi.html
2
1
2
-
5
Maaaring matanggap ang lahat ng sumusunod na serbisyo nang libre
sa tanggapan ng konsultasyon sa pagtatrabaho ng Hello Work.
Nagbibigay kami ng iba’t ibang konsultasyon tungkol sa
pagtatrabaho. Una sa lahat, kumunsulta sa tanggapan tungkol sa
anumang bagay.
(sa p13)
Ang Hello Work ay mayroong maraming impormasyon sa pangangalap
("impormasyon sa pangangalap"...impormasyon ng kumpanya na nais ng
manggagawa). Ang impormasyon sa pangangalap ay maaaring makita sa
computer ng Hello Work. Maaari din makita ang impormasyon sa
pangangalap na lumalabas sa ibang Hello Work. Maaari din makita
mula sa smartphone. Kung ang iyong mga nais ay naiiba sa mga nais
ng kumpanya, maaaring iparating ng Hello Work ang iyong nais sa
kumpanya.
(sa p15)
Kapag nakahanap ka ng kumpanya na nais mong pagtrabahuan,
pumunta sa tanggapan. Bibigyan ka ng mga payo tungkol sa kumpanya
at puntos sa pangangalap. Gayundin, tatawagan ng tauhan namin ang
tao sa kumpanya upang maaari kang makipagpanayam sa tao sa
kumpanya, at ibibigay ka ng “letter of introduction.”
(sa p15)
Ang Hello Work at nagbibigay din ng patnubay sa pagwawasto ng
mga dokumento sa aplikasyon tulad ng curriculum vitae at resume,
mga payo sa asal at pag-uugali sa pakikipanayam, mock interview at
seminar.
Bilang karagdagan, nagbibigay kami ng iba’t ibang serbisyo sa
bawat Hello Work. Para sa listahan at nilalaman ng mga serbisyo,
tanungin ang Hello Work na malapit sa iyong bahay.
Dito para sa Hello Work na malapit sa iyong bahay
https://www.mhlw.go.jp/content/000637894.pdf
Dito para sa Hello Work na may interpreter
https://www.mhlw.go.jp/content/000592865.pdf
Pumunta sa Hello Work. 2
④ Ang Hello Work ay kung saan tutulungan ka ng mga opisyal ng
gobyerno na humanap ng
bagong trabaho. Alam mo ba ito?
1 Konsultasyon sa trabaho
2 Humanap ng kumpanyang nais mong pagtrabahuan
3 Pagpapakilala sa kumpanyan na nais mong pagtrabahuan
4 Suporta sa paghahanap ng trabaho
-
6
Ang “Employment Insurance” ay isang seguro para kapag naubusan
ka ng trabaho o hindi ka makahanap ng trabaho pagkatapos mag-resign
sa kumpanya. Magbibigay ng pera mula sa segurong ito upang
makahanap ka ng bagong trabaho nang hindi nag-aalala sa iyong
pamumuhay.
Ang pamamaraan para makakuha ng “Employment Insurance” ay ang
mga sumusunod.
Kung mayroon kang “Employment Insurance Card” (*1), at natugunan
mo ang mga kinakailangan sa
(tingnan ang p7), ikaw ay karapat-dapat makatanggap ng pera mula
sa “Employment Insurance” (*2).
(*1) Kung ikaw ay nagtatrabaho ng 20 oras o higit pa sa 1
linggo, o nagtatrabaho ng 31 araw o higit pa, karaniwang
maaari kang makatanggap nito mula sa kumpanya. Kung wala ka
nito, mangyaring kumpirmahin sa kumpanya. Kung sa palagay mo ay
hindi nagawa ng kumpanya mo ang pamamaraan nang hindi sinasadya,
maaari kang kumunsulta sa Hello Work.
(*2) Ang mga nagtatrabaho ng mas mababa sa 20 oras sa 1 linggo
sa kanilang dating trabaho, o mga internasyonal na
mag-aaral na nag-aaral bilang day student, atbp ay hindi saklaw
nito.
Kung saklaw ka ng “Employment Insurance,” sasabihin sa iyo ng
kumpanya na tatakan o lagdaan ang “Sertipiko sa pag-alis sa
trabaho.” Mangyaring kumpirmahin ng maigi ang halaga ng sweldo at
kung tama
ba ang dahilan ba’t ka nag-resign sa kumpanya ( sa p10) sa
“Sertipiko sa pag-alis sa trabaho.”
Kapag ikaw ay “pansamantalang empleyado (nakakontrata sa
pansamantalang ahensya at nagtatrabaho sa ibang kumpanya Kapag
mag-reresign ka sa pansamantalang kumpanya, hindi kapag natapos ang
kontrata sa pagitan ng pansamantalang ahensya at kumpanyang
pinagtatrabahuan mo, sasabihin sa iyo ng “pansamantalang ahensya”
na “tatakan o lagdaan ang “Sertipiko ng pag-alis sa trabaho.””
Mangyaring kumpirmahin kung tama ba ang dahilan ba’t ka nag-reign
sa “pansamantalang ahensya.”
Kapag nagsumite ang kumpanya ng “Sertipiko sa pag-alis sa
trabaho” sa Hello Work, ang Hello Work ay magbibigay ng “Separation
Notice para sa nakaseguro ng Employment Insurance” (tinatawag na
“Job Sepration Notice – 1” at “Job Separation Notice – 2”). Ang
kumpanya ang magbibigay ng “Job Separation Notice – 1” at “Job
Separation Notice – 2” na ito sa iyo. Mangyaring kumpirmahin muli
kung tama ang halaga
ng sweldo at ang dahilan ba’t ka nag-resign sa kumpanya ( sa
p10). Kung may mali, sabihin sa kumpanya
at hilingin na wastuhin ito. Kapag hindi ito winasto ng
kumpanya, mangyaring kumunsulta sa Hello Work. Gayundin, kung hindi
ka binigyan ng Job Separation Notice ng kumpanya, tanungin ang
Hello Work.
Ang Job Separation Notice – 1 at Job Separation Notice – 2 ay
ganito.
https:// www.hellowork.mhlw.go.jp/doc/info_1_e2_01.pdf
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/doc/info_1_e7_01.pdf
1 5
2
?
3
?
⑤ Kung naubusan ka ng trabaho o hindi ka makahanap ng trabaho
pagkatapos mag-resign
sa kumpanya, maaari kang makatanggap ng pera mula sa “Employment
Insurance” upang makahanap ng bagong trabaho nang hindi nag-aalala
sa iyong pamumuhay. Alam mo ba ito?
-
7
Para sa mga makakapagtrabaho kaagad, mangyaring gawin ang mga
pamamaraan ng pagkilala na kwalipikadong tumanggap ng benepisyo
(ang Hello Work ang magpapasya kung bibigyan ka ng pera o hindi).
(Sa p9 para sa mga hindi makakapagtrabaho kaagad) Mangyaring gawing
kaagad ang mga pamamaraan pagkatapos mag-resign sa kumpanya. Ang
panahon na makakatanggap ng pera ay limitado sa 1 taon mula sa araw
kasunod ng pag-resign sa kumpanya. Kung huli na nung dumating ka sa
Hello Work, mababawasan ang halaga na iyong matatanggap. Kung
nag-resign ka sa kumpanya at lumipas ang 1 taon, wala kang
matatanggap na pera kahit na dumating ka sa Hello Work.
Bilang pangkalahatang tuntunin, upang makatanggap ng pera,
kailangan may panahon na nakaseguro (panahon na enrolled sa
Employment Insurance) na 12 buwan o higit pa sa loob ng 2 taon bago
ang araw na nag-resign sa kumpanya. Gayunpaman, sa mga sumusunod na
kaso, sapat na ang panahon na nakaseguro ng 6 buwan o higit pa sa
loob ng 1 taon bago ang araw ng nag-resign sa kumpanya.
⚫ Kung nag-resign sa kumpanya dahil sa pagkalugi o pagpapaalis
(Partikular na kwalipikadong
tumanggap ng benepisyo ( sa P10)) ⚫ Kung umalis sa trabaho dahil
sa iba pang hindi maiiwasang kadahilanan tulad ng hindi pag
renew
ng kontra sa pagtatrabaho na may nakapirming panahon (Umalis sa
trabaho na may partikular
na dahilan ( sa P10))
4
5
?
?
(Halimbawa) Kung ikaw ay nahuli sa paggawa ng mga pamamaraan
kahit ikaw ay orihinal na makakatanggap ng pera ng “150 araw,”
maaari ka lamang makatanggap ng per amula sa araw ng pagpapasya
hanggang sa 1 taon pagkatapos ng araw kasunod na nag-resign ka sa
kumpanya.
Panahon ng pagtanggap ng benepisyo (1 taon)
Hindi makakatanggap ng kabayaran
Panahon ng
paghihintay (7 araw)
Paghihigpit ng benepisyo (3 buwan)
Pagbabayad ng 120 araw
30 araw
Araw kasunod ng araw ng pag-alis sa trabaho
Araw ng pagkilala na kwalipikadong tumanggap ng benepisyo
Araw ng pagtapos ng panahon ng pagtanggap ng benepisyo
-
8
Gamit ang mga sumusunod na dokumento, mangyaring pumunta sa
Hello Work na malapit sa iyong bahay at mag-apply para sa
paghahanap ng bagong trabaho. (Para sa aplikasyon sa paghahanap ng
trabaho, sa p13) Titingnan namin ang mga dokumentong iyong
isinumite at kukumpirmahin/tutukuyin ng Hello Work ang iyong
kwalipikasyon na tumanggap ng benepisyo.
[Ano ang dadalhin sa Hello Work]
1. Job Separation Notice - 1 mula sa kumpanya(Mangyaring ikaw
mismo ang sumulat ng iyong pangalan, numero ng bank account,
atbp.)
2. Job Separation Notice - 2 3. My Number Card
*Kung walang My Number Card ① Sertipiko ng mga aytem na nakasaad
sa Resident Register na may Notification card ng My
Number at My Number ② Mga materyales na nagpapatunay ng iyong
pagkakakilanlan na may larawan tulad ng
Residence Card, passport, atbp. 4. Seal (Selyo lamang. Maliban
sa stamp) 5. 2 pirasong larawan (Pinakabagong larawan, Harapan at
itaas na bahagi ng katawan, patayo 3.0
cm×pahalang 2.5 cm) 6. Bank passbook o cash card (Bagay na
nakasulat ang iyong pangalan)
Kapag makakakuha ng pera, sumali sa “Employment Insurance
Briefing Session” sa Hello Work. Dito matatanggap ang sertipiko na
makakatanggap ng pera (“Employment Insurance Qualified Recipient's
Identification Card”), atbp, Gayundin, ipapaliwanag ng mga tauhan
ang mga kasunod na pamamaraan.
Ang Employment Insurance Qualified
Recipient's Identification Card ay ganito.
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/doc/info_1_e5_02.pdf
Gumamit ng Hello Work o probadong ahensya sa pangangala, at
maghanap ng trabaho (aktibidad sa paghahanap ng trabaho). Bilang
pangkalahatang tuntunin, pumunta sa Hello Work 1 beses bawat 4 na
linggo, sumulat ng “Application for Recognition of Unemployment,”
at iulat sa mga tauhan ang katayuan ng mga aktibidad sa paghahanap
ng trabaho(*). Kung kinilala na unemployed (walang trabaho),
idedeposito sa iyong bank account ang pera sa 1 linggo. Naiiba ang
halaga at kailan ibibigay depende sa dahilan ng pag-resign,
atbp.
(*) Upang makatanggap ng pera, kailangan ng aktibidad na
kinilala bilang “record ng mga aktibidad sa paghahanap ng trabaho”
na 2 beses o higit pa sa loob ng 4 na linggo. Ang mga pangunahing
aktibidad na kinilala bilang “record ng mga aktibidad sa paghahanap
ng trabaho” ay ang mga sumusunod.
⚫ Mag-aapply para sa kumpanya ⚫ Kumunsulta sa Hello Work o
pribadong ahensya sa pangangalap, o pagpapakilala sa kumpanya ⚫
Kumuha ng seminar na isinagawa ng Hello Work o pribadong ahensya sa
pangangalap ⚫ Sumali sa briefing session ng kumpanya ⚫ Kumuha ng
mga pagsusulit para sa kwalipikasyon, atbp.
6
7
8
-
9
Application for Recognition of Unemployment ay ganito.
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/doc/info_1_e4_01.pdf
*Para sa mga makakapagtrabaho kaagad, sa p6. Mangyaring gawin
kaagad ang mga pamamaraan.
Ang mga nag-resign sa kumpanya at hindi kaagad makakapagtrabaho
ay maaaring makatanggap ng pera mula sa “Employment Insurance.”
Halimbawa, ang mga sumusunod na tao ay dapat pumunta kaagad sa
Hello Work pagkatapos ng 31 araw mula sa pag-resign sa kumpanya, at
“mag-apply para sa extension ng panahon ng pagtanggap ng
benepisyo.”
① Hindi makakapagtrabaho dahil sa sakit o injury
② Hindi makakapagtrabaho dahil sa pagbubuntis, panganganak,
pangangalaga ng anak (limitado sa mababa sa 3 taong gulang)
(kabilang ang mga paggamot sa pagkabaog)
③ Hindi makakpagtrabaho dahil sa pangangalaga ng kamag-anak
④ Umalis sa trabaho dahil sa pagretiro sa edad na 60 taong
gulang o higit pa at magpapahinga ng sandali
Kapag ginawa mo ang aplikasyon na ito, maaari kang
makapagtrabaho at makatanggap ng pera kapag nagsimula ka sa
paghahanap ng trabaho.
1
2
⑥ Ang mga taong hindi kaagad makakapagtrabaho ay maaaring
makatanggap ng pera mula
sa “Employment Insurance” pagkatapos nilang makapagtrabaho. Alam
mo ba ito?
-
10
Ipapakilala naming ang mga pangunahing dahilan bakit ka
nag-resign sa kumpanya.
① Pagpapaalis Kapag inutusan ka na “mag-resign” dahil sa mga
kadahilanan ng kumpanya
② Pagkalugi Kapag bumagsak ang kumpanya at mawawala, kaya’t
napagpasyahan na mag-resign
③ Pagrekrut ng boluntaryong pagretiro o
hinikayat na mag-resign sa pammagitan ng trabaho mula sa may-ari
ng negosyo
Kapag tinanong ng kumpanya na “Gusto mo bang mag-resign?” at
sumagot ka ng “Oo”
④ Hininto ang kontrata dahil sa mga
kondisyon ng kumpanya (3 taon o higit pa)
Kapag nag-renew ng kontrata na may nakapirming panahon ng
maraming beses at nagtrabaho sa parehong kumpanya ng 3 taon o higit
pa, ngunit dahil sa kumpanya, hindi kaagad na-renew nung natapos
ang panahon ng kontrata
⑤ Hininto ang kontrata dahil sa mga
kondisyon ng kumpanya (mababa sa 3 taon)
Kapag ang panahon na nagtatrabaho sa parehong kumpanya ay mas
mababa sa 3 taon sa kontrata na may takdang panahon, at kapag nais
mo ma-renew, ngunit hindi na-renew
⑥ Nag-resign dahil sa personal na
kadahilanan na may wastong dahilan
Kapag nag-resign ka sa iyong kahilingan dahil sa hindi
maiiwasang kadahilanan tulad ng sakit, injury, pagbubuntis,
pangangalaga ng anak, pangangalaga ng pamilya, atbp.
⑦ Pagtatapos ng panahon ng iba pang
kontrata
Kapag alam mon a hindi magkakaroon ng susunod na renewal sa
kontrata na may takdang panahon at hindi na-renew
⑧ Pagreretiro Kapag naabot na ang edad kung kalian napagpasyahan
na “kapag nagging ○○ taong gulang, mag-reresign sa kumpanya
⑨ Disciplinary discharge Kapag inutusan na “mag-resign” sa
kumpanya dahil saiyong hindi magandang nagawa tulad ng pagtanggap
ng mga disiplinaryong mga hakbang
⑩ Nag-resign dahil sa personal na
kadahilanan na walang wastong dahilan
Kapag mag-reresign ka sa kumpanya dahil gusto mo
Ano ang “Partikular na Kwalipikadong Tumanggap ng Benepisyo” at
“Umalis sa Trabaho na may Partikular na Dahilan?”
■Partikular na Kwalipikadong Tumanggap ng Benepisyo・・・Mga taong
pinilit umalis sa trabaho dahil sa
pagkalugi, pagpapaalis, atbp nang walang oras upang maghanda
para asa muling pagtatrabaho (①~④ na mga tao na nabanggit sa
itaas)
■Ang Umalis sa Trabaho na may Partikular na Dahilan ay, maliban
sa mga Partikular na Kwalipikadong
Tumanggap ng Benepisyo, ito ay ang mga taong umalis sa trabaho
dahil sa mga iba pang kadahilanan tulad ng hindi pag-renew ng
kontrata sa pagtatrabaho na may takdan panahon (⑤, ⑥ na mga tao na
nabanggit sa itaas)
Pagtukoy kung naaangkop sa “Partikular na Kwalipikadong
Tumanggap ng Benepisyo” o “Umalis sa Trabaho na may Partikular na
Dahilan”
Ang Hello Work ang magpapasya kung ikaw ay naaangkop sa
Partikular na Kwalipikadong Tumanggap ng Benepisyo o Umalis sa
Trabaho na may Partikular na Dahilan. Dapat kang magsumite ng mga
materyales na nagpapatunay na ang kadahilanan na nag-resign ka sa
kumpanya ay tama. Kung ang “dahilan kaya ka nag-resign” sa palagay
ng kumpanya ay naiiba sa sinabi mo, titingnan ng Hello Work ang
parehong mga materyales mula sa iyo at mula sa kumpanya, at
pagpapasyahan ang dahilan na nag-resign.
? Ano ang Partikular na Kwalipikadong Tumanggap ng Benepisyo at
Umalis sa Trabaho na may Partikular na Dahilan /mangyaring
kumpirmahin ang dahilan na nag-resign sa kumpanya
-
11
Umalis sa trabaho
Aplikasyon sa paghahanap ng trabaho at
pagkilala na kwalipikadong tumanggap ng benepisyo
Employment Insurance briefing session
Pagtapos ng panahon ng paghihintay
Paghihigpit ng
benepisyo
Pagkilala na walang trabaho
Pagbabayad ng basic
allowance
Bilang pangkalahatang tuntunin, ang iyong araw ng
pagkilala ay naka-set bawat 4 na linggo
Pagtatrabaho
Pagtapos ng pagbabayad
Daloy ng pamamaraan ng pagtanggap ng benepisyo
Ang mga nag-resign dahil sa personal na kadahilanan ay hindi
babayaran ng basic allowance ng 3 buwan mula araw kasunod ng
pagtapos ng panahon ng paghihintay. Ito ay tinatawag na
“paghihihgpit ng benepisyo.”
Mangyaring isumite ang Application for Recognition of
Unemployment sa araw ng pagkilala (bilang pangkalahatang tuntunin,
1 beses sa 4 na linggo). Kukumpirmahin kung mayroon o walang
trabaho, record ng aktibidad sa paghahanap ng trabaho, atbp, at
kikilalanin na walang trabaho.
Ang basic allowance para sa bilang ng araw na kinilala ka bilang
walang trabaho ay idedeposito sa iyong regular na savings account.
(ang panahon na madedeposito ay naiiba depende sa institusyong
pampinansyal, ngunit mangyaring tandaan na tatagal ng halos 1
linggo)
Mangyaring gamitin ang konsultasyon sa pagtatrabaho Ang
pagba-browse ng trabaho, konsultasyon sa pagtatrabaho, atbp ay
maaaring gamitin sa mga araw maliban sa araw ng pagkilala. Aktibong
magsagawa ng mga aktibidad sa paghahanap ng trabaho upang muling
magkatrabaho sa lalong madaling panahon.
Maaaring mag-apply para sa re-employment allowance; employment
promotion standard allowance; employment allowance; outfit
allowance for regular employees; re-employment benefits for the
elderly, atbp., bilang benepisyo para sa iyong muling
pagtatrabaho.
Magagamit ang konsultasyon sa pagtatrabaho kahit natapos na ang
pagbabayad. Mangyaring huwag mag-atubiling pumunta sa Hello
Work.
Para sa mga taong isinagawa ang mga pamamaraan ng pagtanggap ng
benepisyo, pumunta sa Hello Work dala ang mga kinakailangan na
dokumento. Isasagawa ang pagkumpirma at pagtukoy ng kwalipikasyon
na tumanggap ng benepisyo base sa mga isinumiteng mga dokumento,
atbp.
Ibibigay ang mga kinakailangan na dokumento tulad ng Qualified
Recipient's Identification Card. Ipapaliwanag paano ipagpatuloy ang
pamamaraan sa pagtanggap ng Employment Insurance at ga aktibidad sa
paghahanap ng trabaho. *Ang Employment Insurance briefing session
ay maaaring ganapin pagkatapos ng panahon ng paghihintay.
Mula sa araw na tumanggap ng pagkilala na kwalipikadong
tumanggap ng benepisyo hanggang sa kabuuang 7 araw ang lumipas
bilang walang trabaho ay tinatawag na “panahon ng paghihintay,” at
hindi babayaran ng Employment Insurance sa panahon na ito.
-
12
Depende sa iyong katayuan sa paninirahan, ang trabaho na maaari
mong gawin ay naiiba. Mangyaring tingnan mo ang iyong residence
card ay kumpirmahin ang katayuan sa paninirahan.
❶ Kapag isa kang permanenteng residente o long-term na residenta
tulad nakapangasawa ng Hapon,
atbp, o asawa ng permanenteng residente
Maaaring magtrabaho ng kahit na anong trabaho.
❷ Kapag Engineer/Specialist in Humanities/ International
Services, Highly skilled professional, Nursing
care service, Skilled Labor, Specified Skilled, atbp.
Pagpapasyahan ang katayuan sa paninirahan depende sa nilalaman
ng trabaho.
(Halimbawa 1) Mga Engineer/Specialist in Humanities/
International Services ⚫ Nakakumpleto ng dalubhasang kurso sa
unibersidad at bokasyonal na paaralan sa Japan ⚫ Kailangan na ang
kurso na iyong major sa unibersidad o bokasyonal na paaralan ay
nauugnay
sa trabaho na iyong planong gawin (*1). Ang ugnayan ng kurso na
iyong major sa unibersidad ay maluwag na huhusgahan (*2). Tingnan
hindi laman ang iyong sertipiko ng pagtatapos, pati na rin ang
iyong transcript of records (na may nakasula t ng lahat ng
kreditong iyong kinuha), at kumpirmahin kung nauugnay ba o
hindi.
*1 Kaso na kinikilalang may kaugnayan ⚫ Ang mga nagtapos ng
engineering ay makikibahagi sa pagpapaunlad ng teknolohiya sa
kumpanya na gumagawa ng produktong elektrikal ⚫ Ang mga nagtapos
ng beauty course sa bokasyonal na paaralan sa Japan ay makikibahagi
sa
pagpapaunlad at marketing ng mga produktong pampaganda sa
kumpanya na nagbebenta ng mga pampaganda
*2 Kahit na ang pangalan ng “Major” ay hindi direktang nauugnay
sa trabaho, maaari mong tingnan ang lahat ng “kurso” na iyong
kinuha upang mahusgahan kung mayroon kang nakuhang kinakailangan na
kaalaman para sa trabaho na iyong balak gawin. Gayundin, ang mga
nagtrabaho sa trabahong iyong pinagtrabahuan na ng 3 taon bibigyan
ka ng kakayahang umangkop sa trabaho kahit na ang trabaho ay hindi
masyadong nauugnay sa “Major” sa unibersidad, atbp.
(Halimbawa 2) Mga Specified Skilled ⚫ Ang mga mahusay na
nakapagtapos ng Technical Intern Training 2⇒Trabaho pareho ng
ginawang trabaho sa teknikal na pagsasanay ⚫ Mga pumasa sa
pagsusulit⇒Larangan ng pagsusulit na napasa Maaari lamang
magtrabaho sa mga nabanggit. Hindi maaaring magtrabaho sa larangan
na hindi mo sinanay o hindi pinasa. Bilang karagdagan,
nililimitahan ito sa 14 na larangan tulad ng konstruksyon,
agrikultura, atbp.
1
Humanap ng bagong trabaho. 3
⑦ Depende sa iyong katayuan sa paninirahan, ang trabaho na
maaari mong gawin ay
naiiba. Alam mo ba ito?
-
13
❸ Kapag Student o Dependent
Mag-apply para sa “Pahintulot upang makibahagi sa mga aktibidad
maliban sa mga pinahintulutan ng katayuan sa paninirahan” sa
Immigration Bureau at kumuha ng pahintulot. Maaaring magtrabaho sa
loob ng 28 oras sa 1 linggo. Ang mga internasyonal na mag-aaral ay
maaaring magtrabaho hanggang 8 oras sa 1 araw kapag ang paaralan ay
nasa long-term break tulad ng bakasyon sa tagsibol, atbp. Gayundin,
ang mga magtatapos na internasyonal na mag-aaral ay maaaring
baguhin ang kanilang katayuan sa paninirahan sa ❷, at maaaring
maghanap ng kumpanya na pagtatrabahuan sa nilalaman ng naaangkop sa
❷.
❹ Kapag Technical Intern Training
Karaniwang, palaging nagtatrabaho sa parehong kumpanya mula nung
dumating sa Japan. Kung nagpasya na mag-resign, kumunsulta sa
“supervising organization” o “Organization for Technical Intern
Training,” at humanap ng bagong kumpanya. Gayunpaman, kung
tatanggap ka ng pera ng “Employment Insurance,” gawin ang mga
pamamaraan sa Hello Work.
❺ Kapag iba pang katayuan sa paninirahan
Karaniwang, hindi makakapagtrabaho. Gayunpaman, kung plano mong
baguhin ang iyong katayuan sa paninirahan sa ❶ o ❷, maaari maghanap
ng kumpanya na pagtatrabahuan.
Kung ang iyong katayuan sa paninirahan ay ang nasa ❶, ❷, ❸, at
nais mong patunayan na maaari kang magtrabaho sa kung anong uri ng
nilalaman, maaari mag-isyu ng “sertipiko ng kwalipikadong
magtrabaho” ang Immigration Bureau.
Mangyaring mag-apply sa Hello Work upang makahanap ng trabaho.
Pumunta sa Hello Work na malapit sa iyong bahay. Maaaring
makatanggap ng pera ng “Employment Insurance” (sa p6). Mangyaring
dalhin ang iyong residence card at passport.
Maaaring mahanap ang Hello Work na malapit sa iyong bahay
dito.
https://www.mhlw.go.jp/content/000637894.pdf
Dito para sa Hello Work na may interpreter
https://www.mhlw.go.jp/content/000592865.pdf
2
1
⑧ Humanap ng kumpanya na nais mong pagtrabahuan sa Hello
Work.
-
14
Magsulat ng “aplikasyon para sa paghahanap ng trabaho” sa Hello
Work, o i-input ang iyong impormasyon sa smartphone o sa computer
sa loob ng Hello Work, at kumunsulta sa mga tauhan sa tanggapan.
Titingnan ng Hello Work ang iyong residence card at passport. Kung
ang iyong katayuan sa paninirahan ay maaaring makapagtrabaho,
maaaring makakuha ng “Hello Work application slip.” Ang iyong
“numero sa paghahanap ng trabaho” ay nakasulat sa application slip.
Siguraduhing dalhin ang “application slip” na natanggap mo kapag
pupunta sa Hello Work. Kung mayroon kang application slip, maaari
kang maghanap ng impormasyon sa pangangalap kahit sa Hello Work na
iba sa lugar na iyong inapplyan.
Dito para sa paano magsulat ng "aplikasyon para sa paghahanap ng
trabaho"
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/doc/
gaikokujinnkyuusyokumousikomisyonokakikata.pdf
(Para sa mga marunong sa wikang Hapon) Maaaring mag
pansamantalang pagrehistro gamit ang computer sa Hello Work, iyong
computer o smartphone, at gawin ang mga pamamaraan sa pag-apply sa
tanggapan.
https://kyushoku.hellowork.mhlw.go.jp/kyushoku/
GEAA020020.do?action=initDisp&screenId=GEAA020020
Hilingin na hanaping ang impormasyon sa pangangalap sa tanggapan
ng Hello Work. Basahin ang “application slip” na iyong natanggap at
maghanap ng pangangalap na tumutugma sa iyong mga nais. Mangyaring
kumunsulta sa mga tauhan ng Hello Work at sabihin ang iyong mga
nais kapag nahihirapan kang basahin ang “application slip.”
Dito para sa paano basahin ang application slip
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/doc/
gaikokujinnkyuujinnhyounomikata.pdf
(Para sa mga marunong sa wikang Hapon) Maaaring hanapin ang
impormasyon sa pangangalap gamit ang computer sa Hello Work, iyong
computer o smartphone.
https://www.hellowork.mhlw.go.jp/kensaku/
GECA110010.do?action=initDisp&screenId=GECA110010
(*) Kung nais mong maghanap ng pangangalap na particular na
tumatanggap ng mga dayuhan, madali ito
kapag nilagay ko ang “外国人 (Dayuhan)” o “日本語 (wikang Hapon)” sa
“フリーワード (free word).”
2
3
-
15
Kung nakahanap ka ng pangangalap na tumutugma sa iyong nais,
kumunsulta sa tanggapan ng Hello Work. Ang Hello Work ay
makikipag-ugnayan sa kumpanya, i-seset ang araw ng iyong panayam,
at ibibigay sayo ang “letter of introduction.”
Sumulat ng “curriculum vitae” (*1) o “resume” (*2) bago ang araw
ng pakikipanayam. Ang tauhan ng kumpanya ay titingnan ang iyong
curriculum vitae, resume, atbp, at magpapasya kung tatanggapin ka o
hindi. Sumulat ng madaling maunawaan at magalang na paraan upang
ma-apela mo ang iyong sarili. Ang Hello Work ay mayroong seminar na
nagtuturo paano magsulat ng curriculum vitae o resume. Nagbibigay
rin ang tanggapan ng mga payo upang mas lalong mapabuti ang mga
dokumento na iyong isinulat. Mangyaring siguraduhing gamitin
ito.
(*1) Ito ay isang dokumento na nakasulat kung saan ka nag-aral,
saan nagtrabaho, bakit gusto
mong magtrabaho sa kumpanyang iyong, iyong mga kalakasan,
kakayahan, kwalipikasyon na mayroon ka, atbp. Sa Japan, marami ang
naglalagay ng kanilang larawan sa curriculum vitae. Ito ay para
kumpirmahin ng tauhan ng kumpanya “kung ang taong dumating sa
pakikipanayam ay ikaw ba talaga.” Maging mapanatag na ang iyong
hitsura ay walang kinalaman sa pagpili.
(*2) Ito ay isang dokumento na nakasulat ang mga trabaho na
iyong pinagtrabahuan,
kakayahan na nakamit mo galing sa iyong mga trabaho, atbp.
Kolektahin ang impormasyon ng kumpanya at magsanay bago ang
pakikipanayam. Madalas itanong ang mga katanunang tulad ng “Bakit
gusto mong magtrabaho sa kumpanyang iyon?” “Ano ang gusto mong
gawin sa kumpanya?” “Ano ang iyong mga kalakasan at kahinaan?” Ang
Hello Work ay may seminar tungkol sa mga hakbang ng pakikipanayam.
Gayundin, nagbibigay kami ng mgapayo tungkol sap ag-uugali sa
pakikipanayam at nagsasagawa ng mga mock interview na ipinapalagay
ang tunay sa sitwasyon.
Mangyaring dumating nang 15 minutong maaga upang hindi ka mahuli
sa oras ng panayam. Huwag kalimutan ang “letter of introduction”
mula sa Hello Work at ang iyong isunulat na “curriculum vitae.”
Kung sinabihan ka ng kumpanya na “ipadala ang mga dokumento sa
kumpanya bago ang panayam,” dapat mong sundin ito at ipadala sa
tamang oras. Kung ikaw ay mukhang mahuhuli sa naka-iskedyul na oras
o biglaang hindi makakapunta sa araw ng panayam, mangyaring
siguraduhing makipag-ugnayan sa tauhan sa kumpanya sa telepono. Sa
araw ng panayam, mangyaring tiyakin na batiin ang mga tauhan ng
kumpanya at kumpirmahin kung ang iyong damit at buhok ay
maayos.
1
2
3
4
⑨ Mag-apply sa kumpanya na nais mong pagtrabahuan at tumanggap
ng panayam.
-
16
Kung nakahanap ka ng bagong trabaho nang maaga pagkatapos
tumanggap ng pagkilala na kwalipikado tumanggap ng benepisyo ng
“Employment Insurance,” maaaring makatanggap ng “re-employment
allowance.” Pagkatapos iulat sa Hello Work na napagpasyahan na ang
iyong trabaho, mangyaring mag-apply sa Hello Work sa loob ng 1
buwan mula sa araw kasunod ng pagsisimula sa trabaho.
Kapag natugunan mo ang ilang mga kinakailangan, matatanggap mo
ang mga sumusunod na pera. Ang natitirang bilang ng araw na
makakatanggap ng unemployment allowance (natitirang bilang ng araw
ng pagbabayad) ay kapag ang sumusunod ng lahat ng bilang ng araw
(itinalagang bilang ng araw ng benepisyo): Kapag may 1/3 o higit
pa⇒60% ng halaga na dapat mong matanggap Kapag may 2/3 o higit
pa⇒70% ng halaga na dapat mong matanggap
1
2
⑩ Kapag napagpasyahan na ang trabaho nang maaga, maaaring
makakuha ng pera mula sa
“Employment Insurance.”
⚫ Kung ang taong may 4,000 yen na halaga ng basic allowance, 90
araw ng itinalagang araw ng benepisyo ay nagtrabaho na may
natitirang 60 na araw ng pagbabayad
Itinalagang araw ng benepisyo (90 araw)
Panahon ng paghihintay
(7 araw)
Pagbabauad ng basic allowance (30 araw)
Umalis sa trabaho
Pagtapos ng panahon ng paghihintay
Bago ang araw ng pagtatrabaho Pagtapos ng panahon ng pagtanggap
ng benepisyo
Araw ng pagkilala na kwalipikado
Araw kasunod ng pagtapos ng panahon ng paghihintay
Araw ng pagtatrabaho
⚫ Ang natitirang araw ng besic allowance ay 60 araw (2/3 o higit
pa) sa itinalagang bilang ng araw na 90 araw, kaya ang rate ng
pagbabayad ng re-employment allowance ay 70%.
⚫ Halaga ng re-employment allowance ay 4,000 yen × 60 araw × 70%
= 168,000 yen
-
17
Kung pinaalam ng kumpanya na gusto ka nilang kunin, mangyaring
muling siguraduhing kumpirmahin ang mga kondisyon sa pagtatrabaho
bago magpasya na magtrabaho sa kumpanya na iyon.
Kapag sinabihan ka na “lagyan ng lagda ang kontrara sa
pagtatrabaho,” mangyaring huwag itong lagdaan kahit na hindi mo
naiintindihan ang mga nilalaman ng mga nakasulat.
Dapat kang bigyan ng kontrata sa pagtatrabaho, paunawa sa mga
kondisyon sa pagtatrabaho, atbp, at ipaalam ang mga kondisyon sa
pagtatrabaho. Maaari ka ring bigyan ng kumpanya ng mga patakaran sa
kapag magtatrabaho sa kumpanya (“patakaran sa pagtatrabaho”).
Kapag hindi mo maintindihan ang mga kondisyon sa pagtatrabaho at
mga nakasulat sa dokumento, tanungin ang mga tauhan ng kumpanya.
Kung hindi ka mapalagay, maaari ka ring kumunsulta sa Hello Work o
Labour Standards Inspection Office.
Kapag nais mong kumunsulta tungkol sa mga kondisyon sa
pagtatrabaho
https://www.check-roudou.mhlw.go.jp/soudan/foreigner_eng.html
Kapag ang iyong katayuan sa paninirahan ay ❶ sa p12 Hindi
kailangan gawin ang mga pamamaraan sa katayuan sa paninirahan at
iulat sa Immigration Bureau
Kapag ang iyong katayuan sa paninirahan ay ❷ sa p12
Kapag ang nilalaman ng pagtatrabaho sa bagong kumpanya ay naiiba
sa nilalaman ng pagtatrabaho sa dating kumpanya
❶ Kapag nag-resign ka sa kumpanya, dapat mong ipagbigay-alam na
sa Immigration Bureau na nagwakas na ang iyong kontrata sa dating
kumpanya sa pamamagitan ng “abiso tungkol sa kaakibat na
institusyon” (sa loob ng 14 araw mula pag-resign).
❷ Kung napagpasyahan na ang bagong kumpanya, kailangan pumunta
sa Immigration Bureau para “mag-apply para sa pahintulot na baguhin
ang katayuan sa paninirahan.” Hindi maaaring magsimula sa trabaho
kapag hindi pinahintulutan. Mangyaring mag-apply kaagad sa
Immigration Bureau sa lalong madaling panahon na natanggap ka.
❸ Ang pamamaraan ay maaaring ipagawa sa tauhan ng kumpanya. Kung
hiniling na isumite ang mga dokumento, mangyaring ibigay agad ang
mga ito. Kung may mga hindi ka maintindihan, mangyaring tanungin
ang kumpanya o Immigration Bureau.
1
2
3
4
1
2
Kapag napagpasyahan na na ikaw ay hired, mangyaring gawin ang
mga pamamaraan.
4
⑪ Mangyaring kumpirmahin ang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa
bagong kumpanya.
⑫ Mangyaring gawin ang mga pamamaraan para sa katayuan sa
paninirahan.
-
18
❹ Kung binigyan ka ng pahintulot ng Immigration Bureau, maaaring
magsimula sa
pagtatrabaho.
Kapag gagawa ng may parehong trabaho sa bagong kumpanya
Dapat ipagbigay-alam na nagwakas na ang kontrata sa dating
kumpanya (sa loob ng 14 araw mula pag-resign). Hindi kailangan
“mag-apply para sa pahintulot na baguhin ang katayuan sa
paninirahan” sa Immigration Bureau. Kung napagpasyahan ang bagong
kumpanya, mangyaring ipagbigay-alam na may pumirma ng kontrata sa
bagong kumpanya (sa loob ng 14 araw mula pagsisimula sa trabaho).
Gayunpaman, ang ilang mga taong may katayuan sa paninirahan tulad
ng “Highly skilled professional,” “Specified Skilled,” atbp,
kailangan pumunta sa Immigration Bureau upang “mag-apply para sa
pahintulot na baguhin ang katayuan sa paninirahan.” Kung may mga
hindi ka maintindihan, mangyaring magtanong sa Immigration
Bureau.
Kapag ang iyong katayuan sa paninirahan ay ❸ sa p13
Kapag ikaw ay internasyonal na mag-aaral at magsisimula sa
bagong pagtatrabaho pagkatapos magtapos
❶ Kailangan mong pumunta sa Immigration Bureau upang “mag-apply
para sa pahintulot na baguhin ang katayuan sa paninirahan.” Hindi
maaaring magsimula sa trabaho kapag hindi pinahintulutan.
Mangyaring mag-apply kaagad sa Immigration Bureau sa lalong
madaling panahon na natanggap ka.
❷ Ang pamamaraan ay maaaring ipagawa sa tauhan ng kumpanya. Kung
hiniling na isumite ang mga dokumento, mangyaring ibigay agad ang
mga ito. Kung may mga hindi ka maintindihan, mangyaring tanungin
ang kumpanya o Immigration Bureau.
❸ Kung binigyan ka ng pahintulot ng Immigration Bureau, maaaring
magsimula sa pagtatrabaho.
Kapag napagpasyahan na ang bagong part-time ng internasyonal na
mag-aaral o dependent
Hindi kailangan gawin ang mga pamamaraan ng katayuan sa
paninirahan at iulat sa Immigration Bureau. Mangyaring tandaan na
ang oras sa pagtatrabaho ay hindi dapat lumagpas sa 28 oras bawat
linggo. Kapag may 2 o higit pang part-time, dapat hindi lumagpas sa
28 oras ang kabuuan.
Dito tungkol sa "aplikasyon para sa pahintulot na baguhin ang
katayuan sa paninirahan" sa Immigration Bureau
http://www.moj.go.jp/ONLINE/IMMIGRATION/16-2.html
Dito tungkol sa abiso sa Immigration Bureau
http://www.moj.go.jp/nyuukokukanri/kouhou/
nyuukokukanri10_00014.html
http://www.moj.go.jp/nyuukokukanri/kouhou/
nyuukokukanri10_00015.html
3
-
19
Kapag tumatanggap ng pera ng “Employment Insurance,” mangyaring
pumunta sa Hello Work sa araw bago ang pagsisimula ng trabaho at
sabihin na napagpasyahan na ang trabaho. Mangyaring dalhin ang mga
sumusunod na dokumento.
⚫ Employment Insurance Qualified Recipient's Identification Card
(matatanggap sa Employment Insurance briefing session)
⚫ Application for Recognition of Unemployment (isusulat mo ang
araw ng pagsisimula ng trabaho at lugar ng bagong kumpanya.)
Obligado ang kumpanya na iulat sa Hello Work ang araw ng
nagsimula ka sa trabaho, katayuan sa paninirahan, atbp. Mangyaring
iulat sa tauhan ng kumpanya ang nakasulat sa iyong residence
card.
Listahan ng contact
Maaaring mahanap ang Hello Work na malapit sa iyong bahay
dito.
https://www.mhlw.go.jp/content/000637894.pdf
Dito para sa Hello Work na may interpreter
https://www.mhlw.go.jp/content/000592865.pdf
Kapag nais mong kumunsulta tungkol sa kondisyon sa
pagtatrabaho
https://www.check-roudou.mhlw.go.jp/soudan/foreigner_eng.html
1
2
⑬ Kapag magsisimula na sa trabaho, kailangan gawin ang iba pang
pamamaraan. Alam mo
ba ito?