Natapos nang matagumpay ang isinagawang 2-araw na Pagsasanay sa Pangkampus na Pamamahayag para sa mag-aaral ng Sangay ng Lungsod ng La Carlota sa pangunguna nina Gng. Leilani D. Castillo, Superbisor sa Filipino, at Gng. Mary Christine Tubianosa, Gng. Dolores Zapanta ng DHSBNHS, G. Ritzy Mar Solomon ng SMNHS at Bb. Lorelie Dioso ng LGNHS, mga tagapagdaloy. Tinalakay sa unang araw ni Gng. Tubianosa kung paano sumulat ng Balita. Sinundan ito ng pagsulatng Balitang Pampalakasan ni G. Solomon samantalang si Gng. Zapanta naman ang nagpaliwanag ng patungkol sa Editoryal. Pagsulat ng lathalain ni Gng. Tubianosa, Kartung Pang-Editoryal ni Bb. Dioso, Pagwawasto ng kopya at Pag-uulo ng balita ni Gng. Zapanta, ang mga paksang tinalakay sa ikalawang araw ng Pagsasanay. Dahil sa kooperasyon ng bawat isa, naisakatuparan ang mga layuning itinakda sa gawaing ito. “Maging patas sa paglathala at respetuhin ang damdamin ng iba,” ang tahasang sabi ni Dr. Portia M. Mallorca sa mga mag-aaral na mamahayag sa kanyang talumpati sa Panapos na Programa ng 2-araw na Pagsasanay sa Pamahayagang Pangkampus na ginanap noong Nobyembre 14, 2014 sa bulwagan ng La Carlota South Elementary School I. Binigyang diin ni Dr. Mallorca na dapat ay laging patas sa pagbabalita at marunong magrespeto sa damdamin at katauhan ng iba sa pagsulat ng mga akda. Nais din niyang ipabatid sa mga kalahok na kung gusto mong baguhin ang mundo, simulan mo ito sa pagsusulat. Gusto rin niyang ipaabot sa mga mag-aaral na gamitin ang teknolohiya upang ipalaganap ang mabuting gawa at masimulan ang pagbabago sa pamamagitan ng mga lathalain, akda at balitang kanilang maisusulat. Mga Kategorya Unang Pwesto Ikalawang Pwesto Ikatlong Pwesto Pagsulat ng Balita Elem.:Juenjam Pangadlo,NES Sec.:Coleen Faith Demerin,YEHS Carmela Quiatchon,HES I Johnzel Ubas,DHSBNHS Ryzen John Blando,LCNES Emeden Jade Magdato,LGNHS Balitang Pampalakasan Elem.:Jeffelyn Luces,SMES I Sec.:Hannah Rose Dionela,YEHS Elena Mae Garzon,LCSES II Kizzy Dalisay,LGNHS Arnold Deocadez,LCSES I Caye Angela Otocan,SMNHS Pagsulat ng Lathalain Elem.:Janus Espartero,LCSES I Sec.:Aira Jayona, DDHSBNHS Angel Marie Sasabo,LCSES II Angelo Inion,LGNHS Guyneth Rose de la Cruz,LCNES Coleen Faith Demerin,YEHS Kartung Pang-Editoryal Elem.:Arnold Deocadez,LCSES I Sec.:Rits Dhian Rivera,DHSBNHS Calby Castillanes,LCSES II Johnzel Ubas, DHSBNHS Justin Jay Solis,LCSES II Kizzy Dalisay,LGNHS Pagsulat ng Editoryal Elem.:Arnold Deocadez,LCSES I Sec.:Johnzel Ubas,DHSBNHS Justin Jay Solis, LCSES II Rhea Nela Distor,LGNHS Calby Castillanes,LCSES II Caye Angela Otocan,SMNHS Pagwawasto ng Kopya at Pag-uulo ng Balita Elem.:Arnold Deocadez,LCSES I Sec.:Alpha Grace Gamelong,DHSBNHS Deniel Josh Zapanta,LCSES I Rits Dhian Rivera,DHSBNHS Justin Jay Solis, LCSES II Hannah Rose Dionela,YEHS CAMPUS JOURNAL No. 2 Vol. 3 Ang Opisyal na Pahayagang Pansangay – Departamento ng Filipino Nobyembre 14, 2014 2-araw na Pagsasanay, Matagumpay na Naidaos SDS Mallorca: Hinamon ang mga batang mamamahayag Mga kalahaok, sa kanilang aktwal na pagsusulat ng balita Tala ng mga Nanalo sa bawat Kategorya ng Pagsasanay (FILIPINO) CAMPUS JOURNAL