Top Banner
HEKASI Submitted by: Elton T. Baylon
14

Baylon

Jul 02, 2015

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Baylon

HEKASI

Submitted by:

Elton T. Baylon

Submitted to:

Page 2: Baylon

MGA URI NG

HAYOP

Page 3: Baylon

AGILA O EAGLE

Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat

ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay

ang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng

katapangan ng mga ninuno ng Pilipino. Sila ay may haba o taas na

1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo.

Page 4: Baylon

TAMARAW O TAMARAO

Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis)

ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang

ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas,

bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ngLuzon. Unang

natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan

(2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng

tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan lamang ang natira sa

Page 5: Baylon

mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon

ito.

MAMAG O TARSIER

Ang mamag, na kilala sa Ingles bilang tarsier ay

isang bertebrado sa klaseng mamalya. Isa ito sa pinakamaliit na

mamalyang hayop na nagpapasuso sa mga anak. Isa itong nokturnal o

panggabing hayop. Aktibo lamang ang mga mamag tuwing gabi kung

kailan naghahanap sila ng kanilang mga makakain. Kilala ang mga

mamag sa taglay nilang mga naglalakihang mata. Ito ang tumutulong sa

kanila upang makahanap ng mga makakain sa gitna ng kagubatan.

Sa Timog Silangang Asya karamihang matatagpuan ang mga mamag.

Page 6: Baylon

Pinakatanyag ang mga uring makikita sa Indonesya at Pilipinas.

Sa Pilipinas makikita ang mga ito sa lalawigan ng Bohol sa

Gitnang Visayas. Tinatawag din itong mawmaw (maomao)

o maomaog.

TIGRE O TIGER

Ang tigre (Panthera tigris) na isang mamalya sa

subpamilyang Pantherinae ng pamilyang Felidae, ang pinakamalaki sa

apat na "malalaking pusa" sa genus na Panthera. Likas sa silangan at

katimugang Asya, umaabot ang tigre sa 4 na metro (13 talampakan) ang

haba at aabot sa bigat na hanggang 300 kg (660 libras). Maihahambing

ang mga tigre sa mga malalaking felids na wala na sa ngayon. Maliban

sa kanilang lakas at laki, isa sa mga kilalang katangian nila ang maitim

na guhit na nakapatong sa halos puti hanggang mapupula-pulang-kahel

na balahibo, kasama ang mas maliwanag na bahagi sa ilalim.

Page 7: Baylon

PATING O SHARK

Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Karamihan nang uri ng pating ay nananatili

sa tubig-dagat. Ang malaking puting pating (Carcharodon carcharias; Ingles: great white shark) ay

isang espesye ng pating. Ang isdang ito ay mahusay lumangoy at ang pinakamalaking maninilang isda.

Ang malaking puting pating ay mayroong bilang ng mga ngipin na umaabot sa 3,000, na

nakaayos na marami ang mga hilera. Ang unang dalawang mga hilera ng mga ngipin ay

ginagamit sa pagsunggab at paghiwa ng mga hayop na kinakain nila, habang ang iba pang mga

ngipin na nasa panghuling mga hilera ay nagiging pamalit para sa mga ngiping pangharapan na

nasisira, nagagasgas, nauupod, o kapag nabubungi ang mga ito. Ang mga ngipin ay

mayroong hugis ng isang tatsulok na mayroong mga tulis o talim sa mga gilid. Ang mga

Page 8: Baylon

malalaking puting mga pating ay kumakain ng mga isda at iba pang mga hayop, katulad

halimbawa ng mga karnerong-dagat at mga leon-dagat.

MGA URI NG

HALAMAN

Page 9: Baylon

RAFFLESIA

Ito ay isang ‘parasite’ sa Tetrastigma, mga halamang-baging na kahoy (woody

vine) na kasama sa pamilya Vitaceae. Ang

Rafflesia ay isang ‘genus’ na may 13 ‘species’ at

ito ay matatagpuan sa Southeast Asia. Malalaki

ang mga bulaklak nito at ang pinakamalaki ay ang

R. arnoldii, matatagpuan sa Borneo at Sumatra at

may diametro na halos isang metro. Ang bulaklak

ng Rafflesia ay kulay mamula-mulang-

kayumanggi, may 5 parang talulot (perigones) na

may iba-ibang disenyo ng puting kulugo. Ang

isang katangian ng Rafflesia ay ang amoy nito

kapag namumulaklak na kahalintulad sa

nabubulok na karne at nakaaakit sa mga langaw na

siyang nagsisilbing katulong sa pagpapabunga.

Ang bulaklak ng Rafflesia ay maaaring babae o lalaki lamang. Ito ang pinakamalaking

bulaklak sa bansa.

Ang pagkatuklas kamakailan lamang sa Rafflesia sa Panay ay nakatawag ng

pansin sa mga pahayagan, radyo at telebisyon dahil sa ganda nito at kakaibang katangian.

Ito’y unang nakita sa mababa at katamtamang taas ng mga bundok ng Panay ng isang

grupo na nangangalaga ng kalikasan at umaakyat ng bundok, ang ‘Antique Outdoors

(TAO)’ at ipinaalam ito sa isang botaniko sa Pambansang Museo. Ang kasalukuyang

pinagtutubuan nito sa Panay ay sa mga bangin na bahagi ng dating kagubatan at

napapaligiran ng mga kagubatang kinaingin na.

Page 10: Baylon

Itong bagong ‘species’ ng Rafflesia ay inilarawan at pinangalanan ni Dr. Julie F.

Barcelona, isang botaniko sa Pambansang Museo sa tulong ng isang kasamahan sa

Pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños. Ito ang ikatlong ‘species’ ng Rafflesia sa Pilipinas

at at ang lahat nang ‘species’ na ito ay dito lamang matatagpuan sa Pilipinas. Ang isang

‘species’, ang R. manillana, ay unang natuklasan sa Mt. Makiling sa Laguna at inilarawan

noong 1841. Ito’y naiulat ding natagpuan sa Samar, Leyte at Mt. Isarog sa Bicol. Ang

pangalawa, ang R. schadenbergiana ay kilala lamang mula sa ‘type specimen’ at ito’y

nakolekta sa Mt. Apo sa Davao noong 1882 at inilarawan noong 1885. Mula noon ay

wala nang ibang nakolektang ispesimen kahit na may mga ulat din mula sa kalapit na Mt.

Matutum.

SAMPAGUITA

Noong 1 Pebrero 1934, kinilala ni Gobernador-Heneral Frank Murphy

ang Sampaguita (Jasminum sambac) bilang pambansang bulaklak

ng Pilipinas, dahil sa natatanging halimuyak, kasikatan at ornamental na

kahalagahan nito. Tinatawag itong Arabian Jasmin sa Ingles, Manul ng

mga Bisaya at Sampaga o Pongso ng mga Kapampangan.

Page 11: Baylon

Ang sampaguita ay isang shrub na tumutubo ng may taas na mula isa

hanggang dalawang metro. Ang mga dahon ay makintab, hugis bilog o pahaba.

Ang bulaklak naman nito ay kulay puti, mahalimuyak, at may hugis na parang-

bituin. Ito ay maaaring paramihin sa pamamagitan ng stem-cutting at layering.

Namumuhay ito sa matabang lupa at matatagpuan sa buong bansa.

NARRA

Page 12: Baylon

Ang Narra ay isang malaking puno, ito ay tumataas ng hanggang 33

metro at 2 metro ang lapad. Ito ay matatagpuan sa mga kabundukan na

may saktong klima katulad ng sa Pilipinas. Ang mga bulaklak nito ay

maliliit na kulay dilaw.

GUMAMELA

Page 13: Baylon

Ang Gumamela ay isa sa mga pinakapamilyar na bulaklak

sa Pilipinas dahil ito ay paboritong dekorasyon sa hardin ng mga Pilipino. Kilala

rin ito sa tawag naHibiscus, Rosemallow, China Rose at Shoeflower. Sa Pilipinas,

ito ay tinatanim upang gawing palamuti o dekorasyon.

Ang Gumamela ay isang palumpong na lumalaki ng mula isang

metro hanggang apat na metro. Ang mga bulaklak ay malalaki, kitang-kita at

kahugis ng trumpeta. Mayroon itong lima o higit pang talulot na tumutubo sa iba't

ibang kulay: pula, dilaw, puti, lila, kahel, rosas at iba pang kombinasyon ng kulay.

PUNO NG NIYOG

Ang buko (Ingles: coconut, coconut palm o coconut tree) ay

isang uri ng palmang namumunga ng niyog at makapuno. Ang bunga

nito ay tinatawag ding buko, isang sariwa at bata pang prutas na

Page 14: Baylon

malambot ang laman . Napagkukunan ang bunga nito ng gata at sabaw

ng buko.