MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
MGA BATAYANG KAALAMAN
SA PAGSULAT
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa
pag-iisip.”
7/21/2014
Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.
ANO ANG PAGSULAT?
Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.
Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya
ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng
gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
ANO ANG PAGSULAT?
MGA PANANAW SA
PAGSULAT
Ayon kina Xing at Jin:
“ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga
elemento.”
Sinabi ni Badayos:
“ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin
maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
Ayon kay Keller:
“ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.”
Ayon kay Donald Murray:
“Writing is rewriting”.Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat –
“A good writer is wasteful”.Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts away,discarding wood… The writer cannot build
a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.
Ayon kay Donald Murray:
“ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-
balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at
kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.”
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat:
“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang
tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA
PAGSULAT
SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.
SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa
proseso ng pagsulat. Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal.
7/21/2014
Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
PAGSULAT BILANGMULTI-
DIMENSYONAL NA PROSESO
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang
gawaing personal at sosyal. Anuman ang layunin sa
pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon2. Biswal na Dimensyon
1.ORAL NA DIMENSYON
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong
isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
2. BISWAL NA DIMENSYON Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa
mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.
Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
Proseso ng PagsulatPrewriting
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga
materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
Mungkahing pre-writing activitiesPagsulat sa Dyornal
BrainstormingQuestioningPagbabasa at PananaliksikSounding-out FriendsPag-iinterbyuPagsasarbeyObserbasyonImersyonPag-eeksperimento
Proseso ng PagsulatAng Unang Burador/ Writing Stage
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.
Proseso ng Pagsulat
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.
Proseso ng PagsulatMaaaring akalain na matapos maisulat ang unang
burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
Proseso ng PagsulatRevising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at
lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan
para sa pagpapabuti ng dokumento.
Proseso ng Pagsulat
Editing Ito ang pagwawasto ng mga posibleng
pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
Teknik sa Pagrerebays ng isang SinulatPag-eedit at Pagrerebays ng
sariling draft.-isinasagawa ito isa o ilang araw matapos ang draft.Peer Editing-maaaring ipabasa sa mga kaklase o kaibigan ang draft.Professional Editing-pagpapa-eedit ng draft sa mga propesyunal tulad ng mga editor at guro
TANDAAN: sa Peer Editing at Professional Editing, ang isang
manunulat ay kailangang maging bukas sa mga puna, mungkahi at
pagwawasto.
Bakit Tayo Nagsusula
t?
“Sa pagsusulat hindi tayo makapagpapanggap.”
Bilang isang MAG-AARAL.Bilang MANUNULAT.
Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay.
Bakit Tayo Nagsusulat?
Bakit Tayo Sumusulat?Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi katulad sa pakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o tumangu-tango ay masasabing nakikinig na kahit iba ang iniisip at hindi nahahalata; sa pagbabasa, makisabay lang sa pagbabasa ng iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin; sa pagsasalita, malimit ang mga katagang “ah…eh… ma’am/sir nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi eh!”, at mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa pagsulat, malalaman ng iyong isip kung ano ang nararamdaman mo…ito ang mababasa. Wala kang maililihim…walang maitatago.
Bakit Tayo Sumusulat?Sa isang mag-aaral,ginagawa niya ang pagsulat
sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa paaralan upang siya ay makapasa.
Gayundin naman, ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang pinagmulan ng kanyang ikabubuhay. Kung walang tulad nila, walang pahayagan na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin na madalas nating piliing paglibangan.
Bakit Tayo Sumusulat?Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay,
hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat.
Bakit Tayo Sumusulat?
Mula sa ating pagsulat… mula sa sinusulat ng iba, tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong mapunan ang puwang sa ating pagkatao upang makadama ng kaligayahan.
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.
Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.
Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyunal.
TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
1.IMPORMATIB NA PAGSULATKilala rin sa tawag na expository writing.Ito
ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report
2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULATKilala sa tawag na persuasive writing.
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.
Halimbawa:editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng
proposal at konseptong papel
3. MALIKHAING PAGSULATIto ay ginagawa ng mga manunulat ng
mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.
MGA URI NG PAGSULAT
•Mauuri sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa lipunan.•`~batayan kung bakit nasulat ang tao•Magbigay ng impormsyon•Tumalakay sa isang paksa•Mang-aliw ng mambabasa.
AKADEMIK
Pagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag aaral.Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat.Hal:
Kritikal na sanaysay, term paper,lab report, ekspiremento.
TEKNIKAL
Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin.Nakatuon sa isang espesipik ng audience.
JOURNALISTIK
Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist.Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.
REPERENSYAL
Sulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang mga sors o reference.Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa.Hal.:
Literatura mula sa awturidad, thesis sa bahaging Mga kaugnay na pag aaral at literatura.
Propesyonal
Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon.Hal:
Pulis report, Investigative report, Medical report.
MALIKHAIN
MasiningPokus ang imahinasyon ng manunulat.Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.Piksyunal o di-piksunalHal: tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.