Top Banner
BINYAG Isa sa Pitong (7) Sakramento
28

Baptismal catechesis

Jun 12, 2015

Download

Documents

Daisy Arao-arao
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Baptismal catechesis

BINYAG

Isa sa

Pitong

(7) Sakramento

Page 2: Baptismal catechesis

SAKRAMENTO• BANAL at BUHAY na TANDA ng ating

pananampalataya bilang mga Kristiyano• Sumasakop sa lahat ng larangan at

panahong mahalaga sa buhay Kristiyano• Nagdudulot ng pagsilang at pag-unlad,

kagalingan at layunin sa buhay ng pananampalataya ng mga Kristiyano

• ITINATAG ni JESUSKRISTO noong siya ay kapiling pa ng mga apostol dito sa lupa.

Page 3: Baptismal catechesis

PITONG SAKRAMENTO

1. Binyag2. Kumpil3. Pagbabalik Loob4. Eukaristiya5. Kasal6. Pagpapari/Banal na Orden7. Pagpapahid ng langis sa may sakit

Page 4: Baptismal catechesis

BINYAG

Muling PAGSILANG sa pamamagitan ng

TUBIG AT SALITA

Page 5: Baptismal catechesis

BINYAG>Unang Sakramento>Pintuan tungo sa buhay na walang hanggan ay sa kaharian ng Diyos

Page 6: Baptismal catechesis

Juan 3:5

Sinabi ni Hesus “ Kapag ang isang tao ay hindi isinilang na muli sa pamamagitan ng Espiritu Santo, siya ay hindi makakapasok sa Kaharian sa Langit

Page 7: Baptismal catechesis

Ipinaubaya niya ang Sakramentong ito at ang Mabuting Balita sa Banal na

Simbahan noong sabihin niya sa mga Apostol: “HUMAYO KAYO AT

GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG BANSA, AT

BINYAGAN SILA SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT NG ESPIRITU

SANTO”. (Mt. 28:19)

Page 8: Baptismal catechesis

‘Pagligo ng muling pagsilang at pagbabagong ganap ng Espiritu Santo’.

Ipinapahiwatig at isinasagawa ang pagsilang sa paraan ng tubig at ng Espiritu Santo na kung wala ito ay walang makakapasok sa Kaharian

ng Diyos

Page 9: Baptismal catechesis

Bunga at Biyaya ng Binyag

1.Kapatawaran ng kasalanang mana at lahat ng mga kasalanang personal

2.Nagiging mga Ampong Anak ng AMA, kaanib ni JESUKRISTO, at TEMPLO ng ESPIRITU SANTO.

Page 10: Baptismal catechesis

3. Karapatang maging miyembro ng pamilya ng AMA, kapatid ni HESUS, at kaibigan ng ESPIRITU SANTO4. Pakikibahagi sa tatlong misyon ni JesukristoPari , Hari, Propeta

Page 11: Baptismal catechesis

a. PARI Maging simbolo ng PAGKAKAISA, at higit sa lahat, maging DAAN upang ang mga kapwa mananampalataya ay maging isang ‘KOMUNIDAD NA SUMASAMBA/ KOMUNIDAD NG MGA NANANAMPALATAYA’

Page 12: Baptismal catechesis

b. HARI

Maglingkod sa Kapwa

Page 13: Baptismal catechesis

c. PROPETA

MAGPATOTOO/ maging isang SAKSI; IPAHAYAG ang MAKATARUNGAN at TULIGSAIN ang kawalan nito, at maging SAKSI ng KATOTOHANAN

Page 14: Baptismal catechesis

5. Pagtanggap ng TATAK ESPIRITWAL

( DI-MAARING MABURA O MAWALA)

Nagtatalaga sa atin kay JESUKRISTO sa walang hanggang katapusan

Page 15: Baptismal catechesis

SIMBOLO o TANDA na makikita natin sa RITU ng BINYAG

Page 16: Baptismal catechesis

TANDA NG KRUS

Ang Tandang ito sa pagsisimula ng pagdiriwang ay naghahayag ng TATAK NI JESUKRISTO sa tao na nasasanib sa kanya.

Page 17: Baptismal catechesis

TANDA NG KRUS

nangangahulugan ng GRASYA ng KATUBUSAN na TINAMO ni JESUKRISTO para sa atin sa pamamagitan ng KRUS.

Page 18: Baptismal catechesis

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Tumatanglaw na may KATOTOHANANG NAHAYAG sa binibinyagan at sa pagtitipon, at nagaganyak sa TUGON ng PANANAMPALATAYA, na DI NAHIHIWALAY SA BINYAG– isang natatanging ‘SAKRAMENTO ng PANANAMPALATAYA’ yayamang ito ay pintuang sakramental sa buhay ng pananampalataya.

Page 19: Baptismal catechesis

TUBIG

Ang PAGLUBOG sa TUBIG ay TANDA ng KAMATAYAN ( paglilibing sa binibinyagan sa kamatayan ni Jesus na mula rito ay muling nabuhay na kasama Niya bilnag ‘bagong kinapal’- 2 Cor 5:17; Gal. 6:15) at sa PAGLINIS.

Page 20: Baptismal catechesis

LANGIS

Ang PAGPAPAHID ng LANGIS ay tanda ng PAGLUKOB ng

ESPIRITU SANTO sa bibinyagan, na siya ay KAISA ni

KRISTONG PARI, HARI AT PROPETA

Page 21: Baptismal catechesis

Ang dalawang pangunahing bunga nito ay:

a. Paglinis mula sa kasalananb. Muling pagsilang mula sa Espiritu Santo.

Inaalis nito ang kasalanang Mana

Page 22: Baptismal catechesis

DAMIT NA PUTI

Tanda na ‘IBINIBIHIS SI HESUS SA BINIBINYAGAN’, na siya ay MULING NABUHAY kay HESUS.

Page 23: Baptismal catechesis

KANDILAAng ILAW ng KANDILANG nagdiringas ay tanda ng LIWANAG NI KRISTO na tinatanggap ng binibinyagan. Sa pamamagitan nito at sa tulong ng mga magulang, ninong at ninang, ang bininyagan nawa ay maging ILAW din sa mga taong nasa kadiliman.

Page 24: Baptismal catechesis

Mga Dapat Tandaan sa pagpili ng Ninong at Ninang

1. Dapat SAPAT sa GULANG, 18 taong gulang at mas matanda.

2. Lubos na kakilala ng mga magulang.

Page 25: Baptismal catechesis

3. Mapagkatiwalaan at magiging MABUTING HALIMBAWA sa

batang bibinyagan

4. Kailangang nakatanggap na ng TATLONG PANIMULANG SAKRAMENTO (Binyag, Kumpil, Eukaristiya) at iba pa na dapat tanggapin kung kinakailangan, tulad ng Kasal kung may asawa na.

Page 26: Baptismal catechesis

Sino ang maaring magbinyag?

•Karaniwang ministro ng Binyag ay ang PARI

•Ang OBISPO at DIYAKONO ay maari ring magbinyag

Page 27: Baptismal catechesis

3. Sa pagkakataong hindi inaasahan, kahit sino ay maaring magbinyag lalo na kung ang

bibinyagan ay nasa bingit ng kamatayan. Kailangan lamang na ang magbibinyag ay may

hangad na magbinyag sang-ayon sa ipinapahayag ng Simbahan. Kumuha ng konting tubig at sabihin ang sumusunod habang nagtatanda ng Krus sa noo ng

bibinyagan: “(Pangalan), bibinyagan kita SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU

SANTO. AMEN.”

Page 28: Baptismal catechesis

PAALALA> Gawin nating BUHAY ANG

PAGDIRIWANG ng SAKRAMENTO ng BINYAG

Sa oras ng pagbibinyag, may mga katanungan ang PARI na kailangan

ninyong SAGUTIN NG MALAKAS AT MAY PANANALIG. Kaya makinig ng

mabuti at maging handa sa pagsagot.