Balitang Mindoro Nickel Oktubre 2013 Isa sa pinakamalaking di pa nililinang na deposito ng nickel sa buong mundo, natuklasan at natukoy ng Intex at ng mga kumpanyang kaanib nito. Mahigit 350 milyong tonelada ng kabuuang laterite resources na naglalaman ng may 3 milyong toneladang nickel, at may poten- syal pang mas lumaki. Na- kasisiguro ng mahigit 100-taong produksyon at 25,000 toneladang nickel kada taon. Inaasahang maging isa sa mga pinakamababang-gugol kada libra o most cost-efficient per pound na nickel producers. Halos walang carbon footprint at hindi aasa sa langis o fossil fuel sa buong pana- hon ng operasyon. Ang mga potensyal na mahaha- lagang by-products ay kinabibilan- gan ng amsul fertilizer (pataba), chromite, cobalt, scandium, rare earth elements (REE), zinc at iron at pati na rin ang carbon-free, steam-generated na kuryente. Mayroon nang lumalawig na su- porta ng mga pamayanan. Nag- dudulot ng mga benepisyong panlipunan at pang-ekonomiko sa mga lokal na mamamayan at mga katutubong Mangyan sa pamam- agitan ng mga programa para sa edukasyon, pangkabuhayan, kalusugan at kalinisan, at pati na rin ng proyekto pang- imprastraktura. Ang Mindoro Nickel Project sa isang sulyap: Hindi totoo ito. Ang mga alituntunin para sa watershed management and development sa Pilipi- nas na inilathala ng DENR ay kumikilala sa kakayanan ng pagmimina at pagtitibag (mining and quarrying) na makapagbigay ng malaking kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya. Kung kaya’t hindi makatotohanang umasa na hindi pahihintulutan ang pagmimina sa lahat ng watersheds. Maaaring gawin ang pagmimina at pagtitibag bilang mga pangkabuhayang gamit ng watershed sa kondisyong isang ganap na environmental impact assessement ang naisagawa na at isang detalyadong mitigation and monitoring plan ang istrik- tong ipinapatupad. Posible ang responsableng pagmimina sa mga watersheds na walang malaking epekto sa kapaligiran at kalikasan. Isang magandang halimbawa ay ang independi- enteng programa ng pagmo-monitor na isinagawa ng Aarhus University – Danish Centre for Environment and Energy (DCE) sa Nalunaq, South Greenland, kung saan naroon ang minahan ng ginto ng Angel Mining Gold A/S (AMG). Natiyak ng DCE na matapos ang 9 na taong paghahango ng AMG ng ginto malapit sa Ilog Kirkespir, ang mga pamamaraan ng pangangasiwa at pagpoprotekta ng kalikasan na ipinatu- pad ng kumpanya ay naging epektibo upang masiguro na walang mataas na ele- ment concentrations na matatagpuan sa anumang marine stations sa loob at paligid ng Kirkespir watershed. Pinagpasiyahan ng monitoring report na ang “epekto sa kalikasan mula sa pagkalat ng mga elemento sa kapaligiran ng Lambak at Look ng Kirkespir, sa lupa, tubig tabang at dagat dahil sa pagmimina ay mai- palalagay na maliit at hindi na kinakailangan pa ng karagdagan mga aksyon upang bawasan ang epekto sa kalikasan.” Ang Mindoro Nickel ay magsasagawa ng forest management and erosion control measures upang maiwasan ang labis na pag-iimbak ng putik o buhangin sa ka- paligiran ng watershed at ang pagbabaha sa Mindoro. Ang mga plano ng Mindoro Nickel ay naaalinsunod sa pangangalaga ng natitirang biodiversity, mga nakamamanghang tanawin, at pagkalinga sa mga pinagkukunan ng tubig sa Mindoro. The sukat ng lugar kung saan nabatid nang may matatagpuang mga mineral ay katumbas lamang ng mga 1/3 ng kabuuang lupain kung saan pinapayagan ng pamahalaan ang pagmimina. Ang lupain naman kung saan pinapayagan ng pamahalaan ang pagmimina ay katumbas lamang ng mas mababa pa sa 1/3 ng kabuuang sukat ng catch- ment area o likas na imbakan na pinagkukunan ng tubig ng Mag-Asawang Tubig. Samantala, ang Mag-Asawang Tubig naman ay kumakatawan lamang sa 1/3 ng kabuuang sukat ng mga catchments para sa Oriental Mindoro. Ang kabuuang mga deposito ng mineral ay kumakatawan sa 11% ng buong catchment area ng Mag-Asawang Tubig; ang mga depositong ito ay mimi- nahin sa loob ng 40 taon. Ang aktibong pagmimina sa bawa’t taon ng operasyon ng Mindoro Nickel ay makaapekto lamang sa 0.05% ng Mag-Asawang Tubig watershed. Ang project area ay walang kahit anumang kaugnayan sa mga likas na watersheds ng Occidental Mindoro. Ang mga watersheds ng Mindoro ay hindi maaapektuhan ng mga aktibidad ng Mindoro Nickel. Sa panahon ng aktwal na pagmimina, ang mga aktibidad na ito ay limitado – sa anumang oras – sa isang lugar na katumbas lamang ng 1% ng ka- buuang tenement area o pag-aari ng Mindoro Nickel (humigit-kumulang sa 100 ektarya kada taon mula sa kabuuang 11,300 ektarya). Kilala sa tawag na “sequential mining” o “pinagsunod-sunod na pagmimina”, ang pamamaraang ito ay makapagdudulot ng mas maayos na pamamahala sa pagkuha ng mga mineral at ng patuloy na pangangalaga sa kalikasan. Ang Mindoro Nickel ay ganap na susunod sa mga probisyon ng Batas sa Pag- mimina (Mining Act) hinggil sa proteksyon at pangangalaga ng mga apektadong kakahuyan at watersheds. Ipatutupad ng Mindoro Nickel ang Environmental Protection and Enhancement Program (EPEP) nito na popondohan taun-taon ng di bababa sa 3%-5% ng direct mining and milling costs. Mayroong mga 126 na proklamado at protektadong watershed areas sa Pilipi- nas. Ang pagmiminahan ng Mindoro ay wala sa mga lugar na ito. Page 4 INTEX RESOURCES PHILIPPINES INC. Pope Francis…. (From page 3) Sa bawa’t isyu ng Mindoro Nickel News, tutugunan namin ang mga suliranin at pagkabahala na ipinabatid ng mga stakeholders kaugnay ng Mindoro Nickel Project. -- Ed Napakaraming mga benepisyo para sa mga Mindoreño Sa mga presyo ngayon, mayroong $40 bilyong halaga ng nickel ang Mindoro M Vol. 1 No.2 Sa loob ng isyung ito: M Too bang sisirain ng Mindoro Nickel ang mga watersheds ng Mindoro? The present meeting may not be able to provide an answer to the many challenges which confront the mining executives in their decision- making. Nevertheless, the Holy Father prays that the meeting in your Di- castery may lead to such a process guided by moral principles which seek the good of all parties involved in the sector. This will enable the indus- try’s leaders to face the difficulties that arise, with special attention to miners and their families, to the surrounding population, to the environ- ment, and to global and intergenerational solidarity. Local churches will surely wish to imitate your Pontifical Council’s solicitude, and place them- selves at the service of miners, to as to help them develop an ever more integral vision of this question. His Holiness assures all those involved in mining activities around the world of his closeness in prayer. Upon you, your co-workers, employees and workers, the Holy Father cordially invokes abundant divine blessings. Yours sincerely in Christ, Tarcisio Card. Bertone Secretary of State http://www.zenit.org/en/articles/pope-francis-greeting-to-mining- industry-representatives-for-day-of-reflection Ang limonite ore ng MNP ay may potensyal na may nilalamang 60 gramo kada tonelada ng scandium na maaaring hanguin. Ang scandium ay isang pambihirang metal na malawakang ginagamit sa mga industriya ng aerospace, automotive, at sports equipment manufacturing. Nabanggit ni Jensen na ang scandium oxide ay kasa- lukuyang nagkakahalaga ng nasa $4,000 kada kilo, at ang scandium metal naman ay nasa higit sa $150 kada gramo. Ipinakita ng mga test work na may 90% nito ang maaaring hanguin. “Ipinapakita ng aming DFS na ang MNP ay maaaring maging pangunahing low-cost producer ng repinadong nickel sa loob ng maraming dekada,” dagdag pa ni Jensen. “Isang tatlong-bahaging development plan na mayroong 18,000 tkt para sa Unang Bahagi na may pasimulang operating cash cost na $3.75 kada libra ang tina- taya sa isang bagong pag-aaral. Ito’y katumbas sa $75 kada tone- lada ng unprocessed ore sa aktwal na grado at sa economic break- even na mas mababa sa 0.5% nickel. Kung ang mga credits mula sa ibang by-products bukod sa scandium ay isasang-alang-alang ang cash cost ay humigit-kumulang sa $2.2 kada libra ng nickel. Ang mga benepisyo mula sa isang full DFS scale ay mapananatili sa tat- long-bahaging plano, kasama na ang magkasabay na pagpo-proseso ng limonite at saprolite ore at ang carbon dioxide-free na elektrisi- dad na malilikha mula acid plant.” Ayon kay Jensen, ang capital costs ng unang bahagi ay tinata- yang nasa $981 milyon, kasama na ang metals refinery. MINDORO NICKEL NEWS Official Monthly Publication of Intex Resources Phils., Inc. LEO CLETO A. GAMOLO President and CEO ROCKY G. DIMACULANGAN VP for Communications ANDY O. PESTAÑO Manager, Community Relations and Development Office (CReDO) MARTIN G. REGIS PEDRO P. PAQUEO CReDO Officers LEO A. DELA CRUZ Design and Layout website: www.intexresources.com.ph For questions, comments, suggestion, please email us at [email protected] Sa Mindoro, tunay ang responsableng pagmimina 2 Pagbati ni Santo Papa Francis sa mga Kinatawan ng Industriya ng Pag- mimina para sa Araw ng Paglilining (Day of Reflection) 3 Frequently Asked Questions Answered 4 Mahigit sa US $40 bilyong halaga ng nickel ang maihahango mula sa Mindoro Nickel Project (MNP) batay sa mga pamanta- yang presyo ng nickel kamakailan na US $6.20 kada libra. Ang proyekto na sumasak- lang sa mga bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro at Victoria, Oriental Mindoro ay mayroong mahigit 350 milyong toneladang kabuuang laterite resources – kasalukuyang natukoy na – na may nilalamang humigit- kumulang sa 3 milyong tonelada ng nickel. Ayon kay Sven Monrad Jensen, executive vice president ng Intex Resources Philip- pines, Inc. (IRPI), tinataya ng nakumpleto nang definitive feasibility study (DFS) na ang MNP ay may potensyal na maging pinaka- malaking nickel producer at ang nag-iisang planta ng repinadong nickel metal sa Pilipi- nas. Ang DFS ng Intex para sa mga mineral resources nito ay sang-ayon sa Philippine Minerals Reporting Code, Canadian National Instrument 43-101, at Australasian Joint Ore Reserves Committee Code o JORC. Saman- tala, ang mga ore reserves naman ng kum- panya ay sang-ayon sa JORC. Ipinakita ni Jensen sa Mining Philippines 2013 Conference kamakailan na ang pat- ented flow sheet ng MNP – na pinagtatam- bal ang high pressure acid leach (HPAL) sa atmospheric leach (ATML) at neutralization ng saprolite ore variant bago hanguin ang metal – ay magbibigay ng kakayanan sa Intex na maiwasan ang stockpiling o shipping at makapagmina sa mas mababang halaga. Dahil dito, makapagpo-produce ang kum- panya sa 0.5% nickel cut-off grade, kahit na ang tradisyunal na cut-off grade ay 0.7% o mas mataas pa. Sa 0.5% cut-off grade, and kabuuang measured o indicated at inferred nickel re- sources ay halos 3 milyong tonelada na may 0.9% nickel content. Bibigyan din ng flow sheet ang Intex ng kakayanang makapag-produce, maliban sa nickel metal briquettes, ng 150,000 tonelada kada taon (tkt) ng ammo- nium sulphate na pataba (fertilizer); 16,000 tkt ng cobalt sulphate salts para sa sumisibol na industriya ng baterya ng kotse; 75,000 tkt na metallurgical chro- mite; at 110 megawatts na carbon-free na kuryente – higit pa sa mga pangangailangan ng MNP para sa operasyon nito kung kaya’t ang lalabis ay maaaring ibahagi sa local power grid. (Susunod na pahina)