BAGYONG ONDOY 1. Buong Istorya ng Bagyong Ondoy Nabuo ang Bagyong Ketsana (Pagtatalagang pandaigdig: 0916, pagtatalaga ng JTWC: 17W, panglan ng PAGASA : Ondoy) noong Setyembre 23, 2009, mga 860 km (535 mi) sa hilagang-kanluran ng Palau . Noong ika-26 ng Setyembre,2009, ang bagyong si Ondoy ay nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan. Sa loob ng siyam oras, nagbaha sa iba't ibang lugar at nagbunga ito ng pagkasawi ng 288 katao at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino. Pagkatapos manalasa sa Pilipinas, dumaan ito saBiyetnam , Kambodiya at Laos at nagdala ito ng malaking pinsala sa mga bansang yaon.