Bagong patakaran sa paghihiwalay ng mga hindi nabubulok na basura (metal, glass) simula Abril 2019 Para itaguyod and pagre-recycle, ang hindi nabubulok na basura (metal at glass) ay hinati sa 3 klase: lata ng inumin, bote, at hindi nasusunog. Ipapatupad rin ang bagong iskedyul ng pagkolekta. (Halimbawa: Unang Linggo-lata Pangalawang Linggo-bote Pangatlong Linggo- hindi nasusunog Pangapat na Linggo-lata) [Hanggang March 2019] [Mula April 1, 2019] Tamang Pagtapon Isilid sa transparent o semi-transparent na plastic na supot. Iskedyul ng Pagkolekta Alamin at sundin ang iskedyul ng pangongolekta sa inyong distrito. *Simula Abril 1, ang mga recyclable (lata ng inumin at bote) at hindi nasusunog na basura ay kokolektahin kahit na matapat sa piyesta opisyal (holiday) ang iskedyul ng pagkolekta (maliban sa Sabado at Linggo).* Klase ng Basura Mga Bagay na Kabilang Gabay sa Pagtapon Lata ng Inumin 【Recyclable】 lata ng inumin (aluminum, steel) ・banlawan ng tubig ang basyong lata ng inumin ・huwag lagyan ng iba pang basura tulad ng upos ng sigarilyo ・maaring pagsamahin ang aluminum at steel na lata ng inumin ・ang iba pang uri ng lata (e.g. lalagyan ng de latang pagkain) ay nabibilang sa hindi nasusunog na basura Bote 【Recyclable】 babasaging bote na lagayan ng inumin at make up ・banlawan ng tubig ang basyong bote ・huwag lagyan ng iba pang basura tulad ng upos ng sigarilyo ・hiwalay na itapon ang takip ng bote (plastic- nasusunog, metal- hindi nasusunog) ・hangga’t maaari, ibalik sa pinagbilhang tindahan ang mga bote ng beer at sake Hindi nasusunog lata (tin cans), maliliit na metal na bagay (e.g. takore, kaldero, kutsara, kawali), gas cannisters, spray can, baso, pinggan, bote ng lason at pesticide, ceramics ・ hindi pwedeng lumagpas sa 50cm ang laki (nabibilang sa malaking basura kung lagpas sa 50cm, tumawag sa Usuigawa Clean Center para sa tamang paraan ng pagtapon nito) ・ibalot sa papel ang kutsilyo at basag na baso ・spray cans: siguradohin na walang laman, huwag butasan ang lagayan, ibalot ng hiwalay sa iba pang hindi nasusunog na basura Dalhin sa Usuigawa Clean Center ang mga spray cans na hindi pa ubos ang laman ngunit kailangang itapon. Hindi nabubulok (Metal) Hindi nabubulok (Glass) Bagong Patakaran LATA NG INUMIN (recyclable) BOTE (recyclable) HINID NASUSUNOG ※ang lata (tin cans) at spray cans ay nabibilang sa hindi nasusunog na basura ※ang mga baso, pinggan, at bote ng lason o pesticide ay nabibilang sa hindi nasusunog na basura
24
Embed
Bagong patakaran sa paghihiwalay ng mga hindi nabubulok na ... · ・Ang mga kasangkapan sa bahay, futon, at iba pang basura na higit sa 50cm ang laki ay itinuturing na malaking basura,
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Bagong patakaran sa paghihiwalay ng mga hindi nabubulok na basura (metal, glass) simula Abril 2019
Para itaguyod and pagre-recycle, ang hindi nabubulok na basura (metal at glass) ay hinati sa 3 klase: lata ng inumin, bote, at hindi nasusunog. Ipapatupad rin ang bagong iskedyul ng pagkolekta. (Halimbawa: Unang Linggo-lata Pangalawang Linggo-bote Pangatlong Linggo- hindi nasusunog Pangapat na Linggo-lata)
[Hanggang March 2019] [Mula April 1, 2019]
Tamang Pagtapon
Isilid sa transparent o semi-transparent na plastic na supot.
Iskedyul ng Pagkolekta
Alamin at sundin ang iskedyul ng pangongolekta sa inyong distrito. *Simula Abril 1, ang mga recyclable (lata ng inumin at bote) at hindi nasusunog na basura ay kokolektahin kahit na matapat sa piyesta opisyal (holiday) ang iskedyul ng pagkolekta (maliban sa Sabado at Linggo).*
Klase ng Basura Mga Bagay na Kabilang Gabay sa Pagtapon
Lata ng Inumin 【Recyclable】
lata ng inumin
(aluminum, steel)
・banlawan ng tubig ang basyong lata ng
inumin
・huwag lagyan ng iba pang basura tulad
ng upos ng sigarilyo
・maaring pagsamahin ang aluminum at steel na lata
ng inumin
・ang iba pang uri ng lata (e.g. lalagyan ng de latang
pagkain) ay nabibilang sa hindi nasusunog na
basura
Bote
【Recyclable】
babasaging bote na lagayan ng inumin at make up
・banlawan ng tubig ang basyong bote ・huwag lagyan ng iba pang basura
tulad ng upos ng sigarilyo ・hiwalay na itapon ang takip ng bote
(plastic- nasusunog, metal- hindi nasusunog)
・hangga’t maaari, ibalik sa pinagbilhang tindahan ang mga bote ng beer at sake
Hindi
nasusunog
lata (tin cans), maliliit na metal na bagay (e.g. takore, kaldero, kutsara, kawali), gas cannisters, spray can, baso, pinggan, bote ng lason at pesticide, ceramics
・hindi pwedeng lumagpas sa 50cm ang laki (nabibilang
sa malaking basura kung lagpas sa 50cm, tumawag sa
Usuigawa Clean Center para sa tamang paraan ng pagtapon
nito)
・ibalot sa papel ang kutsilyo at basag na baso
・spray cans: siguradohin na walang laman, huwag
butasan ang lagayan, ibalot ng hiwalay sa iba pang
hindi nasusunog na basura
Dalhin sa Usuigawa Clean Center ang mga spray
cans na hindi pa ubos ang laman ngunit kailangang
itapon.
Hindi nabubulok (Metal)
Hindi nabubulok (Glass)
Bagong Patakaran
LATA NG INUMIN
(recyclable)
BOTE
(recyclable)
HINID NASUSUNOG
※ang lata (tin cans) at
spray cans ay nabibilang
sa hindi nasusunog na
basura
※ang mga baso, pinggan,
at bote ng lason o pesticide
ay nabibilang sa hindi nasusunog na basura
Bagay na gawa sa
Balat o Goma
安中市一般廃棄物収集運搬許可業者
(有)安中ハイヂーン 027-381-3319 碓氷清掃サービス(株) 027-381-3313
(有)環境リブテック 027-378-2569 (有)クリーンサービス 0274-64-3534
(株)群成舎 027-362-5533 群馬環境開発(株) 027-326-6751
(株)ぐんま東庄 027-323-5531 (有)栄興業 0274-63-6510
白井商店 027-385-7790 (有)西毛清掃 027-393-1421
(有)平井商店 0274-23-3869 (有)松井田総合衛生センター 027-393-1966
(株)丸越 027-231-0709 (株)ヤマハチクボニワ 027-381-0435
(株)若松工業 027-381-8168 五十音順
Tamang Pagtapon ng Nasusunog na Basura
・Isilid sa supot ng basurang itinakda ng Annaka City, itali ng maayos para huwag matapon ang laman, at
dalhin sa tapunan ng basura
※Mabibili sa mga tindahan ang supot para sa nasusunog na basura, may nakasulat na:燃えるごみ ・Ang mga kasangkapan sa bahay, futon, at iba pang basura na higit sa 50cm ang laki ay itinuturing na
malaking basura, bawal itong itapon sa tapunan ng basura. Maaari lamang ay dalhin ito sa Usuigawa
Clean Center para maitapon ng tama (may bayad).
・Ang mga basura galing sa anumang negosyo o opisina ay bawal itapon sa tapunan ng basura. Para
makolekta ang mga ito, tumawag sa Usuigawa Clean Center o sa mga kompanyang nakalista sa baba:
Siguradohing wala ng lighter fluid
Lumang Lighter Basura sa
Kusina Mga Bagay
na Plastic DVD・Video Tapes
Tanggalin ang tubig
-hindi lalagpas sa 50 cm (haba) at 5 cm (dayametro)
-damo/dahon:isilid sa supot ng nasusunog na basura at dalhin sa
tapunan ng basura
-sanga: i-bungkos ang mga sanga at lagyan ng supot ng
nasusunog na basura tulad ng nasa larawan
Damo
Dahon
Sanga
・Ilagay ang mga lumang baterya sa loob ng transparent o semi-transparent na supot at dalhin sa tapunan ng basura.
・Ang mga lumang bombilya ay kokolektahin sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre, Disyembre, at Marso. ・Para makaiwas sa aksidente, ilagay sa orihinal na karton o ibalot sa dyaryo ang bombilya bago dalhin sa
tapunan ng basura. ・Ang mga bombilyang higit sa 1 metro ang haba ay bawal itapon sa tapunan ng basura. Maari lamang ay dalhin
ang mga ito sa Usuigawa Clean Center kung nais itapon (walang bayad). ・Ang mga basag na bombilya ay kinokolekta kasama ng mga hindi nasususnog na basura. Ibalot ng mabuti ang
sa dyaryo ang bawat bombilya at dalhin sa tapunan ng basura. ・Ang mga rechargeable na baterya at bateryang hugis butones (ex: baterya ng relo) ay hindi kinokolekta. Maari
itong itapon sa mga collection boxes na matagtagpuan sa mga tindahan.
Ilagay sa Supot
BATERYA
BOMBILYA (LED, Incandescent, Fluorescent)
orihinal na karton ibalot sa dyaryo
Tamang Pagtapon ng Basurang Nare-recycle (Tapunan ng Basura)
Pagsamahin ang magkaperehong uri ng papel at itali ng maayos gamit ang papel na pisi (paper twine). Tuloy ang pangongolekta kahit umuulan.
Tuloy ang pagkolekta sa mga lumang damit kahit na umuulan. Hindi kokolektahin ang mga basang damit kaya’t siguradohing maayos ang pagkakabalot bago ito dalhin sa tapunan ng basura. Hanggat maaari ay ipagpaliban ang pagtapon sa mga lumang damit kung maulan. Kung supot para sa mga nasusunog na basura ang paglalagyan ng mga lumang damit, sulatan ng “古着” ang supot para maibukod ito ng mga taga kolekta.
May mga lokal na organisasyong (youth organizations, home owners associations, schools, atbp.)
nangangalap ng pondo sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga papel at lumang damit na maaaring i-recycle. Naglalabas ng anunsyo para ipagbigay alam sa mga resident kung kalian sila mangongolekta. Hinihikayat ang mga residente ng Annaka City na suportahan ang mga ito; alamin kung kelan at saan ito isasagawa sa iyong distrito.
PAPEL (Dyaryo, Karton, Tetrapack, Magasin, Papel na pwedeng i-recycle)
●medyas (maliban sa stockings) ●sweaters ●kimono, obi ●neckties ●damit ng bata
Iba pa
●sombrero ● bed sheet/kobrekama ●bags (maliban sa maleta at randoseru) ●tuwalya, panyo
●sinturon ●kurtina (pwede rin ang lace na kurtina)
×BAWAL
●basang damit (ang mga telang may amag ay hindi pwedeng i-recycle)
●stuffed items (e.g. stuffed toys, down jacket, unan)
●futon (e.g. matres, shikibuton, kakebuton, comforter, seat cushion/kutson, kumot para sa kotatsu, kumot)
●carpets, rugs ●tira tirang tela ●tela na may mantsa o mabahong amoy
●mga ginamit sa alagang hayop ●sapin sa paa (e.g. sapatos, tsinelas, sandals)
×MGA BAWAL carbon paper (e.g. resibo ng takyubin) photo paper papel na may amoy (e.g. balot ng sabon)
peel-off postcard (e.g. utility bill) waterproof paper (e.g. paper cups, paper plates)
thermal paper (e.g. resibo) iron transfer paper papel na pamasak sa sapatos, bag, atbp.
gold and silver na papel balot ng pagkain (e.g. wax paper na gamit sa pizza)
papel na may pandikit (e.g. stickers) mga magasin at dyaryo na may nakakabit na sampol ng produkto
papel na gamit sa paggawa ng bahay (e.g. wallpaper, waterproofing sheet)
mask, diapers, tissue paper
LUMANG DAMIT AT TELA Ilagay sa transparent o semi-transparent na plastic bag.
Collection Boxes
Ilagay sa plastik na bote (hindi lalagpas sa 2L), takpang mabuti, at dalhin sa collection box. Ingatan na huwag matapon ang mantika. Kung kailangan magtapon ng mantikang hindi pa nabubuksan, dalhin ito sa kanyang orihinal at silyadong lalagyan.
Mga Lugar na may Collection Boxes
Mayroong 21 na recycling station para sa PET bottle at lata ng inumin (16-lata ng inumin lamang, 5-PET bottle at lata ng inumin) na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Lungsod ng Annaka. Gamitin ang Eco Community Card (エコ・コミュニティ) para makaipon ng puntos na maaring ipambili sa mga kalahok na tindahan (500 puntos=400円). Ang isang bote o lata ay nagkakahalaga ng isang puntos. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa: ・Kankyo Seisaku-ka (Environmental Policy) 027-382-1111 (local: 1881) ・Matsuida Somukanri-ka (Gen. Affairs) 027-382-1111 (local: 2114) ・Usuigawa Clean Center 027-381-0747
Lokasyon Address Kailan Pwede
Annaka City Hall 1-23-13 Annaka Lunes-Biyernes, 8:30-17:15 (liban sa piyesta opisyal)
Usuigawa Clean Center 65 Haraichi Lunes-Biyernes, 8:30-11:30, 13:00-16:30
Bunka Center (Cultural Center) 3-9-63 Annaka 9:00-18:00 (liban sa Martes)
Matsuida Bunka Kaikan (Cultural Hall) 530 Nibori, Matsuida-machi 9:00-18:00 (liban sa Lunes at tuwing katapusan ng buwan)
Sports Center 1531-1 Annaka 9:00-21:00(liban sa pista opisyan, at pang-2,4,5 Lunes ng buwan)
Lokasyon Lagayan Kailan Pwede
Annaka City Hall Main entrance Lunes-Biyernes, 8:30-17:15 (liban sa pista opisyal)
Matsuida Branch Office Main entrance Lunes-Biyernes, 8:45-17:00 (liban sa pista opisyal)
Usuigawa Clean Center Loob ng planta Lunes-Biyernes, 8:30-11:30, 13:00-16:30
MALILIIT NA DE KURYENTENG KAGAMITAN
GAMIT NA MANTIKA
○PWEDE gamit na mantika mula sa kabahayan (salad, rapeseed, sesame, corn, sunflower, soybean, rice, at olive oil)
×BAWAL taba ng hayop (lard, tallow), fish oil, engine oil, kerosene oil, palm oil, coconut oil
○PWEDE ●Ang mga maliliit na de kuryenteng gamit (30cmx15cm) tulad ng remote control,
charger, at electric cords ay maaaring itapon sa mga collection box na matatagpuan sa iba’t ibang parte ng lungsod.
●Maaaring itapon ang inyong lumang mobile phone sa mga dilaw na collection box na matatagpuan sa iba’t ibang parte ng lungsod. Ang sukat ng mobile phone na pwedeng itapon ay hindi lalagpas sa 10cm x 5cm. Siguradohing burado ang ano mang personal na imporsyon sa inyong telepono bago itapon.
PET BOTTLES・LATA NG INUMIN
Tamang Pagtapon ng Basurang Nare-recycle (Collection Box)