New Era UniversityNo. 9 Central Avenue, New Era, Quezon City,
Philippines
URI NG MGA MUSIKANG PALASAK SA MGA KABATAAN NG KASALUKUYANG
HENERASYON
Isang PananaliksikIpinasa kay Gng. Lorna F. SantosKolehiyo ng
Pag-iinhinyero at TeknolohiyaUnibersidad ng New Era
Bilang Pagtugon sa Pangangailangan ng AsignaturangFILIPINO 2:
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa PananaliksikIka-2 Semestro, T.A.
2013-2014
Isinumite nina:Balatero, Mikaela LouiseOliveros, Caren Angela
1BSCS 1
Marso 2014
PAGHAHANDOG
Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan ng wala ang mga
taong gumabay at tumulong sa amin. Ito ay taos-puso naming
inihahandog unang-una sa aming mga magulang na patuloy na
sumusuporta sa amin. Ikalawa, sa mga taong tumulong lalo na sa
aming guro at sa lahat ng aming mga kamag-aral.At higit sa lahat sa
ating Poong Maykapal na Siyang nagsilbi naming gabay upang matapos
ang pag-aaral na ito.
i
PAGKILALA AT PAGPAPASALAMAT Lubos at taos-puso po kaming
nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong, at naging bahagi sa
pagtatagumpay ng aming isinagawang pananaliksik.
Sa aming mabait at mapagpasensyang propesor na si Gng. Lorna
Santos para sa kaniyang paggabay sa paggawa namin ng pananaliksik
na ito at sa pagbabahagi ng kaniyang mga kaalaman at karanasan sa
paggawa ng aming mga pag-aaral. Kami rin ay nagpapasalamat sa
kaniyang paglalaan ng oras sa pagtuturo sa amin, maging sa pasensya
at pagsisikap sa pagbibigay ng mga suhestyon para sa ikabubuti ng
pag-aaral na ito.
Sa mababait, masisipag, at matutulungin naming mga kaibigan at
kapwa kamag-aral ng New Era University na nakasama namin sa paggawa
ng pananaliksik na ito at sa anomang paraan ay nakatulong sa
amin.
Sa aming mga kamag-anak, higit sa aming mga magulang,
nagpapasalamat kami sa walang sawa nilang pagsuporta sa amin,
mapag-materyal o emosyonal man. Sa kanilang pagtulong sa amin sa
ano mang paraan upang matapos ang proyektong ito. At higit sa
lahat, sa kanilang walang sawang pagmamahal at pagmamalasakit na
siyang inagawa naming inspirasyon sa upang magawa ang lahat ng
bagay.
Higit sa lahat ay sa ating Panginoong Diyos, na Siyang nagbigay
sa atin ng kamalayan, sa Kaniyang patuloy na pagbibigay ng buhay at
lakas. Sa mga biyayang natatanggap namin sa araw-araw. Sa
pagbibigay Niya sa amin ng karunungan at kaalaman na nagagamit
namin sa aming mga pag-aaral, lalo na sa aming pang-araw-araw na
pamumuhay. Higit sa lahat, nagpapasalamat din kami sa Ama sa
patuloy Niyang paggabay sa amin patungo sa bawat landas na aming
tatahakin.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi po namin
mapagtatagumpayan ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa
inyo.
M.L.B. & C.A.O. ii
TALAAN NG NILALAMAN
Pagahahandog iPagkilala at Pagpapasalamat..ii
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran
Nito...1Panimula....1Layunin ng Pag-aaral.2Kahalagahan ng
Pag-aaral.3Paglalahad ng Suliranin.3Saklaw at Limitasyon5Depinisyon
ng Terminolohiya...5Kabanata II: Rebyu sa Literatura.....8Kabanata
III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik9Disenyo ng
Pananaliksik9Respondente.......9Instrumento ng
Pananaliksik..9Tritment ng mga Datos..10Kabanata IV: Presentasyon
at Interpretasyon ng mga Datos ..11Kabanata V: Lagom, Kongklusyon
at Rekomendasyon..17
Bibliyograpiya20Apendiks.21Biograpiya..22
1
KABANATA I:ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
PANIMULA Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig sa
pakikinig ng musika. Wala itong pinipiling kasarian. Mapa-babae man
o lalaki, bata o matanda, ang musika ay isang malaking bahagi na ng
ating mga buhay.
Malaki ang nagagawa nito sa katauhan ng isang tao. Nagbibigay
ito ng emosyon lalo na kung natutugma ito sa ating nararamdaman.
May mga masasayang awitin na maaaring magbigay sa atin ng
kasiyahan, o di kaya ay alalahanin ang mga masasayang sandali ng
ating buhay. May mga tinatawag na love songs na awitin ng mga taong
nagmamahal at nakakapag-paalala sa atin ng ating mga iniirog at
minamahal sa buhay. Mayroon ding mga malulungkot o senti na mga
kanta kung tayo ay nalulungkot at nais mapag-isa, kung saan
nakakapagpaalala sa atin ng mga malulungkot na pangyayaring
nagdulot sa atin ng mga pasakit at kapighatian. At may mga awitin
din na masigla at nakakakuha ng pansin ng mga tao, lalo na ang mga
kabataan. Ito ang mga tipong kapag narinig natin ang awiting ito,
hindi na natin mapipigilan ang mga sarili nating umindak at sumabay
sa pagkanta.
Tunay nga na may malaking bahagi ang musika sa buhay natin. Sa
hirap ng buhay ngayon, musika na ang isa sa mga nagpapagaan ng
ating mga kalooban at nagdudulot ng kasiyahan sa atin. Itoy isang
bagay na kahit lumipas man ang panahon ay hinding-hindi kumukupas.
Ika-nga sa awiting Musika Ang Buhay ng grupong Asin:
Musika ang buhay na aking tinataglayIto rin ang dahilan kung
ba't ako naglalakbay.
2Gayunpaman, kagaya ng panahon na nagbabago at nag-iiba, ang
musika ay may kanya ring henerasyon na matatawag. Ang musika ng
makabagong henerasyon ay may malaking pagkakaiba sa musika ng
makalumang henerasyon. At sa ibat-ibang henerasyon ay nagbabago ang
panlasa ng tao sa uri ng musikang kaniyang pinapakinggan.
Sa pamamagitan ng aming munting pananaliksik ay matutuklasan
natin ang mga uri ng musikang pumapatok sa kasalukuyang henerasyon,
at mga dahilan kung bakit nagbabago ang panlasa ng mga tao sa
pakikinig ng musika.
LAYUNIN NG PAG-AARALAng pananaliksik na ito ay naglalayong
alamin kung anong mga uri ng musika ang sikat o popular sa
kasalukuyang henerasyon at mga dahilan kung bakit nagbabago ang
panlasa ng tao sa musika. Ito rin ay naglalayong:1. Malaman kung
anong uri o genre ng musika ang madalas pakinggan ng mga tao
ngayon.
2. Malaman kung anong lenggwahe ng kanta ang madalas nilang
pakinggan?
3. Malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang
pinapakinggan?
4. Mabatid kung anong henerasyon ng musika ang mas gustong
pakinggan ng mga tao?
5. Malaman kung gaano katagal o kabilis nagbabago ang pagkahilig
ng tao sa isang uri ng musika?
3KAHALAGAHAN NG PAG-AARALAng uri ng musika noon, ngayon at bukas
ay magkakaiba. Ito ay nangyayari dahil na rin sa uri ng mga tao sa
kanya-kanyang henerasyon. Dahil dito, mahalaga na mapag-aralan ang
musika na palasak sa bagong henerasyon upang matukoy natin kung
saan tayo patungo, ang damdamin at iniisip ng bawat tao. Nagbabago
na ang teknolohiya at hindi din malayong ang musika ay higit pang
mababago at mag-iiba ayon na rin sa pamumuhay at pag-iisip ng
tao.Ang pag-aaral na ito na may pamagat na Uri ng mga Musikang
Palasak sa mga Kabataan ng Kasalukuyang Henerasyon ay magiging
mahalaga at makatutulong ng malaki sa mga sumusunod na
indibidwyal:1. Sa mga kabataan Ang pag-aaral na ito ay magbibigay
sa kanila ng kaalaman tungkol sa pagdami ng mga kabataang nahihilig
sa ibat ibang uri ng makabagong musika.
2. Sa mga musikero Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay
nila upang alamin kung anong uri ng musika ba ang pumapatok sa
madla ngayon, partikular sa mga kabataan, at upang mas paigtingin
ang kaledad ng OPM sa ating bansa at lalo pang tangkilikin ng mga
Pilipino.
3. Sa mga mananaliksik Ang pag-aaral na it ay magbibigay rin sa
mga mananaliksik ng karagdagang kaalaman ukol sa mga dahilan kung
bakit nagbabago ang panlasa ng tao sa musikang kanyang
pinapakinggan, at sa gayon ay makakatulong ang mananaliksik upang
mabigyang kaalaman ang mga mambabasa sa pag-aaral na ito.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN1. Anong uri o genre ng musika ang
madalas pinapakinggan ng mga tao ngayon?1.1. Pop 1.2. Rock 41.3.
Dubstep 1.4. Country1.5. K-pop 1.6. Pop-ish love songs1.7.
Metal1.8. Classical1.9. Hip-hop1.10. Iba pa
2. Anong lenggwahe ang madalas nilang pakinggan?2.1.
Filipino2.2. English2.3. Japanese2.4. Korean2.5. Iba pa
3. Para sa kanila, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili
ng musikang pinapakinggan?3.1. Lyrics 3.2. Beat o rhythm 3.3.
Artista 3.4. Kasikatan ng kanta3.5. Melody o tono3.6. Mensahe ng
kanta3.7. Iba pa
4. Anong henerasyon ng musika ang mas gustong pakinggan ng mga
kabataan?4.1. Makabago (21st century)4.2. Makaluma (Bago
mag-2000s)
5. Gaano katagal o kabilis ang pagbabago ng hilig ng tao sa
isang uri ng musika?
55.1. Kada-araw5.2. Kada-linggo5.3. Kada-buwan5.4. Kada-taon5.5.
Bihira
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARALAng pokus ng aming tisis ay
upang matukoy ang Uri ng mga Musikang Palasak sa mga Kabataan sa
Kasalukuyan Henerasyon. Kaya ang gagamiting impormasyon ay
magmumula o magbabase lamang sa resulta ng mga respondente at sa
mga kaugnay na literatura. Ang mga kalahok na respondente ay mula
sa Unibersidad ng New Era, partikular sa mga estudyanteng nasa
unang taon ng kolehiyo. Nagbigay kami ng dalawampung (20)
sarbey-kwestyonaryo sa mga estudyante ng nasabing unibersidad,
mapa-babae man o mapa-lalaki. Ang mga kaugnay pang pag-aaral ay
manggagaling sa internet, mga babasahin at sa mga sariling
karanasan.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Musika Ito ay isang uri ng
pagpapahayag ng damdamin na gumagamit ng melodya o melodic tune.
Pinagsasama dito ang vocal at instrumental na tunog sa paraan na
makabubuo ng kagandahan sa uri at anyo ng musika.
Genre Ito ay kategorya ng mga artistikong komposisyon, tulad
nalang ng musika o panitikan, na mailalarawan sa pamamagitan ng
pagkakatulad sa anyo, istilo, o asignatura.
6 OPM Tinatawag ding Pinoy Pop o Filipino Pop, ito ay tumutukoy
sa kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula noong dekada
sitenta, ang Pinoy Pop ay patuloy na lumalawak at nakikilala bilang
isang sensasyon. Ito ay nagmula sa mas malawak na uri ng musika,
angOriginal Pilipino Music (OPM).
Klasikal Napalaganap noong ika-11 na siglo sa Europa, ito ay
isang uri ng musika na tinutugtog ng grupo ng mga tao na may
ibat-ibang instrument tulad ng violin, cello, drum, flute, at
marami pang iba. Sa bawat tugtugin ng klasikal, may ipinapakilala
itong ekspresyon na nakadepende sa tunog ng tugtugin.
Hip-hop Ang Hip-hop ay napalaganap noong dekada-70 ng mga
African-America sa New York City. Isa ito sa mga sikat na uri ng
kanta ngayon. Ilan sa mga kilalang tao na kumakanta ng Hip-hop ay
sina Wiz Khalifa, Lil Wayne, at Chris Brown.
Pop Ang musikang pop (pinaikling salita mula sa salitang
"popular") ay isang uri ng musika na nasimula noong kalagitnaan ng
dekada 1950 bilang isang malambot na alternatibo sa rock 'n' roll
at musikang rock sa kalaunan. Nakatuon ito sa pangkalakalan
(commercial) na pagrekord, kadalasang nakikibagay patungo sa
kabataang merkado, kadalasang sa pamamagitan ng maikli at payak na
awiting para sa pag-ibig. Sa kasalukuyan ay napakasikat ang mga
kanta na ito lalo na sa mga mahihilig tumugtog ng gitara.
Rock n Roll Tinatawag ding rock, ang musikang ito ay ang
orihinal na inihahalintulad sa Pop. Napalaganap ito noong ika-40 na
dekada sa Amerika. Kadalasang umiikot ang tunog ng rock sagitarang
de-kuryente ogitarang akustika, at gumagamit ng malakas
nabackbeat(kumpas na pantay) na binabalangkas sa pamamagitan ng
isang ritmong seksiyon ng elektrikong gitarang baho,tambol, at mga
instrumentong de-tiklado katulad ng organo,piyano, o, simula noong
dekada 1970,sintetisador. Ang bandang The Beatles ang isa sa mga
kilalang banda na tumutugtog nito.7 R&B - Ang rhythm and blues
na kilala din bilang R&B o RnB ay isang uri ng popular na
musika na pinagsasama ang jazz, gospel, at impluwensiyang blues,
unang ginampanan ng mga Aprikanong Amerikanong artista.
Country music Ang country music ay isang uri ng American popular
music na nagmula sa mga rural ng rehiyon ng Katimugang Estados
Unidos noong 1920s. Madalas ay binubuo ito ng mga balad at tunog
pangsayaw na sa pangkalahatan ay may simpleng anyo at armonya,
kadalasang sinasabayan ng mga instrumentong string gayang banjo,
electric at acoustic guitars, fiddle, at harmonica.
K-pop Ang K-pop(daglat ng Korean pop) ay isang kategorya ng
musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na
nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng
mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa
pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga
mang-aawit.
8KABANATA II:REBYU SA LITERATURA
Sa layuning maihanda ang mga sarili sa pag-aaral na isasagawa,
kami, ang mga mananaliksik, ay bumasa ng ibat ibang aklat at
artikulo na may kaugnayan sa pag-aaral na napili. Tumunghay rin
kami ng iba pang babasahing sa tingin naming ay makatutulong sa
pananaliksik na gagawin.Ayon sa aklat ni Rivadelo (1986), ang
musika ay paraan na kung saan ipinapakita ang ating nararamdaman na
kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig sa bayan, pagsisisi at papuri. Ito
ay tumutukoy din sa mahinahon, kalugud-lugod, nakagagaling na
musika at naaayon sa pagkakasunod-sunod at patuloy na gumaganap
hanggang sa katapusan.Bagamat ang mga kabataan ay kadalasang
mahihilig sa musika, sila din ay nagkakaiba sa pagkagusto sa isang
uri ng musika. Ang mga sosyal na kadahilanan tulad ng lahi
(ethnicity), klaseng panlipunan (social class), kultura ng
kabataan, pati ang indibidwal na mga kadahilanan ay ilan sa mga
naimungkahi na may kinalaman sa pagkakaiba ng pagkahilig sa musika
ng mga kabataan (Rentfrow at Gosling, 2003; Zillman at Gan,
1997).Sa isang artikulo din sa internet na may titulong Getting
Older Often Means Getting Softer In Respect To Music (2013),
sinasabing isang bagong pag-aaral ng mga sikologo ng University of
Cambridge ang nakapagtala ng ibat ibang uri ng musika sa buong
henerasyon, at natuklasan na habang ang musika ay nananatiling
importante sa ating mga buhay, ang mga panlasa natin sa musika ay
umaangkop sa mga partikular na hamon na kinakaharap natin sa ibat
ibang yugto ng ating mga buhay. Ayon din sa mga mananaliksik ng
United Kingdom, ang mga tao ay karaniwang unang namumulat sa musika
sa panahon ng kanilang kabataan upang makatuklas ng pagkakakilanlan
at kinamamayaay gamitin upang makapagtatag ng social group at
makahanap ng kaibigan o kapareha. 9KABANATA III:DISENYO AT PARAAN
NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga naging kalahok sa
pananaliksik, mga instrumentong ginamit, mga pamamaraan sa
pangangalap ngdatos at mga istatistikal na tritment na ginamit
bilang interpretasyon sa mga nalikom na datos. Ang pag-aaral na ito
ay isasagawa ayon sa pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik.
Ang mga datos na aming nakalap ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na
aming pinasagutan sa 20 na respondente mula sa Unibersidad ng New
Era. Nangalap din kami ng mga impormasyon, artikulo at akda na
nagmula sa internet, mga pag-aaral sa literatura at iba pang
pananaliksik, at ito ang naging hanguan naming sa pagsasagawa ng
pag-aaral.
RESPONDENTEAng mga napili naming respondente ay mga estudyante
ng New Era University na nahati sa labing-dalawang (12) babae at
walong (8) lalaki. Sila ay mga kolehiyo at kolehiyala. Random na
pinili ang mga respondente sa kadahilanang sila ay mga kabataang
kinakikitaan ng pagkahilig sa musika na pangunahing dahilan ng
pananaliksik na ito. Ang mga estudyanteng ito ang siyang tumugon ng
sagot sa mga tanong na ginawa namin upang magtagumpay ang aming
isinasagawang pananaliksik.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIKAng pag-aaral na ito ay isinagawa sa
pamamagitan ng pamimigay ng sarbey-kwestyonaryo. Ang mga
mananaliksik ay naghahanda ng limang (5) tanong na may kinalaman
10sa uri ng musikang palasak sa kabataan ng kasalukuyang
henersayon. Bawat respondente ay nagsagot ng limang katanungan sa
pamamagitan ng pagbilog ng titik. Nagsagawa rin ng pangangalap ng
mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat ibang hanguan tulad ng
mga aklat, tisis at iba pa. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng
ilang impormasyon mula sa mga artikulo sa internet, maging sa mga
opinion ng ibang respondente.
TRITMENT NG MGA DATOS Dahil ang pananaliksik na ito ay isang
panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa
pagtatamo ng digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang
matinding pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng kompleks na
pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga respondente sa bawat aytem
sa sarbey ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, pagta-tally
lamang at pagkuha ng porsyento ang kinailangang gawin.
Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento:
11KABANATA IV:PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Grap 1: Kasarian ng mga Respondente
Sa grap na ito nakikita ang distribusyon ng sarbey sa mga
respondente ayon sakanilang kasarian. Ang pagbibigay na ito ay
ginawa ng walang sadyat eksaktong bilangng mga respondenteng
kalalakihan o kababaihan. Ito ay ginawa sa isang random
napamamaraan.Anim na pung porsyento (60%) ang mga respondenteng
babae at nilaan namanang natitirang apatnapung (40%) porsyento sa
mga respondenteng lalaki.
12
Grap 2: Edad ng mga Respondente
Kung pagbabasehan ang grap na ito, makikitang karamihan ng mga
respondent ay nasa edad na labing-pitong (17) taong gulang.
Nahahati ang grap sa porsyentong ito: Limampung porsyento (50%) sa
mga labing-pitong (17) taong gulang, dalawamput limang porsyento
(25%) sa mga labing-anim (16) na taong gulang, dalawampung
porsyento (20%) sa mga labing-walong taong gulang, at limang
porsyento (5%) sa dalawampung (20) taong gulang.
13
Grap 3: Anong uri ng musika ang madalas mong pinapakinggan?
Sa grap na ito pinapakita ang distribusyon ng panayam ng mga
respondente ukolsa kanilang panlasa sa musika. Pitumpung porsyento
(70%) para sa Pop, labing-anim (60%) na porsyento para sa Rock,
sampung porsyento sa Dubstep, at tatlumpung porsyento (30%) bawat
isa ang Country, K-pop, at Pop-ish love songs. Labing-limang (15%)
porsyento para sa Metal, tatlumput limang porsyento (35%) sa
Classical, sampung porsyento para sa Hip-hop, at limang porsyento
(5%) naman bawat isa ang Pop-rock, Instrumental, OPM, 8-bit,
Techno, Orchestral, Renaissance, at Emo.
14Grap 4: Anong lenggwahe ang madalas mong pakinggan?
Ayon sa grap na ito, makikita ang panayam ng mga respondent sa
lenggwahe ng mga awiting kanilang pinapakinggan. Siyamnaput limang
porsyento (95%) ang nakikinig ng Ingles/English, apatnaput limang
porsyento (45%) ang nakikinig ng Filipino, dalawamput limang
porsyento (25%) ang nakikinig ng Korean, maging ng Japanese na may
dalawamput limang porsyento (25%) din, at limang porsyento (5%) ang
nakikinig ng German, Mandarin, at Thai na lenggwahe.
15Grap 5: Mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang
pinapakinggan
Hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng musikang
pinapakinggan, pitumpung porsyento (70%) ang tumutugon sa mensahe
ng kanta, animnapung porsyento (60%) sa melody o tono, sero
porsyento (0%) naman para sa kasikatan ng kanta, sampung porsyento
(10%) naman sa artista, animnapung porsyento para sa beat o rhythm
ng kanta, at limampung porsyento (50%) naman para sa lyrics.
Grap 6: Anong henerasyon ng musika ang mas gusto mong
pakinggan?
16Ayon sa grap na ito, pantay lamang ang boto ng mga respondente
hinggil sa henerasyon ng musika na mas gusto nilang pakinggan.
Mayroong limamput limang porsyento (55%) para sa makalumang awitin
(bago mag-2000s), at limamput limang porsyento (55%) rin para sa
makabagong awitin (21st century).
Grap 7: Gaano katagal o kabilis ang pagbabago ng hilig mo sa
isang uri ng musika?
Sa grap na ito pinapakita ang distribusyon ng panayam ng mga
respondente ukol sa kadalasan ng pagbabago ng kanilang hilig sa
isang uri ng musika. Limampung porsyento (50%) ang nagsabing bihira
sila magbagong hilig, tatlumput limang porsyento (35%) ang
nagsabing kada-buwan, sampung porsyento (10%) ang nagsabing
kada-araw, limang porsyento (5%) na nagsabing kada-linggo, at sero
porsyento (0%) ang nagsabing kada-taon sila magbago ng hilig.
17KABANATA V:LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga
saloobin at pananaw ng bawat estudyante ng Unibersidad ng New Era
tungkol sa kung ano bang uri ng musika ang palasak sa mga kabataan
ng kasalukuyang henerasyon.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay
gumawa ng sarbey-kwestyonaryo na pinasagutan sa dalawampung (20)
random na respondent. Nangalap din ang mga mananaliksik ng iba pang
impormasyon mula sa internet at ibang mga artikulo.
KONGKLUSYON
Malaki ang nagagawa ng musika sa katauhan ng isang tao. Maaari
tayong pasayahin, alalahanin ang masasayang sandali sa ating buhay
o kaya naman ay palungkutin at isipin ang mga pangyayaring nagdulot
sa atin ng mga pasakit at pighati. Ngunit kagaya ng panahon na
nagbabago at nagiiba, ang musika ay may kanya rin henerasyon na
matatawag. At sa pagbabago ng henerasyon ay nagbabago rin ang
panlasa ng tao sa musika.
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay
humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
a) Hilig ng mga kabataan ngayon ang makinig sa mahihimig o
masisiglang kanta tulad ng Pop at Rock, kesa sa mga malumanay na
mga awitin.
18b) Bagamat sikat na sa panahon ngayon ang tinatawag na K-pop
at J-pop, mas marami pa ring kabataan ang nakikinig ng mga awiting
Ingles at Filipino. Ilan sa mga respondente ang nagsabi na mas
masarap at nakakatuwang pakinggan ang isang awitin kung
naintindihan mo ang lenggwahe nito.
c) Sa pagpili ng kantang kahihiligan, importanteng salik ang mga
lyrics at mensaheng nakapaloob sa isang awitin. Masarap pakinggan
ang isang awitin kung naiuugnay mo ang lyrics nito sa iyong iniisip
at nararamdaman. Tulad ng sinabi ng isang respondente, may mga
bagay na hindi natin masabi o maipadama kung kayat sa pamamagitan
ng isang awiting tumutugma ang lyrics at mensahe sa nararamdaman ay
maipapahayag mo ang iyong saloobin.
d) Isa ring importanteng salik ang tono at ritmo ng isang
musika. Ang ritmo ang pinaka-importanteng elemento ng musika. Ito
ang nagdadala ng kanta, nagpapaandar at nagpapatakbo nito. Ito ang
unang nakakakuha ng atensyon ng mga tao sa pagpili ng kanta at kung
maganda ang tono ng kanta ay sadyang mapupukaw ang atensyon mo
dito.
e) Sa henerasyon naman ng musika, parehong makabago at makaluma
ang pinapakinggan ng mga kabataan ngayon. Naaayon lamang sa mga
salik ng musika tulad ng mensahe at tono ang pagka-humaling ng
isang tao sa isang uri ng awitin.
f) Napag-alaman naming kung hindi kada-buwan, ay bihira magbago
ang panlasa ng musika ng mga kabataan.
Sa pagpili ng musika o awiting pinapakinggan, hindi basehan ang
kasikatan ng kanta o ang artistang kumanta nito. Nakabase ito sa
kung ano ang ideya o tono ng kanta na pumupukaw sa ating mga
atensyon at damdamin.
s
19REKOMENDASYONBuong-pagpapakumbaba naming inihahandog ang ilang
mga rekomendasyong itogamit ang aming pag-aaral bilang batayan.:1.
Bagamat palasak na sa panahon ngayon ang mga dayuhang kanta, huwag
pa rin nating kalilimutan ang sarili nating musika o ang OPM
(Original Filipino Music). Ito ay isang bagay na dapat nating
tangkilikin at ipagmalaki.
2. Sa pagkakaroon ng problema ng isang tao, amin ding
inirerekomenda na sa halip na gumawa ng bisyo tulad ng
paninigarilyo o pag-iinom, mainam na makinig na lamang ng musika o
awiting makakapagpagaan ng ating kalooban.
20BIBLIYOGRAPIYA
Zillmann, D. & Gan S. (1997). Musical taste in adolescence.
Sa D.J. Hargreaves at A.C. North(Eds.)
http://www.ababasoft.com/music/teory04.html. Why is rhythm so
important?http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Blog:Musika_para_sa_Bagong_Henerasyon.
Musika Para sa Bagong Henerasyon, Pebrero 17,
2008.http://www.redorbit.com/news/science/1112975408/music-preferences-change-with-age-101513/.
Getting Older Means Getting Softer In Respect to Music, Oktubre 15,
2013.http://www.shira.net/music/why-know-lyrics-meaning.htm. Why Is
It Important to Know What the Lyrics Mean?, 2009.Wikipedia. (2014).
Genre. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://en.wikipedia.org/wiki/GenreWikipedia. (2014). Pinoy Pop.
Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://tl.wikipedia.org/Pinoy_popWikipedia. (2014). Musikang
Klasiko. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Musikang_klasikoWikipedia. (2014).
Hip hop. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://en.wikipedia.org/wiki/Hip_hopWikipedia. (2014). Pop
Music. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://en.wikipedia.org/Pop_musicWikipedia. (2014). Rock and
roll. Retrieved March 14, 2014, from
http://en.wikipedia.org/wiki/Rock_and_rollWikipedia. (2014). Pop
Music. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://en.wikipedia.org/Pop_musicWikipedia. (2014). Rhythm and
blues. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://en.wikipedia.org/wiki/Rhythm_and_bluesWikipedia. (2014).
K-pop. Retrieved March 14, 2014,
fromhttp://en.wikipedia.org/K-pophttp://prezi.com/e1c_owtgjpz7/ang-ibat-ibang-uri-ng-musika.
Ang Ibat ibang Uri ng Musika, Disyembre 13, 2012.
21APENDIKSNew Era UniversityCollege of Engineering and
TechnologyFIL2A
Pangalan: _____________________________ Edad: _______ Kasarian:
________ Questionnaire #: _____Kurso: _______________ Taon at
Seksyon: ____________ MGA TANONG:
1. Anong uri o genre ng musika ang madalas mong pinapakinggan?A.
Pop F. Pop-ish love songsB. Rock G. MetalC. Dubstep H. ClassicalD.
Country I. Hip-hopE. K-pop J. Iba pa, ________________________
2. Anong lenggwahe ang madalas mong pakinggan?A. Filipino C.
KoreanB. English D. Iba pa, ________________________C. Japanese
3. Para sayo, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng
musikang pinapakinggan?A. Lyrics E. Melody o tonoB. Beat o rhythm
F. Mensahe ng kantaC. Artista G. Iba pa, ____________________D.
Kasikatan ng kanta
4. Anong henerasyon ng musika ang mas gusto mong pakinggan?A.
Makabago (21st century)B. Makaluma (Bago mag-2000s)
5. Gaano katagal o kabilis ang pagbabago ng hilig mo sa isang
uri ng musika?A. Kada-arawB. Kada-linggoC. Kada-buwanD. Kada-taonE.
Bihira
22BIOGRAPIYA
Si Mikaela Louise Balatero ay ipinanganak sa Lungsod ng San
Pablo noong ika-23 ng Setyembre taong 1997. Siya ay pumasok ng
nursery at kindergarten sa NB Alcantara Learning Center. Nagtapos
ng anim na taong elementarya sa San Pablo Chung Hua School, taong
2009. Nagtapos naman siya ng hayskul sa Laguna College, taong 2013.
Siya ay kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa New Era
University ng kursong Bachelor of Science in Computer Science.
Si Caren Angela R. Oliveros ay ipinanganak sa Lungsod ng San
Pablo noong ika-1 ng Agosto taong 1996. Siya ay pumasok ng nursery
at kindergarten sa NB Alcantara Learning Center. Nagtapos ng anim
na taong elementarya sa San Pablo Chung Hua School, taong 2009.
Nagtapos naman siya ng hayskul sa Laguna College, taong 2013. Siya
ay kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa New Era University
ng kursong Bachelor of Science in Computer Science.