GIBAGA, Cris Reven L. 2011 07266 WFW
Ille Cave Polished Stone AdzesAng Ille Cave (IV-1998-P) ay
matatagpuan sa Barangay New Ibajay sa bayan ng El Nido na nasa
dulong hilaga ng isla ng Palawan (Fig 1, top left at top right).
Ito ay may coordinates na 11 11 46 N at 119 30 19 E batay sa Global
Positioning System o GPS. Ang kweba ay bahagi ng Late Eocene
Pabellion karst formation at may layong 15 kilometro hilagang
silangan ng El Nido. Ito ay may taas na 100 metro at may overhang
na 10 metro sa bukana ng kweba. Mayroon din itong dalawang bukana
ang kweba, isa sa northern wall at isa sa southern wall na piniling
excavation area. Unang binanggit ni Robert Fox noong dekada 70 na
may archaeological potential ang mga kweba sa New Ibajay. Nagkaroon
na lang muli ng interes sa lugar sa huling bahagi ng dekada 90.
Noong Mayo 1998, sa pagsasama-sama ng Archaeology Division ng
National Museum of the Philippines, University of the Philippines
Archaeological Studies Program (UP-ASP), Ten Knots Development
Incorporated, the Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM)
at ng Southeast Asia Institute for Culture and Environment (SEAICE)
na siyang nagpondo ng proyekto, nagsagawa ng archaeological survey
sa Ille Cave. Nagkaroon ng excavation sa lugar noong Oktubre 21
hanggang 23, 1998 at noong Enero 19 hanggang Pebrero 1, 1999 sa
pangunguna ni Dr. Wilhelm Solheim II (Fig 1, center left) na
visiting professor ng UP-ASP. Sa unang excavation, naghukay sila ng
1.87 x 1 meter square sa southern wall. Sa 70 sentimetro lalim na
nahukay, isang layer lang ng lupa ang nakita. Nakakita sila ng 447
artefacts and ecofacts, karamihan ay plain earthenware sherds. Sa
lalim na 42 sentimetro, nakakita din sila ng dalawang polished
stone adzes na may accession number na IV-1998-P-20780 at
IV-1998-P-20184 (Hara & Cayron, 2001).Ang mga ground adze
mahalagang type form ng Neolithic. Dahil dito, nagsagawa ng
detalyadong morphological and functional study at microware
analysics sa dalawang polished stone adze na nakita sa Ille Cave.
Dito nakita na ang stone adze na may accession number na
1998-P-20184 (Fig 1, bottom left) ay gawa sa fine grained,
homogenous chert na may greenish color. Kumpleto ang artefact, ito
ay may habang 58.2 mm, maximum width 32.0 mm at maximum thickness
12.7 mm. Ito ay may bigat na 36.2 gramo. Ang gilid ay may
pagka-convex at assymetrical. Ang ventral surface ay halos flat at
may kaunting kurba samantalang ang dorsal surface ay hyperbolically
domed. Ang adze blade na ito ay kahawig ng mga Early to Middle
Neolithic flat adze ng Europa. Subalit ang porma ng mga adze blade
ay depende sa gamit at hindi sa pinanggalingan lugar o kultura.
Kaya dapat mag-ingat sa pag-uugnay dito sa iba pang adzes sa
Europa. Ang buong adze ay na-ground at napolished. Sa labas ng Ille
Cave, may nakitang dalawang malaking limestone na bato (Fig 1,
center right) na may polishing marks, grooves at dimples sa ibabaw.
Pinapaniwalaan na ginamit ito granular grinding stone para mapolish
ang bato. Sinasabi na para kuminis ito, kinakailangan ikiskis ang
adze sa grinding stone sa tulong ng abrasive agents tulad ng quartz
sand. Sa huli, upang mas maging makinis, gagamit na ng very fine
grit tulad ng silt at ng leather. Nakakita din ng mga internal
cracks at breaks (Fig 1, bottom right) na bunga ng heavy duty
working activity sa adze. Mayroon ding malaking impact scar sa
kaliwang bahagi ng edge, bukod dito, ang edge line ay slightly
curved na nangangahulugan na nireshape muna ang adze bago
isinantabi (Pawlik, 2007).Sa parehong ventral at dorsal surface,
nakakita ng very fine grinding na parallel sa longitudinal axis ng
adze. Nagiging coarser grind ito papunta sa butt o sa dulo.
Sinasabi na nangyari ito dahil sa secondary modification upang
maka-adapt ang adze sa ibang shaft na kinailangan dahil sa
rereshape ng adze at pagliit ng laki nito. Isa din sa
pinakaprominenteng use-wear features na nasa adze na ito ay ang
sickle-gloss na kung saan mayroong intensive reflection sa dorsal
side at lateral side ng adze. Nakakita din ng diamond patterned na
striations sa dorsal surface. Sa ventral surface at sa edge naman,
walang nakitang sickle-gloss pero naobserbahan na ito ay mayroong
bright reflection and micropitting sa surface nito. Dahil nakita
ang glossy polish sa bahagi na sinasabihing pinagkabitan ng shaft
at hindi sa functional area ng tool, sinasabi na ang glossy polish
ay dulot ng pagkakakabit sa shaft. Magkaiba ang pagkaglossy ng
ventral at dorsal side kaya masasabi na magkaibang bagay ang
nakakabit sa kanila. Ang pagkakaroon ng flat structure, bright
reflection at micropitting ay patunay na ang ventral side ay
nakadikit sa hard organic materials na malamang ay wooden shaft na
hugis toe haft. Ang shaft naman ay kinabit sa adze sa pamamagitan
ng grasslike plants o ng phytolith-containing fibers. Ang mga ito
ay nakadikit sa dorsal side dahil ang sickle gloss ay sinasabing
dulot ng pagkakadikit sa mga halamang mayaman sa phytoliths tulad
ng mga damo. Bukod dito, ang ga diamond patterned striations ay
nagpapatunay ng criss-cross binding ng mga baging sa adze. May mga
nakita rin na mga negatives sa likuran ng butt na mga irregular at
unpolished surface. Ang direction of impact at papunta sa direksyon
ng butt at sinasabi na ito ay dulot ng pagfit ng adze sa bagong
shaft sa later stage ng paggamit nito (Pawlik, 2007).Ang pokus
lamang ng paper na ito ay ang stone adze no. 20184. Subalit
napagtanto, na kahit magkaiba ang ginamit upang magawa ang dalawang
stone adze na ito, magkapareho ang teknolohiya na ginamit upang
magawa ito katulad ng pagkakapareho ng hugis, pagkakatali sa shaft
at pagsailalim sa reworking at reshapening. Nakakita din ng mga
features at traces na unique sa Philippine Neolithic gamit ang
microwear analysis. Gamit din ang mga traces na ito, nagawa na
mareconstruct ang prehistoric technologies at activities (Pawlik,
2007).Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ang mga polished stone
adzes ng Ille Cave ang kinatawan ng Neolithic sa occupational
sequence ng Ille Cave. Walang duda na ito ay artefact mula sa
Neolithic dahil kung ihahambing sa mga stone tools noong
Paleolithic, ito ay mas makinis. Dahil nagbago na ang itsura at
porma ng stone tools, masasabi din na mas naging advance ang
teknolohiya nila dahil nadagdagan ng polishing sa Chane operatoire
sa paggawa ng stone adzes. Namamangha pa rin ako hanggang sa ngayon
sa pagiging maparaan ng mga tao noon na ginagamit talaga ang lahat
ng nasa paligid nila upang mapadali ang buhay nila. Nagamit ng mga
tao sa Ille Cave noong Neolithic ang mga baging at halaman upang
kumabit ang stone tool sa shaft gayundin ang quartz sand at silt
upang kuminis ang bato. Hindi sila nanatili sa iisang teknolohiya,
gumawa sila ng paraan upang mapaunlad pa ito. Nakakabilib din na
ang mga maliliit na detalye sa mga stone adze ay nagamit upang
malaman kung paano ginawa at ginamit ang mga ito dati. Ang mga
stone adze ang isa sa mga pinakapaborito kong artifact dahil bilang
geology major, nakikita ko kung paano direktang nagamit ng mga tao
noon ang mga bato upang mapabuti at mapadali ang kanilang buhay.
Sanggunian:Balbaligo, Y. (2007). A Brief Note on the 2007
Excavation at Ille Cave, Palawan,. Institute of Archaeology 18 ,
161-166 .Hara, Y., & Cayron, J. (2001). A Preliminary Report on
the Excavation of Ille Cave, El Nido, Palawan . Hukay ,
82-92.Pawlik, A. (2007). Analysis of Two Polished Stone Adzes from
Ille Cave at El Nido, Palawan Island, Philippines . Hukay,
38-59.
Figure 1. Top left: Map of the Philippines showing Ille Cave, El
Nido on Palawan Island. Top right: Ille Cave from the south. The
tower is c. 75m high, see people for scale. Center left: 2: Wilhelm
G. Solheim II during an interview at the platform of Ille Cave.
Center right: Ille Cave: Boulder rock with possible traces of
grinding and sharpening stones tools. Bottom left: Adze Blade No.
IV-1998-P-20184. Bottom right: Some of the photos of the grinding,
grooves and striations in the surface of stone adze (no.
20184).