GIBAGA, Cris Reven L. 2011 07266 WFW
CALLAO METATARSALAng Callao Cave ay kuweba na nasa Peablanca
Protected Landscape and Seascape at matatagpuan sa bayan ng
Peablanca sa Cagayan (Figure 1, bottom left) (Peablanca, 2012). Ito
ay may coordinates na 174211.74N at 1214925.5E (Callao Cave, 2015)
at may layong 24 kilometero hilagang-silangan ng Tuguegarao City at
580 kilometro hilaga ng Maynila (Peablanca, 2012). Unang nagsagawa
ng excavation sa lugar mula 1979 hanggang 1980 sa pangunguna ni
Reynaldo Flores ng National Museum (Tobias, 1999). Noong 2003,
nagsagawa uli ng excavation dito sa pangunguna ni Armand Salvador
Mijares (Figure 1, bottom left) (Mijares, et al., 2010). Upang
higit pang maimbestigahan, nagpatuloy ang excavation sa Callao Cave
noong 2007 sa pagtutulungan ng UP-Archaeological Studies Program,
National Museum of the Philippines at Australian National
University sa pangunguna muli ni Armand Salvador Mijares. Dalawang
parisukat na magkadikit sa isat isa ang hinukay sa east wall ng
bukana ng kuweba noong 2003, ang SQ1 ang nasa parisukat sa hilaga
at SQ2 naman ang nasa timog (Mijares, 2005). Natapos ang paghuhukay
noong 2003 sa 130 cm at dito nagsimula ang excavation ng 2007.
Lumiit ang sukat ng paghuhukay, naging 2x2m sa SQ1 at 2x1 sa
northern portion ng SQ2. Mas lumiit pa ito sa lalim na 160 cm,
tanging ang southern portion ng SQ1 at northern portion ng SQ2 ang
hinukay (Mijares, et al., 2010). Sa pagitan ng lalim na 160 cm at
250 cm, nakakita ng ilang flake tools, chert core, deer bones at
antler bones. Sa layer 14 (na may lalim na 270-295 cm), nakita ng
isang carbonized breccia (Figure 1, bottom center) na mayroong 807
bone fragments ng late Pleistocene vertebrate kabilang na ang
native brown deer at warty pig. Dito nakuha ang kanang ikatlong
metatarsal (MT3) ng isang homonin na ngayon ay tinatawag na Callao
Man. Ang Callao specimen ay may National Museum of the Philippines
accession number II-77-J3-7691 (Mijares, et al., 2010). Magsasagawa
muli ng excavation sa Callao Cave sa pangunguna pa rin ni Armand
Salvador Mijares mula sa suporta ng Leakey Foundation Research
Grant ngayong taon ayon sa website ng UP-ASP.Ang Callao specimen ay
kanang ikatlong metatarsal (Figure 1, top left). Ito ay bali sa
dalawa sa mid-shaft pero maliban sa distal head na nawawala, ang
buto ay halos kumpleto. Ang preservation ng buto ay maganda, ito ay
may balot na yellowish calcium carbonate concretions. May mga
matitigas din na sediments na nakadikit dito. May mga maliliit din
na gasgas (scratches) na nakuha mula sa excavation ang makikita sa
medial at lateral surface ng shaft at makikita dito ang puting
cortex ng buto (Mijares, et al., 2010). Masasabi na ang bali sa
mid-shaft ay matagal na dahil may manipis na layer ng carbonate
concretions sa proximal at distal na bahagi ng bali. Wala din
nakitang scar o peeling sa paligid ng bali kaya masasabi na hindi
ito nabali sa fresh bone. Kung wala sana ang manipis na layer ng
concretions, halos prefectly refit na ang metatarsal (Mijares, et
al., 2010). Kinuhaan muna ng litrato, sufrace scan at mCT-scan ang
buto bago nilinisan. Tinanggal ang mga nakakabit na sediments upang
makita ang hugis at morphological features ng metatarsal gamit ang
purified water at 50-50 mix ng purified water at alcohol. Tinanggal
ang thin carbonate coating gamit ang dental tool sa ilalim ng
stereo-microscope (Mijares, et al., 2010). Upang makuha ang
tinatayang edad ng Callao MT3, hiniwa ng diamong wire saw ang buto,
2 mm mula sa bali (Figure 1, top right). Matapos nito, nagsagawa ng
apat na laser ablation U-series sa cross section. Magkakaiba ang
U-concentrations sa mga profiles kaya magkakaiba din ang edad na
pinapakita. Upang mataya ang edad, kinuha ang weighted mean
(average) ng lahat ng data points at ang minimum age estimate ay
66,700 1000 BP (Figure 1, middle left & right) (Mijares, et
al., 2010; Pawlik, 2011).Mula sa general morphology, hugis at laki
ng Callao right MT3, masasabi na ito ay isang primates. Para sa
taxonomical identification, nagsagawa ng morphological comparison
sa pagitan ng Callao right MT3 at ng Macaca, Pongo, Hylobates, Homo
habilis at Homo sapiens na Negritos ngayon (Figure 1, bottom
right). Mula sa laki, masasabi na medium ang laki ng Callao
metatarsal, mas malaki sa Hylobates at Macaca, at mas maliit sa
Pongo kaya ito ay masasabi na isang Homo. Sa medial view, tuwid ang
dorsal face ng shaft ng Callao specimen at mga Homo at hindi convex
tulad ng sa Pongo, Hylobates at Macaca. Sa dorsal view, ang medial
at lateral borders ng shaft ng Callao MT3 ay convergent mula sa
proximal portion hanggang sa distal end ng shaft tulad ng sa H.
habilis at sa H. sapiens. Mula dito, masasabi na isang Homo ang
Callao MT3. Ang base ng Callao MT3 ay mas maigsi sa dorso-planar
direction at mas malapit sa H. habilis. Batay sa chronology at
geography, mas malapit ang Callao MT3 sa mga Negritos kaysa sa mga
H. habilis (Mijares, et al., 2010). Dahil malaki at fully developed
ang medial tubercle ng Callao MT3, masasabi na ito ay adult o young
adult metatarsal (Mijares, et al., 2010).Nagkaroon din ng
morphological at metric comparison sa pagitan ng Callao MT3 at Homo
Sapiens. Nakita sa morphological comparison na ang hugis ng base ng
Callao MT3 ay tulad ng sa tao ngayon subalit ang proximal articular
facet nito ay dorso-plantar convexity, kaiba sa flat at concave ng
H. sapiens. Ang hugis ng shaft sa lateral view ay slightly convex
at halos tuwid sa Callao MT3 samantalang nagta-taper mula sa base
hanggang head sa H.sapiens. Nagkaroon ng metric comparison sa
pagitan ng Callao MT3 at ng mga third metatarsal ng mga Negritos
ngayon mula sa Muse de lHomme sa Paris. Ang haba ng Callao bone ay
kunuha parallel sa main axis ng shaft mula sa proximal tip ng base
hanggang sa dulo ng medial tubercle. Ang haba ng Callao MT3 ay
pasok sa saklaw ng haba para sa lalaki at babaeng Negritos. Subalit
ang base ng buto at section ng shaft sa dorso-plantar direction ng
Callao MT3 ay mas maliit kaysa sa mga Negritos. Hindi ginamit sa
mga comparison ang Homo erectus ng Timog-Silangang Asya dahil
walang foot bone na nakita sa mga ito. Malapit din ang haba ng
Callao metatarsal sa metatarsal ng Homo floresiensis na nakita sa
Flores, Indonesia. Ang left metatarsal ng H. floresiensis ay 60.4
mm, sobrang lapit sa 60.99 mm ng right metatarsal ng Callao
specimen (Mijares, et al., 2010).Maaaring kabilang sa Homo habilis,
Homo floresiensis o isang small bodied Homo sapiens tulad ng
Negritos ang Callao metatarsal. Ang pagkakahanap sa Callao
metatarsal ay patunay na hindi lamang Flores ang nag-iisang isla na
mayroong hominins mula nong 50,000 taong nakakalipas sa Wallacea.
Ang Palawan na kung saan nakuha ang Tabon Man na may edad na 47
10/11 ka ay nakakabit noon sa Sundaland sa pamamagitan ng land
bridge. Subalit ang Luzon (na nasa silangan ng Wallaces Line) na
kung saan nakuha ang Callao metatarsal ay naka-isolate at
nakahiwalay sa Palawan ng isang dagat. Upang marating ang Luzon,
kinakailangan na tumawid ng dagat. Mula dito, mapagtatanto na upang
makatawid ang Callao Man, kinakailangan niyang tumawid ng dagat at
ito ay isang patunay sa kakayahan ng tao na matawid ng dagat noong
Late Pleistocence. May mga buto na nahukay kasama ng Callao MT3 na
mayroong cut marks at nagpapakita ng butchery subalit walang
nakitang stone tools kaya masasabi na ang Callao Man ay gumamit ng
ibang technology bukod sa mga stone tools (Mijares, et al.,
2010).Ang pagkakahanap sa Callao metatarsal ay isa sa mga
pinakamahalagang diskubre sa arkiyoloji ng Pilipinas dahil ito ang
pinakamatandang human fossil na nakita sa Pilipinas, mas matanda pa
sa Tabon Man. Maaari na ito ay isang H. habilis, H. floresiensis o
H. sapiens may maliliit na katawan tulad ng Negrito subalit
sigurado na tumawid sila ng dagat upang makarating ng Luzon. Ito ay
mahalagang malaman ng lahat dahil nagpapakita na ang sinaunang
Pilipino ay maparaan, matalino at gumagawa ng paraan upang
malagpasan ang mga problema at pagsubok. Nakakatuwa rin kasi
nagpapakita ang diskubreng ito na ang arkiyoloji sa Pilipinas ay
exciting, marami pang sorpresang tinatago at hindi boring. Sana sa
paghuhukay muli sa taong ito, mas makakita pa ng mga buto na
makakatulong upang malaman kung saang Homo ba kabilang ang Callao
MT3. Maganda ring mabigyan ng kasagutan ang tanong na ano kaya ang
ginamit ng mga taong ito upang makatawid ng dagat? Gumagawa na ba
sila ng maliliit na barko o lumalangoy lang sila? Maaari kaya na
aksidente lang silang napadpad sa Luzon mula sa Sundaland dahil
natanggay sila ng malaking baha at doon na nagsimulang
magparamiMayroon pa kayang katulad nila na nagkalat din sa iba pang
isla ng Pilipinas? Masasagot lamang ang mga tanong na ito kung mas
susuportahan ng pamahalaan ang ganitong mga research at hindi na
kailangan pang humingi ng tulong sa ibang bansa dahil sa
pamamagitan nito, mas nakikilala natin ang ating nakaraan.
Sanggunian:Peablanca. (2012). Retrieved April 3, 2015, from
Official Website of the Provincial Government of Cagayan:
http://www.cagayan.gov.ph/index.php/about-cagayan-home/10-city-and-towns/53-penablancaCallao
Cave. (2015, February 2015). Retrieved April 3, 2015, from
Wikipedia: http://en.wikipedia.org/wiki/Callao_CaveMijares, A. S.
(2005). The archaeology of Peablanca Cave sites, northern Luzon,
Philippines. Journal of Austronesian Studies, 65-93.Mijares, A. S.,
Detroit, F., Philip, P., Grun, R., Bellwood, P., Aubert, M., et al.
(2010). New evidence for a 67,000-year old human presence at Callao
Cave, Luzon, Philippines. Journal of Human Evolution,
123-132.Pawlik, A. (2011). Have we overlooked something? Hafting
traces and indications of modern traits in the Philippine
Palaeolithic. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association,
35-53.Tobias, C. (1999). Archaeological History of Cagayan
Province. Hukay. Journal of the University of the Philippines
Archaeological Studies Program.
Figure 1. Top left: The Callao right metatarsal III
(II-77-J3-7691). Top right: Cross-section of the Callao metatarsal
showing the scanned transects. Middle left & right: Comparative
diagrams of the four laser ablation scans on the Callao metatarsal.
Bottom left: The Location of Callao Cave and 1979 and 2003
excavation. Bottom center: Stratigraphic prole of Square 2, Callao
Cave. Layer 14 is the breccia that contained the human metatarsal
(Callao MT3). Bottom right: Comparison of (A) the Callao MT3 in
proximal, dorsal and medial views with right third metatarsals of
(B) Homo sapiens, male Negrito; (C) Homo habilis,OH8e mirrored 3D
model of a cast of the left MT3; (D) Macaca, (E) Hylobates; and (F)
Pongo. 3D models obtained by surface scanning with a NextEngine
Desktop 3D Scanner.