1 Araling Panlipunan Grade 5 Patnubay ng Guro YUNIT III – Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral at Patnubay ng Guro Konsultant: Virgilio L. Laggui Tagasuri at Editor: Virgilio L. Laggui, Cecille E. Cruz , Charito N. Laggui Mga Manunulat: ,Jocelyn T. Cruz , Rochelle S. Enriquez, Ma. Rosalie S. Austria, Ma. Concepcion Montalbo, Esther Adame, Ma. Rosa O. Austria, April Rose C. Muga, Endlesly Amor. S. Dionisio, Daisy C. Payumo, Ma. Elena C. Reyes Layout Artist/Designer: Joan Torres Punong Tagapangasiwa: Virgilio L. Laggui
79
Embed
Araling Panlipunan Grade 5 - bulacandeped.com · 2 K TO 12 ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 - Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol IKATLONG MARKAHAN Pamantayang
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
Araling Panlipunan
Grade 5
Patnubay ng Guro
YUNIT III – Pagbabagong Kultural sa
Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral at Patnubay ng Guro
Konsultant: Virgilio L. Laggui
Tagasuri at Editor: Virgilio L. Laggui, Cecille E. Cruz , Charito N. Laggui
Mga Manunulat: ,Jocelyn T. Cruz , Rochelle S. Enriquez, Ma. Rosalie S. Austria,
Ma. Concepcion Montalbo, Esther Adame, Ma. Rosa O.
Austria, April Rose C. Muga, Endlesly Amor. S. Dionisio,
Daisy C. Payumo, Ma. Elena C. Reyes
Layout Artist/Designer: Joan Torres
Punong Tagapangasiwa: Virgilio L. Laggui
2
K TO 12 ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 - Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol
IKATLONG MARKAHAN
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang pangkat
na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya nito sa kasalukuyang panahon.
Pamantayan sa Pagganap:
Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
NILALAMAN PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
CODE PAKSA / TOPIC BILANG NG
ARAW
DATE of WT and PT
A. Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang
Kolonyal
1. Pamamahala
1.1 Pamahalaang
sentral 1.2 Pamahalaang local
1.3 Tungkulin ng mga
opisyales 2. Antas ng Katayuan ng
mga Pilipino 3. Uri ng edukasyon
1. Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa
panahon ng Español (ei pagkakaroon ng organisadong
poblasyon, uri ng tahanan,
nagkaroon ng mga sentrong pangpamayanan, at iba pa.)
AP5KPK-IIIa-
1
ARALIN 1: Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
4
Note: Performance task on the day 5
2. Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan
bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo
AP5KPK-IIIb-2
ARALIN 2: Antas ng Katayuan ng mga Babae sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo
2
3
2.1 Napaghahambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal
na papel ng babae sa lipunan ng
sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
2.2 Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapa-buti
ng katayuan ng mga babae
3. Nasusuri ang pagbabago sa
kultura ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
3.1 Naipaliliwanag ang
inpluwensya ng kulturang
Espanyol sa kulturang Pilipino
3.2 Natatalakay ang bahaging ginagampanan ng Kristianismo sa
kultura at tradisyon ng mga
Pilipino
3.3 Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa
kulturang ipinakilala ng Espanyol
AP5KPK-IIIc-3
ARALIN 3: Tradisyunal at Di-Tradisyunal na Papel ng mga Kababaihan sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo ARALIN 3.1: Mga Pangangailangan sa Pagpapabuti ng Katayuan ng mga Kababaihan sa Lipunan ARALIN 4: Pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa Panahon ng
Espanyol
Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Kulturang Pilipino
Bahaging Ginampanan ng Kristiyanismo sa Kultura at
Tradisyon ng mga Pilipino
Pag-aangkop ng mga Pilipino sa Kultura ng mga Espanyol
1
1
(Friday)
1
1
1
1
(Friday)
Written test Performance task
4. Nasusuri ang mga pagbabagong
pampulitika at ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal na
pamahalaan
4.1 Naipaghahambing ang
AP5KPK-IIId-
e-4
ARALIN 5:
Pagbabagong Pampulitika at Pang-ekonomiya sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal
ARALIN 6: Istruktura ng Sinaunang Pilipino at Pamahalaang
Kolonyal
2
2 (Friday)
Written test
4
istruktura ng pamahalaang
kolonyal sa uri pamamahala ng mga sinaunang Pilipino
4.2 Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang
Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
4.3 Natatalakay ang epekto ng
mga pagbabago sa pamamahala
ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino
ARALIN 7:
Sistema ng Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino at sa panahon ng Kolonyalismo
ARALIN 8: Pamamahala ng mga Espanyol sa mga Sinaunang
Pilipino
2
2
(Friday)
Performance Test
5. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto
ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino
AP5KPK-IIIf-5
ARALIN 9: Epekto ng Kolonyalismo sa Lipunan ng Sinaunang Pilipino
4
(Friday)
Written test
B. Pagpupunyagi ng
Katutubong Pangkat na
Mapanatili ang Kalayaan sa Kolonyal na
Pananakop
1. Pananakop sa
Cordillera 2. Pananakop sa mga
bahagi ng Mindanao
6. Naipaliliwanag ang di
matagumpay na pananakop sa mga katutubong pangkat ng
kolonyalismong Espanyol
6.1 Nasusuri ang mga paraang armado ng pananakop ng mga
Espanyol
6.2 Natalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong
pangkat sa armadong pananakop 6.3 Natatalakay ang mga
isinagawang rebelyon ng mga
AP5KPK-IIIg-
i-6
ARALIN 10.1.: Pananakop ng Kolonyalismong Espanyol sa mga Katutubong Pangkat sa Cordillera Paraan ng Pananakop Reaksyon ng mga Katutubo sa
pananakop Rebelyon ng mga Katutubo
ARALIN 10.2: Sanhi at Bunga ng Di Matagumpay na
Pananakop ng mga Kastila sa mga Igorot
2
1
1 (Friday)
Performance
5
katutubong pangkat
6.4 Natataya ang sanhi at bunga
ng mga rebelyon at iba pang reaksiyon ng mga katutubong
Pilipino sa kolonyalismo 6.5 Nakakabuo ng konklusyon
tungkol sa mga dahilan ng di matagumpay na armadong
pananakop ng mga Espanyol sa
ilang piling katutubong pangkat
ARALIN 11.1: Pananakop ng Kolonyalismong Espanyol sa mga Katutubong Pangkat sa Mindanao Paraan ng Pananakop Reaksyon ng mga Katutubo sa
pananakop Rebelyon ng mga Katutubo
ARALIN 11.2: Sanhi at Bungan ng Rebelyon Konklusyon sa mga dahilan ng di
matagumpay na pananakop ng kastila
1
1
2 (Friday)
1 1 1
TEST Written Test
7. Nasusuri ang epekto ng
kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at pagkakakilanlan ng
mga Pilipino
AP5KPK-IIIi-7
ARALIN 12: Epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa Pagkabansa
at Pagkakakilanlan ng mga Pilipino
3
(Friday)
Performance Test
6
YUNIT III
ARALIN 1 PAGBABAGO SA PANAHANAN NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG ESPANYOL
Takdang Panahon: 4 araw
Layunin:
1. Nailalarawan ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol
2. Nasusuri ang mga pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol
3. Napaghahambing ang uri ng panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol
Paksang Aralin Paksa : Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol Kagamitan : mga larawan ng panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol, powerpoint presentations, video clips, laptop, manila paper, pentel pen Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5PKE-IIIa-1 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Balik-aral: Magbigay ng sariling konklusyon tungkol sa epekto ng pamamahala ng prayle sa ating lipunan.
B. Paglinang 1. Ipanood sa mga bata ang video ng “Bahay Kubo”. Ipalarawan sa
mga bata ang katangiang pisikal ng bahay kubo. 2. Itanong: a. Nakakakita pa ba kayo sa ngayon ng mga bahay kubo? b. Ano ang iyong napapansin sa mga tahanan sa ngayon? c. May napansin pa ba kayong mga tahanan sa inyong lugar na may lumang istilo? Ilarawan ang nasabing tahanan. 3. Isulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.
7
4. Ipaliwanag at iugnay ang mga kasagutan ng bata sa tatalakaying aralin.
5. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah ___. 6. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o sharingkaugnay ng aralin. 7. Itanong ng guro:
a. Saan nakatira ang mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol?
b. Paano inilipat ng mga Espanyol ng tirahan ang mga katutubong Pilipino?
c. Paano natin ilalarawan ang mga pagbabago sa panahanan ng mga katutubo sa pagdating ng mga Espanyol?
d. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa pagbabago ng panahanan ng mga katutubo? Nabago rin ba nito ang kanilang pananampalataya at mga kaugalian?
8. Pagpapanood sa mga bata ng video sa youtube ng mga kilalang simbahan at mga panahanan na naitayo sa panahon ng mga Espanyol at ang naging papel ng mga ito sa kasaysayan.
9. Gawain A(Indibidwal na Gawain)
Ipasagot sa mga bata ang mga tanong saGawain A, pah. ___ ng LM sa sagutang papel.
(Ikalawang Araw) 1.Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat ayon sa kanilang interes o talento.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Ipakikita o ipalalabas ng mga bata ang kanilang output 2. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain B 3. Ibigay na takdang aralin ang pagdadala ng mga larawan ng panahanang Kastila na matatagpuan sa kanilang lugar at alamin ang kasaysayan nito. Pagdalahin din sila ng gamit para sa gagawing collage (Ikatlong Araw) 1.Gawain C(Pangkatang Gawain)
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat ayon sa lugar ng tirahan at nakapagbigay na rin ang guro ng takdang dadalhin ukol sa gagawing collage at exhibit ng mga bata..
8
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
Ipakikita o ipalalabas ng mga bata ang kanilang output 2. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain C (Ikaapat na Araw) 1. Bigyan diin ng guro ang kaisipan sa Tandaan Natinpah. _____ ng LM 2. Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa LM pah. ______ Takdang Aralin Magsaliksik Tayo! pah. ______ LM Susi sa Pagwawasto Gawain A (1-5) Indibidwal na Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot. Gawain B (Pangkatang Gawain) Gamitan ng Rubric. Gawain C(Pangkatang Gawain) Gamitan ng Rubric
Rubric para sa Gawain B at C Rubric para sa Gawain B(Talent Showcase) at C(Collage at Exhibit)
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output/talento
16-20
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o naipaliwanag o naipahayag ng mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
Sukatin kung Natutunan Natin 1. Reduccion 6. Banggera 2. Misyonero 7. Ladrilyo 3. Pueblo 8. Simbahan 4. Bahay na Bato 9. Pamana 5. Oratorio 10. Ingatan
9
PERFORMANCE TASK
Paggawa ng Dayorama
Panuto: Hatiin ang mga bata sa apat na pangkat. Gagawa ng dayorama
ang bawat pangkat ng pagkakaayos ng plaza complex sa panahon ng
mga Espanyol gamit ang mga patapong bagay (Binigay ng takdang aralin
ng guro ang pagdadala ng mga gamit na gagamitin isang araw bago ang
gawain). Siguraduhing kumpleto ang mga istruktura na matatagpuan sa
paligid ng isang plaza complex.
Rubric para sa Gawain B at C
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o nakita sa output ng mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lang ang naipakita o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Walang naipakita o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
10
ARALIN 2 Antas ng Katayuan ng mga Babae sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Naipaliliwanag kung paano pinahahalagahan ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan
2. Naipaghahambing ang antas ng katayuan ng mga kababaihan sa lipunan bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo.
3. Napahahalagahan ang mga kababaihan Paksang Aralin Paksa : Antas ng Katayuan ng mga Babae sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo Kagamitan : tsart ng awitin, mga larawan, manila paper, powerpoint Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPK-IIb-2 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga kababaihang nagbigay karangalan sa
bansa
2. Balik-aral
Pumili ng apat na bata sabihing sasayaw sila habang umiikot sa
plaskard. Paghinto ng tugtog, dadampot sila ng plaskard.Ipaliwanag nila
ang nakuhang salita.
3. Ipaawit ang “Dalagang Bukid”. Itanong: Ano ang isinasaad ng awitin
tungkol sa mga kababaihan?
Datu Timawa Aliping
Namamahay
Aliping
Saguiguilid
11
B. Paglinang
10. Magpakita ng mga larawan ng babaeng bumoboto o binibigyan ng
upuan sa sasakyan. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
11. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LMP.- Ipabasa ang tekstong naglalahad sa pagtalakay sa aralin.
12. Ipabuo ang suliranin Ano-ano ang katayuan ng mga kababaihan sa sinaunang lipunan at sa Panahon ng Kolonyalismo?
13. Ipatala ang mga datos sasagot sa suliranin gamit ang iba’t ibang graphic organizer.
14. Ipagawa ang mga gawain. Gawain A ‘Yan ang sa inyo, Ito ang sa amin! (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat upang makalikom ng mga kaalaman. Bigyan sila ng manila paper at pentel pen. Ganyakin silang makabuo ng iba’t ibang graphic organizer sa pagsulat ng sagot.
Pangkat 1 at 3 - Katayuan ng kababaihan saLipunan ng Sinaunang Pilipino Pangkat 2 at 4 - Katayuan ng Kababaihan sa Lipunan noong Panahon ng Kolonyalismo Gawain B Data Retrieval Chart (Pangkatang Gawain)
Gawin/ Punan ng datos ang Data Retrieval Chart
Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B, pah. ___ ng LM.
Ipasulat sa loob ng Venn Diagram ang pagkakaiba at pagkakatulad ng katayuan ng mga kababaihan sa Sinaunang Panahon at Panahon ng Kolonyalismo.Muling pangkatin ng guro ang mga bata. Sa pagkakataong ito maaaring pangkatin sa apat na pangkat ang klase.
Ipaliwanag ng guro ang panuto saGawain C, pah. ___ ng LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat. Gawain DTalento Mo, Ipakita Mo!
12
Ipaliwanag ng guro ang pamamaraang gagawin saGawain D. LM p.
15. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain B, C at D.
16. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan saTandaan Natin, LM pah. Pagtataya Pasagutan ng guro angbahaging Sukatin kung NatutunanNatin sa LM pah.__ Takdang Aralin Magsaliksik tungkol sa mga natatanging Kababaihan sa Pilipino. Alamin ang kanilang katangi-tanging nagawa para sa bayan. Ilagay sa portfolio ng kaalaman.
Rubric para sa Gawain B at C Rubric para sa gawaing Venn Diagram at Data Retrieval Chart
Pamantayan Batayang Puntos
5. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga
mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
6. May 75% na detalye lamang ang nailahad o
naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
7. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o
nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
8. Walang naipaliwanag o nagawang output ang
mga mag-aaral
1-5
13
ARALIN 3: Tradisyunal at Di-Tradisyunal na Papel ng mga Kababaihan sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo
Takdang Panahon: 1 araw
Layunin: 1. Napaghahambing ang tradisyunal at di- tradisyunal na papel ng
mga babae sa lipunan ng Sinaunag Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo
2. Natutukoy ang mabuti at di- mabuting epekto ng pagbabago sa bahaging ginagampanan ng kababaihan sa Panahon ng Kolonyalismo
Paksang Aralin: Paksa : Tradisyunal at Di-Tradisyunal na Papel ng mga Kababaihan sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo Kagamitan : tsart/powerponit, laptop, manila paper, pentel pen, mga larawan Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPK-IIIb-2 Pamamaraan: A. Panimula
3. Balitaan Pag-usapan ang kalagayan ng mga babae sa kasalukuyan.
4. Balik-aral Paano iginalang ang mga babae sa Sinaunang Panahon? Paano ang pagtrato sa kanila sa Panahon ng Kolonyalismo?
5. Iparinig ang awiting “Babae Ka” ni Inang Laya. Damhin ang awitin, at alamin ang ibig iparating o mensahe nito. B. Paglinang
1. Pagpapakita ng mga larawan ng karaniwang ginagawa ng isang babae, at mga gawaing panlalaki na ngayo’y ginagawa na ng mga babae.
Ipatukoy ang bawat gawain at ipapangkat batay sa uri ng gawain.
14
Karaniwang Gawain Di-Karaniwang Gawain
2. Ilahad ang aralin saAlamin Natin sa LM, pah ___. 3. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng
aralin. Ipasagot ang Sagutin Mo.
4. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain sa Gawin Natin.
Gawain A(Pangkatang Gawain) 1) H diagram 2) Ipaglaban Mo
Ipaliwanag ang pamamaraang gagawin sa Gawain A, pah. ___ ng LM.
Gawain B: Open-yon! (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat
Ipaliwanag ang panuto saGawain B, pah. ___ ng LM. Gawain C: Sa Puso ko… (Indibidwal na Gawain)
Ipaliwanang ang pamamaraang gagawin saGawain C. LM. pah. ___
5. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain A, B at C.
6. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan saTandaan Natin sa pah. ___ ng LM.
Pagtataya: Pasagutan sa mga mag-aaral ang Sukatin kung NatutunanNatin sa pah. ___ ng LM. Takdang Aralin: Magtipon ng mga kliping tungkol sa mga kababaihan sa Pilipinas na kinilala sa loob at labas ng bansa dahil sa kanilang natatangi at mabuting gawa.
15
ARALIN 3.1. Mga Pangangailangan sa Pagpapabuti ng
Katayuan ng mga Kababaihan sa Lipunan
Takdang Panahon: 1 araw
Layunin:
1. Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapabiti ng katayuan ng
mga babae.
2. Napaghahambing ang pangangalaga at pagpapaunlad sa mga
kababaihan sa Panahon ng Espanyol at sa kasalukuyan.
3. Naipakikita ang paggalang sa mga kababaihan.
Paksang Aralin:
Paksa : Mga Pangangailangan sa Pagpapabuti ng Katayuan ng mga
Kababaihan sa Lipunan
Kagamitan: tsart/powerpoint, laptop, manila paper, pentel pen, mga
larawan
Sanggunian : Learner’s Material pah. ___
K to 12 - AP5KPK-IIIb-2
Pamamaraan:
A. Panimula
1. Balitaan:
Magpatanghal ng SAKSI. Magpaulat ng mga balitang nagaganap sa bansa
na may kaugnayan sa mga kababaihan
2. Balik-aral:
Bayong ng karunungan
Ilagay sa loob ng bayong ang mga binalot na papel na may
tanong. Pumili ng sampung bata. Ihanay sila sa dalawa.
Basahin ang mga tanong nang isa-isa. Ang hanay ng mga
16
batang may pinakamaraming tamang sagotang panalo.
3. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng iba’t ibang gawaing bokasyunal at pag-
usapan ito. Sa mgagawaing ito, alin ang angkop para sa babae?
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin saAlamin Natin sa LM pah.__
2. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng aralin.
Ipasagot ang Sagutin Mo.
3. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain
Sa Gawin Natin.
Gawain A: De Bate Tayo…
(Pangkatang Gawain)
Ipaliwanag ang pamamaraang gagawin sa Gawain A, pah.
___ ng LM.
Gawain B: Pangako sa ‘Yo… (Indibidwal na Gawain)
Ipaliwanag ang panuto saGawain B, pah. ___ ng LM.
4. Gumamit ng rubrics sa bawat gawain.
5. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan saTandaan Natin sa pah.
___ ng LM.
Pagtataya:
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Sukatin kung Natutunan Natin
sa pah. ___ ng LM.
Takdang Aralin
1. Gumupit ng balita sa pahayagan tungkol sa proyekto ng
pamahalaan para sa kababaihan. Idikit sa notebook.
17
Republic of the Philippines Department of Education Region III-Central Luzon
Schools Division of Bulacan District of _______ __________School
Ikatlong Markahan Unang Lagumang Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng
pinakatumpak nasagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
________1. Ang reduccion ay pamamaraan ng mga Espanyol upang gawing mabuting mamamayan at masunurin ang mga Pilipino sa batas ng Espanyol. Sila ay sapilitang inilipat sa panahanang malapit sa simbahan at sentro ng pamahalaan na tinawag na _____. a. alcaldia b. corregimiento c. barangay d. pueblo o poblacion ______2. Ito ang pinakamaunlad na pueblo. a. Cabeza de Baranga b. Cabecer c. Corregido d. Alcaldia ______3.Ito ang tirahan ng mga mahihirap o karaniwang tao pamilya. a. bahay kubo b. bahay na bato c. mataas na gusali d. bahay na dalawang palapag ______4.Ang lugar na ito ang naging pangunahing lungsod at sentro ng kalakalan. a. Camarines Sur b. Cebu c. Ilo-Ilo d. Maynila
18
______5. Isinaayos ng mga paring misyonero ang mga pamayanan sa Pilipinas batay sa modelo ng _______. a. isang lugar sa Paris b. isang lungsod sa Spain c. mga tirahan sa Japan d. mga tirahan sa Maynila ______6.Saan nakatira ang nakaririwasang Pilipino? a. bahay kubo b. bahay na bato c. mataas na gusali d. bahay na gawa sa marmol _______7. Bakit maraming mamamayan ang nagpapatayo ng bahay na bato? a. magandang tingnan ang bahay na bato b. mas marami ang makikitira rito c. mainam na pananggalang sa bagyo d. naniniwala silang mas matibay at mas mmtatag ang ganitong bahay _______8. Alin sa mga sumusunod ang mga dahilan ng pagbabago sa pananahanan noong panahon ng Espanyol? a. Nahirapang makipagkalakalan ang mga Pilipino at Espanyol b. Nagkaroon ng suliranin ang Espanyol pangungulekta ng buwis o paglikom ng buwis c. Naging suliranin ng mga misyunero ang pagpapalaganap ng
kristyanismo dahil sa layu-layong tirahan d. Naging suliranin ng mga Espanyol ang kllima sa Pilipinas _______9. Nagbago ang uri ng panahanan ng mga Pilipino nang pairalin ang _______ o programang paglipat ng tirahan. a. reduccion b. bandala c. tributo d. polo _______10. Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang panahanan sa mga patakaran ng mga Espanyol? a. Lumipat sila sa kabisera o kabayanan na isinasaayos ng mga Espanyol b. Lumipat sila sa kabundukan dahil ayaw nilang manirahan sa kabisera. c. Lumipat sila sa kagubatan at madawag na pook upang manirahan. d. Pansamantala lamang ang pagtira nila sa kabisera o Kabayanan
19
_______11.Alin ang naglalarawan ng pagpapahalaga sa kababaihan? a. Pag-igib ng tubig b. Pagpaparusa sa kanyang kamalian c. Nauunang lumakad ang babae sa lalaki d. Pagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa bahay _______12.Aling kaugalian ang naglalarawan sa pangangalaga sa mga kababaihan? a. Sinasaktan kung nagkamali b. Ginagawang katulong at hindi maybahay c. Itinatago sa bahay d. Pinauuna sa pagpasok sa pintuan ang babae _______13.Alin sa mga sumusunod na kaugalian ang naglalarawan ng pagpapahalaga sa mga kababaihan noong unang panahon? a. Naglilingkod muna ang pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki bago
ikasal. b. Maaari silang magmana ng ari-arian, makipagkalakalan at maging
pinuno ng barangay kapag walang lalaking kapalit. c. Nagbibigay ng pera, ginto at ari-arian sa magulang ng lalaki ang mga
magulang ng babae bago ikasal. d. Sa mga babae nakaatang ang pagkukumpuni ng sirang kasangkapan
sa bahay. _____14.Noong unang panahon, bakit nakaatang o nakasalalay sa mga kababaihan ang pagtatanim at pag-aari sa mga palayan at bukirin? a. Naniniwala silang matiyagang mag-alaga ang mga babae ng mga
palay sa bukirin. b. Naniniwala silang mas mas masisipag ang mga babae sa pagtatanim
ng palay kaysa sa mga lalaki. c. Mas matibay ang kanilang pangangatawan sapaggawa kaysa sa mga
lalaki. d. Ayon ito sa paniniwalang bilang mga ina, masmalamig ang kanilang
kamay sa pagtatanim at higit na darami ang ani ng kanilang sakahan. _______15.Nakagisnan na ng mga kababaihan ang pagiging mahinhin, nasa bahay lamang at may tsaperon kung lumalakad. Siya ay tinatawag na _________. a. Tradisyunal b. Di-tradisyunal c. Liberated d. Makaluma
20
________16.Siya ang isang halimbawa ng di-tradisyunal na babae sa Panahon ng kolonyalismo. Tinaguriang Ina ng Biak-na bato at nagsilbing nars ng mga sundalo sa Biak na Bato. a. Melchora Aquino b. Gregoria de Jesus c. Trinidad Tecson d. Josefa Rizal ________17. Bakit Maria Clara ang taguri sa mga babae noong Panahon ng Kolonyalismo? a. dahil sa magaganda nilang kasuotan b. dahil simbolo ng pagiging mahinhin, mahinahon at maingat sa
pagkilos c. dahil mukha silang mayayaman d. dahil sila’y nagmula sa angkan ng Espanyol
________18.Anong paaralang ang itinatag para sa magmamadre? a. beaterio b. bokasyunal c. kolehiyo d. paaralang normal ________19.Ano ang ginawa ng pamahalaang Espanyol upang mapabuti ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan? a. Namumuno sa mga dasal at gawaing panrelihiyon b. Sinanay sa mga gawaing bahay c. Hinayaang dumalo sa pagdiriwang nang may tsaperon d. Itinatag ang mga kolehiyo at beaterio para sa kababaihan ________20. Ang mga sumusunod ay katayuan ng mga kababaihan sa Sinaunang Pilipino maliban sa isa. Alinang nagpapakita ng katayuan ng kababaihan sa Panahon ng Kolonyalismo? a. Maaari silang magmana ng ari-arian. b. Maaari silang makipagkalakalan. c. Kadalasan ay nasa loob lamang sila ng bahay o kaya’y nasa paaralan. d. Maaari silang maging pinuno ng barangay.
1 Di-malinaw ang paglalahad ng paksa, walang pagkaunawa
Kaangkupan sa Paksa
4 Angkop na angkop
mga detalye sa paksang inilahad
3 May ilang detalye na hindi angkop
sa paksang inilahad
2 Kalahati ng mga detalye ay hindi angkop sa paksa
1 Walang
kaangkupan ang mga detalye sa
paksa
30
Pagkakaisa ng mga Miyembro
ng Pangkat
4 Aktibong
nakilahok ang 100% ng mga
kasapi
3 Aktibong
nakilahok ang 80% ng mga
kasapi
2 Aktibong
nakilahok ang 60% ng mga
kasapi
1 Iilan o wala pa sa
kalahati ang namasid na
nakilahok na mga kasapi
Paraan ng Pakikipagtalast
asan
4 Maayos at
matatag ang disposisyon sa
sarili, napapanatili ang “composure“
3 May disposisyon sa sarili subalit
paminsan-minsang
nawawalan ng “composure“
2 Di-gaanong maayos ang
disposisyon sa sarili at madalas nawawalan ng "composure"
1 Walang
katatagan sa disposisyon sa sarili, walang “composure“
Pagsunod sa Itinakdang Oras
4 Nagawa sa
itinakdang oras
3 Naisagawa
subalit lumabis sa takdang oras
2 Di lubos na
naisagawa at lumabis sa
takdang oras
1 Halos walang naisagawa sa
ibinigay na takdang oras
Iskala ng Pagmamarka: 16 - 20 - Pinakamahusay:
11 - 15 – Mahusay ROCHELLE S. ENRIQUEZ
6 - 10 – Karaniwan
1 - 5 - Pagtatangka
RUBRIK PARA SA SIMULATION
Pamantayan Batayang
Puntos
1. Napakahusay. Malinaw at angkop ang diyalogo, at kilos. Maayos na naipahayag ang mensahe at tumpak ang lahat ng impormasyong ipinakita
16 - 20
2. Mahusay. May malinaw na pagpapahayag ng angkop na dayalogo at kilos , subalit may 1 pagkakamali sa impormasyong ipinakita
11 - 15
3. Katamtaman ang Kahusayan. Nakapagpahayag ng dayalogo at may kilos ngunit may 2 o higit pang pagkakamali sa impormasyong ipinakita
6 - 10
4. Nangangailangan ng Pagsasanay. Walang naipahayag na diyalogo at walang kilos na naipakita
1 - 5
Iskala ng Pagmamarka: 16 - 20 – Pinakamahusay
11 - 15 – Mahusay ROCHELLE S. ENRIQUEZ
6 - 10 – Karaniwan
1 - 5 - Pagtatangka
31
ARALIN 5
PAGBABAGONG PAMPULITIKA AT PANG-EKONOMIYA SA
ILALIM NG PAMAHALAANG KOLONYAL
Takdang Panahon: 2 araw
LC 4 Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na
ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan.
Layunin:
1. Maisa-isa ang mga pagbabagong pampampulitika at ekonomiya
na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan.
2. Mailalarawan ang pamahalaang sentral at lokal at tungkulin ng
bawat pinuno nito.
3. Mapaghahambing ang pamahalaang lokal sa pamahalaang
sentral.
Paksang Aralin
Paksa: Pagbabagong Pampulitika at Pang-ekonomiya
saIlalim ng Pamahalaang Kolonyal
Kagamitan: Video Clip, Mga larawan, Laptop, LCD Projector
Sanggunian: Learner’s Material, pahina _____
K to 12 AP5KPK-IIId-e-4
(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula
1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang pamamaraan na gagawin
sa larong “4 Pics 1 Word”.
32
B. Paglinang
1. Matapos matukoy ang mga salita sa laro, hikayatin mo ang
iyong mag- aaral na makabuo ng isang konsepto patungkol sa mga naging
pagbabagong pampulitika at pang-ekonomiya sa panahon ng mga Espanyol.
2. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa mga
nagingpagbabagong pampulitika at pang-ekonomiya sa panahon ng mga
Espanyol sa LM p. _____
3. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming,
kaugnay ng aralin.
4. Ipasagot ang mga sumusunod na katanungan:
4.1 Ano ang itinatag ng mga Espanyol nang masakop nila
ang malaking bahagi ng Pilipinas?
4.2 Bakit itinatag ang ganitong uri ng pamamahala?
4.3 Sino ang pinaka-mataas na opisyal? Sino pa ang iba
pang oipsyal na bumubuo dito?
4.4 Paano sinikap ng mga Espanyol na matamo ang
kanilang layuning pangkabuhayan?
4.5 Ano ang naging epekto sa mga Pilipino ng mga
inilunsad na patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol?
5. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat
gawain.
33
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto saGawain A, pah. ___ ng LM.
(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Ipabasa ang
panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Muling pangkatin ng guro ang mga bata. Sa pagkakataong
ito maaaring pangkatin sa apat na pangkat ang klase.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng
LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat.
6. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin,
LM pah.
Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa
LM pah. _____
Takdang Aralin
Ipagpalagay na ikaw ay isang dayuhang mamamahayag
noong panahon ng pananakop sa mga Espanyol sa Pilipinas. Sumulat ng
isang ulat na nagsasaad ng iyong mga obserbasyon tungkol sa mga
gawain ng pamahalaang kolonyal at mga opisyal nito. Makatutulong
ang karagdagang pananaliksik para sa gawaing ito.
34
Susi sa Pagwawasto
Gawain A (1-4) Indibidwal na Gawain)
Maaaring iba-iba ang sagot.
Gawain B(Pangkatang Gawain)
Maaaring iba-iba ang sagot.
Gawain C(Pangkatang Gawain)
1. Gobernador Heneral 6. Corregimiento
2. Royal Audiencia, Residencia 7. Ayuntamineto
3. Alcaldia 8. Alcalde Ordinario
4. Alcalde Mayor 9. Gobernadorcillo
5. Corregidor 10. Regidores, Alguacil
Rubric para sa Gawain B Rubric para sa gawaing Venn Diagram
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
35
ARALIN 6
Takdang Panahon: 2 araw
LC 4.1 Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa
uri ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
Layunin:
1. Nasusuri ang istruktura ng pamahalaang kolonyal at uri ng
pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
2. Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa
uri ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
Paksang Aralin
Paksa: Istruktura ng Pamahalaang Kolonyal at Uri ng
Pamamahala ng Sinaunang Pilipino
Kagamitan: Video Clip, Mga larawan, Laptop, LCD Projector
Sanggunian: Learner’s Material, pahina _____
K to 12 AP5KPK-IIId-e-4
(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula
1. Punan ng sagot ang tsart. Tatawag ang guro ng sasagot kung ano
na ang alam nila at gusto pang malaman tungkol sa istruktura ng
pamahalaang kolonyal at uri ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
ALAM GUSTONG MALAMAN NALAMAN
ISTRUKTURA NG PAMAHALAANG KOLONYAL AT URI NG PAMAMAHALA NG SINAUNANG PILIPINO
36
2. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay saistruktura ng
pamahalaang kolonyal ng mga Espanol at uri ng pamamahala ng sinaunang
Pilipino sa LM p. _____
3. Magsasagawa ng talakayan gamit ang mga sumusunod na tanong:
3.1 Ano ang dalawang sistema/ uri ng pamahalaan ng sinaunang
Pilipino? Ipaliwanag ang bawat isa.
3.2 Sinu-sino ang katulong ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang
pamumuno at anu-ano ang tungkulin nila?
3.3. Sa inyong palagay, bakit hinati ng mga Espanyol ang
pamahalaang kolonyal sa dalawa?
3.4 Sinu-sino naman ang namamahala sa pamahalaang ito at ano ang
kanilang mga tungkulin? Ipaliwanag.
4. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain sa
Gawin Natin.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto saGawain A, pah. ___ ng LM
(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa ang
panuto saGawain B, pah. ___ ng LM.
Pangkat 1 at 2 ang magsasagawa ng gawain para sa
Pamahalaang Sinaunang Pilipino
Pangkat 3 at 4 ang magsasagawa ng gawain para sa
Pamahalaang Kolonyal ng Espanyol.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Sumulat ng talata na naghahambing sa istruktura ng
pamahalaang kolonyal sa uri ng pamamahala ng mga
sinaunang Pilipino.
37
1. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata
sa Gawain C.
2. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan saTandaan Natin sa pah.
___ ng LM.
Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa pah. ___
ng LM.
Takdang Aralin
Gumawa ng album na naglalaman ng mga larawan ng mga
namuno sa Pamahalaan ng Sinaunang Pilipino at Pamahalaang Kolonyal
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Susi sa Pagwawasto
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata.
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Sagot para sa gawain ng Pangkat 1 at 2 Pamahalaang Sinaunang
Pilipino
1. Barangay
2. Sultanato
3. Datu, Raha, Gat, Lakan
4. Sultan
38
Sagot para sa gawain ng Pangkat 1 at 2 Pamahalaang Sinaunang
Pilipino
1. Sentral 4. Alcalde Mayor 7. Gobernadorcillo 2. Lokal 5. Corregidor 8.Cabeza de Barangay 3. Gobernador Heneral 6. Alcalde Ordinario
Gawain C (Pangkatang Gawain) Rubrik para sa Gawain C (Role Playing)
Pamantayan Batayang Puntos
1. Napakahusay. Malinaw at angkop ang diyalogo, at kilos. Maayos na naipahayag ang mensahe at tumpak ang lahat ng impormasyong ipinakita
16-20
2. Mahusay. May malinaw na pagpapahayag ng angkop na dayalogo at kilos , subalit may 1 pagkakamali sa impormasyong ipinakita
11-15
3. Katamtaman ang Kahusayan.Nakapagpahayag ng dayalogo at may kilos ngunit may 2 o higit pang pagkakamali sa impormasyong ipinakita
6-10
4. Nangangailangan ng Pagsasanay. Walang naipahayag na diyalogo at walang kilos na naipakita
1-5
39
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT (Summative Test)
I. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ang Pamahalaang Sentral ay maihahalintulad sa Ehekutibong
Sangay ng Pamahalaan sa kasalukuyan samantalang ang Pamahalaang
Lokal ang ________ antas ng pamamahala ng mga Espanyol.
CO
DE
NIL
ALA
MA
N
Antas ng Pagtatasa at Kinalagyan ng Aytem
BIL
AN
G N
G A
RA
W N
A
NA
ITU
RO
BIL
AN
G N
G A
YTE
M
PO
RSY
ENTO
NG
A
YTE
M
PA
GB
AB
ALI
K
TAN
AW
O
KA
ISIP
AN
PA
G-U
NA
WA
PA
GLA
LAP
AT/
P
AG
GA
MIT
PA
G-A
AN
ALI
SA
PA
GTA
TAYA
PA
GLI
KH
A
AP5KPK-IIIc-3 AP5KPK-IIId-e-4
Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan
11-13,
1-2
14-16
4, 6-7
17-20
5, 8-10
3
4
4
10
10
50%
50%
KABUUAN 5 6 8 1 8 20 100%
TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON SA UNANG LAGUMANG
PAGSUSULIT
40
a. unang c. ikatlong
b. ikalawang d. ika-apat
_______2. Siya ang pinakamataas na Pinuno sa Pamahalaang Sentral,
tagapagpaganap at kinatawan ng hari ng Spain sa kolonya?
a. Alcalde c. Gobernadorillo
b. Cabeza de Barangay d. Gobernador-Heneral
________3. Itinatag ni Gobernador Heneral Jose Basco ang monopolyo
ng tabako noong 1782. Nasa kamay ng pamahalaan ang patakaran sa
pagtatanim ng tabako. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino tungkol
dito?
a. Naging masigla ang mga Pilipino sa pagtatanim ng tabako sapagkat
mas mabilis na mabibili ang kanilang mga produkto
b. Nagalit ang mga Pilipino sapagkat nakadama sila ng hirap at pang-
aabuso dahil sa sobrang baba ng presyo ng tabako na itinakda ng
pamahalaan.
c. Nagsawalang-kibo ang mga Pilipino ng itatag ang Monopolyo ng
tabako hanggang sa ipatupad ito sa buong bansa
d. Nalungkot ang mga Pilipino sa pagkakatatag ng Monopolyo ng tabako
sapagkat dahil dito sila’y magiging mga alipin ng mga Espanyol.
_______4.Saang sangay ng Pamahalaan natin ngayon maihahalintulad
ang Pamahalaang Sentral noon?
a. lehislatibo c. hudikatura
b. ehekutibo d. hukuman
_______5. Siya ang itinuturing na pinakamataas na pinuno sa
Pamahalaang Sentral at taga-pagpaganap na kinatawan ng Hari ng Spain.
a. Gobernador-Heneral c. Cabeza de Barangay
b. Gobernadorcillo d. Encomendero
41
II. Pag-ugnayin ang nasa hanay A at B. Isulat sa sagutang papel ang
bilang at ang titik na kaugnay nito.
A B
_______6. Nagmula sa salitang balanghay a. Pamahalaang lokal
na tawag sa mga sasakyang-pandagat
ng mga Malay.
_______7.Ikalawang antas ng pamamahala b. Pamahalaang
ngmga Espanyol sa Pilipinas. Barangay
_______8. Pamahalang dinala ng mga Muslim c. Pamahalaang
sa ating bansa. Itinatag ito ni Sultanato
Shariff Abu Bakr.
_______9. Tawag sa pinuno ng Barangay. d. Pamahalaang
Sentral
_______10. Maihahalintulad sa ehekutibong e. Datu
sangay ng pamahalaan sa kasalukuyan.
III. Tukuyin ang isinasaad ng pahayag sa bawat bilang.
____________ 11.Itinuturing na pinakamalaking impluwensya ng
mga Espanyol sa kulturang Pilipino.
____________ 12.Tulang inaawit patungkol sa buhay at pagpapaka-
sakit ni Kristo.
____________ 13.Tanging kurso na maaaring kunin ng mga
kababaihan noong panahon ng mga Espanyol.
____________ 14.Pinakatanyag at nakaaaliw na pagdiriwang, kung
saan may sayawan, pagtitipon-tipon ng mag-anak,
paputok, prusisyon at karnabal.
____________ 15.Tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.
42
____________ 16. Dulang nagpapakita ng paglalaban sa pagitan ng
Kristiyano at mga Muslim.
____________ 17. Tawag sa mga tulang nauukol sa relihiyon.
____________ 18.Uri ng unang paaralang ipinatayo ng mga
misyonerong Espanyol.
____________ 19. Ito ang patunay ng pagkamalikahain at pagkahilig
ng mga sinaunang Pilipino sa musika.
____________ 20. Tanging bansang Kristiyano sa Asya.
ARALIN 7 Sistema ng Kalakalan ng mga Sinaunang
Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Napaghahambing ang Sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
2. Nakabubuo ng konsepto ukol sa Sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino
Paksang Aralin Paksa : Sistema ng Kalakakalan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng Kolonyalismo Kagamitan : powerpint presentation, video clip, Manila paper Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 – AP5KPK-III-e-4 Aklat (Aileen G. Baisa-Julian, N. S. (2013). Lakbay ng Lahing Pilipino 5.
1. Magpakita ng mga larawan. Ipahula sa pangkat o klase ang isinasaad sa larawan. Bigyan ng kredit ang naunang nakahula.
2. Itanong ang mga sumusunod:
Madali bang hulaan ang mga ipinakitang larawan?
Saan kaya madalas makita ang gawaing ito na nasa larawan?
Sa palagay ninyo, ano kaya ang nagaganap sa larawang ipinakita?
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata. 4. Iugnay ang mga ito sa aralin.
B. Paglinang
1. Punan ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang mabuo
ang salita. Subuking gamitin ang salita sa isang pangungusap.
2. Magdaos ng brainstorming kaugnay sa mga pangungusap na nabuo.
3. Ipabasa ang Alamin Natin sa LM, pah. _____ 4. Talakayin ang paksa 5. Ipagawa ang mga Gawain A
e. Ano ang kalakalang barter? f. Ano ang kalakalang galyon? g. Ano ang pagkakahawig at pagkakaiba ng dalawang sistema
ng kalakalan? 6. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.
Gawain A(Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto saGawain A, pah. ___ ng LM.
44
(Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang panuto saGawain B, pah. ___ ng LM.
Gawain C(Pangkatang Gawain)
Muling pangkatin ng guro ang mga bata. Sa pagkakataong ito maaaring pangkatin sa apat na pangkat ang klase.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain C,pah. ___ ng LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat. 7. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata
sa Gawain B at C 8. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan saTandaan Natin, LM pah.
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa LM pah. Takdang Aralin Gumawa ng poster na nagpapakita ng naging paraan ng
pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino at sa panahon ng
kolonyalismo.
Susi sa Pagwawasto Gawain A 1. BARTER 2. KALAKALAN 3. GALYON 4. MAYNILA 5. MEXICO Gawain B (Pangkatang Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot. Gawain C (Pangkatang Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot.
45
Rubric para sa Gawain B at C Rubric para sa gawaing Venn Diagram at Concept Map
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
ARALIN 8 Pamamahala ng mga Espanyol sa mga Sinaunang Pilipino
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin: 1. Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng
mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino; 2. Nasusuri ang mga mabuti at di-mabuting dulot sa pagbabago
ng pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino.
Paksang Aralin Paksa : Pamamahala ng mga Espanyol sa mga Sinaunang Pilipino Kagamitan : mga larawan ng pananakop, video clips o powerpoint presentations, laptop, manila paper, pentel pen Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPKIIId-e-4.3 Aklat (Aileen G. Baisa-Julian, N. S. (2013). Lakbay ng Lahing Pilipino 5.
Phoenix Publishing House, Inc.)
Internet (https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasaysayan ng Pilipinas
(1521%E2%80%931898)#Mga epekto ng pamumuno ng Espanya) (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Balitaan: Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na pag-usapan ang napapanahong balita.
2. Itanong: a. Ano ang masasabi ninyo sa ekonomiya ng bansa, sa pagpasok
ng bagong administrasyon? b. Paano kaya nakakaapekto ang pamahalaan sa kalagayang
panlipunan ng mga Pilipino? c. Sa palagay ninyo, alin kaya sa mga departamento sa ating
bansa ang nangangailangan ng higit na pansin sa pamahalaan? 3. Isulat sa pisara ang sgaot ng mga mag-aaral. 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa sa Alamin Natin, LM pah. ____
2.Ipasagot ang mga tanong mula sa tekstong binasa. 3. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang
lahat ng sagot. 4. Ipabasa ang Alamin Natin sa LM, pah. _____ 5. Talakayin ang paksa 6. Ipagawa ang mga Gawain A
a. Ano-ano ang naging epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino?
b. Ano ang naging mabuti at di-naging mabuting epekto nito sa mga sinaunang Pilipino?
7. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.
(Ikalawang Araw) Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat.
8. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain B at C.
47
9. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin sa pah. ___ ng LM.
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung NatutunanNatin sa pah. ___ ng LM. Takdang Aralin Gumawa ng album ng mga artikulo na may kinalaman sa
pamamaraan ng pamamahala ng mga Espanyol sa panahon na sakop nila
ang Pilipinas.
Rubrik para sa Gawain B at C
Pamantayan Batayang Puntos 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga
mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May mga isang detalye na hindi nailahad o naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
3. May kalahati o 50% lamang na detalye ang hindi naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
5th Day Performance Task - Friday
Pangkat 1 at 2: Gamit ang Catch the Falling Stars, tutukuyin ng pangkat 1 at 2 ang iba’t ibang pagbabagong nangyari sa pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino.
2
3
Epekto ng pagbabago sa pamamahala ng
mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino
1
4
5
48
Rubrik para sa gawaing Catch the Falling Star
Pamantayan Batayang Puntos 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga
mag-aaral sa kanilang gawain/output 16-20
2. May isang detalye na hindi nasagot ang mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lamang ang naipaliwanag o nagawang output ng mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
ARALIN 9 EPEKTO NG KOLONIYALISMO SA LIPUNAN NG SINAUNANG PILIPINO
Takdang Panahon: 4 araw
Layunin:
1. Natutukoy ang mga epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino.
2. Nakapagbibigay ng reaksyon at pananaw ukol sa naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino.
3. Mapaghahambing ang epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kasalukuyan.
PaksangAralin Paksa : Pagbabagong kultural sa Pamahalaang Kolonyal ng mga Espanyol at Epekto ng Kolonyalismo sa Lipunan ng Sinaunang Pilipino. Kagamitan :Tsartng Tula, video clips o powerpoint presentations, laptop, Graphic Organizer,Caravan Web Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPK-IIIf-5
49
(Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin tungkol sa konsepto ng kolonyalismo.
2. Pagganyak: Magpakita ng iba’t-ibang larawan ng mga sinaunang Pilipino na naninirahan at namumuhay sa mga lugar kung saan sila nakabuo ng panibagong pamayanan.Ipalarawan ang kanilang nakita.
3. Ipakita sa mga mag-aaral ang isang “video presentation” ukol sa naging kalagayan ng mga karapatan ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Kolonyalismo. 4. Ipaliwanag ang bawat naging epekto ng dulot ng kolonyalismo sa mga sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng malayang talakayan. 5. Pasagutan ang Gawain A (Indibidwalna Gawain) na nakasaad sa learners material. Bigyan ng takdang oras ang pagsasagot kasunod nito ay ang pagbibigay ng wastong sagot. Muli magkaroon ng malayang talakayan.
(Ikalawang Araw) A. Panimulang Gawain 1. Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, tayo ay magbalik- tanaw sa nakaraang paksang tinalakay. Isa-isahing muli ang mga naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino. Anu-ano ang inyong mga naging reaksyon ukol dito? Paglinang 2.Lunsaran ng bagongaralin Ipabasa sa mga mag-aaral ang isangtula na may pamagat na “ Sa Duyan ng Kalayaan” hayaang maglahad ang mga mag-aaral ng kanilang haka-haka o opinion ukol sa nilalaman at mensahengtula. 3. Mga mungkahing Gawain Magsagawa ng pagpapangkat-pangkat ng mga mag-aaral sa apat (4). Ipabigay ang bawat pananaw/reaksyon ukol sa nilalaman ng tula na iuulat o ilalahad ng bawat lider. 4. Matapos ang pangkatang-gawain ay magkaroon ng paligsahan sa pagbigkas ng tula ang bawat pangkat. 5. Gamitin ang Rubrics sa Tula
50
Kraytirya
4 Kahanga-
hanga
3 Mahusay
2 Karaniwan
1 Pagtatangka
Presentasyon Kahandaan Pakikiisa sa Gawain Pagsunod sa itinakdang oras
Malinaw at sabay sabay na nabigkas ang tulang may kawilihan. Lahat ng bagay ay maayos at sila’y nagkakaisa Aktibo at lubos ang pakikiisa Naisagawa ng ayon sa itinakdang oras
Nabigkas ang tula, nagpakita ng kawilihan Inihanda ang mga sarili sa isasagawang gawain Aktibo ang nakararami sa mga kasapi Naisagawa subalit di natapos sa itinakdang oras
Nabigkas ang tula, kulang sa emosyon May ilang hindi naaayon ang ginagawa May ilangaktibo Di-naisagawa ngunit humigit pa sa itinakdang oras
Hindi seryoso Hindi lahat ay nakiisa walang kahandaan Walang kawilihan ang nakararami sa mga kasapi Nakapagsagawa ng ilang bahagi ngunit di nakasunod sa oras.
A. Muling suriin ang usapin sa naging epekto ng kolonyalismo sa mga sinaunang Pilipino, may nagging pagkakahalintulad ba ang mga ito sa kasalukuyang sistema ng pamumuhay nating mga Pilipino? Hayaang magbigay ng kani-kanilang pananaw ang mga mag-aaral. B. Isagawa ang “TayongMaglakbay” ( Indibidwalna Gawain) mula sa Learners Material. Gamitin ang notbuk sa pagbibigay ng angkop nakasagutan upang mabuo ang mga detalye sa Caravan Web.
51
(Ikaapat na Araw) Pangwakas na Gawain
Basahin angTandaan Natin
Magsagawa ng paghihinuha batay sa mga impormasyong natutuhan. Ano ang inyong masasabi tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?
• Pagsasagot sa Subukin kung Natutunan Natin Learners Material pahina_.
Sukatin kung Natutunan Natin Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Iguhit ang kung wasto ang isinasaad at epektong kolonyalismo, ulap kung ang isinasaad ay di- naayon sa nagging epektong kolonyalismo. ____1.Ang tributo ay isang sistema o paraan ng pagbabayad ng mga produkto ng mga Pilipino kaysa sa halagang salapi. ____2.Preso o alipin ang tawag sa mga Pilipinong naging sunud-sunuran sa kanilang sariling bayan. ____3. Hindi na naisagawa sa mga bagong pamayanan na pinaglipatan ang mga uring hanapbuhay na kanilang kinagisnan. ____4.Lubhang naging masaya ang mga sinaunang Pilipino dulot ng kolonyalismo. ____5.Ibinubulsa lamang ng mga opisyal na Espanyol ang salaping nararapat lamang sa mga Pilipino.
52
TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON SA IKATLONG SUMATIBONG
PAGSUSULIT
C
OD
E
N
ILA
LAM
AN
Antas ng Pagtatasa at Kinalalagyan ng Aytem
BIL
AN
G N
G N
A N
AIT
UR
O
AR
AW
BIL
AN
G N
G A
YTE
M
PO
RSY
ENTO
NG
AY
TEM
PA
GB
AB
ALI
K T
AN
AW
O
KA
ISIP
AN
PA
G-U
NA
WA
PA
GLA
LAP
AT
/ P
AG
GA
MIT
PA
G-A
AN
ALI
SA
PA
GTA
TAY
A
PA
GLI
KH
A
AP5 KPK-III-
e-4
AP5KPK-IIIf-5
Naipaghahambing
ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino at sa panahon ng
kolonyalismo
Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa
pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang
Pilipino
Nakapagbibigay ng sariling
pananaw tungkol sa nagging epekto ng kolonyalismo
sa lipunan ng sinaunang Pilipino
3
11
20
1
10
19
8
2,5,6
7,9,
15,17,18
4
12
13,16
2
2
4
6
6
8
30% 30% 40%
KABUUAN 3 3 1 8 4 8 20 100%
Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang sistemang pangkalakalan na ginamit ng
mga sinaunang Pilipino?
53
a. Barter b. Bandala c. Tributo d. Polo
2.Saang bansa nagmumula ang kalakalang galyon patungo sa Pilipinas?
a. Mula Mexico patungong Brunei b. Mula Indonesia patungong Pilipinas c.Mula Mexico patungong kanlurang asya d. Mula Mexico patungong Pilipinas 3. Ano ang salitang tinutukoy ng pangungusap?
Ito ay naglalarawan sa halagang 200 hanggang 250 piso katumbas ng
isang silid o bodega na paglalagakan sa loob ng galyon.
a. polista b. tributo c.boleta d. palihan
4. Ito ang tawag sa uri ng salapi o barya na ginagamit sa
pakikipagkalakalan.
a. piloncitos b. piso c. sipol d. dinar
5. Aling lugar sa Pilipinas ang kauna-unahang naging sentro ng
kalakalan?
a. Cebu b. Tawi-Tawi c. Maynila d. Mindanao
6. Ang mga sumusunod ay mga uri ng kalakal na ipinamamahagi sa
panahon ng kolonyalismo maliban sa isa.
a. pilak b. tabako c. mais d. palay
7. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga pagbabago panrelihiyon
naitatag sa kolonyalismo maliban sa isa.
a. pinalaganap ang kristiyanismo b. dumami ang misyonero c. pagpapatayo ng mga prayle d. reduccion 8. Sino ang namahala sa larangan ng edukasyon sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol?
a. Gobernador Heneral b. mga pari c. misyonero d. Gobernadorcillo
54
9. Saan yari ang karaniwang tahanan matapos na mailipat sa tinawag na
Poblacion?
a. yari sa bato b. yari sa pawid c. yari sa kahoy d. yari sa yero
10. Anong uri lamang ng karapatan ang ipinagkaloob sa mga
kababaihan?
a. makapaghanapbuhay c. pagaalaga sa mga anak b. manungkulan sa pamahalaan d. pagdidisiplina sa mga anak 11. Ano ang uri ng pamahalaan ang umiiral sa ilalim ng pamamahala ng
mga Espanyol?
a. Pamahalaang Diktatoryal c. Pamahalaang Pambansa at local b. Pamahalaang kolonyalismo d. Pamahalaang Lokal 12. Ano ang naging epekto sa pagpapairal sa sistemang encomienda sa
mga Pilipino?
a. Lumaki ang lita ng pamahalaan b. Nakatulong ito upang nagging maunlad ang mga Pilipino c. Naging masipag ang mga Pilipino sa tulong ng mga opisyal na Espanyol d. Lalong nagpahirap ang mga Pilipino 13. Ang_______ ay isang sistema o paraan ng pagbabayad ng mga
produkto ng mga Pilipino kaysa sa halagang salapi.
a. Tributo b. Polo c. Bandala d. Reduccion
14. Sila ang uri ng mga Pilipino na ipinadadala sa malalayo sa kanilang
pamilya.
a. alipin b. polista c. kasambahay d. polo
15. Ito ang tawag sa isang uri ng panloloko sa mga Pilipino ng mga
opisyales pagdating sa mga kalakal na ipinagbibili.
a.buwis b.butaw c. bandala d. pagsasamantala
55
16. Ang ________ ay tawag sa pagtitipon ng mga pamayanan na ginawa
upang mapadali ang mga Gawain ng mga misyonero.
a. reduccion b. bayan c. pueblo d. kabisera
17. Ano ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay napasailalim sa
sistema ng polo?
a. Kawalan ng hanapbuhay b. Kawalan ng tirahan c. Kawalan ng pagkain d. Kawalan ng edukasyon 18. Ang mga susmusunod ay ilan lamang sa mga pagbabago na hindi na
naisagawa ng mga Pilipino sa kanilang bagong pamayanan.
a. pagtitinda c. pangingisda at pangangaso sa kabundukan b. pangangalakal d. pagtatanim 19. Saan napupunta ang mga salapi na nararapat ipagkaloob sa mga
polista?
a. sa pamilya ng mga polista c. sa mga opisyal b. sa mga prayle d. sa Gobernadorcillo 20. Ilarawan ang nagging damdamin ng mga Pilipino sa ilalim ng
kolonyalismo.
a. masaya c. nag-aalala b. malungkot at naghirap d. walang katarungan
Susi sa Pagwawasto
1.a 2.d 3.c 4.a 5.c
6.d 7.d 8.b 9.a. 10.d
11.c. 12.d 13.a 14.b 15.c d
16.a 17.a 18.c 19.c 20.b d
56
ARALIN 10.1 PANANAKOP NG KOLONYALISMONG ESPANYOL
SA MGA KATUTUBONG PANGKAT SA KORDILYERA
Takdang Panahon: 4 araw
Layunin:
1. Naipaliliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga
katutubong pangkat Kordilyera ng kolonyalismong Espanyol
2. Nasusuri ang mga paraang armado ng pananakop ng mga
Espanyol
3. Natatalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat
sa armadong pananakop
4. Natatalakay ang mga ang mga isinagawang rebelyon ng mga
katutubong pangkat.
Paksang Aralin
Paksa : Pananakop ng Kolonyalismong Espanyol sa mga
Katutubong Pangkat sa Kordilyera
1.1 Paraan ng Pananakop
1.2 Reaksyon ng mga Katutubo sa Pananakop
1.3 Rebelyon ng mga Katutubo
Kagamitan : mga larawan at video clips o powerpointpresentations,
laptop,projector, manila paper, pentel pen, chalk, at
pisara
Sanggunian : Gabay Pangkurikulum sa AP
Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5
Learner’s Material pah. ___
K to 12 - AP5KPK – IIIg – i6
57
(Unang Araw)
Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin.
2. Gamit ang Picture Presentation/Association, ipakita sa mga mag-
aaral ang larawan ng krus, espada, sasakyang pandagat, at
misyonero. Ipasuri sa kanila kung ano ang kinalaman ng bawat
larawan sa paksang tatalakayin.
3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.
4. Iugnay ang mga sagot ng bata sa aralin.
B. Paglinang
1. Ipakita ang larawan/powerpoint presentation/video presentation
ng mga kultura ng mga katutubong Pilipino (Project Leap )
2. Bakit tinutulan ng mga katutubo ng Kordilyera ang mga misyong
Espanyol at ang mga patakarang kolonyal ng Espanya?
3. Ano ang batayang katangian ng mga katutubo na naging hadlang
sa pagsakop dito ng kolonyalistang Pilipino?
4. Isulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.
5. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah ___.
6. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat
ng sagot nila.
58
(Ikalawang Araw)
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Gamit ang OPV (Other
People’s View) ang bawat grupo ng mag-aaral ay aalamin kung
paano nga ba nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Ipasuri sa
kanila kung ano ang naging lakas at kaninaan ng mga Espaῇol sa
pagsakop sa ating bansa. Ang bawat miyembro ng grupo ay
magbibigay ng kanilang opinyon kung paano naging madali o
mahirap para sa mga Espaῇol na sakupin ang Pilipinas.
Ipaliwanag ng guro angpanuto sa pagsasagawa ng gawain.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.
(Ikatlong Araw)
Sa pamamagitan ng Socialized Discussion o malayang talakayan at
gamit ang mga larawan at aklat o LM, aalamin ng mga mag-aaral
kung ano ang reaksyon ng mga katutubo sa pananakop ng mga
Espanyol.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng gawain.
Gawain B: Jumbled Letters
(Maaaring Indibidwal o Pangkatang Gawain)
(Ika-apat na Araw)
Sa pamamagitan ng Interactive Learning Method, bigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral sa bumuo ng kaisipan na sa
katangian ng mga katutubo at ng rehiyon. Ang guro ay gagabay sa
nasabing interaksyon.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng gawain.
59
Gawain C
Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang
panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
Gumamit ng rubric sa pagtatasa sa pangkatang gawain ng
mga bata sa Gawain C
Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, pah. ___
sa LM.
Pagtataya
Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa LM pah.
___
Takdang Aralin
Ilista ang mga katangian ng mga katutubo sa Kordilyera.
Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang katangian ito upang maging
responsableng mamamayan ang isang kabataang Pilipinong tulad mo.
Susi sa Pagwawasto
Gawain A (1-5 Indibidwal na Gawain)
1. 2. 3. 4. 5.
Gawain B (Maaaring Indibidwal o Pangkatang Gawain)
1. GINTO
2. NUEVA ECIJA
3. BUWIS
4. IFUGAO
5. BENGUET
60
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Pagsasadula
Rubric para sa Gawain C (Pagsasadula)
16-20 - Pinakamahusay
11-15 - Mahusay
6-10 - Katamtaman
1-5 - Pagtatangka
Susi sa Pagwawasto para sa Pagtataya:
1. c
2. d
3. e
4. a
5. b
RUBRIK PARA SA PAGSASADULA
Pamantayan Batayang
Puntos
1. Napakahusay. Malinaw at angkop ang diyalogo, at kilos. Maayos na naipahayag ang mensahe at tumpak ang lahat ng impormasyong ipinakita
16 - 20
2. Mahusay. May malinaw na pagpapahayag ng angkop na dayalogo at kilos , subalit may 1 pagkakamali sa impormasyong ipinakita
11 - 15
3. Katamtaman ang Kahusayan. Nakapagpahayag ng dayalogo at may kilos ngunit may 2 o higit pang pagkakamali sa impormasyong ipinakita
6 - 10
4. Nangangailangan ng Pagsasanay. Walang naipahayag na diyalogo at walang kilos na naipakita
1 - 5
61
PERFORMANCE TASK
Gamit ang 1/8 na illustration board at mga materyales pang kulay at pang disenyo, gumawa ng isang poster na nagtatampok sa isang kaugalian o paniniwala ng mga katutubo sa Kordilyera. Magkaroon ng maikling pagsasalawaran kung paano ang kaugalian o paniniwalang ito ay nakapag-aambag sa mayamang kulturang Pilipino.
RUBRIK PARA SA PAGGUHIT Kraytirya Napakahusay Mahusay Karaniwan Pagtatangka
Paksa
4 Angkop na angkop at
eksakto ang kaugnayan sa paksa
3 May kaugnayan
sa paksa
2 May kaunting kaugnayan sa
paksa
1 Walang
kaugnayan sa paksa
Pagkamalikhain
4 Gumagamit ng
maraming kulay at kagamitan na may
kaugnayan sa paksa
3 Gumamit ng
iilang kulay at kagamitan na
may kaugnayan sa paksa
2 Makulay
subalit hindi tiyak ang
kaugnayan sa paksa
1 Walang kulay
at walang kaugnayan sa
paksa
Kalidad ng Ginawa
4 Makapukaw interes at
tumitimo sa isipan
3 Makatawag
pansin
2 Nakakatawag pansin ngunit nakakapukaw
ng isipan
1 Di - pansinin,
di - makapukaw ng
interes at isipan
Kalinisan
4 Maganda at kahanga –
hanga ang kalinisan
3 Malinis
2 Halatang
inapura at di gaanong malinis
1 Di malinis ang pagkakagawa
Pagsusumite
4 Nakapagsumite ng mas
maaga sa itinakdang araw
3 Nakapagsumite
sa tamang oras/araw
2 Nakapagsumite ngunit huli ng 1 araw sa itinakdang
petsa
1 Higit sa 1 araw ang kahulihan sa itinakdang
petsa
Iskala ng Pagmamarka: 16 - 20 - Pinakamahusay
11 - 15 - Mahusay
6 - 10 - Karaniwan
1 - 5 - Pagtatangka
62
ARALIN 10.2: Sanhi at Bunga ng Di Matagumpay na Pananakop ng mga Espanyol sa mga Igorot
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Matataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang
reaksyon ng mga Igorot sa kolonyalismo
2. Makabubuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di
matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa mga
Igorot
3. Makakasayaw ng “Idudu”, isang sayaw na nagpapakita ng buhay-
pamilya ng mga Itneg (isang maliit na pangkat etniko ng Igorot)
4. Maibibigay ang kaukulang paggalang at pagtanggap sa mga
kababayang Igorot
Paksang Aralin
Paksa : Sanhi at Bunga ng Pananakop ng mga Kastila sa mga Igorot
Kagamitan : AVP
Sanggunian: Aralin 10-b, LM, pp.
Kto12- AP5KPK-IIIg-i6
(Unang Araw)
Pamamaran
A. Panimula
1. Pagsasagawa ng isang virtual tour sa Banaue Rice Terraces.
REAKSYON AT REBELYON NG MGA KATUTUBONG MUSLIM SA MINDANAO AT SULU
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Natatalakay ang ibat ibang reaksyon ng mga katutubong Muslim sa armadong pananakop.
2. Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon ng mga katutubong Muslim.
Paksang Aralin Paksa : Reaksyon at Rebelyon ng mga Katutubong Muslim sa Mindanao at Sulu Kagamitan : larawan,manila paper, pentel pen, tsart, Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPK-IIIg-i-6.2-3 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Balitaan ukol sa napapanahong isyu na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Balik-aral: Anong paraan ang ginawa ng mga Espanyol upang sakupin ang mga katutubong Muslim ng Mindanao?
3. Ipakita ang larawan ng pakikipaglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol. Itanong sa mga mag-aaral kung ano nakikita nila sa larawan at ano ang ipinapahiwatig nito.
4. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin. B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng masusing tanong sa Alamin Natin sa LM p. ___
2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ang mga tanong. 3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing
batayan sa paglinang ng aralin. 4. Ipabasa ang babasahin sa LM, pahina __ 5. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng
aralin.
65
6. Bigyang diin sa talakayan ang mga naging reaksyon at rebelyon ng mga Pilipinong Muslim sa pananakop nga Espanyol.
7. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Gawin Natin, Gawain A (Indibidwal na Gawain) na nasa LM,pahina___
8. Ipaliwanag at iugnay ang mga kasagutan ng bata sa aralin. (Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Muling pangkatin ng guro ang mga bata. Sa pagkakataong ito maaaring pangkatin sa dalawang pangkat ang klase.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat. 9. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain at pagsulat
ng sanaysay ng mga bata sa Gawain B at C. 10. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM
pah.___
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa LM pah.__. Takdang Aralin Sa iyong sariling palagay, ano ang bunga at naging epekto ng mahabang pakikipaglaban ng mga katutubong Muslim sa kanilang pamumuhay? Pangatwiranan ang iyong sagot o opinion. Susi sa Pagwawasto Gawain A (1-5) Indibidwal na Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot. Gawain B (Pangkatang Gawain) Pangkat 1-2. 1.Mali- tatlong daan taon 2. Tama 3. Tama 4. Mali- pananampalatayang Islam
Gawain C A. Datu Ubal, Sultan Kudarat, Datu Tagal, Silongan at Sali B. Paggamit ng rubric sa pagsulat ng sanaysay
Sukatin kung Natutunan Natin 1. Muslim 2. Silongan at Sali 3. Nuestra Señora del Pilar 4. Sultan Kudarat 5. jihad
Rubrik para sa Gawain B at C
Rubrik para sa Pangkatang Gawain at graphic organizer
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga
mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o
naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o
nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Walang naipaliwanag o nagawang output ang
mga mag-aaral
1-5
67
Rubrik para sa Pagsulat ng Sanaysay
Pamantayan Batayang Puntos
1. Naipaliwanag nang malinaw ang mga nasasalisik na kumpletong relatibong detalyong na may kaugnay sa paksa
2. Naiayos nang mabuti ang pagkakasunud-sunod na detalye.
3. Nagpamalas ng mayaman at malawak na kaalaman sa paggamit ng salita at bantas
4. Tumpak at angkop ang pagpapaliwanag at nagpamalas ng kahusayan at tiwala sa sarili
5. May matatag at malinaw na argumento.
16-20
1. Naipaliwanag nang malinaw 2. Ang detalye ay bahagyang di organisado 3. Medyo malawak na kaalaman na nagamit sa
mga salita at may ilang di wastong bantas 4. Nagpamalas ng kahusayan subalit may ilang
di angkop na detalye 5. Medyo mahina ang pagsusuri ng mga detalye
11-15
1. Naiugnay ang relasyon pangsuporta detalye sa paksa ngunit di sapat
2. Angdetalye ay di gaanong malinaw na nailahad
3. Nagpamalas ng limitading kaalaman sa paggamit ng salita at may mga maling bantas
4. Limitado ang naisulat na impormasyon o detalye
5. Simple ang argumento at mahina ang pagsusuri ng mga detalye.
6-10
1. Walang kaugnayan ang teksto sa paksa 2. Hindi organisado 3. Di angkop ang mga salitang ginamit at maling paggamit ng bantas 4. Di angkop ang sanaysay na ginawa sa teman ibinigay ng guro. 5. Mahina ang ginamit sa sanaysay
1-5
68
ARALIN 11.2
SANHI AT BUNGA NG REBELYON NG MGA KATUTUBONG MUSLIM
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin: 1. Natataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang
reaksyon ng mga katutubong Muslim sa kolonyanismo. 2. Nakakabuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di
matagumpay na armadong pananakop. Paksang Aralin Paksa : Sanhi at Bunga ng Rebelyon ng mga Katutubong Muslim Kagamitan : tsart, cartolina strip, manila paper, pentel pen Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPK-IIIg-i-6.4-5 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Balitaan: Magdaos ng ilang minutong balitaan hinggil sa huling mga
kaganapan sa bansa. 2. Balik-aral:Fact o Bluff
Basahin ang mga pangungusap na nasa cartolina strip. Sabihin kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay Fact o Bluff.
a. Madaling nahikayat ang mga katutubong Muslim ng maimpluwensyang Espanyol.
b. May pagsalakay na ginawa ang mga Muslim sa mga pamayanang Kristiyano.
c. Nagpakita ng katapangan at kagitingan ang mga Muslim sa mga pananakop ng Espanyol.
d. Mas makabago ang sasakyang pandigma ng mga Muslim.
e. Umabot sa tatlong daang taon ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu.
69
Pagganyak: Jumbled Letters Buiin ang jumbed letters na nakadikit sa pisara.Ang pangkat na unang makabuo ng tamang salita ang panalo. HASIN TA ANGUB Itanong: Ano ang pagkaunawa sa salitang Sanhi at Bunga hinggil sa pakikipaglaban ng mga katutubong Muslim?
B. Paglinang
1. Ilahad ng guro ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Natin sa LM, pahina ___.
2. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng mga tanong.
3. Ipabasa ng guro ang Alamin Natin sa LM, pah. ___. 4. Talakayin ang mga sumusunod:
A. Sanhi ng pakikipaglaban ng mga Muslim B. Epekto ng pakikipaglaban sa pamumuhay ng mga Muslim C. Konklusyon sa di matagumpay na armadong pananakop
5. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Ipaliwanag at iugnay ang mga sagot ng bata sa tatalakaying aralin. Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM. (Ikalawang Araw) Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Pangkat 1 ang magsasagawa ng gawaing Concept Web
Pangkat 2 ang magsasagawa ng gawaing Graphic Organizer
Pangkat 3 ang magsasagawa ng Role Playing Gawain C (Pangkatang Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM. Ipaliwanag sa klase ang nilikhang poster.
6. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain B at C.
7. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin sa pah. ___ ng LM.
70
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa pah. ___ ng LM. Takdang Aralin Pangatwiran: (Bigyan ng kapareha ang mag-aaral)
Sa kasalukuyan, may mga usapin tungkol sa Bangsamoro Basic Law sa gawing Mindanao. Nararapat bang isabatas sa lalong madaling panahon ng kasalukuyang pamahalaan? Susi sa Pagwawasto Gawain A (Indibidwal na Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata. Gawain B (Pangkatang Gawain) Sagot para sa gawain ng Pangkat 1 (Maaaring tanggapin ang mga sagot na may pagkakahawig dito)
1. Paghihiganti sa pagtatangkang pagsakop sa kanilang lupain 2. Pagtatanggol sa relihiyong Islam 3. Labanan dahil sa pamimirata Sagot para sa gawain ng Pangkat 2
(Maaaring tanggapin ang mga sagot na may pagkakahawig dito) 1. Pagkaunti ng populasyon 2. Pagkabawas ng pangangalakal 3. Pagkakahati sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim
Sagot para sa Gawain ng Pangkat 3 Gamitin ng guro ang rubric upang tasahin ang ipinakitang Role Playing
Gawain C (Pangkatang Gawain) Maaaring iba-iba ang saloobin at opinyon ng mga mag-aaral sa paggawa ng poster. Gamitin ng guro ang rubric upang tasahin ang gawaing ito.
71
Rubrik para sa Gawain B
Rubrik para sa gawaing Concept Web at Graphic organizer
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng
mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May isang detalye na hindi nasagot ang
mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lamang ang naipaliwanag o
nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang naipaliwanag o nagawang
output ang mga mag-aaral
1-5
Rubrik para sa Gawain B (Role Playing)
Pamantayan Batayang Puntos
1. Napakahusay. Malinaw at angkop ang
diyalogo, at kilos. Maayos na naipahayag ang
mensahe at tumpak ang lahat ng
impormasyong ipinakita
16-20
2. Mahusay. May malinaw na pagpapahayag
ng angkop na dayalogo at kilos , subalit may
1 pagkakamali sa impormasyong ipinakita
11-15
3. Katamtaman ang Kahusayan.
Nakapagpahayag ng dayalogo at may kilos
ngunit may 2 o higit pang pagkakamali sa
impormasyong ipinakita
6-10
4. Nangangailangan ng Pagsasanay. Walang
naipahayag na diyalogo at walang kilos na
naipakita
1-5
72
Rubrik para sa Gawain C
Paggawa ng poster
Pamantayan Batayang Puntos
1. Angkop na angkop at eksakto ang kaugnay sa
paksa
2. Gumagamit ng maraming kulay at kagamitan
na may kaugnay sa paksa
3. Makapukaw interes at tumimo sa isipan
4. Maganda at kahanga-hanga ang kalinisan
5. Nakapagsumite sa mas maaga sa itinakdang
oras
16-20
1. Maykaugnay sa paksa
2. Gumamit ng iilang kulay at kagamitan na may
kaugnay sa paksa
3. Makatawag pansin
4. Malinis
5. Nakapagsumite sa tamang oras
11-15
1. May kaunting kaugnayan sa paksa
2. Makulay subalit hindi tiyak ang kaugnay sa
paksa
3. Nakakatawag pansin ngunit nakakapukaw ng
isipan
4. Halatang inapura at di gaanong malinis
5. Nakapagsumite ngunit huli sa itinakdang oras
6-10
1. Walang kaugnayan sa paksa
2. Walang kulay at walang kaugnayan sa paksa
3. Di-pansinin, si-makapukaw ng interes at
isipan
4. Di malinis ang pagkakagawa
5. Di naipasa sa itinakdang oras
1-5
73
PERFORMANCE TASK
BULILIT PATROL
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Magsagawa ng pag-uulat
hinggil sa mga sumusunod na pangyayari. (Bigyan ng sapat na panahon
ang mga bata upang mapaghandaang mabuti ang pag-uulat)
Pangkat 1 – Mga rebelyon ng mga katutubong Muslim sa pananakop
na Espanyol
Pangkat 2 – Sanhi at epekto ng rebelyon ng mga Katutubong Muslim
Pangkat 3 – Pinunong Muslim na nakipaglaban sa armadong Espanyol
at katangian mga nito
Rubrik para sa Pangkatang Pag-uulat
Pamantayan Batayang Puntos
Napakahusay
1. Maliwanag at may pagkatuto sa paglalahad ng paksa
2. Angkop na angkop mga detalye sa paksang inilahad
3. Aktibong nakilahok ang 100% ng mga kasapi 4. Maayos at matatag ang disposisyon sa sarili,
napapanatili ang composure 5. Nagawa sa itinakdang oras
16-20
Mahusay
1. Maliwanag ang paglalahad ng paksa 2. May ilang detalye na hindi angkop sa paksang
inilahad 3. Aktibong nakilahok ang 80% na mga kasapi 4. May disposisyon sa sarili subalit paminsan-
minsang nawawalan ng composure 5. Naisagawa subalit lumabis sa itinakdang oras
11-15
Karaniwan
1. Nakapglahad ng paksa ngunit di malinaw na
naunawaan
74
2. Kalahati ng mga detalye ay hindi angkop sa paksa
3. Aktibong nakilahok ang 60% ng mga kasapi 4. Di-gaanong maayos ang disposisyon sa sarili
at madalas nawawalan ng composure 5. Di lubos na naisagawa at lumabis sa takdang
oras.
6-10
Pagtatangka
1. Di-malinaw ang paglalahad ng paksa, walang pagkaunawa.
2. Walang kaangkupan ang mga detalye sa paksa 3. Iilan o wala pa sa kalahati ang namasid na nakilahok na mga kasapi 4. Walang katatagan sa disposisyon sa sarili,walang composure 5. Halos walang naisagawa sa ibinigay na takdang oras
1-5
References:
Correa, Habanaa, Verzosa, Galvex (2000 Lupang Hinirang Kasaysayan at
Pamahalaan, Anvil Publishing Inc.
De Viana, Jurado, Viharin, Santillan 2010 Pagtanaw at Pag-unawa: Pilipinas, Diwa
Learning System)
Aralin 12
EPEKTO NG KOLONYALISMONG ESPANYOL SA PAGKABANSA AT PAGKAKAKILANLAN NG MGA PILIPINO
Takdang Panahon: 3 araw
Layunin:
1. Nasusuri ang epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
2. Naipapakita ang damdamin ng diwang makabayan o nasyonalismo.
75
Paksang Aralin Paksa : Epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa Pagkabansa at Pagkakakilanlan ng mga Pilipino Kagamitan : graphic organizer, manila paper, pentel pen Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5KPK-IIIi-7 Viloria, Evelina M., Gabuat, Maria Annalyn P., Quizol, Mary Christine F., Reig, Chona P., de Robles, Irene C. (Isang Bansa, Isang Lahi Kto12-5, pah,194-201) Vibal Group, Inc.
Santiago, Aurora L., Manaay Eliseo D., Sales, Jeanette I. (Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas) JO-ES Publishing House Inc. Phoexnic Publishing House Bagong Lakbayng Lahing Pilipino 5
(Unang Araw) Pamamaraan Mga Pag-aalsa Laban sa Espanyol A. Panimula
1. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Pagkakaroon ng balik aral sa nakaraang aralin. 3. Kung ikaw ay isang rebolusyonaryong nabuhay noong unang panahon ng kolonyalismo, ano-anong mga katangian ang dapat taglayin upang maipagpatuloy nang himagsikan laban sa mapang-abusong pananakop? Isulat ang sagot sa lob ng puso.
B. Paglinang
1. Ipasuri ang Balangkas ng Kaisipan sa LM pah.___ 2. Gamit ang estratehiyang Differentiate Activity,talakayin ng
nataasang pangkat ang mga sumusunod:
76
a. Unang Pangkat- Politikal b. Ikalawang Pangkat- Panrelihiyon c. Ikatlong Pangkat- Ekonomiko
Gawain A (Pangkatang Gawain) Gumamit ng graphic organizer na ipapakita ng bawat pangkat ang mga kaganapan sa ginawang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
(Ikalawang Araw)
Gawain B(Pangkatang Gawain)
Gamit ang Round Table Discussion, talakayin ang naatasang apat na pangkat ang sumusunod:
o Unang Pangkat- Pagbubukas ng Suez Canal o Ikalawang Pangkat- Sekularisasyon at Ang Tatlong
Pari o Ikatlong Pangkat- Liberal na Pamamahala ni Gob.-
Heneral Carlos Maria De La Torre o Ikaapat na Pangkat- Pagsulpot ng Uring Ilustrado
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumsunod na tanong. (Malayang Talakayan)
1. Bakit nakatulong ang pagbubukas ng Suez Cnal sa pagsilang ng nasyonalismo?
2. Bakit sa lahat ng rebelyon, ang nangyari sa Cavite noong 1872 ang nagpagalit ng husto sa mga Pilipino?
POLITIKAL PANRELIHIYON
EKONOMIKO
77
3. Ano-ano ang mga iminulat ni Gob.-Heneral Maria De La Torre kaugnay sa pamumuno sa mga Pilipino?
4. Ilarawan ang nagging papel ng mga ilustrado sapagpapalaganap ng nasyonalismo.
Gamit ang Creative Respose maaring magtanong ang guro na sasagutin ng tama o mali na gagamitin ng 5 palakpak at 1 palakpak kung mali.
Bigyang diin ang kaisipan angTandaanNatinsaLM pah.___
Gawain C (Indibidwal na Gawain) Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pahayag. ___________1. Isang liberal na gobernador-heneral si Carlos Maria de La Torre. ___________2. Pinahaba ng Suez Canal ang paglalakbay mula sa Europa papuntang Pilipinas. ___________3. Nagkaroon ng rebelyon sa arsenal ng Cavite noong 1872. ___________4. Ang sekularisasyon ay napangahulugan ng paglilipat ng pangangasiwa ng mga parokya sa mga prayle. ___________5. Ang mga ilustrado ay sumulpot bilang panggitnang uring lipunan. (Ikatlong Araw) Performance Task Sundin ang mga sumusunod na panuto.
1. Pumili ng isang pangyayaring nakapukaw sa kamalayang pambansa ng mga Pilipino.
2. Bumuo ng isang pangkat na binubuo 7-8 mag-aaral. 3. Sumulat ng iskrip at isadula ito.
Rubric para sa Dula-Dulaan
Pamantayan Puntos
1. Wasto ang ipinakitang impormasyon sa dula. 5
2. Angkop ang isinadula sa tema ng gawain. 5 3. Maayos at makapukaw-pansin ang
pagsasadula. 5
4. Nakiisa ang bawat kasapi/miyembro ng pangkat.
5
78
Pagtataya
Sagutan ang Natutuhan Ko sa LM pah.___
Susi sa Pagwawasto
Gawain C (Indibidwal na Gawain)
1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama
Natutuhan Ko 1.
2.
3. 4.
5. Pangwakas na Gawain Para sa huling Gawain:Ikaw bilang kabataang Pilipino ng
makabagong panahon ay ipakita mo ang iyong pagpapahalaga at
pagmamalaki sa ginawang pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng
Kolonyalismong Espanyol. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagsusulat
ng isang sanaysay.
79
Mga Pamantayan Laang Puntos Nakuhang Puntos
1. Lohikal at magkakaugnay ang nilalaman ng sanaysay