Top Banner
Ang Kabihasnang Mesopotamia Sa Asya
22

AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Dec 02, 2014

Download

Documents

Danz Magdaraog

AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang Kabihasnang Mesopotamia Sa Asya

Page 2: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Mesopotamia – Nagmula sa mga salitang Griyego na “meso” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at “potamos” o “ilog.” Sa makatuwid, ang Mesopotamia ay literal na nangangahulugang lupain “sa pagitan ng mga ilog.”

Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng kabihasnan (cradle of civilizations).

Mahalaga ang Mesopotamia sa kasaysayan ng daigdig sa kadahilanang ang lugar na ito ay pinamalagian at sinakop ng ilang matatandang kabihasnan.

Page 3: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Kabilang sa mga ito ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian at Persian. Samantala, ang mga Hittite at Elamite ay nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Ang mga panulat na nagmula rin sa lugar na tio ay ang syan itinuturing na kauna-unahan sa buong daigdig.

Page 4: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na Tigirs at Euphrates.

Heograpiya ng Mesopotamia

Page 5: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent. Ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Wala itong likas na hangganan kung kaya mahirap itong ipagtanggol sa ibang mananakop.

Uruk – Itinuturing na isa sa kaunaunahang lungsod sa daigdig na umusbong mula sa Mesopotamia mahigit 4500 BCE na ang nakakalipas.

Page 6: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Sa pagtatapos ng Panahong Neolitiko, ang mga nomadikong mamamastol ay namalagi sa katimugang bahagi ng Mesopotamia at nagsimulang mamuhay sa pamamagitan ng pagsasaka.

Noong una, ang mga Sumerian ay namumuhay sa paraang nomadiko. Ang nomadikong pamumuhay ay tumutukoy sa gawi ng mga tao o pangkat ng tao na kung saan sila ay nagpapalipat-lipat ng tirahan kung kinakailangan.

Ang Mga Sumerian (3000 B. C. E. – 2340 B. C. E.)

Page 7: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang mga latiang malapit sa bunganga ng mga ilog ng Tigris at Euphrates ay nagsilbing panginainan ng kanilang mga pinapastol na hayop at pinagmumulan ng mga isda. Naging posible din ang pagsasaka dahil sa tubig na nagmumula sa mga latian.

Page 8: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Sa kalaunan, ang mga Sumerian ay lumikha ng mga istruktura gaya ng mga dam, dike upang maiwasan ang pagbaha at mga kanal na pang-irigasyon sa tuyong bahagi ng lu

Page 9: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

3500 B. C. E. – Nagsimulang tumungo ang mga nomadikong Sumer sa mga lupang sakahan mula sa mga kabundukan. Sila ay nakihalubilo sa mga naunang nagsasakang tao sa Mesopotamia at di nagtagal, ang katimugang bahaging iyon ng Mesopotamia ay tinawag na Sumer.

Page 10: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Dumami ang mga pamayanan sa tabi ng ilog hanggang sa humantong ito sa pagkakabuo ng 12 lungsod-estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.

Ang bawat lungsod-estado ay may sariling lupang sakahan na nakapaligid dito, sariling pamahalaan at malaya sa iba pang lungsod-estado. Ang ilan sa mga kilalang lungsod na ito ay:Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur at Nippur.

Matatagpuan sa bawat lungsod-estadong ito ang isang templo na tinatawag na ziggurat.

Page 11: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang mga ziggurat ay nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod.

Page 12: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Naitala ng mga Sumerian ang mga kaganapan sa kanilang lipunan sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform na ang ibig sabihin ay hugis sinsel o wedged-shaped.

Page 13: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
Page 14: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang ilan sa mga mahahalagang ambag ng mga Sumer sa ating kabihasnan ay ang gulog at ang araro. Gayundin ang pagkakaroon ng sistemang irigasyon na naging dahilan upang matustusan ang pangangailangan sa pagkain ng lumalaking populasyon.

Page 15: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Noong 2350 B.C.E., sinakop ni Sargon I (2334 B.C.E.-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.

Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod ng Akkad o Agade. Dahildito, angkauna-unahang imperyo sa daigdig ay tinawag na Akkadian.

Ang Mga Akkadian(2340 B. C. E. – 2100 B. C. E.)

Page 16: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Sa pamumuno ng mga anak ni Sargon I kalaunan, ang imperyong itinatag niya ay tumagal lamang ng 150 taon. Ang isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng mga Akkadian ay si Naram-Sin (2254 B.C.E.-2218 B.C.E.).

Sa pagbagsak ng mga Akkadian at pagkaligalig ng Mesopotarnia, ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimulang isulong muli ang kanilang pagiging malaya. Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur. Sa ilalim ni Ur- Nammu (2112 B.C.E.-2095 B.C.E.), ang lungsod na ito ay naging kabisera ng isang imperyong kumalaban sa mga Akkadian.

Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.

Page 17: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur-Nammu na Si Ibbi-Su (2028 B.C.E. - 2004 B.C.E.), ang Ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia.

Sa bob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian .upang makontrol ang rehiyon.

Page 18: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 B.C.E.

Aug Babylon ay naging kabisera ng Imperyong Babylonia. Sa panahon ng kanyang paghahari, nasakop niya ang mga kaharian sa hilaga, kabiláng na ang mga pinuno ng kahariang Ashur.

Ang Mga Babylonian(1792 B. C. E. – 1595 B. C. E.)

Page 19: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi o Batas ni Hammurabi, ay isang napaka- halagang ambag ng mga sinaünang tao sa kabihasnan.

Page 20: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang estatwa ni Marduk, ang patron ng Babylon.

Matapos ang mahabang panahon, pinaniniwalaang ang mga Kassite na naghahari sa Babylon at ang kaharian ng Hurrian sa Mitanni sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.

Ang kaalaman ukol sa mga Kassite at Hurrian ay mula sa mga tala ng New Kingdom sa Egypt at Hittite ng Anatolia.

Page 21: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Noong 1350 B.C.E., ang Mitanni ay bumagsak dahil sa patuloy na panggigipit ng mga Hittite sa kanluran.

Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa kasakuluyang Turkey. Napatanyag sila sa pagmimina ng iron ore at paggawa ng mga kagamitang bakal.

Page 22: AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya

Noong 2350 B.C.E., sinakop ni Sargon I (2334 B.C.E.-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.

Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod ng Akkad o Agade. Dahildito, angkauna-unahang imperyo sa daigdig ay tinawag na Akkadian.

Ang Mga Assyrians(2340 B. C. E. – 2100 B. C. E.)