Mga Ideolohiya
Mga Ideolohiya
Ano ang ideolohiya?
• Huwaran o balangkas ng mga patakaran at sistemang pulitikal at ekonomiko ng isang kilusan o bansa
• Ginamit ng mga pinuno bilang gabay sa pamamahala
• Nagbuklod sa mamamayan o sa isang pangkat upang sila ay magkaisa sa pagtataguyod ng mga repormang pulitikal
LIBERALISMO
• Umusbong partikular sa Great Britain• John Locke• Ang bawat tao ay may karapatang mamuhay,
magmay-ari at maging malaya• Ang tao ay likas na mabuti• May kakayahang makabuo ng wastong pasiya ang
tao gamit ang rasyonal na pag-iisip• May likas na karapatang dapat igalang ng
pamahalaan at pangalagaan ng batas
• Adam Smith – hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pambansang ekonomiya
• Subalit matapos ang Great Depression ay napagtanto ng mga librealist na mahalaga ang gampanin ng pamahalaan upang mapanumbalik ang kaayusan sa ekonomiya
• Jeremy Bentham – makabubuti para sa bansa ang limitadong pakikialam ng pamahalaan
• John Stuart Mill – naniwala sa pantay na karapatan para sa mga kababaihan at panlipunang pagbabago
• US ay halimbawa ng bansang yumayakap sa liberalismo
KONSERBATISMO
• Naging malaking banta para sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwalang matagal nang namayani sa lipunan ang Liberalismo
• Kaya isinilang ang konserbatismo• Edmund Burke – tagapagtaguyod• Nabuo dahil sa masidhi niyang pagtutol sa
French Revolution at sa kakayahan ng tao na gumawa ng bagong kaayusang politikal
• Nais mapanatili ang status quo sa lipunan• Pagpapanatili ng kultura at kaayusan• Mahalaga ang kasaysayan , mga tradisyon at
mga institusyon para sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan
• Hindi bukas sa panlipunang pagbabago• Dahil sinasalungat ang nakagawian na• Magdudulot umano ito ng gulo sa lipunan
• Bagamat maraming pagbabago, hindi ito dapat biglaan
• Ang tao ay likas na masama• Walang kakayahang mag-isip nang maayos• Hindi naniniwala na pantay-pantay ang tao• Mayroong nakataas na kapangyarihan kaysa sa iba
at sila ang dapat makapangyari sa lipunan• Walang bahaging dapat gampanan ang
pamahalaan sa ekonomiya
Kapitalismo
• Adam Smith – nagtaguyod ng kapitalismo sa Wealth of Nations
• Hindi dapat makialam ang pamahalaan sa takbo ng ekonomiya kung nais nitong makamit ang kaunlaran
• Laissez faire – may kakayahan ang mga pamilihan na pangasiwaan ang sarili nang walang panghihimasok ng pamahalaan
• Mayroong invisible hand ang pamilihan• Sa pagsusumikap ng tao para sa sariling
kapakinabangan ay nakaaambag siya sa pag-unlad nglipunan kahit hindi pa ito ang kanyang intensyon
• Ang mga salik ng produksyon ay dapat pinanghawakan ng mga pribadong kompanya at sila ang dapat magpasya sa takbo ng ekonomiya
• Itinaguyod ang malayang kompetisyon sa pamilihan
• Ito umano ang nagbunsod ng pag-iral ng imperyalismo, pang-aapi sa uring manggagawa, at pagiging laganap ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan
• Lumawak ang kontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang magsilbing tagapag-ayos ng mga kakulangan ng pamilihan at para maiwasan ang muling pagkalugmok ng ekonomiya
Sosyalismo
• Nanatiling mahirap ang mga manggagawa at yumaman ang mga may-ari ng pabrika at mamumuhunan
• Robert Owen – maipakikita ng tao ang kanyang kabutihan kung siya ay nabubuhay sa lipunang nagkakaisa
• Charles Fourier – dapat alisin ang kompetisyon sa ekonomiya
• Henry de Saint – Simon - dapat alisin ang pribadong pagmamay-ari
• Binigyang diin ang kolektibismo kaysa indibidwalismo
• Kabutihan ng nakararami kaysa ng iisa o iilan lamang
• Pangako nito ang kalayaan ng tao mula sa kahirapan at pang-aapi na umano ay dulot ng kapitalismo
• Dapat kontrolado ng publiko o mga mamamayan ang salik ng produksyon
• Ito ay batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan
• Naniniwala ang mga socialist na mahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa pangangasiwa ng ekonomiya para sa kapakanan ng mamamayan nito
Komunismo
• Nag-ugat sa sosyalismo• Historical materialism ni Karl Marx – ang
kasaysayan ay daraan sa iba’t ibang paraan ng produksyon – primitibong komunismo, sinaunang lipuan, piyudalismo, kapitalismo, socialismo, at komunismo
• Sa bawat paraan ng produksiyon ay may tunggalian sa pagitan ng uring panlipunan – bourgeoisie at proletariat
• Magwawakas ang tunggaliang ito sa pamamagitan ng himagsikan, kung saan mapapasakamay ng proletariat ang mga salik ng produksyon – ito ang daan upang humantong ang tao sa komunismo
• Sa yugtong ito matatamo ang perpektong lipunan kung saan lahat ay pantay-pantay at lahat ng salik ng produksyon ay pagmamay-ari ng tao – Utopia ang tawag sa lipunang ito.
Pasismo
• Higit na mahalaga ang kapakanan ng estado kaysa sa mamamayan
• Stalin, Hitler, Mussolini• Upang maitaguyod ang kagalingan ng
mamamayan, inilagak sa pamahalaan ang ganap na kapangyarihang pamunuan ang lahat ng aspekto ng lipunan
• Totalitaryanismo
• Hindi pantay pantay ang tao at mayroong superior na lahi
Takdang Aralin
• Sagutan ang p. 396 A at B• P. 397-D pumili ng isa at gawan ng islogan• P. 398 E
Guide Question
• Suriin ang mga elemento ng palabas at kung gaano ito naging kaepektibo sa pagsasalaysay ng kasaysayan
• Ano ang iyong kabuuang impresyon sa napanood na pagtatanghal?