Top Banner
(SCHOOL) Sibika at Kultura 2 SY 2012-2013 MGA ANYONG LUPA SA PILIPINAS 1 (Name) (Section) Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Ang mga ito ay pinupuntahan ng maraming tao at turista. Halika at tayo ay mamasyal!
11

Anyong Lupa

Nov 11, 2014

Download

Documents

Kenneth Dayrit

Anyong Lupa sa Pilipinas
Land Forms of the Philippines
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Anyong Lupa

(SCHOOL)Sibika at Kultura 2

SY 2012-2013

MGA ANYONG LUPA SA PILIPINAS

1

(Name)(Section)

Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas.

Ang mga ito ay pinupuntahan ng

maraming tao at turista. Halika at tayo ay

mamasyal!

Page 2: Anyong Lupa

2

BUNDOK (Mountain)

Ang bundok ay mataas na anyong lupa na mataas kaysa burol. Pabilog o patulis ang tuluktok nito. Mahirap ang paglalakbay dito kaya kakaunti lang ang tumitira sa mga bundok. Makikita natin dito ang mga gubat o forests na mapagkukunan ng mga punong kahoy, halaman at iba pang yaman mula sa lupa.

Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2 954 metro ay ang Mt. Apo sa Davao (Mindanao).

BULUBUNDUKIN (Mountain range)

Ang bulubundukin ay dalawa o higit pang mga bundok na nagkadikit-dikit. Tulad ng bundok, dito natin makikita ang mga gubat o forests.

Ang Sierra Madre Mountain Range na makikita mula Cagayan hanggang Quezon ay halimbawa ng bulubundukin.

Page 3: Anyong Lupa

3

BUROL (Hill)

Ang burol ay mas mababa kaysa sa bundok. Maganda itong taniman ng mga gulay at pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kalabaw at kambing. Pwede rin itong pasyalan ng mga tao.

Pinakakilalang burol sa Pilipinas ang Chocolate Hills sa Bohol. Kulay tsokolate ito sa tag-araw at berde naman sa tag-ulan. Maraming turista ang pumupunta rito.

MT. TAAL -BATANGAS MT. PINATUBO -ZAMBALESMT. PINATUBO -ZAMBALESMT.MAYON VOLCANO – BICOL

NEAR PERFECT CONE

KAPATAGAN (Plain)

Ang kapatagan ay isang malawak at patag (flat) na lugar. Dito tumitira ang karamihan ng tao. Maraming malalawak na taniman sa kapatagan.

Ilan sa kilalang kapatagan ay ang Gitnang Luzon (pinakamalawak), Panay, Cotobato at Negros.

Tinatawag ang gitnang Luzon na Banga ng Bigas ng Pilipinas o Kamalig ng Palay ng Pilipinas dahil ito ang pinakamalawak ng kapatagan ng bansa kung saan nagmumula ang malaking produksyon ng palay sa bansa.

Page 4: Anyong Lupa

4

BULKAN (Volcano)

Ang bulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang gas, apoy, asupre, abo, bato at kumukulong putik (o lava) kapag pumuputok ito. Maganda at mataba ang lupa sa paligid ng bulkan kaya mabuti itong taniman ng mga gulay. Ngunit hindi ligtas manirahan dito lalo na kung ito ay aktibo.

Tinatayang may 200 na bulkan sa PIlipinas at 23 dito ang aktibo. Isa dito ang pinakamagandang tanawin na pinupuntahan sa Albay, Bicol. Ito ang Mayon Volcano na halos may perpektong hugis cone ang itsura.

Ang ilan pa sa mga bulkan sa Pilipinas ay ang nasa ibaba.

PHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and Seismology- Ito ang ahensiya o agency ng pamahalaan na nag-aaral at nagbabantay sa kalagayan ng mga bulkan at paglindol sa bansa.

Ang Pilipinas ay nasa Sona ng Ring of Fire sa Pasipiko dahil dito makikita ang ¾ ng mga aktibong bulkan sa buong mundo.

ALAM MO BA?

BULKANG MAYON

NEAR PERFECT CONE

BULKANG TAAL

BULKANG PINATUBO

WORLD’S SMALLEST VOLCANO

Page 5: Anyong Lupa

5

TALAMPAS (Plateau)

Ang talampas ay isang patag na lugar sa ibabaw ng bundok. Malamig ang klima dito dahil nasa itaas ng bundok. Maaari din tumira at magtanim sa mga ganitong anyong lupa.

Ang Malaybalay sa Bukidnon at ang kinikilalang Summer Capital of the Philippines–ang Lungsod ng Baguio ay mga talampas. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa klima.

LAMBAK (Valley)

Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan (in between) ng dalawang bundok.

Ang ilan sa mga lambak ay ang Cagayan Valley na may pinakamalawak na taniman ng tabako; ang Trinidad Valley na kilala sa tawag na “Salad Bowl of the Philippines” dahil karamihan ng mga gulay at prutas ay dito nanggagaling; Compostela Valley sa Mindanao at Marikina Valley sa Luzon.

Page 6: Anyong Lupa

6

KAPULUAN (Archipelago)

Ang kapuluan ay pangkat (o group) ng mga pulo na pinaghihiwalay ng mga anyong tubig na nakapagitan sa mga ito. Halimbawa: Pilipinas

PULO (Island)

Ang pulo ay anyong lupa napaliligiran ng tubig. Isla ang isa pang tawag sa pulo. Tulad ng Hundred Islands sa Pangasinan, ang maliliit na anyong lupa doon ay tinatawag na mga pulo.

Iba pang halimbawa: Marinduque (Luzon), Cebu (Visayas) at Tawi-Tawi (Mindanao)

CEBU

Page 7: Anyong Lupa

7

TANGWAY (Peninsula)

Ang tangway ay anyong lupa na halos napapaligiran ng tubig. Ito ay nakausli sa katubigan. Halimbawa: Bicol at Zamboanga

TANGOS (Cape)

May pagkakatulad sa tangway ngunit mas maliit. Ilan sa mga halimbawa ay ang Tangos ng Bolinao at Tangos Engaño

TANGOS NG BULINAO

TANGOS ENGAÑO

DELTA

Kakaibang uri ng anyong lupa sapagkat ito ay ang mga naipong putik at buhangin sa bunganga ng ilog. Maganda itong taniman dahil sa matabang lupa. Matatagpuan ito sa Agno River Delta, Cagayan River Delta, at Pampanga River Delta.

CAGAYAN RIVER DELTA

AGNO RIVER DELTA

PAMPANGA RIVER DELTA

Page 8: Anyong Lupa

MGA PAKINABANG MULA SA ANYONG LUPA

ANYONG LUPA GAMIT O PAKINABANG IBA PANG PWEDENG PAKINABANG

BUNDOK AT BULUBUNDUKIN*kahoy mula sa malalaking puno na pwedeng gawing bahay at kagamitan

*mga puno na pumipigil sa agos ng tubig ulan para hindi magbaha

*Pinagkukuhanan ng mga sumusunod:

-produktong agrikultural (palay, mais, tubo, niyog, halamang gamot, prutas at gulay)

-mga mineral ( ginto, pilak, bakal, nikel, marmol)

*mga tourist spots ng bansa

-Bulkang Mayon-Bulkang Pinatubo-Bulkang Taal-Mt. Apo-Chocolate Hills-Cagayan Valley-Banaue Rice Terraces-Baguio

BUROL*pwedeng taniman

*pwedeng pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kambing, kalabaw at kabayo

BULKAN*nagpapataba ng lupa

KAPATAGAN*pwedeng tayuan ng mga bahay at gusali

*taniman ng palay, mais, puno at iba pang halaman

TALAMPAS*taniman ng mga bulaklak, prutas at gulay na pwede sa malalmig na lugar lamang

*pwedeng tirahan ng mga tao

LAMBAK*pwedeng tirahan at taniman

TANGWAY, KAPULUAN AT PULO

8

Page 9: Anyong Lupa

Buod/ Summary:

Talasalitaan:

9

MGA ANYONG

LUPA

BUNDOK

BULKAN

BUROL

KAPATAGAN

LAMBAKTALAMPAS

TANGWAY

PULO

Iba’t –ibang anyong lupa ang makikita sa ating bansa tulad ng bundok, bulubundukin, burol, bulkan, kapatagan, lambak, talampas, tangway, pulo at

kapuluan.

Nagpapaganda sa bansa ang iba’t ibang anyong lupa. Dapat nating ipagmalaki ang mga ito!

Maraming pakinabang na nakukuha ang mga tao sa mga anyong lupa kaya’t dapat pangalagaan ang mga ito.

KAPULUAN

BULUBUNDUKIN

Page 10: Anyong Lupa

Filipino Ingles Filipino Ingles

anyong lupa land form mamasyal go around

bundok mountain taniman plantation

burol hill pastulan pasture

bulkan volcano mataas high

kapatagan plain mababa low

lambak valley malamig cool

talampas cliff napapaligiran surrounded by

tangway peninsula klima climate

pulo island kumukulo boiling

kapuluan group of islands putik mud

turista tourist tirahan house

nabubulok rotten magtipid save/wise spending

magputol cutting iwasan avoid

MGA SANGGUNIAN:

*Pilipinas Kong Mahal ni Jospehine Martinez

*Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal ni Lazelle Pelingo

*Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan ni Lydia Agno et. al

10