Top Banner
ANYO NG PAGPAPAHAYAG
18

Anyo ng pagpapahayag

Jul 15, 2015

Download

Education

sti meycauayan
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Anyo ng pagpapahayag

ANYO NG PAGPAPAHAYAG

Page 2: Anyo ng pagpapahayag

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang paraan ng pang araw-

araw na pagpapahayag na dapat nating matutunan.

Ang paglalarawan ay nauuri ayon sa pakay

o layunin ng pagpapahayag na inihahatid naman ng

instrumentong ginamit natin sa paglalarawan.

Page 3: Anyo ng pagpapahayag

• Uri ng Paglalarawan

–Karaniwang Paglalarawan

–Masining na Paglalarawan

• May tatlong paraan ng paglalarawan:

o batay sa pandama

o batay sa nararamdaman

o batay sa observasyon.

Page 4: Anyo ng pagpapahayag

Pagsasalaysay

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasangmagkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mgakawil-kawil na pangyayari, pasulat man

o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabingpinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkatdito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentongbayan.

Page 5: Anyo ng pagpapahayag

Katangian ng Salaysay

• Kaakit-akit na Pamagat- may orihinalidad, makahulugan at di pangkaraniwan

• Mahalagang Paksa- makabuluhan, may mabuting arall at kaisipan

• Makatawag- pansin sa Simula- gumagamit ng iba’t – ibang tekniksa pagsisimula tulad ng salitaan, pagtatanong, paglalarawan satauhan, lugar o pangyayari

• Angkop na Pananalita- gumamit ng mga salitang angkop sasalaysay, dapat na nadarama o nararanasan ng bumabasa angisinasalaysay

• Maayos ng Pagkakasunod-sunod o Pagkakabuo- may sapat nadahilan ang bawat pangyayari, gumamit ng mga pamamaraan upangmaging kaaki-akit tulad ng parang patumbalik (flashback), pag-uusap.

• Kasukdulan- kapana- panabik na bahagi ng isang salaysay

• Magandang Wakas- nag-iiwan ng magandang aral, kakintalan at di agad mahuhulaan ang wakas mula sa simula.

Page 6: Anyo ng pagpapahayag

Hakbang sa Pagsulat ng Salaysay

1. Pagpili ng Paksaa) Kawili-wili ang paksa- lumikha ng kapanabikan, tunggalian,

damdaming pantao.b) Magagamit na materyales- mga mapagkukunan ng paksa-

sarili, kapwa, kapaligiranc) Napapanahon- naaayon sa nagaganap sa kapaligiran2. Pagsusuri ng Paksaa) Diwa- ang mensahe na ipahahatid ng salaysay, ang

pagkakabuo ng tauhanb) Pananaw o Paningin- anggulo ng pagsasalaysay Unang panauhan Pangalawang panauhan Ikatlong panauhan Obhetibo Maka-Diyos

Page 7: Anyo ng pagpapahayag

3. Pagpili ng Detalye

a) Naayon sa kaukulan, kahalagahan, layunin

b) Kaangkupan sa mambabasa

4. Pagpili ng Simula at Wakas

• Simulan sa paraang makakahikayat sa interesng mambabasa at iwasan ang masalimuot napangwakas

5. Kapanahunan

• Iangkop ang mga pangyayari sa panahon naangkop sa salaysay

Page 8: Anyo ng pagpapahayag

Paglalahad

• Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag nanaglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos namaunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitanng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataongmakatuklas ng isang ideya o kaisipan namakapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sapaksang pinag-uusapan.

• Ang paglalahad ay kadalasang ginagamit sa kwento ibigsabihin siya'y naglalahad ng kwento.

Page 9: Anyo ng pagpapahayag

MGA URI NG PAGLALAHAD 1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.

2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan

Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng

paglaro ng isang uri ng laro.

3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.

4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niyasa katotohanan.

Page 10: Anyo ng pagpapahayag

5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayarisa loob at labas ng bansa.

6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananawhinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaringnagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.

7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan. 8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.

Page 11: Anyo ng pagpapahayag

Pangangatwiran

• Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapatna katibayan o patunay upang ang isang panukalaay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mgatagapakinig na tanggapin ang kawastuhan angkanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitanng makatwirang pagpapahayag.

• Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.

Page 12: Anyo ng pagpapahayag

• Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat angpaggamit ng wasto, angkop at magandangpananalita ay makatutulong upang mahikayat napankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

• Ang pangangatwiran ay maituturing ding aghamsapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal napangangatwiran gaya ng debate.

• Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahilang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maiklingpanahon lamang.

Page 13: Anyo ng pagpapahayag

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:

1. upang mabigyang - linaw ang isangmahalagang usapin o isyu.

2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamangpropaganda laban sa kanya.

3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman saibang tao;

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapanatili ang magandang relasyon sakanayng kapwa

Page 14: Anyo ng pagpapahayag

URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula samga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at

nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulanang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng

pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohananat mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga

tiyak na pangyayari o katotohanan.

Page 15: Anyo ng pagpapahayag

QUIZ

Page 16: Anyo ng pagpapahayag

1-2. Uri ng Paglalarawan

3-6. Katangian ng Salaysay

7-8. MGA URI NG PAGLALAHAD

9-10. URI NG PANGANGATWIRAN

Page 17: Anyo ng pagpapahayag
Page 18: Anyo ng pagpapahayag