Top Banner
ANG PAMILIHAN KONSEPTO AT MGA ESTRUKTURA NITO
28

ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Apr 15, 2017

Download

Education

John Labrador
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

ANG PAMILIHANKONSEPTO AT MGA ESTRUKTURA NITO

Page 2: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN

Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa niyang ikonsumo

Page 3: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano karami. Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at prodyuser

Page 4: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng konsyumer

Page 5: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

“Markets are usually a good

way to organize economic activity”

Mayroong invisible hand na

siyang gumagabay

dalawang aktor ng pamilihan

Page 6: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

PRESYOIto ang nagtatakda sa dami ng handa at kayang bilhin na produkto at serbisyo ng konsyumer

Ang siyang batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo

Sa pagkakaroon ng mataas na demand ng mga konsyumer, dahilan ito sa pagtaas ng presyo, at lalong magdagdag at tataasin ng mga prodyuser ang kanilang supply.

DEMAND

SUPPLY

PAMILIHAN

Page 7: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

LOKAL

PANREHIYON

PAMBANSA

PANDAIGDIGAN

Page 8: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

MGA ESTRUKTURA NG PAMILIHAN

Tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ang dami ng lawak ng kontrol ng market players sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito.

Page 9: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON

Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.

Page 10: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Sa Panig ng mga prodyuser…

Hindi nila kayang kontrolin ang presyo sapagkat maraming nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Ito ay nangangahulugan ng balangkas na lubhang napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang ng mga prodyuser sa pamilihan.

Page 11: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Sa panig ng mga konsyumer…

Wala sinoman sa kanila ang may kakayahang idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng maaring bumili ng produkto o serbisyo.

Page 12: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo na itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ipinaliliwanag ang sitwasyon ito sa konsepto ng price taker na kung saan ang market players ay umaayon lamang sakung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.

Page 13: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

KATANGIAN NG PMCIMaraming maliliit na konsyumer at prodyuserMagkakatulad ang produkto (Homogenous)Malayang paggalaw ng sangkap ng

produksiyonMalayang pagpasok at paglabas sa industriyaMalaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

Ayon ito sa aklat na Ekonomiks 2nd Edition (2009) kay Paul Krugman at Robin Wells

Page 14: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA KOMPETISYON

May hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala ang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.

Page 15: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

MONOPOLYOUri ng pamilihan na iisa lamang ang

prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay-serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili. Ang mga halimbawa ng mga prodyuser ng nasa ganitong uri ay ang mga….

Page 16: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

MGA KATANGIAN NG MONOPOLYO

Iisa ang nagtitinda - ang presyo at dami ng supply ay idinidikta, batay sa profit max rule o pagnanais ng prodyuser na makakuha ng malaking kita

Produkto na walang kapalit – ang mga produkto ay walang kauri

Kakayahang hadlangan ang kalaban – dahil sa mga patent, copyright at trademark gamit ang Intellectual Property Rights

Page 17: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Copyright ay isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaring kabilang ang akdang pampanitikan o akdang pansining. Kabilang din dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, maps at technical drawings

Page 18: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Patent ay ang pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon. Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mabagwalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang imbensyon.

Trademark paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto o serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanya.

Page 19: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

NATURAL MONOPOLY

Ito ang mga kompanyang binibigyang-karapatan na magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa kaya nilang gawin ang mga produkto at serbisyo sa mas mababang gastos kaysa sa kumuha pa ng mas maraming kompanya.

Page 20: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

MONOPSONYOMayroon lamang ang iisang

konsyumer ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. May kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Isang halimbawa ng pamilihan na ito ay ang ating pamahalaan.

Page 21: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

OLIGOPOLYOIsang uri ng estruktura ng pamilihan

na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. May kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan o madiktahan ang presyo na umiiral sa pamilihan.Ilan sa mga halimbawa ay..

Page 22: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Sa ganitong sistema…Maaring gawin ang hoarding o

pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply at tatas ang pangkalahatang presyo

Maaring pagkakaroon ng pagkontrol o sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na collusion

Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises

Page 23: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa ating bansa upang mabigyan ng proteksiyon at isulong ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinatakda ng Consumer Act of the Philippines o Republic Act 9374 na isinabatas noong Abril 23, 2011

May pananaw si Adam Smith sa kartel

Page 24: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

“People of the same trade seldom meet together, even for merriment and diversion, but the conversation ends in a conspiracy against the public, or in some contrivance to raise prices. It is impossible indeed to prevent such meetings, by any law which either could be executed, or would be consistent with liberty and justice”

Page 25: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Ang Organization of Petroleum of Exporting Countries (OPEC) ay isang halimbawa ng pandaigdigang kartel sapagkat sila ang nagtatakda ng supply at presyo ng produktong petrolyo sa buong daigdig. Naitatag noong Sep. 10-14, 1960.

Page 26: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

MONOPOLISTIC MONOPOLISTIC COMPETITIONCOMPETITION

Sa ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto subalit marami rin ang mga konsyumer. May kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng kanilang mga produkto.

Page 27: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

LAYUNIN NG MGA LAYUNIN NG MGA PRODYUSERPRODYUSER

Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig. Magkapareho sila sa uri ng produkto gaya ng shampoo, sabon at toothpaste ngunit nagkaiba sa packaging, labeling, presentasyon at maging sa lasa o flavor.

Page 28: ANG PAMILIHAN AT ANG ESTRUKTURA NITO

Ang advertisement o pag-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit nga mga prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo. Ang mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang may monopolistikong competition…