Top Banner
Pag-aari ng Pamahalaan HINDI IPINAGBIBILI Kwento ni: JERBIE DC. VILLAFUERTE Iginuhit ni: ARLENE T. SUAREZ Layout ni: DAISY B. OLLERAS Ang Lolo kong Bibo DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis City of San Fernando (P)

Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Sep 17, 2019

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Pag-aa

ri ng Pam

ahala

an

HINDI IPINAGBIBILI

Kwento ni:JERBIE DC. VILLAFUERTE

Iginuhit ni:ARLENE T. SUAREZ

Layout ni:DAISY B. OLLERAS

Ang Lolo kong Bibo

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION IIIMatalino St., D.M. Government Center, Maimpis

City of San Fernando (P)

Page 2: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Para sa mga Mambabasa

Ang kwentong ito ay tungkol kay Lolo Juanito na minsang naitampok sa palabas na "Motorcycle Diaries" bilang pinakamatandang nakapagtapos sa ALS o "Alternative Learning System" noong 2014 katumbas ng pagtatapos sa isang mataas na paaralan o hayskul. Naging mahirap ang pamumuhay ni Lolo Juanito noong kanyang kabataan, hatid na rin ng kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

1

ARAL:

Ipakikita sa kwentong ito ang mga karanasan ni Lolo Juanito mula sa pagkapanganak hanggang sa siya ay makapagtapos sa ALS. Sa pamamagitan ng kwentong ito, mapagtatanto ng mga bata na posibleng matupad ang anumang hangarin sa buhay kung magtitiyaga at maniniwala maging ikaw man ay matanda na.

Nakapaloob dito ang kasanayan na dapat linangin sa isang mag-aaral batay sa Pambansang Kurikulum ng Unang Baitang sa Araling Panlipunan: Ika-walong paksa na nakikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng mahahalagang pangyayari sa buhay hanggang sa kanyang kasalukuyang edad. (Araling Panlipunan, AP1NAT-Id-8)

Bukod sa Araling Panlipunan, maaari ring gamitin ang "big book" na ito sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Filipino bilang sanggunian at karagdagang babasahin.

Page 3: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.
Page 4: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Lathalain ng

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)

Department of EducationRegional Office III

3

Page 5: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

2

Page 6: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

5

Page 7: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Isang gabi, habang nanonood ng TV ang batang si Rogee.

"Nanay! Si Lolo nasa TV! Tingnan nyo po! Tingnan nyo po, Nay!"

"Oo, Anak. Ang iyong lolo ang tampok ngayon sa "Motorcycle Diaries". Halika't panoorin natin upang malaman mo ang kwento ng iyong Lolo Juanito, ang lolo mong bibo."

4

Page 8: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

7 7

Page 9: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Noong ika-15 ng Pebrero, taong 1944, isinilang sa Jaen, Nueva Ecija si Juanito Fermin. Bunso siya sa apat na magkakapatid.

6

Page 10: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

9

Page 11: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Nawalay ang batang si Juanito sa kanyang mga kapatid. Isinama siya sa Maynila ng kanyang ina at nanuluyan sa Tondo upang hanapin ang kanilang amang dinakip ng mga Hapon.

8

Page 12: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

11

Page 13: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Sa kabila ng hirap ng buhay, nakapagtapos pa rin si Juanito ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Emilio Jacinto.

Nakuha niya ang ikatlong pwesto nang magtapos. Nangako siya sa kanyang sarili na ipagpapatuloy ang pagsisikap hanggang hayskul.

10

Page 14: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

13

Page 15: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Humanap siya ng trabaho upang sana'y magpatuloy ng pag-aaral. Nagtinda siya ng komiks at dyaryo sa umaga. Tagalinis naman siya ng sapatos sa tanghali. Kalauna'y tumulong din siya sa konstruksyon.

12

Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, natanggal ang kanyang ina sa trabaho. Malungkot man, napilitang huminto sa pag-aaral ang batang si Juanito.

Page 16: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

15

Page 17: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Dahil sa sipag at linis ng trabaho, inalok siyang turuan ng isang inhinyero upang maging elektrisyan. Malugod naman niya itong tinanggap.

14

Page 18: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

17

Page 19: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Mabilis natuto ang binatang si Juanito. Nagtrabaho siya bilang isang mahusay na elektrisyan. Simula noon, kumita na nang malaki si Juanito.

Nagkaroon siya ng maraming kaibigan. Nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya kalaunan. Tuluyan na niyang nakalimutan ang pagpasok sa paaralan.

16

Page 20: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

19

Page 21: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Matuling lumipas ang panahon. Iba't ibang bansa na rin ang kanyang napuntahan dahil sa kanyang kahusayan.

May mga apo na rin siya sa kanyang pitong anak.

18

Page 22: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

21

Page 23: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Nagretiro sa kanyang trabaho si Lolo Juanito sa edad na animnaput anim. Huminto na siya sa pagtatrabaho.

Kain, tulog, jogging. Nakaramdam na ng pagkainip si Lolo Juanito sa paulit-ulit na gawain.

20

Page 24: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

23

Page 25: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

"Tay, 'di ba nasabi ninyo po sa akin na gustong-gusto ninyo pong makapag-aral ng hayskul? Pwede po kayong pumasok sa ALS o "Alternative Learning System" sa aming paaralan." ang sambit ni Genevieve.

"Pwede pa ba ako doon gayung kay tanda-tanda ko na?" sabik na sabik na tanong ni Lolo Juanito.

"Opo naman po."

22

Page 26: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

25

Page 27: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

May pangamba man sa una, bibong-bibong nag-aral muli si Lolo Juanito.

Naging masaya muli si Lolo. Nakapag-aral muli at natuto.

24

Page 28: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

27

Page 29: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Sa wakas, natapos na rin niya ang hayskul. May karangalan pa!

"Ang galing pala talaga ni Lolo Juanito Nanay! Nag-aral pa rin kahit lolo na siya!"

"Wala namang pinipiling edad ang pagtupad ng mga pangarap. Tingnan mo ang lolo mo."

"Tama po, Nanay! sa susunod, ako naman po ang mapapanood ninyo sa TV!"

26

Page 30: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

This material was contextualized by theCurriculum and Learning Management Division (CLMD)

Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)Department of Education

Regional Office III

JERBIE DC. VILLAFUERTEWriter

ARLENE T. SUAREZIllustrator

DAISY B. OLLERASLayout Artist

VIRGILIO LAGGUIDivision Education Program Supervisor – Araling Panlipunan

RAINELDA M. BLANCO, Ph. D.LRMDS Supervisor

GREGORIO C. QUINTO, Ed. D.Curriculum and Learning Management Division Chief

MALCOLM S. GARMA, CESO VOIC- Regional Director

NICOLAS T. CAPULONG, Ph.D., CESO VOIC-Assistant Regional Director

ELIZABETH M. PERFECTO, Ed.D.Curriculum and Learning Management Division Chief

MA. EDITHA R. CAPARAS, Ed.D.LRMDS Supervisor

ANGELICA M. BURAYAG, Ph.D.Regional Education Program Supervisor - Araling Panlipunan

CYRENE D. ALVARADORegional Librarian

Page 31: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa

kaganapan nito sa kwento. Lagyan ito ng bilang 1-5.

28

Page 32: Ang Lolo kong Bibo - bulacandeped.com · kakapusan sa kabuhayan nilang mag-ina. Nakapagtapos siya sa elementarya subalit kahit gustuhin man, hindi na siya nakatuntong pa sa hayskul.

Si Lolo Juanito “Tatay Boy” Fermin ay minsang

naitampok sa palabas na Motorcycle Diaries bilang

pinakamatandang ALS graduate ng taong 2014.

Habang nanonood ng telebisyon ang kanyang apong

si Rogee ay nakita nito sa TV ang kanyang lolo. Agad

niyang tinawag ang kanyang ina pagkakita rito.

Sabay nilang pinanood ang mga naging karanasan

ni Lolo Juanito hanggang sa ito nga’y magtapos ng

ALS.

Ano-ano nga ba ang naging karanasan ni Lolo

Juanito, ang bibong lolo?