Pangkalahatang Ideya Ang Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA), sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng San Jose at California Department of Transportation (Caltrans), ay nagmumungkahing gumawa ng mga Pagpapabuti sa paligid ng Interstate 280 (I-280)/Winchester Boulevard Interchange. Layunin Ang layunin ng proyektong ito ay upang: • Paluwagin ang bigat ng trapiko at pagbutihin ang papapatakbo sa trapiko sa mga freeway at lokal na daan sa paligid ng I-280/Winchester Boulevard interchange • Magbigay ng bagong akses mula sa northbound I-280 patungong Winchester Boulevard • Mapabuti ang aksesibilidad at konektibidad ng bisikleta, pedestriyan at transit Halaga ng Kapital/Pagpopondo ng Proyekto Ang halaga ng proyekto ay malalaman at magdedepende sa isinamang mga pagpapabuti na hindi pa itinatakda. Ang proyekto ay bahagyang popondohan. Iskedyul ng Proyekto Mga Alternatibong Pagsusuri at Unang Hakbang sa Engineering: 2016 - 2017 Pangkapaligirang Pag-apruba*: 2017 - 2020 Pagkumpleto ng Disenyo*: 2020 - 2022 Konstruksyon ng Proyekto*: 2022 - 2025 * Ang pagpopondo para sa mga bahagi ng proyekto ay hindi pa natutukoy. ANG FACT SHEET: Mga Highway Proyekto ng mga Pagpapabuti sa I-280/Winchester Boulevard Pagpapatuloy Mga Partner sa Pagpopondo ng Proyekto I280/Winchester 04/17/18-TAG