Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan • Bulto 4 Bilang 2 • Marso 2017 BAGONG BAHAY, BAGONG BUHAY NG MGA TAGA-CARINAY Pormal nang inilipat ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa may 47 benepisyaryong pamilya ang mga pabahay sa Carinay Relocation Site nitong nakaraang Marso 8, 2017. Sinaksihan nina Mayor Ticoy Mendoza (dulong kanan) at Punumbarangay Johnny Ambon ang diwang paglilipat ng karapatan at pag- aari sa mga pabahay sa New Carinay Homeowners Association. Sila ay bahagi o mahigit kalahati sa kabuoang 72 pamilya na dating residente ng Sitio Carinay, Barangay Villa Ibaba, Atimonan, Quezon, kung saan isang 2x600MW Power Plant ang itatayo ng A1E para lumikha ng kuryente para sa Luzon Grid. Ang 25 sa 72 pamilyang ito ay pumili ng pinansyal na kapalit ng bahay nila sa Sitio Carinay, sapagkat sila ay may tinitirahan na sa ibang barangay o sitio. Ang 47 pamilya namang pumili ng bahay sa relokasyon ay nakalipat na sa kanilang bagong bahay na itinayo ng A1E katuwang ang Habitat for Humanity Philippines Foundation, Inc. Ang mga bagong bahay sa relokasyon, na nagkakahalaga ng humigi’t kumulang Php210,000 ang bawa t isa, ay “single detached”, na may “tres aguas” na uri ng bubong at sariling palikuran na may maayos na septic tank. Mayroon ding pailaw at patubig para sa mga bahay na ito. Bukod sa pabahay, kasabay ding ipinagawa ng A1E ang isang kapilya, basketball court, tangke ng tubig na maymakinang de-kuryente at isang multi-purpose hall building kung saan pwedeng magdaos ng mga okasyon ang Barangay Villa Ibaba. Atimonan Energy One, Inc., Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 717-4975 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: jmacalalad@ a1e.ph
8
Embed
A1E Newsletter 032017 - Atimonan One Energydev-a1energy.razzatech.com/wp-content/uploads/2017/06/A1E-Newsletter... · Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan •
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan • Bulto 4 Bilang 2 • Marso 2017
BAGONG BAHAY,
BAGONG BUHAY NG
MGA TAGA-CARINAY Pormal nang inilipat ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa may 47 benepisyaryong
pamilya ang mga pabahay sa Carinay Relocation Site nitong nakaraang Marso 8, 2017.
Sinaksihan nina Mayor Ticoy Mendoza (dulong kanan) at Punumbarangay Johnny Ambon ang diwang paglilipat ng karapatan at pag-
aari sa mga pabahay sa New Carinay Homeowners Association.
Sila ay bahagi o mahigit kalahati sa kabuoang 72 pamilya na dating residente ng Sitio Carinay, Barangay Villa
Ibaba, Atimonan, Quezon, kung saan isang 2x600MW Power Plant ang itatayo ng A1E para lumikha ng kuryente para sa Luzon Grid. Ang 25 sa 72 pamilyang ito ay pumili ng pinansyal na kapalit ng bahay nila sa Sitio Carinay, sapagkat sila ay may tinitirahan na sa ibang barangay o sitio. Ang 47 pamilya namang pumili ng bahay sa relokasyon ay nakalipat na sa kanilang bagong bahay na itinayo ng A1E katuwang ang Habitat for Humanity Philippines Foundation, Inc.
Ang mga bagong bahay sa relokasyon, na nagkakahalaga ng humigi’t kumulang Php210,000 ang bawat isa, ay
“single detached”, na may “tres aguas” na uri ng bubong at sariling palikuran na may maayos na septic tank. Mayroon ding pailaw at patubig para sa mga bahay na ito. Bukod sa pabahay, kasabay ding ipinagawa ng A1E ang isang kapilya, basketball court, tangke ng tubig na maymakinang de-kuryente at isang multi-purpose hall building kung saan pwedeng magdaos ng mga okasyon ang Barangay Villa Ibaba.
Atimonan Energy One, Inc., Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 717-4975 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: jmacalalad@ a1e.ph
Hindi pa nakakapag-rehistro ang A1E sa Board of Investments (BOI) para magkaroon ng Income Tax Holiday at iba pang benepisyong ipinagkakaloob ng gobyerno sa negosyo. Lalong wala pang tax exemptions na naibibigay sa A1E lalo na ang local business tax. At kung sakali man, tinitiyak ng A1E na hindi madedehado ang Bayan ng Atimonan sa anumang incentives na makukuha nito sa gobyerno.
Marami pang permiso at papeles na kailangang makuha ang A1E sa pamahalaan bago ito maging kwalipikado sa pagre-rehistro sa BOI, pioneer o non-pioneer industry man. Nananatiling isang tapat na kaagapay sa kaunlaran ng Atimonan ang A1E, at lahat ng paraan upang makatulong ang A1E sa pamayaanan ay sinisikap nitong tugunan.
Trabaho sa Atimonan One Energy Ang Atimonan One Energy sa nagdaang dalawang (2) taon ay nakapagbigay ng trabaho sa
mga kwalipikadong taga-Atimonan.
Sa ngayon ay mayroong 27 na empleyado at 67% dito ay mga taga-Atimonan. Ang iba pang kontractor na naging bahagi ng A1E ay: Thetan Mapping Service na nagkaron ng 25 na empleyado o 32% na Atimonanin; BSP & Co.,Inc – 311 bilang ng mga trabahador, 52% ay Atimonanin; Industrial Inspection – 46 na empleyado at 13% ay Atimonanin; Pro-Care Security – 100% Atimonanin. Ang A1E ay nakapagbigay daan din upang ang mga lokal na kontraktor ay mabigyan ng proyekto. Ang mga kumpanyang ito ay ang mga sumusunod: Pardo’s Woodcraft, Lasal Weldworks at NMParafina’s Builders. Habang papalapit na ang pagtatayo ng planta ay madadagdagan pa ang bilang ng mga Atimonanin na maaring maging parte ng A1E o ng mga kontraktor nito.
Atimonan Energy One, Inc., Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 717-4975 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: jmacalalad@ a1e.ph
Suportado ng A1E ang mga programang pangkaunlaran ng Pamahalaang Bayan ng Atimonan sa pamumuno ni Mayor Rustico Joven U. Mendoza. Nakibahagi ang A1E sa isang planning workshop na ginanap kamakailan. Sa itaas, tinatalakay ni Mayor Mendoza ang kanyang mga plano at adhikain sa Atimonan.
Umaabot sa kabuuang P 4,892,132.36 ang halaga ng mga donasyon, tulong at suporta sa iba’t ibang sektor ng Atimonan ang nagastos ng A1E mula taong 2012 hanggang sa kasalukuyan. Kabilang dito ang mga pagsasanay para sa kakayahang makapaghanap- buhay tulad ng pagluluto, mason, welding at pagpipintura ng bahay.
Bukod pa dyan ang dalawang beses kada taon na medical mission na nagbibigay ng libreng
serbisyo at gamot. Kabilang din sa mga pangunahing pinagkagastusan ang pagbili at pamamahagi
ng mga pananim o seedlings. May mga pagkakaton ding sumaklolo ang A1E sa mga biktima ng
sakuna dulot ng malalakas na bagyo.
Ang Corporate Social Responsibility o CSR ay inisyatiba ng isang kumpanya upang makatulong sa
mga komunidad nito. Hindi ito ipinag-uutos ng anumang batas subalit ginagawa ito ng taos sa kalooban
ng kumpanya upang ipakita ang pagiging mabuting pakikipagkapwa o kapitbahay.
CSR PROGRAM/PROJECT/ACTIVITY*
Activity Partners Amount
2012
Refurbishment of Church Function Area Our Lady of the Angels Parish 300,000.00
2013
T-shirts for local official's activities Sangguniang Bayan 199,140.00
2014
Mayor's Cup Mayor Jose Mendoza 20,000.00
Barangay Feeding Program - Villa Ibaba Brgy. Councilor Rogelio Zatarain 30,000.00 Barangay Sports - Villa Ibaba Brgy. Capt. Johnny Ambon 10,000.00 T-shirt for Brgy. Health Workers Mayor Jose Mendoza 36,000.00 Tshirts for Senior Citizens & Women Groups Coun. Zenaida Veranga 24,000.00 DRR-Reflector vest, flashlight, whistle, drill Engr. Tikoy Mendoza 61,250.00 Church coffee table book and roofing Msgr. Melecio Verastigue 30,000.00 PNP Basketball PNP - Atimonan 8,250.00 Coastal clean-up MENRO 5,300.00 Tshirt for Brgy Tanod Coun. Elmer Santander 42,180.00 Brgy life jackets and safety training Engr. Tikoy Mendoza 19,400.00 Medical Mission CSR Activity 15,000.00 League of Local Lady Legislators Coun. Zenaida Veranga 14,000.00 PTA-Cement ACS, ANCHS, Caridad Ilaya 30,000.00 DEPED-Paint Atimonan Central School (ACS) 8,960.00
* Company initiatives / donations, and donations outside Atimonan are not included
Atimonan Energy One, Inc., Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 717-4975 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: jmacalalad@ a1e.ph
Bahagi ng tungkulin ng isang lingkod-bayan gaya ng mga Konsehal ng Bayan ang pag-aralan, tingnan at ikumpara ang ibang planta sa maaaring katulad na proyekto sa kanilang bayan. Nitong nakaraang Marso 21, binisita nina Konsehales Elmer Santander, Nestor Santander, Amado Vidal, Merly Pesigan, Estela Lim, Nestor Laude at Maria Aurora Tamayo ang mga power plants na pag-aari ng Panay Energy Development Corporation. Kasama sa pagbisitang ito sina Meralco PowerGen VP External Affairs Litz Santana, A1E staff Nic Muncal, atbp. Lubha silang namangha sa kalinisan at kaayusan ng planta at sa suporta ng komunidad sa pangunguna ng pari na si Fr. Boy K. Celis at lokal na pamahalaan ng Iloilo.
IWAS SUNOG
Isang pagsasanay upang makaiwas sa sunog ang isinagawa ng
Atimonan Fire Station sa tulong ng Atimonan One Energy noong Marso 2, 2017. Ito ay dinaluhan ng mga residente ng New Carinay Relocation at mga opisyal ng Barangay Villa Ibaba. Malaking tulong ito para sa mga residente at opisyal ng barangay dahil malayo sila sa kabayanan at hindi sila maaabot ng mga bumbero kung kinakailangan. Bahagi din ng pagsasanay ang pagtuturo sa mga resident kung paano gumamit ng fire extinguisher. Makikita sa larawan si Gng. Maritess Cordez habang ipinapakita ang kanyang natutuhan sa pag-apula ng apoy.
Pinangunahan ni Fire Chief Jonathan Malundas ang pagsasanay.
Pagkatapos nito, ipinamahagi ng mga empleyado ng A1E ang mga bagong
fire extinguishers at siniguro na nakalagay ang mga ito sa mga bahay ng
mga pinagkalooban.
LAKBAY-ARAL
P3M amilyar,
binayaran ng
A1E Umabot sa mahigit 3 Milyong
Piso ang binayarang amilyar sa lupa ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa lokal ng pamahalaan ng Atimonan ngayong buwan ng Marso 2017. Ito ay higit na mas malaki kaysa sa halaga ng amilyar para sa humigit-kumulang na 130 ektaryang lupaing pag-aari ng A1E sa Barangay Villa Ibaba, kumpara sa nagdaang taon.
Ang pagtaas ng kita ng lokal na pamahalaan mula sa lupang ito ay dulot ng pagbabago sa klasipikasyon ng lupa mula pangsakahan at ginawang pang-industriya, kasunod na rin ng itatayong planta ng kuryente. Ang pagpapalit ng klasipikasyon sa gamit ng lupa ay inaprubahan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan matapos i-endorso ng Sangguniang Bayan.
Inaasahang lalo pang lalaki ang amilyar na babayaran ng A1E kapag naitayo na ang power plant dahil bukod sa lupa, kabilang ang iba pang ari-ariang di natitinag sa papatawan ng buwis, kagaya ng mga istruktura o gusali, at mga kagamitan o equipment. Tinatayang aabot sa daang milyon ang buwis na makukulekta sa mga darating na taon na lubhang makatutulong upang pon-dohan ng pamahalaang lokal ang mga proyekto nito sa kabuhayan, sakahan, pangisdaan, edukasyon, kalusugan, at pagyayaman sa kalikasan.
Atimonan Energy One, Inc., Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 717-4975 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: jmacalalad@ a1e.ph
Masayang nakisalamuha sa harap ng kanilang bagong bahay ang Pamilya Tripulca at Trapalgar kina Meralco
PowerGen Executives Dan Neil, Chris Chua at Litz Santana at Atimonan Mayor Ticoy Mendoza.
“Pagka’t mas malapit ang relokasyon sa sentro ng barangay, mas mapapalapit ang mga taga rito sa isa’t-isa at sa mga serbisyo na ipinapatupad ng barangay,” pahayag ng punong barangay ng Villa Ibaba na si Johnny Ambon. “Makatutulong ito sa pagkakaisa ng barangay,” dagdag pa niya.
Dagdag pa sa pabahay, nakasama rin ang mga taga-Carinay sa pagsasanay na Technical-Vocational sa pagiging mason at pagpipintura na isinagawa ng A1E at Habitat sa Carinay nitong nagdaang Mayo hanggang Hunyo 2016. Higit sa 30 taga-Carinay ang nakatapos ng mga kursong ito, at ilan sa kanila ay nagkatrabaho sa ilalim ng kontraktor ng pabahay na BSP & Co. Hindi natatapos sa pabahay ang pagtulong ng A1E sa pag-unlad ng pamayanan sa Villa Ibaba. Patuloy na magkakaloob ang A1E ng mga pag-sasanay, programang pang-kabuhayan, pang-edukasyon, pang-kalusugan, at pagyayaman sa kalikasan sa mga tagarito, katuwang ang pamahalaang barangay at ang Homeowners Association ng New Carinay Relocation.
BAGO AT MAGANDA. Ito ang bahagi ng New Carinay Relocation Project. Makikita sa kaliwa ang ilang bahay na
ipinagkaloob sa mga benepisyaro at sa gawing kanan ang kapilya, na bahagyang natatakpan ng bagong Multi-purpose
Hall ng Barangay Villa Ibaba.
May itinatakda rin ang batas na bahagi ng mga inilipat na residenteng apektado ng power plant project sa ilalim ng Energy Regulation 1-94 para sa kanilang kabuhayan sa sandaling mag-operate na ang planta.
Atimonan Energy One, Inc., Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 717-4975 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: jmacalalad@ a1e.ph