Top Banner
PANIMULA A. Paglalahad ng Suliranin Sa ating kasalukuyang panahon, hindi maikakailang maraming mga bagay ang biglang nagsusulputan. Mula sa mga makabagong teknolohiyang naglipana sa ating kapaligiran, bumulusok din ang mga programang nakapagpapasaya o nakapang-aaliw sa mga manonood— mga programang nagbibigay ng malaking epekto o implikasyon sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataang nakakapanood o nakakasaksi sa mga programang ito; mga programang animo’y sumasalamin sa tunay na pagkatao at ugali ng mga Pilipino at maging ang mga kaugaliang nakasanayan nito; mga programang nagmula sa mga dayuhang bansa na ginaya at itinulad ng mga prodyuser at direktor ng iba’t ibang istasyon sa ating bansa. Ang mga programang ito ay tinatawag o tinaguriang “reality-based television shows” o sa madaling salita, “reality shows.” Marahil, ang mga programang ito ay may malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga kabataan—mga kabataang maagang namulat sa mga makabagong pangyayari at pagbabagong nagaganap sa ating makabagong kapaligiran at panahon. Mula sa pag-aaral o pananaliksik na ito, malalaman at maaanalisa ang mga maaaring maging epekto nito—mabuti man ito o masama; nakakahubog ba ito sa personalidad, ugali at pagkatao ng bawat isa at higit sa lahat, kung may mga aral ba tayong matututunan mula sa mga programang ito. 1
50
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

PANIMULA

A. Paglalahad ng Suliranin

Sa ating kasalukuyang panahon, hindi maikakailang maraming mga bagay ang

biglang nagsusulputan. Mula sa mga makabagong teknolohiyang naglipana sa ating

kapaligiran, bumulusok din ang mga programang nakapagpapasaya o nakapang-aaliw

sa mga manonood—mga programang nagbibigay ng malaking epekto o implikasyon sa

mga Pilipino lalo na sa mga kabataang nakakapanood o nakakasaksi sa mga

programang ito; mga programang animo’y sumasalamin sa tunay na pagkatao at ugali

ng mga Pilipino at maging ang mga kaugaliang nakasanayan nito; mga programang

nagmula sa mga dayuhang bansa na ginaya at itinulad ng mga prodyuser at direktor ng

iba’t ibang istasyon sa ating bansa. Ang mga programang ito ay tinatawag o tinaguriang

“reality-based television shows” o sa madaling salita, “reality shows.”

Marahil, ang mga programang ito ay may malaking epekto sa buhay ng mga

Pilipino lalo na sa mga kabataan—mga kabataang maagang namulat sa mga

makabagong pangyayari at pagbabagong nagaganap sa ating makabagong kapaligiran

at panahon. Mula sa pag-aaral o pananaliksik na ito, malalaman at maaanalisa ang mga

maaaring maging epekto nito—mabuti man ito o masama; nakakahubog ba ito sa

personalidad, ugali at pagkatao ng bawat isa at higit sa lahat, kung may mga aral ba

tayong matututunan mula sa mga programang ito.

B. Pinagmulan ng Pag-aaral

Isa sa mga paboritong libangang kinahihibangan ng mga Pilipino lalo na ng mga

kabataan ang panonood ng telebisyon. Ito ay naging bahagi na ng sistema ng ating

pamumuhay at pang-araw-araw na gawain. May iba’t ibang uri ng programang

pinapalabas sa telebisyon tulad ng mga telenobela, koreanobela, anime, gag shows,

drama, talk shows, game shows at iba pa, ngunit ang pinakabago at ang labis na

sumikat, kinahumalingan at tinangkilik ng mga kabataang Pilipino amg mga “reality-

1

Page 2: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

based television shows” o “reality shows.” Lahat ng mata—bata, matanda, lalaki man o

babae—ay talagang nakatutok sa mga pinag-uusapang mga reality shows ng

sambayanan.

Ang mga “reality shows” ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang

sinusubaybayan ay ang “totoong buhay” ng mga tao at hindi mga kathang-isip na tauhan

na ginagampanan ng mga artista. Ayon nama kay Nestor U. Torre (2004), entertainment

staff writer ng Philippine Daily Inquirer, ang programa ay masasabing reality based kung

ito’y tungkol sa mga totoong tao na nagpapakatotoo at walang ginagampanang papel.

Dagdag pa niya, reality show din ito kung ito ay gumagamit ng obserbasyonal na istilong

pagkuha ng eksena, itinatala ang totoong nangyayari at higit sa lahat kung nagbibigay

ito ng eksenang di inaasahan.

May tatlong uri ng reality shows sa Pilipino. Ito ay ang mga sumusunod: una, ang

mga manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang

pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga "plot" na tinipon para

sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera kaya kung minsan ay tinatawag

na docusoap. Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan

ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang

reaksyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatawang panoorin pero ito rin ay

nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao. Ang pangatlong uri ay ang tinatawag

na "reality game show", kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera

habang silang nagpapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba

kung bakit ang "reality game show" ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay

maaaring kasangkot ang mga manonood— ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon— sa

pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa

pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal— disapproval voting,

ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na reality-

based game show ay ang Survivor at Pinoy Big Brother.

Ang reality television ay labis na tinatangkilik sa Pilipinas dahil sadyang

nakakaaliw ito. Ngunit maraming mga magulang ang nangangamba sa napapanood ng

kanilang mga anak sa harap ng telebisyon. May mga magulang na nagsasabing ang

naturang palabas ay maihahalintulad sa mga ineeksperimentong mga daga na

nakakulong sa kulungan. Marami sa mga magulang ang sumasang-ayon na dapat pag-

2

Page 3: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

isipang mabuti ang mga programang pinapalabas dahil maliban sa mabuting epekto,

mayroon ding mga masasama at hindi kaaya ayang mga aral na maaaring natututunan

ang mga kabataang Pilipino hinggil dito.

Ang telebisyon ay may potensyal na pagkaisahin ang mga komunidad at bayan,

magbigay ng impormasyon para sa positibong kultura, panlipunan at pangkalikasang

pababago, at lumikha ng pandaigdigang pagbabago. Meron din itong kakayahan upang

paglayuin, palamigin, wasakin at itaguyod ang agresibo at negatibong mga gawi,

magbigay ng hindi kanais-nais na halimbawa sa mga kabataan, at magdulot ng

masamang asal tulad ng pagiging sakim at gahaman.  Sa nakalipas na dalawang

dekada, marami ng maingat na pagbubulay bulay ang napagdebatehan ukol sa impak

ng dahas sa telebisyon ang ganitong kontribusyon sa mga manonood lalo na ang mga

kabataang Pilipino

Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay nagsasabing reality shows ang

pinakakinahuhumalingan ngayon sa kasalukuyang henerasyon at lantad ang

manipestasyon sa epekto at repleksyon nito sa mga manonood lalo na sa mga

kabataan.

C. Layunin

Ang layunin o hangarin ng pag-aaral o pananaliksik na ito hinggil sa “reality

shows” ay upang malaman ang mga mabubuti at masasamang epekto nito sa mga

kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon. Dahil sa nosyong ang reality shows ang

kinahihiligan ngayon ng mga kabataan, kailangang malaman ang ugaling sinasalamin sa

naturang mga programa. Pinagtuunan ng pansin ang Pinoy Big Brother at Survivor dahil

ito ang nangungunang reality based television show ngayon sa Pilipinas. Ang telebisyon

ang pangunahing midyum ng midya ngayon, kaya naman napakalaki ng impak nito sa

mga manood at tagasubaybay. Sa pag-aaral na ito, mahalagang malaman kung ano ang

mga nakukuhang asal at kaugalian ng mga kabataan sa Pinoy Big Brother at Survivor.

Kaya naman bilang mananaliksik, minabuting pag-aralan ang repleksyon ng Pinoy Big

Brother at Survivor sa ilang ugali ng mga kabataan. Ang nakikita at napapanood sa

telebisyon ay kailangang pag-aralang mabuti dahil sa malaking repleksyon nito sa

3

Page 4: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

kaugalian ng mga kabataan. Ang mga ugaling ito ay nakakaapekto sa ating buhay at sa

ating bansa. 

Naglalayon din itong matulungan ang mga kabataan at mga magulang sa pagpili

sa tatangkiliking programa upang magkaroon ng positibong pagtingin sa kapwa at

lipunan. Isasagawa ng mananaliksik ang pag-aaral upang makita ang mga kaugaliang

Pilipino na napapaloob sa bawat palabas. Layunin din sa reserts na ito ang pag-alam at

pag-aaral ng mananaliksik sa mga natatanging kaugaliang Pilipino na sinasalamin ng

Pinoy Big Brother at Survivor. Nilalayon din nitong talakayin at suriin ang tunay na

kakayahan ng kasalukuyang palabas sa pagbabago ng ugali ng mga kabataang bagong

pag-asa ng ating bayan.

D. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay nakasentro o nakatuon sa mga reality-

based television shows gaya ng Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor. Ito ay isinagawa

upang malaman at maintindihan ang epekto ng panonood ng mga ganitong uri nga

programa sa telebisyon sa mga kabataang Pilipino.

Ang sakop o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang kahalagahan at kasalukuyang

kalagayan ng mga kabataan sa panonood ng mga reality shows. Gayunpaman, saklaw

din nito ang mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan na nakakapanood ng mga ganitong

uri ng programa o palabas. Bukod dito, saklaw o sakop din nito ang mga repleksiyon ng

mga reality-based television shows sa ilang natatanging kaugaliang Pilipino— maging

ang mga opinion at represyon ng mga kabataang manonood ukol sa totoong elemento

ng mga ganitong uri ng programa. Paniguradong ilang kaugaliang Pilipino ang uusbong

sa programa na siyang manggugulat sa mga tagasubaybay, kaya mahalagang suriin at

alamin ang mga implikasyon ng programang ito sa pagtingin ng madla sa kaugaliang

Pinoy. Ang bawat eksenang matutunghayan sa midya lalo na sa telebisyon ay

nangangahulugan ng iba’tibang repleksiyon.

Sa kabilang banda, ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay nalilimitahan sa mga

reality shows na gawang Pilipino at ang mga kalahok nito ay mga Pilipino din.

4

Page 5: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

E. Pagtataya sa mga Kaugnay na Babasahin

Ang pagdami ng reality-based programming na napapanood sa telebisyon ay

hindi lamang nagkamit ng milyun-milyong manonood bagkus nakaagaw-pansin din ito sa

interes ng maraming mananaliksik.

Ayon kila Laurie Oullette at Susan Murray, ang reality television ay isang klase

ng palabas na naghahalo ng realismo at ng popular entertainment. Binibigyan-diin nila

na hindi batayan ng isang reality show ang kagandahan nito o kaya ang pagtataguyod

ng mga aral. Importante para sa mga ganitong palabas ang pagsasama ng kung ano

ang sikat at totoo.

Sa pagpapakahulugan ni Jonathan Bignell, maipapakita ng mga reality show ang

iba’t ibang kultura ng mga tao dahil importante para sa ganitong klase ng telebisyon ang

maipakita ang totoo. Mapanuya man kung iisipin, ang pagkakaiba-iba ng kultura na

itinatanghal ng reality show ay nakakapagbuo ng iisang identidad. Isang mabuting

halimbawa rito ang Pinoy Big Brother, kung saan galing sa iba’t ibang panig ng bansa

ang kinukuhang kalahok. Makabubuo ng iisang identidad ang mga Pilipino dahil

mapapansin nila ang pagkakapare-pareho ng ugali ng mga taong galing sa iba’t ibang

kultura.

Mula naman sa ideya ni John Fiske, maituturing na malakas ang reality television

dahil malaki ang impluwensiya nito sa lipunan. Nakabubuo ito ng iisang identidad para

sa isang grupo ng tao na mayroong iba’t ibang paniniwala. Kung gayon, ang realismo sa

telebisyon ay napakalakas dahil kaya nitong hubugin kung ano ang totoo at hindi.

Base sa ideya ni Jane Shattuc, kung ang talk show ay ang plataporma na

naghuhudyat ng pagbabago sa lipunan. ang reality television ang mismong nagsisimula

ng pagbabago sa lipunan.

5

Page 6: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Ayon naman kay Justin Lewis, hindi maiaalis sa katauhan ng isang tao ang

impluwensiya ng telebisyon. Unti-unting binabago ng telebisyon ang paningin natin sa

mga bagay.

Sabi pa nila John Fiske at John Hartley, kung gaano ka-totoo ang isang palabas,

ganoon rin ito papaniwalaan ng isang manunood. Ibig sabihin nito ay mas paniniwalaan

ng publiko ang isang palabas kung mas malakas ang ugnayan nito sa konsepto ng

realismo.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa Unibersidad ng Pilipinas- Baguio, ang

pagkilala ng mga nakaraang pananaliksik ukol sa programang reality-based ay maaaring

hindi angkop sa tunay na pagtingin ng mga manonood sa nasabing mga programa.

Kaya’t makabubuting balikan ang katuturan ng reality-based shows. Mula sa binigay na

kahulugan nina Robin Nabi et. al. (2003), ito ay isang programa na tumatalakay sa mga

totoong tao na namumuhay sa hindi organisadong kapaligiran.

Kinilala pa nila ang reality show bilang mga programa na may elementong: taong

nagpapakita ng tunay na sila; kinunan sa lugar na tinitirahan o pinagtratrabahuan at

hindi sa set; walang sinusunod na iskrip; naayos bilang naratib ang mga pangyayari; at

para sa ikagagalak ng manonood. Ang epekto sa sikolohiya ng bagong milenyo ay

sukdulan, at ang telebisyon ay bahagi nito. Samakatuwid, nahanap ng mga tao sa

reality-based shows ang pinakaganap o angkop na sagot sa kanilang damdamin.

Maraming posibleng satispaksyon na maaring makuha sa panonood at ito’y nahati sa

tatlong kategorya; pagkatuto mula sa iba, pagtakas sa reyalidad at aral mula sa

aspetong ispiritwal at moral.

Ayon sa ginawang pananaliksik ni Nasser A. Dugasan na may titulong “Ang

Paradoksiya ng Pinoy Big Brother bilang teleserye ng totoong buhay, ang atraksyong

natatanggap ng PBB ay base sa sosyal at gawing aspeto ng programa. Ang mga reality-

based TV shows ay nakabibighani kaya’t maraming kabataan ang nanonood sa

naturang palabas dahil sa nakakukuha sila rito ng bagong impormasyon sa

pamamagitan ng panonood. Si “Kuya” o “Big Brother” ang siya ring pinakapopular na

halimbawa ng bagong factual entertainment. Kaya hindi maikakailang, marami ang

6

Page 7: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

tumatangkilik at patuloy na tumatangkilik na kabataan sa PBB. Maraming mabuting

kaugalian mayroon ang mga Pilipino, ilan nga rito’y; pagkiling sa pamilya, masayahin at

mapagpatawa, madaling makibagay, malikhain at pagkarelihiyoso. Samantalang ang

mga kahinaan nama’y; makasarili, mañana habit, ningas cogon at kaisipang kolonyal.

Ang lahat ng ito’y pawang makikita sa mga housemates o kasambahay sa loob ng

bahay ni Kuya.

Ayon naman kay ni Leticia Ramos-Shahani, mula sa kanyang aklat na Paghubog

sa Mamamayan, Katatagan ng Bayan (Pilipinas, 1988) matatawag ding kahinaan ng

mga Pilipino ang labis na makasarili; labis na makapamilya; walang sariling pagkukusa;

ugaling kanya-kanya at iba pa. Ang mga katangian at kahinaan ng Pilipino ay naka-ugat

sa maraming salik gaya ng: tahanan, lipunan, kultura, kasaysayan, mass media at iba

pa. Bagaman masasabing mula sa magkakaibang lugar sa Pilipinas, mahihinuha pa ring

ang mga ugaling ipinapakita sa loob ng PBB house ay pawang repleksyon ng mga

kaugaliang Pilipino. Kung pagbabasehan ang akda ni Shahani, masasabing may

malinaw na pananaw ang mga Pilipino sa kanilang kaugalian mabuti man o masama ito.

Hinggil kay Shirley Biagi, isang mamamahayag at may-akda ng “Perspectives on

Mass Media Industries, Effects and Issues,” ang telebisyon ang nagsisilbing

pinakamabisang instrumento ng edukasyon hindi dahil ito ay nagtuturo tungkol sa

akademikong bagay ngunit dahil ito’y nagbibigay ng kaisipan kung ano ang dapat at di

dapat na ugali’t galaw ng isang tao. Kaya’t telebisyon din ang makapagpapakita ng mga

ugali’t pananaw ng mga Pilipino dito sa Pilipinas.

Batay kay Susan Murray, sa mga reality shows nakabatay kung ano ang

katanggap-tanggap sa lipunan dahil sa nakahalong realismo sa mga palabas. Ang

reality shows mismo ang nagsasabi kung ano ang totoo at kung ano ang

pagbabalatkayo, kaya naman masasabing totoo ang mga ugali na naitatampok sa mga

palabas tulad ng Big Brother at Survivor. Dito kakaiba ang reality shows dahil maari na

ang itinatampok nilang realidad ay isang kabawalan. Ang kanilang pagtatanghal ng

realidad ang magiging hudyat ng pagbabago ng pananaw. Kaya naman tagahubog ng

katotohanan ang reality television.

Mula naman sa PBB magazine (2004), ang mga panibagong housemates ay

kinuha sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ang buong programa ay naglayong makakuha ng

7

Page 8: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

mga tao na siyang representasyon ng kasalukuyang May mga mayaman, mahirap at

nasa katamtamang antas ng pamumuhay lamang, samantala sa kasarian nama’y may

lalaki, babae, at transgender. Maging ang kabuhayan ay halo-halo rin, may guro, special

agent, banker, businessman, Overseas Filipino Worker (OFW) at iba pa. Ang pagpili sa

mga kalahok ay sumisigurong makita ng mga manunuod sa kabuuan ang kaugalian at

ugaling Pilipino. Ito ay naglalayon ding mailabas sa telebisyon ang repleksiyon ng mga

ugali ng kasalukuyang henerasyon. Makikitang ang mga uri ng taong ito ang siyang

makapagbibigay impluwensiya sa mga kabataan.

Mula sa isang websayt na pinoyforum.com, ang Survivor Philippines— isang

halimbawa ng reality-based television show na matutunghayan at mapapanood sa

istasyon ng GMA 7— ay isang uri ng programang pantelebisyon kung saan ang mga

kasali o kalahok ay tinututukan ng mga kamera habang ang mga kalahok na tinipon o

pinagsama-sama upang makuha ang premyo at makuha ang titulong “Pinoy Sole

Survivor.” Sa programang ito, makikita at matutunghayan ng mga manonood ang

kanilang mga tunay na ugali at personalidad, maging ang kanilang mga estratehiya sa

loob ng paligsahan o kompetisyon. Makikita ng mga manonood ang ginagawang

pagtatraydoran ng bawat manlalaro sa nasabing paligsahan. Sa larong ito, kailang mong

makakuha ng alyansa upang makatagal sa mismong laro o paligsahan. Kailangan dito

ng matinding pagtitiwala sa bawat isang kasapi sa alyansa dahil kapag ito ay tuluyang

nasira, malaki ang bahagdan na ang oras ng pagtatagal mo sa paligsahan ay magiging

limitado at maikli na lamang. Sa kabilang banda, matutunghayan naman ang mga

kalakasan at kahinaan ng bawat isa sa iba’t ibang mga pagsubok na kanilang

pagdadaanan. Matutunghayan din ang matinding kooperasyon at pagtutulungan ng iba’t

ibang tribo upang manalo sa iba’t ibang paligsahan at upang makuha ang inaasam-

asam ng lahat na imyuniti—isang bagay o ang premyo ng tribong mananalo sa laro at

magkakaroon ng pagkakataong magtagal sa isla. Sa panonood ng palabas na ito, may

mga magaganda at mabubuting bagay na makukuha subalit may mga negatibo at

masama din naman. Depende sa mga manonood kung paano nila tatanggapin ang mga

mapapanood nila—kung ito ay gagayahin ba nila o hindi. Nasa desisyon ng mga

nakakatunghay ng ganitong uri ng palabas kung makakabuti ba ito sa kanilang buhay o

hindi.

Pinatunayan din ng pag-aaral ang lawak ng telebisyon sa pagpapakita ng mga

kaugalian sa mga reality shows tulad ng PBB. Telebisyon ang pinakamakapangyarihan

8

Page 9: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

at pinakaimpluwensyal na uri ng mass media at ang pag-iwas dito’y hindi makapag-aalis

sa kanya. Kaya’t anuman ang iyong opinyon o kaisipan hinggil dito, kinakailangan mo pa

ring palawakin ang iyong pag-intindi sa telebisyon.

Ayon sa ginawang pananaliksik ni Nestor U. Torre, isang manunulat sa

Philippine Daily Inquirer (PDI), ang programa ay masasabing reality-based kung ito’y

tungkol sa mga totoong taong nagpapakatotoo at walang ginagampanang papel.

Dagdag pa niya, reality show din ito kung ito ay gumagamit ng obserbasyonal na istilong

pagkuha ng eksena, itinatala ang totoong nangyayari at higit sa lahat, kung nagbibigay

ito ng eksenang hindi inaasahan.

Mula naman sa pag-aaral ni Cathleen Jobel B. dela Cruz ng Unibersidad ng

Pilipinas- Baguio, maraming posibleng satispaksyon na maaaring makuha sa panonood

at ito ay nahati sa tatlong kategorya: pagkatuto mula sa iba, pagtakas sa realidad at aral

mula sa aspetong ispiritwal at moral.

Ayon sa PinoyTayo.net, isang estatistika ang kanilang ginawa. Sa taon ngang

2003-2004, apat sa sampung may pinakamataas na marka mula sa mga manoood ang

reality based show at dalawa lamang sa mga ito ang base sa komedya. Kaya nga’t

kaysa pairalin ang mga nakatatawang programa, ang mga istasyon ngayon ay

pinapabuti ang mga reality shows na syang patok sa kapanahunang ito. Ngunit habang

patuloy na dumarami ang nanonood ng reality shows, kailangang mas maging

responsible tayong manonood at piliin kung ano man ang nararapat tangkilikin. Kagaya

ng mga libro, ang pinakamagandang programa ay yung nagpapakita ng tunay nating

pagkatao, at sa pagdaan ng prosesong ito ay huhubog sa ating upang maging mas

mabuting mamamayan. Sa kabuuan, ang pag-aaral ito ay nagsasabing reality shows

ang pinakahuhumalingan ngayon sa kasalukuyang henerasyon at lantad ang

manipestasyon sa epekto at repleksyon nito sa mga manonood lalo na ang mga

kabataan.

Sa nakalap na datos mula sa inspiredeveloplead.com, iba-ibang panahon, iba-

iba ang genre na tinatangkilik sa telebisyon. Minsan ay namumutiktik ng gameshows sa

panahong matapos ang Asian crisis ng 1997, patungo sa kasalukuyang krisis ng 2009.

Nagtransporma ang ibang genre: mula sa walang katapusang melodrama series kung

saan nakita natin ang kamusmusan at pagdadalaga ng mga karakter ni Janice de Belen

9

Page 10: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

at Julie Vega, tungo sa mabilisan pagsasalansan ng teleseryeng pinagbibidahan ng “it”

boy at girl ng malalaking studios. Ang kasalukuyang telebisyon ay pinamumutiktikan ng

reality TV shows, mga quest show na isa-isang tinatanggal ng loob (talunang tribu sa

Survivor, o nominasyon sa Big Brother, at ng mga jury at home televiewers sa

pamamagitan ng text voting) hanggang ang pinakamoral ay magtagumpay.

Hinggil sa pag-aaral ni Christine Geraghty, marami nang paliwanag sa

fasinasyon sa voyeuristikong kultura ng reality TV. Gusto natin na mamboso sa buhay-

buhay, lalo na sa mga katawan at mobilisasyon ng sexualidad nito, sa pang-araw-araw

na tunguhin ng mga tauhan sa reality TV. Gusto nating mabuhay vicariously sa

pamamagitan ng ibang tao. Kung lulubog, sila ang lulubog. Kung may elimination

challenge, sila ang magkakandarapa para makaagapay at magtagumpay. Kung may

immunity challenge, sila pa rin ito.Habang tayo ay nasa sekuridad ng sala o tulugan,

hindi tayo ang lubos na nahihirapan. Namumuhay lamang tayo sa pagkatao ng mga

tauhan sa reality TV.-- na hindi naman hiwalay sa kondisyon ng malling at gitnang uring

aspirasyon. Nagmo-malling tayo at natatanaw ang paghihirap ng ibang mas dusta ang

buhay kaysa sa atin. Pero wala tayong gagawin. Kundi man, natatanaw natin ang gitna

at elitistang uring aspirasyon. At dahil hindi natin makakayanan ang gastos ng pamimili,

namumuhay tayo vicariously sa mga mas mataas na panandang-marka ng gitnang uring

buhay sa labas natin.

Sa ideya naman ni David Lusted , ang pagkahumaling sa dito ay isang kondisyon

ng aquarium na idinidiin ng reality TV. Nililikhang seperadang mundo ang tunay at

historikal sa isang banda, at ang pantasya at palabas sa kabilang banda-- na ang

nagaganap na direktang kumpetisyon sa Survivor at tasitong kumpetisyon sa Big

Brother ay kaiba sa kapitalistang dikta ng Darwinian na kumpetisyon na may baryasyon:

survival di na lamang of the fittest, pero survival of the most morally upright (sa

kapitalismong kaayusan, na kahit sa esensyal ay exploitatibo ay ipitatamo sa kompetitor

na pinakamakatao pa rin ang pakikitungo).

Sa kabilang dako naman, binabatikos ng mga kritiko ang mga reality shows dahil

hindi naman natutupad ang mga layunin nitong itanghal ang tunay na karakter ng isang

tao. Ayon kay Bignell, ang Big Brother ay hindi magandang batayan ng ugali dahil sa

pagbabalatkayo ng mga kalahok. Gustong manalo ng bawat kalahok kaya naman

babaguhin nila kahit ang kanilang ugali para magustuhan ng mga prodyuser. Alam kasi

10

Page 11: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

ng mga kalahok na ang mga taong may kakaibang karakter at may ugaling

kontrobersiyal ang tumatagal sa mga ganoong klaseng palabas.

Halimbawa ng ganitong klaseng pagbabalatkayo ang inihayag ni Nick Couldry.

Aniya, ang mga kontradiksyon sa Big Brother ay kailangang malutas kung talagang nais

nitong maitampok ang tunay na ugali ng mga kalahok. Ipinagmamalaki raw kasi ng Big

Brother ang kakayahan niyong ipakita ang realidad ukol sa karakter ng isang tao gamit

ang mga camera ngunit ito mismo ang kahinaan ng Big Brother. Kapag napapansin ng

mga kalahok ang mga camera sa bahay, bigla nilang binabago ang mga sarili nila at

doon sa mga oras na iyon ay magpapakita ng kanilang pinakamabait na ugali.

Nababatid kasi nila na mayroong libu-libong tao ang pinapanood sila at hinuhusgaan

ang bawat kilos nila.

F. Kahalagahan ng Pag-aaral

Marami na sa mga Pilipino ngayon, lalo na sa mga kabataan, ang laging

nakatutok at sumusubaybay sa mga “reality-based television shows” o mga “reality

shows” at sadyang nagiging bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Dahil

sa biglaang pagsulpot, pagsikat at pagdomina ng mga reality shows laban sa ibang mga

palabas sa telebisyon, minabuti ng mananaliksik na pag-aralan ang epekto nito sa mga

kabataang Pilipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutukoy at mapapatunayan

ang mga maaaring maging epekto nito sa sosyal, emosyonal, pisikal, sikolohikal, at

mental na aspeto na nakakaimpluwensya at nakapagpapabago sa mga kabataang

Pilipino sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito, matutukoy natin kung ito ba ay

nakatutulong at nakakabuti ba ito sa paghubog ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa

pag-aaral na ito, matutulungan ang mga kabataang Pilipino at maging ang kanilang mga

magulang sa pagpili ng tatangkiliking mga programa upang magkaroon ng positibong

pagtingin sa kapwa at lipunan. Isa pang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang

pagpapamulat sa mga kabataang Pilipino ng mga kaugaliang napapaloob sa bawat

palabas na ito—masama man ito o hindi.

11

Page 12: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

G. Pundasyong Teoretikal

Upang mapagmasdan ang impluwensya ng telebisyon sa mga kabataang

Pilipino sa kasalukuyang panahon na nakakapanood o nakakasaksi sa mga programang

panrealidad, may talong teorya o modelong ginamit at pinagbasehanng mananaliksik—

ang modelo ng “Cone Effect”, “Cultivation of Personality Theory in Television” at ang

“Natural Selection” at “Survival of the Fittest” ni Charles Darwin.

Ang unang modelo ay ang Cone Effect ni Edward Jay Whetmore. Ang Modelo ng

Cone Effect ang nagsilbing kasangkapan sa pagtingin at pag-analisa ng isang programa

sa kahit anong uri ng midya. Makatutulong ito sa pag-intindi ng relasyon sa pagitan ng

totoong buhay at mediated reality. Bagaman akma ito sa pag-analisa ng anumang uri ng

midya, mas makabubuti pa rin itong pag-aralan sa konsepto ng telebisyon.

Pinatutunayan ng modelo no Cone Effect na nakatutulong ang pagiging mula sa

talebisyon ng PBB at Survivor upang maipakita nito ng mga kaugaliang Pilipino.

Mabuting gamitin ang modelong ito sa pagbusisi ng nilalaman at repleksiyon ng

pantelebisyong programang panrealidad. Magbibigay ito ng paliwanag sa detalyadong

proseso ng paglikha ng mga eksena na inilalabas sa telebisyon at pag-ako naman ng

mga manonood sa mga eksenang ito. Gamit ang modelong ito sa pagtingin ng PBB at

Survivor, makikita na mula sa scriptwriters, news writers, at iba pang tao sa industriya ng

T.V., nag-uumpisang mailahad ang karanasan sa totoong buhay. Ang Constructed

Mediated Reality na ito ay maaaring maipakita sa anyong komediya, game show,

newscast at iba pa. Ang tapos nang bersyon ay ipinakikitasa mga manonood gamit ang

telebisyon. Pagdating sa mga manonood, nagkakaroon ng Perceived Mediated Reality

(PMR) at babalik sa kanila na siyang magpapakita ng implikasyon sa buhay ng mga

tagapanood. At ang PMR na ito ay iikot muli sa totoong buhay, tungo sa telebisyon at

babalik sa manonood.

Ang ikalawang modelo ay “Cultivation of Personality Theory in Television” ni Alan

Rosenthal. Ang modelo o teoryang ito ay ginamit upang makita nang husto ang lalim ng

persepsyon ng mga manonood sa reality show na PBB at Survivor.

Ang teoryang Cultivation ay pumapatungkol sa kultibasyong epekto ng telebisyon sa

mga manonood, mula sa konsepto’t kaisipan ni George Gerbner (1960). Ito rin ay

nagsasabing ang nanonood ay bumubuo ng isang persepsyon mula sa

tagapanuod. Sinasabi rin nito na ang tagasubaybay ay hindi makapipili ng kung anong

12

Page 13: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

uri ng palabas ang nais nitong mapanood sa telebisyon. Ayon pa rito ang telebisyon ang

nagpapanukala ng isang di-makatotohanang paningin sa reyalidad ng kanyang paligid,

bagaman ganoon, naniniwala pa rin ang manonood na ang kanyang nakikita ay tunay sa

totoong buhay. Dagdag pa nito, ang reyalidad ng telebisyon ay humuhubog ng malaking

parte sa ugali, paniniwala, opinyon at aksyon. Ang napapanood sa telebisyon ay

bumubungkal sa persepsyon ng manonood sa realidad.

Sa kabilang banda, ang ikatlo at huling modelo ay ang teoryang “Natural

Selection” at “Survival of the Fittest” ni Charles Darwin. Minumungkahi ng teorya ni

Darwin na Natural Selection na ang pinakaangkop ang siyang mananatiling buhay. Ang

Survival of the Fittest ni Charles Darwin naman ay katulad ng nagaganap sa Bahay ni

Kuya at sa isla ng Survivor Philippines-- kung saan ang pinakamalakas,

pinakamadiskarte at pinakanararapat ang matitira hanggang sa huli at nananalo at

tataguriang “Big Winner” at “Ultimate Sole Survivor.” Ang ganitong uri ng palabas ay

mayroong negatibong pagtingin sa mga talunan. Dapat pagtuunan ng pansin ang mga

natatalo dahil mas marami sila kaysa sa mga nagtatagumpay sa huli. Tulad ng teorya ni

Darwin, marami nang mga species sa mundo ang maikokonsiderang extinct kaya sila

dapat ang mas binibigyan ng pansin at proteksyon.

Samantala, ang mabuting dulot ng ganitong uri ng programa sa telebisyon ay

ang pagdebelop at paghubog ng mga manonood sa pamamagitan ng pagtama sa

kanilang mga kamalian. Binibigyan tayo ng naturang palabas ng pagkakataon para piliin

ang tamang asal at ugali upang maging matagumpay sa buhay.

Sa tulong ng mga nabanggit na teorya, mapag-aaralang husto ang lawak at lalim

na kayang pasukin ng mga naturang programa sa sikolohiya ng mga kabataang Pilipino

sa kasalukuyang panahon.

H. Metodolohiya

Upang maging matagumpay ang pag-aaral o pananaliksik na ito, ang

mananaliksik ay gagamit ng iba’t ibang paraan upang makakalap ng mga mahahalagang

detalye o impormasyon ukol sa nasabing pag-aaral.

13

Page 14: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Ang mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey o kwestyoneyr sa mga piling

sampung mag-aaral ng Philippine School of Business Administration – Manila (PSBA

Manila) na tumatangkilik o sumusubaybay sa mga “reality-based television shows” o

“reality shows.” Random ang pamimili ng mananaliksik. Ang mga mag-aaral na ito ay

may edad mula 16 hanggang 20 taong gulang. Sa pamamagitan ng paraang ito,

malalaman ng mananaliksik ang impak o ang mga possible at maaaring maging epekto

sa kanila ng mga naturang palabas—postibo man ito o negatibo. Sa kaparaanang ito,

magiging mas kapani-paniwala o balido ang gagawing pag-aaral o pananaliksik, lalo na

an gang magiging resulta ng nasabing pag-aaral. Gagamitin din ito upang makita at

malaman ng mananaliksi ang tunay na nararamdaman, saloobin, ideya at opinyon ng

mga kabataang Pilipino ukol sa mga palabas o programang ito. Ikalawa, maghahanap o

kakalap din ang mananaliksik ng impormasyon o detalye sa mga silid-aklatan ukol sa

paksang pinag-aaralan. Sa kaparaanang ito, makakakuha ang mananaliksik ng mga

impormasyong may kaugnayan sa kanyang pinag-aaralan at maaari niya itong maging

reperensya o gabay sa kanyang ginagawang pananaliksik o pag-aaral. Ang mga

impormasyong maaaring pagkuhanan ng mananaliksik sa loob ng silid-aklatan at mga

libro, magazin, pahayagan, journal, tesis at iba pang mga reperensya at babasahin.

Ikatlo, kakalap din ng impormasyon o detalye ang mananaliksik sa internet. Sa

pamamagitan nito, mas lalawak, lalong dadami at mas madadagdagan ang mga

impormasyon tungkol sa ginagawang pag-aaral. Malalaman din dito ang mga detalye o

impormasyong hindi nakalap o nakita sa loob ng silid-aklatan.

Pagkatapos gawin ang mga nasabing paraan, pag-aaralan at aanalisahin ng

mananaliksik ang mga resulta ng ginawang pagsasarbey sa mga tagatugon o

respondents. Pag-aaralang mabuti at buong ingat na iintindihin ng mananaliksik ang

mga resulta nito, positibo man ito o negatibo. Gagamit ang mananaliksik ng estatistika

upang maipakita o maipahayag sa mga mambabasa ang resulta ng nasabing pag-aaral.

Bukod dito, iuugnay din ng mananaliksik ang magiging resulta ng pag-aaral sa mga

nakalap na impormasyon o detalye sa silid-aklatan at internet.

Sa pamamagitan ng mga kaparaanang nabanggit upang makalap at makakuha

ng impormasyon, magiging mas kapani-paniwala at masasabing may kabuluhan ang

ginagawang pag-aaral ukolm sa mga reality shows.

14

Page 15: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

KATAWAN

Kapansin-pansin at sadyang makatotohanan ang pagtangkilik ng mga kabataang

Pilipino sa mga reality-based television show tulad ng Pinoy Big Brother (PBB) at

Survivor. Telebisyon ang pangatlong magulang-- tagapagbigay ng impormasyon,

impresyon at ideya. Ganyan ang pagkakakilala ng nakararami ukol sa bagay na ito

at bukod pa diyan bilang isang kasangkapan na maraming oras na kayang ibigay, at

pagkakataong maghandog ng aliw kaninuman. Nagsisilbi itong daan sa makabagong

mundo, kaya’t walang nabibilang sa kasalukuyan ang makaiiwas sa impluwensya

nito. Mga bata, matanda, babae man o lalaki ay nahihilig at nahuhumaling sa

panonood ng mga programa sa telebisyon. Hindi mapipigilan ang pagkalat,

paglaganap at pagbulusok nito at hindi rin ito mapipigilan ninuman.

A. Resulta ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga reality-based television shows tulad

ng Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor. Upang malaman ang tunay na saloobin ng

mga kabataang Pilipoino hinggil sa mga nasabing programa—kung ito ay may

magandang epekto o masamang epekto—gumamit ang mananaliksik ng sarbey o

kwestyoneyr sa sampung (10) piling mag-aaral ng Philippine School of Business

Administration – Manila (PSBA – Manila). Sa paraang ito, malalaman ang kaugaliang

repleksyon ng panonood ng mga ganitong uri ng programa sa telebisyon.

Sa isinagawang sarbey ng mananaliksik sa sampung mag-aaral ng PSBA –

Manila na tagasubaybay ng mga reality shows, walong (8) mag-aaral ang labis na

nagbibigay ng panahon upang makapanood ng naturang palabas. Samantalang

dalawang (2) mag-aaral lamang ang nagsabing hindi nila ito gaanong pinagtutuunan

ng pansin. Lumalabas na 80% sa mga respondent ang nagsabing sila ay masigasig

na tagasubaybay ng ganitong uri ng palabas at 20% naman ang hindi.

Ang ikalawang tanong naman sa sarbey ay tungkol sa oras o tagal ng kanilang

panonood ng telebsiyon sa bawat araw. Lima sa mga respondent o 50% ang

nagsabing apat (4) hanggang limang (5) oras silang nanonood ng telebsiyon; tatlo

15

Page 16: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

(3) o 30% sa mga respondent ang nagsabing dalawa (2) hanggang tatlong (3) oras;

at dalawa (2) ang nagsabing isang (1) oras lamang.

Ang ikatlong tanong naman ay hinggil sa kung anong programa o palabas ang

kanilang mas tinatangkilik—kung PBB ba o Survivor. Ayon sa ginawang sarbey, apat

(4) sa mga respondent o 40% ang nanonood ng Survivor; samantala, anim (6) sa

mga respondents o 60% ang nanononood ng PBB.

Ang ikaapat na katanungan naman ay tungkol sa kanilang opinion at ideya ukol

sa epekto ng kanilang pinapanood na reality show sa kanilang pang-araw-araw na

pamumuhay. Ayon sa ginawang sarbey, pito (7) o 70% ng respondent ang

nagsabing may maganda at mabubuting epekto ang panonood nila ng mga reality-

based television shows; samantala, tatlo (3) o 30% ang nagsabing hindi kanais-nais

ang mga nakukuhang ugali sa panonood ng naturang palabas.

Ang ikalimang katanungan ay may kaugnayan sa ikaapat na tanong sapagkat

pinalista ng mananaliksik ang mga ugali o asal na napulot sa panonood ng ganitong

uri ng palabas. Walo (8) o 80% ng respondent ang nagsabi na ang pagiging totoo at

pagmamalasakit sa mga kasama ang nangunang ugaling karaniwang napupulot ng

mga kabataan sa mga ganitong uri ng palabas. Ang natitirang bahagdan ay

napaghati-hatian ng pagiging mapagmahal sa kapwa, matapang, masipag,

mapamaraan, madiskarte, palakaibigan at ang pagiging masayahin at magiliw sa

kapwa. Sa kabilang banda, may nasabi at nailista rin namang negatibong puna

hinggil sa ganitong programa. Sinabi nilang hindi kanais-nais ang pagtatrayduran ng

bawat isa sa isang uri ng palabas. Sinabi din nilang tinuturuan ang mga kabataang

maging “liberated” at mulat sa mga bagay na hindi pa nararapat para sa kanila.

Ang ikaanim na katanungan ay tungkol sa edad o gulang ng mga kabataang

karaniwang nanonood ng reality-based television shows. Sa isinagawang sarbey,

ang mga kabataang karaniwang nanonood ng mga reality shows ay mula labing-

anim (16) hanggang dalawampung (20) taon. Sa sampung nasarbey, dalawa o 20%

sa mga respondent ang labing-anim (16) na taon; apat o 40% ang labingwalong

taon; dalawa (2) o 20% ang labingsiyam (19) na taon; at dalawa o 20% ang

dalawampung taon (20).

16

Page 17: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Ang ikapitong katanungan ay hinggil sa kung nakakaapekto ba ang panonood

nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at ugali at kung ito ba ay ginagaya at

ginagawang modelo o huwaran. Batay sa sarbey, lumabas na tatlo (3) o 30% sa

mga respondent ang nagsabing nakakaapekto sa kanila ang panonood ng mga

reality show; samantala, pito (7) o 70% ang ang nagsabing hindi ito nakakaapekto sa

kanilang kilos at gawi.

Ang ikawalong tanong ay tungkol sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas,

kung gaano nahuhumaling ang respondents sa PBB. Anim (6) o 60% ng respondent

ang nagbigay ng scale na 10 o 100% ukol sa kanilang pagkahumaling sa PBB. Isa

(1) ang nagbigay ng scale na 9; dalawa (2) ang nagbigay ng scale na 8; at isa (1)

ang nagbigay ng scale na 7.

Ang ikasiyam na tanong ay tungkol sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas,

kung gaano nahuhumaling ang respondents sa Survivor. Anim (6) o 60% ng

respondent ang nagbigay ng scale na 5 ukol sa kanilang pagkahumaling sa PBB. Isa

(1) ang nagbigay ng scale na 8; dalawa (2) ang nagbigay ng scale na 9; at isa (1)

ang nagbigay ng scale na 10

Ang ikasampung tanong ay kung sang-ayon ba sila sa pagpapalabas ng mga

reality-based television show sa Pilipinas. Walo (8) o 80% sa mga respondent ang

nagsabing sumasang-ayon sila samantala, dalawa (2) o 20% lamang ang hindi

sumasang-ayon sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas.

B. Pag-aanalisa sa mga Nakalap na Impormasyon

Batay sa unang katanungan ukol sa bilang ng tagasubaybay ng mga reality

shows, nabuo ang kaisipan na ang mga kabataang Pilipino ay labis na nagbibigay ng

oras at panahon upang makapanood ng naturang palabas. Dalawa lamang sa mga

respondents ang nagsabing dalawa (2) hanggang tatlong (3) beses sa isang linggo

lang sila nkakapanood ng mga reality shows gaya ng PBB at Survivor.

Mula naman sa ikalawang katanungan hinggil sa oras at tagal ng panonood ng

telebisyon, ito ay patunay lamang na ang mga respondents ay naglalaan ng

malaking bahagdan ng kanilang oras sa panonood ng telebisyon at sila ang siyang

17

Page 18: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

nakatutok sa telebisyon ng higit sat along (3) oras sa isang araw. Sila ang yaong

mga tumatanggao sa lahat ng element ng reality show blang mga totoo. Sa kabilang

banda, ang mga minsan lamang manood ay siyang pumipili ng kaunting elemento ng

programa bilang katotohanan.

Ayon sa ikatlong tanong, kung anong programa o palabas ang kanilang mas

tinatangkilik—kung PBB ba o Survivor, batay sa impormasyong nakalap,

masasabing mas tinatangkilik ng mga kabataang Pilipino ang elementong

nagpapakita ng tunay na sila at walang sinusunod na iskrip kaysa sa programang

kinunan sa isang lugar na kung saan kailangan nilang magpagalingan sa iba’t ibang

hamon na inihanda sa kanila at kailangan nilang bumuo ng alyansa upang tumagal

sa naturang laban at palabas. Pinapakita din na mas tinatangkilik ng mga kabataan

ang programang repleksyon ng isang tunay na kaugalian at gawing Pilipino.

Base sa ikaapat at ikalimang tanong sa sarbey, makikita na mas lamang o mas

marami ang nagsasabi na maganda ang naidudulot ng mga reality-based television

shows sa mga kabataang Pilipino. Makikita din naman na may kaunting negatibo din

itong naidudulot ngunit mas lamang pa din ang kagandahan at kahalagahan nito sa

bawat isa sa atin.

Batay sa resulta ng ikaanim na tanong tungkol sa edad o gulang ng mga

kabataang karaniwang nanonood ng reality-based television shows, masasabing ang

mga kabataang karaniwang nakakapanood at nakakatunghay sa mga reality show

tulad ng PBB at Survivor ay mga “teenagers” o mga kabataang kasalukuyang

nakakaranas ng young adolescent period. Ang mga ganitong taon ay isa sa

pinakakritikal na yugto ng buhay ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan

sapagkat ito ang nagsisilibing pundasyon nila sa mga susunod na yugto pa ng

kanilang buhay. Kung ating mapapansin, ang mga teenagers ang karaniwang

nasasangkot sa iba’t ibang gulo, iba’t ibang mga bisyo, iba’t ibang kaugaliang hindi

kaaya-aya sa mata ng iba at hindi katanggap-tanggap sa ating lipunan. Dahil dito,

masasabi ng mananaliksik na isa sa mga dahilan kung bakit nagiging ganito ang

mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan ay dahil sa kanilang mga napapanood sa

telebisyon. Kung ano ang kanilang nakikita sa telebisyon, ginagaya nila ito at

nagsisilbing modelo, huwaran at batayan nila sa kanilang mga ginagawang kilos o

gawi at mga ugaling kanilang pinapakita.

18

Page 19: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Ayon sa resulta ng sarbey sa ikapitong tanong hinggil sa kung nakakaapekto ba

ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at ugali at kung ito ba

ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran, masasabi na ang mga reality show

tulad ng PBB at Survivor ay hindi nakakaapekto sa ilang mga kabataang Pilipino at

maliit na porsyento lamang ang nagsasabing nakakaapekto ito sa kanilang mga kilos

at gawi. Mahihinuha ng mananaliksik na ang panonood ng mga ganitong uri ng

palabas ay maaaring makaapekto sa tao depende sa kanilang paraan kung paano

nila ito tatanggapin at kung paano nila ito iintindihin. May ilan na ginagawa lang

nilang libangan ang panonood ng mga reality shows. Nanonood sila nito upang

malibang at upang makakita ng maaaring maging idolo at hahangaan. Ngunit ang

iba naman ay ginagaya ang kanilang napapanood—ang paraan ng pagsasalita,

pananamit, istilo at kung anu-ano pa—mabuti man ito sa kanila o nakakasama. Ang

iba naman ay sineseryoso ang kanilang nakikita at napapanood at dahil dito,

ginagaya at nagiging huwaran nila ito.

Sa pangwalo at pansiyam na tanong hinggil sa kung anong reality show ang mas

kinahuhumalingan ng mga kabataang Pilipinas, mas malaki ang bahagdan o

porsyento ng mga respondent ang nagsabing mas tinatangkilik at pinapanood nila

ang PBB kaysa Survivor. Masasabi na mas tinatangkilik ng mga tagasubaybay ang

mga manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang

pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain kaysa kung saan ang mga

kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha

ang premyo. Ayaw marahil ng mga tagasubaybay ang nakikitang pagtatraydurang ng

baway kasapi ng bawt tribu na maaaring, makita at mapanood sa Survivor.

Samantala, pakikipagkapwa-tao, pagiging totoo at pakikisama naman ang makikita

sa PBB.

Sa pangsampu at huling tanong sa sarbey, kung sang-ayon ba sila sa

pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas. Malaking bahagdan

o porsyento ng mga respondents ang sang-ayon sa pagpapalabas ng mga reality-

based television shows sa Pilipinas. Masasabi na tanggap na tanggap ang mga

ganitong uri ng programa sa ating bansa at ito ay nakapagdudulot ng mabubuti at

kaaya-ayang ugali o modelo sa mga kabataang Pilipino. At bukod dito, nagbibigay

din ito nga saya, libangan, impormasyon, detalye at maging aral sa buhay. Mga aral

na maaaring magamit sa pang-araw-araw na karanasan, mga aral na maaaring

19

Page 20: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

magamit sa kinabukasan, at mga aral na magsisilbing ilaw at gabay sa daang nais

tahakin ng bawat isa sa kani-kanilang buhay at landas na kanilang pipiliin.

20

Page 21: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

PANGWAKAS

A. Pagbubuod

Kapansin-pansin at sadyang makatotohanan ang pagtangkilik ng mga kabataan

sa reality based television show na Pinoy Big Brother at Survivor. Telebisyon ang

pangatlong magulang-- tagapagbigay ng impormasyon, impresyon at ideya. Ganyan

ang pagkakakilala ng nakararami ukol sa bagay na ito at bukod pa diyan bilang isang

kasangkapan na maraming oras na kayang ibigay, at pagkakataong maghandog ng

aliw kaninouan. Nagsisilbi itong daan sa makabagong mundo, kaya’t walang

nabibilang sa kasalukuyan ang makaiiwas sa impluwensya nito.

Sakop rin ng reality television ang abilidad na angkinin ang atensyon ng manonood.

Maraming di magandang aspeto ang ganitong uri ng programa na ipinakita sa

Natural Selection Theory at Survival of the Fittest ni Charles Darwin. Ngunit hindi

nangangahulugang ang telebisyon ang dahilan ng imoralidad, krimen, at di

magagandang pangyayari sa ating lipunan bagkus ito ay isa sa mga sanhi ng

pagbabago sa bansa na gumawa sa mga bagay na ito bilang katanggap-tanggap sa

telebisyon.

Ginamit ang modelo ng cone effect sa pagbusisi ng nilalaman at repleksiyon ng

pantelebisyong programa na PBB at Survivor. Samantalang Cultivation Theory

naman ang ginamit upang makita nang husto ang lalim ng persepsyon ng mga

manonood sa mga reality show.

Gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey sa piling kabataan at mag-aaral ng

Philippine School of Business Administration – Manila (PSBA – Manila) upang

malaman ang mga kaugaliang repleksyon ng panonood ng PBB at Survivor. Ayon sa

mga ito, sadyang nakakatuwa ang season ng PBB at Survivor ngayon kaya naman

naglalaan talaga sila ng oras upang masubaybayan ang mga housemate ni Kuya at

mga castaway ng tribu. Ipinakita sa kanilang mga kasagutan ang mga mabubuti at

masasamang ugali ng mga housemates at mga kalahok sa paligsahan ng Survivor.

Nagugustuhan ng mga manonood ang isang indibidwal na may taglay na ugaling

21

Page 22: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

kaaya-aya, katanggap-tanggap at nakakatuwa sa mga manonood—ang kanilang

kilos at katangian ay sumasalamin dapat sa mga huwarang kabataan na

nakatutulong sa lipunan at hindi yung nakasisira. Mga inbidwal na may mabuting

puso at handang tumulong sa kanilang kapwa nang walang hinihinhing kapalit, mga

indibidwal na marunong gumiliw sa mga kasama at kayang makipagkaibigan sa

lahat ng uri at antas ng tao—mayaman man o mahirap.

B. Konklusyon

Kalat na ang telebisyon bilang aparato sa kahit saang lupalop ng bansa, kaya’t

hindi maikakailang labis ang panonood at pagkahumaling natin dito. Ang reality-

based television show na Pinoy Big Brother (PBB) at Survivor, sa ngayon, ang

nangungunang programa na kinaaaliwan ng mga kabataang Pilipino.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa mga estudyante ng PSBA -Manila,

maraming indikasyon ang nagsasaad ng kapahamakan na dulot ng reality television,

ilan nga sa aspeto nito’y: ninanakaw ang ating oras, nagdudulot ng maiksing

atensyon na maaari nating ibigay, nakapagpapakonti ng ating katalinuhan dahil sa

kawalan ng oras sa pag-aaral, nagiging sanhi ng adiksyon, at pumapatay ng ating

demokrasya.

Ang mga nakikitang ugali ng mga gumaganap sa naturang palabas ang

nakakaimpluwensya sa mga kabataan na laging nanonood.

Ang mga nakasaad na kaganapan ang nagiging repleksyon sa pagtangkilik ng reality

shows ng mga kabataan. Kinakailangan din nating aminin na ang telebisyon ay

nanatili sa ayos nito, sapagkat marami sa atin ang hinahayaan lamang sa kung ano

ito ngayon. Bagaman lagi nating sinisisi ang telebisyon sa lahat ng suliranin sa

mundo, nangangahulugan lamang itong sinisisi natin ang ating sarili dahil tayo ang

nagpapabaya sa ayos at pram ng telebisyon ngayon.

Sa kabilang banda, ang industriya ng mass media ay may responsibilidad na

ibigay sa atin ang nilalaman at serbisyong ating kailangan upang mapabuti at

mapaunlad ang buhay ng tao. At sa lahat ng katotohanang ito, ang kinabukasan ng

22

Page 23: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

telebisyon ay nakadepende sa pagpili natin sa media ngayong kasalukuyan. Ang

mga kaugalian ngayong ng mga kabataan ay maaring mahubog sa wastong paraan

para sa maayos na lipunan. Kung magagamit ito ng mahusay, madarama natin ang

kakaibang kakayahan na kailanma’y hindi pa nakamtan ng kahit anong henerasyon

sa ating kasaysayan. Maari nating gamitin ang bagong uri ng media uapang baguhin

ang mating mudo tungo sa pag-abot ng mapagpalayang demokrasya at

esponsableng pagdisiplina sa sarili.

C. Mungkahi at Rekomendasyon

Sa pagtatapos, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagkakaroon ng

kaalaman ukol sa usapin ng relasyon ng midya at ng mensahe nakabalot dito.

Kailangang magkaroon ng mas malawak pang diskusyon ukol sa uri ng programang

nararapat na maipalabas sa telebisyon. Mahalaga din ang pagkakaroon ng kritikal at

radikal na pagtingin upang masuring mabuti ang bawat programang ihahain ng

midya-- pagbabasa, pakikinig at pagsusulat.

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, iminumungkahi ng mananaliksik na suriing

mabuti ng mga Pilipinong manonood ang kanilang mga pinapanood at piliing mabuti

kung ano ang tatangkiliking programa o palabas. Sa kabilang banda, iminumungkahi

o inirerekomenda ng mananaliksik na piliin nila ang mga programa o palabas na

karapatdapat o nababagay sa kanilang edad at piliin ang mga programa o palabas

na may kapupulutang mga aral at magagandang kaugalian. At iwasanng tangkilikin

ang mga programang nagbibigay ng masamang epekto at nagbibigay ng di kaaya-

ayang mga aral sa manonood.

Ang mga napapanood sa telebisyon ay may malaking epekto o impak sa mga

manonood. Kaya nararapat lamang na kilatising mabuti at maayos ang bawat

programa o palabas na natutunghayan sa telebisyon.

23

Page 24: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

BIBLIOGRAPIYA

Mga Libro o Aklat:

Biagi, Shirley. (1993). Media/Reader: Perspectives on Mass Media Industries, Effects and

Issues, 2nd ed. Wadsworth Inc. Heinemann, USA.

Bignell, Jonathan. 2004. An Introduction to Television Studies. Routledge Print. London, UK.

Couldry, Nick. (2004). Teaching Us to Fake it: The Ritualized Norms of Television’s ‘Reality’

Games Reality TV: Remaking Television Culture. New York University Press. New York,

USA.

Fiske, John, and John Hartley. (2003). Reading Television, 2nd ed. Oxon, Routledge, Print.

Routledge, UK.

Gustillo, Francis. (2002). The Changing Face of the Filipino: A Saleman Tribute to the Youth of

the Philippines. Salesman Society of Don Bosco. Quezon City: Philippines.

Lewis, Justin. (2004). The Meaning of Real Life Reality TV: Remaking Television Culture. New

York University Press. New York, USA.

Livingstone, S.M. (2000). Making Sense of Television: The Psychology of Audience

Interpretation. 2nd ed. Oxford. Butterworth-Heinmann, UK.

24

Page 25: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Murray, David, Schuwartiz, S. Robert Litcher. (2001). It Aint Necessarily So: How Media Make

and Unmake the Scientific Picture of Reality. Littlefield Publishers Inc. New York, USA.

Ouelette, Laurie. (2004). Introduction. Reality TV: Remaking Television Culture. New York

University Press. New York, USA.

Rosenthal, Alan. (1995). Writing Docudrama: Dramatizing Reality for Film and TV. Oxford.

Butterworth-Heinmann. UK.

Shahani, Leticia. (1988). Paghubog sa Mamamayan, Katatagan ng Bayan. University of the

Philippines. Diliman, Quezon City.

Shattuc, Jane. (1998). Go Ricki: Politics, Perversion and Pleasure in the 1990s:  The Television

Studies Book. Arnolds Publishings. New York, USA.

Whetmore, Edward Jay. (1993). Mediamerica, Mediaworld. Forum, Content, Consequence of

Mass Communication. 5th ed. Wadsworth Publishing Company. Belmont, California,

USA.

Peryodikals at Journal:

Pinoy Big Brother Magazine. (2009). Philippines.

Nabi, Robin L. (2007). Journal of Broadcasting & Electronic Media. Tokyo, Japan.

25

Page 26: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Pahayagan:

Torre, Nestor U. (2004). New TV Format of Choice. Philippine Daily Inquirer. Philippines.

Mga Tesis:

Austria, Ma. Theresa at Galliba, Mylene. (2004). UP Baguio’s Perception on Chinovela’s and

their Effects on the Audience Viewing Attitude. Universityof the Philippines Baguio.

Baguio, Philippines.

Bianalay, Bernadette G. (2005). Effects of Talent Search Shows on Self-Concept and Career

Choice of UP Baguio Students. Universityof the Philippines Baguio. Baguio, Philippines.

Bravo, Melissa S. Geove Castillo and Human Melina Cinco. (1999). BCNHS Science Students

Perception and Learned Values from Watching GIMIK. University of the Philippines.

Diliman, Quezon City, Philippines.

Dela Cruz, Cathleen Jobel B. (2005). What’s real on TV? A study on the Perception of San

Nicolas, Ilocos Norte teenagers on reality-based TV shows. Universityof the Philippines

Baguio. Baguio, Philippines.

Dugasan, Nasser A. (2006). Paradoksiya ng Pinoy Big Brother bilang Teleserye ng Totoong

Buhay: Ang kontrubusyong Modernong Telebisyon sa Paglikha ng Mediated Reality sa

mga Filipinong Manonood. Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Baguio, Philippines.

26

Page 27: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Mga Elektroniks o Internet:

http://www.Chikadora.com/2005/08/20/pinoy-big-brother-house-rules/.2006.com

http://www.eprtv.com/effectsofmassmedia/92833249.com

http://www. globe –guardian.com/archives/news/fn2008.htm.August 27, 2003.com

http://www. Media visions.com/essays.html.1993 Inquirer.net:

http://www.musatoday.com/life/news/2004-05-25-reality. May 26, 2004. Rivers, Rona. ‘Reality

based’ Programs Dominate New TV season.com

http://showbizandstyle.inquirer.net/lifestyle/lifestyle/view/20080907-159144/Pros-and-cons-of-

reality-TV.

http://tvn.sagepub.com/cgi/content/abstract/3/3/323.com

27

Page 28: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

APPENDICES

a. Sarbey

PANUTO: Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa patlang. Kung ito ay nangangailangan ng

eksplanasyon, isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Nagbibigay ka ban g labis na panahon upang mapanood ang mga reality shows tulad ng

PBB at Survivor?

_____ Oo

_____ Hindi

2. Ilang oras ka nanonood ng telebisyon sa isang araw?

_____ 1 oras

_____ 2-3 oras

_____ 4-5 oras

3. Anong palabas ang iyong tinatangkilik, PBB ba o Survivor?

_____ PBB

_____ Survivor

28

Page 29: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

4. Sa iyong pananaw, ang panonood ba ng reality shows ay nakabubuti o nakakasama?

_____ Nakabubuti at maganda ang epekto

_____ Hindi kanais-nais o may nakakasamamang epekto

5. Anu-ano ang mga ugaling iyong nakukuha o napupulot sa panonood ng ganitong mga

palabas?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

6. Ilang taon na ang mga karaniwang nakakapanood ng mga reality based television

shows gaya ng PBB at Survivor?

_____ 16

_____ 17

_____ 18

_____ 19

_____ 20

7. Nakakaapekto ba ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at

ugali at kung ito ba ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran?

_____ Oo

_____ Hindi

29

Page 30: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

8. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa PBB?

_____10 _____ 5

_____ 9 _____ 4

_____ 8 _____ 3

_____ 7 _____ 2

_____ 6 _____ 1

9. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa Survivor?

_____10 _____ 5

_____ 9 _____ 4

_____ 8 _____ 3

_____ 7 _____ 2

_____ 6 _____ 1

10. Sang-ayon ka ba sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa Pilipinas?

_____ Oo

_____ Hindi

30

Page 31: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

b. Resulta ng Isinagawang Sarbey

1. Nagbibigay ka ba ng labis na panahon upang mapanood ang mga reality shows

tulad ng PBB at Survivor?

Oo 8

Hindi 2

2. Ilang oras ka nanonood ng telebisyon sa isang araw?

1 oras 2

2-3 oras 3

4-5 oras 5

3

3. Anong palabas ang iyong tinatangkilik, PBB ba o Survivor?

PBB 6

Survivor 4

4. Sa iyong pananaw, ang panonood ba ng reality shows ay nakabubuti o

nakakasama?

Nakabubuti 7

Nakakasama 3

31

Page 32: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

5. N/A

6. Ilang taon na ang mga karaniwang nakakapanood ng mga reality based television

shows gaya ng PBB at Survivor?

16 taon 2

17 taon 0

18 taon 4

19 taon 2

20 taon 2

7. Nakakaapekto ba ang panonood nila ng mga reality shows sa kanilang mga kilos at

ugali at kung ito ba ay ginagaya at ginagawang modelo o huwaran?

Oo 3

Hindi 7

8. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa PBB?

10 6

9 1

8 2

7 1

6 0

5 0

4 0

3 0

2 0

1 0

32

Page 33: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

9. Sa scale na 1-10, 10 bilang pinakamataas, gaano ka nahuhumaling sa Survivor?

10 1

9 2

8 1

7 0

6 5

5 0

4 0

3 0

2 0

1 0

10. Sang-ayon ka ba sa pagpapalabas ng mga reality-based television show sa

Pilipinas?

Oo 8

Hindi 2

33

Page 34: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

c. Iba’t Ibang Datos na Nakalap

Bahagdan ng mga Sumusubaybay sa PBB at Survivor

60% PBB

40% Survivor

Bilang ng mga Manonood

PBB

Survivor

Mula sa: http://www. globe –guardian.com/archives/news/fn2009.htm.com

34

Page 35: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

16 taon

17 taon

18 taon

19 taon

20 taon

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45

Edad o Gulang ng mga Kabataang Sumusubaybay sa mga Reality Shows

Edad o Gulang ng mga Ka-bataang Sumusubaybay sa mga Reality Shows

Mula sa: sa: http://www. globe –guardian.com/archives/news/fn2008.htm.com

Nakakabuti70%

Nakakasama30%

Epekto ng Panonood ng Reality Shows sa Kabataang Pilipino

Nakakabuti Nakakasama

Mula sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng PSBA-Manila, Pebrero 2012.

35

Page 36: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

1 oras 2-3 oras 4-5 oras0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

Oras ng Panonood ng mga Kabataang Pilipino sa Telebisyon

1 oras2-3 oras4-5 oras

Oras ng Panonood

Baha

gdan

Mula sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng PSBA-Manila, Pebrero 2012.

Mga Uri ng Palabas na Kadalasang Pinag-uusapan ng mga Manonood

36

Page 37: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Mula sa: Nielsen Survey, July 1, 2009

Sang-ayon80%

Hindi Sang-ayon20%

Pagsang-ayon ng mga Kabataang Pilipino sa Pagpapalabas ng Reality Shows sa Pilipinas

37

Page 38: 93332553-Fil-Final-Paper.docx

Mula sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng PSBA-Manila, Pebrero 2012.

38