Top Banner
Pakibasa ang mga susmusunod na artikulo para sa unang linggo ng ating talakayan: (1) "Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple" ni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D.,(2)"Ano ang Pagkaiba ng Filipino sa Tagalog?" ni Dr. Isagani R. Cruz, (3)"Ang Wikang Filipino sa Taong 2000" ni Andrew Gonzalez, FSC. Ang iba pang babasahin ay sa mga susunod pa nating pagkikita at kung may pagkakataon pa kayo ay maaaring basahin na ang lahat ng artikulo. Huwag kayong mag-alala, matatapos din ang paghihirap na ito, nagsisismula pa lang tayo:) Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple ni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D. Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang
81
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: 67283871-Filkomu

Pakibasa ang mga susmusunod na artikulo para sa unang linggo ng ating talakayan:(1) "Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple" ni Ricardo Ma. Nolasco,Ph.D.,(2)"Ano ang Pagkaiba ng Filipino sa Tagalog?"ni Dr. Isagani R. Cruz, (3)"Ang Wikang Filipino sa Taong 2000"ni Andrew Gonzalez, FSC. Ang iba pang babasahin ay sa mga susunod pa natingpagkikita at kung may pagkakataon pa kayo ay maaaring basahin na ang lahat ngartikulo. Huwag kayong mag-alala, matatapos din ang paghihirap na ito,nagsisismula pa lang tayo:)

Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimpleni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D.

Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, atlahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito.

May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika atkung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawangnagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibangwika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isangwika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita;kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay osa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kungano ang wika at ano ang diyalekto.Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon,Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalektokundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isangwika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano.Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa.Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaramingwika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea.

Ang "Tagalog." "Pilipino," at "Filipino" ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mgaito ay mga baryasyon na "mutually intelligible" at samakatwid, ay kabilang saiisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa MetroManila at iba pang punong-lunsod na pinagtatagpuan ng iba't ibang grupongetniko. Ito ang pinakaprestihiyosong uri ng Tagalog at ang wikang ginagamit ngmasmidyang pambansa.Ang isa pang panukat para makilala ang isang wika sa isang diyalekto ay: ibanggramatika, ibang wika. Iisa ang gramatika ng "Filipino," "Pilipino" at"Tagalog." Magkakapareho ang ginagamit nitong mga pananda (ang, ng at sa); mgapanghalip-panao (siya, ako, niya, kanila, atb.) panghalip-panturo (ito, iyan,doon, atb.); pangatnig (na, at at ay); kataga (na at pa); at panlaping makadiwa–in, -an, i- at –um-. Sa madaling salita, magkaparehong gramatika, magkaparehongwika.

May ilang taga-akademya na nagsasabing ang Tagalog ay "purista" at ang Filipinoay hindi. Para sa kanila, ang "pulong" at "guro" ay salitang Tagalog samantalangang "miting" at "titser" ay salitang Filipino. Gayon man, ang panghihiram ngsalita ay hindi mapagkakatiwalaang batayan sa pag-iiba ng wika sa diyalekto.

Page 2: 67283871-Filkomu

Lansakan ang ginawang panghihiram ng Zamboangueño (Chavacano) sa Espanyolsubalit nakabuo ito ng ibang gramatika. Hindi ito nauunawaan ng mga nagsasalitang Espanyol.

May mahalagang gamit din ang "purismo." Ang tinutukoy ko rito ay hindi angpurismong pinagbungahan ng mga salitang gaya ng salumpuwit at salipawpaw. Angsalumpuwit ay pinaikli ng "pangsalo ng puwit," at ang salipawpaw ay nanggalingsa "sasakyang lumilipad sa himpapawid." Inimbento ang mga salitang ito noong mga1960 para gawing "puro" ang wikang pambansa. Sapagkat palasak na ang silya ateroplano, ang ganitong uri ng purismo ay hindi nagkaroon ng kabuluhan atitinakwil ng mamamayan.Tinatangkilik ko ang purismong gumagabay sa paggamit ng mga salitang gaya nggasang. Ang gasang ay Sebwano at Tagalog para sa "coral" at ang kagasangan namanay nangangahulugan ng "coral reef". Kung patuloy nating gagamitin ang terminongIngles para sa konsepto, o magkakasiya na lamang sa ponetikong baybay na koralrif, ang katutubong salita ay mamamatay. Hindi tayo dapat matakot na turuan angmadla ng bagong mga salita kung ito'y eksakto at angkop para sa okasyon.Subalit kung ito ma'y simpleng Tagalog o malalim na Tagalog, puro o halu-halongTagalog, ito'y Tagalog pa rin. Nabibilang pa rin sa iisang wika.Kung gayon, bakit natin kinailangang magpalit ng pangalan buhat sa Tagalog,patungo sa Pilipino at pagkatapos sa Filipino?

Ang mga dahilan ay may kinalaman sa aspektong panlipunan o sosyo-pulitikal ngwika. Buhat sa isang wika ng mga taal na Tagalog at probinsyang Tagalog, nagingwika na ito ng mamamayang Pilipino. Naging pambansa ang naturang wika. Masmarami nang nagsasalita ng Tagalog na hindi taal na Tagalog.Batay sa sensus ng 2000, 9 sa 10ng Pilipino ang nagsasalita at nakakaunawa ngTagalog, magkakaiba nga lamang ang antas ng kasanayan. Kahit sa dulo ng timog,gaya ng Tawi-Tawi, ay may nagsasalita ng wikang pambansa. Sa pamamagitan ngwikang pambansa ay nagkatotoo na ang pakikipag-usap na inter-etniko. Salamat saTV, radyo, komiks, paglilipat-tahanan at sistemang pang-edukasyon.

Ngunit, karamihan sa ating mamamayan ay nagsasalita ng unang wika na naiiba saTagalog. Ang Sebwano ay unang wika ng may 18.5ng milyong tagapagsalita, sunoddito ang Ilokano na may 7.7ng milyon, Hiligaynon na may 6.9ng milyon at Bikol namay 4.5ng milyon. Ang Tagalog ay may 22ng milyong taal na tagapagsalita.Ang mga di-taal na tagapagsalita ng Tagalog ay naiimpluwensiyahan ngpalabigkasan at gramatika ng kanilang unang wika. Halimbawa, ang salitang manî(may impit na tunog sa hulihan) ay binibigkas na mani (walang impit na tunog) ngisang Ilokanong nagsasalita ng Tagalog. Dahil dito, nagsulputan sa buong bansaang mga baryedad pangrehiyon ng Tagalog. Tinatanggap at kinikilala na ang mgaito na bahagi ng wikang pambansa.Ang Ingles ay pangalawang wika rin ng maraming Pilipino. Gayon man, higit itongprestihiyoso kaysa Filipino. Ayon sa surbey noong 2006 ng Social WeatherStations, 7 sa 10ng Pilipino ang nakakaunawa at nakakabasa sa Ingles. Haloskalahati (48%) ang nagsabing nakakasulat sila sa Ingles at sa ikatlo (32%) angnagsabing nakakapagsalita nito.

Ito ang magpapaliwanag bakit kadalasa'y pinaghahalo ng mga Pilipino ang Inglesat Filipino. Tinatawag ito ng marami na "Taglish." Sa ilan, ito ay kapagsinisimulan mo sa Ingles o Tagalog ang pangungusap, tapos you switch to another

Page 3: 67283871-Filkomu

language sa parehong pangungusap. "Taglish" din ang tawag kapag ginagamit mo anggramatika ng Tagalog ngunit bokabularyo naman ng Ingles. Napakalawak na ngpanghihiram ng Filipino sa Ingles kaya mahigit sa 1,500ng salitang Ingles angnatagpuan nang tatlong beses sa isang corpus ng isang milyong salitang Filipino.Ito ay ayon sa isang pag-aaral noong 1998 na nagmungkahing ang pinakagamitingsalitang Ingles gaya ng okey, mommy, pulis, daddy at mister ay bahagi na ngFilipino.Noong 1987 ay pormal nang kinilala ng mga pinuno ng ating bansa ang wikang itona ginagamit ng mga Pilipino bilang lingua franca nila. Tinawag nila itong"Filipino" na may "F" bilang hudyat na ito ay isang wikang batay hindi lamang saTagalog kung hindi sa iba pang mga wika ng Pilipinas at dayuhang wika. Nais dinnilang ihiwalay ang wikang ito sa "Pilipino" na ipinalalagay nilang "purista".Gayon man, hindi alintana at walang pakialam sa mga pagtatalo ang mga gumagamitng pambansang wika. Dalawampung taon matapos mabigyan ng pangalang Filipino angkanilang wika, ang tawag nila dito ay Tagalog pa rin.Sa maraming talakayan, tinatanong din ako kung ano ang nararapat na itawag saating wika, sa tao o sa ating pagkamamamayan at sa ating bansa. Lagi kongsinisimulan ang aking pagsagot sa pagsabing depende sa kung anong wika angginagamit. Kung sa Ingles, ang ating wika ay "Filipino", ang tao o atingpagkamamamayan ay "Filipino" at ang ating bansa ay "Philippines." Kung sa wikangpambansang tinatawag na Filipino, ang ating wika ay "Filipino", ang tao o atingpagkamamamayan ay "Pilipino" at ang ating bansa ay "Pilipinas." Hindi koipinapayong gamitin ang "Filipinas" para sa ating bansa, at "Filipino" para satao o ating pagkamamamayan sapagkat salungat ang mga ito sa opisyal napagtutumbas.Ano ang Pagkaiba ng Filipino sa Tagalog?ni Dr. Isagani R. Cruz

"Ano ang pagkakaiba ng Filipino sa Tagalog? Ano pa, di ang Filipino komiks, angTagalog klasiks."-Anonymous

Tatlo ang given ko.

Una, ang komersyal sa telebisyon na nagpapakita na ang maling ginagawa ngmatanda ay nagiging tama para sa bata. Ipakikita ko na ang ginagawa ngnakatatanda sa atin sa paggamit ng wika – ang mga batikang manunulat – akalainman nating mali ay nagiging tama para sa ating mga batang sumusunod lamang sakanila.Ikalawa, ang artikulo ni Brother Andrew Gonzalez, FSC, na pinamagatang "WhenDoes an Error Become a Feature of Philippine English?" at nagpapatunay sa teoryani Teodoro Llamzon na may uri (variety) ng Ingles na maaaring tawagingPhilippine English. Ayon kay Gonzalez, wala ni isang Filipino na nakapagsasalitang Standard American English; aniya, "The perfect coordinate bilingual is amyth" (126). Dahil dito'y dapat ituring na diyalekto ng Ingles ang PhilippineEnglish, "a variety of English at par with American, British, Australian,Canadian and other varieties of English in formerly colonized countries in Asiaand Africa" (110). Ipakikita ko na ang mga inaakala nating kamalian sa paggamitng Tagalog ay palatandaan na mayroon na palang uri o diyalekto ng Tagalog namaaaring tawaging Filipino.At ikatlo, ang panuntunan sa wikang Ingles, na ginagamit sa Harper Dictionary of

Page 4: 67283871-Filkomu

Contemporary Usage, na ang mga tuntunin ng wika ay dapat ibatay sa aktuwal nagamit ng mga pinakamahusay na gumamit ng wika – "the standards of linguisticusage adhered to by those who use the language well" (xiv); para sa mga editorng Harper, ang mga pinakamagaling gumamit ng wika ay ang mga manunulat. Ano ngaba ang usage? Ayon sa Longman Guide to English Usage, "usage is the way in whichwords and phrases are actually used in accepted practice, as distinct from whatabstract theory might predict" (742). Ipakikita ko na iba ang aktuwal na gamitng wika kaysa iniuutos ng abstraktong teorya o ang tinatawag nating balarila.

Magsisimula ako sa pamamagitan ng isang quiz.Alin sa mga pangungusap na ito ang may mali?

• Ang pagkaramdam ay isinisigaw din ng nakakaramdam at di ng mga nanonoodlamang. (Lope K. Santos, Banaag at Sikat, 1906: 537)• Nakakagulat ang putok. (Lope K. Santos, Balarila ng Wikang Pambansa, 1939:286)• Siya ang lalong nakakaalam. (B. S. Medina Jr., Moog, 1991: 145)• Lasing na ako, pero hindi ko sasabihin at lalong hindi ko aaminin kung maymakakahalata. (Jun Cruz Reyes, Tutubi, Tutubi, `Wag Kang Magpahuli sa MamangSalbahe, 1982: 161)• "Nagpi-pills ako!" amin ni Rica. (Liwayway Arceo, Hanggang sa Kabila ngLangit, 1971: 74)• "Galit ang lahat sa `kin ... pati ang sariling parents ko ... pati si Joanna... pero ikaw ... wala kang sinabing masama laban sa `kin!" (Lualhati Bautista,Dapat sa Iyo, Isumpa!, 1983: 105)• Nang mga panahong iyon, haling na haling si Abadilla sa Freudian fantasies –nagkatusak noon ang mga aklat ni Freud sa sikolohiya at psychoanalysis. (EfrenR. Abueg, "Isang Sulyap kay Kapulong," 1988: 270)• Gumamit man ng panawagan, napipigil ng siste't pag-uusisa ang tinig tungo sapagpapamalas ng tinatawag ng mga New Critics na "disiplina sa damdamin" at"sopistikasyon." (Virgilio S. Almario, Kung Sino ang Kumatha kina Bagongbanta,Ossorio, Herrera, Aquino de Belen, Balagtas, atbp., 1992: 102)• Naka-barongs [mabilis ang bigkas] ang mga gurong lalaki at ang ilang pinunongnamamahalan sa halaga ng ternong amerikana't pantalon bukod pa sa lubhangnaiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa telang galing sa Hongkong. At taposna ang Araw ni Balagtas. Maikakahon na't maitatago nang mahigpit upang ilabas namuli sa isang taon. Ang mga baro't saya, at barongs, pati na wika. (GenovevaEdroza Matute, "Liham sa Kabataan ng Taong 2070," 1970: 56)

Ayon sa maraming guro sa hayskul na panahon pa ni Bernardo Carpio nagtuturo,mali ang nakakaramdam, nakakagulat, nakakaalam, at makakahalata, dahil pantig ngunlapi ang inuulit at hindi pantig ng salitang-ugat. Hindi ko alam kung sino angnagsabi sa mga gurong ito na mali ang pag-uulit ng pantig ng unlapi sa mgasalitang nagsisimula sa panlaping maka-, pero hindi si Lope K. Santos angnagsabi nito. Ang talagang sinabi ni Santos sa kanyang Balarila ay ito: "Anganyo ng pangalang-diwa sa maka, ay binubuo ng pag at salitang-ugat; ang sa makaay gayon din, bagaman maaari ring may-ulit pa ang unang pantig ng ugat" (285).Sa siping ito'y mapapansin na napansin lamang ni Santos na may mga pantig ngsalitang-ugat na inuulit; hindi niya sinabi na dapat ulitin ang pantig ngsalitang-ugat. Sa katunayan, ang mismong halimbawa niya sa seksyong hinanguan ngsipi ay nakakagulat, na dalawang beses niyang ginamit: "nakakagulat na putok" at

Page 5: 67283871-Filkomu

"nakakagulat ang putok" (286). Samakatwid, malinaw na hindi tuntunin ni Santosang matagal nang itinuturo ng ating mga guro sa hayskul na dapat diumano nahuwag ulitin ang pantig ng panlapi. Sa katunayan ay hindi sinanto ni Santos angpanlapi, dahil sa kanyang pagtalakay sa mga panlaping banghayin, sa ibangseksyon ng kanyang Balarila, ay iminungkahi niyang ulitin ang "huling pantig ngunlapi" para makabuo ng "panahong kasalukuyan at darating" ng mga pandiwangtulad ng sama - nakakasama - makakasama at alis - napapaalis - mapapaalis (264).Ayon pa rin sa mga guro sa hayskul na pinagtaksilan na ng panahon ay mali rinang nagpi-pills, parents, fantasies, New Critics, at barongs dahil hindi dapatdinaragdagan ng letrang -s ang maramihan o plural ng pangngalan. Siguro'y nabasang mga gurong ito ang sinabi ni Santos sa kanyang Balarila na

Ang kailanan sa mga pangngalan ay walang sarili at sadyang anyo. Ang kung iisa okung marami ang nginangalanan, ay di naipakikilalang mag-isa ng pangngalan,kundi sa tulong ng mga pantukoy, ng mga pamilang at ng mga pang-uring kasama sapangungusap. (153)Oo nga't nasabi iyan ni Santos, pero ipagpatuloy ang pagbasa ng seksyong itoukol sa kailanan ng mga pangngalan. Isinunod kaagad ni Santos na may mgapangngalang pang-isa at may mga pangngalang pangmarami. Sa mga pangngalangpangmarami ay anyo mismo ng pangngalan ang nagbabago, ayon kay Santos:Datapwa, kung sa mga pangngalang isahan ay pantukoy lamang at pamilang angnakapagpapakilala ng kaisahan ng nginangalanan, sa mga pangngalang maramihan,bukod sa mga pantukoy at pamilang, ay may mga iba pang hugis at paraangnakapagpapakilala o nakapaghihiwatig man lamang ng pagkahigit sa isa opagkamarami ng nginangalanan. (154)

Maraming halimbawa si Santos ng mga pangngalang maramihan na anyo ang nagbabago.Halimbawa'y buhay-buhay, pagbabasa, pagkain-kain, kinumpare, kinamag-anakan,kamag-anakan, sangkatauhan, pagbibiruan, at pagsasabihanan (154-55).Samakatwid, walang batayan ang ating karaniwang inaakala na mali ang pag-ulit ngpantig ng panlapi o ang pagbabago ng anyo ng pangngalang maramihan. Idagdag panatin dito ang tayo at papel ng mga manunulat na sumulat ng mga siping inilistako, at mabubuo sa ating isipan na tama pala ang pag-uulit ng pantig ng panlapiat ang pagbago ng anyo ng pangngalang maramihan.Hindi ba totoo na ang mga gumamit ng mga salitang ito, kasama na si Santosmismo, ay mga tinitingalang manunulat na itinuturing na mahusay gumamit ng wika?Maaari nating sabihin siguro, batay sa sinabi ng Longman Guide, na iba angaktuwal na gamit ng wika sa abstraktong balarilang karaniwang ipinamumudmod sakabataan sa hayskul.

Sa halip ng sundan ko ang pagdulog ng Longman Guide ay susundan ko angpangangatwiran ni Gonzalez hinggil sa Ingles: ang mga inaakalang kamalian sagamit ay palatandaan na may bagong diyalekto ng wika. Pananaw ko na ang bagongdiyalektong ito ay ang tinatawag ng ating Konstitusyon na wikang Filipino. Hindiako interesado sa pagpapangalan sa Filipino, kung ito nga'y ganap na wika odiyalekto lamang ng Ingles. Ang ganyang pagtalo ay matagal nang nalutas salarangan ng Englishes – ang mga salitang creole, dialect, at variety ay salitangpangkapangyarihan o panggahum lamang at hindi importante sa estruktural napaglarawan o diskripsiyon ng isang wika. Magbibigay ako ng dalawang depinisyon.Para sa akin, ang Tagalog ay ang wikang diniscrayb ni Santos sa kanyangBalarila. Tagalog din ang wikang kasalukuyang ginagamit sa katagalugan sa labas

Page 6: 67283871-Filkomu

ng kamaynilaan.Para sa akin, ang Filipino ang wikang diniscrayb naman nina Fe Otanes at PaulSchachter sa kanilang Tagalog Reference Grammar (1972). Ito ang tinatawag naEducated Manila Tagalog. Kahit na Tagalog ang tawag nina Otanes sa wikang ito'yFilipino ang itatawag ko rito dahil iba ang wikang ito sa wikang diniscrayb niSantos.Dalawa ang pamaraang gagamitin ko sa pag-iba sa Filipino at Tagalog. Ang una'ydayakronic at ang ikalawa'y singkronik. Una'y bibigyan ko ng maikling historikalna pagpaliwanag ang aking paniwala na iba ang wika sa kamaynilaan sa wika sakatagalugan. Ang pinakamadaling paraan ng paglahad dito'y ang paghambing saating wika sa wikang Ingles.

Natatandaan natin – at mababasa natin ito sa kahit na aling ensayklopedya – nanoong ika-5 at ika-6 dantaon pagkamatay ni Kristo ay dumating sa Inglatera mulasa Alemanya at Denmark ang mga Jutes, Angles, at Saxons. Dala-dala ng mga itoang kanikanilang mga wika. Dahil nakilala ang Inglatera bilang Engla Land o lupang mga Engle o Angle ay tinawag na Englisc ang wikang ginagamit doon. Itinuringna diyalekto ng Englisc ang tatlong wika ng Jutes, Angles, at Saxons. Nangdumami na ang populasyon ay naging apat ang diyalekto: Northumbrian, Mercian,West Saxon, at Kentish. Sa ika-9 dantaon ay naging hari si Haring Alfred ngWinchester; dahil dito'y ang West Saxon ang naging standard Old English. Nangdumating si San Agustin noong 597 ay dinala niya ang wikang Latin. Sa mgaunibersidad ng Oxford at Cambridge ay Latin ang ginamit na wikang panturo, dahilLatin ang wikang panturo sa buong Europa at ang lahat ng libro noong panahongiyon ay nakasulat sa Latin. Pero ginagamit din sa mga unibersidad ang wikangGreek, dahil Greek ang wika ng mga lumang dokumento at panitikan.Nang nilusob ng mga Pranses ang Inglaterra noong 1066 ay nawala angpagka-istandard ng West Saxon. Naging London na at hindi Winchester ang kapitalng Inglatera. Nagkawatak-watak ang mga diyalekto. Naging Scottish at Northernang Northumbrian, naging East Midland at West Midland ang Mercian, naging SouthWestern ang West Saxon, at naging South Eastern ang Kentish. Sa London, CentralFrench ang naging wika ng mayayaman, dahil tulad din sa ibang bansa, angmayayaman ang pinakakolonyal ang isip. Latin pa rin ang nanatiling wikangpanturo at Greek ang wikang panriserts. Ang mga karaniwang tao sa London ay EastMidland ang diyalekto. Naging halu-halo ang Middle English – naging Pranses namay halong Latin na may halong East Midland. Noong 1362 ay tinangka ng gobyernona palaguin ang Ingles: ginawang batas na dapat gamitin sa pagsalita sa korteang Ingles kahit na Latin pa rin ang gagamitin sa pagsulat. Ito ang tinatawag naStatute of Pleading.Si Geoffrey Chaucer ang talagang lumikha ng Modern English. Kahit na magalingsiyang sumulat sa Latin, Pranses, at Italian ay sinadya niyang sumulat sa wikangIngles, dahil sa panahong iyon ay pangkalye lamang ang East Midland at hindipampanitikan o pang-unibersidad. Dahil kulang-kulang ang salita noon sa Inglesay minabuti ni Chaucer na humiram ng salita sa Pranses; kalahati ng mga salitangginamit niya sa pagsulat ay Pranses at kalahati ay Ingles.Pagkamatay ni Chaucer noong 1400 ay sinundan siya ng napakaraming manunulat atiskolar sa panahon ng Renaissance na malayang humiram ng mga salita sa Latin,Pranses, at Greek. Nang maging magulo na ang Ingles ay sinubok nina John Drydenng Royal Society of London noong 1662 na gawing istandard ang wikang Ingles,pero walang nangyari sa kanilang pagpursigi; hanggang ngayo'y wala pa ringSurian ng Wikang Ingles. Ang unang diksyunaryo ng Ingles ay ginawa ni Samuel

Page 7: 67283871-Filkomu

Johnson noong 1755; ang Oxford English Dictionary na kasalukuyang tinitingalabilang awtoridad sa wikang Ingles ay unang nilimbag noong 1884. Noong ika-18dantaon ay maraming mambalarila ang nagtangkang sabihin kung ano ang tama at anoang mali sa paggamit ng wikang Ingles; nakatutuwang alalahanin na noon ayinakala ng maraming iskolar na Ingles na mas maganda ang wikang Latin sa wikangIngles dahil ang wikang Latin ay wikang pandaigdig.

Alam na natin ang nangyari sa ating sariling dantaon. Lumawak nang lumawak angmundong sinasaklaw ng wikang Ingles at ito'y naging international language na.Dahil sa bawat bansa ay nahahaluan na ito ng mga wikang katutubo ay nagkaroon natayo ng tinatawag na Englishes o varieties of English.

Maikli lamang ang kasaysayan ng wikang Ingles, kung ihahambing sa kasaysayan ngwika natin. Batid natin na may tao na sa Filipinas noong 55000 BC at maynagsasalita na ng Kinaray-a o mala-Hiligaynon o mala-Ilonggo noong 1500 BC.Masasabi nating Malay o mala-Malay ang uri ng wikang ginagamit sa Filipinas bagodumating ang mga Kastila; Malay ang katumbas ng Old English.Nang naging kapital ng arkipelago ang Maynila ay natural lamang na wika ngMaynila ang maging pangunahing wika natin. Noong ika-16 dantaon ay Malay angwika ng Maynila. Dahil ang wika ng mananakop ay Kastila, natural lamang namahaluan ng Kastila ang wikang Maynila, at ito na nga ang naging wikang Tagalog,na alam naman natin ay napakaraming salitang Kastila. Huwag na nating tanunginpa kung sino si Chaucer sa Filipinas; kilala nating lahat si Balagtas.Nang dumating ang mga Amerikano'y Ingles naman ang naging wikang panturo. Dahilnapakaraming libro ang sinulat sa wikang Kastila, masasabi nating nagingkatumbas ng wikang Greek ang wikang Kastila. Ang mahusay na iskolar na Filipinonoong panahon na iyon ay kailangang marunong ng Ingles para makapagsalita atmakapagturo at ng wikang Kastila para makapagbasa ng mga orihinal na dokumento'tpanitikan. Ang paghalu-halo ng Tagalog at Ingles (at kasama na ang orihinal naKastila na nakahalo na sa Tagalog) at ng Kastilang galing sa panaliksik aymasasabing Taglish, o katumbas ng Modern English ng Renaissance.Ngayon, kapag dumarating ang Taglish sa lalawigang labas ng kamaynilaan aynahahaluan ito ng mga salita't estrukturang hango sa wikang katutubo. Angpagsanib ng Taglish at bernakular ay, sa aking palagay, ang tinatawag natingFilipino. Sa madaling salita, ang wikang Filipino sa Cebu at Davao ay Taglish namay halong Cebuano. Ang wikang Filipino sa Iloilo ay Taglish na may halongIlonggo. Ang wikang Filipino sa kabikulan ay Taglish na may halong Bikolano. Angwikang Filipino sa kailokohan ay Taglish na may halong Ilocano. Ang wikangFilipino sa katagalugan ay Taglish na may halong Tagalog, na walang iba kundiTaglish. Samakatwid, Taglish ang Filipino ng mga Tagalog, pero hindi Taglish angFilipino ng mga di-Tagalog, kundi Tagsebuwish, Tagilonggish, Tagbikolish,Tagilokish, at iba pa.

Maraming diyalekto ang Filipino pero iisang wika ito, na tulad ng natuklasan ngsumulat ng ating bagong konstitusyon. Purong wika ang mga wikang bernakular. AngTagalog ay Tagalog, ang Bikolano Bikolano, Ilocano Ilocano, at iba pa, pero angFilipino ay halu-halo at iba-iba ayon sa lugar, tulad ng Englishes.Ngayon nama'y singkronik ang gagamitin kong pamaraan para pag-ibahin angFilipino at Tagalog. Gagamitin kong texto ang orihinal sa Filipino at ang salinsa Tagalog ng unang pangungusap sa Seksyon 2.2.2 ng Palisi sa Wika ngUnibersidad ng Pilipinas (1992).

Page 8: 67283871-Filkomu

FILIPINO:Magiging boluntaryo ang pagturo sa Filipino. (18)

TAGALOG:Ang pagtuturo sa Filipino ay kusangloob. (28)

Pansinin ang balangkas ng pangungusap. Sa Filipino'y una ang panaguri, tulad ngnapansin nina Otanes. Sa Tagalog ay ginagamit ang panandang ay. Sa pormal nagamit ng Tagalog ay talagang ginagamit ang ay. Pormal ang gamit ng Filipino,dahil ito nga ang opisyal na palisi ng Unibersidad ng Pilipinas, pero hindiginagamit ang ay. Ito ang unang pagkaiba ng Filipino sa Tagalog. Pormal olebel-panulat ang karaniwang ayos ng pangungusap na walang ay. Pansinin angpagkawala ng pag-ulit ng unang pantig ng salitang-ugat na turo. Ang salitangpagtuturo ay Tagalog; ang salitang pagturo ay Filipino. Ayon kay Teresita Macedana naging Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, angdahilan sa pag-alis ng pag-ulit ng unang pantig ng salitang-ugat ay angimpluwensiya ng mga wikang bernakular na tulad ng Cebuano. Nahihirapan daw angmga Bisaya na mag-ulit ng pantig, kung kayat nagiging katawatawa o hindiistandard ang pagsalita ng Bisaya ng Tagalog. Pero sa wikang Filipino'y iba na.Hindi na kailangang mahiya ang Bisaya dahil tama na ang ugaling Bisaya sapaggamit ng panlapi at salitang-ugat. Ito ang ikalawang pagkaiba ng Filipino saTagalog. Inuulit ang pantig ng salitang-ugat o ang pantig ng panlapi sa Tagalog;hindi na kailangang ulitin ang mga pantig sa Filipino.Pansinin ang paggamit ng hiram na salita mula sa Ingles sa pangungusap naFilipino. Sa halip ng kusangloob na taal na Tagalog ay boluntaryo mula savoluntary ang ginagamit sa Filipino. (Sa totoo lang ay dapat na boluntari anghalaw sa voluntary, pero naging siokoy na boluntaryo, na hango naman savoluntario, pero hindi sa Kastila kundi sa Ingles nanggaling ang pagkasiokoy ngsalita.) Mas laganap kasi sa kamaynilaan ang salitang voluntary kaysakusangloob. Madalas nating marinig ang salitang voluntary kung may humihingi ngkontribusyon o kung may naghahakot para dumami ang dadalo sa isang lektyur okung may nagsisimula ng organisasyon. Bihira natin marinig ang kusangloob. SaFilipino ay karaniwang ginagamit ang mas madalas gamitin. Ito ang ikatlongpagkaiba ng Filipino sa Tagalog. Mas hawak sa leeg ang Tagalog ng panulatan omatandang gamit ng salita; mas nakikinig sa talagang ginagamit o sinasalita angFilipino.

Pansinin na hindi sa Kastila humiram ng salita kundi sa Ingles. Sa Tagalog,kahit na sa makabagong Tagalog, kapag humihiram ng salita'y unang naghahanap sawikang Kastila, bago maghanap sa wikang Ingles. Ganyan ang mungkahi ni Almarioat ng maraming nauna sa kanya. Ito ang ikapat na pagkaiba ng Filipino saTagalog. Kahit na sa makabagong Tagalog ay Kastila pa rin ang wikang karaniwanghinihiraman; sa Filipino'y Ingles ang karaniwang hinihiraman, dahil nga Taglishang ugat ng Filipino.

Samakatwid ay apat ang pagkaiba ng Filipino sa Tagalog batay lamang sa iisangpangungusap na hango sa palisi ng Unibersidad ng Pilipinas. Kung pag-aaralannatin ang buong palisi na nakasulat sa Filipino at ang buong salin nito sawikang Tagalog ay sigurado akong mas marami tayong makikitang pagkaiba ngFilipino sa Tagalog. Iyon lamang pangailangan na isalin ang textong Filipino sa

Page 9: 67283871-Filkomu

Tagalog ay patunay na na magkaiba ang dalawang wika.Ngayon nama'y magbibigay ako ng ilang feature na sa palagay ko'ynagdidiferensyeyt sa Filipino at Tagalog. Dahil hindi naman ako linggwista'yhindi ko mapapatunayan na palatandaan nga ang mga ito ng pagkaiba, pero ibibigayko ang mga ito para mairiserts ng ibang iskolar. Ipapaubaya ko na sa mganag-aral ng lingguwistika ang pagpatunay o pagwalang-saysay sa mga natuklasankong ibang feature ng Filipino sa Tagalog.

Una, sa Tagalog ay hindi ginagamit ang panghalip na siya para tukuyin ang hinditao, pero sa Filipino ay karaniwan nang ginagamit ang siya para sa mga bagay.Halimbawa'y "Maganda siya." Maaaring hindi tao at hindi man lamang buhay angtinutukoy ng siya; maaaring kotse o damit o kulay.Ikalawa, sa Tagalog ay hindi karaniwang dinaragdagan ng -s ang isang pangngalangisahan para gawing maramihan ito. Sa halip ay gumagamit ng pantukoy, pamilang, opang-uri na tulad ng napansin ni Santos. Pero sa Filipino ay madalas gamitin ang-s para gawing maramihan ang isang pangngalan. Ang unang narinig kong gumamit ngfeature na ito ay ang mga taga-Davao noon pa mang 1969. Doon, ang dalawa o higitpang softdrink na coke ay cokes. Sa kamaynilaan ngayon, hindi ginagamit angTagalog na mga parent ko kundi ang Filipinong parents ko; halimbawa'y sa "strictang parents ko."Dapat kong banggitin dito ang pananaw ni Matute. Ang sabi niya tungkol sasalitang barongs ay ito:Bakit barongs ang tawag namin, ang itinatanong mo, Kabataan? Hindi ba iyan angdating tinaguriang barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na nang dumami angallergic, pinamamantalan ng punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya na nga angWikang Tagalog, hindi Wikang Filipino. Kaya, inalis na ang salitang Tagalog sasalitang barong-Tagalog. Ginawang barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles,kapag marami'y dinaragdagan ng titik s, kaya't ang barong ay naging barongs.Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay(mabilis) na at ang Davao ay naging Davao (mabilis) na. Kaya bakit ang barongsay hindi magiging barongs (mabilis)? (56)

Mapapansin na pati si Matute ay naniniwalang iba ang wikang Tagalog sa wikangFilipino. Hindi nga lamang siya kumikiling sa wikang Filipino, pero inaamin niyana iba ang wikang ito sa wikang kinagisnan niya bilang manunulat sa Tagalog.Siya na nga mismo, sa aking pagkaalam, ang unang nakapansin sa paggamit ng -sbilang palatandaan ng pagkamaramihan.Ikatlo, sa Davao ko pa rin unang narinig ang paggamit ng mag- sa halip ng -um-sa mga pandiwa. Hindi karaniwang umaakyat ng bahay ang Davaoeños, kundinag-aakyat o nag-akyat. Kung sabagay ay sa timog-katagalugan ay talaga namangnapapalitan ang –um- ng mag-; sa Parañaque lamang, na napakalapit na sa Maynila,ay nakain sila sa halip ng kumain. Sa madaling salita, hindi nakakapagtaka na saFilipino ay mas madalas gamitin ang mag- kaysa sa -um-. Gaya nga ng sinabi niMa. Lourdes Bautista sa isang papel na binasa niya noong 1989 sa kumperensya ngLanguage Education Council of the Philippines: "It is clear that the affix usedfor English verbs in actor focus is mag- and never –um- (perhaps because it iseasier to use a prefix than an infix), and therefore this reinforces thepredominance of mag- over -um-" (27).

Ikaapat, at ito'y suhestyon ni Barry Miller. Sa Tagalog ay i- ang ginagamit satinatawag nina Otanes na benefactive-focus na pandiwa (310). Ang -an ay

Page 10: 67283871-Filkomu

karaniwang directional-focus (301). Ito ang dahilan kung bakit, sa libro ninaTeresita Ramos at Bautista tungkol sa mga pandiwa ay ibili ang benefactive-focusat bilhan ang directional-focus (1986: 37). Sa Tagalog, ang karaniwan natingsinasabi kung nakikibili tayo sa McDonald's ay "Ibili mo nga ako ng hamburger."Sa Filipino, ang karaniwan nating sinasabi ay "Bilhan mo nga ako ng hamburger."(Natural, kung dalawang sandwich ang ipinabibili natin, sa Tagalog ay sasabihinnating "Ibili mo nga ako ng dalawang hamburger." Sa Filipino ay sinasabi nating"Bilhan mo nga ako ng dalawang hamburgers.")Ikalima, sa Tagalog ay laging inaalis ang sobra sa isang katinig sa isangklaster ng katinig kung inuulit ang isang pantig. Halimbawa'y nagpiprisinta angsinasabi sa Tagalog dahil ginagawang p na lang ang klaster na pr sa inuulit napantig na pri. Sa Filipino ay ginagamit ang buong klaster; samakatwid,nagpriprisinta o magprapraktis. Hindi na takot sa klaster ang Filipino, di tuladng Tagalog na hangga't maaari'y umiiwas sa nagkukumpul-kumpulang katinig.Ikaanim, dahil laganap na ang Filipino sa kabisayaan ay hindi na maaaring ibataylamang ito sa Tagalog na tulad ng nais mangyari ng mga Tagalista. Napakarami ngmga Bisaya at hindi makatarungan na sila ang babagay sa mga Tagalog gayungnapakaunlad na ng lunsod ng Cebu at lingua franca ng Bisayas at Mindanaw angwikang Cebuano. Isang pagkaiba ng Cebuano sa Tagalog ay ang kawalan ng mgasalitang panggalang na po at ho. Kung pag-iisahin tayo ng wikang Filipino athindi paghihiwahiwalayin ay dapat huwag ipagpilitan ng mga Tagalog na gumamit ngpo at ho ang mga Bisaya. Hindi naman nangangahulugan ito na walang galang samatanda o sa kapwa ang mga Bisaya; sa katunayan ay kasinggalang ang mga Bisayang mga Tagalog sa kanilang mga magulang at iba pang karaniwang pinag-uukulan nggalang. Pero wala sa wika ng mga Bisaya ang mga salitang panggalang na po at ho.Hindi tao ang pinag-uusapan dito kundi wika. Sa wikang Cebuano ay hindi tanda ngpaggalang ang paglagay ng po at ho. Samakatwid, sa wikang Filipino ay hindidapat siguro isama ang po at ho. Gamitin na lamang ito sa Tagalog o sa diyalektong Filipino na ginagamit sa katagalugan.Anim na pagkaibang estruktural ang naibigay ko para namnamin ng ating mgalinggwista. Maliliit na bagay ang mga ito, pero makabuluhan kung mapatunayan.Ngayon nama'y babalikan ko ang malaking isyu tungkol sa relasyon ng Filipino saTagalog.Diyalekto lamang ba ng Tagalog ang Filipino? Ito ang palagay ni Ma. LourdesBautista. Maaari, at ito'y hindi dapat problemahin dahil sa kasaysayan ng wikangIngles ay diyalekto lamang ng Englisc ang East Midland nang ito'y ginamit niChaucer sa London. Pero ang diyalektong ito sa London ang naging kasalukuyangtinatawag nating Ingles. Kung diyalekto man ng Tagalog ang Filipino ngkamaynilaan ay pansamantala lamang naman ito. Sa susunod na mga dantaon aytatawagin na itong Filipino at kakalimutan na ang Tagalog kung saan ito nagmula,gaya ng pagtalikod ng kasaysayan sa iba pang diyalekto ng Englisc. Samakatwid ayhindi ako sang-ayon kay Otanes na ang Filipino at ang Tagalog ay parehong wikakung estruktura at balarila ang pinag-uusapan at nagkakaiba lamang sila salarangan ng sosyolinggwistika. Sa palagay ko'y iba ang Filipino sa Tagalog kahitna estruktura at balarila ang pag-uusapan. Ang kanyang diniscrayb sa kanyanglibro'y Filipino at hindi Tagalog. Aksidente lamang ng kasaysayan na hindi panaiimbento ang salitang Filipino noong panahong sinusulat ni Otanes ang kanyanggramatika, pero siya ang kaunaunahang nakapansin na may Educated Manila Tagalogna dapat seryosohin. Kaya nga, kapag isinalin ang Reference Grammar sa Filipinoay dapat tawagin itong Gramatika ng Filipino sa halip ng Gramatika ng Tagalog.Sa ganitong paraan ay lilinaw ang kasaysayan ng ating wikang pambansa. Kung si

Page 11: 67283871-Filkomu

Lope K. Santos ang gumawa ng balarila ng Tagalog, si Fe T. Otanes naman anggumawa ng gramatika ng Filipino.May kongklusyon ba ako? Mayroon. Nagsimula ako sa pamagitan ng pagbanggit ng mgateoretikal na prinsipyong aking pinaniniwalaan, isa na nga ang ginawa niGonzalez sa Philippine English. Pagkatapos ay nagbigay ako ng ilang halimbawa ngtotoong gamit ng wika ng ating mga tinitingalang manunulat, upang patunayan nahindi tama ang karaniwan nating akala ukol sa balarila. Pagkatapos kong magbigayng kasaysayan ng Filipino na batay sa kasaysayan ng wikang Ingles ay pinuna koang ilang katangian ng wikang Filipino na iba sa wikang Tagalog. Ano angpatutunguhan ng lahat ng ito?Sa aking palagay, ang perents sa larangan ng wika ay ang mga sikat na writer natulad nina Abueg, Almario, Lualhati Bautista, at Medina. Kung totoo nga na angginagawa ng perents ay inaakalang tama ng kabataan, masasabi nating inaakala atnagiging tama ang talagang ginagawa ng ating mga batikang manunulat. Hindi koipinakita na ito rin ang ginagawa ng nakararaming Filipino sa kasalukuyan. Peronaipakita ko, sa palagay ko, na kung ang pinakamagandang gamit ang pagbatayan,ang wikang umiiral ngayon sa paligid natin, lalo na sa labas ng katagalugan, ayFilipino at hindi Tagalog. Naipakita ko na rin sana na may pagkaiba, maliit mano malaki, ang Filipino sa Tagalog.

Ang Wikang Filipino sa Taong 2000ni Andrew Gonzalez, FSC

Tila yata napakaraming paksa ngayon na isinasali natin sa medium-term plan ngPangulong Fidel V. Ramos tungkol sa ating layuning pambayan, ang pagpapaunlad ngating bayan at ang pagiging Newly Industrializing Country (NIC) ng Pilipinas saTaong 2000. Kaya nga't pati na ang wika ay isinasama natin sa ating mgalayunin.

Ngunit kung tutuusin, ang taong 2000 ay pitong na lamang at darating na. Halosnaandoon na tayo. Maraming bagay ang mangyayari sa ating bayan sa susunod napitong taon. Ngunit sa palagay ko naman hindi talaga magiging iba ang atingsitwasyon sa wika sa pagtatapos ng pitong taon. Magkakaroon nga ng progreso,ngunit ang mga senyales nito ay narito na. Kaya't hindi na tayo kailangangmanghula pa sapagkat kung titingnan lamang nating mabuti at susuriin angkasalukuyan, tila narito na nga ang mga senyales para sa kinabukasan.Bagama't bago naman tingnan ang kinabukasan, kailangan nating sulyapan angnakaraan sapagkat mahirap unawain ang kasalukuyan, lalo na ang kinabukasan, kunghindi natin kikilalanin ang nakaraan.Sa ating Batasang Pambansa noong 1936, pagkatapos ng ratipikasyon ng atingSaligang Batas sa Gobyernong Commonwealth noong 1935, si Kinatawan NorbertoRomualdez ay tumangkilik ng isang batas na tinatawag natin ngayon na `NationalLanguage Law." Ang batas na ito ang siyang nagtatag sa National Institute ofLanguage na pinalitan noong 1938 ng Institute of National Language o Surian ngWikang Pambansa. Itong sangay na ito ng Pamahalaan ang nangasiwa sapagpapaunlad ng ating wikang pambansa na pinili noong 1937 at base sa Tagalog.Noong 1939, mayroon na tayong balarila, ang balarila ni Lope K. Santos, atmayroon na ring bilingual wordlist noong panahong yaon. Ipinag-utos din ngating pamahalaan ang pagtuturo ng ating wikang pambansa sa huling taon sa mataasna paaralan at bilang isang sabject sa mga kolehiyong pangguro (teacher training

Page 12: 67283871-Filkomu

colleges) noong 1940. Mayroon ding batas na ginawa ng Asemblea noong 1941 nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay magiging opisyal na wika sa pagtatapos ngGobyernong Commonwealth. Ang ibig sabihin ng isang wikang opisyal ay maaariitong gamitin sa iba't ibang larangan ng burokrasya at gobyerno, kahit saAsemblea mismo at sa pagsulat ng mga batas para sa bansa.Ang ating wikang pambansa ay itinuro sa lahat ng mga antas ng ating paaralanmula noong 1946; noong 1959, sa pagpapasya ng Kalihim ng Edukasyon na si JoseRomero, muling pinalitan ang pangalan ng ating wika, Pilipino. Ito ayitinuturing din na `Tagalog-based Pilipino.'Hindi na natin babanggitin ang maraming mga suliranin ukol sa pagkakabase ngating wika sa Tagalog sapagkat may mga kapatid tayong sa Kabisayaan, lalo na saCebu, na magpasahanggang ngayon ay hindi sumasang-ayon sa pagkakapili ng atingwika base sa Tagalog. Ayon sa kanila, higit na marami ang mga gumagamit ngwikang Binisaya (Cebuano, Hiligaynon at Waray) kaya't dapat ay Bisaya ang nagingbase ng ating wikang pambansa at hindi Tagalog. Ngunit sa palagay ng karamihansa ating mga mamamayan at ayon sa pasya ng Korte Suprema, naaayon sa batas angpagpili ng base sa wikang pambansa sa Tagalog mula pa noong 1937.Malaking dahilan ng pagtatalo sa wika noong Constitutional Convention noong 1971at hindi yata matatapos ang usapan; kaya nga ang batas o artikulo ngKonstitusyon ng 1973 at nagbigay ng direktibo na gagawa pa tayo ng wikangpambansa na pinangalanang Filipino at ito ay base sa lahat ng mga wikangPilipino. Walang nangyari sa wika sa panahong mula 1973 hanggang 1986 sapagkatsa Interim Batasang Pambansa noong panahon ni Marcos ay walang batas na ginawasa pagpapairal ng probisyon sa Konstitusyong hinggil sa wika. Ngunit noong 1986sa Constitutional Commission sa pagtatangkilik ng Cory Aquino Government, mayprobisyon sa Saligang Batas na nagsasaad na ang wikang pambansa ng ating bayanay Filipino. Sang-ayon sa probisyong ito, hindi na pinoporma pa ang wikangpambansa sapagkat ito ay narito na, at ang pangalan nito ay Filipino. Ngunithanggang ngayon, opisyal na wika pa rin ang Ingles at ang Pilipino (base saTagalog) ngunit ang wikang pambansa ay Filipino na, at ito ay gagamitin sahinaharap, hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain kundi maging sa mga paaralanat pamantasan sa pagtuturo ng mga araling panlipunan at wika at maging sa aghamat teknolohiya kapag sapat na ang pagpapaunlad nito.

Ang Filipino Ngayon at Bukas

Kung susuriin natin, ang Filipino ay base rin sa Tagalog ngunit sa pagpapaunladat pagpapayabong ng wika, ito ay payayamanin ng mga salitang galing sa iba'tibang wika ng ating kapuluan, hindi lamang sa mga wikang taal kundi maging samga wikang banyaga rin. Ang mga wikang banyagang ginagamit natin sapagpapayaman ng ating wikang pambansa ay ang Ingles at Kastila, angwikang-Arabo, at marahil ang iba't ibang mga wika na pag-aaralan pa natin sahinaharap gaya ng wikang Hapones. Maaari rin tayong humiram ng mga salita mulasa iba't ibang wikang banyaga.Ayon sa Census ng Taong 1990, ang bahagdan o percentage ng mga Filipinongmarunong magsalita ng Filipino ay 84%. Kung gagawin nating isa ang Tagalog,Pilipino at Filipino, maaari nating tingnan ang mga datos mula sa mga census sanakaraan at maaari nating makita ang progreso ng Filipino bilang katutubong wikao lingua franca o wikang ginagamit ng mga Filipino, na ang pangunahing wika omother tongue ay hindi Tagalog. Ito ay tinatawag nating wikang pangkomunikasyonsa iba't ibang grupong etniko dito sa Filipinas. Ito ang mga datos mula sa

Page 13: 67283871-Filkomu

census:

Taon Tagalog/Filipino Bahagdan1939 4,060,859 25.5%1948 7,101,196 39.4%1960 11,968,809 46.1%1970 20,130,467 56.2%1980 34,301,468 74.9%1990 50,990,693 84%Bilang ng mga Nakapagsasalita

Hindi natin matiyak kung gaanong karami sa ating mga kababayan angmakapagsasalita ng Filipino sa taong 2000. Ngunit sa estadistika, may mgaparaan kung paano natin maipoproject o maitutudla kung ano ang hinaharap, basesa mga trends na nangyayari ngayon. Ito ay tinatawag na extrapolation at simpleang matematikang ginagamit dito. Sa tulong ng isang dalubhasa sa estadistika,prinoject namin ang bilang at pagkatapos ng taon na ito, ang naging projectionay 97.1% ang marunong magsalita ng Filipino sa taong 2000.

Kaya kahit na wala tayong gagawin sa mga paaralan at sa mass media, dadami na athalos isang daang (100) porsyento na ang magiging dami ng marunong magsalita ngFilipino sa wakas ng dantaong ito. Talagang `widely disseminated' o laganap naang Filipino at kahit na ang mga mamamayan na may ibang mothertongue o wikangtaal ay makakapagsalita na rin ng Filipino bilang pangawalang wika o `secondlanguage.'Hindi na tayo kailangan pang magsipagtalo. Kahit na wala tayong gawin sapagpapasigla ng Filipino, hindi na maaaring ihinto pa ang pag-unlad atpaglaganap ng ating wikang pambansa.

Ang Intelektwalisasyon ng Filipino

Bagama't lumalaganap ang Filipino at yumayabong na ang panitikan na kinakatha sawikang ito, nangangailangan pa rin ng kultibasyon sa larangan ngintelektwalisasyon, Ano ang ibig sabihin ng salitang ito:Sa buhay ng isang wika, ito ay ginagamit sa iba't ibang larangan. Sa simula,ginagamit natin ang wika sa ordinaryong pamumuhay, bilang wika sa bahay sapakikipag-usap natin tungkol sa mga bagay na pang-araw-araw sa buhay ng isangpamilya at sa ating mga kaibigan, sa palengke at sa pang-ordinaryongpangangalakal.

Kung gagamitin natin ang isang wikang pambahay at pambayan sa ibang larangan athindi pa tayo sanay sa paggamit nito, magkakaroon ng mga sagabal na kailangan panating lagpasan.

Hindi lamang tayo nangangailangan ng mga bagong salita lalung-lalo na sa mgasabject sa paaralan at sa pamantasan, nangangailangan din tayong gumawa ng mgabagong texto o libro at inilathalang sipi tungkol sa mga paksang hindipang-araw-araw, gaya ng mga paksa sa agham at teknolohiya at sa iba't ibangsabject sa kurikulum.Ang paggamit ng isang wika sa larangan ng kaisipan at ng buhay pang-akademik ayyaong tinatawag nating `intelektwalisasyon'. Ito ay bagong tuklas pa lamang at

Page 14: 67283871-Filkomu

hanggang ngayon ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga dimensyon ng penomenangito, kung paano nating mapauunlad ang isang wikang gaya ng Filipino bilangwikang ginagamit sa larangan ng iskolarli diskors o diskursong pang-akademik.Kailangan ang mga pagsasalin ng maraming artikulo at libro sa Filipino galing samga wikang intelektwalisado na gaya ng Ingles at Kastila, Pranses, Hapones atAleman. Nangangailangan tayo ng maraming dalubhasa sa iba't ibangespesyalisasyon na magaling din sa wika upang maisalin nila sa isang uri ngFilipino na maaaring maunawaan ng mga estudyante ang mga artikulo at libro.Hindi ito matatapos kaagad, sapagkat ang mga taong dalubhasa sa isangespesyalisasyon at marunong ding magsalin sa wastong Filipino ayon sa antas ngmag-aaral ay hindi marami. Ito ay isang special gift at hindi lahat ng mga guroay sanay sa wastong paggamit ng Filipino. Maraming tao ang kailangan bagomakalikha ng mga kasulatan sa Filipino hindi lamang sa panitikan (marami na angmga ito) ngunit gayon din sa larangan ng agham at teknolohiya at sa mgadisiplina o sabject sa pamantasan. Ito ang tinatawag nating proseso ngintelektwalisasyon at maraming taon ang kailangan natin para dito.Kaya nga sa palagay ko, ang pinakamabigat na gawain ng ating mga patriota omakabayan ay gamitin ang Filipino para sa intelektwalisasyon at paramihin angcorpus ng literatura pang-agham sa Filipino sa darating na pitong taon bago tayopumasok sa ikadalawampu't isang siglo ng ating panahon.

Pangwakas na Hamon

Bilang pangwakas, ang hamon sa bagong henerasyon o salinlahi ng mga guro aypayabungin ang ating wikang pambansa sa pag-intelektwalisa nito at gamitin itosa larangan ng buhay pang-akademik. Gawin natin ang ating magagawa upangyumabong ang ating wika. Para sa gawaing ito, kailangan din nating magingdalubhasa sa Ingles upang maging tunay na tula mula sa Ingles tungo sa Filipino.Dapat maisalin natin ang kabihasaan natin sa Ingles upang magamit din ng madlaat masa sa isang wikang gamay na nila at nauunawaan, ang ating wikang pambansa,ang ating minamahal na FILIPINO.

Wika sa Edukasyon: Hanggang Salita Lamangni Isagani R. Cruz

Sa totoo lang, pagod na ako sa kasusulat tungkol sa paksa ng wikang panturo.Nasabi ko na ang kaya kong sabihin, at kung may kapa pa akong sabihin ay hindiko naman gustong sabihin. Oo nga't marami pa akong gustong sabihin, pero hindiko naman kayang sabihin. Sa madaling sabi'y panahon na talaga para tumabi nalamang ako at pabayaan ang kabataang mangarap ng imposibleng pangarap na isangaraw, magiging Filipino ang pangunahin at kaisaisang wikang panturo sa bayangFilipinas.

Page 15: 67283871-Filkomu

Halimbawa'y nasabi ko na iba't ibang diskurso ang umaaligid sa isyu ng wikangpanturo. Nariyan ang diskurso tungkol sa wikang pambansa, ang diskurso tungkolsa lingua franca, ang diskurso tungkol sa intelektwalisasyon ng wika, at angdiskurso tungkol sa wikang panturo. Dahil malabong mag-isip ang ating mga lidersa gobyerno, kung nag-iisip nga sila, walang kamatayan ang debate tungkol sawikang dapat gamitin sa loob ng klasrum. Dapat bang Filipino ito? Ang linguafranca? Ang wikang pambahay? Mga wikang banyaga tulad ng Ingles? Kastila?Arabo? Malay?Sa totoo lang, pagod na rin ako sa kapapanayam sa iba't ibang grupo tungkol sawikang panturo. Daang libo na siguro ang nakarinig sa akin sa dinami-dami ngmga panayam ko sa buong bansa tungkol sa wika at edukasyon. Kabisado ko na angreaksyon ng aking mga tagapakinig. Kapag dati na silang maka-Filipino aypinapalakpakan ako. kapag dati na silang Inglesero ay pumapalakpak na lamangpara hindi sumama ang aking loob, para hindi akok mapahiya at manghinayang saoras na ginugugol ko sa paglakbay at pagtalumpati. Samakatuwid ay walangrelasyon ang aking panayam sa paniwala ng aking mga tagapakinig. Kung kampi nasila sa akin ay kampi sila bago pa ako magsalita. Kung kontra na sila sa akinay kontra pa rin sila pagkatapos kong magsalita. Sa totoo lang ay tayo-tayolang naman ang nag-uusap, tayo-tayong mga alagad ng wika, tayo-tayong humahangaat nakauunawa sa kagandahan at kagitingan ng wikang pambansa.Sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa kakukulit sa may kapangyarihan na sundinang utos ng ating saligang batas na gamitin ang Filipino bilang pangunahing wikang pagturo. Kahit na noong nagkaroon ako ng pagkakataon sa loob ng pitong buwanbilang USEC sa Departamento ng Edukasyon na baguhin ang patakarang pangwika ngpampublikong edukasyon, hindi ko pa rin makumbinse ang kahit na sarili komismong tao doon na sumunod na sa batas.Ngayong malapit na akong magretiro bilang guro at iskolar, kita ko na–tulad ngmangyari sa napakaraming mga pantas mula sa panahon ni Socrates—na walangkabuluhan ang lahat ng ating pagsikap. Patuloy na mananatiling mangmang kunghindi ang nakararaming kabataan ay ang kanilang mga magulang, guro, at opisyal.At dahil ang lahat ng kabataan, sa loob lamang ng iilang taon, ay magigingmagulang, guro, at opisyal din, patuloy na iiral sa mundo ang tinawag niBalagtas na kaliluhan, ni Rizal na kamangmangan, at ni Marx at ng mga Marxistana naghaharing-uri, lahi, bansa, at wika.Pero dahil narito na rin lang kayo at parang hindi pa kayo pagod, baliktanawinnatin ang ilang isyung pagod at pudpod na.Noong 1973, idiniklara ng National Board of Education ng Departamento ngEdukasyon na palisi ng gobyerno ang paggamit ng dalawang wikang panturo – wikangPilipino (na ngayon ay Filipino) at wikang Ingles (NBE Resolution No. 73-7, s.1973).Noong 1974, ipinairal ng Departamento ng Edukasyon at Kultura ang tinatawag naBilingual Education Program (BEP) (DEC Order No. 25, s. 1974). Ayon sa BEP, angbilinggwal na edukasyon ay "the separate use of Pilipino [Filipino] and Englishas media of instruction in definite subject areas, provided that additionally,Arabic shall be used in areas where it is necessary."Dahil wala pa noong Commission on Higher Education (CHED), na 1994 pa lamangnaitatag, sakop ng BEP ang lahat ng kolehiyo at unibersidad. Iniutos ng DEC na"by school year 1984, all graduates of tertiary curricula should be able to passexaminations in English and/or Pilipino [Filipino] for the practice of theirprofessions." Noong 1975, idiniin pa ito ng DEC. Ayon sa DEC, kailangang

Page 16: 67283871-Filkomu

magturo ang lahat ng kolehiyo at unibersidad sa wikang Pilipino [Filipino]:"Courses in English and Pilipino [Filipino] shall be offered in tertiaryinstitutions as part of appropriate curricula pursuant to the policy ofbilingual education" (DEC Order No. 50, s. 1975).Malinaw ang layunin ng BEP. Mula Grade One hanggang Fourth Year, ang wikangFilipino ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng sabject maliban sa Ingles,Syensya, at Matematika. Ang wikang Filipino ang ipinag-utos na gamitin ng lahatng guro sa lahat ng ibang sabject, tulad ng "social studies / social science,character education, work education, health education, and physical education."Ang mga ito ang kasama ngayon sa tinatawag nating sabject na Makabayan. MulaFirst Year sa kolehiyo hanggang magtapos ng medisina o abogasya o Ph.D., angestudyante ay kailangang turuan ng lahat ng sabject, maliban sa Ingles, Syensya,at Matematika, sa wikang Filipino.Noong 1986, nagbago ang ating saligang-batas. Iniutos ng ating bagongsaligang-batas ang paggamit ng wikang Filipino (Filipino na at hindi naPilipino) bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon. Ganito angnakasaad sa Konstitusyon ng 1986: "Dapat magsagawa ng mga hakbangin angPamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilangmidyum na opisyal ng komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemangpang-edukasyon" (Artikulo 14, Seksyon 6). Dagdag pa ng Konstitusyon: "Ukol samga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ayFilipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mgawikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbina pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonalang Kastila at Arabic" (Artikulo 14, Seksyon 7).Ito ang saligang batas. Hangga't walang ibang itinatadhana angbatas, sa ibang salita ay hangga't hindi tinatanggal ng Kongreso ang Ingles,pangalawang wika ng edukasyon, at hindi pangunahing wika, ang Ingles. Angpangunahing wika ay Filipino, dahil hindi ito matatanggal kahit na ng batas o ngKongreso. Ang Ingles pwedeng ibasura, pero ang Filipino ay hindi pwedengisantabi. Malinaw ang saligang batas. Dahil halos lahat ng mamamayan ay bumotona ipairal ang saligang batas, masasabi natin na, sa mata ng batas, ang higit nanakararaming Filipino ay naniniwala na Filipino at hindi Ingles ang dapat magingpangunahing wika ng edukasyon sa ating bansa.Noong 1987, dahil nagbago ang Konstitusyon, binago ng Departamentong Edukasyon, Kultura at Isports (DECS) ang BEP. Ipinagbawal ng DECS angpaggamit ng wikang Ingles maliban sa tatlong sabject ng Ingles, Syensya, atMatematika sa lahat ng antas ng edukasyon. Bukod pa roon, pinayagan ng DECS nagamitin ang wikang Filipino kahit sa pagturo ng Syensya at Matematika. Ganitoang layunin noon ng DECS: "the maintenance of English as an internationallanguage for the Philippines and as a non-exclusive language of science andtechnology" (DECS Order No. 52, s. 1987).Inutusan ng DECS noon ang lahat ng kolehiyo at unibersidad na mamunosa pagbago ng wikang panturo sa pamagitan ng tinatawag na "intelektuwalisasyon":"Tertiary-level institutions shall lead in the continuing intellectualization ofFilipino. The program of intellectualization, however, shall also be pursued inboth the elementary and secondary levels."Karaniwang inaakalang dalawa ang BEP – ang BEP ng 1974 at ang BEP ng1987, pero iisa lamang ang layunin ng dalawang palising ito, ang ipagamit bilangpangunahing wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon ang wikang Filipino.Samakatwid ay hindi bilingguwal na palisi talaga ang hinangad noon ng BEP, kundi

Page 17: 67283871-Filkomu

monolingguwal na palisi. Hangarin ng Departamento noon na maging iisa angwikang panturo – ang wikang Filipino – at ang wikang Ingles ay pantawid lamangsa panahong hindi pa sanay ang ating mga guro, kulang pa ang mga textbuk, atgumagawa pa ng kaukulang mga test. Pati na ang pagbago ng probisyon tungkol sawika sa Konstitusyon ng 1986 ay makikita sa ganitong pananaw: malinaw napansamantala lamang ang paggamit ng wikang Ingles sa ating mga paaralan atkolehiyo, dahil nakasulat na ito'y "hangga't walang ibang itinatadhana angbatas" lamang. Kapag makabuo na ng kaukulang batas ang Konggreso, tatanggalinna ang wikang Ingles sa lahat ng paaralan sa bansa.Huwag nating isipin na hindi mangyayari ito sa isang iglap.Napakadaling palitan ang wikang panturo sa atin. Ginawa iyan ng mga kano nangnilusob nila tayo noong simula ng nakaraang siglo. Ginawa iyan ng mga hapon saloob lamang ng ilang buwan. Kapag napatunayan na na hindi natin kaibigan angEstados Unidos, at ito'y madaling mangyari kapag hindi nila tayo sinaklolohanpaglusob sa atin ng Al-Qaeda dahil kinakampihan natin sila, magagalit ang mgamambabatas natin at, tandaan ninyo itong sinasabi ko sa araw na ito, biglangmagkakaroon ng batas na matagal nang hinihingi naman ng ating Konstitusyon.

Noong 1992, pagkatapos ng matinding pag-aaral kung paano malulutasang lahat ng problema ng ating sistema ng edukasyon, ipinasya ng Kongresso, sapamagitan ng Congressional Commission on Education (EDCOM), na tanggalin na angwikang Ingles bilang wikang panturo sa kahit aling sabject sa elementarya athaiskul. Ani EDCOM, "the vernacular and Filipino [should be] the medium ofinstruction for basic education." Dagdag ng EDCOM: "In Grade 4, Filipino shallbe the medium of instruction and will continue to be the language of instructionfor all subjects, except English, until the fourth year of secondary education."Binigyan pa ng taning ng EDCOM ang gobyerno: "Filipino [should be] the mediumof instruction by the year 2000."Dahil naisip na noon ng EDCOM na itatag ang CHED at dahil malinaw namay kalayaang akademiko ang lahat ng kolehiyo at unibersidad sa bansa (ayon saKonstitusyon ng 1986), hindi maipilit ng Kongreso na tanggalin na ang wikangIngles sa kolehiyo, pero humirit pa rin ang EDCOM at sinabing, "In the longterm, there should be a switch to Filipino in technical-vocational education."Sa madaling salita, sa salita ay malinaw na wikang Filipino, namaaaring tulungan ng mga wikang bernakular, ang dapat na kaisaisang wikangpanturo sa ating bansa sa elementarya at haiskul, at kung tutuusin, pati na rinsa kolehiyo.Pero hanggang salita na lamang iyan, dahil sa totoo lang, kahit nasa Makabayan, kahit na sa mismong sabject na Filipino, kahit na sa mga sabjectsa humanidades sa kolehiyo, ay buhay na buhay pa rin ang wikang Ingles.Sa totoo lang, pagod na ako sa kasusulat at kalelektyur tungkol sapaksa ng wikang panturo. Halimbawa'y nasabi ko na na iba't ibang diskurso angumaaligid sa isyu ng wikang panturo. Nariyan ang diskurso tungkol sa wikangpambansa, ang diskurso tungkol sa lingua franca, ang diskurso tungkol saintelektwalisasyon ng wika, at ang diskurso tungkol sa wikang panturo. Dahilmalabong mag-isip ang ating mga lider sa gobyerno, kung nag-iisip nga sila,walang kamatayan ang debate tungkol sa wikang dapat gamitin sa loob ng klasrum.Dapat bang Filipino ito? Tagalog? Ang lingua franca? Ang wikang pambahay?Mga wikang banyaga tulad ng Ingles? Kastila? Arabo? Malay?Sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa kakukulit sa mga maykapangyarihan na sundin ang utos ng ating saligang batas na gamitin ang Filipino

Page 18: 67283871-Filkomu

bilang pangunahing wika ng pagturo. Ngayong malapit na akong magretiro bilangguro at iskolar, kita ko na – tulad ng nangyari sa napakaraming mga pantas mulapa sa panahon ni Socrates – na walang kabuluhan ang lahat ng aking pagsikap.Patuloy na mananatiling mangmang kung hindi ang nakararaming kabataan ay angkanilang mga magulang, guro, at opisyal. At dahil ang lahat ng kabataan, saloob lamang ng iilang taon, ay magiging magulang, guro, at opisyal din, patuloyna iiral sa mundo ang tinawag ni Balagtas na kaliluhan, ni Rizal nakamangmangan, at ni Marx at ng mga Marxista na gahum ng naghaharing uri, lahi,bansa, at wika.Pero dahil narito na rin lang tayo at parang hindi pa kayo pagod,baliktanawin natin ang ilang isyung pagod at pudpod na.Malinaw ang ating saligang batas, ang sinasabi ng Konggreso, at angmga utos ng Departamento ng Edukasyon. Malinaw na wikang Filipino ang dapatgamitin sa halos lahat ng mga sabject sa lahat ng antas. Malinaw na sa mgarehyon, maaaring gamitin ang wika ng rehyon bilang pantulong na wikang panturo.Samakatwid ay maaaring gamitin sa loob ng klasrum ang wikang Sebuwano sa Cebu atsa maraming lalawigan sa Mindanao, maaaring gamitin ang wikang Iloko sa mgapaaralan sa norte, maaaring gamitin ang wikang Tagalog sa lahat ng paaralan sakatagalugan. Ang pangunahing wika ng edukasyon sa kamaynilaan ay Filipino, angpantulong na wika ay Tagalog, at – hangga't wala pang sinasabi ang Kongreso –maaaring gawing salimpusa ang wikang Ingles sa loob ng klasrum.Dito pa lamang ay makikita na natin ang pagkaiba ng nakasulat sabatas sa totoong nangyayari sa ating bansa. Mismong sa Kongreso ay hindi nilabinabasa ang saligang batas. Malinaw naman na ang karamihan sa Kongreso ay mgailitereyt dahil hindi marunong magbasa, bukod pa sa hindi sila marunongmagsulat. Kasalanan naman natin kung bakit natin iniluklok sa Kongreso ang mgamangmang na ang hawak lamang ay popularidad bilang artista o pangalan ngkanilang pamilyang mayaman sa mga rehyon o perang galing sa jueteng o droga okidnap o iba pang krimen, perang ipinamumudmod lamang nila sa atin tuwingeleksyon. Hindi natin maaasahan ang Kongreso na sumulat ng batas namagtatanggal sa Ingles bilang wikang panturo, kahit na malinaw na iyan angintensyon ng ating saligang batas, dahil no read no write ang lahat ng ating mgaKongresista at Senador. At ang pinaka-no read no write sa lahat ay ang lahat ngnaging pangulo ng ating bansa, na nagsabing Ingles daw dapat ang pangunahingwikang panturo sa atin, kahit na labag ito sa saligang batas.Tuwing may darating na eleksyon ay nagkakaroon ako ng kauntingpag-asa na hindi pala nasayang ang aking pagod magsulat at magpanayam tungkol sawikang panturo, pero pagkatapos ng bawat eleksyon ay nagiging malinaw na wala parin nangyayari at mangyayaring pagbabago sa ating bansa dahil sila-sila pa rinang ating ihinahalal. Malabo na talaga ang kinabukasan. Tingnan na lang ninyoang nakaraang eleksyon. Sa Senado ay naroon na naman ng mga malalansang isdangwalang pagmahal sa sariling wika. Sa totoo lang, kalimutan na natin angnakaraan at ang mga darating na eleksyon dahil walang mangyayari sa ating mgaguro. Hirap na hirap tayong hubugin ang ating mga estudyante para maging tapatat marunong, pero patuloy tayong pahihirapan ng presidente, mga senador, at mgakongresista na no read no write kung saligang batas ang pinag-uusapan.Dumaan na ang taong 2000 at tulad ng millennium bug na hindinatuloy, ang paggamit ng wikang Filipino bilang kaisaisang wikang panturo ayhindi ipinanganak at ni hindi man lamang ipinaglihi. Kahit na mismong mgaKongresista at Senador noon ang nagsabi na ibasura na ang Ingles bilang wikangpanturo maliban sa sabject mismo ng Ingles ay patuloy na umiiral sa ating mga

Page 19: 67283871-Filkomu

paaralan at kolehiyo ang wikang Ingles.Hanggang salita lamang, hanggang laway lamang, ang paniwala ng atinggobyerno at ng ating mga pantas na lahat ay kinunsulta ng EDCOM na Filipino, athindi Ingles, ang dapat na maging wikang panturo sa lahat ng lebel sa lahat ngsabject at sa lahat ng paaralan.Noong nagkaroon ako ng pagkataon na isulat ang bagong GeneralEducation Curriculum (GEC) ng CHED ay ipinasok ko kaagad ang radikal na ideya nadapat nating sundin ang saligang batas. Sa sinulat kong draft ng CHEDMemorandum Order No. 59, series of 1996, na hanggang ngayon ay umiiral pa,sinulat ko na ang lahat ng mga sabject sa humanidades at agham panlipunan aydapat na ituro sa wikang Filipino. Habang tinatayp ang order ng mga bobongtaypist sa CHED, pinasok nila ang salitang "preferably" sa aking sinulat, kayangayon ay ganito ang naging palisi ng CHED: "Courses in the Humanities andSocial Sciences should preferably be taught in Filipino."Pero hindi pinakialaman ng mga bobong taypist sa CHED ang sinulat kotungkol sa mga sabject sa literatura. Ginawa kong palisi ng CHED na maaaringgamitin ang wikang pambahay, ang lingua franca, at kahit na ano pang wikangkatutubo sa loob ng klasrum para ituro ang literatura. Ganito ang aking sinulatat ito ay pinirmahan ng mga Komisyoner noon: "At the discretion of the HigherEducation Institution, Literature subjects may be taught in Filipino, English,or any other language, as long as there are enough instructional materials forthe same and both students and instructors/professors are competent in thelanguage."Ang ganda, di ba? Maganda, sa papel, sa salita. Pero ano ba talagaang nangyayari sa totoong buhay?Sa paglibot ko bilang USEC noon sa daan-daang mga paaralan sa bansa,naging malinaw sa akin na hindi sinusunod ang Bilingual Education Policy. Sahigit na nakararaming mga paaralan ay hindi ginagamit ang Ingles bilang wikangpanturo sa Matematika at Syensya, at kung minsan ay mismo sa sabject na Ingles.Pero hindi rin ginagamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa iba pangmga sabject. Ang karaniwang ginagamit ay ang wikang pambahay o katutubong wikang rehyon o lunsod o barangay. Sa ibang paaralan ay palisi ito, dahil kasamasila sa tinatawag na proyektong Lingua Franca na sinimulan ni Brother AndrewGonzalez, FSC, nang siya ang Kalihim ng Edukasyon. Pero sa karamihan ng mgapaaralan ay napipilitan ang mga guro na gamitin sa klase ang sariling wika okumbinasyon ng Ingles at kanilang sariling wika, o kumbinasyon ng Filipino atkanilang sariling wika. Ang dahilan para sa malawak na paggamit ng Taglish oSeblish o Ilokalish o Filipinong mala-Sebuwano na Filiwano o Filipinongmala-Ilokano na Filikano ay, una, ang kagustuhan ng guro na maintindihan ng mgabata ang liksyon, at ikalawa, ang kakulangan ng galing ng guro sa Ingles o saFilipino.Sa paglibot ko naman bilang akreditor ng PAASCU at Quality Assessorng CHED sa mga kolehiyo sa bansa ay malinaw din sa akin na hindi sinusunod angBilingual Education Policy. Madalas ituro ang mga sabject sa humanidades atagham panlipunan sa wikang Ingles, pero balubaluktot naman ang Ingles naginagamit kaya hindi natututo ang mga estudyante ng humanidades at aghampanlipunan at hindi rin natututo ng wikang Ingles. Kung hindi lamang lagingmasarap ang inihahaing pagkain sa akin kung ako'y dumadalaw sa mga paaralan atkolehiyo ay talagang katarantaduhan ang patuloy kong pag-ikot sa bansa. Sakitsa katawan at sakit sa loob lamang ang naghihintay sa akin at sa kahit sinonglumilibot sa ating mga eskwelahan.

Page 20: 67283871-Filkomu

Sa madaling sabi'y walang relasyon ang nakasulat sa papel sa totoongbuhay. Kung malinaw ang nakasulat kahit na magulo ang isip, kung mayroon man,ng mga namumuno sa ating bayan, magulo ang nangyayari sa ating mga klasrum dahilhindi malinaw sa ating mga guro kung ano ba talaga ang dapat na umiral na wikangpanturo. Kapag magbabasa sila ng mga librong batay sa riserts, lumilinaw saating mga guro na dapat na wikang pambahay ang gamitin bilang wikang panturo,pero kapag dinadalaw sila ng mga superbisor na karaniwang matagal nang wala saklasrum, napipilitan silang mag-Ingles kuno para hindi masabon.May magagawa pa ba tayo para mabago ang sitwasyong pangwika sa atingmga klasrum? Sinabi ko na pagod na ako, pero hindi ko sinabi na matutulog naako. Pala na lang ako sa tabi at hindi na ako mismo ang hahawak ng patalim ngwika. Bilang pala o miron, may tatlo akong nais ipagawa sa susunod sa akin, saibang salita, sa inyong lahat. Hango ang tatlong ito sa riserts ng World Banknina Dutcher, N., at Tucker, G. R., noong 1994 tungkol sa "The use of first andsecond languages in education: A review of educational experience."Pinag-aralan nina Dutcher ang napakaraming mga bansa sa mundo atnatuklasan nila na ang higit na nakararaming mga bansa ang gumagamit ng dalawa ohigit pang wikang panturo sa kanilang mga paaralan. Ayon kina Dutcher, "thereare many more children throughout the world who have been and continue to beeducated through a second or a later-acquired language, at least for someportion of their formal education, than there are children educated exclusivelyvia the first language. In many parts of the world, bilingualism ormultilingualism and innovative approaches to education that involve the use oftwo or more languages constitute the normal everyday experience." Dahil dito,maraming liksyon ang natutuhan na sa ibang bansa na maaari nating gamitin parapagyamanin ang wikang Filipino bilang wikang panturo. Malinaw naman kasi nahindi mawawala ang Ingles sa atin bilang wikang panturo, dahil nga bobo angating mga lider. Kung kaya't mabuti pang sumuko na tayo sa pagiging bilinggwalnatin, tulad ng higit na nakararaming mga bansa sa mundo.Sa maraming mga mungkahi nina Dutcher, may tatlong angkop na angkopsa wikang Filipino. Tanong nina Dutcher at ng World Bank:"Are the language(s) selected for instruction written, codified,standardized, and elaborated?" Ang Filipino ba ay nakasulat? Oo. Codified omay diksyunaryo? Mayroon na, iyung ginawa ng U.P. Istandardisado? Hindi pa,dahil wala pang Balarila ng Wikang Filipino. Elaboreyted o maaaring gamitin sapormal na mga sitwasyon? Medyo hindi pa, dahil hindi pa ito ang pangunahingwikang ginagamit sa pagsulat ng mga batas."Are sufficient core and reference materials available for teachersand students in the language(s) of instruction? If not, are there trainedindividuals available who can prepare such materials?" May sapat na libro na bapara sa lahat ng sabject? Malapit na, dahil mahigit na sa isang daan angginawang textbuk ng Sentro ng Wikang Filipino sa U.P., dagdag pa ang mga textbukng komersyal na mga pablisher. May mga tao bang kayang gumawa ng mga librongmagagamit sa klasrum? Marami, pero pagod na sila, o kaya'y tinatamad, o kaya'ywalang panahon dahil naghahanap-buhay sa ibang paraan."Is there a sufficient number of trained and experienced teacherswho are fluent speakers of the language(s) of instruction and who are trained toteach via that language(s)?" Mayroon ba tayong mga gurong kayang magturo saFilipino? Halos lahat, kaya lang ay takot, pagod, o tamad. Na-treyn na ba angmga gurong ito na magturo sa Filipino? Hindi pa.Makikita natin kung ano pa ang dapat ninyong gawin bilang guro,

Page 21: 67283871-Filkomu

iskolar, at nagmamahal sa sariling wika. Una'y kailangang sumulat kayo ngBalarila ng Wikang Filipino. Kailangang gumawa pa ng mas makapal na diksyunaryong wikang Filipino. Kailangang maghalal ng mga kongresista at senador na bihasasa Filipino at hindi matatakot na sumulat ng batas sa wikang Filipino at hindisa wikang Ingles.Iyan lamang ang mungkahi ko sa inyo para sa darating na mgaeleksyon: huwag ninyong iboto ang kahit na sinong nagsabi na kailangang gamitinang wikang Ingles sa loob ng klasrum. Huwag na nating isipin ang kwalipikasyon,karanasan, at korupsyon. Lahat naman sila ay may kwalipikasyon, at hindi namantama ang bintang na dapat laitin ang walang karanasan. Si Cory Aquino ba ay maykaranasan nang iboto natin siyang pangulo? At huwag na tayong maglokohan na maymga kandidatong hindi korap. Paano ka hindi magiging korap kung ang suweldo moay mas maliit pa sa suweldo ng clerk sa Makati pero ang gagastusin mo saeleksyon ay milyon-milyon? Natural lamang na kailangang bawiin mo ang ginastosmo, kaya magiging korap ka gusto mo man o hindi. Ang isipin na lamang natinbilang mga gurong nagmamahal sa ating sariling wika at sa ating sariling mgaestudyante ay kung ang ihahalal natin ay may pag-ibig sa wikang Filipino. Kungmaka-Ingles ang kandidato, ibasura na natin.Ikalawa'y kailangang gumawa ng napakarami pang mga libro sa wikangFilipino. Kaunti pa lamang talaga ang mga libro sa ating sariling wika, ditulad sa ibang bansa kung saan mabilis isalin, halimbawa, ang mga librong nasaIngles sa kanilang sariling wika, kung kaya't hindi kailangan ng higit nanakararaming mamamayan doon na mag-aral pa ng wikang Ingles.Ikatlo'y puwede ba, magturo kayo sa Filipino! Kung hindi kayomagsisimula sa sarili ninyong klasrum, walang mangyayari sa atin. Kayong mgatitser, kayo ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay lumalabag pa rin saating saligang batas ang lahat ng ating mga unibersidad, kolehiyo, at paaralan.Dahil ang paglabag sa batas ay pagiging kriminal, kriminal tayong lahat.Kriminal tayo dahil dinuduraan natin ang saligang batas bawat araw na nagtuturotayo sa wikang Ingles!Ang mga administrador naman sa inyo, iyung wala nang klaseng hawakat wala nang pagkataong magturo sa wikang Filipino, puwede ba, isulat ninyo anglahat ng inyong mga memo sa wikang Filipino. Nakasulat din sa saligang batas naang ating sariling wika ang dapat na wika ng opisyal na komunikasyon. Kunghindi kayo susulat ng mga memo at liham at palisi at manwal at libro saFilipino, walang mangyayari sa atin. Mananatili tayong kriminal. At hindi langkriminal, kundi bobo.Magiging katulad tayo ng mga Kongresista at Senador at Pangulo nasarili lamang ang iniisip at hindi ang kapakanan ng taumbayan, ng maliliit nataong hindi nakakaintindi ng Ingles, ng mahihirap na hindi nakatapos ngpag-aaral nila, ng mga Filipinong hanggang ngayon ay alila, utusan, masahista,nars, at puta sa ibang bansa sa mundo. Kung iyan ang gusto ninyong kapalaran,bahala kayo. Ako, pagod na.

Ilang Suliranin Tungkol sa Intelektwalisasyon ng Filipinoni Bonifacio P. Sibayan

Tatalakayin ko sa artikulong ito ang ilang suliranin tungkol sa pagpapaunlad o

Page 22: 67283871-Filkomu

intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Naniniwala ako na hindi natin maaaringsabihin na ang intelektwalisasyon ay susi sa maunlad na pagtuturo at pagkatutokung hindi natin mauunawaan kung bakit, paano, at kung anong larangan ng wikangFilipino ang dapat bigyan ng intelektwalisasyon.Pagpaplano ng Wika (Language Planning)Lahat ng kasangkot sa pagtuturo at pagsusulong ng wikang Filipino ay dapatmaging masugid sa pagbibigay-malasakit sa pagpaplano ng wika. Ang pagkuha ngisang asignatura o subject sa Language Planning ang magpapakilala sa isangmag-aaral ng mga huwarang teorya at praktikal na pagkaunawa sa ilang bagay tuladng mga sumusunod:1. Pagpapasya o pagpili ng wika (language determination or selection)2. Paglinang at pagpapaunlad ng wika (kung saan isang bahagi angintelektwalisasyon)3. Patakaran ng pagbabalangkas ng wika (para maunawaan ang katwiran ng pag-aaralng dalawang wika o ang sinasabi nating edukasyong bilinggwal o bilingualeducation)4. Pagpoprograma ng wika5. Pagsasagawa o implementasyon ng wika (kung saan paraan at pamamaraan ngpagtuturo ay dalawang paksa lamang)6. Pagpapahalaga ng wikaMarami pang ibang masalimuot na paksa ang dapat maunawaan ng mga tagapagpaunlad,tagapagtaguyod, tagatangkilik, tagapagtanggol ng wikang Filipino. Ilang sa mgaito ay ang mga sumusunod:1. Ang pagpapalit at pagbabago ng wika (language replacement and language shift)2. Ang tungkulin (role) o bahaging ginagampanan ng Filipino na may kinalaman saIngles at sa iba't ibang katutubong wika ng mga di-Tagalog sa iba't ibanglarangan ng wika (language domains)3. Ang tungkulin o bahaging ginagampanan ng Ingles sa intelektwalisasyon ngFilipino4. Kung bakit kailangang maintelektwalisa ang Filipino, at kung paano itoisasagawa5. Ang kontribusyon ng ibang katutubong wika sa pagsulong ng Filipino6. Ang karapatan ng isang tao o grupo sa wika (language rights)7. Ang intelektwalisasyon ng Filipino sa iba't ibang larangan ng wikaAng Pagpapalit ng Isang WikaIsa sa pinakamahalagang layunin sa pagpapaunlad ng Filipino ay ang paghalilinito sa Ingles balang araw.Ipinahayag ng Executive Order No. 335 ang pagpapasiya sa paggamit ng Filipino napampalit sa Ingles. Ngunit tinanggihan ng mga Cebuano ang nasabing pahayag.Bakit? Sapagkat ang mga mamamayang Pilipino, tulad ng mga Cebuano, na di likasna gumagamit ng wikang Tagalog, ay mawawalan ng silbi o malalaos.Pansinin na ang mga Cebuano ay di tumutol sa paggamit ng Filipino sa mgalarangan ng lingua franca o wikang pantelebisyon, pampelikula, at dyaryo opahayagan. Ngunit sila ay tumutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles sadalawang larangan ng wika – sa larangan ng pamahalaan at sa larangan ngedukasyon. Ang ibig sabihin nito, ang pagtanggap o pagtutol sa pagpapalit ngFilipino sa wikang Ingles ay may kinalaman sa mga larangan o pinanggagamitan ngwika.Maraming katwiran ang mga Cebuano sa pagtutol sa pagpapalit ng wikang Filipinosa wikang Ingles. Ang dalawa sa mga ito ay ang mga sumusunod:1. Hindi nila gusto ang ginagawang paglapastangan sa kanilang katutubo at

Page 23: 67283871-Filkomu

natamong karapatan sa wika. Binigyang-diin ng vice-mayor ng Cebu ang bagay naito nang sabihin niya sa isang kapulungan kamakailan sa De La Salle Universityna "ang mgaTagalog ay nagpupumilit na isungalngal ang wikang Tagalog sa aminglalamunan" (ram Tagalog down our throats).2. Nararamdaman nila na sila'y nanganganib dahil hindi sila handang magsalita atmagsulat sa Filipino.Ang pagtutol na ito ng mga Cebuano ay isang magandang halimbawa sa hirap ngpag-intelektwalisa sa isang wika at ng isang bansa. Totoong napakahirap palitanang isang wikang intelektwalisado na tulad ng Ingles na ginagamit samahahalagang larangan ng wika. Noong araw, ay mas madaling napalitan ng Inglesang Español dahil ang Ingles ay intelekwalisado na noon pa man. Ang kailanganlang noon ay ang pagtuturo nito sa mga tao o pag-intelektwalisa sa mga tao. Saibang salita, handa na ang Ingles noon na pampalit sa Español.Tatlong Uri ng Larangan ng Wika (Three Types of Language Domains)Upang maintindihan natin ang hirap ng suliranin sa pag-intelektwalisa ngFilipino ay kailangan nating malaman ang teorya ng larangan ng wika (theory oflanguage domains) at ang paggamit nito sa pag-unlad ng Filipino. Pag-aralannatin ang sumusunod na tatlong uri ng larangan ng wika : (i) di mahalaganglarangan ng wika (non-controlling domain of language), (ii) medyo mahalaganglarangan (semi-controlling domain); at (iii) mahalagang larangan ng wika(controlling domain of language).Ang di mahalagang larangan ng wika ay maaaring di nakasulat at maaaring gamitinsa kahit anong wika. Halimbawa, ang larangan ng tahanan at ang larangan nglingua franca. Hindi natin kailangang planuhin ang paggamit ng Filipino sa mgadi mahalagang larangan. Isang malaking pagkakamali ang paniwalang dahil angFilipino ay ginagamit sa pagsasalita at naiintindihan ng halos lahat ng mgaFilipino sa di mahalagang larangan ay maaari na rin itong gamitin sa bahaginglarangan ng pamantasan o higher education. Ang uri ng Filipino na sapat para satahanan o para sa lingua franca ay maaaring hindi sapat para sa larangan ngedukasyon sa pamantasan.Ang mga medyo mahalagang larangan ay ang mga larangan kung saan ang pagsusulatay hindi sapilitan. Ang ibig sabihin nito ay maaaring sumali ang isang tao nanghalos lubos sa mga ito maski hindi marunong magsulat at magbasa nang maayos. Athindi rin binibigyan ng pansin ng mga tao ang wikang ginagamit sa mga medyomahalagang larangan. Ang mga halimbawa ng medyo mahalagang larangan ay angrelihiyon at ang libangan (entertainment).Ang ikatlong uri ng larangan ng wika ay ang mga mahalagang larangan. Angmahahalagang larangan ay ang larangan na nangangailangan ng mabuti at wastongpagbasa at pagsuat. Ang wika na kailangang gamitin sa mahalagang larangan ay angtinatawag sa Ingles na learned language. Ito ang mga larangan ng wika na dapatbigyan ng pansin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Ang mga mahalaganglarangan ay nangangailangan ng pagtatala, tulad ng computer data bank.Sa ibang salita, maliwanag na ang mahalagang larangan ng wika angnangangailangan ng intelektwalisasyon.Ang ilan sa mga importante o mahalagang larangan ay ang mga sumusunod: (i)edukasyon (lalo na ang hayskul at ang pamantasan); (ii) pamahalaan; (iii)pagbabatas; (iv) hukuman; (v) agham at teknolohiya; (vi) negosyo, pangkalakalanat industriya; (vii) ang mga propesyon na may bahaging larangan (sub-domain),tulad ng medisina, abogasya, atb.; (viii) mass media (broadcast and print); at(ix) literatura.Ang Register

Page 24: 67283871-Filkomu

Kailangang tandaan natin na bawat bahaging larangan o bahaging-bahaging larang(sub- and sub-subdomain) ay may sariling register. Ang ibig sabihin ng registeray ang tanging paggamit ng wika sa isang larangan o bahaging-larangan. Angkonseptong ito ay mahalaga sa pag-intindi ng mga suliranin ng intelektwalisasyonng wika. Halimbawa, alam nating lahat na kung hindi tayo doktor, hindi natinmaiintindihan ang register ng medisina na nakasulat sa Ingles.Katangian ng Mahahalagang Larangan ng WikaAng mahahalagang larangan ng wika ay may sumusunod na mga katangian:1. Idinidikta nila ang wika na kailangang pag-aralan at gamitin.2. Ang wikang ginagamit ay specialized at learned. Samakatwid, kinakailangan ngkaalaman na tiyak, kaya kailangan ng specialization.3. Ang mga mahalagang larangan ay nangangailangan ng dunong ng pagsasalita,pagbabasa, at pagsusulat; kailangan dito ay precise language o tiyak, tumpak,ganap na salita; hindi katulad ng ginagamit natin sa di mahalagang larangan ngwika.4. Ang kaalaman sa mahalagang larangan ay iniipon (cumulative). Kung kaya'tkinakailangang malaman ang karunungan ng nakalipas (past knowledge) atkasalukuyan. Ang karunungan ng nakalipas ay nasa mga aklat, journals, at ngayongmay computer na, nakaimbak sa data banks. Maliwanag na maliwanag na halos lahatng nakalipas na karunungan sa mahalagang larangan ay hindi magagamit saFilipino.5. Ang pagdami ng kaalaman sa mahalagang larangan ng wika ay mabilis. Angkasalukuyang karunungan ay nasa bagong mga aklat, pangkasalukuyang journals atpananaliksik na papel (research papers). Ito ay hind makukuha sa Filipino.Ang pagsabog (explosion) ng karunungan sa mahalagang larangan ay katakut-takot.Ang paghahabol sa pagsabog ng kaalaman na nakasulat at nakatala ay isa sapinakamalaking suliranin sa intelektwalisasyon ng Filipino at ang pagpapalitnito sa Ingles. Sa kasalukuyan, ang bagong karunungan ay batay sa nakalipas nakarunungan na matatagpuan ng mga Pilipino sa Ingles at hindi sa wikang Filipino.Samakatwid, inaasahan natin ang pag-unlad ng Filipino sa mahalagang larangan atbahaging larangan; kinakailangan natin ang nakalipas at ang kasalukuyangkarunungan sa Filipino. Ito ay isang kailangang gawain. Ang lawak ng suliraninay sobrang malaki at nakakalito. Kung inaasahan natin na papalitan ng Filipinoang Ingles, kailangan na hindi lamang ang wikang Filipino ang maintelektwalisa;isama natin ang pag-intelektwalisa ng mga tao, ng mga Pilipino sa buong bansa.Ang isa sa mga unang dapat gawin sa intelektwalisasyon ng Filipino ay ang isangintelektwalisadong wikang katulad ng Ingles na ginagamit sa mga mahalaganglarangan ay hindi maaaring palitan nang basta ganoon lang ng isang wikang hindiintelektwalisado. Malinaw na kinakailangang mas mabuti ang ipapalit.Hindi sapat ang mga dahilang nasyonalismo, o pagkamakabayan at patriotismo opag-ibig sa bayang tinubuan, gayundin ang pagkakakilanlan (identity) upangpalitan ang Ingles. Karamihan sa mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga diTagalog, ay hindi naniniwala na ang Filipino ay tatak ng nasyonalismo opatriotismo. Tama sila. Ito ay bahagi ng kanilang karapatang pangwika.Ang Bahagi o Papel (Role) ng Ingles sa Intelektwalisasyon ng FilipinoMay paniwala ang maraming tagapagtanggol ng Filipino na hindi natin kailanganang Ingles. Sapat na rin daw na marunong magsalita, magbasa, at magsulat saFilipino. Hindi lamang ito isang malaking pagkakamali; ito ay delikado sakasalukuyang kalagayan ng Filipino. Ang tagapagtaguyod ng Filipino ay dapatmagaling sa Ingles dahil ang wikang Ingles lamang ang paraan kung paanomaiintelektwalisa ang Filipino.

Page 25: 67283871-Filkomu

Harapin natin ang katotohanan. Kaunti lamang ang kaalaman, kung mayroon man, sasyensyang panlipunan, agham at teknolohya, matematika, medisina, batas, atbp.,sa wikang Filipino. Ang kaalaman ukol sa mga larangang ito ay maaaring makuha saFilipino sa pamamagitan ng pagsasalin (translation). Ngunit halos wala pangnaisasalin sa mga larangang ito. Halimbawa, paano ipamamahagi ang karunungan samedisina sa isang taong marunong lamang sa Filipino. Imposible. Hindi maaari.Ano, samakatwid, ang magiging gamit ng Filipino kung hindi ito maaaring gamitinsa pagkuha ng karunungan?Mga MungkahiKung maaari akong magbigay ng mungkahi, ang aking mungkahi ay ang mga sumusunod:1. Lahat ng tagapagtaguyod ng Filipino, lalung-lalo na sa larangan ng edukasyon,na hindi pa nag-aaral ng Language Planning, ay dapat mag-umpisa na.2. Ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay dapat makaalam tungkol sa mga suliraninng pagpapalit at pagbabago ng wika.3. Hindi sapat na ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay marunong lamang sapamamaraan ng pagtuturo sa Filipino. Dapat ay magaling sila sa Ingles atFilipino. Bukod sa pagiging guro, dapat sila ay mga iskolar, tagapagsaliksik, atmanunulat sa tiyak na karunungan.4. Ang Filipino, upang umunlad at maging intelektwalisado, ay dapat gumamit ngIngles.5. Bigyang-diin ang karunungan, hindi ang pamamaraan.6. Ang mga guro, tagapagtaguyod ng Filipino, at mga kasapi sa mga samahangpangwika ay dapat magsaliksik para sa Language Planning. Ang mga solusyon sa mgasuliranin ng wikang Filipino ay kailangan ng karunungan o iskolarsyip; hindipaghula at pakiramdam.7. Sapagkat ang karunungan ay iniipon (cumulative), ang mga tala ng nakalipas nakarunungan ay dapat isalin. Ito ang dapat gawin ng mga tagapagtaguyod ng wikangFilipino.Isang Bagay na Dapat Pansamantalang TigilanSa wakas, uulitin ko: May mga bagay-bagay na dapat huwag nang bigyang diin ngmga pinuno o tagapagtaguyod ng wikang Filipino para mas mabigyang tugon angmahigpit na pangangailangan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Halimbawa, angmga tagapagtaguyod ng Filipino ay dapat tumigil muna sandali sa pag-uukol ngpanahon sa mga pamamaraan o methods of teaching.Iminumungkahi ko na dapat pag-ukulan ng pag-aaral ng mga tagapagtaguyod ngFilipino ang larangan ng karunungan na nauukol sa Language Planning. Napakahirapintindihan ang paksang intelektwalisasyon ng Filipino kung hindi natin alam angiba't ibang bahagi at kuntil-butil o detalye ng Language Planning.

Wikang Filipino – Wika sa Globalisasyonni: Tereso Tullao, Jr., Ph.D.

Buod

May papel ba ang wikang Filipino sa harap ng laganap na globalisasyon nanaglalayong pag-isahin ang iba't ibang aspekto ng buhay sa buong mundo tungo saisang bilihan, sa isang pamantayan, sa isang wika? May malakas na sigaw tayongnaririnig na kinakailangang paunlarin ang ating kaalaman sa wikang Ingles dahilito ang wika ng komersyo, wika ng siyensya, wika ng makabagong teknolohiya;

Page 26: 67283871-Filkomu

samakatuwid, ang wika ng globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala naang kaalaman sa wikang Ingles ng ating mga manggagawa ay isa sa mga pangunahingbatayan ng ating pagiging kompetitibo. Ang kaalaman sa wikang Ingles angdahilan ng ating komparatibong kalamangan sa kalakalang internasyonal. Sakabilang banda, ang sanaysay ay naghahamon sa pagtatanghal at pagpapaunlad ngwikang Filipino bilang wika sa globalisasyon para sa mga nakararaming Filipino.Kahit na ang proseso ng globalisasyon ay nagsasanib, ang kakayahan nitongmaghati ay nagbabantang mahiwalay ang maraming Filipino sa mga biyaya ngglobalisasyon. Upang mangibabaw ang epekto ng pagsasanib kaysa epekto ngpaghahati, higit na episyente na maging susi ang wikang Filipino bilang wika saglobalisasyon. Ang layunin ay maisama ang dumaraming mamamayang Filipino na masnakauunawa sa wikang Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.

Ang Papel ng Wika sa Ating Lipunan

Mahalagang kasangkapan ng panlipunang kapital ang wika na ang gamit ay gawingepisyente o mabisa ang mga transaksyon sa isang ekonomiya. Dahil ito ayinstrumento na namamagitan sa mga tao, may kakayahan itong maging susi saintegrasyon ng isang lipunan. Subalit kung ang lipunan ay pinamumugaran ngmaraming wika, o may nangingibabaw na wika sa paligid ng maraming wika, hindinagagampanan ng wika ang kakayahan nitong pag-ugnayin ang mga tao, mga sektor,mga lugar sa isang lipunan. Samakatuwid, di episyente ang mga transaksyongekonomiko. Ang ganitong kalakaran ay maaaring maging sanhi sa mabagal napagsulong bunga ng magastos na paggamit ng mga produktibong sangkap.

Ang kritisismo sa wikang Ingles sa kakayahan nitong maging mahalagang sangkap ngpanlipunang kapital ng Filipinas ay hindi nakabatay sa dahilang ito ay isangdayuhang wika. Kahit pa tinatanggap na ang wikang Ingles bilang nangingibabaw nawika sa larangan ng pulitika, batas, ekonomiya, at kultura sa bayang ito, hindinaman nito napag-uugnay ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang pakikilahok samga nabanggit na aspekto ng lipunan. Hindi rin pinagdududahan ang wikang Inglesdahil ang pangingibabaw nito ay nakabaon sa pagiging wikang ginagamit ng mganaghaharing-uri, namumuno, kumokontrol at nagpapalakad ng ating lipunan. Angalinlangan sa wikang Ingles ay nagmumula sa pagiging wikang di mapag-ugnay,wikang mapaghiwalay, at wikang naghahati ng mga sektor at mamamayan. Kung angwikang Ingles ay tunay na mapag-ugnay at nagiging daan sa episyenteng pamagitanng mga transaksyon, hindi mahalaga ang pagiging dayuhan nito o kung ito ayginagamit ng mga naghaharing uri dahil may panlipunang halaga pa rin ito sa mganasasakupan dahil sa pag-unawa nila rito nagagamit ito sa kanilang mgatransaksyon. Kung ito ang nangyayari, masasabi nating tunay na ngang mahalagangsangkap ng ating panlipunang kapital ang wikang Ingles.Ang wika ay hindi lamang isang instrumento na nag-aayos at namamagitan, ito ayrin ay instrumento na nagpapatatag at nagpapaunlad sa isang lipunan. Tulad ngnabanggit na, inaayos ng wika ang mga transaksyon ng mga tao upang magawa atmagamit ang mas malawak na yaman. Ang maayos na transaksyon ay nauuwi samabisang paggamit ng mga yaman ng isang lipunan at nakapagbibigay daan tungo sapinakamataas na antas ng kagalingan habang tinutugunan ang mga pangunahingkagustuhan ng mga tao.Samantala, ang katatagan ng isang ekonomiya ay natatamo kapag ang mga resulta ngmga transaksyong nagpapalawak ng yaman ay tumutugma sa mga resulta ng mgatransaksyong gumagamit sa mga yaman. Alam natin ang papel na ginagampanan ng

Page 27: 67283871-Filkomu

pamahalan at ng bilihan upang mapatatag ang iba't ibang presyo ng mga yaman saisang lipunan. Ngunit may mahalagang papel din ang kultura upang mahimok angmga mamimili ng sari-saring produkto at serbisyo na itugma ang kanilangkagustuhan sa harap ng kapos na yaman. Sa kabila ng mga patakarang fiscal,monetaryo at pagpapalitan ng salapi, nariyan din ang paghahamon at paghihikayatsa ating mga mamayanan na magsakripisyo, magtipid, magbayad ng buwis upangmatugunan ang katatagang ekonomiko. Ang wikang nauunawaan ng nakararami at hindiang wikang nangingibabaw ang higit na mabisang gamitin upang maabot angpinakamaraming mamamayan na tutugon sa problema ng katatagang ekonomiko.Tignan natin ang lakas at bisa ng paggamit ng wikang Filipino. Marami sa atingkababayan ang may negatibo o halos walang kaalaman sa diwa ng WTO, APEC at AFTAnang ito ay tinatalakay sa wikang Ingles ng mga lider ng pamahalaan. Ang ValueAdded Tax (VAT) ay hindi rin maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan dahil iilansa ating mga pinuno sa BIR ang kayang ipaliwanag ito sa wikang Filipino. Ngunitnang magbuhos ng maraming anunsyo ang pamahalaan sa pagpapaliwanag tungkol saAPEC at VAT na isinulat sa wikang Filipino, marami ang nakaunawa at humina angsigaw ng pangamba at pagrereklamo ng mga mamamayan.

Mahalaga rin ang papel ng wika sa mobilisasyon ng mga mamamayan tungo sakaunlaran. Hindi lamang mabisa ang wika sa agarang mobilisasyon, nagagamit rinito sa pagtugon sa mga isyung pangkaunlaran tulad ng populasyon, pagkasira ngkapaligiran, pagpopondo ng kaunlaran, pagnenegosyo, pagbabayad ng tamang buwis,pagpapataas ng produktibidad at marami pang iba. Ang wika ay magagamit upangmapalawak ang kapasidad ng ekonomiya na makalikha ng yaman sa mga susunod nahenerasyon. Halimbawa, sa pag-anyaya sa ating mga kababayang kapos sa mgakinakailangang yaman, ang wika ng nakararami ang ginagamit upang maunawaan nanglubusan na ang pagnenegosyo sa halip na pagiging empleyado ang angkop naistratehiyang pangkabuhayan para sa kanila.Ang mahalagang papel ng wika sa pag-aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad ngekonomiya ay nakapaloob sa layuning itanghal ang integrasyon ng ekonomiya.Subalit, may dalawang uri ng integrasyong hinaharap ang isang ekonomiya: angintegrasyong panloob at integrasyong eksternal. Ang bawat uri ng integrasyon aymay angkop na pamagitang wika na ginagamit upang malasap ang mga biyaya ngintegrasyon.

Integrasyong PanloobSa isang sanaysay may isang dekada na ang nakalilipas, inilarawan ko angkahinaan o kawalan ng integrasyon ng ating lipunan na nagdudulot ng malakingsagabal sa ating mabilis na pag-usad bilang isang ekonomiya, isang bayan atisang lipunan. Naririyan ang mahigit sa pitong libong pulo na pinaghihiwalay ngmalalawak na karagatan. Kung minsan dahil sa kawalan ng sapat ng paraan ngtransportasyon, ang hiwa-hiwalay na mga pulo ay nauuwi sa mabagal na kalakalansa pagitan ng mga isla. Kung tayo ay isang buo o pinag-isang ekonomiya bibilisang daloy ng palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga pulo na siyangmagpapalawak sa dagdag na yaman sa ating ekonomiya.Sa larangan ng ekonomiks, ang formal at impormal na sektor ay nauuwi sadalawahang ekonomiya, magkahiwalay at mahina ang kapit sa isat-isa. Angduwalismong ito ang isa sa mga sagabal sa ating pag-usad.Nariyan din ang agwat sa kultura na lumalabas sa wikang nangingibabaw at sakulturang kanluranin na katapat ng naiibang kulturang bayan na ang gamit ay angwika ng masa. Ang agwat ng magkahilerang kultura ay makikita rin sa ng paggamit

Page 28: 67283871-Filkomu

ng wikang Ingles sa mga pamantasan, komersyo at pulitika samantalang angpaggamit ng Filipino at iba pang katutubong wika ay sumasakop lamang sa mgaimpormal na diskurso at usapin.May agwat din sa larangan ng pulitika sa ating bayan. Ang kanluraning sistema ngdemokrasya ay tinatapan ng impormal na pulitika ng personalidad. Magkahiwalayang pulitika ng isyu sa pulitika ng mga sikat. Kahit sa pagpapatupad ng batas,kung minsan ay ginagamit pa rin natin ang pamamaraan ng kakilala kaysa sapagtupad sa mga umiiral na regulasyon, patakaran, batas, regulasyon at probisyonng Konstitusyon.Marami, iba't iba ang antas at lalim ng agwat sa pagitan ng dalawangmagkasalungat na panuntunan sa iba't ibang aspekto ng ating lipunan. Ang agwatna ito ang isa sa mga sanhi kung bakit mahina ang ating lipunan lalo na sakaayusang ekonomiko. Dahil sa luwang ng mga agwat na ito, hindi mahihigpit angmga koneksyon ng iba't ibang aspekto ng buhay na nauuwi sa kahinaan sa pagtugonsa mga layunin ng isang lipunan. Bunga ng mga agwat na naghihiwalay sa mgasektor, ang kakayahang mapataas ang pambansang yaman ay kumikitid. Dahil din saagwat na ito, nagiging mahina ang pundasyon sa katatagan at kaunlaran.

Globalisasyon, ang integrasyong eksternalAng globalisasyon ay mailalarawan bilang mga samut-saring proseso na naglalayongmapag-isa ang iba't ibang networks ng mga networks sa buong mundo sa pamamagitanng kompetisyon, pakikipag-ugnayan (inter-koneksyon) at pagtutulungan(inter-dependence). (Tullao, 2001). Ang kasalukayang prosesong ito ay bumabalotat nagpapabago sa lahat halos ng antas ng buhay at lipunan sa iba't ibang lugarsa buong mundo. Ang lawak, lalim at bilis ng paggalaw ng mga produkto, kapital,kaalaman at mga tao sa pagitan ng mga bansa ang nagpalawak sa kasalukuyang gamitng konsepto ng globalisasyon. Dahil dito, ang globalisasyon ang isa sapinakalantad na realidad sa kasalukuyan na nakaapekto sa iba't ibang bahagi ngbuhay at ito ang pangunahing dahilan na nagbibigay ng bagong batayan atkatuturan sa umuusbong na papel ng mga indibidwal, institusyon at istruktura saisang lipunan.Ang konsepto ng globalisasyon ay isang paradokso dahil maraming kaakbay nakontradiksyon ito. Sa kabila ng pagiging mapagsanib nito, ito ay nagdadala rinng paghihiwalay bilang katapat na sakripisyo. Kahit na ito ay may kakayahangmag-ugnay, ito ay rin ay mabilis sa tumatanggi sa mga hindi handa at hindikarapat-dapat. Kahit na ito ay lumilikha ng pamantayang global, nauuwi ito sadi-pantay na pakikinabang sa proseso. Samakatuwid, sa paglayon nitong matamo angpinag-isang mundo lumilikha ito ng duwalismong internasyonal at marami itongnasasaktan sa proseso ng integrasyon.Sa larangan ng produksyon, ang pangingibabaw ng pamantayang episyentengpamamaraan, nawawalan ng trabaho ang mga manggagawa at nayayapakan ang mgaindustriyang hindi kayang makipagtunggali sa pamantayang internasyonal.Sa pagtatanghal ng pinag-isang pamantayan at ang unti-unting paglalatag ng isangpamahalang global, ang mga bansa ay nawawalan ng kapangyarihan at humihina angkanilang kasarinlang gumawa ng mga regulasyon sa loob ng kanilang sinasakupangteritoryo.Ang mga daang ginagamit upang mapag-ugnay ang mga networks sa produkto, kapital,teknolohiya at kaalaman ay ang parehong daang ginagamit ng iba't ibang sektorupang ilantad ang mga di-pantay, di-inaasahan at mga sistematikong panganib naibinubunga ng globalisasyon habang pinag-uugnay ang mga networks. Ang mganetworks na nag-uugnay ay ang mga daan ding ginagamit upang magkabuklod ang

Page 29: 67283871-Filkomu

ibat-ibang sektor sa iba't ibang sulok ng daigdig upang tutulan ang patuloy naglobalisasyon dahil sa bigat ng mga ibinubungang sakripisyo nito.Dahil sa bilis ng pagsulong sa information technology, maraming tao sa buongmundo ay nakakukuha ng informasyon na mas mabilis pa sa kidlat. Subalit angganitong pag-uugnay sa informasyon ay nagpalawak din ng dibisyon sa kakayahangmakakuha ng informasyon at sinasagi ang mga indibidwal, sektor at mga bansabunga ng limitadong yaman at kakayahang makibahagi sa network sa informasyon.Sa larangan ng kultura, pinag-iisa ang mundo sa pamamagitan ng pagtatanghal ngisang pandaigdigang kultura, kaayusan, gawi, sistema ng estetika at kung minsanay pati wika. Ang wikang ginagamit sa mga transaksyon sa globalisayon ayunti-unting kumikitid sa iilang wika sa pangunguna ng wikang Ingles.Batay sa mga kontradiksyong nabanggit, ang isang timbang na pananaw saglobalisasyon ay kinakailangan upang maunawaan ang mga di pantay na resulta ngdi mapigilang kasalukuyang realidad. Ang influwensya ng pulitika, ekonomiya,nagbabagong ideya at papalakas na kamulatang panlipunan at pangkapaligiran aymga pwersa na pagpapasulong o hahadlang tungo sa isang timbang na pamamahala ngglobalisasyon.

Wikang Filipino at ang IntegrasyonAno ang papel ng wikang Filipino sa kapaligirang may dalawang uri ngintegrasyong hinaharap ang ating lipunan? Walang duda na sa larangan ngintegrasyong panloob binanggit na natin ang mga pangunahing papel ng wikangnauunawaan ng nakararami sa pag-aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad ngekonomiya. Ang pananaw na ito ay lumilihis sa pananaw na ang wikang Filipino ayginagamit lamang upang itangghal ang nasyonalistikong damdamin. Samakatuwid, angintegrasyong kultural ang tanging matatamo sa paggamit ng wikang Filipino.Ipinahihiwatig din ng pananaw na ito, sa larangan ng komersyo, batas, atpulitika ang nangingibabaw na wikang Ingles ang dapat pa ring pairalin kahit namahina ang kakayahan nitong pag-isahin ang mga nabanggit na duwalismo sa iba'tibang aspekto ng lipunanAng pananaw na ito ay tinatanggihan ko dahil naniniwala ako na sa harap ngduwalismo sa ating lipunan may halagang ekonomiko ang wikang Filipino naginagamit sa mga transaksyon ng mas nakararaming Filipino. Dahil ito ang wikangginagamit ng informal na sektor, ang malawakang paggamit nito ay maymakabuluhang halaga sa pag-aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad ng ekonomiya. Saaking palagay, ang pagpapatupad ng pananaw na walang halagang ekonomiko angwikang Filipino ang isa sa mga dahilan kung bakit mahina ang integrasyongpanloob na nauuwi naman sa mabagal nan pag-usad ng ating ekonomiya. Sa harap ngkahinaan ng wikang Ingles na pag-ugnayin ang lipunan, bakit ayaw natingbungkalin ang potensyal ng wikang Filipino na mapakitid, kung di man isara, angmga agwat sa ating duwalismong lipunan.

Sa integrasyong eksternal, ang mga tagapagtaguyod ng globalisasyon ay sumisigawna kinakailangan ang pag-aaral at pagsasanay sa wikang Ingles dahil ito na angnagiging wika ng kalakalang internasyonal at ang wika ng globalisasyon. Hindi kominamaliit ang ganitong pananaw o ipinagkakait na may katotohanan ang ganitongpaniniwala. Ang aking pangamba sa pananaw na ito ay baka lalong magingmapaghiwalay o mapaghati sa halip na maging mapag-isa ang proseso ngglobalisasyon kung hindi natin pauunlarin ang wikang Filipino bilang wika saglobalisasyon. Papaano naman nakasasali sa proseso ng globalisasyon angnapakaraming mamamayang Filipino kung hindi sila marunong at bihasa sa wikang

Page 30: 67283871-Filkomu

Ingles? Sila ay magiging halimbawa na isinasantabi ng globalisasyon dahil hindisila nakikihalok sa pagtanggap ng mga biyaya nito.Sa aking palagay sa harap ng globalisasyon, higit na kailangan ang integrasyoninternal upang mapalakas ang kakayahan nating makipagtunggali sa kalakarangglobal. Ang malakas na integrasyong panloob din ang magpaparami sa mgamamamayang makikisangkot sa mga benepisyo ng globalisasyon. Samakatuwid,kinakailangang pasiglahin, pagyamanin at palakasin natin ang panloob na yamanupang makipatunggali, at makinabang sa mga benepisyo ng globalisasyon atintegrasyong eksternal. Ang malakas ng integrasyong panloob ang panlaban natinsa kultura ng eksklusyon ng globalisasyon na pumapatid sa mga mahihina at dikompetitibo.Nangangahulugan ba ito na isasantabi na natin ang wikang Ingles? Sa harap ngisang baylingwal na kultura, kahit gustuhin natin hindi na natin maaaring itaponpa ang wikang Ingles. Nasa atin na ito kayat pagyamanin natin ito at gamitinnatin ito sa ating integrasyong eksternal. Ngunit kakailanganin at dapat dinnating pagyamanin ang antas ng kaalaman sa iba't ibang disiplina sa wikangFilipino upang maging instrumento ito sa pagpapakitid ng mga agwat sa pagitan ngmga mamamayan sa iba't ibang aspekto ng lipunan.Malaki ang papel na ginagampanan ng mga intelektwal sa gawaing ito.Kinakailangan maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan ang mga prinsipyo atkonsepto sa wikang alam nila nang makisangkot sila sa proseso ng globalisasyon.Halimbawa, sa pagtatanim o pag-aalaga ng hayup, kahit hindi marunong ng Inglesay magiging produktibo pa rin ang mga mamamayan dahil naunawaan nila ang mgamakabagong pamamaraan sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop sa wikang nauunawaannila. Ang mga makabagong proseso ng produksyon ay ipinaliliwanag sa mgaproduktibong manggagawang Thai, Tsino, at Taiwanese sa wikang lokal kayat madalinilang itong naipatupad. Kung Ingles ang mamamayani sa atin, ang mga aral lamangang agarang makagagamit ng benepisyong ito. Kaya, kung maisasalin omaipaliliwanag ng mga intelektwal na Filipino ang mga makabagong teknolohohiyasa wikang Filipino, magiging malaganap ang paggamit ng teknolohiya at maypotensyal na tumaas ang pambansang kita.Sa larangan ng medisina at kalusugan, madaling mauunawaan ng mga ordinaryongFilipino ang mga paraan ng pangangalaga sa sarili at panggagamot kung ito aynaipaliwanag sa wikang Filipino.Sa larangan ng batas, kung maipaliliwanag ito sa wikang nauunawaan ng mgaordinaryong mamamayan, marami ang makauunawa sa kanilang karapatan at mgaobligasyon bilang mamamayan.Sa larangan ng pananalapi, kung maipaliliwanag ang iba't ibang instrumento ngpag-iimpok at dahilan ng pamumuwis, baka kaunti na lamang ang magrereklamo sakakulangan ating pamahalaan at madaling maibubungkal sa kanilang isipan ang mgabiyaya ng pagsisikap at pagnenegosyo.Batay sa direksyon ng ating demographiya, dumarami na ang mga Filipinongnakauunawa sa wikang Filipino batay sa Tagalog. Ito ang nagiging lingua francang maraming Filipino. Subalit kahit marami ang nakauunawa nito, matatagalan paang lalakarin upang maging tunay na intelektwalisado ang wikang Filipino at bakaabutin pa ng 100 ayon kay Bonifacio Sibayan. Ngunit kailangang simulan na angunang hakbang ngayon.May mga taong nagsasabing ang papapaunlad ng wikang Ingles ay isang paghahandapara hindi tayo maisantabi ng proseso ng globalisasyon. Ang wikang Ingles nga baang susi sa ating integrasyong eksternal? May sapat bang batayan ang pangangambang ilan na pinahihina natin ang Ingles dahil ginagamit natin ang wikang Filipino

Page 31: 67283871-Filkomu

sa pagsasaalita? Mawawalan na nga ba ng komparatibong kalamangan ang mgaFilipino sa bilihang internasyonal sa paglaganap at paggamit ng wikangFilipino? Ito ang mga tanong ng mga tumututol sa pagpapaunlad ng wikangFilipino.Kung ang wikang Ingles ang batayan ng ating kompetitibong kalamangan, bakithigit na mabilis ang pag-unlad ng Thailand, Tsina at Vietnam kung ihahambing saating ekonomiya gayong hindi naman bihasa sa Ingles ang kanilang mga manggagawa?Hindi Ingles ang dahilan ng kanilang masiglang ekonomiya bagkus maaaring ituroito sa kanilang mahigpit na integrasyong panloob. Samantala, ang kahinaan ngintegrasyon ng ating ekonomiya ang sanhi ng ating mabagal na pag-usad.Naririto sa atin ang mamahuhusay na manager, sanay sa wikang Ingles ngunit angmga tauhan, manggagawa at tagasunod nito ay pawang gumagamit, dahil mulat, ngwikang Filipino. Papaano makukuha ang tamang timbre at tono ng isang musikagayong hindi magka-akma ang mga namumunong konduktor sa mga tagasunod namusikero?Ang dapat nating ipangamba ay ang kawalan ng interes ng mga intelektwal sabayang ito na paunlarin ang wikang Filipino sa harap ng paglaganap at pagtanggapng maraming mamamayan sa wikang Filipino sa paglipas ng panahon at sa ibat ibangsektor at lugar sa ating bansa.Tulad ng nabanggit ko na, ang papel ng mga intelektwal ay mag-aral, magsalita,magsalin at magsulat sa wikang Filipino. Ang ganitong hamon ay hindi upangitakwil ang Ingles ngunit upang mabisang mailipat ang mga biyaya ng siyensya,makabagong teknolohiya, gawi, at kultura sa wikang madaling maunawaan ngnakararaming Filipino. Nasisiyahan na ba tayo na 30% lamang ng ating mgakababayan ay nakauunawa sa wikang Ingles at wala tayong ginagawa sa katotohanangmahigit sa 90% ng mga Filipino nakauunawa sa wikang Filipino? Malaki ang papelng mga intelektwal sa bayang ito upang maging susi sa integrasyong internal. Sapagbubungkal nila ng kanilang profesyon at disiplina sa wikang Filipino,posibleng mapag-ugnay ang hiwa-hiwalay nating lipunan at madali nang maidadalasa mga Filipino ang integrasyong eksternal.Dahil dito ang pagpapayaman at pagpapalawak ng wikang Filipino bilang wikangintelekwalisado ay magiging wika sa globalisasyon. Ang wikang Filipino angmagiging tagapamagitang wika upang maunawaan at makilahok ang marami natingmamamayan sa proseso ng globalisasyon.Samantala ang pagtataguyod ng Ingles sa harap ng maraming Filipinong hindinakauunawa nito ay isang mapaghiwalay at di episyenteng pamamaraan. Ang mga datinang nakikinabang sa globalisasyon ay sila pa rin ang patuloy na makikinabang saprosesong ito.Mayroon akong mga espesipikong hamon sa departamento ng Filipino sa atingpamantasan. Kung hindi maisasagawa ng mga taga departamento ng Filipino angpagsasalin, dalawang bagay ang kanilang magagawa. Una, makipag-ugnayan atmakipagtulungan sa mga intelektwal ng mga iba't ibang disiplina sa unibersidadat pagtulungan ang pagsasalin ng mga obra maestra sa ibat ibang displina.Ikalawa, kung walang makukuhang espesyalista, ang mga tagapagsalin ay dapatmag-aral ng mga displina hanggang sa masters level.Higit pa sa pagsasalin, ang mga bagong teorya, imbensyon, kalakaran sa isangdisplina ay dapat nang matutunan at maibahagi sa mga ordinaryong Filipino atestudyante upang matutunan nila ang makabagong kaalaman sa bawat disiplina.Kasama rin ang paglalathala ng mga pananaliksik sa disiplina ay dapat isulat sawikang Filipino.Ang aking ipinagpapalagay dito ay mananatiling Ingles ang mangingibabaw na wika

Page 32: 67283871-Filkomu

sa ating bansa. Marami pa ring intelektwal ang mag-aaral, nananaliksik atmagsusulat sa wikang Ingles. Subalit ang mga intelekwal ding iyan ay dapat dingmahasa sa pagsusulat at paglalahad sa wikang Filipino.Kung ang papel ng Ingles ay mapag-uugnay tayo sa bilihang internasyonal atmatamo ang integrasyong eksternal, ang magagawa ng pagpapaunlad ng Filipino aymapalakas ang ating integrasyong internal. Dahil na rin sa pagiging baylingwalng mga Filipino, mauuwi ito sa pagpapalakas ng integrasyong eksternal atinternal. Ang pagtugon sa dalawang uri ng integrasyon ay maaari ring gawin ngwikang Ingles ngunit sa aking paniniwala, hindi episyente ito at mahirapan angIngles, kahit na ito ay ang nangingibabaw na wika, bunga ng kasalukuyangduwalismo sa ating lipunan.

Kongklusyon

Ang pagpapaunlad ng wikang Filipino ay isinusulong dahil sa tatlong pangunahingdahilan. Una, malawak ang gamit ng wikang Filipino hindi lamang sapagpapatingkad ng damdaming nasyonalistiko. Ikalawa, ang wikang Filipino aymagagamit sa pag-aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad ng ekonomiya. Ikatlo, dahilmay kakayahang mapalakas ng wikang Filipino ang integrasyong panloob, maypotensyal itong maging wika sa globalisasyon.Sa isang bansang papaunlad na humaharap sa pwersa ng globalisasyon, marami angnagtatanong kung bakit kinakailangan pang paunlarain ang wikang Filipino saiba't ibang disiplina gayong mas kailangan nating matuto ng Ingles naitinuturing wika ng kalakalang internasyonal. Hindi natin kinakaila attinatanggihan ang integrasyong eksternal ngunit isang pangunahing kundisyonupang malasap nang lubusan ang mga biyaya ng globalisasyon ay ang lakas ngintegrasyong internal. Iilan lamang sa ating mga kababayan ang nakalalasap ngmga biyaya ng globalisayon dahil sa mga kaalaman na natutunan sa wikang Inglessamantalang marami sa ating mga kababayan ay nahihirapang makisangkot bunga ngkawalan ng kaalaman. Ang ganitong sitwasyon ay isang lantarang palatandaan ngkahinaan ng integrasyong internal.

Ang integrasyong internal ay mapalalakas kung ang kaalamang natutunan sa wikangIngles ay maisasalin sa wikang Filipino. Dahil dito higit na maraming Filipinoang magkakaunawaan at mas marami din ang maaaring makisangkot at makinabang sabiyaya ng globalisasyon.Kung marami sana sa ating mga pinuno ng pamahalaan, intelektwal, negosyante aymarunong magsalita at magpaliwanag ng mga bagay sa pulitika, ekonomiya,kalakalan at relasyong internasyonal sa wikang Filipino, madaling matatanggapng mga mamamayan ang anumang panukala na nagmumula sa pamahalaan, pwersa ngbilihan at makabagong teknolohiya. Ito rin ang nagpapalakas ng integrasyonginternal.Tinatanggap natin na ang Ingles ay lalo pang lalaganap sa buong daigdig bilangwika ng kalakalang internasyonal at wika ng iba pang larangan ng lipunan.Ngunit sa paglaganap nito sa ating bansa lalo nating magagamit ito sa atingkapakanan kung isasabay ito sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Gamitin natinang Ingles sa pagpapahigit ng ating integrasyon sa labas ng bansa kasabay ngpaggamit ng Filipino upang humigpit ang integrasyon sa loob ng bansa. Ang masmahigpit na integrasyong internal ay nauuwi sa pag-ani ng mga biyaya ngintegrasyong eksternal ng mas marami naitng mamamayan. Dahil dito, hindi lamangnagiging wika sa globalisasyon ang wikang Filipino, nagiging tunay na susi ito

Page 33: 67283871-Filkomu

sa kaunlaran.

Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihanni Conrado de Quiros

Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap natin ang atingmga aso sa wikang Ingles. Wala kang naririnig na nagsasabing, "Upo, Bantay,upo," o"Habol, Kidlat, habol." Ang maririnig mo ay "Sit, Rover, sit," o "Fetch, Fido,fetch." Okung poodle, Fifi. Kung sa bagay tayo mang mga taong Filipino ay may mgapangalangRover, Fido, at Fifi, kaya hindi nakapagtatakang pangalanan din natin ang atingmga aso ng ganoon.Ang nakapagtataka ay kung bakit kinakausap natin sila sa Ingles. Ibig sabihin,kakaiba ba ang korte ng kanilang mga utak at natural silang sumusunod sa mgautos saIngles? Ang tinig ba ng Ingles ay hawig sa mga tunog na ginagawang silent dogwhistle? Ipauubaya ko sa mga dalubhasa sa sikolohiya ng hayop ang pagpapaliwanagnito.Pero may punto rito. At ang punto ay ito: marami at sarisari ang gamit ng wika;hindilamang bilang isang paraan ng komunikasyon ng dalawang tao. Sa tingin ko, lubosnasimplistiko ang paniniwalang ang wika ay isa lamang kasangkapan sa komunikasyon.Sa tingin ko, lubos na simplistiko ang paniniwalang ang tanging papel naginagampanan ng wika sa lipunan ay ang pagbibigay-daan sa palitan ng mga idea ngmga tao sa lipunang iyon.Totoong ang isang wika ay isa ring paraan o kasangkapan sa komunikasyon. Atbagama't isang bahagi lamang ito ng kabuuan ng wika ay malaking bahagi ito. Sabagayna ito, malaki ang halaga ng Ingles bilang isang paraan ng komunikasyon. Maypunto ang mga nagsasabi sa atin na hindi natin maaaring kaligtaan ang Ingles.Talaga namang hindi. Ang Ingles ay ang ating susi – o sabi nga ng mga bata, angating "connect" – sa mundo. Ito ang ating susi sa pandaigdigang impormsyon.Lalong-lao na sa panahong ito na masasaksihan natin ang isang "informationexplosion" na likha ng computers. Malamang ay narinig na ninyo ang Internet, ang

Page 34: 67283871-Filkomu

pandaigdigang electronic board para sa lahat ng uri ng impormasyon. Sapamamagitan ng Internet ay maaari nating ma-access pati na ang US Library ofCongress at mag-research doon. Maaari rin tayong makapanood ng sine o retratongbomba. Walang MTRCB sa Internet.Pero kailangan pa rin ang Ingles para mapakinabangan ang mga biyayang ito.Bagama't ang mga computer programs ay nagiging mas graphic na kaysa word-based—gumagamit ng icons kaysa salita—kailangan pa ring magbasa kahit katiting. At angiskrip ay sa Ingles. Bukas ang information highway sa anumang uri ng sasakyan,kahit kariton, pero nakasulat sa Ingles ang mga signs sa kalye. Pag hindi tayomarunong mag-Ingles, mawawala tayo sa kalye. At talaga namang pagkalalawak ngmga kalye rito.Pero huwag nang isipin ang Internet; isipin na lang ang simpleng paglalakbay.Kailangan pa rin ang Ingles—maliban na lang kung sa Pilipinas ka langmaglalakbay. Atkung tutuusin, hindi bale na rin ang mundo—o ang pisikal na paglalakbay sa mundonamaaaring magawa ng iilang Filipino lamang. Isipin na lang ang paglalakbay ngisip namagagawa sa pagbabasa, panonood ng sine, pakikinig ng balita. Kailangan pa rinangIngles—liban na lang kung ang papanoorin lang ay mga sine ni Silvester Stallone.Walang duda na kailangan natin ng Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles.Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ngIngles.Isa sa mga maling akalang ito ay ang paniniwalang ang Ingles ay ang susi sakaunlarangpang-ekonomiya. Ito ang paboritong argumento ng mga nagtataguyod ng Philippines2000.Pinabubulaanan ito ng Thailand. Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang dahilsa ang sulat dito ay sulat-bulate, ayon nga sa isang kaibigan, kundi dahil iilanlamang ang marunong mag-Ingles. Iba pa kung paano nila bigkasin ang Ingles, natalaga namang papawisan ka ng dugo bago mo maintindihan. Kahit na hotel clerksay hindi makapag- Ingles ng diretso. Ang pinakamadaling paraan paramakapagtalastasan sa taxi driver at tindero ay sign language.Pero gayumpaman, ang Thailand ay isang tigre, samantalang tayo, naipinangangalandakan ang ating Ingles, ay isang basang-sisiw lamang. Ayon kayPeter Limqueco, isang kaibigan na nag-eedit ng isang diyaryo sa Bangkok.Pumapangalawa lamang ang Thailand sa Japan sa computer technology sa Southeastat South Asia. Makikita ang ebidensiya ng kaunlaran sa Bangkok—sa mga gusali,sa mga skyway, sa mga pagawaan. Ang kaunlaran dito, ayon kay Peter, ay hindisinusukat sa taon kundi sa buwan. Mawala ka lang ng ilang buwan at nagbago naang hitsura ng lugar. Bale ba, bagama't hindi marunong mag-Ingles ang mga Thaiay higit na malaki ang kanilang turismo kaysa atin. Ihambing mo ang turismo nilaat turismo natin at parang pinaghahambing mo ang daga at elepante. Ang bilang ngmga turistang pumapasok saatin sa isang taon ay ang bilang ng turistang pumapasok sa Thailand sa isangbuwan.Malinaw na ang mga tao ay bumibisita sa ibang bansa hindi dahil sa kaalaman ngmgamamamayan doon ng Ingles.Subali't hindi pa ito ang problema sa Ingles. Sapagka't gaya ng nasabi ko

Page 35: 67283871-Filkomu

kanina, hindi lamang isang paraan ng komunikasyon ang wika. Lalong-lalo na angIngles. Lalong-lalo na sa bansang ito. Ang Ingles ay hindi lamang isang paraanpara makapag-usap; ito ay isa ring paraan para makapaghari. Hindi lamang itoisang susi sa impormasyon; isang susi ito sa kapangyarihan. Ang Ingles aykapangyarihan sa isang paraan na higit pa sa karaniwang kahulugan na kapagmatatas kang magsalita ay may kapangyarihan ka sa kaligiran mo. Kapangyarihanang Ingles sa isang payak o literal na paraan. Marunong kang mag-Ingles,makakarating ka sa itaas. Hindi ka marunong mag-Ingles, mauuwi ka sa pagigingkargador.Sa bansang ito, hindi lamang salita ang Ingles kundi orasyon, na pinanghahawakanng isang kaparian. Ano man ang sabihin mo, matino man o hindi, kapag sinabi mosa Ingles ay nagkakaroon ng bigat, o halaga. Ang "marunong mag-Ingles" ay hindilamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe. Palatandaan ito ng kaalaman, ngpagkakaroon ng "class," ng pagkakaiba sa karaniwang mamamayan. Kapag sinabi moang isang bagay sa Ingles ay tila pinag-isipan mo ito ng malalim. Siguro itoang dahilan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa Ingles. Siguro,akala natin, kapag nag-Ingles ka, aso man ay seseryosohin ka.

Sa mula't mula pa ay nasapol na ng mga Kastila ang katotohanang ang wika aykapangyarihan, at sinikap nilang pakinabangan ang kapangyarihang ito sapamamagitan ng pagkakait sa mga Indio ng salitang Espanyol. Kung sa bagay, saumpisa ay hindi ito tuluyang sinadya. Nakita ng mga misyonerong kagaya ni PedroChirino na mas madaling pag-aralan ang mga salitang Indio kaysa turuan sila ngEspanyol. Mas madaling turuan ang mga Indio ng Kristiyanismo sa pamamagitan ngkanilang mga wika kaysa Espanyol.Makikita rin ang mga bagay na ito nina Mike Velarde at iba pang mga matagumpayna"misyonero" sa kasalukuyan. Sa bandang huli na lamang sadyang ipinagbawal ngmgaKastila ang wikang Espanyol sa mga eskuwelahan at iba pang institusyon ng mgaIndio.Ito ay para ipuwera sila sa alta sosyedad at tuloy sa pagpapalakad ng bayan.Iba ang naging karanasan ng mga bansa sa America Latina. Kaiba sa Filipinas,ang mga bansang ito ay naging settler colonies, o mga kolonyang tinirahan ng mgataong galing sa kanluran. Para matirhan ang madaming lugar dito ay pinagpapatayng mga settler o kolonyalista ang katutubong populasyong Indio. Isang malinaw nakaso ng genocide. Umusbong ang isang populasyong creole, na galing sa mga dayongEspanyol at nagsasalita ng Espanyol.Naunawaan ng mga Espanyol na ang wika ay kapangyarihan pero nagkamali sila sapagsasamantala nito. Ang mga Amerikano ang makakakita ng wastong pagsasamantalanito. Ito ay hindi ang pagkakait ng wikang kolonyal sa mga Indio kundi angpagpapalaganap sa kanila nito. Ang pagkakait ng mga Espanyol ng wikang Espanyolsa mga Filipino ay hindi nakapagpabait sa mga Indio. Naging rebelde sila. Angpagtuturo ng Ingles sa mga Filipino ay hindi nakapagrebelde sa kanila. Nagingmasunurin sila. Ito ang totoong problema sa Ingles, ang dahilan kung bakithindi natin dapat akalaing ito ay isang purong grasya. Malinaw sa atingkasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundiparaan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ngmga mamamayan. Naging paraan para ito ay sa paghahati ng mga mamamayan. Angtanging diyalogo na ginawa nito ay ang diyalogo sa pamamagitan ng pamahalaangkolonyal at ng lokal na naghaharing-uri. Kasunod sa kaputian ng balat, ang

Page 36: 67283871-Filkomu

galing sa paggamit ng Ingles ay naging pasaporte sa sirkulo ng kapangyarihan.Nalikha ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Ingles ang isang naghaharing-uri nasumasawsaw sa kanilang kultura. Ang wika ay hindi lamang koleksiyon ng mgasalita at mga paraan sa paggamit nito. Ang wika ay isang buhay na bagay.Tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan. Sumususo ang wika sa pambansangkasaysayan at karanasan. Ang pag-aral ng Ingles ay hindi lamang pagkabisa ng mgasalita at paggamit nito. Ang pag-aral ng Ingles ay pagbabad sa kultura nalumikha nito. Alam ko. Bilang isang manunulat sa Ingles, alam ko na para kamagkaroon ng kumpiyansa sa salitang iyon ay kailangang angkinin mo ang kaluluwanoon. Hindi lamang grammar at syntax ang wika. Ang wika ay kultura atsensibilidad. Kung tutuusin, ang wika ay hindi laging nagdudulot ngkomunikasyon. Kungminsan, nagdudulot ito ng kawalan ng komunikasyon. Malinaw na malaki ang ambagng Ingles sa pangalawa. Higit tayong pinaghiwalay kaysa pinag-isa nito. Makikitaangpuwang sa lipunan sa ating mga sine, ang pinakapopular na uri ng entertainmentdito saatin. Kapag mayaman ang pamilya ay tiyak na Ingles ang dialogue. Kapag katulongangkarakter ay mag-tatagalog, lalong-lalo na ang tipong may puntong Batangas oBulacan.Para maging class ang dating, ang mga artista mismo ay sumasagot sa Ingles samgainterview. Bagama't sikat siya sa labas, si Melanie ay laging magiging api ritodahil hindisiya marunong mag-Ingles.Ano ang dapat gawin? Paano natin pagtutugmain ang pangangailangan natin saIngles sa isang banda at ang pangangailangan natin ng isang wikang magbubuklodsa atin sa kabila?Ang sagot ay ang pagpapalakas ng wikang pambansa. Ang wikang iyan ay hindimaaaring maging Ingles. Iyan ay isang kaso ng, sabi nga sa Ingles, the "tailwagging the dog." Hindi maaaring ipagpag ng buntot ang aso. Ang pambansang wikaay maaari lamang maging Filipino.

Ang maling akala, o fallacy, ay ang paniniwalang kapag gusto mong palakasin angFilipino ay gusto mong pahinain ang Ingles. Hindi totoo iyan. Gusto natingpalakasin ang Filipino, pero gusto rin nating palakasin ang Ingles—bilangpangalawang lengguwahe, o second language. Ang mahalaga ay ang katagang"pangalawa" or "second." Hindi maaaring maging una ang Ingles.Makikita natin sa halimbawa ng Thailand at iba pang mga bansag Asyano na hindilamang ito posible kundi kailangan, Ayon sa mga nagtataguyod ng Philippines2000, ang mga bansang ito sa kasalukuyan ay puspusang nagpapalaganap ng Ingles:bakit tayo pupunta sa kabilang direksiyon? Simple. Dahil sa kung ang mga bansangito ay kasalukuyang nagpapalaganap ng Ingles, ito ay dahil sa mayroon na silangsarili nilang wika—Thai, Bahasa, Intsik, Hapon, Koreano. Bagama't puspusannilang itinutulak ang pag-aaral ng Ingles, wala sa mga bansang ito angmagpupumilit na palitan ang sariling wika ng Ingles.Kung bumisita ka sa ibang bansang Asyano, o Arab, ang unang maiisip mo ay kunggaano tayo kaiba sa kanila. Hindi tayo ang rule, tayo ang exception. Ang mgahiganteng diyaryo sa mga bansang ito ay nasa wikang pambansa. Iilan lamang angnasa Ingles, at ito ay nakatutok sa mga banyaga. Hindi aksidente na mas marami

Page 37: 67283871-Filkomu

ang mambabasa ng mga diyaryong Thai, Arab, Bahasa. Natural na gustong basahin ngmga tao ang naiintindihan nila.Maaaring ang mga bansang ito ay puspusang nagtuturo ng Ingles, pero mataposlamang silang magkaroon ng isang matatag at malusog na wikang pambansa, isangwikang pinagmulan ng national discourse, o usapang pambansa, isang wikangpinagmumulan ng kanilang puri at karangalan. Ganito nila nagagamit ang Ingleshabang naiiwasan ang alienating effects nito.

May kaibhan sa paghango at pagpapalit, may kaibhan sa paghiram at sa pagkopya."God bless the child that's got his own," ayon nga sa isang kanta. Totoo iyanhindi lang para sa mga indibidwal kundi para rin sa mga bansa. Ang ibang bansaay mayroong pinanghahawakan, tayo ay wala. Sila ay humahango at humihiram, tayoay nagpapalit at kumokopya. At tingin natin sa sarili natin ay cosmopolitantayo. Hindi ito pagiging cosmopolitan, ito ay simpleng pagiging uprooted.

Bakit hindi Filipino English bilang wikang pambansa? At ano naman ang gamit saatin ng Ingles na tayo lamang ang nakakaintindi. At kung tutuusin, ano naman angnaging ambag ng Filipino English—ang mga salitang "aggrupation" at "actuation"?Walang ganyang mga salita sa Ingles. Ang mga salita doon ay "group" at "action."Ang Filipino ba ay mayamang wika? Kaya ba nito ang seryosong diskusyon?Makikita natin sa mga talk show sa TV—salamat sa pinasimulan ng Public Forum—naganito na nga. Sayang lamang at hindi pa ito nangyayari sa diyaryo. Ang Filipinoay lengguwahe lamang ng mga tabloids at hindi broadsheets.Kung tutuusin, ano ba naman ang likas na mahusay na wika? Bago dumating siGoethe, mahusay lamang ang Aleman para sa Barbarians. Bago dumating si Pushkin,ang Russian ay mahusay lamang para sa pag-toast ng vodka. At bago dumating siShakespeare, ang Ingles ay mahusay lamang sa isang sakop. Ang husay nglengguwahe ay nasa mga taong gumagamit nito.

Ang paborito ko pa ring kuwento rito ay ang isang direktor ng teatro na minsanay tinanong ng isang estudyanteng pa-wers-wers: "Talaga bang epektibo angFilipino sa teatro?" Sumagot ang direktor, "Putang ina mo." Namutla angestudyante at dali-daling umalis.

"Tingnan n'yo," sabi ng direktor sa kanyang crew, "epektibo ang Filipino sateatro."

Ang Wika ay Kasangkapan ng Maykapangyarihan: Ang Wika Bilang InstrumentongPolitikalni Bienvenido Lumbera

Page 38: 67283871-Filkomu

Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa natinggumagamit din dito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wikaupang kamtin ang kailangan natin - kung nagugutom, humihingi ng pagkain; kungnasugatan, dumadaing upang mabigyan ng panlunas; kung nangungulila, humahanap ngkausap na makapapawi sa kalungkutan.

Subalit kaiba sa hininga, hindi likas na bahagi ng pisikal na buhay natin angwika. Isa itong instrumentong hiwalay sa ating katawan, isang konstruksiyongpanlipunan na kinagisnan nating "nariyan" na. Natutunan natin ito sa magulang,pamilya, paaralan at komunidad, at pagdating sa atin, kargado na ng mgakahulugan at pagpapahalaga na galing sa ibang tao, ibang lugar, at ibangpanahon. Sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan atnakikiisa sa mga taong naroon. Samakatwid, ang kamalayan natin bilang indibidwalay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sakamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabingkapangyarihan.Mula sa paksaing "Wika at Politika," humango ako para sa panayam na ito ng buodna nakasaad sa pamagat: "Ang wika ay kasangkapan ng maykapangyarihan." Ihahanapko sa ating kasaysayan ng mga halimbawa ang nasabing buod. Sa aking pakahulugan,ang "maykapangyarihan" ay sinuman at alinman na may lakas na pinanghahawakan nanagpapasunod sa tao o nagpapatupad ng balak at layunin. Ang "instrumentongpolitikal naman" ay mekanismo na kumukuha ng pagsang-ayon ng maraming tao sa mgaespesipikong gawaing itinatakda ng maykapangyarihan.

Ang wikang Filipino (sa anyo nitong Tagalog sa maagang yugto ng atingkasaysayan) ay naging instrumentong politikal nang sakupin tayo ng dayuhan noongsiglo 16. Ang dumating na mga kolonyalista ay alagad ng dalawang panginoon, angMonarkiyang Espanyol at ang Simbahang Katoliko. Nauna nang sinakop ng mgakolonyalista ang Amerika Latina, at doon ay natuto sila sa naging karanasan nilasa pagpapasuko ng mga katutubo. Naging madugo ang walang-habas na pagpapasukonila roon, kaya't nang dumating sila sa Filipinas, ay handa nilang subukin ang"mahinahong" pagpapasuko, lalo pa't maliit lamang ang pangkat nila kungikukumpara sa mga mamamayang dinatnan nila.Sa panig ng mga misyonerong kasama ng mga sundalo, ang misyon nila ay angpagpapalaganap ng relihiyong Katoliko. May pag-aalangan sa hanay nila kung paanoibabahagi sa mga katutubo ang doktrina ng Simbahan - ayon sa paniniwala nanaipalaman na ng Simbahan sa Peninsula ang mga banal na aral ng Katolisismo sakanilang wika, tila wikang Espanyol ang kailangang gamitin sa pagsasalin ngrelihiyon sa mga bagong binyagan. Subalit iilan lamang ang mga misyonero atlubhang marami ang mga paganong kailangang agawin sa demonyo sa lalong madalingpanahon. Sa isang pagpupulong ng mga pinuno ng mga orden relihiyoso, naipasyangsa mga wikang katutubo gagawin ang pagtuturo ng pananampalataya. Sa kapasyahangiyon, naging instrumentong politikal ang mga wika ng mga katutubo. Ang bawatorden ay nagtalaga ng mga misyonero na ang tungkulin ay ang pag-aaral ng mgawikang katutubo, at dito lumitaw ang mga pangalang ngayon ay kinikilala bilangmga tagapagpauna sa pag-aaral ng wika ng mga Tagalog—Francisco Blancas de SanJose, Gaspar de San Agustin, Juan de Plasencia, Pedro de San Buenaventura,Francisco de San Antonio, Domingo de los Santos, Juan de Noceda at Pedro deSanlucar.Ang pagsasalin ng mga tekstong Espanyol ay masasabi nating siyang panimulang

Page 39: 67283871-Filkomu

hakbang sa pag-angkin ng mga misyonero sa Tagalog. Noong 1593, lumabas ang unanglibrong limbag sa Filipinas, ang Doctrina Christiana. Nasa librong ito ang mgabatayang dasal ng Simbahan na isinalin sa Tagalog: Padre Nuestro, Ave MariaPurissima, Credo, Salve Regina atbp. Mahalagang banggitin na ang librong ito aynilimbag hindi para sa mga katutubo kundi para sa mga misyonerong magpapalaganapng pananampalataya. Matututunan ng mga katutubo ang mga dasal sa pamamagitan ngtradisyong pabigkas. Ibig sabihin, sa simbahan sa oras ng katesismo, isinasauloang mga dasal at paulit-ulit na bibigkasin hanggang ang mga ito ay maging bahagina ng kamalayan ng mga binyagan.Sa unang hati ng siglo 17, isang misyonerong nagngangalang Pedro de Herrera angnagsalin ng mga pagninilay tuwing may Santo Exercicio, na nalimbag bilangMeditaciones, cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong pag Eexercicios(1645). Nasa anyong patula ang mga pagninilay, dalit ang tawag ng mga Tagalog,at ito ay nagpapakilala sa bisa ng tradisyong pabigkas na inangkin na rin ng mgamisyonero upang mapadulas ang pagkatuto ng mga katutubo.Sa pagsisimula ng siglo 18, isang manlilimbag na layko ng mga Heswita, si GasparAquino de Belen, ang magsasalin ng Recomendacion del Alma ni Tomas deVillacastin at ilalabas ito bilang Mga panalanging pagtatagobilin sa caloloua ngtauong naghihingalo (1703). Ang saling ito ni Aquino de Belen ay katibayan ngmasinsinang pagsakop sa kamalayan ng mga katutubo na hanggang sa hukay ayinaakay sa pananampalataya ng mga misyonerong armado ng wikang katutubo.

Nakita natin sa halimbawa ng Meditaciones ni Pedro de Herrera kung paanoinangkin ang anyong pabigkas upang maihatid sa mga bagong binyagan ang mgakapaniwalaang Kristiyano. Ang lumang anyo ng tulang dalit ay pinasukan ng bagongnilalaman. Upang ang mga paganong tulang pasalaysay, marahil ay kabilang ditoang nawalang epiko ng mga Tagalog, ay magamit sa ikasusulong ng Kristiyanismo,ang salaysay ng pagsakop ni Kristo sa kasalanan ng sangkatauhan ay iginawa niGaspar Aquino de Belen ng mahabang tula na aawitin ayon sa tradisyon ng mgaTagalog. Ito ay ang Mahal na Passion ni Jesu Christong P. Natin na Tola (1703),ang akdang pagsusumundan ng Pasyong Pilapil na hanggang sa kasalukuyan ayinaawit ng mga Filipino tuwing sasapit ang Mahal na Araw.May mahabang kasaysayan ang tula sa Filipinas, na ang pinagsimulan ay hindi nanatin matutunton palibhasa'y kasintanda ito ng tradisyong pabigkas. Subalit angunang akdang nakasulat sa prosa ay tila nalikha lamang noong siglo 17 at ito aypamanang kolonyal ng prayleng Francisco Blancas de San Jose. Memorial de lavida cristiana en lengua tagala (1605) ang pamagat na Espanyol ng libro subalitito ay kinatha sa wikang Tagalog. Nilalaman ng Memorial de la vida cristiana angmala-sermong pagpapaliwanag sa bawat isa sa Sampung Utos ng Diyos sa prosangbatbat ng talinghaga at nagpapamalas ng galing ni San Jose sa paghuli sa estilong mga Tagalog. Totoo na ang sinaunang mga Tagalog ay nagsasalita ng prosa sakanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap sa kanilang mga kabaranggay, kayalamang ang kanilang prosa ay hindi pa isang anyo ng pagpapahayag dahil walasilang imprenta. Si San Jose ang siyang naging unang prosista dahil ang ordengDominiko ay nag-aari noong mga unang taon ng siglo 17 ng tanging imprenta