IKATLONG BAITANG
I. LAYUNINNabibigyang-kahulugan ang mga pahayag na opinion at
katotohanan
II.Paksa:Opinyon at Katotohanan
Sanggunian:BEC PELC, p. 17
Manwal ng Guro sa Bagong Filipino sa Salita at Gawa 3, XVIII, p.
13
Bagong Filipino sa Salita at Gawa 3, Pagbasa 3, pp. 108-110
Kagamitan:mga pahayagan, editorial, balita
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Ano ang
pagkakaiba ng opinion sa katotohanan?
2. Pagganyak
Ano ang napili ninyong balita sa dala ninyong babasahin? Lahat
ba ng nababasa ninyo ay kapani-paniwala? Bakit?
B. PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Basahin ang mga pangungusap
sa pisara. Sabihin kung opinion o katotohanan. Pagkatapos bigyang
kahulugan.
1.Karapatan ng bawat isa na magbigay ng opinion tungkol sa
isang isyu.
2.Tutol ang ibang senador sa anti-terrorism bill.
3.Marami raw ang magugutom dahil sa 12% EVAT.
4.May 12 buwan sa loob ng isang taon.
5.May pagbabatikos at bangayan sa mga pinuno ng
administrasyong Arroyo.
2.Pagtatalakay
Aling pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan? (# 1, 2, 4, 5)
ng opinion? (#3) Bakit? Paano malalaman? Alin sa mga sumusunod ang
kahulugan ng mga pangungusap na ating binasa? Tukuyin ang bilang ng
pangungusap.
a.Nag-aaway at nagbabanatan ang mga kasapi ng gabinite ni
Pangulong Arroyo. (Pangungusap 5)
b.Ang isang taon ay binubuo ng isang dosenang buwan.
(Pangungusap 4)
c.Dahil sa 12% na dagdag sa buwis, maraming mamamayan ang
mahihirapan. (Pangungusap 3)
d.Malaya ang sinuman na sabihin ang pananaw o reaksyon
tungkol sa isang isyu. (Pangungusap #1)
e.May mga ilang mambabatas na ayaw sa batas ukol sa kontra
terorismo. (Pangungusap 2)
3.Pagsasanay
Sabihin kung opinion o katotohanan. Bigyang-kahulugan ang bawat
pahayag. Kumuha ng kapareha at magtulungan.
Katotohanana.Ang Pilipinas ay kasapi ng UN.
Katotohananb.Demokrasya ang uri ng pamamahala sa ating
bansa.
Opinionc.Para sa akin, mas madaling magbigay ng puna kaysa
humanga.
Opiniond.Marami ang mas gustong maghanapbuhay sa U.S.A.
Opinione.Hindi makatarungan ang batas.
Bigyang kahulugan. Ilahad at suriin ang ginawa ng bawat
pangkat.
C.PAGLALAHAT
Paano mo bigyang-kahulugan ang isang pahayag? (intindihin,
suriin, timbangin o gumawa ng pag-analisa)
D.PAGLALAPAT
Basahin ang kasunod na editorial na halaw sa pahayagang Mata at
Boses, June-October, 2005 issue p.2. Pagkatapos sumipi ng 3 pahayag
na katotohanan at 3 pahayag na opinion.
Bigyang kahulugan
Mga Tinik sa Ibat Ibang Angulo
Sa pamumuno ni PGMA, maraming pagkakataong narinig o napapanood
ng taong bayan ang pagbabatikos at bangayan sa senado.
Pagkatapos ng kontrobersyal na Hello Garci tape, katakut-takot
na pagbabatikos ang natanggap ng administrasyon. May tumiwalag sa
puwesto.tapos humirit ang Cha Cha.
Sumunod ang anti-terrorism bill na tinutulan ng magdeklara ng
Martial Law.
Isa pa itong EVAT na solusyon daw sa suliraning pang ekonomiya
ng bansa. Sagot naman ng oposisyon at ilang mamamayan, lalong
pahirap ito kay Juan de la Cruz. Patuloy rin ang sunud-sunod na
rally na wala namang nangyayari.
Mas maganda kung magkaisa tayo at magtulungan para malutas ang
problema ng bansa. Iwasan sana ang inggitan, payabangan, banggaan.
Sa halip maging makabayan.
IV.
PAGTATAYA
Ibigay ang kahulugan ng bawat pahayag.
Gumamit ng papel.
Halimbawa:
1.Opinyon:
Babagsak ang bansa kung madalas ang rally.
Kahulugan:
2.Katotohanan
Ang sistema ng pamahalaan sa bansa ay pampanguluhan.
Kahulugan:
V.
TAKDANG ARALIN
1.Magbigay ng isang pahayag tungkol sa napapanahong isyu.
2.Paano isusulat ang sariling opinion tungkol sa napapanahong
isyu? Anu-
ano ang mga angkop na ekspresyong dapat gamitin?I. LAYUNIN
Napag-uri-uri ang mga salita ayon sa mga salitang kaugnay ng
pandama at damdamin Nakasusulat ng isang maikling
reaksyonII.Paksa:Pag-uuri ng mga SalitaSanggunian:BEC PELC, p.
17
Mga Banghay Aralin sa Filipino VI ni Gomez, B. pp. 166,
170-173
Landas sa Wika, p. 41
Kagamitan:mga larawan ng nawasak na kalikasan
Reaksyon na nakasulat sa Manila Paper
II. PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-arala.Anu-ano ang
nagagawa ng mga tao sa kalikasan?
b.Ano ang aspekto ng kilos na inyong ibinigay?
c.Paano ang pagbigay ng reaksyon?
2. Pagganyak
Tingnan ang larawan. Ano ang iyong masasabi tungkol dito?
Ano ang iyong nadarama kung nakikita ninyo na patuloy ang
pagkawasak ng kalikasan?
C. PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Basahin nang malakas ang
seleksyong nakapaskil sa pisara.
Epekto ng Pagkawasak ng Kalikasan
Sagana tayo sa mga likas na yaman. Ngunit ito ay nauubos o
nasisira dahil sa di-wastong paggamit, paglinang at pag-abuso ng
marami sa ating mga mamamayan.
Saan mang dako nakabibingi ang ingay ng chain saw na ginagamit
sa pagputol ng mga kahoy. Marami ang mga illegal loggers. Isa pa
bihira na ang mga malinis na tubig dahil sa pagtatapon ng basura sa
mga ilog at sapa. Ano na ang nangyayari?
Ang luntiang mga kahoy at halaman ay nauubos. Maalinsangan ang
paligid. Gumuguho ang lupa kung tag-ulan. Mabaho ang simoy ng
hangin dahil sa mga basura sa lupa man o tubig. Namamatay ang mga
likas na yaman sa tubig. Nagkakaroon ng baha kung may bagyo,
bumabalik ang epekto sa tao at marami ang nawawalan ng tahanan at
mga mahal sa buhay.
2.Pagtatalakay
1.Ayon sa seleksyon, ano ang nangyayari sa ating kalikasan?
2.Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit at mga salitang
naglalarawan sa mga nagaganap
3.Basahin ang iba pang salita sa tsart na may kaugnayan sa mga
salitang inyong binanggit.
4.Ano ang ibig sabihin ng pandama? Damdamin?
Ang pandama ba ay tumutukoy sa pandinig, panlasa? pang-amoy at
pandama?
Ang damdamin ba ay tumutukoy sa tuwa, saya, pagmamahal, galit
atbp? Uriin. Ilagay sa A ang pandama at B kung kaugnay ng
damdamin.
A.
mamantika mabango maingay malamig
B.
masaya
5.Ano ang iyong masasabi tungkol sa pagkawasak ng kalikasan?
Paano ang pagsulat ng maikling reaksyon?
(Kahit maikli ang mga pangungusap) Ano ang isulat sa unang
talata? Ikalawang talata? Ikatlong talata? (aksyon) (sumasang-ayon
o hindi at bakit) (mungkahi)
Pag-aralan ang halimbawa ng maikling reaksyon:
Reaksyon
Sagana ang ating bansa sa likas na yaman ngunit ang mga ito ay
nasisira dahil sa di-wastong paggamit at pag-abuso ng mga
mamamayan.
Hindi ko sinasang-ayunan ang di-wasto at pag-abuso ng mga
mamamayan dahil sa napakasamang epekto nito na bumabalik din sa mga
tao gaya ng flash flood, erosion at baha. Nakakatakot ito dahil
hindi lamang ari-arian, hanapbuhay hayop at lupa ang nasisira kundi
marami ang taong namamatay at damay ang maraming musmos.
Iminumungkahi kung mas lalong higpitan ng awtoridad ang
pagpapatupad ng batas ukol dito. Sana maintindihan din ito ng mga
mamamayan at makiisa sa pamahalaan.
3.Pagsasanay
Basahin. Pagkatapos sagutin ng bawat pangkat ang kasunod na
gawain.
Naningil ang Kalikasan
May isang pook. Karamihan sa mga taoy namumutol ng mga
punong kahoy. Pinuputol ang mga kahoy, malaki man o maliit. Kung
may
magsumbong sa awtoridad inaaway o pinapatay.
Isang araw nagulat ang mga tao dahil nagkaroon ng
flashflood.
Makikita sa screen ng T.V. na napakarami ng mga taong namatay na
lulutang-
lutang sa tubig. Itinabi ng tubig ang mga tao at pumalit ang mga
malalaki at
maliliit na punongkahoy. Marami ang namatay. Nakakalungkot
at
nakakatakot ang nangyari. Sa dami ng mga bangkay na nakakalat ng
ilang
araw, naging mabaho at marumi ang dating malinaw na tubig. May
mga salita ba sa seleksyon ang kaugnay ng pandama at damdamin?
Ilagay sa organizer.
C.PAGLALAHAT
1.Anu-ano ang mga salitang tumutukoy sa pandama? Damdamin?
2.Ano ang epekto ng pagkawasak ng kalikasan?
3.Paano ang pagsulat ng maikling reaksyon?
D.PAGLALAPAT
Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin
sa kapaligiran dahil sa pagkawasak nito?
IV.
PAGTATAYA
Basahin ang Minsan Nagalit ang Ilog, Hiyas sa Pagbasa, pp.
78-80
A. Punan ang organizer
B. Bigyan ng reaksyon ang binasang seleksyon.
Unang Talata:
Ano ang nangyari sa bangka? Bakit?
Ikalawang Talata:
a. Ano ang plano ni Kapitan na gawin sa ilog?
b. Bakit hindi napalinis?
c. Ano ang ginawa ng mga tao bago magprusisyon?
d. Sang-ayon ka ba sa ginagawa nila? Bakit?
Ikatlong Talata
Ano ang iyong mungkahi upang maiwasan ang aksidente?V.
TAKDANG ARALIN
Itala ang alam ninyong pamantayan sa pagsulat:
A. Halimbawa
1. May palugit sa magkabilang bahagi ng papel
2. Ang pamagat ay isinusulat sa _________________.
3. Ipinasok angI. LAYUNINNabibigyang-kahulugan ang salita ayon
sa denotasyon o konotasyonII.Paksa:Denotasyon at Konotasyong
KahuluganSanggunian:BEC PELC, p. 40
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni Gomez, B., pp.182-185
MBASF ni Gomez, B.
Kagamitan:Aklat, diksyunaryo, tsart ng mga pangungusap.
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagwasto sa takdang aralin
2. Balik-aral Anong aklat ang ating ginagamit upang maibigay ang
kahulugan ng salitang hindi natin maiintindihan?
3. Pagganyak
Kung kayoy nagbabasa at may salitang hindi ninyo naiintidihan,
ano ang gagawin ninyo?
B. PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Bigyang kahulugan ang
salitang nasa loob ng word network ayon sa denotasyon o kahulugan
sa diksyunaryo.
Ano naman ang kahulugan ayon sa konotasyon?
Pagbasa sa mga pangungusap sa tsart
1.Ang pamilya ay ating unang guro.
2.Isang hulmahang naghuhubog sa ating mga pagpapahalaga at
pananaw
sa buhay ang tahanan.
3.Ang isang suwail at di-mapagmahal na anak ay isang mantsa
sa
pamilya.
4.Isang pabigat sa balikat ang anak na palalo
5.Ilaw sa landas tungo sa kaunlaran ang edukasyon
2.Pagtatalakay
Kung naibibigay natin ang kahulugan ng salita ayon sa denotasyon
o konotasyon itoy patunay ng mabisang pagbasa.
a.Ano ang kahulugan ng guro sa diksyunaryo sa pangungusap 1?
b.Ano ang denotasyon ng mga salitang hulmahan, mantas,
pabigat at ilaw sa pangungusap 2-5?
c.Ano ang konotasyon ng guro, hulmahan, mantsa, pabigat at
ilaw?
d.Pag- aralan ang tsart:
Mga salitaDenotasyonKonotasyon
guronagtuturo sa paaralannakatatandang nagbibigay ng payo,
magulang, ate, kuya
hulmahanMolde, hulmahugis
mantasdumikontrabida
pabigatproblemakalungkutan, paghihirap
ilawgabayliwanag, kasama
e.Aling kahulugan ang galing sa disyunaryo? (denotasyon)
Anong kahulugan ang nauugnay sa damdamin o kaisipang
ipinapahiwatig ng isang salita? (konotasyon)
3.Pagsasanay
Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa
denotasyon at konotasyon.
1. May gantimpala ang bawat kabutihang gagawin natin sa
ating
kapwa.
2. Ngiti sa labi ang hatid ng isang mabuting anak.
3. Ang ating kapwa ay ating kapatid.
4.Sakit sa ulo ang dala ng isang suwail na anak.
5. Tanglaw ng mga anak ang mga magulang.
1. Gantimpala:
denotasyon- premyo
konotasyon- mapapala
2. Ngiti:
denotasyon- masayang pagbuka ng bibig na walang ingay.
konotasyon- kaligayahan
3. Kapatid:
denotasyon- utol, kapwa anak ng isang magulang
konotasyon- kasama, kaibigan
4. Sakit:
denotasyon- dusa, dalita
konotasyon- problema
5. Tanglaw:
denotasyon- ilaw, liwanag, patnubay
konotasyon- gabay, huwaran
C.PAGLALAHAT
Ano ang ibig sabihin ng denotasyon? Konotasyon?
D.PAGLALAPAT
Paano ka maging ilaw sa inyong tahanan?
IV.
PAGTATAYA
Bigyang kahulugan ang mga salita ayon sa denotasyon at
konotasyon.
1. Hawak niya ang gunting.
Denotasyon- tangan
Konotasyon- dala
2. Maraming krimeng nangyayari ngayon.
Denotasyon- pagkakasala
Konotasyon- hindi magandang pangyayari
3. Tigre ang kaibigan ko.
Denotasyon- isang uri ng mabangis na hayop
Konotasyon- madaling magalit
4. Mabait si Sampu.
Denotasyon- bilang, dalawang lima
Konotasyon- Pangalan
5. Parang gusto kong sampalin siya ko siyang sampalin.
Denotasyon- tampal sa mukha
Konotasyon- saktan
V.
TAKDANG ARALIN
Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng salitang
may
salungguhit.
1. Larawan ng galit ang kanyang mukha.
Denotasyon- litrato, imahen, guhit
Konotasyon- nagpapakita
2. Gabundok ang kanyang lalabhan.
Denotasyon- parang bundok, bunton
Konotasyon- maraming-marami
3. Matanda na ang aking lolot lola.
Denotasyon- matagal nangyari, luma, dati
Konotasyon- kulubot na ang mukha
I. LAYUNIN
Napagtutulad at napag-iiba ang mga kaisipan o ideya
II.Paksa:Pagtutulad at Pag-iiba ng mga Kaisipan/ Ideya
Sanggunian:BEC PELC, p.40
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni M.Bon, pp.117-119
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni B. Gomez, pp.
203-205III.PAMAMARAANA.PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Paano ninyo
sinasabi ang inyong mga saloobin?
2. Pagganyak
Kung hindi mo maipaliwanag sa paggamit lamang ng mga salita ang
isang bagay, paano mo ito sasabihin/ ipahayag?
B.PANLINANG NA GAWAIN1.Paglalahad Basahin ang nasa
organizer.Tuwirang PahayagDi-Tuwirang Pahayag
1. Mapalad tayong mga Pilipino, sabi ni Rita.
2. Matapang sa isa pero duwag sa dalawa, dugtong ni Sabas.
3. Kung may suwail na anak, may masunurin din, sabi ng Ina.
4. Puti at itim ang gagamiting uniporme, habol ni Jerry.1.
Sinabi ni Rita na mapalad tayong mga Pilipino.
2. Dugtong ni Sabas na matapang sa isa pero duwag sa dalawa.
3. Sinabi ng ina na kung may suwail na anak may masunurin
din.
4. Inihabol ni Jerry na puti at itim ang gagamiting
uniporme.
2.Pagtatalakay
Ihambing ang dalawa
a.Ano ang dalawang uri ng pahayag?
b.Anu-ano ang pagkakatulad ng mga ideya? Ang pagkakaiba ng
mga ideya?
c.Ilagay sa tsart.
Paano mo ito gagawin?Uri ng PahayagPagkakatulad ng mga
IdeyaPagkakaiba ng mga Ideya
1.a. TuwiranPagiging mapalad ng mga PilipinoMay kinakausap si
Rita . Nakakulong sa panipi ang tuwirang sinabi ni Rita.
1.b. Di-TuwiranPagiging mapalad ng mga PilipinoIbang tao ang
nagpapahayag sa sinabi ni Rita. Nawala ang panipi. Ginamit ang
salitang sinabi, kay at na.
Gawin ang bilang 2-4
Magbigay ng mga tuwiran at di-tuwirang pahayag.
Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ideya.
C.PAGLALAHAT
Paano natin mapagtutulad at mapagkakaiba ang mga ideya?
Gamitin ang tuwiran at di-tuwirang pananalita.
D.PAGLALAPAT
Dalawahang Gawain:
1.Paano natin ibabadyet ang ating buwanang kita? tanong ni
Tatay
kay Nanay.
2.50% ang pagkain, 25 % edukasyon, 70% ang ilaw at gasul,
10%
miscellaneous at 5 % ang ipon.
Gawin:
1.Isulat ang di-tuwirang pahayag ng blg. 1 at 2.
2.Isulat sa grap o tsart ang ikalawang pangungusap- pie, line o
bar grap.
Edukasyon
Pagkain
Mis
Miscellaneous
Ilaw at G Gasul at Ilaw
Ipon
IV.
PAGTATAYA
Ihambing . Isulat sa tsart
a.Kung P10, 000 ang kita ko, magkano ang para sa pagkain? tanong
ni
Itay
b.Tinanong ni Itay kung magkano ang para sa pagkain kung ang
kita niya ay
P 10, 000.00.
c.Itala sa tsart ang halaga ng ibang gastusin kung P 10, 000.00
ang kita ng
Itay.
Uri ng PahayagPagkakatuladPagkakaiba
1. a. Tuwiran
1. b. Di-Tuwiran
Buwanang Kita- Mga GastusinP10, 000.00
Bahagdan
Edukasyon25%P 2, 500
Miscellaneous10% 1, 000
Ilaw at gasul10% 1,000
Ipon sa Bangko5% 500
Pagkain50% 5, 000
KabuuanP 10, 000
V.
TAKDANG ARALIN
Isulat ang pagkakaiba. Pagkatapos isulat sa di-berbal na
paglalahad.
1.Magkano ang electric bill natin mula Hunyo?, tanong ni
Itay.
2.Noong Hunyo ay P 212.00, Hulyo P 250.00, Agosto P 280,
September P
320 at P 422 sa Octobre , sagot ni Nanay.
Panuto:
1.Isulat ang pahayag 1 at 2 sa di-tuwirang paraan.
2.Ihambing. Isulat sa tsart ang paghahambing.
3.Isulat sa di-berbal na pamamaraan ang bilang 2. (tsart o
grap)
Mga sagot:
1.Di-Tuwiran
a.Tinanong ni Tatay kung magkano ang electric bill nila mula
Hunyo.
b.Sinagot ni Nanay na noong Hunyo ay P 212.00, Hulyo P250,
Agosto P 280, Setyembre P320 at P422 sa Oktobre.
Uri ng PahayagAng electric bill nila mula HunyoMga Pagsusuri
1. a. Tuwiran
1. b. Di-TuwiranMay kinakausap si Tatay
May panipi sa tuwirang sinabi ni Tatay.
Iba na ang nagsasabi ng pahayag ni Tatay.
Nawala ang panipi.
Ginamit ang mga salitang sinagot ni at na.
I. LAYUNINNailalahad ang isang ideya o kaisipang sa pamamagitan
ng di-berbal na pamamaraanII.Paksa:Paglalahad ng isang
Ideya/Kaisipan sa Di-berbal na
Pamamaraan
Sanggunian:BEC PELC, p.40
Landas sa Pagbasa, pp.194-196
Kagamitan:Aklat sa Pagbasa, manila paper, pentel pen
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Sa nakaraang
aralin, paano ninyo inilahad ang distribusyon ng buwanang budget
nina Tatay at Nanay? (Gumamit ng pie graph)
2. Pagganyak
Kung sasabihin kong ilahad ang isang ideya na hindi nagsasalita,
hindi isinusulat sa sanaysay, senyas o drawing na pamaraan, paano
ninyo ito isasagawa?
B.PANLINANG NA GAWAIN1.Paglalahad Tingnan ang mga sumusunod:
Line grap
Bar grap
Pictograph
Pie graph
Table
Organiser
2.Pagtatalakay
Anu-ano ang mga uri ng graph?
Ano ang kaibahan ng isat isan?
Kailan gagamitin ang bawat uri?
Anong uri ng graph ang gagamitin kung ilahad ang:
a.1.populasyon, temperature, grado? (line o bar)
2.Paghahambing ng 2 ideya o bagay? (table/organizer
3.Pagkakabahagi ng pera, populasyon, bahagdan atb. (pie,
pictograph)
4.Manlalaro-depende
5.Maari bang gamitin ang 2 o higit pang grap sa
pagpapahayag ng ideya? (Oo)
3.Pagsasanay
Ihayag sa iba pang paraan
Noong nakaraang taon sumali ang Coroz Elementary School sa lahat
ng laro sa District Meet. 40 % ang sumali sa volleyball; 25 % sa
kasibuan, 10 % table tennis, 10% badminton at 15% sa athletics.
C.PAGLALAHAT
Paano ilalahad ang isang ideya/ kaisipang sa di-berbal na
paraan?
D.PAGLALAPAT
Kung ipapahayag mo ang iyong marka noong nakaraang taon, ano ang
pinakaangkop na paraan ang iyong gagamitin?
IV.
PAGTATAYA Ilahad sa di-berbal na paraan ang mga sumusunod.
Piliin ang angkop na paglalahad.
1. Temperatura ng isang pasyente
7:00 AM-38.2
8:00 AM- 39.00
9:00 AM- 39.6
10:00 AM- 40.00
2. Nagtitinda ka ng ibat ibang sandwich. Paano mo ipaskil ang
mga ito pati ang presyo.: Chicken sandwich-P7.00, cheese sandwich
-P6.00, ham and egg- P9.00, egg-P6.00, beef-P8.00 at
tuna-P9.00V.KASUNDUAN
Mga halamang itinatanim nang tuwiran at di-tuwiran
(tiglilima)
I. LAYUNINNakapangatuwiran sa paraang kapani-paniwala at
nakahihikayatII.Paksa:DebateSanggunian:BEC, PELC p. 40
Hiyas sa Wika, pp. 25-33
Kagamitan:Aklat sa wika, aklat sa Pagbasa, mga larawan,
tsart
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN
1.Balik-aral Naniniwala ba kayong dapat igalang ng mga anak ang
kanilang magulang? Bakit?
2.Pagganyak
Nakinig ba kayo sa isang pagtatalo o debate?
Paano ito isinasagawa?
B. PANLINANG NA GAWAIN Alin ang mas mahalaga tubig o apoy?
Paaralan o tahanan? Inang nagtatrabaho o Inang nasa bahay?
1. PaglalahadIbigay ang pamantayan sa pagbasa nang malakas.
Basahin
Tubig o Apoy
Ate Glo:
Napakahalaga ng tubig! Ano kaya kung walang tubig? Ano ang
mangyayari sa loob ng tahanan? Wala nang magluluto, maglilinis,
maliligo, maglalaba, iinom atb Mabubuhay pa kaya tayo? Ano rin ang
mangyayari sa mga pananim? Wala nang halamang makikita. Mamamatay
din tayo ng lahat pati mga hayop.
Kuya Fidel:
Kahit walang tubig basta may apoy. Makakakain ba kayo
kung walang apoy? Makapagluto ba tayo? Magdidilim ang buong
paligid kung walang ilaw. Maparalisa ang lahat ng pabrika,
kompanya, opisina, establishment, computer shop at lahat ng
tanggapan kung walang ilaw. Lugi ang negosyo at mas lalong
babagsak ang ekonomiya ng bansa!
2.Pagtatalakay
Ano ang paksa na binasa? Ano ang paniniwala ni Ate Glo? Anu-ano
ang kanyang pangngatuwiran? Ni Kuya Fidel? Kanino kayo pumapanig?
Kapani-paniwala ba ang kanilang pangangatuwiran? Nahikayat ba kayo?
Pangatuwiran. Kaya ba ninyong mangatuwiran sa paraang
kapani-paniwala at nakahihikayat?3.Pagsasanay
1. Subukan nating magtanghal ng payak na debate kung kaya ninyo.
Ang paksa ay pareho pero huwag ninyong tularan ang kanilang
katuwiran at istilo.
2. Gawing kapani-paniwala at nakahihikayat ang iyong
pangangatuwiran upang pumanig ang nakakarami sa inyo.
3. Sundin ang kasunod na panuto.
a.Bubunot ang bawat lider ng nilukot na papel.
Papel 1-tubig
Papel 2-apoy
b.Mangatuwiran ang bawat grupo kung bakit tubig o apoy.
Sikaping
makapangatuwiran sa paraang kapanipaniwala at nakahihikayat.
c.Isang puntos ang ibigay sa bawat kapani-paniwala at
nakahihikayat
na katuwiran.
Ibigay ang mga pamantayan sa pagtatanghal ng payak na
debate.
Bigyan ang mga minutong paghahanda ang bawat grupo.
Pagdedebate- Guro ang modereytor
Ano ang nag-udyok sa inyong grupo para magbigay ng mga
kapani-paniwalang katuwiran?
Kailan nating masasabing kapani-paniwala at nakahihikayat ang
isang katuwiran?
C.PAGLALAHAT
Paano kaya mangatwiran at manghikayat?
IV.
PAGTATAYA
Isulat ang kapani-paniwala at nakahihikayat na katuwiran tungkol
sa:
1.Alin ang mas mahalaga, tahanan o paaralan?
2.Inang nagtatrabaho o Inang nasa Bahay?
V.
TAKDANG ARALIN
Ihanda ang katuwiran tungkol sa sumusunod at ipasa bukas:
1.Alin ang nakatutulong sa pag-unlad ng bansa EVAT o Pagpalit
kay
PGMA?
I. LAYUNIN Nakagagawa ng isang mabisang paglalagom sa paksang
napakinggan Nakapagbibigay-solusyon sa mnga suliranin batay sa
sitwasyonII.Paksa:Pagbibigay Solusyon sa mga
SuliraninSanggunian:BEC PELC, p. 41
Kagamitan:tsinatsart na lagom
III.PAMAMARAANA.PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Paano ninyo
isinasagawa ang paglalagom sa nakaraang aralin?
Paano ninyo sinasagot ang problem solving sa Math?
2. Pagganyak
Anu-ano ang mga suliranin na inyong nararanasan o nasasaksihan
sa paaralan? Magbigay ng isa. Ilarawan ito sa maikling pananalita
pero buo ang mga pangungusap.
3.Ibigay ang pamantayan ng pakikinig.
B.PANLINANG NA GAWAIN1. Paglalahad Pakinggan ang usapan ng mga
mag-aaral. Pagkatapos tukuyin ang suliranin at subuking bigyan ng
solusyon.
Suliranin ng mga Mag-aaral
John Mark:
Clabert, 12:10 na, kumain muna tayo!
Clabert:
Teka lang, hindi ko pa tinapos ang aking takdang aralin sa
Filipino
John Mark:
Hindi mo ba ginawa kagabi? Madali lang naman yan e.
Clabert:
Oo, madali kaya lang problema ko kasi ang math. Itong 2-3
step problem solving ang tinutukan ko. Hindi ko naiintindihan
kung
paano malaman ang hidden question at number sentence.
Marie Lee:
Narinig mo iyon? Math daw ang problema.
Janine:
Oo, Ako, iba ang problema ko. Ang ilang masusungit na kamag-aral
natin.
Marie Lee:
Bakit, ano ba ang ginagawa nila sa iyo?
Janine:
Palagi akong tinutukso o kayay tinatapakan ang tsinelas ko. Ang
iba naman, kinakalkal ang bag ko at kinukuha ang mga gamit ko nang
walang paalam.
Marie Lee:
Ako, ang problema ko ay ang marumi nating playground.
Palaging ipinaaalala ng tagapayo ng Pupil Government sa akin
na
kikilos sana kaming lahat. Kahit kalilinis kasi e, may
nagkakalat.
Julebeth:
Para sa akin, ang problema ko ay ang bagong grading
system. Biro mo, kailangan walo ang makuha mo kung sampung
aytems ang pagsubok. Kadalasan pito ang nakukuha ko kaya
bitin
pa rin ang grades ko. Hindi ko alam kong papasa/magtatapos
ako
ngayong taong pasukan.
2.Pagtatalakay
Ano ang paksa ng unang usapan? Ang ikalawang usapan? Kung
ibibigay ninyo ang paglalagom ng 2 usapan, alin sa mga sumusunod
ang pamagat?
a.Ang Suliranin
b.Ang Suliranin ni Mark, Janine at Marie Lee
c.Ilang Suliranin ng mga Mag-aaral VI
d.Ilang suliranin sa Paaralan
Isulat natin ang lagom sa pisara. Tulung-tulong tayo.
(Ipaskil ang ipinarinig na usapan sa pisara)
a.Ano ang problema sa usapan 1? Sa usapan 2? 3?
b.Magkaroon tayo ng Malayang Talakayan
1.Paano kaya malulutas ang problema ni Clabert?
Itala lahat ang mga mungkahi sa pisara
Solusyon nga ang tinutukoy?
2.Anong solusyon ang makalulunas sa mga problema
nina
a.Janine?
b.Marie Lee?
c.Julebeth?
3.Maibibigay ba ninyo ang lagom ng binasa at ang
solusyon nito? Tingnan ang halimbawa:
Ang Suliranin ni Janine
Suliranin ni Janine ang panunukso ng kanyang
kaklase. Tinatapakan pa ng mga makukulit na bata ang
kanyang tsinelas. Ang iba namay kinukuha ang kanyang gamit
sa bag niya na walang paalam.
Sa tingin ko, kailangan niyang gumawa ng sulat sa
Pupil Body Government, editor in chief, at sa kanyang guro
para aksyunan ang problemang ito. Kailangang kausapin nang
maayos ang mga batang gumagawa nito. Tanungin kung ano
ang kanilang motibo. Silay bibigyang ng warning? Kung
hindi pa malulutas, isasangguni sa punong guro o kayay
opisyal na PTCA.
Ano ang nilalaman ng unang talata? Ang ikalawang talata?
3.Pagsasanay
Gawing batayan ang lagom at solusyon. Isulat ang problema
nina:
Pangkat I-Clabert
Pangkat II-Marie Lee
Pangkat III-Julebeth
Ilahad.
C.PAGLALAHAT
1.Ano ang gagawin ninyo para makagawa ng mabisang paglalagom sa
paksang napakinggan.
2.Para mabigyan ng lunas ang isang suliranin, ano ang dapat
tandaan?
Alamin ang sanhi ng suliranin.
Maaaring isangguni sa kinauukulan (Maaaring magulang, kapatid,
kamag-aral, guro o punong-guro).
Isagawa ang mungkahi na may determinasyon.
D.PAGLALAPAT
Ibigay ang solusyon batay sa sitwasyon.
1.Sitwasyon:
Hindi mo sinasadyang binasag ang malaking relo na nakasabit sa
dingding ng inyong bahay. Alam mong matagal ng iningatan iyan ng
iyong ama. Natatakot kang magalit ang iyong itay. Walang nakakita.
Ano ang iyong gagawin?
2.Sitwasyon:
Nakapulot ka ng P500.00 sa bakuran ng inyong kapitbahay. Kinuha
mo ang pera. Pupunta ka sa tindahan upang bumili ng ulam ninyo
dahil wala pa sina tatay. Nasalubong mo ang iyong kalaro/kapitbahay
na umiiyak. Narinig mong pinapagalitan ng kanyang ina dahil nawala
nito ang P 500.00 na pambili ng gatas ng sanggol. Ano ang gagawin
mo?
3.Ibigay ang lagom ng dalawang sitwasyon.
Ipresent ang awtput. Magbigay ng papuri at mungkahi.
IV.
PAGTATAYA
Makinig
Pagkatapos, ibigay ang paglalagom ng mga paksa.
A. Bilang ng walang trabaho, dumarami
Batay sa pinakahuling survey, tumaas ng 12.7% ng bilang ng
mga
walang trabaho sa bansa.
Ayon kay labor secretary Patricia Sto. Tomas, 534, 000 ang
nadagdag sa 3.8 milyong unemployed last year. Ang pagdami ng
istambay ay dulot ng pagbaba ng employment sa agriculture,
fishing and forestry sectors. Aspekto ito ng survey ng mga
bagyo
at El Nio.
B.Sa sector ng agrikultura na lang ay umaabot sa 780 ang nawalan
ng
trabaho sa taong ito.
Isa pang dahilan ay ang 200, 000 bagong graduates na nadagdag sa
unemployment list. Nakalulungkot isipin na ang mga Pilipino ay
nasanay bilang empleyado at hindi na-train na entrepreneurs. Dapat
na paigtingin ang kaunlaran ng Pilipino sa entrepreneurship. Marami
ang gustong maging abogado at iyong white collar job seekers pero
sa panahong ito ay dapat na ang pag-aralan ay nursing at pagtuturo
(education) na in demand sa abroad. Dapat na ang kuning kurso ay
iyong may kaugnayan sa technical ang vocational courses gaya ng
auto mechanic, planning, refrigeration, air conditioning,
computerization at iba pa.
Kailangan ding magkaroon ng seryosong kampanya sa
Family Planning ang gobyerno. Malaking bahagi ng kahirapan
ay
ang paglobo ng populasyon. Gaya na lang sa Fabella Hospital
sa
Metro Manila ay 110 sanggol ang ipinanganganak araw-araw.
Mapupuna na ang mahirap ang may maraming anak kaysa sa mga
taong nakapag-aaral at nakaaangat ang antas ng pamumuhay.
Ni Cielito Del Mundo
1.Paglalagom ng Paksa A at B
2.Solusyon sitawasyon A
3.Solusyon ng sitwasyon B.
V.
TAKDANG ARALIN
Makinig sa balita sa radyo. Isulat ang paksang diwa. Tukuyin
kung itoy
pangkalusugan, pang isports, pampulitika, patalatas, atb
I. LAYUNIN Nagagamit ang kaalaman sa mga nabasang akda bilang
batayan ng mga pahayag at kaisipan tungkol sa nakalahad sa bagong
aralin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring
nasaksihan kaugnay sa epektibong pag-agapay ng mamamayan sa
kamalayang globalII.Paksa:Kamalayang GlobalSanggunian:BEC PELC, p.
40
Mga Banghay Aralin sa Filipino 6 ni B. Gomez, pp. 214,
218-220
Pahayagang Imbestigador, Oct. 1, 2003
Landas sa Wika, pp. 211-215
Kagamitan:Larawan ng magandat maaliwalas na kapaligiran
balita
III.PAMAMARAANA. PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Magbigay ng
pangungusap na naglalaman ng mga pang-uring may ibat ibang kayarian
na tumutukoy sa ating kapaligiran.
2. Pagganyak
Kayo bay may nalalaman tungkol sa mga nagaganap sa ibang
bansa?
Anong balita ang inyong naririnig sa kasalukuyan?
B.PANLINANG NA GAWAIN1.Paglalahad Makinig sa isang seleksyon.
Itala ang mga pahayag tungkol sa mga karatig bansa ng Pilipinas na
tinaguriang pitong dragon.
Tukuyin din ang mga kaisipan tungkol sa mga suliraning dapat
lutasin ng Pilipinas upang itoy umunlad.
Marami nang nalathalang mga balita at impormasyon ukol sa
pag-unlad ng mga karatig-bansa ng Pilipinas. Tinagurian silang
pitong dragon. Napakabilis ng pag-unlad ng mga bansang tulad ng
Indonesia, Malaysia, Thailand, Hongkong, Taiwan, Singapore, at
South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon ang mga
Pilipino ay nakasadlak pa rin sa kahirapan.
May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad ang ating
bansa. Unang-una ay ang isyung kapayapaan at katahimikan sa bansa.
Ikalawa ay ang kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila
nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay ang isyu ng kahirapan
ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng edukasyon ng
mga kabataan na siyang inaasahang maglilingkod sa bayan.
2.Pagtatalakay
a.Ano ang tinutukoy ng seleksyon?
b.May alam ba kayo tungkol sa paksa?
c.Anu-anong bansa ang maunlad?
d.Bakit hindi umuunlad ang ating bansa?
e.Kung kayo ay gagawa ng ulat tungkol dito, paano ninyo ito
gagawin?
f.Narito ang mga dapat gawin sa pag-uulat:
1.Magbasa o magsaliksik tungkol sa paksang gagawan ng
ulat.
2.Itala ang mahahalagang impormasyon na nakuha
tungkol sa paksa.
3.Bumuo ng balangkas ayon sa dapat lamanin ng ulat.
4.Ayusin ang mga impormasyon na nakuha ayon sa
balangkas na nagawa.
g.Kung gagawin natin ang balangkas para sa ulat na binasa,
ganito
ang anyo.
Mga Suliranin
I.Tinaguriang pitong dragon dahil sa pagbilis ng pag-
unlad
A.Indonesia
B.Malaysia
C.Thailand
D.Hongkong
E.Taiwan
F.Singapore
G.South Korea
II.Mga suliraning dapat lutasin upang umunlad ang ating
bansa.
A.kapayapaan at katahimikan
B.kalinisan at pangangalaga sa paligid
C.kahirapan
D.edukasyon
h.Kung kayoy mag-uulat at gagamitin ang balangkas, madali
ninyong maihatid ang impormasyon dahil may gabay kayo. Idagdag
lamang ang iba pang detalye upang maihayag ang kaisipan ayon sa
sinasaliksik o dati nang alam tungkol sa paksa.
i.Makagagawa ba kayo ng ulat tungkol sa anumang pangyayari
kaugnay sa epektibong kaagapay ng mamamayan sa kamalayang
global?
3.Pagsasanay
Bumuo ng 3 pangkat. Magtulungan kayo sa pananaliksik tungkol sa
kamalayang global.
Gumawa ng balangkas at iulat ninyo kung matapos.
Halimbawa:Global Warming
Pamagat
I.
A.
B.
C.
II.
A.
B.
C.
C.PAGLALAHAT
Ano ang iyong gagamitin bilang batayan ng pahayag at kaisipan
tungkol sa nakalahad sa bagong aralin? (kaalaman sa nabasang akda)
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng ulat? (4 na dapat
gawin)
D.PAGLALAPAT
Anu-ano ang alam ninyo tungkol sa mga pitong dragon?
Sumulat ng isang ulat tungkol sa isa sa may mga bansang
binanggit.
IV.
PAGTATAYA
1.Gamitin ang kaalaman tungkol sa isyung kapayapaan at
katahimikan ng bansang Pilipinas.
2.Gumawa ng ulat tungkol dito. Gamitin ang mga naririnig o
napapanood sa T.V.
V.
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa kung paano naging maunlad ang isa sa mga
7 dragon.
Sumulat ng ulat tungkol dito.
I.LAYUNINNatutukoy ang paksang diwa, mahalagang kaisipan at mga
pagpapahalaga na taglay ng akdaII.Paksa:Paksang Diwa, Mahalagang
Kaisipan at Pagpapahalaga
Mga Kaugaliang Pamasko sa Pilipinas
Sanggunian:BEC, PELC p. 40
Mga Banghay Aralin sa Filipino VI ni B. Gomez, pp.223-224.
Kagamitan:Seleksyong pinaseroks.
III.PAMAMARAANA.PANIMULANG GAWAIN1. Balik-aral Anong
pagpapahalaga ang inyong natutunan sa ibat ibang pamamaran ng
pagdiriwang ng pista sa Pilipinas?
2. Pagganyak
Lahat ba nang akdang iyong nababasa ay nagtataglay ng mahalagang
kaisipan at pagpapahalaga? Paano natutukoy ang mga ito?
B.PANLINANG NA GAWAIN
1.Batay sa obserbasyon, ano ang pinakamabutit pinakamasayang
pagdiriwang ng mga kristiyano sa ating bansa?
Pagtatakda ng Layunin
Matapos basahin ang seleksyon, tukuyin ang paksang diwa, values
at mahahalagang kaisipan sa akda.
Ibigay ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik.
2.Basahin nang tahimik ang seleksyong ito.
Mga Kaugaliang Pamasko sa Pilipinas
Sadyang pambihira ang ilang mga kaugaliang pamasko. Ito ang
dahilan kung bakit natatangi sa buong daigdig ang ating pagdiriwang
ng kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre hanggang sa
unang linggo ng Enero. Sa ating bansa lamang isinasagawa ang
pinakatampok na pagdiriwang ang nakaugaliang siyam na araw na
simbang-gabi, na karaniwang ginaganap sa ikaapat ng madaling araw.
Sa panahong ito, maraming nagttitinda sa mga simbahan ng mga
katutubong kakaning Pilipino gaya ng bibingka, puto-bumbong, suman,
kutsinta at iba pa. Nagwawakas ang simbang gabi sa gabi ng ika 24
ng Disyembre. Dito nagsasalu-salo ang buong pamilya matapos
magsimba.
Sa ating tradisyon, ang araw ng Pasko sa mga tahanang Pilipino
ay araw ng buong pamilya. Nagkaaroon ng pagtitipun-tipon o
reunionang pamilya at pagsasaluhan ang inihandang masasarap na mga
pagkain. Ang pag-awit ng mga awiting pamasko ng mga bata at matanda
ay bahagi rin ng ating pagdiriwang ng Pasko.
3.Sagutin:
1.Ano ang paksang-diwa ng seleksyong binasa? (Pambihira ang
mga kaugaliang Pamasko sa Pilipinas)
2.Ibigay ang mahahalagang kaisipan sa ilalim ng paksang-diwa
ng akda.
Natatangi sa buong daigdig ang ating pagdiriwang ng
kapaskuhan.
Disyembre 16-Unang linggo ng Enero ang
pagdiriwang/pinakamahaba
9 na araw na simbang-gabi sa 4:00 n.u.
Maraming nagtitinda ng mga katutubong kakaning Pilipino
Disyembre 24-Noche Buena-Nagwawakas ang simbang gabi.
Nagkakaroon ng reunion ang buong pamilya.
Pinagsasaluhan ang masasarap na pagkain. Masayang umaawit ng
awiting pamasko.
3.Anu-anong pagpapahalaga ang taglay ng mga Pilipino sa mga
sumusunod:
a.Nakasusunod sa 9 na araw ng simbang gabi
(matiyaga, maagang nagigising) maka-Diyos)
b.Naghahanda nang masasarap at maraming pagkain
(Marunong magluto, nagbabahagi sa kapitbahay)
c.Nagsasalu-salo ang pamilya matapos magsimba
(masayang pamilya)
d.Paano tutukuyin ang paksang diwa, mahahalagang kaisipan
at values.
(Intindihin ang seleksyon, gumawa ng pag-analisa sa paksa,
mga sumusuporta dito, at mga aral na mapupulot dito.)
Pangkatang Gawain
Bumuo ng 4 na pangkat. Basahin ang kasunod na seleksyon.
Pagkatapos tukuyin ang paksang-diwa, mahahalagang kaisipan at
values.
Ilahad.
Ang Bagong Taon
Ang Bagong Taon ay bahagi pa rin ng masayang pagdiriwang ng
Pasko. May handaan at kasayahan sa bawat tahanan. Bawat isa ay
gumagawa ng patakaran o listahan ng mga resolusyong nais na
isagawa. Ang buong pamilya ay muling nagsisimba at nagsasalu-salo
sa hatinggabi ng Disyembre 31. Sinasalubong ng mag-anak ang Bagong
Taon ng paputok at pagsindi ng mga kuwitis. Anupat sa buong
maghapon ay pawang pagsasaya ang nagaganap sa Bagong Taon.IV.
PAGTATAYA
Basahin. Pagkatapos punan ang nasa ibaba.
Para kina Mang Andoy at Aling Kikay ang pasko ay hindi naiiba sa
ordinaryong araw. Sila ay nakatira sa liblib na pook. Hindi
nagsisimbang gabi, dahil malayo ang simbahan. Walang inilulutong
pagkain. Silay malayo sa apat nilang anak na may kanya-kanya nang
pamilya. Silay mahirap. Nabubuhay lamang sila sa pagtatanim ng
halamang-ugat at gulay. Di man nila natitikman ang mga masasarap na
pagkain, silay masaya dahil mapayapa at payak ang kanilang
pamumuhay. Walang kaaway at hindi kumukupas ang kanilang
pagmamahalan.
A.Paksang diwa
B.Mahahalagang Kaisipan
1.
2.
3.
C.Values
V.
TAKDANG ARALIN
Anong pagpapahalaga/value ang taglay ng mga Pilipinong
nakasusunod sa paggawa ng resolusyon na nais gawin para sa Bagong
Taon ngunit hindi naman naisasagawa ang mga ito?
(seleksyon-nasa kabilang pahina)
masaya
pandama
damdamin
Mga uri ng salita
Pandama
Damdamin
Uri ng mga Salita
tuwa
galit
Pagma-mahal
lungkot
Damdamin
pandinig
panlasa
Pang-amoy
pandinig
Pandama
maalinsanganmalungkotmaputimainit
masarapmapaitmakinismalamig
pandakmagaspangmaingaymatinik
mabangogalitnabigla
makulaymamantikamapanghi
mataasmabatomaingay
masayakalabogumalingawngaw
madulasnagulatmatabang
makahoynatakottahimik
Ummamangika
Magpag..anmakaipang
Ipagpan..inmakapaghan/hin
1.Nagtanim siya ng mahiwagang rosas.
2.Napatay ni Goliath ang higante
3.Ipaghanda ninyo ng pagkain ang matanda
Gumaganap ng kilos siya
Panlapi-nag
Pokus-sa tagaganap
Pinapaksa o nilalayon- ang higante
Panlapi-na
Pokus-sa layon
Tumanggap ng kilos-ang matanda
Panlapi-ipag
Pokus-sa tagatanggap
NAGKAWATAK-WATAK ang mga miyembro ng ibat ibang partido
pulitikal kaugnay sa isyu ng pagpapababa sa puwesto kay Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo.
Nagbigay ng magkasalungat na pahayag kahapon ang mga miyembro ng
Liberal Party sa pangunguna ng national chairman nito na si Manila
Mayor Lito Atienza makaraang maunang manawagan ng Gloria resign ang
kasapi ng partido sa pangunguna naman ni Senate President Franklin
Drilon kamakalawa.
Anumankaninumanilanmanpaanuman
Alinmankailanmanmagkanumanganito
Sinumansaanmangaanumanganyan
Ganireganoon
HINDI lang green thumb ang natuklasan kong taglay. May talent
din pala ako sa painting o pagpipinta. O anong say, nyo? Inggit ba
kayo?
60 tigok sa bus na bumulusok sa ilog
JAMMU, India (AFP)- Dalawa ang kumpirmadong patay habang 58 iba
pa ang pinangangambahang todas na rin makaraang gumewang sa
bulubunduking kalsada at tuluy-tuloy na bumulusok sa ilog ang
kanilang sinasakyang bus sa Kashmir India kahapon.
Naiinisnagagalitnanghihinayangnatatakot
Nag-aalalanatutuwanagugulatnalulungkot
nangagtakot
makulay
maganda
malungkot
napakarumi
nagalit
nangagsisigaw
Pulis na nag-aayos ng trapiko sa mga kalsada
Pulis na nasa gitna ng kalsada
Pulis
Trapiko
Pangino- on ng mga sasakyan
Diktador
Hari ng kalsada
Pulis
trapiko
Maestro/
Sir
50% 25%
10% 10% 5%
Uri ng basura
di-nabubulok
nabubulok
PAGE 20