Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of P artnership Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 3 - Modyul 1: Mga Kaugaliang Pilipino Name of Learner: Grade & Section: Name of School: 3
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 3 - Modyul 1:
Mga Kaugaliang Pilipino
Name of Learner:
Grade & Section:
Name of School:
3
6
1
Alamin
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na
naipamamalas mo ang kakayahang:
• Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng:
pagmamano, paggamit ng ‘po” at “opo”, pagsunod sa tamang
tagubilin ng mga nakatatanda.
EsP3PPP-IIIc-d-14
Subukin
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek(/)
ang tamang hanay.
Oo Hindi
1. Gumamit ng “po” at “opo” sa pagsagot kapag
tinatanong o inuutusan.
2. Ang pagmamano ay isa sa magandang
kaugaliang Pilipino.
3. Hindi ka susunod sa tamang tagubilin dahil
malaki ka na.
4. Magpaalam sa magulang bago umalis ng
bahay.
5. Babatiin ang Lolo nang pasigaw dahil bingi ito.
2
Balikan Panuto: Bilugan ang mga magagalang na pananalita na
mahahanap mo sa kahon.
S A L P G P A H A N I
A P A A H A J K N L S
L G S A K U M U S T A
A U E L P M R D R R L
M P G A E A R I S O U
A D I M R N K M A K M
T R K N B H A G M B O
P A A A A I N A P O P
O W R P H N U D P O P
N S T O M P H S B I S
G M A T A O A T R O T
Tuklasin
Basahin nang maayos ang tula:
Tayong mga Pilipino ay may magandang kaugalian,
Pagiging magalang ipagpatuloy at tandaan.
Ito’y isa lamang sa mga kaugalian natin,
Na nagmula pa sa mga ninuno natin.
Magandang pag-uugali ng mga Pilipino,
Paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano.
Tagubilin ng nakatatanda ay palaging susundin,
Dahil ito’y nakabubuti sa atin.
Aralin
1
Mga Kaugaliang Pilipino
3
• Naipakita mo na ba ang mga kaugaliang ito? ____________
Suriin Sa tulang nabasa mo, isulat ang mga magagandang
kaugalian ng mga Pilipino na binanggit dito.
1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________
• Dapat ba nating sundin at pagyamanin ang mga
magagandang kaugalian ng mga Pilipino? Bakit?
s Pagyamanin
Panuto: Punan ang kahon sa ibabang bahagi ng concept map
ng mga mabuting epekto at hindi mabuting epekto sa pagsunod
ng tamang tagubilin sa mga nakatatanda sa atin.
Pagsunod sa Tamang
Tagubilin
Mabuting Epekto
Hindi Mabuting Epekto
4
Isaisip
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita. Isulat sa
patlang ang angkop na salita.
Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin at
ipagpatuloy ay ang ______________at paghingi ng paumanhin sa
nakatatanda. Ang paggamit ng_________________ ay magalang
na pananalita sa pagsagot sa anumang iniuutos sa atin. Huwag
kalimutan na dapat nating sundin ang mga tamang tagubilin ng
mga nakatatanda sa atin dahil para ito sa ating ikabubuti. Ang
pagpapakita ng magandang kaugaliang Pilipino ay
napakasarap pakinggan dahil nagpapakita ito ng ______________
sa isa’t isa.
Isagawa Panuto: Gumuhit o gumupit ng larawan na nagpapakita ng
magandang kaugaliang Pilipino. Pagkatapos nito, sagutin ang
tanong.
• Bakit mahalaga ang kaugaliang ito? _______________________