PAGSASANAY: Sa inyong isinagawang mga pag-uulat, tayain ang iyong sariling mga kakayahan: 1.Alin sa tatlo ang naisagawa mo sa iyong pagsasalita? Alin ang naging mahirap isagawa? Bakit? 2.Alin ang dapat mong palakasin upang maging mahusay na tagapagsalita? Gampanin Kalakasan Kahinaan Kasangkot sa usapan Manunulat Performer
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
PAGSASANAY:
Sa inyong isinagawang mga pag-uulat, tayain ang iyong sariling mga kakayahan:
1.Alin sa tatlo ang naisagawa mo sa iyong pagsasalita? Alin ang naging mahirap isagawa? Bakit?2.Alin ang dapat mong palakasin upang maging mahusay na tagapagsalita?
Gampanin Kalakasan Kahinaan
Kasangkot sa usapan
Manunulat
Performer
Panimulang Pundasyon
sa Publikong
Pagsasalita
Naranasan mo na bang may pagkakataong gusto mong
magsalitangunit hindi mo naman
magawa?• Natakot ka sa husay ng pagsasalita ng kabilang panig
• Alam mo ang sagot sa itinatanong ng guro pero hindi makapagtaas ng kamay dahil kulang ang tiwala sa sarili
Naranasan mo na bang may pagkakataong gusto mong
magsalitangunit hindi mo naman
magawa?• May naiisip kang solusyon pero hindi mo mawari kung paano bubuuin ang kaisipang ito sa malinaw na paraan
• Nais mong maging pinuno pero kailangang magsalita ng magiging pinuno at takot kang magsalita
Naranasan mo na bang may pagkakataong gusto mong
magsalitangunit hindi mo naman
magawa?• Kuwalipikado ka sa trabaho pero nauutal at nangangatal ka sa panayam para sa pagtatrabaho
• Alam na alam mo ang paksang ipepresenta mo pero nalimutan mo ang susing ideya kaya tinapos agad ang pagsasalita
Mga nadarama ng isang taong hindi nagtagumpay sa Pagsasalita:
1.Kawalang-kapangyarihan2.Kawalan ng atensyon at
karangalang nararapat para sa kanila
3.Mga ideya’y hindi naisatinig o naibahagi
4.Kawalan ng tiwala sa sarili
Demokratikong Lipunan Nakaestruktura para
sa malayang pagpapalitan ng ideya
Pakikinig sa pluralistikong mga pananaw
Naghahangad ng kolektibong aksiyon
May pagnanais na makapag-ambag gamit ang pagpapahayag
ANG KAKAYAHAN SA PAGSASALITA
1. Unawain ang katuturan ng pagiging isang tagapagsalita.
Obligasyon ng tagapagsalita ang ibigay ang buong kakayanang bumuo ng epektibo at episyenteng kapaligiran
2. Gawing saligan sa komunikasyon ang pagbibigay-tuon sa kahulugan
Hindi lamang paghahatid at pagtanggap ng mensahe ang komunikasyon
Isipin ang komunikasyon bilang magkasanib na pagbuo ng kahulugan
Mga Uri ng Kahulugan Ang Kahulugan ay Sosyal Ang Kahulugan ay
Kontekstuwal Ang Kahulugan ay binubuo
ng Diskursong Pangkomunidad
3. Isaalang- alang ang 3 komunikatibong kakayahan
Pagsulat
Kombersasyon PagsasagawaPublikong Pagsasalita
Kakayahang Kombersasyonal (Conversation Skills)
Nakatuon ang atensyon sa kausap at sa ideyang nais ibahagi sa kanila
Tuloy-tuloy ang daloy ng pakikipag-usap
Umaangkop sa sitwasyon Interaktibo o may pagpapalitanBenepisyo:Pagsasalita nang komportable at
may kompiyansaNakikinig sa perspektiba ng ibaMarunong tumanggap ng anumang
feedback
Kakayahan sa Pagsulat (Writing Skills)
Nagbibigay-pansin sa gamit ng wika
Organisado ang ideyaMay internal na kaisahan ang
talumpati
Benepisyo:Tsansang makita nang obhektibo
ang sariling ideya, lohikal na kaisahan at kaugnayan ng mga kaisipan sa isa’t isa
Mapapalawak ang kahulugan gamit ang mahusay na mga salita at pagpaparirala
Kakayahan sa Pagsasagawa (Performance Skills)
Kakayahan sa paggamit ng mga pisikal na katangian tulad ng tono, boses, kilos at kumpas
Abilidad na magtuon ng atensyon sa kalahatang epekto ng gagawing pagsasalita
Kaalamang gamitin ang kapaligiran
Kakayahang makuha nang buo ang iba’t ibang uri ng tagapakinig.
Mga maling pananaw tungkolsa publikong pagsasalita
1. Isinilang ang isang indibidwal na taglay na ang kahusayan sa pagsasalita
2. Madali lang ang maging mahusay sa pagsasalita
3. May mga simpleng paraan sa epektibong pagsasalita
Takdang aralin
• 1. Makinig ng isang hinahangaang tagapagsalita.
• 2. Tumukoy ng mga tiyak na halimbawa kung paano niya ginamit ang tatlong komunikatibong kakayahan.
• 3. Alin ang higit nilang ginamit at pinalakas? Patunayan ang sagot.
ANG KAKAYAHAN SA PAKIKINIG
Ang Pakikinig
• Higit na malaking oras ang ginugugol dito kaysa pagsasalita
• Mas awtomatiko• Napakahalagang kasanayan sa
komunikasyon at sa halos lahat ng larangan
Mga Kasanayang dapat isaalang-alang
• 1. Kilalanin ang ugnayan ng epektibong pagsasalita at pakikinig.
• 2. Ihanda ang sarili na makinig.Iwaksi ang mga distraksyon at
pisikal na ihanda ang sarili na makinig.
Tumigil sa pagsasalita.Alamin ang layunin sa pakikinig.
Mga Layunin sa Pakikinig
• Upang matuto• Makaunawa sa bagong punto• Magbigay ng ebalwasyon sa
isang argumento• Aliwin ang sarili
Mga Kasanayang dapat isaalang-alang
• 3. Kung nakikinig bilang audience, paganahin ang kuryosidad at kritikal na makinig
Igalang ang tagapagsalitaMaging bukas sa pananaw ng
tagapagsalitaSundan ang estruktura ng pangungusapKritikal na tasahin ang pahayag ng
tagapagsalitaMagtanong sa itinakdang oras
• 4. Kung nakikinig bilang tagapayo ng tagapagsalita, magbigay ng konstruktibong puna o komentaryo
Mga Kasanayang dapat isaalang-alang
Mga Gabay sa Audience bilang Tagapayo ng tagapagsalita
• 1. Magsimula sa positibo.• 2. Unahin ang mahalagang komento.• 3. Maging tiyak.• 4. Magmungkahi sa halip na mag-
utos.• 5. Maging malay sa dami ng uri ng
mga punang natatanggap ng isang tagapagsalita.
• 6. Gamitin ang 90/10 na prinsipyo.
• 5. Kung mananaliksik ng mga impormasyon para sa talumpati, makinig upang mapalalim ang pagkatuto
Mga Kasanayang dapat isaalang-alang
Teknik sa pakikinig
• 1. Gumawa ng hawig o paraphrase.
• 2. Muling magtanong at maglinaw para sa klaripikasyon.
• 3. Magtala.
•6. Kung magsasagawa ng pagsusuri sa mga tagapakinig, makinig nang holistiko.
Mga Kasanayang dapat isaalang-alang
Holistikong Pakikinig
• Makinig mula sa maraming lebel.
• Makinig sa pagitan ng mga linya.
• Pakinggan ang katahimikan.
•7. Iwasan ang mga hadlang sa pakikinig.
Mga Kasanayang dapat isaalang-alang
Hadlang sa Pakikinig• 1. Pangangarap nang gising,
paggawa ng ibang bagay, pagkawala sa pokus
• 2. Distraksyon dahil sa superpisyal na katangian ng tagapagsalita
• 3. Hindi kritikal na pagtanggap sa mensahe
• 4. Hindi tinatanggap ang mensahe• 5. Hindi namomonitor ang mga di-
berbal na kaasalan bilang tagapakinig.
Takdang Aralin
• Makinig sa isang mamamahayag o DJ sa radyo.
• Itala ang mga nakapagdulot sa iyo ng distraksyon sa pag-unawa sa mensahe.
• Magtala ng mga hakbang na maaaring maisagawa upang maituon ang atensyon sa mensahe.