1 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
10
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Girley Joy S. Sorela
Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS-LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD
EPS- Filipino
Ed
3
Alamin
Binabati kita sa iyong pagsisimula sa modyul na ito. Nais kong malaman mo
na ito ay inihanda at dinisenyo para sa iyong higit na pagkatuto lalo na sa kakayahan
sa pagbasa at pag-unawa. Bahagi ng modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang
iyong pag-unawa sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo. (F10PN-1Va-b-83)
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB-1V-a-b-86)
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Aralin 4.1
Kaligirang Pangkasaysayan ng EL Filibusterismo
Balikan
Kumusta ka ngayon! Alam kong sabik ka pa ring maipagpapatuloy ang
iyong gawain sa araw na ito. Balikan muna natin ang ating nakaraang
paglalakbay. Naalala mo pa ba ang huli nating pinag-usapan?
Magaling! Tungkol ito sa nobelang may pamagat na ‘’Paglisan” sa bansang Africa, na isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Ipinakita sa nobelang ito ang
Mahalaga na bukas ang iyong isipan sa bagong aralin na pag-aaralan
natin ngayon. Alam kong handa kanang ipamalas ang iyong kakayahan sa
pag-unawa sapagkat ang paksa ay may kaugnayan sa nakaraang aralin.
4
kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Alam kong kaya mo ito.
Tuklasin
A. TukLarawan: Tukuyin ang bawat larawan at isulat sa patlang kung ano ito.
Punan mo lang ang mga kulang na letra upang mabuo ito.
M_ND_
M___ND___ __A__A__AT I__A___ P__UM__
Binabati kita at nakilala mo ang mga larawan! Magpatuloy ka lang at saggutin ang
mga sumsunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang mga kaugnayan ng mga larawan sa bawat isa?
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagtatamo ng kalayaan? 3. Ano-ano ang mga naging tugon ng mga bayani para sa ating kalayaan?
4. Paano ginamit ng mga bayani ang itak at pluma sa pagtatamo ng kalayaan?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong gamitin ng pluma para sumulat hinggil sa ating lipunan, ano ito at bakit?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang ‘’Paglisan’’?
2. Saan ang tagpuan ng nobela?
3. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkowo?
4. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kanyang katatagan sa
kaniyang paniniwala at paninindigan?
5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatwiran ang
iyong sagot.
5
Narito, basahin at unawaing mabuti ang kaligirang kasaysayan ng El
Filibusterismo.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Noon pa man pinangarap na ni Rizal ang pagsulat ng isang akdang
magpapamulat sa marami niyang kababayan sa umiiral na maling Sistema sa
lipunan. Sa mga ideolohiyang kanyang tinaglay bunga ng mataas na pag-
aaral, ipinagpatuloy niyang isulat ang karugtong na nobela ng’’ Noli Me
Tangere’’. Ito ang El Filibusterismo.
LAKBAY 1: Taong 1887, inumpisahan ni Rizal na sulatin ang kanyang
nobelang El Filibusterismo. Sinimulan niya ito bilang isang sequel o
karugtong ng kanyang nobela. Ngunit nabatid ni Rizal na hindi magiging
matagumpay ang pagsulat ng kanyang nobela kung mananatili siya sa bayan
dahil maraming pagbabanta at suliranin ang kanyang kinakaharap, pansarili
man o pampamilya. Kayat nagpasya siya magtungo muli ng ibang bansa taong
1888 upang doon ipagpatuloy ang pagsulat ng El Filibusterismo.
LAKBAY 2: Bago paman siya umalis , nagbilin siya kay Blumentritt hinggil
sa maaari niyang kaharapin at nagging dahilan ng kanyang pag-alis. Ito ang
kanyang sinabi, Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay
naparoon sa Gobernador-Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong.ang
buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alcalde na Nakita
nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng
bundok. Totoong akoy naglalakad sa bundok kung bukang-liwayway na
kasama ang mga lalaki,babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga
ngunit may kasamang teniente ng guwardiya sibil na marunong managalog.
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo.
Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa
kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaring
ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may
pagkarahuyo sa ganitong mga pananalita ay lalong nagpaalab kay Rizal upang
tuluyang sulatin ang karugtong na nobela.
LAKBAY 3: Habang siya ay nasa ibang bansa damang-dama ni Rizal
ang matinding paghihirap sa pagsusulat ng nobela dahil sa kakulangan
ng pondo at labis nap ag-alalasa kalagayan ng pamilya sa bansa. Kaya,
nagpadala siya ng sulat kay Jose Maria Basa; ito ang nilalaman n g
sulat, “Ako’y naghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan.
Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay;
pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng
tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan
nang muli ako…Naisanla kuna ang aking mga alahas, nakatira ako sa
isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang
restaurant upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat.
6
Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin
ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may
mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin anking mga kababayan at ang lahat
sa demonyo…’’Bakas sa kanyang sulat ang pagnanais na siya ay mayulungan dahil
gusting-gusto niyang mailimbag at matapos na ang karugtong na nobela.
LAKBAY 4: Naging mabait sa kanya ang tadhana dahil dumating ang inaasahang
tulong mula kay Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuoang
perang kinakailanagan para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Mayo 1891,
nang matapos ang pagwawasto ng EL Filibusterismo at nagtungo si Rizal sa Ghent,
Belgium upang doon ipalimbag. Nailimbag ito noong Setyembre,1891 sa sinabi pa
ring lugar at bansa. Nagpadala siya ng walong daang kopya sa Pilipinas upang
ipamudmod ng kanyang mga kasamahan. Dito nagsimula ang paglaganap ng El
Filibusterismo sa lipunang Pilipino. Nagsimula ito ng maraming pagsibol ng ideya
upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila.
LAKBAY 5: Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na Gomez,
Burgos, at Zamora kaya maituturing itong nobelang politikal. Nagsasalaysay at
naglalahad ito ng mga suliranin at bulok na Sistema ng pamahalaan at iba pa.
Masasalamin sa nobela ang mapapait na karanasang umalimpuyo sa damdamin ni
Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kanyang pagmamahal. Ipinakita rito
ang pagbabanyuhay ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.
HANTUNGAN NG RUTA: Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero
na ibig sabihin ay ‘’mga balak’’ o’’ paghahari ng kasakiman’’. Ito ang tinaguriang isa
sa mababagsik na nobela na magpahanggang sa ngayon ay naghahatid ng bulok na
pamamahala. Ang tuon ng El Filibusterismo ang pakikibaka at pagsalungat sa mga
matataas na uri sa pamamagitan ng isang marahas at mabalasik na paraan. Ang
nobelang ito ang karugtong at wakas ng dalawang nobela upang matighaw ang
pagkauhaw sa kalayaan ng maraming Pilipino.
Voltaire M. Villanueva Ph. D
7
Suriin
Ang akdang iyong nabasa ay ang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo na naging pangalawang nobela ni Dr. Jose Rizal. Binibigyan ng pokus dito ang mga pangyayari na hahasa sa iyong kakayahang
umunawa.
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat niya
ng nobelang ito?
2. Ano-ano ang ginawa ng kanyang mga kababayan para hadlangan ang
kanyang pagpatuloy sa pagsulat?
3. Bakit damang-dama ni Rizal ang paghihirap sa pagsulat ng nobela?
4. Paano ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng kanyang nobela? Sino ang
tumulong sa kanya?
5. Sa iyong palagay bakit kaya mahalagang pag-aralan ang nobelang ito?
Gawain 1.
Panuto: Piliin at suriin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa loob ng kahon
batay sa napakinggan o nabasang kaligirang pangkakasaysayan ng
El Filibusterismo.
Mga Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
A. Inumpisahang sulatin ang EI Filibusterismo
B. Pag-alis ni Dr. Jose Rizal sa Bansa
C. Hirap na dinanas ng isulat ang El Filibusterismo
D. Ang pagpunta niya sa Ghent, Belgium
Magaling! Simula palang ay
ipinamalas muna ang iyong
kahusayan sa pagsagot.
Ituloy mo lang!
8
Pangyayari 1 Pagsusuri:
Pangyayari 2 Pagsusuri:
Pangyayari 3 Pagsusuri
Pangyayari 4 Pagsusuri:
Gawain 2.
Panuto: Lagyan ng tsek( ∕ ) ang mga kahong naglalahad ng mga kondisyong noong panahong isinulat ni Dr.Jose Rizal ang akdang
El Filibusterismo. Sa patlang ay sumulat ng isang patunay na umiiral o nangyari ang kondisyon o sitwasyong nilagyan mo ng tsek( ∕).
1. Nabatid ni Rizal na hindi magiging matagumpay ang pagsulat ng