Top Banner

of 38

1 AP_LM Tag U3.doc

Mar 04, 2016

Download

Documents

ulanrain311
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript

Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralan

Yunit 3

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Araling Panlipunan Unang Baitang

Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog

Unang Edisyon, 2012

ISBN: 978-971-9981-51-0

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Br. Armin Luistro FSC

Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano

Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address:2nd Floor Dorm G, PSC Complex,

Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600

Telefax:

(02) 634-1054, 634-1072

E-mail Address:[email protected]

TALAAN NG MGA NILALAMANYUNIT 3: Ang Aking Paaralan

Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan ...109

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan .......................110

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay ....113

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan ...116

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago sa Aking Paaralan ..................................................................117

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang nasa Paaralan ...120

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan .121

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan .............124

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan .....................................................................................131

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan .132

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan ........136

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan ..137

Yunit 3: ANG AKING PAARALAN

Panimula

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:

1. naipakikilala ang iyong paaralan;2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan;

3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa iyo;

4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kuwento ng paaralan;5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral;

6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan; at

7. napahahalagahan ang iyong paaralan.Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan

Panimula

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan

Pag-isipan

Anong mahahalagang impormasyon ang masasabi mo sa iyong paaralan?Gawain 1

Itanong sa inyong punong-guro ang sumusunod:

1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?3. Kailan itinayo ang ating paaralan?4. Saan ito matatagpuan?5. Sino-sino ang bumubuo sa ating paaralan?Gawain 2

Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon sa ibaba. Gawing makulay ang iyong iginuhit.

Gawain 3

Buuin ang graphic organizer sa ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong paaralan.

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay

Pag-isipan

Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa iyo?

Gawain 1

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang Celia Studious and Conrad Cat ni Regina S. Fernandez.

Saan pumupunta si Celia araw-araw?

Ano-ano ang ginagawa ni Conrad para hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa paaralan?

Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa paaralan?

Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia?

Ano-ano ang masayang karanasan ni Celia sa kaniyang paaralan?Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman?Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit?

Gawain 2

Ano ang iyong masasayang karanasan sa paaralan? Pumili ng tatlong masayang karanasan at iguhit ito sa loob ng mga bilog.

Gawain 3

Nakaguhit dito ang mga ginagawa at natutuhan ni Celia sa paaralan. Subukin mong iguhit sa kabilang kahon ang mga ginagawa at natututuhan mo sa iyong paaralan.

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan

Panimula

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago sa Aking Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga bagay na nagbago at di nagbago sa aking paaralan?Gawain 1

Tanungin ang bisitang inanyayahan ng iyong guro tungkol sa pinagmulan ng iyong paaralan.

Narito ang maaaring itanong sa inyong bisita:

Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito?Nagbago po ba ang laki o sukat nito?

Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan ngayon?

May uniporme po ba sila?Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?Ano-ano pa po ang nagbago rito? Gawain 2Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Subukin ninyo ng iyong mga kapangkat na punan ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba.

NgayonNoon

Pangalan ng paaralan

Lokasyon ng paaralan

Laki o lawak ng paaralan

Mga kasapi ng paaralan

Bilang ng mga mag-aaral

Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan

Mga itinuturo sa paaralan

Batay sa mga impormasyong inyong nakuha at naisulat, ano ang mga bagay na nagbago at di nagbago.Gawain 3

Iguhit ang iyong paaralan noon at ngayon sa mga kahong nasa ibaba.

Ang Aking Paaralan NoonAng Aking Paaralan Ngayon

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang Nasa Paaralan

Panimula

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan

Pag-isipan

Ano-ano ang iyong ginagawa sa paaralan?Gawain 1Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Isulat ang bilang 1 sa loob ng bilog para sa pinakaunang gawain at 5 naman sa pinakahuling gawain.

Gawain 2

Gumawa ng timeline na nagpapakita ng iyong gawain sa iyong paaralan sa loob ng isang araw. Iguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Kulayan ang iyong ginawa.

Gawain 3Tingnan mo ang mga larawan. Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng mga itinuturo ng iyong guro at natututuhan mo sa iyong paaralan.

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga dapat mong gawin sa paaralan bilang isang mag-aaral?

Gawain 1

Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1.

Ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang pinapasukan.

Suriin ang mga larawan at bilugan ang nagpapakita ng mga tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral.

Bakit ito ang mga larawang iyong binilugan?

Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong binilugan?Ano naman ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing hindi mo binilugan?Gawain 2

Makikita sa tsart ang ibat ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Alin sa mga ito ang ginagawa mo sa bawat araw? Lagyan ito ng tsek (().

Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?Ano ang iyong naramdaman matapos mong malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa mo bilang mag-aaral?Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin sa paaralan?Gawain 3Tingnan at suriin ang mga larawan sa letrang A at letrang B. Subukin mong iguhit sa loob ng kahon kung ano ang posibleng mangyari sa huling bahagi ng ipinakikitang sitwasyon.

A

Alin sa dalawang pangkat ng mga larawan ang nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang mag-aaral, letrang A o letrang B?

Bakit ang iyong iginuhit ang napili mong huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon?Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin?

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

Panimula

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

Pag-isipan

Anong mga alituntunin ang ipinatutupad sa inyong silid-aralan?

Gawain 1

Bilang isang klase, bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng ibat ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.

Bago magsimula ang klaseHabang nagkaklase

Tuwing recessBago mag-uwian

Gawain 2Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag ginawa mo ang mga ito? Isulat sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang iyong sagot sa bawat sitwasyon.

Gawain 3

Balikan ang inyong ginawang graphic organizer. Sa iyong palagay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng inyong silid-aralan? Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin? Isulat ang letra ng sitwasyon sa loob ng angkop na kahon.

Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin?

Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin?May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan?

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan

Panimula

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan

Pag-isipan

Bakit mahalaga ang iyong paaralan? Gawain 1

Sabay-sabay ninyong awitin o bigkasin ang Bata pa Ako na sinulat ni Julia Abueva.

Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ang nilalaman ng Bata pa Ako?Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya?

Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya?Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o maranasan?Gawain 2

Ano kaya ang mangyayari sa isang bata sa kaniyang pagtanda kung hindi man lamang siya makapag-aral sa isang paaralan?

Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral? Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral?Lagyan ng arrow ( ) papunta sa larawan ng paaralan ang mga larawang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.

Tingnan mo ang halimbawa. Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng paaralan.

Gawain 3Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng iyong paaralan.

Sa tulong ng guro o magulang o tagapag-alaga, punan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa iyo ang iyong paaralan.

Mahalaga ang aking paaralan dahil _________

______________________________________________

______________________________________________

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.Lagyan ng tsek(() ang angkop na kahon sa iyong sagot.

Nagamit ko ang mga kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.

2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining.

3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking kamag-aral.

4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro.

5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kaklase.

6. Nasuri ko ang ibat ibang bagay.

7. Nakapaghambing ako ng ibat ibang bagay.

8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan.

9. Nakapag-isip ako ng maaaring mangyari sa isang sitwasyon .

10. Napahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan.

Nagawa ko ang mga bagay na ito:

1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.

2. Natukoy ko ang ibat ibang kasapi ng paaralan.

3. Nakagawa ako ng isang panayam.

4. Nakaguhit ako ng ibat ibang larawan.

5. Nakabuo ako ng timeline.

6. Nakagawa ako ng graphic organizer.

7. Nakaawit ako ng isang awitin.

8. Nakabigkas ako ng isang tula.

9. Nasuri ko ang isang awit o tula.

10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan.

Naipahahayag ko ang mga ito: 1. Natutuhan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.

2. Natutuhan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.

3. Natutuhan ko na may ibat ibang kasapi na bumubuo sa aking paaralan .

4. Natutuhan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan.

5. Natutuhan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning ipinatutupad sa aking paaralan.

6. Natutuhan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin bilang mag-aaral.

7. Natutuhan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at paaralan.

Komento ng iyong guro

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ .

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar

Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili

Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus

Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena

Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro

Encoder: Earl John V. Lee

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Taon ng

Pagkakatatag

Lokasyon ng Paaralan

Paaralan

Mga Taong Bumubuo sa Paaralan

Pangalan ng

Paaralan

Tandaan:

Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing pangalawa mong tahanan.

Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan

Tandaan:

Ang paaralan ay isang lugar na marami kang makikilalang bagong kaibigan na iyong makakalaro, makakasama sa pagbabasa,

pagsusulat, pagguhit, at iba pang mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa iyong buhay.

Tandaan:

May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago sa iyong paaralan.

Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng mga pagbabago o pagpapatuloy.

Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw

Bago magsimula ang klase

Habang nagtuturo ang aking Guro

Oras ng pagkain o recess

Bago mag-uwian ang klase

Tandaan:

Mayroon kang ibat ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral

upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

(Hindi Pagsunod sa Alituntunin

(Pagsunod sa Alituntunin

Tandaan:

May ibat ibang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan.

Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-aral at ng inyong guro.

Bata Pa Ako

Di ka ba nagtatakaAko'y nasa lansanganAt ikaw ay nasa sasakyanPapuntang paaralanMakatapos kaya akoKahit mga libro'y pinaglumaan moPangarap lang baPagka't mahirap lang akoPwede bang sumali sa inyong laroKahit kunwa-kunwaring nag-aaral din akoDala ba ng tadhana na tayo'y magkaibaSana balang araw maging tulad din kita

Paano bang sumulat, magbasa ng gaya moBata alam mo ba, na bata rin ako?Musmos pa rin ako,Di lang napapansinMagulang at kapatid,Nakaasa sa akinBata sino baAng nagtuturo't gumagabay sa'yoMay pag-asa pa bangMaturuan din nya ako

Sa lahat ng inaasamIsa ang pinakagustoNa sana'y pagtanda natinWala ng batang tulad ko

Mula sa : http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html

Tandaan:

Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan,

mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman.

Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.

Mag-aaral

Guro

Guro

Mag-aaral

Guro

Mag-aaral

Araling Panlipunan

Kagamitan ng Mag-aaral

Tagalog

iiiii