KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Module No. 01 Week 1-2 Lesson Title Mga Konseptong Pangwika Lesson Target Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. Panimula Ano kaya ang maaaring mangyari sa loob ng tahanan kung hindi nakapag-uusap ang bawat miyembro ng pamilya? Ano ang kaya ang maaaring maganap sa paaralan kung di makapagpapahayag ng saloobin ang bawat isa? At paano kung ang bawat tao ay walang daluyan ng pagkakaunawaan? Ganito kahalaga ang magkaroon ng midyum ng komunikasyon. Nakasalalay sa wikang nauunawaan nang lahat ang tibay ng ugnayan at tagal ng samahan. Ito ay ilan lamang sa papel ng wika sa ating lipunan. Sa modyul na ito ay iisa-isahin ang mga konseptong pangwika na makatutulong upang higit na mapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa buhay ng tao. Wika Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas. Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981). Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa parang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988) Sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005) Nagsisilbing impukan-hanguan at dluyan ng kultura (Salazar, 1996). Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)
12
Embed
01 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT … 2 Mga Konseptong... · sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas. Sistema
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Module No. 01
Week
1-2
Lesson Title Mga Konseptong Pangwika
Lesson Target Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pang komunikasyon sa telebisyon. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
Panimula
Ano kaya ang maaaring mangyari sa loob ng tahanan kung hindi nakapag-uusap ang bawat
miyembro ng pamilya? Ano ang kaya ang maaaring maganap sa paaralan kung di
makapagpapahayag ng saloobin ang bawat isa? At paano kung ang bawat tao ay walang daluyan ng
pagkakaunawaan?
Ganito kahalaga ang magkaroon ng midyum ng komunikasyon. Nakasalalay sa wikang nauunawaan
nang lahat ang tibay ng ugnayan at tagal ng samahan. Ito ay ilan lamang sa papel ng wika sa ating
lipunan. Sa modyul na ito ay iisa-isahin ang mga konseptong pangwika na makatutulong upang higit
na mapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa buhay ng tao.
Wika
Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon
sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat
man o binibigkas.
Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na mga titik na iniuugnay
natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981).
Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa parang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason, 1988)
Sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng
pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at
Trager, 1942; Peng, 2005)
Nagsisilbing impukan-hanguan at dluyan ng kultura (Salazar, 1996).
Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)
Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring
matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino,
1996).
Katangian ng Wika
May masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag
pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa
iba pang mga salita (semantika) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may
istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na
kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin
ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng
palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Buhay. Buhay ang wika ay patuloy na nagbabago, nadaragdagan at nalilinang.
Mga Katangian ng Sariling Wika
Katagang nanganganak ng salita (word metamorphism)- may kapangyarihan ang ating wika na
makabuo ng marami pang salita mula sa iisang salitang-ugat lamang. Nagagawa ito sa pamamagitan
ng paglalakip ng iba’t ibang panlapi at kumbinasyon ng mga salita. Halimbawa, ang salitang-ugat na
buhay (hanapbuhay, nabuhay, pagkabuhay, buhay-Maynila, Sumakabilang buhay, walang
buhay,atbp.)
Kung ano’ng bigkas, siyang baybay (phonetic simplicity)- Walang piping tunog sa ating wika. Bawat
titik na bumubuo sa salita ay may tiyak at ispesipikong tunog o bigkas. Kung paano binigkas, ganoon
din ang pagsulat, at kung paano nasusulat, ganoon din bibigkasin.
Tunog Kalikasan (onomatopoeia)- isa pa rin sa katangian n gating wika ay ang kakanyahang magaya
ang likas na tunog na kaugnay ng mga bagay o kilos na nakapaloob sa salita, ayon sa pag-aaral na
ginawa ni Bayani Mendoza de Leon. Halimbawa, “ubo”, “hatsing”, “untog”, “halakhak”, “pagaspas”,
“dagundong”, at marami pang iba.
Mahigpit na Kasaklawan at Pagkamaugnayin ( neoligistic cohesion) – neologism ang tawag sa
pagdurugtong ng unlapi sa mga salitang-ugat, nagkakamit ng isang antas ng kahulugan at nagpapakita
ng maugnayin at masistemang istruktura ng wikang Filipino. Halimbawa, ang unlaping ka- na
tumutukoy sa uri ng pagkakaugnayan (kakambal, kamag-anak, kasama, kabiyak, kaanak,atbp)
Kataga at salitang inuulit – at ang wikang Filipino ay may katangiang pag-uulit ng kataga o salita.