aquireligion.weebly.com · Web viewPAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Panuto: Ano ang kalayaan para sa iyo? Suriin ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung alin sa
Post on 05-Jan-2020
234 Views
Preview:
Transcript
PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN ATPAG-UNAWA
Panuto: Ano ang kalayaan para sa iyo? Suriin ang mga sumusunod na
larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan
at alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat ang titik ng larawan na nagpapakita ng
kalayaan sa unang hanay. Isulat din ang titik ng larawan na nagpapakita ng kawalan
ng kalayaan. Sundan ang pormat na ito:
Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng Kalayaan
A. Paggawa ng gawaing bahay B. Pag-inom ng alak C. Bayanihan
D. Maagang pakikipag E. Pakikipag-away F. Pag-aaral ng
relasyon sa kabilang
kasarian
leksiyon
G. Paninigarilyo H. Kahirapan I. Masayang
pamilya
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang hanay?
2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang hanay?
3. Ano ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan?
May bago ka bang natuklasan tungkol sa kalayaan?
Ngayon naman, pag-aralan ang mga situwasyon na karaniwang
ginagawa ng ilang nagdadalaga at nagbibinatang katulad mo. Suriin kung
naipamumuhay nila ang kanilang pagkakaroon ng kalayaan.
Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon, masasabi mo bang may kalayaan
sa mga ito? Sa bawat situwasyon sa unang hanay, sabihin kung may kalayaan o
wala sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () kung mayroon o ekis (×) sa
ikalawang kolum. Isulat ang iyong patunay sa iyong sagot, isulat ito sa ikatlong
kolum.
SITUWASYON
MAY
KALAYAAN
O WALA
PATUNAY
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom ng alak,
pagkalulong sa droga)
2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis
3. Pagpapabaya sa pag-aaral
(hindi gumagawa ng project, o
naghahanda ng takdang-aralin,
etc.)
4. Pagrebelde sa magulang
5. Pagsama sa maling
barkada
Ano ang nahinuha mong kahulugan ng kalayaan mula sa gawaing
ito? Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Isang mahalagang biyaya kasunod ng buhay na ipinagkaloob sa tao,
ay ang biyaya ng kalayaan upang pamahalaan ang buhay na ito. Malaking
hamon sa iyo ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng kalayaan na
ipinagkaloob sa tao. Tama ba ang pakahulugan mo sa salitang ito? Tama ba
ang paraan nang paggamit mo dito?
Sa susunod na bahagi ng modyul na ito, unawain mo ang tunay na
kahulugan ng kalayaang taglay mo.
KALAYAAN
PAGPAPALALIM
May mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay
kapangyarihan na gawin ang anomang naisin ng tao. Kung susuriin
ayon kay de Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi
ang anomang kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang
mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng
taong hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman
ang lahat ng bagay – ngunit wala siyang kalayaan upang magawa ang
mga ito.
Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?
Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang
tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya.
Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang
kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao
ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan
at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na
malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang
pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos
para sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring
magtakda nito para sa kanya. Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit
subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit ang kalayaang ito ay hindi
tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang pagpili.
Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang
piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada
kaysa mag-aral ng leksyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan
nito. Hindi maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang
piniling gawin. Hindi malaya ang tao na piliin ang kahihinatnan ng kilos na
kanyang pinili. Samakatuwid, ang kalayaan ay hindi lubos, at ito ay may
limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na Batas Moral. Ipinaliwanag
ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito katulad ng
kaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan ang nagbibigay
hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas na
Batas Moral ang nagbibigay –hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at
nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning
kailangang sundin na nagbibigay-hugis at direksiyon sa kalayaan.
URI NG KALAYAAN
Mayroong dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,
nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na
Kalayaan ng kilos-loob ang:
a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o
hindi magnais
b) kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan
upang tukuyin kung alin ang nanaisin
Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Dito”.
Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi magnais
na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya
ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng babala, malaya
nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang kapalit
sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang magpiknik na
lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang.
Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito
maipagkakait, makukuha o maaalis sa kanya.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na
ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang
ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa
sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na
kalayaan.
Halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, propesyonal at pang-
akademikong kalayaan. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang kalayaang pumili
ng sasalihang samahang politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang
pang-akademikong kalayaan halimbawa ay ang kalayaang pumili ng paaralang
papasukan at kursong kukunin sa kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na
gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sariling pamamaraan subalit hindi
taliwas sa mga panuntunan.
Ayon kay Esther Esteban (1990), ang
konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na
nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat
upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang
layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong
linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.
Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa
pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan
sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao,
mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba pinayagan ng Diyos na
maging malaya ang tao na tanggapin o suwayin ang Kanyang batas? Bakit
hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at
magpasya para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging
ang magulang ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa
pinilit at pagsunod na may takot.
Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na
pananagutan. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at
pagpapasyang gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa
paggamit ng kalayaan? Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang
kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang
kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating
pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran,
kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga din ang kalayaan para sa
ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong
pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong
pagpapasya. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto,
mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan
ng pasiya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang
anumang pagkakamali.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad
sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga
batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng
kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang
kilos-loob, ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may
kakayahan na magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral
na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang
kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispirituwal na aspeto
ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya
niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan
ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa
Ang tunay na
KALAYAAN ay ang
paggawa ng
kabutihan
nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang
mabuti.
Tayain natin ang iyong pag-unawaAno ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
a. Paano maipamamalas ang tunay na kalayaan?
b. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?
c. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti?
Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa babasahin. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno gamit ang graphic organizer.
Likas sa Tao
Kabutihan
Naging malinaw ba para sa iyo ang mga konseptong tinalakay tungkol sa kalayaan ng
tao? Nawa’y naging malinaw sa iyo ang tamang paraan ng paggamit ng kaloob na ito sa iyo
ng Diyos. Hangad kong magiging matalino at maingat ka sa iyong paggamit ng kalayaan.
Ang unang hakbang sa landas na pinili mong tahakin ay nangangahulugang pagpili ng
kahihinatnan nito.
Ano ang gagawin mo kung hindi mo gusto ang dulo ng daan?
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
“Kung anong itinanim ay siya ring aanihin.” “ Ang mangga ay hindi maaaring
mamunga ng santol.” Ilan lamang sa kilalang kasabihan tungkol sa paraan ng
paggamit ng tao ng kaniyang kalayaan. Sa bahaging ito ng aralin, ilalapat mo ang
mga natutunan mong konsepto tungkol sa kalayaan sa pang-araw-araw mong
buhay.
PagganapPanuto:
Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng
pagkilala sa maaaring kahihinatnan ng kilos sa bawat situwasyon.
Isulat ito sa unang kolum ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos.
Isulat din sa ikalawang kolum ang pangmatagalang epekto ng kilos.
Gabay mo ang naunang situwasyon bilang halimbawa.
SITUWASYON AGARANG EPEKTOPANGMATAGALANG
EPEKTOHalimbawa:
Kapag tinanggihan ko ang
alok ng kaibigan kong
sumama sa kaniya para
magsugal.
Halimbawa:
-hindi masasayang ang
pera ko.
-hindi ako matututong
magsugal.
- hindi niya na ako yayain
ulit sa susunod.
Halimbawa:
- hindi ako magugumon
ako sa sugal.
- makakapagtapos ako ng
pag-aaral
Kapag tumutulong ako sa
gawaing bahay.
Kapag hindi ko ginawa
ang aking mga takdang-
aralin.
rnal.
Kapag maaga akong
nakipagrelasyon sa
kabilang kasarian.
Kapag nag-aral ako ng
leksiyon araw-araw.
Kapag pinagbigyan ko ang
alok ng kaibigan kong
manood ng pornograpiya.
Pagninilay
Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong tunay na kahulugan ng kalayaan.
Sagutin ang mga tanong na: Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol sa kalayaan?
Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko? Gawin ito sa iyong
dyo
Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol sa kalayaan?
Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko?
Pagsasabuhay
Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Bagama’t hindi
perpekto ang tao kaya’t siya ay nagkakamali sa ilang pagpapasiya. Subali’t dahil sa
kalayaan, maaari niyang baguhin at paunlarin ang kaniyang pagpapasiya at ang
kaniyang pagkatao.
Panuto:
Sa mga ginawa mong pasiya sa nakaraan, alin sa mga ito ang nais mong
baguhin at paunlarin upang masigurado mong ginagamit mo ang iyong kalayaan sa
tamang paraan?Gawin ang “ Kalayaan Ko, Kabutihan Ko” sa pamamagitan ng
pagtala ng mga kilos na nais mong baguhin o paunlarin. Banggitin din ang nagging
epekto nito sa iyong pagkatao o sa kapwa. Ang gagawin mo upang mapaunlad o
baguhin ang kilos. Itala rin ang mga araw ng pagsasagawa nito at ang epekto o
resulta nito.
Kilos Na Nais
Kong
Baguhin/Paunlar
in
Naging Epekto
sa
Pagkatao/Kap
wa
Gagawin
Kong
Pagbabag
o
Lune
s
Mar
tes
Miy
erko
les
Huw
ebes
Biy
erne
s
Sab
ado
Ling
go
Epekto sa
Pagkatao/
Kapwa
Halimbawa:
Pagsagot nang
pabalang sa
aking mga
magulang.
Naging walang
respeto hindi
lang sa
magulang
kundi pati sa
ibang tao.
Pipiliin ko
na ang
mga
salitang
gagamitin
ko sa
pakikipag-
usap sa
aking
magulang.
Magiging
mahinaho
n.
× Naging
magalang at
mapagtimpi
sa sariling
emosyon.
Binabati kita sa pagsisikap mong maging mapanagutan sa paggamit ng
iyong kalayaan. Hangad ko ang patuloy na pagsasagawa at pagsasabuhay ng
gawain hindi lamang sa loob ng isang lingo kundi sa buong buhay mo.
Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet)
Mga Sanggunian:
De Torre, Joseph M. Christian Philosophy. Manila: Sinag-tala Publisher(1980).
Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila:Sinag-tala
Publishers, Inc. (1990).
Institute for Development Education Center for Research and Communication.
Perspective: Current Issues in Values Education 4. Manila: Sinag-tala Publisher
(1992).
Lipio, Felicidad C. Konsiyensiya para sa mga Katolikong Pilipin.NB.Manila.(2004)
Quito, Emerita S. Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. (2008).
Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa
Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig
City: Awtor
Philosophy of Freedom (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from
ht t p : / / e n . w i k i p e d i a.o r g/ w i k i / P h il os o p h y o f Freedom
Freedom (philosophy) (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from
ht t p : / / e n w i k i p e d i a.o r g / w i k i / F r e e d o m
top related