Sinaunang Kasalan

Post on 14-Apr-2017

241 Views

Category:

Education

5 Downloads

Preview:

Click to see full reader

Transcript

                                 

SINAUNANG

KASALAN

ANG TRADISYUNAL NA KASALANG PILIPNO AY NAGSISIMULA SA…

kung saan maghaharap sa isang piging o munting salu-salo ang pamilya ng lalaki at babaeng nagnanais na makasal.

PAMAMANHIKAN

Sa pagkakataong iyon pinag-uusapan at pinagkakasunduan

ang mga detalye ng magaganap na kasalan. Mahusay na

pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung kalian

at saan gaganapin nag kasalan at ang mga hangganan

ng mga gastusin ng bawat pamilya.

Sa panahon din ng pamamanhikan ang pagbibigay

ng lalaki ng dote o bigay kaya para sa pamilya ng babae. Ang dote ay maaring lupa, kalabaw,

kabayo, mahahalagang bagay o di kaya` naman ay salapi.

    Matapos ang pamamanhikan, maiiwan

ang lalaki sa bahay ng babae upang magsilbi.

TINATAWAG ITONG…PANGHIHINUYO O PANUNUYO.

Gagawin ng lalaki ang mga gawaing

maaring makatulong sa pamilya ng

ginigiliw.

Magsisibak ng kahoy, sasalok ng tubig, tutulong sa mga gawain sa bukid, mangingisda o di kaya

naman ay mangangaso.

BISPIRAS NG KASALANAng bispiras ng kasalan ay

ang huling araw at gabi bago ang kaganapan. Ito

ang pinaka-aabalang araw sapagakat sa araw na iyon

inihahanda ang mga pagkain at kagamitan para

sa kasal. Nagtutulungan ang dalawang panig sa lahat ng

mga gawain.

Masaya rin ang araw na ito sapagkat habang ginagawa ang

mga paghahanda ay nagiinuman, nagsasayawan, at nagkakaroon

ng mga katuwaan ang pamilya ng lalaki at babae kasama ng mga nagsisitulong sa pagahahanda.

ANG ARAW NG KASAL …

ANG MISMONG ARAW NG KASAL AY PUNO NG IMOSYON.

Ang pinaghalong lungkot at saya, sapagka`t hindi

maiiwasan ng mga magulang na isipin ang nalalapit na pagkawalay ng maaga sa anak upang harapin ang masalimuot at walang kasiguruhang

buhay may asawa.

Masaya din sila sapagkat  nangangah

ulugan iyon na napalaki nila ng

maayos at mabuti ang kanilang mga anak at ngayon nga ay may kakayahan na silang magtayo ng sariling

pamilya.

NAHAHATI SA LIMANG PARTE ANG KASALAN. ITO AY ANG:

Paghahatid sa altar

Inihahatid ang babae ng kanyang ama patungo sa harap ng altar kung saan naghihintay ang lalaki. Ito ay isisinasagawa sa saliw ng tradisyunal na himig

pangkasal. Nagmamartsa ang ama at ang babae

kasunod ng mga abay o mga pares ng binata at

dalaga.

Pagtanggap

       Pagdating ng babae sa harap ng altar ay magalang na

kukuhanin ng lalaki ang kamay ng babae mula sa kamay ng ama nito. Ito ng tagpo ng

pagtanggap. Isa ito sa pinaka madaming tagpo sa kasalan.

Ipinapangako ng lalaki sa ama ng babae na igagalang,

mamahalin at aalagaan nito ang kanyang anak.

Pagsusumpaan

Matapos ang pagtanggap ay luluhod ng babae at lalaki sa harap ng altar, kasama ng mga saksi,

kung saan naroroon ang pari na siyang

magsasagawa ng seremonya ng kasal.

Nagkakaroon ng panalangin at

pagbabasbas at pagkatapos ay

ipinapahayag ng magkasintahan na

tinatanggap nila ang isat-isa bilang asawa.

Matapos ang sumpaan ay isinusuot ng nila ang

singsing na sumisimbulo na sila ay

ganap nang mag-asawa.

Iniuutos ng pari na maaari nang hagkan ng lalaki ang

kanyang asawa. Ito ang simbolo na nagmamarka

ng pagtatapos ng seremonya.

Pagsalubong

  Matapos ang seremonya masayang

sinasalubong ng mga kaanak, kaibigan at mga nagsidalo ang

bagong mag-asawa.

Hinahagisan sila ng barya, bigas at mga talutot ng bulaklak.

Inihahagis ng babae ang pumpon ng bulaklak na pinag-aagawan ng mga

kadalagahan. Pinaniniwalaang ang

makasasambot nito ay ang susunod na

ikakasal. Samantala ihahagis naman na lalaki ang gater sasaluhin ng mga lalaki isusuot ito ng mapalad na lalaking makasasalo sa babaeng nakasalo ng pumpon ng bulaklak

Pagbubunyi

Pagadating sa tahanan masayang ipinagbubunyi ang bagong kasal.

Tumatanggap sila ng samut-saring regalo.

Isa sa pinaka-aabangan ay ang pagsasayaw ng lalaki at babae kung

saan sinasabitan sila ng pera habang sumasayaw..

Naglilibot din sila tangan ang bote ng alak. Pinaiinon nila ng alak ang mga

panauhin na nagaabot naman ng pera sa abot ng kanilang makakaya.

Matapos aang pagbubunyi ay iiwan na ng bagong kasal ang

nagkakasiyahang mga panauhin upang magtuloy sa kanilang

Pulot Gata o ang kanilang unang gabi biilang mag-asawa.

top related