Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Post on 18-Jan-2016
4323 Views
Preview:
DESCRIPTION
Transcript
Modyul 9: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng
KapwaI
Ano ang Pasasalamat? Sa salitang ingles ay gratitude.
Nagmula sa salitang latin na gratus
(nakakalugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at
gratis (libre o walang bayad)
Isang gawi o kilos na kinakailangan ng patuloy na
pag sasagawa hanggang ito ay maging birtud.
Pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong
gumawa ng kabutihang loob. Pagkakaroon ng masigla at magiliw na
pakiramdam sa taong gumawa ng kabutihan.
Mungkahi ni Susan Jeffers na may akdang Practicing Daily Gratitude: “Simulan ang kasanayan sa pag sasabi
ng pasasalamat kahit sampung beses sa bawat araw.”
Ayon kay Aesop,” Gratitude is the sign of noble souls”
Ayon kay Santo Tomas de Aquino: May 3 Antas ng Pasasalamat:1. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng
kapwa2. Pagpapasalamat3. Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng
kapwa sa abot ng makakaya
Ang Pasasalamat ay isa sa mgapagpapahalaga ng mga Pilipino.
Naipapakita ang Utang-na-loob Nangyayayari ang utang-na-loob sa panahong
ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa Pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa
lalo na sa oras ng matinding pangangailangan.
Ang Utang-na-loob sa Maling Paraan o Pang-aabuso May mga oras na dahil marunong tayong tumanaw
ng utang-na-loob ay minsan nagagamit natin ito sa maling paraan o pang-aabuso na hinahandugan natin nito.
Napakahalaga na magamit ang pasasalamat o utang na loob nang may pananagutan at sa tamang paraan.
Ayon kay Fr. Albert E. Alejo S.J.
Ang utang-na-loob ay kapag tumanggap na biyaya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan.
Ang pagtanaw ng mabuting kalooban ng ibang tao ay maaaring matumbasan ng pagganti ng mabuting kalooban sa iba.
Samakatuwid, maaaring ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa ibang tao.
Mahalaga na marunong kang mag pakumbabaat kilalanin mo na sa tulong ng ibang tao, ikaw ay nagingmatagumpay.
Ang pagpapakita ng ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinag kakautangan ng loob, maaari ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon nng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa ibang tao.
Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat
1) Magkaroon ng ritwal na pasasalamat2) Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga
taong nagpapakita ng kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat
3) Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan
4) Magpasalamat sa bawat araw5) Ang pangongolekta ng mga quotations ay
magpapabuti sa iyong pakiramdam6) Gumawa ng kabutihang loob sa kapwa ng
walang hinihinging kapalit7) Magbigay ng munti o simpleng regalo
Kawalan ng Pasasalamat (Ingratitude)
-isang masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao.
3 Antas ng Kawalan ng
Pasasalamat
1) Hindi pagbabalik ng kabutiha ng kabutihang loob sa kapwa sa abot ng makakaya
2) Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa3) Hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang
natanggap mula sa kapwa
Ang Kabaligtaran ng Pagiging Mapagpasalamat
Entitlement Mentality -isang paniniwala o pag-iisip na
anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
Hal. Dahil sa pag-iral ng materyalismo, ang mga kabataan ngayon ay hapit sa mga bagay na ito at nais nilang makuha agad.Kung hindi maibigay ng mga magulang nila ,pagsasalitaan nila ito ng masasakit at hindi maganda salita.
Magandang Dulot ng Pasasalamat sa Kalusugan
(base sa Institute for Research on Unlimited Love IRUL)
1) Ang paglaan ng 15 minuto bawat araw sa mga bagay na pinasasalamatan ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsupo sa mga bacteria sa katawan.
2) Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas pokus ang kaisipan at may mababang tsansa na magkaroon ng depresyon.
3) Nagkakaroon ng maayos na sistema ng katawan at pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo o pulse rate.
4) Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain.
8 Dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa tao ang pasasalamat
(by:Sonja Lyubommirsky)1)Nagtataguyod sa tao upang namnamin ang mga positibong karanasan sa buhay.2)Nagpapataas ng halaga sa sarili.3)Nakatutulong upang malampasan ang masamang
karanasan.4)Nagpapatibay ng Moral na pagkatao.5)Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng
kapwa,pinalakas ang kasalukuyang ugnayanAt hinuhubog ang bagong ugnayan.
6)Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.7)Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.8)Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa
mga materyal na bagay o kasiyahan.
AYON KAY EPESO 1:6“Magbigay ng pasasalamat
sa Panginoon, siya ay mabuti, ang pag-ibig Niya
ay walang hanggan.”
Submitted by:Kadymars G. Jabonero
G8 Maka-Diyos
Submitted to:Ms. Jennibeth Mendoza
top related