Pagpaparami ng armas

Post on 12-Jul-2015

221 Views

Category:

Education

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

Transcript

“ “ Pagpaparami Pagpaparami ng Armas “ng Armas “

Mencius: “ Kailanman ay walang mabuting idudulot

ang digmaan. “

• Sinabi ito ni mencius libong taon na ang nakakalipas. Pangungusap na sana’y magsilbing aral o gabay ng mga bansa sa pakikitungo sa isa’t-isa. Ngunit nagaganap parin ang digmaan at alitan gamit ang mga makabagong sandata ( gamit na may kapasidad na wasakin ang mundo at lahat ng uri ng buhay. )

“ Mga Dahilan ng Pagpaparami ng Armas “

• Noong Hunyo 16 , 1945 nagtagumpay sa kanilang pagsubok sa kauna-unahang pagkakataon ng mga instrumentong atomika ang mga siyentista ng United States.

• Ito ang bunga ng ilang taong pag-aaral at pagsasaliksik.

• Nag-uunahan ang mga Bansa sa paggawa at pag-imbak nito.

“ Militarisasyon “

• Pamumuno ng militar sa isang Pamahalaan.

Dahilan kung bakit may Militarisasyon :

1. Makalamang sa Ibang Bansa.2. Pagkakaroon ng Balanseng Pwersa.

“ Makalamang sa Ibang Bansa “

• Sa pagwakas ng Cold War nagdala ito ng kabawasan sa depensang pandaidig.

• International Institute for Strategic Studies: China, Japan at India ang may malawak na pwersang militar at maraming makakamatay na sandata sa 2050.

• Dahil sa mabilis na pag-unlad ng ekonomia, maaring gumawa at mag-angkat ang China ng mga mahalagang sandata na makapagbabago at magpapalakas sa kanyang pwersa.

• Nagpaunlad ang India ng kanyang kakayahang nukleyar sa pamamagitan ng mga International Ballistic Missile (ICBM) para tapatan ang China.

• Intermediate-range Ballistic Missile naman para sa Pakistan.

“ Sandatang Nukleyar “• Isang sandata na hinango ang kanyang

enerhiya mula sa mga reaksiyong nukleyar ng fission/fusion.

“ Pagkaroon ng Balanseng Pwersa “

• Sa Europe ay may pagbabagong ginawa na may kinalaman sa ekonomiya at depensa.

- Binigyang diin nila ang pagbabayad ng buwis at mga mataas na paggugol sa depensa para matapatan ang pagpapalawak na ginawa ng Russia.

• Naniniwala ang Pranses na tanging katapat ng Russia ang kanilang force de proppe.

• Binago ng Britain ang doktrinang pang-estratehiya nito tungo sa pagpapalakas ng kanyang sandatahang nukleyar, kapalit ng tinatawag na kumbensyonal na sandata.

“ Epekto ng Pagpaparami ng Armas “

• Magkahalong buti at sama ang bunga ng pagpaparam ng armas o miliarismo.

1. Mabuting Epekto2. Di-Mabuting Epekto

“ Mabuting Epekto “• Tungkulin ng Pamahalaan na bigyan ng

proteksiyon at seguridad ang kanyang nasasakupan.

• Kailangang matugunan nito ang iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay tulad ng karapatang pantao at pangangalaga sa likas na yaman.

• Ginamit ng U.S ang mga malalaking bodega ng mga sandatang nukleyar, simbolo ng seguridad at kapayapaan kung mapanatiling balanse ang lakas-nukleyar ng United States, Russia at iba pang bansa.

• Walang Bansa ang gustong gumamit ng mga ito laban sa ibang bansa.

• Ito ang ginagamit na argumentong deterrence sa U.S at sinikap tanggapin ng mundo.

• $900 bilyon hanggang $1 trilyon ang pandaigdigang gastusin para sa militar.

• Noong 1946, itinatag ang Atomic Energy Commission para matiyak na gagamitin lamang sa mapayapang pamamaraan ang enerhiyang galing dito.

• Nagnais ang mga bansa ng kapayapaan sa Pamamagitan ng mga Armas.

“ Di-Mabuting Epekto “• Kapag may hinalang gumawa ng mas

malakas na bomba ang kaaway, gagawa ng mas malakas pa nito ang kabila.

• Gumawa ang U.S nonng 1996 ng multiple warheads na pinantayan ng Soviet Union sa loob ng 2 taon.

• Nanguna ang U.S sa paggawa ng unang bombang atomika noong 1949 at Pagpaparami ng Armas.

• Pumapangalawa ang dating USSR at sinundan ng Britain, France at India.

• Dahil sa sandatang nukleyar sa mundo, nagkaroon ng tensiyon at pangamba. Kahit kunting alitan ng mga bansa panakot kaagad ang mga sandatang nukleyar.

“ Suliranin sa Kapaligiran “

• Malaking suliranin ang pagtapon ng Nuclear Waste.

• Kapag pakakawalan ito sa kapaligiran kakapit ang radioactive waste sa lupa, halaman, at tubig at magdudulot ito ng sakit at kamatayan.

• Nagdudulot ito ng dumi sa gitnang lawa ng pulo ang pagsubok-nukleyar ng U.S mula 1946-1958 sa Bikini Island (pulo sa timog-kanlurang Hawaii). Ang lawa ngayon ang nag-iisang Pinakamalaking pinanggalingan ng polusyon ng Plutonium sa mundo.

“ Plutonium “• Isa itong radyoaktibong materyal na

ginagamit sa mga sandatang nukleyar; nakakalasong materyal sa mundo na tumatagal ng 24,000 na taon.

• Ang Radioactive Fallout ay hindi lamang kumakapit sa lahat nang bagay sa kapaligiran. Ang buong epekto nito sa sakit, kasalantaan at pagbabago sa genes ay makikita lamang sa susunod na henerasyon.

“ Radioactive Fallout “• Ang fission fragment paputok

pinaghalong condenses sa particle o iba pang mga particle adhering sa solid materyal nabuo.

“ Kahalagahang Panlipunan “

• Permananteng aspeto ngayon ng Pambansang programa sa seguridad ng maraming bansa ang ponanaliksisk at pagpapaunlad ng mga sandatang nukleyar sa U.S

• Ayon sa UNESCO, $300 milyon bawat taon ang kailangan upang iligtas ang 3.5 milyong buhay.

“ Paglalagong Pandaigdigang Kalakalan sa Sandata “

• Pagkatapos ng Cold War, bumaba ang bilihan ng armas. Ngunit nagsimula namang magandang bilihan sanhi ng agam-agam tungkol sa pandaigdig na katiwasayan.

• Ayon sa Insitute for Strategic Studies: Tumaas nang 13 bahagdan ang pagbili ng mga sandata noong 1995.

• Ang tensiyon sa Kanlurang Asia at Silangang Asia ay nakaimpluwensiya sa paglaki ng bilihan ng mga Armas.

• Pinakamalaki sa daigdig ang bilihan ng armas sa Kanlurang Asia at South America.

Pinakamalaking Bilihan ng Armas sa Daigdig:

• Dahil ito ay suliranin sa pwersa ng kapayapaan, pag-aalala tungkol sa programa sa missile at nukleyar ng Iran at pagkukulang ng Iraq sa pagsunod sa tagasiyasat ng mga sandata ng United Nations.

“ Pagbabawas ng Kagamitang Pandigma “

• Ang pagtulak ng mga bombang nukleyar ay maaring pagmulan ng panganib na magwakas sa kabihasnang tinatamasa natin ngayon.

• Kinakailangan ngayon ng mga bansa ang pagkakaunawaan at pagtutulungan upang mapongalagaan ang katahimikan ng daigdig.

3 Bagay ang dapat pag-ukulan ng Pansin :

1. Mga Hakbang Kumbersyonal2. Mga Sandatang Nukleyar3. Mga Hindi Inaasahang Pananalakay

“ Mga Hakbang Kumbersyonal “

• Magkasundo ang Silangan at Kanluran na bawasan ang kanya-kanyang mga hukbong militar.

• Itinakda ng bawat panig sa kabuuang 2,500,000 para sa United States at Soviet Union at 750,000 para sa Britain at France.

“ Mga Sandatang Nukleyar “

• Nais ng United States na bawasan ang Sandatang Nukleyar at ihinto ang paggawa ng sangkap tulad ng Uranium.

• Sang-ayong gamitin ang kagamitang nukleyar para sa mapayapang bagay at pigilin ang pagsubok sa mga Bombang Hydrogen sa loob ng sampung buwan.

• Sumang-ayon ang Soviet Union sa mga panukalang ito maliban sa una.

“ Uranium “

• Isa itong elementong mabigat, parang pilak ang kaputian, likas na radyoaktibo at parang meatal, na madaling sumailalim sa oksidasyon, at nakakalason. Ginagamit bilang panggatong sa mga nukleyar reaktor, at bilang mahalagang sangkap ng mga sandatang nukleyar.

“ Bombang Hydrogen “

• Isang napaka-makapangyarihang bomba kung saan ang pagsabog ay sanhi ng pag-on ng hydrogen sa helium sa isang napakataas na temperatura.

“ Mga Hindi Inaasahang Pananalakay “

• Iminungkahi ng United States ang Openskies laban sa biglaang pananalakay. (Isa itong pagsisiyasat mula sa himpapawid sa pamamagitan ng mga erolanong magsusuri mula sa lupa, ng mga inaasahang tauhan na may pahintulot na pumunta kahit saan.)

• Payag ang Sovet Union subalit limitado ang pagsisiyasat.

“ Mga Pulong Tungkol sa Sandatang Nukleyar “

• Dahil sa panganib na dulot ng pagpaparami ng armas, nagsisikap ang mga makapangyarihang bansa na mag-usap at magkasundo tungkol dito.

“ Mga Kasunduan “

Kasunduan:1. Sea Bed Treaty2. Vienna Talks on Mutual Reduction of

Forces and Associated Measures in Central Europe.

3. Anti-Ballistics Missiles (ABM) Treaty4. Biological Weapons Convention5. Antartic Treaty6. Treaty on the Non-proliferation of

Nuclear Weapons7. Strategic Arms Limitation Talks

“ Sea Bed Treaty “

Probisyon :

• Nagbabawal maglagay ng Sandatang Nukleyar at kauri nito sa Karagatan.

Probisyon :• Pagpupulong ito tungkol ng mga

bansang kasapi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Warsaw Pact ukol sa pagkakaroon ng matatag na ugnayan at pananatili ng katatagan ng kapayapaan at seguridad sa isa’t-isa.

“ Anti-Ballistic Missiles (ABM) Treaty “

Probisyon :• Kasunduan sa pagitan ng United

States at Soviet Union tungkol sa pagbabawas ng anti-ballistics missiles.

“ Biological Weapons Convention “

Probisyon :

• Pagpupulong tungkol sa pagbabawal ng pagpapaunlad, paggawa, at pag-imbak ng Sandatang Bakteryolohikal na nakapupuksa.

“ Antartic Treaty “

Probisyon :

• Nagsasaad ito na dapat maging malaya sa mga Sandatang Nukleyar ang Antartica.

“ Treaty on the Non-proliferation of Nuclear

Weapons “

Probisyon :

• Nagbabawal nito ang pagsubok ng mga Sandatang Nukleyar sa kalawakan, karagatan at himpapawid.

“ Strategic Arms Limitation Talks “

Probisyon :• Noong Agusto 1972, isang kasunduan

ng SALT ang nagtakda sa bilang ng mga anti-ballistic missile na maaring gawin ng United States at Soviet Union. Limitado ang paglunsad ng missiles na ito sa dalawang base o himpilan para sa bawat Bansa.

• Sa SALT II , Balak ng Dalawang bansa na Palaging ihinto ang pagdagdag ng Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) at kung maari, bawasan ang bilang nito.

“ Paninindigan ng Pilipinas Tungkol sa Sandatang

Nukleyar “

• Sa Saligang Batas ng Pilipinas tungkol sa 1987, sa Artikulo II Sekyon VII

“ Alinsunod sa Pambansang Interes, ang Pilipinas ay pinagtibay at isinagawa ang patakarang hindi maglalagay ng sandatang nukleyar sa kanyang teritoryo. “

Thanks For Watching :D

Created by Group 15

• Leader : Jay-Anne Sandoval• Members:- Rose Marie Linao- Shryll Art Ando- John Kevin Nailon

top related