Transcript
Aralin 25
Kalakalang PanlabasInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula• Matapos mong matutuhan ang impormal na
sektor at ang mga dahilan at epekto ng pag-iral nito, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas.
Panimula• “No man is an island.” Nagpapatunay ito na
sa buhay ay kailangan natin ng karamay o kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang akma sa tao kundi maging sa isang bansa. Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at higit sa lahat sa pang-ekonomikong usaping na masasalamin sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Kalakalang Panlabas• Ito ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng
isang bansa sa ibang bansa.• Ito ay nagaganap sapagkat walang bansa
ang maaring makatugon ng lahat kanyang pangangailangan sa hilaw na sangkap, yamang tao, likas na yaman at iba pa ng walang tulong mula sa ibang bansa.
Batayan ng Kalakalang Panlabas
• Absolute Advantage• Comparative Advantage
Absolute Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may absolute advantage sa pagprodyus sa isang kalakal kung nakakalikha ito ng mas maraming bilang ng produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksyon kumpara sa ibang bansa.
Dami ng Produksyon gamit ang isang hektarya ng lupa
Bansa Kape BigasPilipinas 3,000 kaban 1,000 kabanThailand 2,000 kaban 2,000 kabanTOTAL 5,000 kaban 3,000 kaban
• Aling bansa ang may absolute advantage sa produksyon ng kape?
• Aling bansa ang may absolute advantage sa produksyon ng bigas?
Comparative Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may comparative advantage sa pagprodyus sa isang kalakal kung ito ay magkakaroon ng espesyalisasyon sa paglikha ng kalakal.
• Ang isang bansa ay may comparative advantage sa produksyon kung marami itong mapagkukunan ng paggawa, lupa at kapital na ginagamit sa produksyon ng naturang produkto.
Dami ng Produksyon Gamit ang isang hektarya ng lupa matapos ng espesyalisasyon
Bansa Kape BigasPilipinas ------- 3,000 kabanThailand 5,000 kaban ---------TOTAL 5,000 kaban 3,000 kaban
• Aling bansa ang may comparative advantage sa produksyon ng kape?
• Aling bansa ang may comparative advantage sa produksyon ng bigas?
Export• Pagluluwas o pagbebenta ng produkto sa
ibang bansa.
Import• Pag-angkat o pagbili ng produkto sa ibang
bansa.
Balance of Payments (BOP)• Tumutukoy sa
kalagayan ng kabayaran ng pagluluwas (export) at kabayaran sa pag-aangkat (import).
• Mayroong trade deficit kung mas mataas ang import sa export samantalang trade surplus naman kung mas mataas ang export sa import.
Kabutihan ng Pakikipagkalakalan
• Mas maraming produkto ang mapagpipilian sa pamilihan.
• Napapataas nito ang kalidad ng mga produkto na mabibili sa pamilihan.
• Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan ng bansang nakikipagkalakalan.
• Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto sa bansa.
Di-kabutihan ng Pakikipagkalakalan
• Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produktong imported.
• Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga mamamayan dahil umaasa na lamang sila sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
• Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa lipunan.
Samahang Pandaigdigang Pang-ekonomiko
World Trade Organization• Pormal na pinasinayaan at
nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi.
World Trade Organization• Layunin nito ang:
• Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);
• Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa (developing countries);
• Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;
Asia-Pacific Economic Council (APEC)
• Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Ito ay itinatag noong Nobyembre 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Singapore.
Asia-Pacific Economic Council (APEC)• Layunin ng APEC ang mga sumusunod:
• Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan
• Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
• Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
• Itinatag noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
• Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito.
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)• Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay
nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992 sa Singapore.
• Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
• Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa?
• Paano binago ng pag-unlad ng pag-aaral ng ekonomiks ang kaisipan tungkol sa kalakalang panlabas?
PAGPAPAHALAGA
Ang GRADES pinaghihirapan
HINDI inililimos!
Tandaan:
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
top related