GRAMATIKA

Post on 08-Jul-2015

230 Views

Category:

Education

5 Downloads

Preview:

Click to see full reader

Transcript

1. Ang tatalino _____ Daria, Cris at Victoria.

A. nila

B. nina

2. Natagpuan ko _____ ama at ina sa may tabing- dagat.

A. sila

B. sina

3. Isang ______ lamang mula sa iyo buo na ang araw ko.

A. kumusta

B. kamusta

4. Huwag _______ natin pansinin ang mga taong naninira sa atin.

A. nalang

B. na lang

5. Si Osang _______ ang nakatapos sa pagsusulit.

A. pa lang

B. palang

6. Ang saya ______ maligo sa may batis.

A. palang

B. pa lang

7. Ayaw kong ______ ng pansin sa pagtitipon.

A. mang-agaw

B. mangagaw

8. Sinasabing ______ lamang siya ng mga kaibigan upang yumaman.

A. nanggamit

B. nang-gamit

9. Ang ______ ko sa iyo ay tunay at totoo.

A. pag ibig

B. pag-ibig

1O. Si ama ay taal na ______ Bicol.

A. tagaBicol

B. taga-Bicol

11. Si G. Mendez na aming guro sa pisika ay

______.

A. tagabayan

B. taga-bayan

11. ______ ng mga teleserye ang mga manonood tuwing gabi.

A. pinapalungkot

B. pinalulungkot

12. Tunay na ______ ang kanyang pag-uugali.

A. nakakainis

B. nakaiinis

13. May sayaw ______ sa plasa ngayong gabi.

A. dito

B. rito

14. Nais ______ ni kuya na mag-aral sa Maynila.

A. raw

B. daw

15. Hindi _____ nakapasa si Jose sa pagsusulit.

A. din

B. rin

16. Iaalay ko sa iyo ang aking _______.

A. puso’t kaluluwa

B. pusot kaluluwa

17. Ang ganda ko ______.

A. ‘di ba

B. diba

18. Tayo ay magtakbuhan sa may ______.

A. tabingdagat

B. tabing-dagat

19. Ikaw ay tunay na _______ sa aking paningin.

A. hampaslupa

B. hampas-lupa

20. _______ ang pagtitiwala ko sa iyo bilang kaibigan ko.

A. Malaking-malaki

B. malaking malaki

21. _____ ang paraan natin sa pagharap sa mga problema.

A. Iba’t iba

B. Iba’t-iba

top related