FORGOTTEN VIRTUES 2 - 7AM TAGALOG SERVICE - PTR VETTY GUTIERREZ
Post on 12-Jun-2015
114 Views
Preview:
Transcript
2 CORINTO 7:1
Mga minamahal, sapagkat ipinangako
sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili
ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa
ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang
may ganap na kabanalan at
paggalang sa Diyos.
Ang kadalisayan ay walang dumi o
nakakasira o nakakabulok o
walang immoralidad o
walang kahalayan.
Ang pagka hindi dalisay
ito ay marumi at
makasalanan.
Bakit hirap tayong
mamuhay ng may
kadalisayan?
NAKALIMUTAN Mo NA
KUNG SINO KA!
Kung alam mo kung sino ka, alam mo rin
kung ano ang gagawin mo.
EFESO 1:4-5
Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo
upang maging kanya sa pamamagitan ng ating
pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap
niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at
kalooban.
EFESO 1:4-5
Pag ikaw ay mananampalataya, ikaw ang anak ng Diyos, ikaw
ang bagong nilalang, banal, pinili, minahal,
pinatawad,obra maestra, tinanggap, at ASAWANG
BABAE.
JUAN 3:29
Sa isang kasalan, ang babaing ikakasal ay para
lamang sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa
pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na
nagagalak kapag narinig niya ang tinig nito. Gayundin naman, lubos na ang aking
kagalakan ngayon.
NAKALIMUTAN MO
ANG IYONG PAGKATAW
AG.
ANO ANG PAGKATAWAG SA ATIN?
TINAWAG TAYO PARA
MAGING KAMUKHA NI HESUS.
TINAWAG TAYO PARA
MAGING BANAL
1 PEDRO1:14-15
Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa
masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong
magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, 16 sapagkat
nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal."
TINAWAG TAYO PARA MAGBAGO
NG PAGIISIP
EFESO 6:2-3
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong
pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng
Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na
kalooban niya.
TINAWAG TAYO PARA SUMUNOD SA SALITA NG DIYOS.
SANTIAGO 1:22
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos.
Kung ito'y pinapakinggan
lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa,
dinadaya ninyo ang inyong sarili.
MAAYOS NA PAG-
UUGALI
1 PETER 3:3-4
Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng
pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong
alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip,
pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang
walang kupas na likha ng maamo at mapayapang
diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
KAWIKAAN 11:22
Ang magandang babae ngunit
mangmang naman, ay tila gintong
singsing sa nguso ng baboy.
MAAYOS NA
PANANAMIT
MATEO 5:28
Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang
tumingin sa isang babae nang may mahalay na
pagnanasa ay nangangalunya na sa
babaing iyon sa kanyang puso.
1 TIMOTEO 2:9-10
9 Ang mga babae naman ay dapat maging mahinhin, maayos at maingat sa
pananamit at ayos ng buhok. Hindi sila dapat maging
magarbo sa pananamit at maluho sa mga mamahaling alahas na ginto o perlas. 10
Sa halip, ang maging kasuotan nila ay mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na
maka-Diyos.
PAHAYAG 19:6-9
Pagkatapos ay narinig ko ang parang sama-samang
tinig ng napakaraming tao, parang ugong ng
malaking talon at dagundong ng mga kulog. Ganito ang sabi ng tinig, "Purihin ang Panginoon! Sapagkat naghahari ang
Panginoon nating Diyos na Makapangyarihan sa
lahat!
PAHAYAG 19:6-9
7 Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin natin siya sapagkat
nalalapit na ang kasal ng Kordero. Nakahanda na
ang kasintahang babae; 8 nabihisan na siya ng
malinis at puting-puting lino." Ang lino ay sagisag ng mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.
PAHAYAG 19:6-9
9 At sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito:
mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng
Kordero." Idinugtong pa niya, "Ito ay tunay na mga salita ng
Diyos."
top related