Top Banner
Ang Balarila at Ang Retorika
34

Retorika at Balarila

Nov 24, 2014

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Retorika at Balarila

Ang Balarila at Ang Retorika

Page 2: Retorika at Balarila

Ang Balarila

Ang balarila ay kailangan upang magkaroon ng isang mainam at

maayos na pahayag.

Page 3: Retorika at Balarila

Ano ang balarila?

Ayon kay Federico B. Sebastian… “Ang balarila ay isang agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay.”

Ayon kay Lope K. Santos…

“Ang balarila ay bala ng dila.”

Page 4: Retorika at Balarila

Ang Retorika

Ang retorika ang tawag sa mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa

sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.

Page 5: Retorika at Balarila

Ano ang Retorika?Galing sa salitang “rhetor” na salitang Griyego na nangangahulugang “guro” o isang mahusay na orador / mananalumpati.

Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaigaigaya at epektibong pagsasalita at pagsulat.

Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong pagsasaayos ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.

Page 6: Retorika at Balarila

Kaugnayan ng Retorika sa Balarila

Ang retorika at balarila ay pawang mahahalagang sangkap para sa maayos, masining at magandang pagpapahayag. Kapag inalis ang balarila, mawawalan tayo ng kawastuhan sa anumang matinong panulat sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng balarila, makakabuo ng isang mainam at mayamang pahayag. Subalit ang isang pahayag na may balarila lamang at walang retorika ay nagiging kabagut-bagot sa bumabasa o nakikinig.

Page 7: Retorika at Balarila

Ang balarila ay masasabing isang agham sa paggamit ng salita at ang pagkakaugnay-ugnay nito. Isinasaalang-alang din ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa pangungusap.

Ang balarila ay may kaugnayan sa pag-aaral ng uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita at pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipang pang-gramatika.

Page 8: Retorika at Balarila

Ang Balarila sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag

May malaking bahagi ang balarila tungo sa mabisang pagpapahayag tulad ng wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa isang pagpapahayag.

Ang balarila ay may kaugnayan sa pag-aaral at uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita at tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipang pang-gramatika.

Page 9: Retorika at Balarila

Ito ay masasabi rin na isang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang pagkakaugnay-ugnay. Isinasaalang-alang din ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa pangungusap.

Ang pagpapahayag ay ang kakayahang maipabatid ang naiisip, nararamdaman at nalalaman. Ito ay bahagi ng kabuuan ng isang likhang may buhay. Sa bawat sandali ng buhay, ang tao ay nagpapahayag ng kanyang damdamin at iniisip.

Page 10: Retorika at Balarila

Dalawang Paraan sa Pagpapahayag

1. Pasalitang Pagpapahayag

2. Pasulat na Pagpapahayag

Ang isang nagpapahayag ay kailangang may sapat na kaalaman sa diwang kanyang ipinapahayag. Ang nilalaman ay napakahalaga upang maunawaan at mahikayat ang nakikinig o babasa.

Page 11: Retorika at Balarila

Pagpili ng Wastong SalitaAng pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipahahayag.

Mali: Pasadahan mo ang iyong kapatid sa eskwela.Tama: Daanan mo ang iyong kapatid sa eskwela.

Mali: Yayao na siya papuntang palengke.Tama: Aalis na siya papuntang palengke.

Page 12: Retorika at Balarila

May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo o paglulumanay sa ating pagpapahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para rito.

Halimbawa:

kumain sa halip na lumamontinangay ng bagyo sa halip na dinala ng bagyo

Page 13: Retorika at Balarila

Wastong Gamit ng mga Salita1. Nang at NgGinagamit ang nang kapag:

a. pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay.

halimbawa: Matulog kang mahimbing nang may lakas ka mamaya.

Mag-ensayo ka nang manalo ka sa paligsahan.

b. inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Nagmula sa “na” at inaangkupan ng “ng”.

halimbawa: Nagmaneho nang maingat sa baha si Gabie.

Nagluto nang masarap na pagkain si nanay.

Page 14: Retorika at Balarila

c. ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat, pawatas at pandiwang inuulit.

halimbawa: Walis nang walis si Iday sa hardin. Aral nang aral si Glenne para sa

mahabang pagsusulit.

Page 15: Retorika at Balarila

Ginagamit ang ng kapag:

a. pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.halimbawa: Nagpintura siya ng kotse.

Naghakot sila ng gamit.

b. pananda ng tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.halimbawa: Pinasyalan ng turista ang Hawaii.

Ikinarga ng binata ang mga kahon.

c. nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.

halimbawa: Ang laruan ng bata ay nasira. Ang sasakyan ng mag-asawa ay nalubog

sa baha.

Page 16: Retorika at Balarila

2. Kung at KongKung pangatnig na panubali at ito’y karaniwang

ginagamit sa hugnayang pangungusap. Ipinakikilala ang di-katiyakan ng isang kalagayan.

halimbawa: Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang uwi niya sa probinsya.

Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

Kong nanggaling sa panghalip na panaong “ko” at inaangkupan lamang ng “ng”.

halimbawa: Gusto kong maging maayos ang buhay mo.

Minamahal kong ina.

Page 17: Retorika at Balarila

3. May at MayroonGinagamit ang may kapag:

a. sinusundan ng pangngalanhalimbawa: May pagkain ka ba diyan?

May bukas pa. Sinabi kong may pag‐asa pa siya.

 b. sinusundan ng pandiwahalimbawa: May nalaman ako tungkol sa’yo.

May bumili na ba ng papel? May gagawin pa akong takda.

Page 18: Retorika at Balarila

c. sinusundan ng pang‐urihalimbawa: Si Antonette ay may bagong manliligaw.

May luma ka bang mga libro? Siya ay may maliit na bahay.

 d. sinusundan ng panghalip na panaohalimbawa: May kanya‐kanya tayong buhay. Doon daw siya nakatira sa may atin.

Doon nangyari ang krimen sa may amin.

Page 19: Retorika at Balarila

Ginagamit ang mayroon kapag:

a. may napapasingit na katagahalimbawa: Ang Pilipinas ba ay mayroon pang pag‐asa?

Mayroon din siyang kakaibang ugali. Ginoo, mayroon po kayong bisita sa labas.

 b. ipananagot sa tanonghalimbawa: May naiwanan ka ba? Mayroon.

May umaway ba sa’yo? Mayroon po, Inay. Si Yumi ba ay mayroon ding ginagawa?

Mayroon daw.

Page 20: Retorika at Balarila

c. nangangahulugan ng pagka‐maykaya sa buhayhalimbawa: Isa si Jennifer sa mga mayroon sa barkada namin.

Mayroon ang pamilyang Santiago. Hindi siya mayaman, mayroon lang ang

pamilya nila.

Page 21: Retorika at Balarila

4. Subukin at Subukan

Subukin pagsusuri o pagsisiyasat sa lakas o kakayahan.

halimbawa: Subukin mong bumili ng ibang bolpen.

Susubukin mo bang malaman kung paano ginagamit iyan? Subukan pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isa o maraming tao.

halimbawa: Subukan mong kausapin siya. Susubukan ko bukas na isumbong

siya sa pulis.

Page 22: Retorika at Balarila

5. Pahirin at Pahiran

Pahirin pag−alis o pagpawi ng isang bagay.halimbawa: Pahirin mo ang dumi sa iyong

mukha. Pinahid ba niya ang dugo sa

kanyang noo? Pahiran paglalagay ng isang bagay.

halimbawa: Pahiran kaya kita diyan! Totoo bang pinahiran ka niya ng

ketchup?

Page 23: Retorika at Balarila

6. Operahin at OperahanOperahin tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis.

halimbawa: Doc, ooperahin po ba ang ulo niya? Kailangang operahin ang bali-bali

niyang buto.

Operahan tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.

halimbawa: Ooperahan si Jeniffer. Nagdasal sila habang inooperahan si

John.

Page 24: Retorika at Balarila

7. Napakasal at Nagpakasal

Napakasal tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan.

halimbawa: Napakasal na din ang dalawang ito. Napakasal siya sa gusto ng magulang.

Nagpakasal tumutukoy sa taong naging punong-abala o siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae.

halimbawa: Ang magulang nila ang nagpakasal sa kanila.

Ang pari ang nagpakasal sa dalawa.

Page 25: Retorika at Balarila

8. Din at Rin, Daw at RawRin at Raw ginagamit kung ang sinusundang salita ay

nagtapos sa patinig at sa malapatinig na “w” at “y”.halimbawa: Tumulong na rin siya tulad ng iba.

Ikaw raw ang napili ng guro na lumahok sa paligsahan.

Din at Daw ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa “w” at “y”.

halimbawa: Mahirap daw ang exam. Mamahalin din niya si Ruth.

Page 26: Retorika at Balarila

9. Sila at Sina, Kina at SilaAng sila ay panghalip panao samantalang ang sina

ay panandang pangkayarian sa pangalan.

Mali: Sila Romeo at Juliet ay magkasintahan.Tama: Sina Romeo at Juliet ay magkasintahan.

Mali: Sina-sina rin ang umubos ng pagkain.Tama: Sila-sila rin ang umubos ng pagkain.

Page 27: Retorika at Balarila

10. Pinto at Pintuan

Pinto (door) bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.

halimbawa: Pakisara naman ng pinto. Hawakan mo ang pinto.

Pintuan (doorway) kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto.

halimbawa: Sira ang pintuan kaya’t hindi maisara ang pinto.

Ginagawa na ang pintuan sa bago naming bahay.

Page 28: Retorika at Balarila

11. Hagdan at HagdananHagdan (stairs) mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.

halimbawa: Ipatong mo nalang sa hagdan ang mga iyan.

May nakalutang na multo sa hagdan.

Hagdanan (stairways) bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.

halimbawa: Maganda ang hagdanan nila sa bahay. Baka mahulog ka sa hagdanan.

Page 29: Retorika at Balarila

12. Iwan at IwananIwan (to leave something) nangangahulugang huwag isama/dalhin.

halimbawa: Iwan mo na ang bag mo sa condominium dahil mabigat.

Iwan mo na nga siya, hindi ka naman niya mahal.

Iwanan (to leave something to somebody) nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.

halimbawa: Iwanan mo na lang sakin yang mga chocolate.

Iwanan mo ako ng pagkain para sa aking tanghalian.

Page 30: Retorika at Balarila

13. Sundin at SundanSundin (follow an advice) nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.

halimbawa: Sundin mo ang sinasabi ko at baka masaktan ka pa.

Sundin niyo ang utos ng Diyos.

Sundan (follow where one is going; follow what one does) nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.

halimbawa: Sundan mo nalang ang steps sa Giling Giling.

Baka magpakamatay ang iyong kapatid, sundan mo siya sa rooftop.

Page 31: Retorika at Balarila

14. Tungtong, Tuntong at TuntonTungtong panakip sa palayok o kawali.

halimbawa: Nilagyan ng tungtong ang kawali. Binato siya ng tungtong.

Tuntong pagyapak sa ano mang bagay.halimbawa: Tumuntong ka nga sa mesa.

Tuntongan mo siya sa likod para sa pyramid.

Tunton pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay.

halimbawa: Tinunton niya kung saan pumunta ang pusa.

Tutuntonin nila ang suspect.

Page 32: Retorika at Balarila

15. Dahil sa at Dahilan sa

Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari. Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay pangngalan mismo.

Mali: Dahilan sa bagyo, kailangang lumikas ng pamilyang Jones.Tama: Dahil sa bagyo, kailangang lumikas ng pamilyang Jones.

Mali: Dahilan sa sakit, hindi siya nakapasokTama: Dahilan niya ang pagkakasakit upang hindi makapasok.

Page 33: Retorika at Balarila

16. Kung ‘di, Kungdi at KundiKung ‘di (if not) pinaikling “kung hindi”.

halimbawa: Kung ‘di lang kita mahal, ewan ko lang.

Kung ‘di ka niya sinagip ay nalunod ka na.

Kungdi di dapat gamitin. Walang salitang ganito.

Kundi kolokyalismo ng kung ‘di.halimbawa: Hindi ka pa papasok kundi ko

sinabing may attendance. Kundi ka titigil sa mga bisyo mo,

maaga kang mamamatay.

Page 34: Retorika at Balarila

Salamat.