PROM-DI BOX MGA KWENTO SA LIKOD NG DEKAHONG IDEYA TUNGKOL SA REHIYON AT KULTURA NG MGA PROBINSYANONG MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS - KOLEHIYO NG NARSING PROF. ZENDEL TARUC (TAGAPATNUBAY) I. KAHALAGAHAN AT LAYUNIN Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa isyu ng rehiyunal at kultural na stereotyping na hindi gaanong nabibigyan ng pansin. Dahil dito, ninanais ng mga mananaliksik na mapatunayan na mayroong ganitong isyu sa loob ng UST Kolehiyo ng Narsing sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri sa mga kwento ng mga probinsyanong mag-aaral na nakaranas ng stereotyping. Ginawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang iba’t-ibang epekto at solusyon ng stereotyping. Nilalayon ng pamanahong papel na ito na maitataas ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa mga saloobin at karanasan ng mga naapektuhan nito, partikular na rito ang mga probinsyanong estudyante. Sa loob ng isang akademikong institusyon kung saan iba’t-iba ang etnikong kaligiran at kultura ng mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay maaaring magdulot ng mas malawak na pagkakaunawaan at respeto sa pagitan ng mga mag-aaral. Dahil dito, mas mabibigyang pansin na rin ng mga mag-aaral ang pagiging maingat sa kanilang pananalita at mga biro na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa damdamin ng mga naiistereotype. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong din upang mabawasan ang mga dahilan ng kawalan ng pagkakaisa sa loob ng silid- aralan. Sa tulong ng pag-aaral na ito ay maaaring mas mabigyan ng tama at mabuting pagtrato ang mga estudyante na nagmula sa iba’t-ibang etnikong pangkat. Magbubunga ito ng pagtaas ng kanilang tiwala sa sarili at magandang pagsasamahan sa kapwa tao. II. INTRODUKSYON Sa bansang Pilipinas, may mga lugar na nababansagan batay sa iba’t-ibang kalikasan nito katulad na lamang ng lokasyon, kultura at lalo na kung pag-uusapan ang modernisasyon. Kadalasan ay mapapansing mga taga-probinsya ang naapektuhan nito, lalo na ang mga lugar na hindi pamilyar o kilala. Mayroon ring mga nakakahong ideya at mga impresyon sa mga pangkat etniko na maaaring positibo o negatibo ayon sa kanilang persepsyon, kaalaman o panghusga, kaya naman pagdating nila sa Maynila, talagang hindi naiiwasang mabansagan o mabigyan sila ng mga pangunahing impresyon, positibo man o negatibo. Dahil dito, kadalasang nawawala sa persepsyon ng ibang mga tao na ang bawat isa ay may sari-sariling mga kapabilidad at kapasidad na iba sa mga unang nabansag sa kanila. Sa paglaon ng isyu ng stereotyping, nagkaroon rin ito ng katumbas na mga epekto sa katauhan ng mga naaapektuhan nito. III. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ano ang stereotyping? Ang stereotyping ay isang proseso ng urian na maaaring magamit sa mabuti o masamang imahe at kadalasang nakakapagbigay ng maling impresyon sa mga inilalalarawang grupo (Ryan, 1999). Ang salitang stereotyping ay hango sa salitang stereotype, ito ay salitang Griyego na stereos – anyo at solid, at typos – pagkakaroon ng impresyon o kakintalan (Ryan, 1999). UNIVERSIDAD NG SANTO TOMAS KOLEHIYO NG NARSING ALVARO, FERDINAND MIGUEL A.,* BACONAWA, MARION G., CASTRO, KYRA ORIELLE B., DACLES, MARTIN I., GUILLERMO, RUSSEL ERIKSSON M., MARAVILLA, MARGARITA V., ROSAROSO, LACE PAULYN T., SIOSON, NIÑA ANGELICA, SISON, VLES FRANCINE H. (BSN 1-7, A.Y. 2009-2010)
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
PROM-DI BOX MGA KWENTO SA LIKOD NG DEKAHONG IDEYA TUNGKOL SA REHIYON AT KULTURA NG MGA PROBINSYANONG MAG-AARAL NG
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS - KOLEHIYO NG NARSING PROF. ZENDEL TARUC (TAGAPATNUBAY)
I. KAHALAGAHAN AT LAYUNINAng pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa isyu ng rehiyunal at kultural na stereotyping na hindi gaanong
nabibigyan ng pansin. Dahil dito, ninanais ng mga mananaliksik na mapatunayan na mayroong ganitong isyu sa loob ng UST Kolehiyo ng Narsing sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri sa mga kwento ng mga probinsyanong mag-aaral na nakaranas ng stereotyping. Ginawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang iba’t-ibang epekto at solusyon ng stereotyping. Nilalayon ng pamanahong papel na ito na maitataas ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa mga saloobin at karanasan ng mga naapektuhan nito, partikular na rito ang mga probinsyanong estudyante.
Sa loob ng isang akademikong institusyon kung saan iba’t-iba ang etnikong kaligiran at kultura ng mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay maaaring magdulot ng mas malawak na pagkakaunawaan at respeto sa pagitan ng mga mag-aaral. Dahil dito, mas mabibigyang pansin na rin ng mga mag-aaral ang pagiging maingat sa kanilang pananalita at mga biro na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa damdamin ng mga naiistereotype. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong din upang mabawasan ang mga dahilan ng kawalan ng pagkakaisa sa loob ng silid-aralan. Sa tulong ng pag-aaral na ito ay maaaring mas mabigyan ng tama at mabuting pagtrato ang mga estudyante na nagmula sa iba’t-ibang etnikong pangkat. Magbubunga ito ng pagtaas ng kanilang tiwala sa sarili at magandang pagsasamahan sa kapwa tao.
II. INTRODUKSYONSa bansang Pilipinas, may mga lugar na nababansagan batay sa iba’t-ibang kalikasan nito katulad na lamang ng
lokasyon, kultura at lalo na kung pag-uusapan ang modernisasyon. Kadalasan ay mapapansing mga taga-probinsya ang naapektuhan nito, lalo na ang mga lugar na hindi pamilyar o kilala. Mayroon ring mga nakakahong ideya at mga impresyon sa mga pangkat etniko na maaaring positibo o negatibo ayon sa kanilang persepsyon, kaalaman o panghusga, kaya naman pagdating nila sa Maynila, talagang hindi naiiwasang mabansagan o mabigyan sila ng mga pangunahing impresyon, positibo man o negatibo. Dahil dito, kadalasang nawawala sa persepsyon ng ibang mga tao na ang bawat isa ay may sari-sariling mga kapabilidad at kapasidad na iba sa mga unang nabansag sa kanila. Sa paglaon ng isyu ng stereotyping, nagkaroon rin ito ng katumbas na mga epekto sa katauhan ng mga naaapektuhan nito.
III. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURAAno ang stereotyping? Ang stereotyping ay isang proseso ng urian
na maaaring magamit sa mabuti o masamang imahe at kadalasang nakakapagbigay ng maling impresyon sa mga inilalalarawang grupo (Ryan, 1999). Ang salitang stereotyping ay hango sa salitang stereotype, ito ay salitang Griyego na stereos – anyo at solid, at typos – pagkakaroon ng impresyon o kakintalan (Ryan, 1999).
Ang stereotyping ay naimbento ni Firmin Diot na may orihinal na layunin para sa larangan ng paglilimbag. Ito ay sinundan ng isang Amerikanong manunulat na si Walter Lippman na kung saan siya ang unang taong gumamit ng konsepto ng stereotyping sa larangan ng sosyolohiya. Ayon kay Lippman, ang stereotyping ay nagmumula sa ating imahinasyon; mali man o tama, ito ay nabubuo sa mga bagay-bagay na ating nakikita (Lippman-Public Opinion, 1922).
Marami sa mga pilosopo sa agham panlipunan ang nagpapanatili na ang ‘stereotyping’ ay hindi lamang isang sikolohikal o personal na penomena kundi isa ring sosyal na proseso (Gilman, 1985; Henwood et al., 1993; Shohat & Stam, 1994; Wilson & Gutierez, 1995; Merelman, 1995). Ang bawat grupo sa lipunan ay mayroong iba’t-ibang panlabas na imahe. Ang iba ay produkto ng kasaysayan at kultura na kadalasa’y nagiging reperensya para sa paghahambing ng mga pagkakaiba-iba (Ryan 1999).
Noong ika-20 na siglo, Isa sa mga unang pinagmulan o halimbawa ng stereotyping sa mundo ay sa pagitan ng mga African Americans o mas kilala sa tawag na “Negro at Blacks” at ang mga puting Amerikano sa Estados Unidos. Nagsimula ito dahil sa patuloy na pang-aalipin sa mga Negro bunga ng kolonisasyon ng mga Briton sa ilang parte ng Europa. Patuloy nilang dinala ang mga Negro bilang mga alipin at ang mga negatibong pananaw tungkol sa kanila, hanggang sa pananakop nila sa ilang parte ng Amerika. Ilan sa mga prehuwisya na kanilang pinag-igting sa mga negro ay ang pagiging mayabang, masama ang ugali, tamad, mangmang at mainitin ang ulo. Dahil sa mabilis na paglaganap nito dulot ng iba’t-ibang konsepto gaya
UNIVERSIDAD NG SANTO TOMAS
KOLEHIYO NG NARSING
ALVARO, FERDINAND MIGUEL A.,* BACONAWA, MARION G., CASTRO, KYRA ORIELLE B., DACLES, MARTIN I., GUILLERMO, RUSSEL ERIKSSON M.,
media at mga babasahin, patuloy itong lumaganap at sa kasalukuyan ay isa sa pinaka kontrobersyal na isyu na kinakaharap ng bawat mamayan sa Amerika (Lhamon 1999).
A. Mga Salik ng StereotypingEtnikong kaligiran at kultural na pagkakaiba. Batay sa ilang pananaliksik, ang etnikong kaligiran at kultural na
pagkakaiba ng mga tao ay nagdudulot stereotyping. Ito ay natalakay sa isang thread1 sa online forum2 ng pinoyexchange.com na pinamagatang "What are your impressions of students coming from the province?" (2001). Ang sanhi raw ng stereotyping ay ang pagkakapulo-pulo ng Pilipinas kaya nagkakaroon ng maraming etnikong grupo at kinokonsiderang normal na reaksyon lamang ang pag stereotype dahil sa nasabing pagkakaiba-iba. Isang halimbawa ay ang pag-aakala ng ibang taga-Maynila na ang mga nakatira sa Mindanao ay pawang mga Muslim. Batay sa pagsasalaysay nina jair, MiLMarQ, mark_mark, dee-dee, at mellowbrendz dito, ang mga estudyanteng mula sa Mindanao na tulad nila ay madalas na tinatanong kung Muslim. Isa pang halimbawa ay paghihinuha ng mga taga-Maynila na hindi industriyalisado ang mga naninirahan sa probinsya. Nailahad nina arcan, KiTTY2babe, StRaphaeLgurl, at -=thegoddess=- na ang impresyon ng kanilang mga kaklaseng taga-Maynila sa mga ibang probinsya ay tribu-tribo, walang kuryente, walang cable TV at iba pang naglalahad na tila huli sa teknolohiya at kaunlaran ang mga taga probinsya. Tila nagugulat din diumano ang mga taga-Maynila kapag nalalamang sa pamamagitan ng eroplano sila umuuwi sa kanilang lugar. Mula naman sa thread na “Local Racial Discrimination” (2008) ng forum na bobongbooks.com natalakay rin ang pangstestereotype sa mga taga Visayas. Madalas di umanong “bisaya” ang tawag sa mga taong may gawing di kanais-nais at walang class at breeding kahit hindi naman ito karapat dapat (poshpink at batang_sutil).
Impluwensya ng media. Ang paraan ng pagkalat ng mga usapin ay patuloy na nagbabago sa mga nagdaang panahon. Ang teknolohiya ng media ay nagagawang mas mabilis na makapag hatid ng pahayag, na madaling maabot at makuha, sa mas malawak na sakop at maraming tao kumpara noon (Ryan 1999). Ayon sa pag-aaral ni Ryan (1999), nalaman niyang sa isang lipunang maimpluwensya ang media, ang mga tao ay dumedepende sa mga pinapakita at pinaparating nito sa mga manunuod bilang batayan ng mga bagay-bagay na hindi pa natin nararanasan. Sa pamamagitan ng mga radio, telebisyon, pelikula, dyaryo, magazine, hindi lang natin natututuhan ang tungkol sa iba kundi sa atin ding sarili. Karamihan sa mga palabas na may role ang katulong, mapapansin na palaging matigas ang pagsasalita at kakaiba ang punto. Isa itong konkretong sanhi ng stereotyping. Kapag walang ibang representasyon, ang mga nakikita, naririnig at nararanasan natin sa pamamagitan ng media ay nagiging totoo sa atin.
Sabi pa ni Fitzgerald (1991) ang media ay may kakayahang mabago ang pagkakakilala sa isang grupo. Ang kapangyarihan ng media na gumawa at magkalat ng mga diskursyo ay nakasalalay sa maramihang imaheng kanilang nagagawa. Sang-ayon ito kina Anastacio, Rose, at Chapman (2005) na nagsabing hindi lamang pinaiigting ng medya ang pagkakahati-hati ng opinyon ng publiko kundi nagiging sanhi ang medya sa pagkakahati ng publikong opinyon. Kahit na wala naman talagang pagkakahati-hating nagaganap, ang pag-iimplika ng medya ng pagkakahati ay nagiging totoo sa atin. Sa madaling salita, ang publiko ay dumaranas ng pagpapatotoo sa mga deskripsyong ikinikintal dito (self-fullfiling prophecy) dahil sa isinasaad ng media.
B. Epekto ng Stereotyping
Ang mga sumusunod ay ang iba’t-ibang epekto ng stereotyping ayon sa ilang mga pag-aaral.
Akademikong Gampanin. Ayon sa pag-aaral ni Ryan (1999), ang mga estudyanteng paksa ng diskriminasyon dahil sa kanyang pinagmulan ay hindi magkakaroon ng oportunidad gaya ng sa ibang mga mag-aaral na indo nakakadsanas ng stereotyping. Ang mababang pananaw ng mag-aaral sa kanilang sariling kakayahang pang-akademiko ay kaugnay ng mataas na racial stereotyping (Okeke, et. al. 2007). Sa pag-aaral na ginawa naman nina Sawyer at Hollis-Sawyer (2008) sa mga piling silid-aralan ng Estados Unidos, nakita na ang racial stereotyping ay nagresulta ng mabababang iskor sa mga pagsusulit at ang mga estudyante namang madalang lamang o hindi nakararanas ng stereotyping ay nakakuha ng pinakamatataas na iskor.
Ayon sa ilang mga forum, kalimitang nagiging tampulan ng tukso ang mga taga-probinsya sa kadahilanang hindi sila gaanong magaling magsalita ng Tagalog. Mas nakakaranas di umano ng diskriminasyon ang mga estudyanteng probinsyano na nagmula sa mga pampublikong paaralan. Dahil sa stereotyping, nagkakaroon ng mga grupo-grupo o pagkakahati sa pagitan ng mga estudyante. Sa ating buhay sa edukasyon, mula elementarya hanggang kolehiyo, nanaig pa rin ang diskriminasyon o hindi pagiging pantay-pantay dulot ng stereotyping. Isang blogger sa pangalang Ms Camalig ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa blog2 ni Jobert Bartolome, isa ring blogger sa website ng gmanews.tv, tungkol sa pagpunta sa niya Maynila upang mag-aral mula sa probinsya. Sinabi niyang kasama sa pag-aaral niya ay ang pagtanggal ng probinsyanong punto sapagkat pinagtatwanan siya ng kanyang mga kaklase kapag iba ang bigkas niya sa ibang mga salita. Mayroong mga estudyanteng hindi tinatanggap sa mga kolehiyo ng mga estudyante maging ang mga opisyal rin nito.
Ayon sa isang pag-aaral ni Carl James sa kanyang “Stereotyping and its Consequence for Racial Minority Youth”, tinanong ang anim na mga guro tungkol sa mga karanasan nila sa mga eskwelahan sa “inner city”3 patungkol sa pagkakaiba sa lahi, etnisidad at wika. Naobserbahan nilang ang mga estudyanteng narito ay kadalasang drop-out, rebelde, mahinang
1Thread – magkakaugnay na mensahe na ikinumpol ukol sa isang sabjek. Ang bawat mensahe ay ipinapaskil bilang sagot sa mga naunang nagpaskil. Sa pagbasa ng bawat mensahe sa thread ay makikita ang paglawak ng usapin2Forum – kilala rin ito bilang Internet forum o message board na ang ibig sabhin ay talakayan sa isang website sa internet kung saan maaring magbigayan ng ideya at impormasyon ang mga tao. Ang isang forum ay madalas naglalaman ng maraming thread tungkol sa iba't ibang sabjek
3
PR
OM
-DI B
OX
makaintindi, at mas madaling madala ng mga illegal na gawain. Minsan ay nagiging motibasyon din at puri sa mga estudyanteng taga-probinsya ang stereotyping. Ayon sa isang forum, natuturing na mas mababait at magaling ang mga estudyanteng probinsyano sa larangan ng akademiko. Sinasabing sila rin ay mas mapagkumbaba at mas madaling kausap. Sa isa namang blog ni jescaferrer mula sa blogspot.com, ang magulang niya ang nagbigay ng sterotype na ang kursong B.S. Education ay madali lamang kaya’t walang dahilan upang hindi makapasa rito. Binase niya ang kasabihang ito sa paniniwalang ang Education ay para sa mga estudyanteng may mga magulang ay walang sapat na perang pangmatrikula sa kursong Narsing. Naipapakitang ang stereotype na binibigay ng maraming tao ay nakakaapekto sa mga taong tinutukoy nito.
Sa Sikolohikal na Apseto. Ang tingin ng iba sa atin ay maaring maging gabay natin upang matukoy natin ang ating mga sarili. Ayon dito, ang pantukoy o label na ibinibigay sa atin ng ibang tao ay maaring maging negatibo o positibo. Depende ito sa ating pananaw, maging ito man ay totoo o opinion lamang ng iba. Minsan, ang mga ito ang ginagamit ng tao upang makilala ang kanilang sarili. Sa ekademiks, kaya naapektuhan ang pag-aaral ay naitatanim na rin sa kaisipan ng estudyante na siya ay mahina. Ayon kay Leon Festinger, isang teoristang nabanggit sa teksto, kinikumpara ng tao ang kanyang sarili sa isang personalidad at ito ang nagiging basehan niya sa pagkilala at pagbuo ng kanyang sarili. Ang ugali ay nabubuo sa pamamagitan ng mga puna o feedback na makukuha sa ating mga karanasan sa buhay. Maari din itong maging resulta ng mga pagtutukoy o identipikasyon sa isang grupo o kominudad. Habang tumatagal ay natututunan nating itama ang ating mga kilos o gawi para sa ikabubuti natin sa personal at sosyal na aspeto. Ang mga ito ay maaring magtukoy ng tingin at nararamdaman o persepsyon ng isang tao sa kanyang sarili.
C. ResolusyonGobyerno. (a) Ang pagpasa ng mga batas sa gobyerno, tulad ng paunang hakbang ng House Committee on National
Cultutal Communities sa pangunguna ni Rep. Samuel Dangwa na nagsumite ng bill sa kamara, ang House Bill 928 na naglalayong patawan ng parusa ang sinumang manggagaya ng diksyon ng sinumang nasyonalidad, kultura lalo na ang pagkabisaya ng iba nating kapatid na Pilipino o kahit na anong aksyon na nagpapakita ng stereotyping at diskriminasyon na pinagmumulang ng katatawanan. Naglalayon din itong bigyan ng pantay-pantay na oportunidad at karapatan ang bawat mamamayan, at upang respetuhin ang pagkakaiba-iba ng mga Pilipino dahil sa kultura at tradisyon (akopoayALTlamang,2008). (b) Ang mabigyan ng pokus ang pagpapatupad ng mga programa tulad ng mga seminars upang mabigyan ng ideya ang mga magulang patungkol sa tamang persepsyon sa mamamayan ng iba’t-ibang rehiyon ng Pilipinas (Togneri,2007). (c) Ang pakikipag-ugnayan sa Department of Education na pag-ibayuhin ang pagtuturo ng moral values lalong lalo na ang pagtanggap ng pagkakaiba ng mga rehiyon sa bansa (The Women’s Movement, 2005).
Guro. Hindi dapat nakatutok ang guro sa paghulma ng pananaw sa sarili (self-concept) ng isang mag-aaral upang mapabuti ang kanyang kakayahan sa klase, kundi nararapat ay tutukan nito ang paghasa ng akademikong kakayahan na siya namang magdudulot ng mataas na pananaw sa sarili. Magagawa ito ng guro sa pamamagitan ng pag-iwas nito na ihambing ang pagkakaiba-iba ng pagkakapangkat ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan at ang pagtutol sa lumalagong kaisipan patungkol sa stereotyping sa mga probinsyano (Manning, 2007).
Teknolohiya ng Komunikasyon. Ang pagbibigay o pagbabahagi ng wastong kaalaman sa lahat ng tao na may maling akala sa mga probinsyano. Na kung makakapunta lamang sila sa mga probinsya ay malalaman nilang di naman masyadong malaki ang deperensiya kung pag-uusapan ang edukasyon, teknolohiya at information dissemination. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang rehiyon ng bansa o sa pamamagitan ng paggamit ng media tulad ng mga programang makakabawas sa kaso ng stereotyping (poshpink,2008).
Bilang paglalahat, ang mga hakbanging naibigay ay naglalayong bigyan ng wastong kaalaman at magsisilbing pangmulat sa mga di namamalayang stereotyping na nangyayari sa mga probinsyano. Ang mga programa ay tutulong sa pagkamit ng hinihinging pagkakapantay-pantay ng mga probinsyano at magbubunga ng pagkakaunawaan at makapagtataas ng tiwala sa sarili sa mga naapektuhan ng stereotyping. Inaasahang magbubunga ito ng pagkakaisa at mas magandang relasyon sa pagitan ng iba’t-ibang lahi.
IV. PAGLALAPAT NG SARILING PAG-AARAL
A. METODOLOHIYAAng pananaliksik papel ay nangalap ng datos mula sa opinyon ng mga nakaranas ng stereotyping. Nakipanayam
ang mga mananaliksik sa pangongolekta ng nasabing impormasyon. Upang maging epektibo ang pagkuha ng mga datos, gumamit ang grupo ng video camera at cellphone bilang voice recorder. Ang mga impormasyon ay magmumula sa mga respondente sa iba’t-ibang antas sa Kolehiyo ng Narsing at naganap sa St. Matin de Porres building sa mga piling silid na pribado at tahimik. Naganap ang pakikipanayam noong ika-4 ng hanggang ika-13 ng Marso, taong 2010. Pinagsama ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura at resulta ng pakikipanayam upang makabuo ng interpretasyon at konklusyon ang mga mananaliksik.
3Blog – galing sa salitang weblog; uri ng websayt na karaniwang pagmamay-ari ng isang indibidwal kung saan ipinahahayag dito ang mga kwento, damdamin, at mga opinyon niya tungkol sa kahit anumang usapin
4
PR
OM
-DI B
OX
B. PRESENTASYON NG DATOS
3
PR
OM
-DI B
OX
C. ANALISIS
Ayon sa presentasyon ng mga datos. Makikita rito ang iba’t-ibang mga epekto ng stereotyping mula sa mga
estudyante ng Kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas. Maoobserbahan na ang iba’y nagkakaiba at mayroon
ding nagkakapareho.
Mapapansin sa aspeto ng damdamin na ang mga mag-aaral na may probinsyang malapit sa Maynila (Batangas at
Laguna) ay hindi gaanong naapektuhan samantalang ang mga estudyanteng may probinsyang malayo sa Maynila tulad ng
Ilocos, Ifugao, Leyte at Samar ay mas apektado. Mahihinuha dito na totoong ang pinanggalingan at mga kultura ng bawat
lugar ay may malaking relasyon sa pang-stereotype. Base sa mga narinig na kwento at saloobin, mas maraming negatibong
komento at reaksyon ang natatanggap ng mga tagamalayo kaya sila’y higit na apektado. Isang halimbawa nito’y ang sinabi ni
Shaira na taga-Ifugao na “nagsuot ako noon ng costume namin tapos sabi nila, ‘nako alam nyo ba laging suot yan ni Shaira
pag nasa ifugao yan’.” Ipinapakita nito ang maling persepsyon ng kanyang mga kaklase na puro nakabahag at tapis ang mga
taga-Ifugao. Kahit mayroon paring nagsusuot ng tradisyunal na damit, hindi nagkakalayo ang damit na sinusuot ng mga nasa
Norte sa iba pang mga siyudad. Dahil sa komentong ito nasabi niyang, “Ako naman parang, ‘Ha? OK.’ parang nakakahurt na
iniisip nila na parang lahat ng tao doon nakabahag, nakatapis lang. Parang kahit na ineexplain lang na modern na din parang
hindi sila naniniwala.” Kaiba sa mga ibang kinapanayam, ang isang nanggaling sa malayong probinsya, Sorsogon, ay hindi
nakadama ng negatibong damdamin. Kahit mula siya sa malayo, naging malawak ang kanyang pananaw at hindi naging
apektado.
Sa akademikong gampanin naman, nangingibabaw ang mabuting epekto. Marami ang naging mas masikap sa pag-
aaral. Ayon pa sa mga sabdyek, mas pinagbubuti nila ang kanilang kakayahan upang mapatunayan ang kanilang sarili.
Katunayan, ang ilan sa mga ininterbyu ay kilala dahil sa kanilang matataas na marka. Sa kabilang banda, ang iba naman ay
nakararanas ng negatibong epekto tulad ng pagkawala ng gana sa pag-aaral at ang pagkabawas ng kompyansa sa sarili.
Isang halimbawa nito’y ang taga-Samar na si Martin na nabawasan ang partisipasyon sa klase matapos tawanan ang
kanyang maling pagbigkas sa isang Ingles na salita. Mayroon din namang hindi naapektuhan ang pag-aaral dahil nagawa
niyang isantabi ang mga komento’t impresyon sa kanya.
Isa pang naapektuhan ay ang pakikisalamuha sa iba. Pinapatunayan ng mga datos na ang epekto sa
pakikisalamuha ay dumedepende rin sa tao. Makikita sa datos na kalahati sa mga respondente ang hindi talaga naapektuhan
ng nasabing mga stereotype. Halimbawa ay ang taga-Sorsogon na si Gem na nagsabing “Ganun din naman sa amin, ganun
din naman ang mga tao doon”. Ayon pa sa kanya, naging madali ang kanyang pakikihalubilo sa kanyang mga bagong kaklase
dito sa Maynila. Isa pa na maihahalintulad sa kanya ay ang taga-Laguna na si Janice na nagsabing “Wala namang gaanong
pinag-iba kung pag-uusapan ang pakikihalubilo dahil City naman din sa amin at sibilisado na naman sa Calaba City”. Bukod
rito may iba naman na nagbigay ng ibang rason. Ayon sa taga-Leyte na si Ian , “Gusto kong makisalamuha sa iba at ayaw
kong ilayo ang sarili ko sa iba”. Ang taga-Batangas na si Marga ay nagsaad na “Kung sino ako sa Lipa, yun din ako dito sa
Manila, wala namang nagbago”.
Mayroong ding nakaranas ng negatibong epekto ng stereotyping. Ayon sa isang taga-Samar na si Martin, “Nahiya na
akong makisalamuha sa iba at naging sensitibo ako sa maaring masabi ng iba sa akin pagkatapos nila akong bigyan ng
impresyon sa aking pagkakamali”. Ang taga-Ilocos na si RE naman nagsabi na “Naculture shock at nanibago talaga ako sa
paraan ng samahan sa Maynila, nag-aalinlangan din ako dahil iniisip ko kung ano ang maaring masabi sa akin ng mga tao
dahil nga alam kong mayroong mga stereotypes”. Mayroon naman sadyang naging mapag-isa nung una, tulad na lang ng
mga taga-Ifugao na sina Shaira at Marian na nagsabing, “Natatakot ako sa mga maaaring masabi sa akin dahil alam kong
maaari nilang marinig ang mga dekahong ideyang patungkol sa aming pinanggalingan”. Mahihinuha na nagkakaiba ang
reaksyon at epekto sa bawat tao o probinsyanong naiistereotype.
Ang ikaapat at ang panghuli naman sa mga salik na apektado ng stereotyping ay ang tingin sa sarili. Ayon sa taga
Laguna na si Janice, “Naging maalam na ako sa aking pananamit dahil sa pakikisalamuha ko sa mga Manilenyo”. Para sa iba
4
PR
OM
-DI B
OX
naman ay nagkaroon ng positibong epekto ang naranasan nilang pang-iistereotype, katulad ng taga Ilocos na si RE,”Mas
naging palaban at naging mas pokus ako sa aking pag-aaral”. Kung mayroong nakaranas ng positibong epekto ay may
nakaranas rin ng negatibong epekto – ang mga taga Ifugao. Isa sa kanila (Shaira) ay bumaba ang tingin sa sarili sapagkat
siya ay nakaramdam ng pangmamaliit lalo na kapag pinag-uusapan ang talino. Nakapasa lamang di umano siya sa isang
kilalang Unibersidad dahil sa estado niya sa buhay. Inilahad niya na ang tingin sa mga probinsyano ay mababa ang antas ng
katalinuhan. Sa isa namang taga Ifugao (Marian) ay iba rin, sapagkat noon pa man mababa na ang tingin niya sa kanyang
sarili hanggang sa napagtanto niya na hindi siya mabubuhay sa pagkakaroon ng mababang tingin sa sarili. Ang salik na ito ay
sadyang may relasyon sa pamumuhay ng isang tao partikular sa personalidad, katatagan at pagiging positibo o negatibo sa
sarili.
VII. KONKLUSYON
Pagkatapos makalap, maipresenta at masuri ang mga impormasyon tungkol sa paksa ng pag-aaral na ito, napatunayan
na ang rehiyunal at kultural na stereotyping ay nangyayari sa mga probinsyanong mag-aaral ng UST Kolehiyo ng Narsing at
may mga kalakip itong epekto sa kanilang damdamin, akademikong gampanin, pakikisalamuha sa mga tao at tingin sa sarili.
Sa damdamin, nagdudulot ito ng negatibong epekto. Kapansin-pansin na nakapagdudulot ang stereotyping ng parehong
negatibo at positibong pagbabago sa paraan ng pagganap nila sa mga akademikong gampanin. Pagdating naman sa
pakikisalamuha sa mga tao, karamihan sa mga kinapanayam ay nanibago at nakaranas ng pag-iisa at paghahanap ng mga
kaibigang makakaintindi at magiging karamay nila sa kanilang kalagayan. Napatunayan ding ang stereotyping ay nakaaapekto
sa tingin sa sarili ng isang probinsyano. Kadalasang bumababa ang tingin sa sarili ng isang taong naii stereotype. At bilang
panghuli, lumabas sa pag-aaral na ito na ang stereotyping ay nag-uudyok sa mga naapektuhan nito na mapatunayan ang
sariling mga kakayahan at sila ay nagsusumikap na mabago ang mga maling impresyon na ikinikintal ng ibang tao sa kanila.
VIII. REKOMENDASYON
May iba’t ibang suliranin ang nakaharap ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang una dito ay ang oras. Dahil
isang pamanahong papel ito sa loob ng isang semester, maikli ang nakalaang oras para sa pananaliksik dahil kasabay nito
ang iba pang gawain sa paaralan. Lumalabas na kinakailangan ang mas mahabang panahon ang igugol para mas malalim na
mapag-aralan ang paksang stereotyping sa isang kolehiyo. Ang ikalawa ay ang limitasyon sa bilang ng mga respondente.
Kakaunti ang mga nakapanayam ng mga mananaliksik upang mairepresenta ang buong kolehiyo ng Narsing. Ang ikatlong
suliranin ay ang katapatan ng mga respondente. Kahit buong loob na siniguro ng mga mananaliksik ang seguridad ng mga
datos ng mga mag-aaral na ininterbyu, hindi nila hawak ang kasiguraduhan na inilahad ng respondante ang buong kwento ng
isyu.
Dahil sa mga suliraning nabanggit, mairerekomenda ang mga susunod na solusyon batay sa pagkakasunod-sunod
ng mga problemang nasabi. Una, maging mas malawak ang pananaw sa oras na mayroon sa paaralan. Gamitin ng mas
mabuti ang mga bakanteng skedyul at magkaroon ng pokus upang magawa agad ang mga dapat gawin. Ikalawa, mag-hanap
na agad ng mga mag-aaral na maaaring interbyuhin ukol sa paksa upang maragdagan ang mga respondent. Ikatlo,
magkaroon ng sulatin na nagsasaad ng introduksyon ukol sa paksa ng pamanahong papel, layunin ng pagsasagawa ng pag-
aaral na iyon, at kasiguraduhan sa pagiging pribado. Pirmahan ito ng buong grupo, at kung maaari pati ng guro sa Filipino pati
na ng dekana ng kolehiyo upang pagpapatibay sa mga nakasaad.
3
PR
OM
-DI B
OX
BIBLIOGRAPHY
Anastacio, P., Rose, K., Chapman, J. (2005). The divisive coverage affect: How media may cleave differences of opnions between social groups. Communication Research, v32(2) p.171-173. Copyright, 2005 Sage Publications
Bautista, J. (2006, June). A state within a state. Retrieved on December 31, 2009 from http://magnificentwordpress.com/2006/06/17/a-state-within-a-state/
batang-sutil [username]. (2008, January). Local racial discrimination. Retrieved on December 31, 2009 from http://www.bobongbooks.com/suiqts/smf/index.php?action=piintage;topic=5439.0
Bressler, A. (2008). Muslim students association speaks against stereotypes. Retrieved December 30, 2009 from http://www.collegian.psu.edu/archive/2008/04/11/muslim-students-association-spe.aspx
Cruz, A. (2008, August). Stereotype threat could affect exam performance of ethnic minority medical students. London: University College London.
Donehower, K., Hogg, C., & Schell, E. (2007). Rural Literacies. USA: The conference on the college composition & communication. 3 Jan 2010. Retrieved from http://googlebooks.com
Gomes, A.D. (2009, July). Racial prejudice and stereotypes(Read this if you are a Malay...) Retrieved December 27,2009 from http://ondygomes.blogspot/2009/07/racial-prejudice-and-stereotypes.html
Hollis, L., Sawyer, T. Jr., (2008, May). Stereotype threat and face validity effects on Cognitive-based test performance in the classroom. Education Psychology, v28 n3 p291-304. Retrieved on December 29,2009
Howard, L., Kurtz-Cortes, B. Okeke, N. Rowley, S. (2007). Academic race stereotyping, academic self concept and racial centrality in African-American youth. Journal of Black Psychology, v35 n3 pp. 366-387.
Hippel, W.V., Hippel, C.V. & Conway, L. (2005 July-Sept.). Coping with Stereotype Threat Denial as an impression management strategy. Journal of Personality, & Social Psychology. American Psychological Assic, (890, 22-23)
Kiamco, J. (2008, June). Why do Visayan foremost want the national language be driven out? Retrieved on December 27, 2009 from http://solfedphil.org/readarticle.php?articleid=26
limpbwizit [username]. (2002, July). Personal thoughts: People of Philippines v.s. Metro Manila. Retrieved on December 27, 2009 from http://www.peyups.com/article.khymlsid=958
Lyyons, A. & Kashima, Y. (2003). How are stereotypes maintained through communication? The Influence of stereotype sharedness. Journal of Personality & Social Psychology, 85(6), 989-991.
Manning, M. (2007). Reframing how we see student self concept. Education Digest, v. 72, 36-41. Retrieved on December 29, 2009 from Education Digest Website: www.eddigest.com/archives/2007/04/reframing-how-we.html
mark- mark [username]. (2001, March). What are your impressions of students coming from provinces? Pinoy exchange forum. Retrieved January 1, 2010 from http://www.pinoyexchange.com/forums/archive/index.php/t-38530.html
Mendez, P.P., & Jocano, F.L. (1979). The Filipino adolescent in a Rural and Urban setting. Manila: Regal Printing Cmpny.
Murro, B.E., LaBoucane-Benzon, P., Ruttan, L., Bruce, G. (2006). Stereotypes of homeless youth and university students. Retrieved on January 1, 2010 from http://no8.cgpublisher.com/proposals/g2.index.html
Nelson, T.D. (2000). The psychology of Prejudice. Boston, MA: Ally & Bacon, 4- 157.
Quinn, K.A. & Macrae, N.C. (2005 Jan-Mar) Categorizing Others: The dynamics of person construal. Journal of Personality and Social Psychology. American Psychological Assoc.,(88)3, 467-468.
Ryan, J. (1999). Race & Ethnicity in Multi-ethnic Schools: A critical case study. Great Britain: WBC Book Manufacturers Ltd. 3 Jan 2010. Retrieved from http://googlebooks.com
Scotts, R. & Patton, C. (1999). Race relationships on the college campus. Preventing Prejudice. NY: McGraw Hill.
searchingforpablo [username]. (2007, December). Sakal, tingali, ambot nimo. Retrieved on December 27, 2009 from http://searchingforpablo/2007/12/29/sakal-tingali-ambot-nimo/