Top Banner
Alexander the Great Alexander the Great became king of Macedonia when his father, Philip II, was assassinated in 336 bc. He took immediate measures to quell insurrections, both domestic and abroad, establishing himself as a powerful leader. Alexander led his troops in campaigns against Greek city states, Egypt, and the Persian Empire, ruling most of the civilized world by the time he died in 323 bc at the age of 33. His celebrated military and tactical genius share renown with his ego and ruthlessness.
35

Imperyong macedonia

Jul 17, 2015

Download

Education

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Imperyong macedonia

Alexander the Great

Alexander the Great became king of Macedonia when his father, Philip II, was

assassinated in 336 bc. He took immediate measures to quell insurrections, both domestic and abroad, establishing himself as a powerful leader. Alexander led his

troops in campaigns against Greek city states, Egypt, and the Persian Empire, ruling most of the civilized world by the time he died in 323 bc at the age of 33. His

celebrated military and tactical genius share renown with his ego and ruthlessness.

Page 2: Imperyong macedonia
Page 3: Imperyong macedonia

Gawain 12. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece.

Imperyong Macedonian Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling

Page 4: Imperyong macedonia

tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia. Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay

Page 5: Imperyong macedonia

tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon

namatay si Alexander sa Babylon sa hindi

matiyak na karamdaman.

Gabay na Tanong

Page 6: Imperyong macedonia

1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece?

2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia?

3. Ano ang maituturing na kontribusyon

ng Imperyong Macedonia sa mundo?

Page 7: Imperyong macedonia

GAWAIN 13: GREECE…SA ISANG TINGIN Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon.

Heograpiya Politika Ekonomiya

Pilosopiya Sining at

Arkitektura

Agham at

Teknolohiya

Sinaunang Kabihasnang

Greece

Page 8: Imperyong macedonia

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang

Klasikal ang Kabihasnang Greek?

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

Page 9: Imperyong macedonia

Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece” makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin.

Page 10: Imperyong macedonia

Gawain 14. Magbasa at Matuto. Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome.

Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome

Page 11: Imperyong macedonia

Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

Page 12: Imperyong macedonia

Ano ang kaugnayan ng heograpiya

sa pag-usbong ng Rome bilang isang

matatag na lungsod?

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_________________________

Page 13: Imperyong macedonia
Page 14: Imperyong macedonia

Ang Simula ng Rome Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain. Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono. Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan,

Page 15: Imperyong macedonia

inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 B.C.E. Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan . Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

Page 16: Imperyong macedonia

Paano nagsimula ang Rome? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 17: Imperyong macedonia

Ang Republikang Romano Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng

Page 18: Imperyong macedonia

diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul. Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.

Page 19: Imperyong macedonia

Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga sumusunod na bahagi ng Republikang Romano. konsul- _______________________________________________________________ diktador- ______________________________________________________________________ Patrician- ______________________________________________________________________ Plebeian- ___________________________

Page 20: Imperyong macedonia

Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician. Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.

Page 21: Imperyong macedonia

May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapg-asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging ksapi ng Senado.

Page 22: Imperyong macedonia

PAMPROSESONG TANONG Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian? __________________________________________________________________________________________________ Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag __________________________________________________________________________________________________ Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan

Page 23: Imperyong macedonia

Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunud-sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na

Page 24: Imperyong macedonia

tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng Italy. Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng

Page 25: Imperyong macedonia

Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito- ang mga Carthagenian.

Page 26: Imperyong macedonia

PAMPROSESONG TANONG Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome. _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 27: Imperyong macedonia
Page 28: Imperyong macedonia

Digmaang Punic Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat. Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersyal na nasasakop ng

Page 29: Imperyong macedonia

hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily. Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic- salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean. Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat.

Page 30: Imperyong macedonia

ZENON STOICISMO Nilinang ni Zeno at Cyprus. Binigyang diin ang pangangailangan sa relihiyon bilang gabay sa

kaligayahan ng tao. Kailangang matanggap ng tao ang kahirapan, sakit at kamatayanO

Page 31: Imperyong macedonia

HARING PHILIP

Hari ng Macedonia noong kalagitnaan ng ika-4 n asiglo B.K.. Sinalakay niya ang teritoryong Griyego sa labas

ng Gresya. Nailagay ang Gresya sa kanyang pamamahala. Natalo ang mga griyego sa digmaan sa

Chaeronea. Si Philip ay pinatay noong 336 B.K, ng mga karibal sa politika.

Page 32: Imperyong macedonia

XERXES

Page 33: Imperyong macedonia

DARIUS I

Page 34: Imperyong macedonia

ALEXANDER THE GREAT Ipinanganak noong Hunyo 20 BCE nina Philip II at Olympias of Epirus. Estudyante

ni Aristotle. Pinakamagaling at pinakadakilang lider pangmilitar sa kasaysayan ng daigdig. Layuning pag-isahin ang lahat ng tao

at pagsamahin ang kultura ng Greece, Egypt, Fertile Crescent at India. Tumulong sa kanyang ama sa pagpapabagsak sa Griyego

Page 35: Imperyong macedonia

EPICURIANISMO

Itinatag ni EPICARUS ng Samos. Naniniwalang ang buhay ay magkakaroon ng ibayong

katalinuhan kung magpapakasawa sa gawaing pangkaisipan. Ito’y nagturo na kumain, uminom,

at maging maligaya sapagkat bukas tayo ay mamamatay.