Top Banner
Aristoteles ANG POETIKA
9

Ang Poetika

Jun 12, 2015

Download

Health & Medicine

guestb4dca1
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Ang Poetika

Aristoteles

ANG POETIKA

Page 2: Ang Poetika

Unang Prinsipyo: MimesisPrinsipyo ng Mimesis ang

batayan ng anumang pagkatuto o kaalaman. Ang mga sinaunang tao ay

tinangkang gayahin ang bagay na nakikita sa kalikasan at pinagbatayan ito ng kanilang mga aral, kawikaan at mito.

Nakasalalay ang sining sa katangian nitong gayahin ang nakikita sa tunay na buhay.

Ang sining ay isang uri ng panggagaya ayon kay Aristoteles.

Page 3: Ang Poetika

Hindi lamang basta ginagaya ang buhay, may iba’t ibang pamamaraan ng panggagaya para kay Aristoteles batay sa kasangkapan (material cause), pagtitimpla (efficient cause), anyo o hulma (formal cause) at gamit o bisa (final cause)

Batay rito magagawa nating itangi ang isang bagay ayon sa yari o hulma nito at kahit ang dalawang gamit ay iisa maaaring matangi ito sa gamit o bisa.

Page 4: Ang Poetika

Mimesis sa Trahedya at KomedyaAng panggagaya o

mimesis sa Trahedya ay ang panggagaya ng mga taong nakahihigit sa karaniwan (noble)

Ang panggagaya naman sa Komedya ay ang panggagaya ng mga taong higit na malala sa karaniwan.

Kailanman ang mimesis ng pagkatao ay hindi panggagaya ng karaniwan.

Since the objects of imitation are men in action, and these men must be either of a higher or a lower type (for moral character mainly answers to these divisions, goodness and badness being the distinguishing marks of moral difference), it follows that we must represent men either as better than in real life, or as worse, or as they are.

Page 5: Ang Poetika

Ikalawang Prinsipyo: Banghay (Plot)Ang banghay at katauhan

ang mismong daluyan (medium) ng mimesis ayon kay Aristoteles.

Banghay ang nagbibigay bisa sa katauhan. Ang pagpapasya ng isang katauhan ay nagmumula sa lohikal na galaw ng mga pangyayari sa kuwento.

Prinsipyo ng imposibilidad subalit may malaking probabilidad ang ginagaya ng isang trahedya. “Impossible yet probable”

Page 6: Ang Poetika

BanghayTaglay ng mabisang banghay

ang istruktura ng simula, gitna, at katapusan. Sa simula ay naipapahiwatig ang suliranin ng tauhan, sa gitna nagkakaroon ng komplikasyon at sa huli ang resolusyon ng suliranin.

Isinasaalang-alang din sa banghay ang tinatawag na AGON o ang dramatikong tunggalian ng mga tauhan. Kung walang tunggalian walang trahedya.

Posible na ang tunggalian ng tao ay sa sarili, kapwa tao, o sa kalikasan

Page 7: Ang Poetika

Ikatlong Prinsipyo: Anagnorisis (Pagkabatid) Isa sa mga elemento ng

isang mabisang banghay ay ang pagkakaroon ng kabatiran ng tauhan na nagmumula rin sa isang kabulagan o kahinaan niya sa simula (hamartia).

Ang pagkabatid ng tauhan ay kadalasang galaw mula sa kawalan ng malay tungo sa kabitiran.

Isang halimbawa ng pagkabatid ang kuwento ni Haring Edipo na walang kamuwang-muwang sa simula na tatay niya ang kanyang pinatay.

Page 8: Ang Poetika

Ikaapat na Prinsipyo: PeripeteiaKagyat ng anagnorisis

ang pagbabago ng kalagayan ng mga tauhan partikular ng pangunahing tauhan. Ang pagbabago na ito ng kalagayan ay tinatawag na peripeteia.

Isang halimbawa nito muli ang kuwento ni Haring Edipo dahil nang mabatid niya ang lahat, binulag niya ang sarili. Pisikal na pagkabulag para sa tunay na pagkaunawa at pagtingin.

Page 9: Ang Poetika

Ikalimang Prinsipyo: KatharsisPara kay Aristoteles ang

bisa ng panggagaya ng sining ay nakasalalay sa pag-udyok sa tao ng pinakamatitinding emosyon: takot at awa.

Tumatagos din ang katharsis sa kamulatan at budhi kaya posible ang pagbabagong kaayusang moral.

Katharsis din ang puno’t dulo ng lahat ng sining. Walang katharsis, walang sining.