Top Banner
Bibliya Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh . Mga Tipan ng Bibliya Lumang Tipan Pentateuko Mga Kasaysayan Mga Tula Mga Propeta Bagong Tipan Mga Ebanghelyo Mga Sulat Larawan ng binuklat na Bibliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos . Ang Bibliya, Biblya (ponemikong baybay), o Biblia [1] [2] (mala-Kastila at maka- Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga relihiyosong kasulatan. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon. Sa Hudaismo ang bibliya ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh(o Lumang Tipan) at hindi kabilang dito ang Bagong Tipan. Para sa relihiyong Samaritanismo, ang bibliya ay binubuo lamang 5 aklat ng Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo at Bilang). Sa Marcionismo, ang bibliya ay binubuo ng 11 aklat at hindi kasama dito ang Lumang Tipan. Sa Katolisismo, ang bibliya ay binubuo ng 73 aklat kasama ang Luma at Bagong Tipan at ang Apokripa. Sa Protestantismo, ang bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan at hindi kasama rito
33
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

BibliyaMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.

Mga Tipan ng Bibliya

Lumang Tipan

Pentateuko

Mga Kasaysayan

Mga Tula

Mga Propeta

Bagong Tipan

Mga Ebanghelyo

Mga Sulat

Larawan ng binuklat na Bibliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos.

Ang Bibliya, Biblya (ponemikong baybay), o Biblia[1][2] (mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang

kalipunan ng mga relihiyosong kasulatan. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon. Sa

Hudaismo ang bibliya ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh(o Lumang Tipan) at hindi kabilang dito ang Bagong

Tipan. Para sa relihiyong Samaritanismo, ang bibliya ay binubuo lamang 5 aklat ng Torah(Genesis, Exodo, Levitico,

Deuteronomyo at Bilang). Sa Marcionismo, ang bibliya ay binubuo ng 11 aklat at hindi kasama dito ang Lumang

Tipan. Sa Katolisismo, ang bibliya ay binubuo ng 73 aklat kasama ang Luma at Bagong Tipan at ang Apokripa. Sa

Protestantismo, ang bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan at hindi kasama rito ang apokripa

ng Katoliko. Sa Etiopian Ortodox, ang biblia ay binubuo ng 81 na aklat at sa Silangang Ortodox, ang bibliya ay

binubuo ng 84 na aklat.

Mga nilalaman

  [itago] 

Page 2: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

1   Nilalaman

2   Pinagmulan ng salita

3   Kayarian at paghahati

4   Mga Salin

o 4.1   Tanakh o Lumang Tipan

o 4.2   Bagong Tipan

5   Kanon

o 5.1   Kanoninasyon ng Tanakh o Lumang Tipan

o 5.2   Kanoninasyon ng Bagong Tipan

o 5.3   Kanon ng iba't ibang denominasyon

5.3.1   Sa Hudaismo

5.3.2   Sa Samaritanismo

5.3.3   Sa Marcionismo

5.3.4   Sa Katolisismo

5.3.5   Sa Ortodoksiya

5.3.6   Sa Syriac

5.3.7   Sa Protestantismo

6   Pananaw ng mga skolar at arkeologo tungkol sa Biblia

o 6.1   Arkeolohiya

o 6.2   Pinagmulan ng monoteismo sa Israel

o 6.3   Pinagmulan ng Kristiyanismo

o 6.4   Kritisismong tekstwal

o 6.5   Kritisismong historikal-kritikal

6.5.1   Lumang Tipan o Tanakh

6.5.2   Bagong Tipan

Page 3: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

7   Mga kritisismo ng Bibliya

8   Tingnan din

o 8.1   Mga paksa

9   Mga sanggunian

10   Mga panlabas na kawing

[baguhin]Nilalaman

Ang Bibliya ay naglalaman ng mga salaysay na nakaapekto sa Israel mula sa isang milenyo BCE hanggang sa panahon

ni Hesukristo at ng mga apostol noong unang siglo CE. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng salaysay ng pagkakahirang

ng dios na si Yahweh sa bansang Israel at ang kanyang tipan sa Israel na siya'y magiging matapat na dios kung susundin

ng Israel ng tapat ang kanyang mga utos(o kautusan ni Moises). Kabilang sa tipang ito ang pagmamana ng Israel ng

Canaan o "lupang pangako" at ang proteksyon at pagpapala ni Yahweh kapalit ng pagsunod ng Israel sa kanyang mga

utos(Exodo 6:4).

Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng mga salaysay tungkol sa karakter na si Hesus at ang kanyang mensahe ng

kaligtasan sa kanyang mga alagad. Si Hesus ay nagpakakilala na tagapagligtas sa pagwawakas ng mundo na

magaganap noong unang siglo CE(Mateo 24:34, Marcos 13:30, Marcos 8:12, Marcos 8:38, Marcos 9:19, Lukas 21:32,

Mateo 10:23). Ayon kay Hesus siya ay maghahari sa kanyang trono ng kaluwalhatian kasama ang kanyang 12 apostol

upang humatol sa 12 lipi ng Israel(Mateo 19:28) Bukod dito, si Hesus ay nag-angkin rin na isang dios, at mesias na naging

sanhi ng pagkakahatol sa kanya ng sanhedrin ng parusang kamatayan(Lukas 22:66-71, Juan 10:33). [3]

Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng mga bagong kautusan at bagong teolohiya na iba sa Lumang Tipan. Halimbawa sa

mga "sulat ni Pablo", ang mga kautusan ni Moises sa Lumang Tipan ay binuwag at pinawalang bisa pagdating ni Hesus

dahil ayon kay Pablo, ang mga tao ay nasa ilalim na ng "biyaya" at hindi ng mga "gawa"(Gal 2:16, Col 2:13-14, 2 Cor 3:16-

17, Heb 7:12, Gawa 13:39 at iba pa). Ang mga kontradiksyon sa Luma at Bagong Tipan ay tinalakay ng kristiyanong si

Marcion(85-160 CE) sa kanyang aklat na "Anthithesis". Isa sa mga halimbawa ng kontradiksyon sa Luma at Bagong Tipan

na tinalakay ni Marcion, ang Exodo 21:24 "...paparusahan ang nakasakit: buhay din ang kabayaran sa buhay, mata sa

mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos" at Lukas

6:29,"kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait

ang iyong damit."

[baguhin]Pinagmulan ng salita

Nagmula ang salitang Bibliya ng Tagalog at ang Bible ng Ingles [bigkas: /bay-bol/) mula sa Griyegong biblia (bigkas: bi·bli

´a) na nangangahulugang "mga aklat"[2] o "mga maliliit na aklat." Hinango naman ang Griyegong biblia mula sa isa pa

nilang salita: ang biblos[bigkas: bi´blos), na lumalarawan sa panloob na bahagi ng halamang papirus, isang sangkap sa

paggawa ng sinaunang mga papel. May isang lugar sa Phoenicia, ang lungsod ng Gebal, na tinaguriang "Byblos" ng mga

Griyego dahil kilala ang pook sa paggawa ng papel na papirus. Sa paglipas ng panahon, ang Griyegong biblia ay nakilala

bilang mga sulat, mga balumbon o iskrol, at mga aklat hanggang sa maging kalipunan ng maliliit na mga aklat na

Page 4: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

bumubuo sa kasalukuyang Bibliya. Tinawag ni San Geronimo ang koleksyong ito bilangBibliotheca Divina, o ang Banal na

Aklatan. Tinukoy naman ni Hesus at ng mga manunulat ng Kristiyanong Griyegong Kasulatan (angBagong Tipan) ang

katipunang ito bilang "ang Kasulatan", "ang banal na Kasulatan" o "ang banal na mga sulat" (Mateo 21:42; Marcos 14:49;

Lucas 24:32; Judas 5:39; Gawa 18:24; Romano 1:2; 15:4; 2Timoteo 3:15, 16).

[baguhin]Kayarian at paghahati

Nahahati ang Bibliya sa tatlong pangunahing pangkat: ang Lumang Tipan (o Matandang Tipan, Matandang Testamento,

at Lumang Testamento [4] ), ang Bagong Tipan (o Bagong Testamento [4] ), at ang Apokripa (o Apocrypha). Sa Ingles,

tinatawag na testament ang salitangtipan[4] kaya't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New

Testament para sa Bagong Tipan. Hinango ang testament ng Ingles at ang testamento ng Tagalog at Kastila mula

sa testamentum ng wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan"[4], at

naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mgaKristiyano.[2]

Binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat, ang bumubuo sa itinuturing na mga banal na panitikan ng Hudaismo:

ang Tanakh. Bilang karagdagan, tinatanggap naman sa Kristiyanismo ang dagdag pang 27 mga aklat na nasa Bagong

Tipan. Apokripa ang taguri sa 14 pang mga aklat na natitira, at tinatawag ding inter-testament sa Ingles (inter-

testamento[5] o nasa gitna ng mga tipan o testamento[4]) sapagkat nalalagay sila sa pagitan[5] o nasa gitna ng Lumang

Tipan at Bagong Tipan ayon sa pagkakahanay na kronolohikal o pangkapanahunan. Sa mga panapanahon, magkakaiba

ang pagtanggap ng mga Kristiyano sa bahaging ito ng Bibliya.[2]

Sa Protestantismo, animnaput-anim na aklat ang bumubuo sa Bibliya, mula Henesis hanggang Apokalipsis (o Aklat ng

Pahayag). Tatlumput-siyam ang Ebreo at 27 naman sa wikang Griyego kasama na ang iilang bahagi na isinulat

sa Aramaiko (Ezra 4:8–6:18; 7:12-26; Jeremias 10:11; Daniel 2:4b–7:28). Ang paghahati sa Bibiya na may mga kabanata

at talata (may 1,189 kabanata at 31,102 talata ang Saling Haring James) ay hindi ginawa ng orihinal na mga manunulat.

Hinati ng mga Masoret ang Ebreong Kasulatan sa mga talata; at noong mga ika-13 siglo ng Karaniwang Panahon (C.E.),

idinagdag naman ang paghahati-hati pa ng mga kabanata. Nang dakong huli, noong 1555, inilathala ni Robert Estienne

ang edisyong Lating Vulgata (Latin Vulgate sa Ingles), ang kauna-unahang Bibliya na may kumpletong mga kabanata at

mga talata, na ginagamit pa magpasahanggang ngayon.

[baguhin]Mga Salin

[baguhin]Tanakh o Lumang Tipan

Isa sa mga kweba ng Qumran kung saan natuklasan ang Dead Sea Scrollsnoong 1947-1956. Ang Dead Sea Scrolls ang

pinakamatandang manuskrito ng Tanakh(Lumang Tipan) at Apokripa na isinulat mula 150 BCE hanggang 70 CE.

Page 5: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Ang ugnayan ng iba't ibang sinaunang salin(manuskrito) ng Tanakh(Lumang Tipan). Halimbawa, ang salin ni Lucian ay

resensyon(pagbabago) ng saling Septuagint(LXX) na isinalin naman mula sa isang Hebreo na hindi umiiral. Ang Hebreong

Masoretico(MT) ay nagmula sa tekstong Hebreo na hindi na umiiral na mula din sa isang sinaunang tekstong Hebreo na hindi na rin

umiiral

Ang mga aklat ng Tanakh o Lumang Tipan ay orihinal na isinulat sa alpabetong Paleo-Hebreo. Bago matuklasan ang

Dead Sea Scrolls sa kweba ng Qumran noong 1947 hanggang 1956, ang pinakamatandang pragmentaryong(hindi

kumpleto) manuskrito ng Hebreo ang Nash Papyrus na isinulat mula 150 hanggang 110 BCE. Ang pinakamatandang

kumpletong manuskrito ng Lumang Tipan(Tanakh) ay Codex Sinaiticus(ika apat na siglo CE) na kinopya mula sa Griegong

Salin na Septuagint. Ang Septuagint ay isinalin sa Griego mula Hebreo noong ikatlo hanggang ika isang siglo BCE. Sa

mga panahong ito ang Israel ay nasa ilalim ng imperyong Griego. Ang Septuagint ang pinagkuhanan ng sipi(quotes) ng

Lumang Tipan ng mga may akda ng Bagong Tipan at ng mga "ama ng simbahan". Ang pinakamatandang kumpletong

manuskrito naman ng Hebreo ay matatagpuan sa manuskritong Masoretico(sinulat sa pagitan ng ikapito hanggang ika

sampung siglo CE). Ang Masoretico ang opisyal na bersyon ng biblia na ginagamit sa kasalukuyang Rabinikong

Hudaismo. Bukod dito, ang Masoretico din ang basehan ng mga bagong salin ng Lumang Tipan ng Biblia. Ayon sa mga

skolar, ang orihinal na Septuagint ay nagbibigay ng halos tiyak na salin ng sinaunang tekstong Hebreo na iba sa Hebreo

ng Masoretico at sa saling Latin na Vulgate. Ang pagkakaiba ng Septuagint sa Masoretico ay nahuhulog sa apat na

kategorya: pagkakaiba ng pinagkuhanang teksto, pagkakaiba sa interpretasyon, pagkakaiba sa salin ng mga ekspresyong

idyomatiko, at pagkakaiba sa resensyon o pagbabago at pagkakamali ng mga skriba. Ang Dead Sea Scrolls ang

pinakamatandang manuskrito ng Tanakh na isinulat sa pagitan ng 150 BCE at 70 CE. Ang 60% ng Dead Sea Scrolls ay

umaayon sa Masoretico, 5% umaayon sa Septuagint, 5% umaayon sa Samaritan Pentateuch at 10% ang hindi umaayon

sa Masoretico, Septuagint o Samaritan Pentateuch.[6] Bukod sa Tanakh, ang Dead Sea Scrolls ay naglalaman din ng

apokripa at ibang pang manuskrito ng mga katuruan ng sektang nanirahan sa kweba ng Qumran. Ang Samaritan

Pentateuch na isinulat sa alpabetong Samaritano ang bersyong ginagamit sa relihiyong Samaritanismo. Ang

pinakamatandang manuskrito ng Samaritan Pentateuch ay mula 1100 CE. Ang alpabetong Samaritano ay nagmula sa

alpabetong Paleo-Hebreo na lenggwaheng ginamit sa pagsulat ng Tanakh. Sa mga dalawang libong instansya kung saan

ang Samaritan Pentateuch at Masoretico ay magkaiba, ang Septuagint ay umaayon sa Samaritan Pentateuch. Ilan sa

mga halimbawa ng pagkakaiba ng Samaritan Pentateuch at Masoretico ang pagsamba sa Bundok Gerizim imbis na sa

Bundok Ebal(Deut 27:4) at ang pagpapalit ng salitang "Elohim" (na nangangahulugang maraming dios) sa anyong singular

na "El"(Genesis 20:13; 31:53; 35:7; Exodo 22:8). Ayon sa mga skolar, ang mga pagbabagong ito ay sanhi ng korupsyon

ng mga Samaritano sa Pentateuch o Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo, Bilang). [7]

Page 6: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

[baguhin]Bagong Tipan

Ang mga aklat ng Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Griego. Ang mga kauna unahang salin ng Bagong Tipan sa

ibang lenggwahe ay kinabibilangan ng lumang Latin(ika 2 siglo CE), lumang Syriac(ika 4 hanggang ika 5 siglo CE), at

Coptic(ikaapat na siglo CE). Isa pang salin sa Latin bukod sa "lumang Latin" ang Vulgate na isinalin ni Jerome(342-420

CE). Ang Peshitta na isinalin sa lenggwaheng Syriac ang bibliang ginagamit sa iglesiang Syriac. Ang Peshitta ay

naglalaman ng 22 sa 27 mga aklat ng Bagong Tipan at hindi kasama rito ang 2 at 3 Juan, 2 Pedro, Judas at Apocalipsis.

Ang pinakamatandang pragmentaryong manuskrito ng Coptic(sinaunang lenggwahe sa Ehipto) ay nagmula sa ikaapat na

siglo CE na binubuo ng mga teksto ng ebanghelyo.

Ang saling Aleman na tinatawag na "Luther Bible" ay isinalin ng "ama ng repormasyon" na si Martin Luther noong 1534.

Ang saling ito ay base sa Textus Receptus. Ang Luther Bible ang kauna unahang salin ng biblia na may hiwalay na

seksyong tinatawag na Apokripa. Ang mga aklat na hindi kasama sa tekstong Masoretiko ng Lumang Tipan ay inilipat ni

Luther sa seksyong ito. Si Luther ay naghayag din ng pagdududa sa apat na aklat ng Bagong Tipan na Hebreo, Santiago,

Judas at Apocalipsis ni Juan. Ang apat na aklat na ito ay inilipat niya sa huli ng mga aklat ng Bagong Tipan.

Ang pinakaunang salin ng Bagong Tipan sa lumang Ingles ay kinabibilangan ng bibliang Tyndale(1539), Geneva(1560),

Bishop(1568), Douay-Rheims(1582), King James Version(1611). Ang mga saling ito ay base sa Griegong Textus

Receptus. Ang mga Bagong Salin naman sa Ingles gaya ng NASB(1963) at New International Version o NIV(1973) ay

base sa edisyong kritikal ng Griegong Bagong Tipan na "Novum Testamentum Graece" na resulta ng "kritisismong

tekstwal". Ang Novum Testamentum Grace ang pinaniwalaan ng mga skolar na pinakamalapit sa orihinal na Griego ng

Bagong Tipan. Ang Textus Receptus at Novum Testamentum Graece ay magkaiba sa 6,000 na instansiya ng Bagong

Tipan.

[baguhin]Kanon

[baguhin]Kanoninasyon ng Tanakh o Lumang Tipan

Ayon sa mga skolar, ang Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo, Bilang) ay isinama sa kanon noong 400 BCE,

ang mga Propeta o Nevi'im (Josue, Hukom, 1 at 2 Samuel, 1 at 2 Hari, Isaias, Jeremias, Ezekiel, Joel, Amos, Obadias,

Jonas, Mikas, Nahum, Habakuk, Zefanias, Hageo, Zecarias, at Malakias) noong 200 BCE at ang mga Kasulatan o

Ketuvim (Awit, Job, Kawikaan, Ruth, Awit ni Solomon, Eclesiastes, Panaghoy, Ester, Daniel, Esdras, Nehemias, 1 at 2

Kronika) noong 100 CE.[8]

[baguhin]Kanoninasyon ng Bagong Tipan

Ang kanon ng Bagong Tipan ay nabuo sa maraming siglo. Sa pagitan ng 140 hanggang 220 CE, maraming sekta ng

kristiyanismo na may iba ibang konsepsyon ng kalikasan at katuruan ng dios at ni Hesus ang umusbong gaya

ng Gnostisismo, Ebionita, Montanismo, Marcionismo, Encratites at iba pa. Upang suportahan ang kanilang mga doktrina,

ang mga sektang ito ay gumamit ng iba't ibang aklat na sa kanilang pinaniniwala ay mga "kinasihan ng diyos". Ang mga

aklat na ito ay pinasunog ng sektang proto-ortodox noong ika apat na siglo CE. [9] Ang mga natitirang manuskrito ng mga

aklat na ito ay natagpuan sa Nag Hammadi, Ehipto noong 1945. Kabilang sa mga aklat na nakapaloob dito ang

Ebanghelyo ni Tomas, Mga Gawa ni Pedro at ng Labindalawa, Ebanghelyo ng Katotohanan, Ebanghelyo ni Felipe,

Gnostikong Ebanghelyo ni Pedro, Ang Sofia ni HesuKristo at marami pang iba. [9] Ang isang sekta ng kristiyanismo na

tinatawag na proto-ortodox ang nagsimula namang magtipon ng mga aklat na sa paniniwala nila ay naglalaman ng mga

Page 7: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

aral na tama at kumokontra sa mga aral heretikal(mali) ng ibang sekta. [10] Sa mga magkakatunggaling mga sektang ito,

ang proto-ortodox ang kalaunang nanaig, naging opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano at naging unibersal(catholic).

Ang heresiya at paganismo ay ginawang krimen ni Emperador Theodosius noong 381 CE at ang mga tagasunod ng ibang

sekta ay pinagusig at pinapatay.[11][12] Ang mga tagapagtaguyod ng proto-ortodoksiya ang mga "ama ng simbahan"(church

fathers) na naging responsable sa pagtitipon ng impormasyon tungkol sa mga aklat na naging Bagong Tipan. Halimbawa,

ang impormasyon na ginamit para isulat ang ika apat na siglong "Easter letter" na naghahayag ng mga tinanggap na

Kristiyanong kasulatan ay nakabase sa "Kasaysayang Eklesiastikal" ni Eusebius ng Cesaria kung saan kanyang ginamit

ang impormasyon na ipinasa sa kanya ni Origen. Bukod dito nakuha din ni Eusebius ang impormasyon tungkol sa mga

"tinatanggap na mga aklat" sa ikatlong siglong mga iglesia sa kanyang mga paglalakbay. Ilan sa mga kasamang

"kinasihang kasulatan" para kay Origen ang "Sulat ni Barnabas, Pastol ni Hermas at 1 Clemente" ngunit ang mga aklat na

ito ay inalis ni Eusebius. [13] Ang mga mga aklat na ito ay tinawag ni Eusebius na "antilegomena" o mga tinutulang aklat.

Kabilang din sa antilegomena ang Santiago, Judas, 2 Pedro, 2 at 3 Juan, Apocalipsis ni Juan, Apocalipsis ni Pedro,

Didache, Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo, Mga Gawa ni Pablo.[14] Noong ika apat na siglo, ang ilang synod gaya ng

Synod ng Hippo at Konseho ng Carthage ay naglimbag ng mga listahan ng mga aklat na kanonikal. Ang kasulukuyang 27

aklat na kanon ng Bagong Tipan ay pinag tibay ng Konseho ng Trent noong 1546.[15] Ang 27 aklat na isinama sa kanon ng

Bagong Tipan ay ang sumusunod:Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Gawa, Roma, 1 at 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos,

Colosas, 1 at 2 Tesalonica, 1 at 2 Timoteo, Tito, Filemon, Hebreo, Santiago, 1 at 2 Pedro, 1, 2 at 3 Juan, Judas at

Apocalipsis.

[baguhin]Kanon ng iba't ibang denominasyon

May pagkakaiba ang bilang ng mga aklat at pagkakasunod ng mga ito sa kanon sa iba't ibang denominasyon.

[baguhin]Sa Hudaismo

Pangunahing lathalain: Mesiyas at Hudaismo

Sa Hudaismo ang kanon ay binubuo lamang ng Tanakh(o Lumang Tipan sa bibliang kristiyano). Hindi tinatanggap ng mga

Hudyo ang "Bagong Tipan" at hindi sila naniniwala na si Hesus ang katuparan ng mesias na binabanggit sa "Tanakh".

Ayon sa mga skolar na Hudyo, ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay base sa maling salin

at misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.[16][17][18][19][20]

[baguhin]Sa Samaritanismo

Sa relihiyong Samaritanismo, ang kanon ay binubuo lamang ng limang aklat ng Torah na Genesis, Exodo, Levitico,

Deuteronomyo, at Bilang.

[baguhin]Sa Marcionismo

Ang Marcionismo ay ikalawang siglong sekta ng Kristiyanismo na nagmula sa mga turo ni Marcion ng Sinope noong 144

CE. Ayon kay Marcion, ang dios ng mga Hebreo sa Lumang tipan ay isang malupit na dios at iba sa mapagpatawad na

dios ng Bagong Tipan. Sa dahilang ito, ang Lumang Tipan ay itinakwil ni Marcion. Ang kanon na tinanggap lamang sa

Marcionismo ay binubuo ng 11 aklat: ang Ebanghelyo ni Marcion(na binubuo ng sampung kapitulo ng Ebanghelyo ni

Lukas at binago ni Marcion at ang sampu sa mga sulat ni Pablo(Roma, 1 at 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, 1

at 2 Tesalonica). Ang ibang aklat ni Pablo gaya ng 1 at 2 Timoteo at Tito at ibang pang aklat ng Bagong Tipan ay itinakwil

sa Marcionismo.[21]

Page 8: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

[baguhin]Sa Katolisismo

Ang kanong katoliko ay binubuo ng 73 aklat. Sakop ng kanong Katoliko ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan, pati na

rin ang mga sumusunod na aklat na tinatawag na mga deuterokanoniko o Apokripa: Tobít,Judith, Ester (Gryego) (madalas

pinapalitan ang orihinal na Ester ng Lumang Tipan), 1 Mga Macabeo, 2 Mga Macabeo, Karunungan ni

Solomon, Sirac/Eclesiastico at Baruc. Ang Apokripa ay pinagtibay na kanonikal sa Konseho ng Trent noong 1546 bilang

tugon sa pagtutol dito ng mga protestante noong repormasyon(1515-1648). Ang ilan sa mga doktrina ng katolisismo na

sinusuportahan ng Apokripa at tinutulan ng mga Protestante ang purgatoryo(Tobit 12:12, 2 Macabeo 12:39-46),

pamamagitan ng mga namatay na santo at mga anghel(2 Maccabeo 15:14, Tobit 12:12-15), pananalangin para sa mga

patay(2 Macabeo 12:45-46) at iba pa.

[baguhin]Sa Ortodoksiya

Sa Etiopian Ortodox, ang biblia ay binubuo ng 81 na aklat at sa Silangang Ortodox, ang bibliya ay binubuo ng 84 na aklat.

Sakop ng kanong Ortodokso ang lahat ng mga aklat ng biblyang Katoliko kasama ang 3 Macabeos, Awit 151, 1 Esdras, 4

Macabeos at iba pa.

[baguhin]Sa Syriac

Ang biblia ng Tradisyong Syriac na tinatawag na Peshitta ay binubuo ng Lumang Tipan, Apokripa at Bagong Tipan. Hindi

kasama sa Bagong Tipan ng Peshitta ang mga aklat na 2 Pedro, 2 at 3 Juan, Judas at Apocalipsis.

[baguhin]Sa Protestantismo

Sa Protestantismo, ang kanon ay binubuo ng 66 na aklat. Ang apokripa ng Katoliko ay hindi tinanggap ng mga

Protestante.

[baguhin]Pananaw ng mga skolar at arkeologo tungkol sa Biblia

[baguhin]Arkeolohiya

Mapa ng Canaan(lupang pangako) ayon sa Genesis 15:18-21, 12:5-7. Ang hangganan nito ay mula ilog ng Ehipto(Nilo) hanggang

sa Euphrates sa Iraq. Ayon sa mga arkeologo, ang storya ng pagsakop ng Israel sa Canaan(lupang pangako) sa "Aklat ni Josue" ay

hindi nangyari. Ayon sa mga skolar at arkeologo, ang karamihan sa mga siyudad na binanggit gaya ng Jericho(Josue 6:21) ay hindi

tinitirhan ng mga tao sa panahon na sinasabing sinakop at pinatay ng mga Israelita ang mga mamamayan nito. Ayon pa sa mga

skolar at arkeologo, ang mga Israelita ay hindi nanggaling sa Ehipto(ayon sa Aklat ng Exodo) kundi sila'y mga Cananita rin na

naging isang kultura na iba sa ibang mga Cananita.[22]

Ayon sa mga arkeologo at skolar, karamihan sa mga storyang binabanggit sa Biblia ay hindi nangyari. [23][24][25]

Ayon sa arkeologong Israeli na si Ze'ev Herzog:

Page 9: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

This is what archaeologists have learned from their excavations in the Land of Israel: the Israelites were never in

Egypt, did not wander in the desert, did not conquer the land in a military campaign and did not pass it on to the

12 tribes of Israel. Perhaps even harder to swallow is that the united monarchy of David and Solomon, which is

described by the Bible as a regional power, was at most a small tribal kingdom. And it will come as an unpleasant

shock to many that the God of Israel, YHWH, had a female consort and that the early Israelite religion adopted

monotheism only in the waning period of the monarchy and not at Mount Sinai.

Tagalog: Ito ang nalaman ng mga arkeologo sa kanilang paghuhukay sa bansang Israel: Ang mga Israelita ay

hindi kailanman tumuntong sa Ehipto, hindi naglakbay sa ilang, hindi sinakop ang lupain(ng Canaan), at hindi ito

ibinigay sa 12 lipi ng Israel. Marahil, ang isa sa napakahirap lunukin ay ang pinagkaisang kaharian ni David at

Solomon na sinasabi sa Biblia na makapangyarihan sa buong rehiyon(ng Canaan), ay isang maliit na tribong

kaharian lamang. At ikagugulat ng marami na ang dios ng Israel na si YHWH(o Yahweh) ay may asawang babae

at ang mga sinaunang Israelita ay tinanggap lamang ang monoteismo sa panahong humina na ang kaharian at

hindi sa Bundok Sinai.

Tableta ng Epiko ni Gilgamesh(ca. 2100 BCE) na nahukay sa Assyria(Mosul, Iraq) noong 1853. Ito ay naglalaman ng storya ni Ut-

Napishtim na inutusan ng dios na si Ea na gumawa ng arko upang iligtas ang kanyang pamilya at mga hayop sa isang

delubyo(baha) na ipapadala ng dios na si Enlil dahil sa kanyang galit sa sangkatauhan. Pagkatapos ng pitong araw nang tumila ang

baha, si Ut-Napishtim ay nagpalipad ng kalapati at uwak upang tingnan kung wala nang tubig. Nang matuyo ang baha, ang arko ni

Ut-Napishtim ay lumapag sa Bundok Nisir(kasalukuyang tinatawag na Pir Magrun sa Iraq). Si Ut-Napishtim ay naghandog naman ng

tupa at naamoy ng mga dios ang mabangong samyo nito.

Karamihan sa mga storya sa Tanakh ay pinaniniwalaang naimpluwensiyahan o kinopya sa mga kasulatan at kwentong

mitholohikal ng ibang bansa sa Sinaunang Malapit na Silangan(Ancient Near East). Halimbawa, ang mga mitolohiyang

mas unang isinulat sa Tanakh(Lumang Tipan) gaya ng Enuma Elish ay inihalintulad sa Genesis 1 gayundin ang "Epiko ni

Gilgamesh" sa delubyo(baha) sa panahon ni Noe sa Genesis 6-9[26] at sa kwento ni Adan at Eba sa hardin ng Eden. Ang

storya ni Esther(na protoganista ng "Aklat ni Esther") ay pinaniwalaang nag ugat sa Babilonia, gayundin ang Eclesiastes

9:7-10 sa talumpati ni Sidhuri[27] at ang mga ilang kawikaan sa "Aklat ng Kawikaan(Book of Proverbs) na sinasabing

kinopya sa kasulatang Ehipsyo na "Katuruan ni Amenemope"[28] at iba pa.

[baguhin]Pinagmulan ng monoteismo sa Israel

Page 10: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Isa mga paso na natagpuan ng mga arkeologo sa Kuntillet Ajrud na may nakasulat na "Berakhti etkhem l’YHVH Shomron

ul’Asherato" (Hebrew: בירכתי אתכם ליהוה שומרון ולאשרתו) na kung isasalin sa Tagalog ay "Pinagpala kita kay Yahweh at ng kanyang

Asherah"

Ayon sa mga skolar, si Yahweh ay kinikilala sa Canaan na isa sa pitumpung(70) mga anak ng dios na si "El" o

"Elyon"(kabilang sa 70 anak ni El sina Dagon, Baal, Tirosch, Horon, Nahar, Resheph, Kotar Hosis, Shachar, Shalem at iba

pa)[29]. Sa Canaan(kasama rito ang mga bansang Lebanon, Jordan, Israel, Syria at iba pa), si El ay kinikilalang punong

dios at asawa ng diosang si "Asherah". Ito'y makikita sa mga tabletang nahukay sa siyudad ng "Ugarit" sa Syria noong

1929 hanggang 1939[30]

“ sm . bny . yw . ilt (El. KTU 1.1 IV 14)[29]

The name of the son of god, Yahweh.

Ang pangalan ng anak ng diyos,

Yahweh. ”Ang pitumpung anak ni El ay mga patrong dios ng bawat pitumpung bansa sa rehiyon ng Canaan. Sa Deuteronomy 32:8-9

ng Dead Sea Scrolls o 4QDeut4(na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh), mababasa na hinati ng dios na si Elyon ang

mga bansa ayon sa bilang ng mga anak ng dios. Ang bansang Israel(Jacob) ay naging bahagi naman ng dios na si

Yahweh.[31] Ayon sa mga skolar, ang beney ha elohim(mga anak ng mga dios) sa Deut. 32:8-9 ay salitang Semitiko na

tumutukoy sa mga mababang dios sa kapisanan ng mga dios(divine pantheon) sa Canaan[32][33][34][35][36][37][38](tignan din ang

Awit 82:1-8 kung saan ang punong diyos(Elyon) ay namumuno sa kapulungan ng mga dios). Ang salitang Elohim(mga

diyos) na anyong plural ng singular na El(diyos) ay matatagpuan ng 2500 beses sa Tanakh(Lumang Tipan). Bagama't ang

Elohim ay may konstruksiyong singular sa ilang mga talata ng Tanakh(kung ang pandiwa o pang-uri na tumutukoy dito ay

singular), may ilang mga eksepsiyon na ang "Elohim" ay nangangahulugang "maraming diyos". Halimbawa, sa Genesis

20:13, 35:7, 2 1 Samuel 7:23, Awit 58:11, at ang pangalan ng "Buhay na Diyos" sa Deuteronomiyo 5:26, ang "Elohim" ay

nasa anyong plural dahil sa ito ay tinutukoy ng plural na pang-uri na אלהים חיים . Sa Septuagint at sa mga bagong salin ng

Lumang Tipan mula sa Hebreo, ang salitang "Elohim" ay isinalin na "mga diyos" kapag tinutukoy ng plural na pandiwa at

kapag ito ay tumutukoy sa "mga diyos na pagano"(halimbawa sa Exo 12:12 na "mga diyos(Elohim) ng Ehipto")

ngunit ito ay pinalitan ng singular na "diyos"(theos sa Septuagint) kung tumutukoy sa diyos ng Israel kahit na ang

kahulugan ay maliwanag na "mga diyos".

Page 11: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

“ When Elyon divided the nations,

when he separated the sons of Adam

he established the borders of the nations

according to the number of the sons of the gods.

Yahweh’s portion was his people,

Jacob his alloted inheritance.(Deut. 32:8-9, Dead Sea Scrolls(4QDeut4))

Nang hatiin ni Elyon ang mga bansa,

nang ihiwalay ang mga anak ni Adan

kanyang itinakda ang mga hangganan ng mga bansa

ayon sa bilang ng mga anak ng mga diyos.

Ang bahagi ni Yahweh ang kanyang bayan,

si Jacob(o bansang Israel) ang kanyang(ng dios na si Yahweh) tagapagmanang

lahi. ”Sa pagitan ng ikawalo hanggang ikaanim na siglo BCE, si El ay nagsimulang ituring na mga Israelita na siyang ring si

Yahweh o "Yaweh-El" na asawa ni "Asherah".[39] Ang ibang mga dios ng ibang bansa ay tinuring ng mga Israelita na mga

manipestasyon lamang ni Yahweh-El. Ito ay makikita sa mga artipaktong nahukay sa bansang Israel sa panahong ito na

nagpapakitang si Yahweh ay may asawa na nagngangalang "Asherah". Bukod dito, ang pagpapalit ng beney ha

elohim(mga anak ng mga dios) sa ibang manuskrito gaya ng Masoretico, ng "mga anak ni Israel" gayundin sa Septuagint

na pinalitan ng "mga anghel ng dios" ang indikasyon na ang dios na si Elyon at Yahweh ay naging isang dios. Sa bagong

salin ng biblia na The New Revised Standard Version (NRSV)(1989), ang Deut 32:8 ay isinalin na "according to the

number of the gods"(ayon sa bilang ng mga dios).

Sa mga panahong ding ito nagsimulang lumitaw sa Biblia ang monoteismo o ang paniniwalang si Yahweh "lamang" ang

dios ng sansinukob. Halimbawa sa ika pitong siglo, isinulat ang mga pahayag na monoteistiko sa Biblia : Deuteronomyo

4:35, 39, 1 Samuel 2:2, 2 Samuel 7:22, 2 Hari 19:15, 19 (= Isaias 37:16, 20), at Jeremias 16:19, 20 at ang ikaanim na

siglong bahagi ng Isaias 43:10–11, 44:6, 8, 45:5–7, 14, 18, 21, and 46:9. [40] Dahil sa ang mga talatang ito ay nakaugnay sa

Deuteronomyo, ang kasaysayang Deutoronomistiko(ito'y mga librong mula sa "aklat ni Josue" hanggang sa "mga aklat ng

Hari"), sinasabi ng mga skolar na ang isang kilusang Deuteronomitiko ang bumuo sa ideyang monoteismo sa Israel noong

mga panahong ito.[41] Isa sa mga dahilan ng pagusbong ng monoteismo sa Israel ay ang pagakyat sa kapangyarihan ng

mga imperyong Assirio at Babilonia sa mga panahong ito. Para sa mga Israelita ang kanilang dios ay kasing

kapangyarihan ng mga patrong dios ng ibang bansa. [42] Ngunit dahil sa pagsakop ng imperyong Assiria sa hilagang

kaharian ng Israel noong 722 BCE, inakala ng mga Isaelita na mas makapangyarihan ang dios ng Assiria. Sa mga

panahong ito, ang kilusang monoteistiko(Deuteronomistiko) ay nagsimulang mangatwiran na ang pagsakop ng Assiria sa

Israel ay hindi nangangahulugang ang dios ng Israel ay mas mahina kay "Marduk" na siyang dios ng Assiria, kundi

ipinahintulot ni Yahweh na parusahan ng Assiria ang Israel upang dalisayin ang bansang Israel dahil sa kanilang

politeismo.[41] Ang ideyang monoteismo ay tinanggap sa "buong Israel" pagkatapos lamang na sakupin ng imperyong

Babilonia ang "Judah"(Timog na bahagi ng Israel) noong 586 BCE. [41]

Page 12: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Ang ibang iskolar ay naniniwala na si Yahweh ay sinamba sa timog ng Canaan(Edom, Moab at Midian) mula 14 siglo BCE

at ang kulto ni Yahweh ay naipasa sa hilaga ng Canaan sa pamamagitan ng mga Cineo(Kenite). Ang hipotesis na ito ay

iminungkahi ni Cornelius Tiele noong 1872. Ngunit, sa hipotesis na ito ni Thiele, si Moises ay ipinagpalagay na isang

historikal na indibidwal na itinatanggi ng karamihan sa mga kasalukuyang iskolar. [25][23][24] Ayon din sa ilan na naniniwala sa

hipotesis na ito, si Yahweh ang diyos ni Jethro(biyenan ni Moises) na isang Cineo ayon sa Hukom 1:16 at mula kay Jethro

naipasa ni Moises ang kulto ni Yahweh sa mga Israelita.

[baguhin]Pinagmulan ng KristiyanismoSilipin din: Mga skrolyo ng Patay na Dagat

Ayon sa mga skolar, ang mga katuruan ng kristiyanismo ay karaniwang matatagpuan sa iba't iba't sekta ng

Hudaismo na umiral mula unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Halimbawa ang paghihintay sa isang mesias

o tagapagligtas, ang paniniwalang apokaliptiko(malapit na pagwawakas ng mundo), mga pagmimilagro [43] at iba pang

katuruan ni Hesus[44] ay matatagpuan din sa mga literatura na isinulat noong mga panahong ito sa Israel gaya ng

Aklat ni Enoch, Apocalipsis ni Abraham, Apocalipsis ni Adan, Dead Sea Scrolls, at marami pang iba. Bukod dito, ang

artipaktong Batong Jeselsohn[45](unang siglo BCE bago ang panahon ni Hesus) ay naglalaman ng storya na tulad ng

storya ni Hesus sa Bagong Tipan(na isinulat noong unang siglo CE) tungkol sa isang mesias(na pinaniniwalaang

ang rebeldeng si Simon ng Peraea) na pinapatay ng mga Romano at nabuhay pagkatapos ng 3 araw.

Ang rabinikong hudaismo at kristiyanismo ang ilan sa mga sektang nanatili pagkatapos ng digmaan sa Jerusalem

noong 70 CE.

Ayon sa ibang skolar, si Hesus ay isang mitolohiya lamang at ang kanyang storya sa Bagong Tipan ay kinopya

lamang sa iba't ibang storya ng mga dios na pagano na namatay at nabuhay muli sa Gresya at Ehipto. [46][47]

[baguhin]Kritisismong tekstwal

Ang Codex Sinaiticus na sinulat noong ika-apat ng siglo CE ang pinakamatandang kumpletong manuskrito ng Luma(na saling

Septuagint) at Bagong Tipan. Kabilang sa Bagong Tipan ng Codex Sinaiticus ang Sulat ni Barnabas at Pastol ni Hermas.

Kabilang sa Lumang Tipan ng Codex Sinaiticus ang mga aklat ng apokripa na 2 Esdras, Tobit, Judith, 1 & 4 Maccabees,

Karunungan at Sirac

Dahil sa hindi na umiiral ang mga "orihinal na manuskrito"(sulat kamay) ng biblia at ang mga kopya ng kopya ng

orihinal na manuskritong ito ay hindi magkakatugma, ang kritismong tekstwal ay lumalayon na alamin ang orihinal o

Page 13: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

ang pinakamalapit na teksto ng orihinal na manuskrito. Ang ilang halimbawa ng mga tekstong sinasabi ng mga

skolar na mga "interpolasyon"(dagdag) o hindi bahagi ng orihinal na manuskrito ay Juan 7:53-8:11, 1 Juan 5:7-9,

Markos 16:9-20 na idinagdag lang sa ikalawang siglo CE[48] gayundin ang mga salaysay ng kapanganakan at

pagkasanggol ni Hesus na huli ng idinagdag sa mga teksto.[49] Ayon pa sa mga skolar, ang Lukas at Mateo ay

orihinal na isinulat na hindi kasama ang unang dalawang kapitulo ng mga aklat na mga ito. [49] Ang ilan sa mga

talatang ito ay inalis sa mga bagong salin ng Biblia gaya ng NIV at Magandang Balitangunit kasama sa mga lumang

salin gaya ng King James Version(1611).

Ang 5,800 manuskritong Griego ng bagong tipan ay hinati sa tatlong pangkat ng magkakatugmang uri ng teksto(text-

type): Ang Alexandrian, Western at Byzantine.[50] Ang Alexandrian na binubuo ng pinagkalumang teksto ng Bagong

tipan(mula ikalawa hanggang ikaapat ng siglo) ang siyang naging basehan ng edisyong kritikal na "Novum

Testamentum Graece" na naging basehan ng mga bagong salin ng Biblia tulad ng NIV, NASB at Magandang

Balita samantalang ang Byzantine, na bumubuo ng 80% ng manuskrito ng Bagong Tipan at siyang pinakabagong

teksto(ika 5 hanggang 15 siglo CE) ang siya namang naging basehan ng Textus Receptus na naging basehan ng

mga saling gaya ng King James Version na isinalin mula 1604-1611.

[baguhin]Kritisismong historikal-kritikal[baguhin]Lumang Tipan o Tanakh

Ang kritisismong historiko-kritikal o mataas na kritisismo sa pag-aaral biblikal, ay lumalayon na alamin ang tunay na

may-akda at panahon ng pagkakasulat ng mga aklat sa biblia. Ayon sa mga skolar, karamihan sa mga aklat ng

Biblia ay hindi isinulat ng mga pinaniwalaang tradisyonal na may-akda nito. Halimbawa, ayon sa Tradisyon ng mga

Hudyo, ang Torah(Genesis, Exodo, Levitico, Deuteronomyo at Bilang) ay inihayag kay Moises noong 1312 BCE sa

Bundok ng Sinai. Ayon sa mga skolar, hindi maaaring si Moises ang sumulat ng mga aklat na ito dahil sa mga

anakronismo na matatagpuan sa mga aklat na ito. Ang anakronismo ay mga konsepto o salitang hindi umaangkop

sa kapanahunan ng pagkakasulat ng isang aklat. Halimbawa ang kaharian ng Edom, lupain ng Goshen, Rameses,

Arameo ay hindi pa umiiral noong sinasabing kapanahunan ni Moises.[51] Bukod dito, ang iba pang indikasyon na ang

Torah ay isinulat ng maraming may akda at hindi ni Moises: ang mga talata gaya ng Deut 34:5-8 at Bilang 21:14 na

isinulat pagkatapos mamatay ni Moises, doublets o dalawang magkaibang pagsasalaysay sa isang storya(gaya ng

dalawang storya ng pagkakalikha sa Genesis 1 at 2, dalawang storya ni Sarah sa Genesis 12 at 20, at iba),

paggamit ng dalawang pangalan ng dios na Yahweh at Elohim, paggamit ng stilong lingwistiko na ginamit sa iba't

ibang panahon, at mga kontradiksyon gaya ng Genesis 6:19-20(isang pares ng bawat hayop at ibon ang ipinasok sa

arko) at Genesis 7:2-3(pitong pares ng malinis na hayop at ibon at isang pares ng maruming hayop ang ipinasok sa

arko)

Ayon sa mga skolar ang mga aklat na ito ay sinulat ng apat na idenpendiyenteng may-akda na tinawag na Jahwist(J)

(mga 900 BCE), Elohist(E)(mga 800 BCE), Deuteronomist(D)(mga 600 BCE) at Priestly(P) (mga 500 BCE) at

pinagsama-sama ng iba't ibang redactors(editor) noong kapanahunan ng imperyong Persian ca. 450 BCE.[52][53]

Ang paniniwalang ang Torah ay isinulat ng maraming may-akda ay napatunayan noong June 2011, sa pamamagitan

ng isang software saArtificial Intelligence na ginawa ng mga skolar sa Bar Ilan University sa Israel.[54]

[baguhin]Bagong Tipan

Page 14: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Ayon sa Two-Source hypothesis ang mga may akda ng Mateo at Lukas ay kumopya sa ebanghelyo ni Marcos at sa isang

hipotetikal na kalipunan ng mga kasabihan ni Hesus na tinatawag na "Q".

Bagaman maraming ebanghelyo ang naisulat bago mabuo ang "kanon"(kabilang dito ang "Ebanghelyo ni Judas",

"Ebanghelyo ni Tomas", "Ebanghelyo ni Marya", "Ebanghelyo ni Marcion" at marami pang iba pa), apat na

ebanghelyo(Mateo, Marcos, Lukas at Juan) lang ang tinanggap sa "kanon" sa pagpipilit ni Irenaeus ng Lyons na

nabuhay noong 185 CE. Ayon kay Irenaeus, hindi maaring magkaroon ng higit o kulang sa "apat ng ebanghelyo"

dahil sa apat ang sulok ng daigdig at apat ang hangin. Kanya ding inahihalintulad ang apat na ebanghelyo sa imahe

ng apat na nilalang sa Ezekiel 1 at Apocalipsis 4:6-10.[55]

Ang mga ebanghelyo ayon sa mga skolar ay hindi isinulat ng mga tradisyonal na pinaniwalaang may akda nito na

sina Mateo, Marcos, Lukas at Juan. Ang mga pangalang ito ay ikinabit lang sa mga aklat na ito sa ikalawang siglo

CE. Ayon sa mga skolar, ang mga ebanghelyo ay orihinal na isinulat sa Griego. Ang unang ebanghelyo na isinulat

ay angMarcos na sinulat sa Syria ng hindi kilalang Kristiyano noong AD 70. Ang Aklat ni Markosang pinagkopyahan

ng mga may-akda ng mga aklat ni Mateo at Lukas. Bukod sa Marcos, ang mga aklat ng Mateo at Lukas ay kumopya

din sa kalipunan ng mga kasabihan ni Hesus(na hindi pa natatagpuan) na tinatawag na "Dokumentong Q".

[baguhin]Mga kritisismo ng Bibliya

Ang kritisismo ng Bibliya ay nagsimula pa noong sinaunang panahon. Ang isa sa sinaunang kritiko ng Lumang Tipan

ang Kristiyanong si Marcion na tagapagtatag ng sektang Kristiyano na tinatawag na Marcionismo noong ikalawang

siglo CE. Ang mga sinaunang kritiko naman ng Bagong Tipan ay kinabibilangan ni Celsus atPorphyry. Sa

modernong panahon, ang kritisismo ng Bibliya ay sumidhi pagdating ng Panahon ng Kaliwanagan(Age of

Enlightenment) noong ika 18 siglo CE at pagsulong ng historikal na kritisismo o pagsusuri sa pinagmulan ng Bibliya.[56] Ang pagsulong din ng agham gaya ngteoriya ng ebolusyon ay lalong nagbigay duda sa pagiging totoo ng Bibliya.

Ayon sa mga kritiko, ang Bibliya ay hindi salita ng diyos dahil ito ay naglalaman ng mga paniniwalang sinasalungat

ng arkeolohiya, agham, at kasaysayan.[23][24][25][57]Bukod dito, ang Bibliya ay pinaniniwalaan ring naglalaman ng mga

kontradiksiyon,[58][59] mga palpak na hula,[60] mga anakronismo,[24] kahindik hindik na moralidad(pang-aalipin ng mga

Israelita na pinapayagan ni Yahweh sa Lumang Tipan gayundin sa Bagong Tipan, poligamiya ng mga

patriarka, genocide na iniutos ni Yahweh sa mga Israelita o pagpatay sa mga ibang bansa kabilang ang mga bata,

Page 15: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

sanggol, buntis na babae at mga hayop upang sakupin ang mga bansang ito at ang kanilang mga ari-arian) [61] at

magkakakontrang moralidad gaya ng matatagpuan sa Luma at Bagong Tipan. Ayon sa mga kritiko, ang kawalang

tiyak na moralidad ay makikita sa mga ng libo-libong mga sektang ng Kristiyanismo at Hudaismo na magkakaiba ng

pananaw at magkakalaban noon pang sinaunang panahong hanggang sa kasalukuyan sa ibat ibang isyu ng

moralidad at mga katuruan.

Qur'anMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa pamamagitan ng pagdaragdag dito.Para sa karagdagang impormasyon, tingnan lamang po ang pahina ng usapan. (Mayo 2009)

Ang Kuran, ang banal na aklat ng Islam.

Ang Qur'an o Koran (Arabic: القرآن, al-Qur’ān, "ang pagbigkas"; tinatawag ring الكريم al-Qur’ān al-Karīm) ang banal na aklat ,القرآن

ng relihiyong Islam. Naniniwala ang mga Muslim na ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan, at isinasaalang-alang ang

orihinal na tekstong Arabic, na salita ng Allah, diyos ng sangkatauhan[1] na ipinakita kay Muhammad sa panahon ng dalawampu't

tatlong taon[2][3], at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa sangkatauhan.[4][5].

Mga nilalaman

  [itago] 

1   Kasaysayan

2   Kritismo sa Qur'an

3   Tignan din

4   Talasanggunian

5   Mga direktoryo

o 5.1   Mga pagsasalin

o 5.2   Paghahanap

o 5.3   Mga manuskrito

Page 16: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

o 5.4   Tunog/Bidyo/Dokumentaryo

[baguhin]Kasaysayan

Ayon sa tradisyong Islamiko, natanggap ni Muhammad ang unang pahayag sa kweba ng Hira sa panahon ng kanyang pagiisa sa mga

bundok. Si Muhammad ayon sa tradisyong Muslim ay isang "ummi"(illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat). Pagkatapos nito, si

Muhammad ay nakatanggap pa ng mga pahayag sa loob ng dalawampu't-tatlong taon. Ayon sa hadith at kasaysayan ng Islam, si

Muhammad ay tumira sa Medina at bumuo ng isang sariling komunidad ng mga Muslim. Kanyang iniutos sa kanyang mga

sahabah(kasama) na bigkasin ang Quran at pag-aralan at ituro ang mga kautusan na inihayag sa kanya araw araw. Ang kanyang mga

sahabah na bumibigkas ng Quran ay tinatawag na Qari. Dahil sa karamihan ng sahabah ay hindi marunong bumasa o sumulat, sila ay

inutusan ni Muhammad na matuto ng simpleng pagsulat sa mga bilanggo-ng-digmaan. Unti unti ay natutong sumulat ang mga

sahabang ito. Sa mga unang yugto ng Islam, ang Quran ay isinulat sa mga tableta, mga buto at mga dahon ng date palm. Karamihan

sa kabanata ng Qur'an ay ginagamit ng mga sinaunang ngunit ang Qur'an sa mga panahong ito ay hindi pa umiiral sa anyong aklat.

Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay(seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring

pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na ito. Ayon din kay Welch,

hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad

ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o

manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din

sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay, [6] o may sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[7]. Ang

sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi

ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates(na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na

Sakit".[8]

[baguhin]Kritismo sa Qur'an

Pangunahing lathalain: Listahan ng pag-atake ng mga teroristang Muslim

Ayon sa mga kritiko ng Islam, ang Quran ay naglalaman ng mga kontradiksyon at mga salitang mahirap unawain. Bukod dito, ito ay rin

ay pinaniniwalaang naglalaman ng maling paliwanag sa pinag mulan ng sansinukob. Ayon sa ibang salaysay ng kasaysayan ng Islam,

mayroong 2 berso ng Quran na idinagdag ni Muhammad nang siya ay dayain ni Satanas(na tinawag na mga talatang Sataniko). Ayon

pa sa mga kritiko, ang Quran ay walang ebidensiya na sinusuportahan ng arkeolohiya at ang aklat na ito ay hindi umaayon sa ibang

mga literaturang isinulat.[9] Bukod sa kawalang ebidensiya para suportahan ang paniniwalang galing sa dios ang Quran, ang mga

katuruan at moralidad sa Quran ay binabatikos din. Halimbawa, mababasa sa Surah 4:34 na pinapayagan ang mga lalakeng Muslim

na disiplanahin ang kanilang asawang babae sa pamamagitan ng pananakit at paghataw sa kanila. Ilan din sa mga talata ay

binabatikos ng mga kritiko dahil sa pagtuturo ng karahasan, terorismo at poot sa mga tagasunod ng ibang relihiyon.[10] Halimbawa sa

Surah 3:151 ang nakasulat ay "We shall cast terror into the hearts of those who disbelieve."(Kami ay maghahasik ng takot sa puso ng

mga hindi sumasampalataya). Ang pang-aalipin(slavery) ng isang tao ay tinatanggap sa Quran at sa Madh'hab na isang skwela ng

batas sa Islam. [11] Si Muhammad at ang kanyang Sahabah(kasama) ay bumili, at nag-angkin ng mga alipin.[11]

IliadaMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Page 17: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Iliada

Mga unang taludtod ng Iliada na nasa pinagmulang wikang Griyego.

May-akda Homer

Bansa Gresya

Wika Sinaunang Griyego

Anyo Tulang epika

Naglimbag Iba't iba

Petsa ng pagkalimbag Bago sumapit ang karaniwang panahon

ISBN wala

Ang Iliada (Ingles: Iliad[1], Kastila: Iliada) ay isang tulang epikang tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mga Griyego sa lungsod

ng Troy. Mula ito sa Gresya, na isinulat ni Homer, at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang

kapanahunan. Ito ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya. Hinango ang pamagat ng Iliada mula

sa Ilium (o Ilion), ang isa pang katawagan para sa Troy. Itinuturing ang akdang ito bilang "Bibliya" ng mga Griyego, sapagkat

nakaimpluwensiya ng malaki sa kanilang mga kaisipan. Sinundan ito ng Odisea, na si Homer din ang sumulat.[1]

Mga nilalaman

  [itago] 

1   May-akda

2   Kahalagang

pamapanitikan

3   Balangkas at

paglalarawan

4   Buod ng Iliada

5   Mga sanggunian

[baguhin]May-akda

Page 18: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Pangunahing lathalain: Homer

Tinatayang namuhay si Homer, isang Griyego, noong mga ika-8 daantaon. Pinaniniwalaang sinulat ni Homer ang Iliada noong mga

700 BK hanggang 650 BK. Sa pamamagitan ng pagiging madula, marangal, at makatotohanang paglalahad na patula, inilahad niya

ang mga salaysayin ng mga kaganapang naganap noong mga 400 taon na ang nakalipas mula sa kaniyang panahon. Binalikan niya

ang mas nauna pang mga nakaraan sa pamamagitan ng Iliada. Bagaman isang Griyego, naging patas si Homer sa paglalarawan ng

mga Trohano (mga taga-Troy). Pinaniniwalaang marahil hindi naman isinatitik ni Homer sa kalatagan ng mga papel ang Iliada, bagkus

sinasambit lamang niya ang mga taludtod ng kaniyang mahabang tulang ito habang nagsasalaysay sa kaniyang mga tagapakinig.

Sinasabi pa ring may kamangha-manghang pagkakaunawa si Homer sa ugnayan ng mga tao. Nalalaman din niya ang pagiging

kahindik-hindik at katindihan ng digmaan, bagaman isang pansariling bagay o paksa na nakapaglalantad ng katapangan at

pagpapakasakit ng sarili. Binigyang buhay ni Homer ang Iliada sa pamamagitan ng mga mabilis na takbo ng mga pangyayari at

pagkakaroon ng maraming mga talumpati.[1]

[baguhin]Kahalagang pamapanitikan

Sapagkat itinuturing ngang isang "Bibliya" ng mga Griyego ang Iliada, may dalang sariling sipi nito Dakilang Alejandro habang

sinasakop niya ang Asya. Naimpluwensiyahan ng Iliada ang panitikang pandaigdig, hindi lamang sa larangan ng panulaang epika. Sa

mga Griyego, unang nakakitaan ng impluho ng Iliada ang mga manunulat ng mga trahedya, o mga dulang may malungkot subalit may

makabuluhang wakas.[1]

[baguhin]Balangkas at paglalarawan

Isang estatuwang kaugnay ng Iliada. Matatagpuan ito sa Istoa (Stoa[2]) ng Attalus (o Attalos), isang pasilyong may bubong o kolonada sa sinaunang Gresya, na

mayroong pader sa isang panig at hanay ng mga poste sa kabila.

Naririto ang banghay ng Iliada: Nakatanim ang tulang ito ni Homer sa Digmaang Trohano sa pagitan ng mga Griyego at ng mga

Trohano. Nagumpisa ang Digmaang Trohano nang tangayin ni Prinsipe Paris ng Troya ang reyna ng Sparta, si Helen. Hindi nilahad ni

Homer ang lahat ng mga pangyayari sa digmaang ito, pinili lamang niya ang mga ilang mga linggo sa ikasampu at huling taon nito, na

ginamitan ni Homer ng pamamaraang pagbabalik-sulyap kaya't maraming makikitang mga naunang mga kaganapan sa tulang

pasalaysay na ito. Nagbibigay rin si Homer ng mga pahiwatig sa kung ang susunod na mangyayari.[1] Isinasalaysay ng Iliada ang

Page 19: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

hinggil sa "galit niAchilles" - si Achilles ang pangunahing bayani sa kuwento[1] - magpahanggang sa kamatayan at paglibing kay Hector,

at sa paglusob sa Troya. Kabilang sa mga mahahalagang tauhan ng Iliadasina

Achilles, Odiseo (ng Odisea), Agamemnon, Menelaus, Priam, Hector, Paris, at Helen. Makikita rin sa mga tagpuan ng Iliada ang

Griyegong si Diomedes at ang Trohanong si Glaucus(na nagkasundong huwag maglaban sapagkat magkaibigan ang kanilang mga

lolo), siAndromache (asawa ni Hector), si Astyanax (anak na lalaki ni Hector), ang diyosang si Thetis na ina ni Achilles, ang diyos na

si Zeus, ang diyosang si Aprhodite, si Aeneas (ng Aeneis niVergilius) na anak ni Aprhodite.[1]

Nagsisimula ang tula sa pagpapadala ng isang salot sa mga Griyego ng diyos na si Apollo, sapagkat binihag ng mga ito ang anak na

babae ng isa sa kaniyang mga pari. Napilitan siAgamemnon na ibalik ang bihag na babae, subalit inagaw naman nito si Briseis, isang

babaeng pag-aari ni Achilles. Nagalit si Achilles subalit tumangging makipaglaban kay Agamemnon. Subalit, nang mapatay

ni Hector ang kaniyang kaibigang si Patroclus, nakipaglaban si Achilles at napatay niya sa pagtutuos si Hector. Sa lumaon, lihim na

pumunta kay Achilles ang ama ni Hector na si Priam, upang kuhanin ang bangkay ng kaniyang paboritong anak na lalaki, para

mabigyan ng nararapat na libing. Pumayag si Achilles. Nagwakas ang tula sa paglilibing kay Hector. Binubuo ang epikang Iliada ng 24

na mga bahaging tinatawag na mga "aklat".[1]

[baguhin]Buod ng Iliada

Si Achilles habang nakikipagdigmaan sa mga taga-Troya, sa may kailugan.

"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad ng makatang si Homer para sa kaniyang Iliada. May

nakatanim na galit kay Agamemnon ang pangunahing bayaning si Achilles, sapagkat inagaw ni Agamemnon ang gantimpalang

napanalunan ni Achilles, ang babaeng si Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito nakipaglaban kay Agamemnon, sa halip

sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa kasawian sa loob ng kaniyang talabing okubol. Sinasabing naging mas naging mainam

ang pagkatao ni Achilles dahil sa kaniyang paghihirap na ito.[1]

Nang nararamdaman ni Agamamenon na nagwawagi ang mga Troyano, inalayan niya ng mga handog si Achilles at nagmakaawa

upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban sa mga Troyano. Tumanggi si Achilles. Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan lamang si

Achilles na nagmumukmok sa kaniyang kubol. Nang lumaon, pinahuntulot nitong makipaglaban ang kaniyang matalik na kaibigan si

Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles ang sariling baluti. Napatay si Patroclus ng prinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit, at

Page 20: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

ikinalungkot din, ni Achilles ang pagkakapaslang kay Patroclus, kaya't napapayag din siyang makipaglaban sa mga Trohano.

Nagtagumpay si Hector at napatay din niya si Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng Troy na si Haring Priam si Achilles para

magmakaawang ibigay ni Achilles ang katawan ni Hector. Pumayag si Achilles sapagkat, sa pamamagitan ni Priam, naalala ni Achilles

ang sarili niyang ama. Nagwawakas ang Iliada sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng labanan sa pagitan ng mga

Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na libing ang Trohanong si Hector. Maaaring malaman ang mga kasunod

na pangyayari pagkatapos ng Iliada mula sa iba pang mga akda, katulad ng Aeneis ni Vergilius, kung saan matatagpuan ang

salaysayan hinggil sa Kabayong Trohano.[1]

OdiseaMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Odisea

Simula ng Odisea sa pinagmulang wikang Griyego.

May-akda Homer

Bansa Gresya

Wika Sinaunang Griyego

Anyo Tulang epika

Naglimbag Iba't iba

Petsa ng pagkalimbag Bago sumapit ang karaniwang panahon

ISBN wala

Page 21: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Sina Odiseo at Penelope.

Ang Odisea o Ang Odisea (Griyego: Ὀδύσσεια, Odússeia o Odísia; Ingles:Odyssey) ay isa sa dalawang pangunahing

sinaunang tulang epika ng kabihasnang Heleniko (sinaunang Gresya) na pinaniniwalaang inakdaan ni Homer (o Homero). Tinatayang

isinulat ang tulang ito noong malapit na ang pagwawakas ng ika-8 daantaon bago dumating si Kristo, sa may Ionia, malapit sa tabing-

dagat ng kanlurang Turkiya na nasasakupan ng mga Griyego.[1] May bahagyang pagganap ang tula bilang isang karugtong ng Iliad ni

Homer, at pangunahing nakatuon sa bayaning Griyegong si Odiseo (Odisio at Odysseus din; o sa anyong RomanongUlysses) at sa

kaniyang mahabang paglalakbay pauwi sa Ithaca makaraan ang pagbagsak ng Troy. Hinango ang pangalan ng epikang ito mula sa

bayani nitong siOdiseo.[2]

Inabot ng sampung taon si Odiseo bago muling marating ang Ithaca makatapos ang sampung-taong Digmaang Trohano.[3] Sa

panahong wala si Odiseo, kinailangang harapin ng kaniyang anak na si Telemachus (o Telemaco) at ng asawang siPenelope ang

isang pangkat ng mga walang-galang na mga manliligaw, ang mgaProci, na nagpapaligsahan upang makamit ang kamay ni Penelope

at mapakasal sa isa sa kanila, dahil maraming naniniwalang namatay na si Odiseo. Sa makabagong panahon, nangangahulugang

"matagalan o mahabang paglalakbay o pakikipagsapalaran" ang salitang odyssey.[4] Patuloy pa ring binabasa sa Griyegong

Homeriko ang akdang ito, maging ang pagsasalinwika sa mga pangkasalukuyang wika sa palibot ng mundo. Kung hindi lamang

nakasulat ito ng patula, sinasabing ito sana ang pinakaunang nobela sa mundo. Dahil sa masayang wakas ng akdang ito, itinuturing

itong isang salaysayin ng pagmamahalan o may katangiang makaromansa. Malaki ang naging impluwensiya ng Odisea sa panitikang

pandaigdig, katulad ng iba pang mga tula at maging sa mga dula.[2]

Mga nilalaman

[itago]

1 Mga salaysay sa loob ng Odisea

o 1.1 Salaysay ukol kay Telemaco

o 1.2 Salaysay ukol kay Odiseo

1.2.1 Sa lupain ng mga Kumakain-ng-Lotus

1.2.2 Sa lupain ng mga may-isang mata

1.2.3 Tulong ng diyos ng mga hangin

1.2.4 Ang mga Laestrigoniano at si Circe

1.2.5 Sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa

1.2.6 Mga sirena at sina Scylla at Charybdis

1.2.7 Sa Pulo ng Araw at ang mga Phaeaciano

o 1.3 Pagbabalik ni Odiseo sa Ithaca

Page 22: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

1.3.1 Salaysay ukol kay Penelope

o 1.4 Pagwawakas at pahimakas

2 Mga sanggunian

[baguhin]Mga salaysay sa loob ng Odisea

May tatlong salaysaying patulang nakapaloob sa Odisea: ang kay Odiseo, ang kay Telemaco (anak na lalaki ni Odiseo), at ang kay

Penelope (ang asawa ni Odiseo): Ang unang nakahabing salaysay ay hinggil sa pakikipagsapalaran ni Odiseo habang pabalik sa

kaniyang kaharian sa Ithaca, pagkalipas ng Digmaang Trojan, kabilang ang kaniyang mga naging suliranin nang nakabalik na siya sa

Ithaca. Samantala, umiinog rin ang akda sa anak ni Odiseong si Telemaco (ikalawang salaysay); hinahanap ni Telemaco ang matagal

nang nawawalang amang si Odiseo. Naglalahad din ang epika ng nauukol kay Penelope (ang ikatlong salaysay), ang asawa at reyna

ni Odiseo, na matagal nang naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang asawang si Odiseo. Sa kabuoan, dalawampung taon ang naging

kahabaan ng paghihintay ni Penelope hanggang sa makabalik na nga si Odiseo. Ganito ang bilang dahil sampung taong nasa digmaan

si Odiseo na nadagdagan pa ng sampung taon sa karagatan habang naglalakbay pabalik sa Ithaca. Magkakahabi ang tatlong

salaysaying ito ng buhay sa epikang Odisea.[2]

[baguhin]Salaysay ukol kay Telemaco

Isang buwan pa lamang si Telemaco nang maglayag patungong Troy ang ama niyang si Odiseo.[5] Nagsisimula ang Odisea noong mga

dalawampung taon na ang edad ni Telemaco, at nakatira sa tahanan ng kaniyang ama, sa piling ng kaniyang inang si Penelope.

Naroroon din ang pangkat ng malaking bilang ng mga mayayabang na mga kalalakihang nanliligaw kay Penelope. 108 ang bilang ng

mga manunuyong ito, na naniniwalang patay na si Odiseo, kaya't maaari nang mapakasalan si Penelope kung mapapaibig ng isa man

sa kanila.

Nagkatawang tao si Athena (o Atena), sa anyo ng isang datu o pinunong Taphianong si Mentes, para hikayatin si Telemaco na

hanapin si Odiseo. Nilisan nga ni Telemaco ang Ithaca upang maghanap ng balita hinggil sa kaniyang amang si Odiseo.

Pinangangalagaan siya ng diyosang si Atenas, na siyang tagapananggalang din ni Odiseo. Dinalaw ni Telemaco ang isang matandang

nagngangalang Nestor, pati sina Menelaus at Helen, na mga nakabalik nang matiwasay mula sa pakikipaglaban sa Troy. Wala siyang

natanggap na balita ukol sa ama. Pinagbilinan siya ni Atenang magbalik sa Ithaca.[2]

[baguhin]Salaysay ukol kay Odiseo

Samantala, nasa isang pulo si Odiseo, sa isang pulong pag-aari ni diyosang si Calypso. Nanahan si Odiseo sa pulong iyon ng may pito

nang mga taon. Inalok ni Calypso na gagawin niyang isang nilalang na walang-kamatayan o imortal si Odiseo, subalit mas ibig ni

Odiseong magbalik sa Ithaca. Sinugo ng diyos na si Zeus si Hermes upang pag-utusan palayain ni Calypso si Odiseo. Gumawa ng

isang bangka si Odiseo, sapagkat matagal nang nawasak ang kaniyang mga barko, malaon na ring namatay ang kaniyang mga

kasamahan. Narating ni Odiseo ang ang lupain ng mga Phaeacian. Natagpuan siya ng prinsesang si Nausicaa. Sa palasyo ng amang

hari ni Nausicaa, nilahad ni Odiseo ang kaniyang naging mga pakikipagsapalaran. Naririto ang ilan sa mga ito:[2]

[baguhin]Sa lupain ng mga Kumakain-ng-Lotus

Narating nina Odiseo at ng mga kasamahan niyang manlalakbay ang lupain ng mga tinatawag na Kumakain-ng-Lotus. Nang matikman

ng mga kasama ni Odiseo ang halamang lotus, nakalimutan nila ang kanilang mga nakaraan, kaya't ayaw na nilang lisanin ang pook,

para kumakain pa ng mas maraming mga lotus. Hinila ni Odiseo ang kaniyang mga tauhan paalis sa lugar na iyon.[2]

Page 23: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

[baguhin]Sa lupain ng mga may-isang mata

Si Odiseo habang nilalasing si Polifemo.

Nabihag ng isang nilalang na may iisang matang si Polifemo (o Polyphemus), isang cyclope (ocyclop), salitang nangangahulgang "may

bilog na mata." Naninirahan si Polifemo sa isang yungib, at kinakain ang mga tauhan ni Odiseo, dalawang tao bawat isang araw.

Nilinlang nina Odiseo si Polifemo. Nilasing ni Odiseo si Polifemo at pinaso nila ang mata nito kaya't nabulag. Nang dating tanungin ni

Polifemo kung ano ang pangalan ni Odiseo, sinabi ni Odiseong "Walang-Sinuman" ang tawag sa kaniya. Kaya't nang humingi ng

saklolo si Polifemo sa iba pang mga cyclope, walang tumulong sa kaniya, sapagkat ang pangungusap na "Sinasaktan ako ni Walang-

Sinuman," ang sinasambit niya sa paghingi ng mga nagtataka lamang na mga kauring nilalang. Nakaalis sina Odiseo sa pamamagitan

ng isa pang panlalansi kay Polifemo. May mga alagang tupa si Polifemo. Pinagtali-tali nina Odiseo ang bawat tatlong tupa, nakatali sa

ilalim ng panggitnang tupa ang isang kasama ni Odiseo, na hindi masasalat ng bulag na si Polifemo kapag hihimasin ang dumaraang

mga tupa. Bagaman iisang tupa na lamang ang natira para kay Odiseo, isang lalaking tupa at siyang paborito ni Polifemo. Hindi rin

napuna ni Polifemo si Odiseong nasa ilalim ng paboritong tupa ni Polifemo. Bagaman nakatakas sina Odiseo mula sa mga kamay ni

Polifemo, naparusahan din pagdaka si Odiseo, sapagkat anak si Polifemo ng diyos na si Poseidon.[2]

[baguhin]Tulong ng diyos ng mga hangin

Nakatagpo nina Odiseo si Aeolus, ang diyos ng mga hangin. Binigyan si Odiseo ni Aeolus ng isang buslong naglalaman ng mga

hanging magagamit sana sa paglalayag, ngunit nagduda ang mga tauhan ni Odiseo hinggil sa laman ng buslo. Inisip nilang

kayamanan ng laman ng buso at nililinlang lamang sila. Kaya't binuksan nila ang buslo. Nakawala ang mga hangin. Naantala lamang

muli ang kanilang paglalakbay. Tumanggi si Aeolus na tulungan silang muli.[2]

[baguhin]Ang mga Laestrigoniano at si Circe

Winasak ng mga Laestrigoniano (mga Laestrygonian, mga kumakain ng laman ng tao) ang lahat ng sasakyang-pandagat nina Odiseo.

Pinaslang din ng mga ito ang mga tauhan ni Odiseong lulan ng mga barkong nasira. Hindi nila pinatay si Odiseo. Dumulog si Odiseo

kay Circe, isang babaeng mangkukulam na ginawang mga baboy ang mga tauhan ni Odiseo. Binigyan ng diyosang si Hermes si

Odiseo ng isang halamang molyo (o moly), isang yerbang nakatulong kay Odiseo para labanan ang salamangka ng mangkukulam.

Napapayag ni Odiseong palayin ni Circe ang kaniyang mga tauhan, subalit kinailangan niyang pumiling kay Circe nang may isang taon.[2]

[baguhin]Sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa

Tumungo si Odiseo sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa upang humingi ng tulong kay Tiresias, isang multong may kakayahang

maglakbay-diwa, kung paano ang pagbalik sa Ithaca. Nakahalubilo rin ni Odiseo ang iba pang mga kaluluwa ng mga naging bantog na

Page 24: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

mga tao, pati ang kaniyang inang namatay sa kalungkutan noong wala si Odiseo sa Ithaca, habang naghihintay sa pagbabalik ng

bayaning hari.[2]

[baguhin]Mga sirena at sina Scylla at Charybdis

Si Odiseo at ang mga sirena.

Nakatagpo rin nina Odiseo ang mga sirena, mga kabighabighaning babaeng may nakakabatubalaning awitin. Handang

makipagpatayan ang mga tauhan ni Odiseo para lamang makalapit sa mga sirena, kaya't pinahiran ni Odiseo ng pagkit ang mga tainga

ng kaniyang mga kasamahan. Samantala, nagpatali naman si Odiseo sa isang haligi, kaya't kahit na marinig niya ang awit ng mga

sirena, hindi siya lulundag sa tubig para marating ang mga babaeng iyon. Nakasagupa rin nina Odiseo ang halimaw-dagat na si Scylla,

na kahawig ng isang pugita. Nahuli ni Scylla ang anim sa mga tauhan ni Odiseo. Kinailangan ding matakasan nina Odiseo ang

isang uli-uli, isang ipu-ipong-tubig o tubig na umaalimpuyo, na may pangalang Charybdis; nakaraan naman sila't nakalagpas sa

buhawing-tubig na ito.[2]

[baguhin]Sa Pulo ng Araw at ang mga Phaeaciano

Narating nina Odiseo ang Pulo ng Araw. Nang lisanin niya ang pook na iyon, may isang unos sumira sa kaniyang nag-iisa nang barko,

at namatay ang mga natitira niyang mga tauhan. Isang kaparusahan kay Odiseo at sa kaniyang mga kasama, sapagkat pumaslang sila

ng ilang mga banal na baka. Naging mainam naman ang pagtanggap kay Odiseo ng mga mamamayan ng Phaeacia nang marating

niya ang lupain ng mga ito. Tinulungan si Odiseo ng mga Phaeaciano para makabalik na sa Ithaca, sa pamamagitan ng pagpapagamit

ng isa sa kanilang mga barko. Sa lumaon, naging bato ang barko, bilang isang paghihiganti ni Poseidon kay Odiseo. Nakaligtas naman

si Odiseo.[2]

[baguhin]Pagbabalik ni Odiseo sa Ithaca

Sa pagdaong ni Odiseo sa Ithaca, tinulunga siya ng diyosang Atena upang makapagpanggap bilang isang pulubi. Narating ni Odiseo

angdampa ng nag-aalaga ng baboy na si Eumaeus, ang isa sa mga nalalabing kakampi ni Odiseo. Dito rin sa pamamahay ng

magbababoy nakasalamuha ni Odiseo ang anak na lalaking si Telemaco. Magkatulong nilang pinaghandaan ang pagpaslang sa mga

manliligaw ni Penelope. Sa paglitaw ni Odiseo sa kaniyang sariling tahanan, tanging ang kaniyang asong si Argus at ang isang taong

nagngangalangEurycleia ang nakamukha kay Odiseo. Sa katuwaan sa pagkakakilala kay Odiseo, bumagsak nang walang buhay ang

asong si Argus, dahil ito sa labis na katuwaan nang makita ang among si Odiseo. Nakilala naman ni Eurycleia si Odiseo nang hugasan

Page 25: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

nito ang kaniyang paa, nagpapanggap pa noon si Odiseo bilang isang pulubi. Natiyak ni Eurycleia, dating tagapag-alaga ng sanggol

pang si Odiseo, ang katauhan ni Odiseo sa pamamagitan ng balat sa paa nang binubuhasan nito ng tubig ang paa ni Odiseong

nagkukuwaring pulubi.[2][6]

[baguhin]Salaysay ukol kay Penelope

Ang pakikipagsagupaan ni Odiseo sa mga manliligaw ni Penelope.

Ipinahayag ni Penelope na pakakasalan niya ang sinuman sa kaniyang manliligaw na makagagamit ng sandatang pana ni Odiseo,

ngunit walang nagtagumpay sa mga ito. Habang nagpapanggap pa rin bilang isang pulubi, sinabi ni Odiseong ibig niyang sumubok na

gamitin ang naturang pana. Pagkaraang magtagumpay, pinagpapaslang ni Odiseo sa pamamagitan ng pana at mga palaso ang mga

manliligaw ni Penelope. Tinulungan siya ng anak na si Telemaco, at ng isa pang may malasakit na tauhan, sa pakikipaglabang ito.

Ibinunyag ni Odiseo kay Penelope kung sino siyang talaga, subalit hindi ito maniwala. Napatunayan ni Odiseong siya ang nawawala

nitong asawa, sa pamamagitan ng pagpapaalala at paglalarawan ng ginawa ni Odiseo sa kanilang higaang mag-asawa, isang kamang

may isang haliging nagmula sa isang tumutubong puno. Isa itong lihim na tanging sin Odiseo at Penelope lamang ang nakakaalam.[2][6]

Noong wala pa si Odiseo, nakapangako na rin si Penelope sa mga dating nabubuhay pang mga manliligaw niya na makikipag-isang

dibdib siya sa isa sa mga ito kapag natapos na ni Penelope ang kaniyang gawain sa pananahi. Subalit palagian niyang nalilinlang ang

kaniyang mga manliligaw sa pamamagitan ng pagtatastas na muli ng mga natatapos niyang tahiin tuwing gabi. Pagsapit muli ng

umaga, maipapakita niyang hindi pa tapos ang kaniyang mga tinatahi, kaya't hindi pa siya makakapili ng mapapakasalan mula sa mga

makukulit na mga manliligaw.[2][6]

[baguhin]Pagwawakas at pahimakas

Kapagdaka, noong sumapit ang kinabukasan, nagsidating ang mga mag-anak ng mga manunuyong napaslang ni Odiseo upang

makapaghiganti, sapagkat dalawang salinlahi ng mga kalalakihan ng Ithaca ang nawalan ng buhay dahil kay Odiseo. Subalit napigil

sila ng diyosang si Atena. Pagkaraan nito, sa utos ng diyos na si Zeus,muling nagkaroon ng kapayapaan sa Ithaca. Dito nagtatapos

angOdisea.[2][6]

MahabharataMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bahagi ng serye ukol sa

Mga kasulatang Hindu

Page 26: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Mga Veda

Rigveda · Yajurveda ·Samaveda · Atharvaveda

Mga kahatian

Samhita · Brahmana ·Aranyaka · Upanishad

Mga Upanishad

Aitareya · Brihadaranyaka ·Isha · Taittiriya · Chandogya ·Kena · Mundaka · Mandukya ·Katha · Prashna ·Shvetashvatar

a

Vedanga

Shiksha · Chandas ·Vyakarana · Nirukta · Jyotisha ·Kalpa

Mahakavya   (mga epika)

Mahabharata · Ramayana

Iba pang mga kasulatan

Smriti · Śruti · Bhagavad

Gita ·Purana · Agama · Darshana ·Pancharatra · Tantra ·Akilathirattu · Sūtra · Stotra ·Dharmashastra · Divya

Prabandha · Tevaram ·Ramacharitamanas ·Shikshapatri · Vachanamrut ·Ananda Sutram

This box: view · talk · edit

An Mahabharata[1] o Mahābhārata, ang dakilang Bharata ("Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata," mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang

pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod saRamayana. Tinipon sa sinaunang India ang Mahabharata. Pinaniniwalaang si Vyasa, isang rishi o taongpaham, ang

kumatha ng akdang ito. Nilalahad ng alamat na isinulat ito ng diyos na si Ganesh habang dinikta o sinambit naman ito ni Vyasa. Sinasabing ang Mahabharata ang

pinakamahabang akda sa uri nito sa buong mundo. Naglalaman ang akda ng may 110,000 mga taludturan na may 18 mga bahagi. Mayroon ding isang itinuturing na ika-19

bahaging tinatawag na Harivamsha. Bahagi ng Mahabharata ang Bhagavad Gita (oBhagavadgita), isang diyalogo o pag-uusap sa pagitan nina Krishna at Arjuna.

Mga nilalaman

  [itago] 

1   Kahalagahan at

layunin

2   Kasaysayan

3   Mga bahagi at mga

paksa

4   Mga sanggunian

Page 27: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

5   Mga kawing

panlabas

[baguhin]Kahalagahan at layunin

Isinulat ang tulang epikong ito na may layuning parangalan ang mga bayani nang maganap ang paglusob ng mga Aryano (mga Aryan) sa India. Halos kapantay ng mga diyos

ang mga maalamat na mga bayaning ito.[1]

[baguhin]Kasaysayan

Ang Digmaan ng Kurukshetra saMahabharata.

Itinuro ni Vyasa ang epikong ito sa kaniyang anak na lalaking si Suka at sa kaniya ring mga mag-aaral, ang mga Vaisampayana at sa iba pa. Nagsagawa ng dakilang pag-

aalay, ang yagna, ang Haring Janamejaya, na anak na lalaki ni Parikshit, kasama ang apong lalaki ng mga bayani ng epiko. Muling nilahad ni Vaisampayana ang epiko kay

Janamejaya, ayon sa mungkahi ni Vyasa. Sa kalaunan, may isa pang paham - si Suta - na muling naglahad ng Mahabharata kay Janamejaya, kay Saunaka rin, at sa iba pa,

habang idinaraos ang isang paghahaing pang-alay na isinagawa ni Saunaka sa Naimisaranya, isang pook na malapit sa Sitapur sa Uttar Pradesh.

[baguhin]Mga bahagi at mga paksa

Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi nito. Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto

ng Hinduismo, mitolohiyang Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag na Harvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga

pananalita hinggil sa labinwalong mga bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvano mga parva - mga aklat - ang mga bahaging ito. Nakatala sa

ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:

Isang pangyayaring may pagsusuyuan saMahabharata, sa pagitan nina Ravi Varma-Shantanu at Satyavati.

Parva (Aklat) Pamagat Mga nilalaman

1 Adi-parva Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga prinsipe.

2 Sabha-parvaBuhay sa korte, ang larong betu-beto o dais [2] , at pagpapalayas sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at korte (ang sabha), at Indraprastha.

3 Aranyaka-parva (o Labindalawang taong pagtigil (na hindi nakababalik pagkaraang mapaalis)

Page 28: Akdang Nakaimpluwensya Sa Mundo

Vanaparva, Aranyaparva) sa gubat (sa aranya).

4 Virata-parva Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil sa korte ng Virata.

5 Udyoga-parva Mga paghahanda para sa digmaan.

6 Bhishma-parva Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na komandante ng mga Kaurava si Bhishma.

7 Drona-parva Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.

8 Karna-parva Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.

9 Shalya-parva Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante.

10 Sauptika-parva Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng mga nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang natutulog (Sauptika).

11 Stri-parva Ipinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga kababaihan (mga stri) ang mga yumao.

12 Shanti-parva Ang pagpuputong ng korona kay Yudhisthira, at ang mga utos sa kaniya mula kay Bhishma

13 Anusasana-parva Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma.

14 Ashvamedhika-parva Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa ni Yudhisthira.

15 Ashramavasika-parva Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.

16 Mausala-parva Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na may gamit na mga pamalo[2] (mga mausala).

17 Mahaprasthanika-parva Unang bahagi ng daan patungong kamatayan (mahaprasthana, "dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid niyang lalaki

18 Svargarohana-parva Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa (svarga).

19 Harivamsha Buhay ni Krishna.